San Lazarus Series #6: Onerou...

By LadyLonelySadness

2.4K 375 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... More

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER III: NIGHT CHANGES
CHAPTER IV: FOR YOU
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VI: REASON
CHAPTER VII: TIRED
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER IX: SCARED
CHAPTER X: SPECIAL
CHAPTER XI: JEALOUSY
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVII: GOALS
CHAPTER XVIII: FEELINGS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XX: REGRETS
CHAPTER XXI: PHYSICAL
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIII: FAMILY
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXIX: OFF
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS
EPILOGUE

CHAPTER XV: NAMES

37 5 0
By LadyLonelySadness

🍛🍛🍛

Ginawa nya ang iniisip at crochet ang pinagkaabalahan nya sa sumunod na mga araw bagay na ikinatutuwa naman ni Alicia dahil ito ang pinagsusukat nya sa tuwing ka-size nito ang order sa kanya, ginawan na rin nya ito ng sarili at talagang tuwang-tuwa ang bata na kung maaari lang ay palagi nitong susuotin iyon pero dahil ilang beses ng sinaway ng kuya nya ay itinabi na lang ng bata dahil panlakad nya raw iyon.

"Andyan ka na pala," naalimpungatan na sabi nya ng imulat nya ang mga mata at nakita nya si Jackson na nililigpit ang nakatulugan nyang ginagawa ni hindi pa nga ito nakapagpapalit ng suot.

Ngumiti ito saka naupo sa tabi nya. "Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Ayos naman ako, ikaw? Kumain ka na?"

"Hindi pa, sabayan mo ko?"

"Sure," sagot nya kaya inalalayan sya nitong bumangon, bumaba sya sa kama at lumabas sila ng kwarto. Imbis na sya ang maghain ay pinaupo na sya nito at ang binata na ang nag-asikasong maghain. "Di ka pa ba pagod?"

Muli itong ngumiti. "Pagod pero ayos naman ako."

Tinaasan nya ng kilay ang binata. "Anong meron at nakangiti ka?"

"Mamaya, kain muna tayo."

Nagdududa pa rin sya sa inaasal ni Jackson pero hinayaan na lang nya at pinagbigyan ang nais nito, syempre hindi sila tahimik na kumain dahil panay ang kwentuhan at asaran nilang dalawa, bagay na hindi naman nawawala sa tuwing magkasama sila.

"Ambilis naman?" Reklamo nya ng matapos itong maghugas ng pinagkainan nila habang nakapangalumbaba sya sa mesa at pinagmamasdan ang ginagawa nito.

"Kaunti lang naman 'yon e, tara na?" Aya nito kaya tumayo na sya at inalalayan naman sya agad ni Jackson na para bang ni hindi ito nakakaramdam ng pagod kahit pa halatang pagod na pagod ito, ni ayaw na nga nitong pakilusin sya kahit simpleng paghuhugas ay inaako nito bagay na kaya naman nyang gawin pero kapag magkasama sila ay mas gusto pa nitong akuin lahat ng gawain 'wag lang syang kumilos ng husto dahil baka mapa'no pa raw sya.

Pagpasok sa kwarto ay inalalayan sya nitong maupo sa kama saka nito kinuha ang bag, naupo ang binata sa tabi nya saka binuksan ang bag.

"Fatima," nakangiting sambit nito sa pangalan nya saka iniabot sa kanya ang puting sobre. "Nakuha ko na ang unang sahod ko."

Napangiti rin sya. "Congrats!" Kinunutan nya ng noo ang binata. "Bakit iniaabot mo sa akin?"

Kinuha nito ang kamay nya at ipinahawak na iyon sa kanya. "Ikaw ang magtabi nyan,"

"Itatabi ko?" Naguguluhang ulit nya.

"Fatima naman," alanganing ngumiti ito saka napahawak sa batok animo'y nahihiya sa kanya. "Syempre ipinatatabi ko sayo kasi ikaw ang magb-budget nyan, you know-" agad nyang tinakpan ang bibig ng binata, ramdam nyang nag-init ang mga pisngi nya sa gusto nitong sabihin sa kanya. Hindi na nito kailangang sabihin, gets na nya agad iyon at pakiramdam nya bigla syang nahiya sa binata.

Hinawakan ni Jackson ang kamay nya at inalis sa bibig nito saka tinawanan sya. "Ang cute mo fatima."

Sinimangutan nya ito. "Kailangan ba kasi talaga?"

"Of course, alangan namang umaalis ako tapos nasa akin ang pang-gastos nyong mag-ina."

Napairap sya. "Hindi ko alam kung mao-offend ako o ano."

