Cigarettes After Lipstick

By arannlc

441 97 129

Date Started: 01/10/24 Date Ended: 01/14/24 [PART 1] More

Epigraph
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 3

32 12 24
By arannlc

SABI NGA NILA, Life is not all about rainbows and unicorns.

Pero bakit naman parang ginagago si Daniella dahil sa neon colors containing pink, blue, green and other colors na included sa rainbow tapos sa bar pa?

Parang sinusubukan kang hanapan ng lugar pero hanggang sa boundary lang ng mga hindi mo afford tawirin. May chansa ka pero may limitation kaya ang ending, kailangan nyang tanggapin na hindi lahat pinagbibigyan ng tadhana.

“Daniella, ikaw yung mag-serve sa table nina Sir Santi. Ikaw yung nire-request nya," bungad ni Callie habang nasa counter sya't nagpupunas ng mga drinks.

"Dapat sinabi mong busy ako," naiirita nyang sinabi.

"Sinabi ko naman kaso nagpumilit pa rin. Ikaw daw talaga or hindi sya oorder."

Hindi lahat ng tumatambay sa bar na 'to puro mga matatanda. May mga bata rin, 'yon bang pinapatos ang PHP150 entrance fee ng bar na pinagtatrabahuhan ni Daniella para masabing cool kid sila?

At si Santi, si Daniella ang binabalik-balikan nyan. Ang dinig ni Daniella, nasa third year college na 'yon. 'Langya, seventeen palang si Daniella. Ayos lang ba sya?

Binagsak ni Daniella ang pamunas sa island counter at lumabas sa booth para puntahan si Santi. Na nang maabutan nya sa lamesa nila ay malawak ang ngiti kasi dumating sya. Naging dahilan 'yon para magsigawan ang mga kasamahan nitong lalaki sa lamesa nila, binoboost ang overconfident na si Santi.

"Bilib na ko sayo, man."

"What Santi wants, Santi gets."

Sa loob-loob ni Daniella, gusto na nyang sapakin ang nguso ng mga lalaking kung mag-usap parang wala sya sa harapan nila. Pero dahil ayaw nyang mawalan ng trabaho, kinalma nya ang sarili nya.

"What's your order, Sir?" madiin ang bawat salita ni Daniella.

Sumipol ang isang kasamahan ni Santi. "Sexy mo pala mag-english, Miss. No doubt our friend here likes you."

Umirap si Daniella dahil doon. "Pasensyahan pero hindi ko type yang kaibigan ninyo."

Dahil doon, humagalpak ang mga kaibigan ni Santi. At nang lumipad ang tingin nya sa lalaki, mukhang napahiya ito. Pero para maisalba ang sarili, tumayo sya mula sa pagkakaupo sa couch at tumabi kay Daniella. Aakbayan nya sana ang babae nang umiwas ito, leaving him dumbfounded.

"Ooooh!" reaksyon ng mga kaibigan ng lalaki. "Masakit 'yon, pre."

Tumalikod si Santi sa mga kaibigan nya at nag-lean nang kaunti kay Daniella para bumulong, "Don't test my patience, Daniella. Alam kong nagpapakipot ka lang dahil tipo kita. Pero pag napuno ako sayo, hindi ako nagdadalawang isip na ipasipa ka sa trabahong 'to."

Nag-smirk si Daniella at tinitigan sa mga mata si Santi. "Bakit? Ikaw ba ang may-ari nito?"

Hindi na nakapagpigil si Santi at hinapit ang dalaga para sana halikan nang malakas na dumampi sa kanyang pisngi ang palad ni Daniella.

Nagkaroon ng katahimikan sa table na iyon nang sumigaw si Santi. "Fuck you, bitch!"

Sa mga sandaling 'yon ay nanginginig na rin sa galit si Daniella at sinagot na sya, "Putangina mo naman! Hindi kasama sa trabaho ko ang maging bayaring babae mo! Mandiri ka naman sa gusto mong biktimahin!"

Tinanggal ni Daniella ang mala-apron na ginagamit nila at hinampas iyon sa mukha ni Santi. Walang nakapagsalita sa mga kasama nya sa table at tila nalunod ito sa ingay ng paligid.

Pagtapos ay walang sali-salitang lumabas sya ng bar na 'yon. Naninikip ang dibdib nya. Alam naman nyang kahit ipaglaban nya ang sarili nya sa loob ng lugar na 'yon, walang kakampi sa kanya dahil mas nananaig ang judgement ng mga tao na pag nagtrabaho ka sa ganoong klaseng lugar ay maaaring kumakapit ka na lang talaga sa patalim.

Nanlalabo ang mga mata ni Daniella habang naglalakad sa gitna ng palengke. Samu't-saring ingay ng mga sasakyan, tindera, at mga customer ang maririnig nang makabangga sya ng tao.

"Sorry—"

"Daniella? Bakit ka umiiyak?"

Natigilan si Daniella at agad na nakilala si Drake. Ang linis at tino ng itsura nito sa suot nitong white polo at nakaayos pa ang buhok. Maaliwalas rin ang mukha kabaligtaran ng kanya na binagsakan ng langit at lupa.

"Pwede mo ba akong samahan?"

Naunang malito si Drake bago sya hindi nakapalag nang hilahin sya ni Daniella.

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong nito.

"May pera ka ba dyan? Wala na ako rito eh. Pahiram muna," iyon ang sagot ni Daniella.

Nang tumango si Drake ay tinuloy na lang nya ang planong mag-tricycle sila pauwi sa tenament. Masakit na kasi ang paa ni Daniella gawa ng sapatos na suot nya. Required kasing magsapatos na may takong sa trabaho nila kahit waitress lang naman sila.