"Sira, totoo naman kasi."

"May pera naman ako ah? Bakit-"

"-Fatima, lagi na lang tayong nauuwi sa paliwanagan." Bumuntonghininga si Jackson. "Huwag ka ng umangal, ikaw ng bahala dyan para pag-may gusto kang bilhin o may kailangan ka mabili mo agad."

"Pa'no ka?"

Napakunot ang noo ng binata. "Anong pa'no ako?"

"Pa'no panggastos mo?"

"Pagkain lang naman ang kailangan ko tsaka pang-gas, kaya na 'yon."

Saglit syang hindi umimik bago bumuntonghininga. "Okay, salamat." Nakahinga ng maluwag si Jackson kaya agad syang hinampas ni Faye. "Para saan 'yon?!"

Natatawang hinimas ng binata ang hinampas nya. "Para 'yon sa hindi mo na pagtatanong pa," pinisil ni Jackson ang pisngi nya. "Bakit kasi kailangan mo pang-tanungin at usisain e alam mo naman kung anong sinasabi ko, pinahihirapan mo pa kong magpaliwanag."

Sinimangutan nya ang binata. "Kasi sinisigurado ko, baka mamaya iba pala ang pagkakaintindi ko." Katwiran nya kahit pa ang totoo ay nagulat kasi sya at hindi makapaniwala sa ginagawa nito para sa kanya, hindi naman kasi sya sanay ng ganoon lalo na ang tungkol sa pera, hindi naman kasi sya nakaranas ng ganoon kay Vladimir dahil ito palagi ang humahawak ng lahat ng bagay at kung ano ang ibigay nito ay iyon lang, kaya naninibago sya.

"Lagi ka talagang may katwiran," napapailing na kumento ng binata saka tumayo na. "Papalit lang ako." Paalam nito sa kanya na tinanguan nya lang.

Inayos nya ang higaan nya maging ang higaan nito saka naupo at akmang mahihiga na ng maalala ang tungkol sa pera, kinuha nya 'yong sobre saka inilabas ang laman no'n at sinimulang bilangin sakto namang pumasok si Jackson na nakabihis na, pagkakita sa ginagawa nya ay napangiti ito.

"Magba-budget ka na?" Tanong nito.

"Iniisip ko pa kung saan-saan ba 'to kailangan." Sagot nya, agad syang napaangat ng tingin ng halikan nito ang pisngi nya.

"Thank you," nakangiting sambit nito na ikinakunot ng noo nya.

"Bakit?"

"Inayos mo 'yong higaan ko."

Napa-pout sya. "Akala ko naman kung ano, maliit na bagay."

"Still, thank you." Pilit nito saka nahiga na, napadaing pa ito ng ilapat ang katawan at maiunat ang mga braso pati binti dahilan para mapakunot ang noo ni Faye.

"Masakit ang katawan mo?"

"Medyo, baka dala lang ng pagod." Balewang sagot sa kanya kaya ibinalik na nya sa sobre ang pera at inilagay sa drawer, kinuha nya 'yong ointment at maingat na bumaba sa kama saka naupo sa tabi ni Jackson dahilan para mapabangon ang binata.

"Ba't bumangon ka pa? Mahiga ka."

Kumunot ang noo nito. "Bakit?"

"Nagtatanong ka pa, sabi mo masakit ang katawan mo edi hihilutin." Ismid nya.

"Hihilutin mo ko?" Di makapaniwalang tanong ni Jackson.

"Ay hindi, sisipain kita para mas lumala 'yang sakit na nararamdaman mo." Sarcastic na sagot nya saka napairap.

Napapailing na bahagyang natawa na lang si Jackson. "Ayos lang ako, Fatima."

Napakunot ang noo nya. "Anong ayos? E sabi mo medyo masakit nga."

"Medyo lang naman pero kaya ko pa."

Nagsalubong ang mga kilay nya. "Naiilang ka ba sa akin?"

Mabilis na umiling ang binata. "Hindi gano'n."

"E ano?"

"Ayos lang nga ako, promise."

Tiningnan nya ng masama ang binata. "Jackstone, seryoso ako."

"Ako din, Fatima seryoso din ako na ayos lang talaga." Hindi sya umimik kaya napabuntonghininga si Jackson at inalis ang suot na shirt, napapikit sya dahil sa ginawa nito. "Ayan, tapos pipikit-pikit."

Iminulat nya ang mga mata at pilit nilakasan ang loob, agad na napakunot ang noo nya ng may mapansin sa dibdib ng binata. Lumapit sya at wala sa sariling tiningnang maigi nya iyon, familiar sa kanya ang nakalagay. Nakita na nya iyon noon, ngunit saan nga ba?

Abala sya sa pag-alala ng marinig ang pagsaltak ni Jackson kaya napaangat sya ng tingin. "Ayoko sanang makita mo pero makulit ka e."

"Nagpa-tattoo ka?" Tumango ang binata at idinampi nya ang daliri nya sa mga iyon saka lang sya natauhan. "Morse code, di ba?"

"Yup, the same code we always used way back then."

Nanlaki ang mga mata nya ng marinig iyon, naalala na nya kung saan nya nakita iyon! Sa mga sulatan nila noong bata pa sila, madalas silang gumamit ng ganoon para walang nakakabasa ng sulat nila. Si Jackson din ang mismong nagturo sa kanya ng bagay na iyon na nagsilbing sikreto nilang dalawa.

"Bakit...?" Mahinang tanong nya.

"I told you, I love you this much."

Napangiwi sya. "Kadiri ka naman, di pa naman nabubura 'yan."

"Hindi ko naman na kailangang ipabura pa tsaka wala naman din akong balak alisin."

"Pa'no pala kung iba ang pakakasalan mo? Gagawin mo pa kong kontrabida."

Bahagyang natawa si Jackson. "Mabuti na lang at ikaw ang pakakasalan ko."

"Kelan pa 'yan?"

"Last year."

"Bago pa lang pala, pwede pang ipabura."

"Ba't ko naman buburahin? Maganda naman syang tingnan."

Napairap si Faye. "Malamang pangalan ko 'yan kaya maganda."

"Sana hindi talaga mamana ng magiging anak natin 'yang yabang mo, paniguradong sasakit ang ulo ko kung dalawa na kayong ganyan mangatwiran."

Mahina syang napatawa. "Mamanahin nito ang ganda ko syempre."

Napangiti naman si Jackson. "Oo naman." Pinisil nito ang pisngi nya. "I would definitely love to spoil my little fatima."

Piniksi nya ang kamay nito. "Ang hilig mong mamisil!" Reklamo nya.

Biglang rumehistro ang pag-aalala sa mukha nito. "Masakit ba? Sorry,"

Umiling sya. "Hindi naman pero mabubugbog na ang pisngi ko kapipisil mo," nakasimangot na sagot nya.

"Ang cute mo kasi,"

Kinurot nya ang binata. "Binobola mo lang ako e!"

"Hindi ah," painosenteng tanggi nito. "Nagsasabi ako ng totoo, ang cute mo kaya lalo na ngayong para kang may malaking bola sa tyan."

Napairap sya. "Tigilan mo nga ako, dumapa ka na ng mahilot na kita bago pa magbago ang isip ko."

"Magbabago pa ang isip mo e nakita mo na ang tinatago ko."

"Tago-tago ka pa, malalaman ko rin naman pagtagal."

"Omyghad fatima, don't tell me-"

"-manahimik ka, sasapakin kita isa pang hirit mo." Banta nya na tinawanan lang ng binata saka dumapa na, nagsimula na syang hilutin ang likod nito at napapadaing na lang ang binata.

"Tapakan mo kaya ang likod ko, Fatima?" Suhestyon nito.

"Baliw ka ba? Sa bigat ko ngayon paniguradong bukas ililibing ka na pagtinapakan ko ang likod mo."

"Sabi ko nga 'wag na, intayin ko na lang lumabas si baby tapos sya na lang patatapakin ko masyado kang sadista."

"Gusto mong dagdagan ko 'yang sakit na nararamdaman mo?"

"Kung saan ka sasaya, fatima." Balewalang sagot nito.

Matapos sa likod ay tumihaya ito kaya ang braso naman ang hinilot nya, paglipat ng kamay nya sa kaliwang braso ng binata ay tumagilid ito paharap sa kanya saka hinawakan ang likod nya. "Hindi pa ba sumasakit ang likod mo?"

Umiling sya. "Nakakahiga na ako ng kumportable kaya di na masyadong sumasakit ang likod ko."

"Nakakaramdam ka ng pangangalay?"

"Minsan pero nawawala rin naman."

"Nakakapagpahinga ka naman ng maayos?"

Napasimangot sya. "Jackstone ang mga tanong mo parang tanga."

"Pasensya na, gusto ko lang malaman hindi kasi ako mapanatag kapag malayo ako."

Napahinto sya at tiningnan ang binata. "Bakit naman?"

Nagkibit-balikat si Jackson. "Masyado lang siguro akong nag-aalala lalo na't kayo lang ni Alicia ang naiiwan dito."

"May numero naman ako sayo bakit kasi hindi ka tumawag man lang?"

Umiling ito. "Kalabisan na iyon, ayoko rin namang maabala ka."

"Jackson, ayos lang naman kaysa hindi ka mapanatag kahit pa wala ka namang dapat ipag-alala."

"Nag-o-over react lang siguro ako, huwag mo na lang intindihin."

Sya naman ang umiling sa pagkakataong iyon. "Hindi ka naman nag-o-over react," huminto na sya, nag-lean sya at hinalikan sa pisngi ang binata na agad na umalalay sa kanya. "Thank you," sambit nya.

"Para saan?"

"Kasi nag-aalala ka sakin," sagot nya, di alintana ang lapit nila sa isa't-isa. "Doon pa lang sa parteng aakuin mo ang anak ko ay sobra-sobra na para sa akin, maging ang pakasalan ako ay labis na tapos lagi mo pa akong inaalagaan, iniintindi at inaalala. Hindi ko man deserve ang lahat ng ito pero salamat, maraming salamat." Naiiyak na sabi nya saka yumakap sa leeg ng binata.

Marahang hinagot ni Jackson ang likod nya. "Umiiyak ka na naman," puna nito.

"Sorry, napaka-emotional ko lagi."

"Ayos lang 'yan," bahagya na syang humiwalay, pinunasan ng binata ang mga luha nya sa mata. "Kumakain ka naman na ng maayos hindi ba?"

Tumango sya. "Pati 'yong mga prutas na dala mo, nikakain ko." Parang batang sagot nya na ikinangiti na lang ni Jackson, sanay naman na kasi ang binata sa kanya at sa ugali nya, kilalang-kilala sya nito.

"Kumakain ka ng gulay?" Usisa nito.

Ngumiti sya ng matamis. "Konti lang,"

Pinisil ni Jackson ang ilong nya. "Ikaw talaga, dapat sinasanay mo na ang sarili mo dahil kailangan mong magpalakas, hindi biro ang panganganak."

Napa-pout sya. "Tinatakot mo ba ako?"

"Nagsasabi lang ako ng katotohanan, saan mo pala gustong manganak?"

"Kayanin ko kayang bumiyahe kapag lalabas na?"

"Depende sayo,"

"Naisip ko din, sa kumadrona na lang siguro para di rin masyadong magastos."

"Fatima huwag mong intindihin ang gastos, ang importante safe mong mailabas si baby tsaka safe ka."

"Ngayong napag-usapan natin 'to, anong ipapangalan natin sa kanya?"

"Wala ka pang naiisip?"

Tumango sya. "Pwede bang ikaw ang magpangalan?"

"Hmmm, kailangan maganda ang pangalan nya."

"Oo naman, ayusin mo mag-isip kung hindi pangangalanan ko ng ogie cockroach 'to."

Napatawa si Jackson. "Maawa ka naman sa baby natin, baka mamaya makita mo na lang friends na sila ng mga ipis."

"Ewww," sambit nya na tinawanan ng binata.

"Mabuti pa, matulog ka na fatima. Bukas na natin ulit pag-usapan 'to, iisipin ko munang maigi."

"Okay," sang-ayon nya saka bumalik sa pagkakayakap sa leeg ng binata at pumikit, naramdaman nyang binuhat sya ni Jackson at inilapag sa kama, bumitaw sya at nahiga ng maayos.

🍛🍛🍛

"Fatima!" Rinig nyang tawag ni Jackson mula sa labas kaya napahinto sya sa ginagawa, di nagtagal ay nakita nyang nagmamadali ang binata na makalapit sa kanya, naupo agad ito sa harap nya na ikinakunot ng noo nya.

"Anong meron? Bakit?" Takang tanong nya.

Ngumiti ang binata. "Bukod sa binilhan kita ng paborito mong siopao, may naisip na kong pangalan ng baby natin!" Masayang sagot nito na sinimangutan nya.

"Akala ko naman kung napano ka," kinuha nya ang bitbit nito at inilabas ang siopao na binili para sa kanya.

Napakunot din ang noo ng binata. "Bakit parang hindi ka na interesado?"

"Interesado ako, sadyang wrong timing ka lang. Naiinis ako e."

"Bakit naman? May problema ka?"

Kinuha nya 'yong ginagawang crochet at ipinakita ang design na gagayahin nya. "Ilang oras na pero di ko pa din alam kung pa'no ko gagawin."

"Ito lang pala," ibinaba ni Jackson ang bag saka humarap ng upo kay Faye at itinuro nito kung paano mas madaling umipisahan iyon at ng maintindihan ni Faye ay agad sya nitong nginitian.

"Ang galing mo talaga, salamat." Kinuha ni Faye ang ginawa nya saka ibinigay sa kanya ang siopao na malapit na nitong maubos. "Ikaw na umubos." Sambit nito kaya't hinayaan na lang nya, ganoon lagi ang nangyayari kapag kumakain si Faye, ipinapakain nito sa kanya ang tira nito o di kaya ay ibinibigay sa kanya kapag ayaw na nitong kainin o ubusin.

Patulog na sila ng maingat na bumaling ito sa kanya saka sinilip sya. "Ano nga pa lang naisip mong pangalan kay baby?" Rinig nyang tanong nito.

"Ayos lang ba kung nakasunod sa first letter ng pangalan ko?" Nag-iingat na tanong ni Jackson.

"Actually, nalimutan ko ngang sabihin sayo na ganoon sana ang gusto ko buti na lang naisip mo." Sagot ni Faye saka nag-thumbs up. "So anong naisip mo?"

"Jaizelle Jaire, kapag babae. Okay ba?"

"Jaizelle Jaire.." ulit ni Faye. "Jainizelle Janire, tapos pronounce as dya-ni-sel dya-nay-re?"

Napangiti si Jackson. "You nailed it, Fatima."

"How about pag-lalake?"

"Vladimir?" Di siguradong sagot ni Jackson at napadaing na lang sya ng humampas ang unan sa mukha nya.

"Nang-aasar ka ba?!" Galit na tanong ni Faye sa kanya.

"Biro lang?"

Inirapan sya ni Faye. "Nakakatawa ka," mataray na sabi nito.

"Sorry," napasaltak sya. "Jayson-"

"-Jackson,"

"Po?"

"I mean, it'll be Jackson."

Nagulat si Jackson at napaawang ang labi, napabangon ang binata. "B-bakit?"

Tinaasan sya ng kilay ni Faye. "Anong bakit? Dapat lang naman isunod sya sayo kung sakaling boy si baby."

"Bakit sa akin?"

"Ba't sino bang tatay nito?" Napadaing sa inis si Faye. "Nakakainis na ah, andami mong tanong."

"Fatima..."

"Ano?" Tiningnan nya si Jackson. "Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong nya, paano'y parang gulat na gulat ang binata.

"Sigurado ka ba? Isusunod mo sya sa akin?"

"Ayaw mo? Edi 'wag," ismid nya.

"I mean, why?" Lumapit sa kanya si Jackson kaya napairap sya. "Hindi naman kailangan-"

"-Jackson, bakit kailangan pa nating lumayo? Ganoon naman talaga di ba?"

"Ayos lang naman kung hindi, Fatima." Kontra nya.

"Basta, buo na ang desisyon ko. He'll name after you, he'll be Jackson Jr. If not, 'wag ng pangalanan."

"Pero kasi...Fatima..."

Marahang hinawakan ni Faye ang pisngi nya. "Huwag mo na kong kontrahin Jackstone, hindi ko naman sya ipapangalan sayo para maging kabayaran ng lahat ng ginagawa mo para sa amin. Ipapangalan ko sya sayo kasi naisip ko na kung magkakaroon ka ng unang anak tapos lalake pa, kailangan nakasunod iyon sayo, sa pangalan mo dahil deserve mo 'yon. I know it'll be nice for you to have a son na kapangalan mo mismo."

Hinawakan ni Jackson ang kamay nya. "Salamat, Fatima."

Ngumiti si Faye. "Wala 'yon, I know you'll be a gread dad for sure." Sambit nya.

"Thank you," hinalikan ni Jackson sa noo si Faye. "Thank you for trusting me this much." Madamdaming sabi ng binata.

Natulog sila ng gabing iyon na hawak ni Jackson ang kamay ni Faye, nakangiti syang pumikit dahil pakiramdam nya mas lalong dumoble ang excitement na nararamdaman nya. Excited na nga syang masilayan ang bata at mahawakan ito pero mas lalong dumoble ang excitement sa kaalamang maaaring isunod sa pangalan nya ang bata kapag lalake ito. Ang pakasalan si Faye ay ikinasasaya na ng puso nya ngunit ang magkaroon ng ganitong koneksyon sa anak ng minamahal na dalaga ay mas lalong nagpasaya sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 114K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
1.1M 27.7K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
18.1M 480K 41
After being involved with a cold-hearted mafia boss, Robyn Lehman decides its time to run. Little did she know, she was carrying the future heir to h...
3.2M 186K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...