"Wala ka bang pantakip? Ang iksi ng palda mo," nag-aalalang wika ni Drake.

Umiling si Daniella. "Naiwan ko sa bar."

"Bar? Anong ginagawa mo do'n?"

Sumeryoso ang mukha nya. "Doon ako nagtatrabaho...kanina. Pero ngayon, paniguradong tinanggal na ako doon dahil sa lecheng customer namin."

"Would you mind if I ask bakit sa bar?"

Nilingon sya ni Daniella at nakita nya ang senseridad sa pag-aalala nito dahil bukod sa tono ng pagsasalita nya ay malamlam rin ang mga mata nya.

"Ayokong sagutin."

Mababaw lang naman ang dahilan kung bakit sya nagtatrabaho sa bar. At iyon ay dahil wala na syang magulang. Hindi nya alam kung paano tutustusan ang sarili nya at nakapasok lang naman sya dahil sa kapitbahay nilang dating bugaw sa tenament na ngayon angat na sa buhay. Kaya kahit sya, hindi nya malaman kung bakit ayaw nyang sabihin kay Drake iyon.

Nang makarating sila sa tenament ay si Drake nga ang nagbayad.

"May pera ka pa dyan? Pahiram muna ulit," sabi ni Daniella.

Inabutan naman sya ni Drake ng PHP500 at para syang nanliit. Halata namang mayaman si Drake. Hindi rin dapat sya sumasama sa mga katulad nyang pwedeng maging bad influence sa buhay ng binata. Pero heto siya't inutangan pa ang lalaki.

Pumunta sila sa tindahan ni Aling Beth at mukhang nagulat ang babae nang makita si Drake.

"Boyfriend mo, Daniella?"

"Hindi. Wag muna maraming tanong. Bibili ako." Tapos, binili na nya yung mga kailangan nya.

Alak, pagkain, sigarilyo, at softdrinks para kay Drake. Dumiretso na agad sila pagkatapos sa apartment nya.

Walang nagsasalita sa kanilang dalawa nang makarating sila sa apartment nya. "Pasensya na, makalat. Hindi pa kasi ako nakapaglinis. Dyan ka muna, kukuha lang ako ng plato para sa pagkain."

Maliit lang naman ang apartment ni Daniella. Pagbukas mo ng pinto, iyon na ang parang kwarto nya. Tapos, pinanood sya ni Drake na pumasok sa maliit nyang kusina. Walang masyadong gamit doon maliban sa mga lutuan nyang hindi naman ginagamit.

Pagbalik nya sa kung saan nya iniwan si Drake, tulala lang ito sa kawalan. Para tuloy syang na-guilty.

"Anong ginagawa mo sa palengke?" tanong nya at hinila ang maliit na lamesa na pinaglalagyan nya ng mga kakaunting make up na ginagamit sa trabaho. Kinuha nya iyon at pinatong sa kama.

"Nagsimba kami ng pamilya ko."

Shit. Problema yata to.

Natigilan si Daniella, hindi malaman ang gagawin. "Uhm..." Napasuklay sya ng buhok. "Gusto mo bang ihatid kita pabalik sa palengke?"

Maagap na umiling ang lalaki. "Ayos lang. Gusto rin kitang samahan..."

Tinitigan nya si Drake dahil mukhang ito pa ang nahihiya sa kanya.

Kinagat nya ang labi nya at sinimulang ipaghanda ng pagkain silang dalawa. "Kumain ka na ba?"

Umiling ito. "Pupuntahan ko sana yung carinderia na kinainan natin nung isang araw kasi nasarapan ako sa pagkain doon."

Napangiti sya at nag-lean kay Drake para guluhin ang buhok nito. "Ang bait mo talaga. Sige na, kain na. Sa susunod na magkita tayo, dadalhin kita ulit doon."

Parang natuwa naman ang lalaki dahil agad-agad itong kinuha ang kubyertos at nagsimulang kumain. Saglit nyang pinagmasdan muna si Drake bago sya napailing at nagsimula na ring kumain.

Nang matapos silang kumain ay niyaya ni Daniella si Drake na pumunta sa rooftop ng building ng apartment nila.

"Bakit ka umiiyak kanina?" basag ni Drake sa katahimikan.

Parehas lang silang nakatulala sa magandang view ng Santa Barbara.

Nakakaramdam na ng stress si Daniella dahil bumalik sa isipan nya ang nangyari kanina. Inilabas nya ang sigarilyo nya at sinindihan ito sabay hits.

"Nag-resign na 'ko sa bar."

Kahit hindi pa naman sya sigurado dahil hindi naman sya pormal na nagsabi sa may-ari nito. Pero sa nangyari ngayon? Paniguradong kumalat na 'yon.

Nagkaroon nang katahimikan sa pagitan nila. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, gumaan ang pakiramdam ni Daniella. Ito yung tipo ng katahimikan na kahit nagpupumiglas ang demonyo sa utak nya — hindi sila makapalag.

"Hindi ka ba nandidiri sa lasa ng sigarilyo?" pag-iiba ng tanong ni Drake.

Umiling si Daniella, nakampante dahil nalihis na ang usapan. "Hmm...hindi."

"Ano bang lasa? Parang sarap na sarap ka."

"Nakakaadik."

Tapos hindi na ulit nakapagsalita si Drake kaya nang tingnan nya ito ay tulala na pala ito sa kanya.

"Ano?"

Umiling ito. "Ang pula ng labi mo."

Natawa si Daniella pero sa loob-loob nya, para syang nilulunod ng mga salitang iyon.

Hindi nya alam kung bakit, pero...

"Gusto mong halikan?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 51.7K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
32M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
2.8M 103K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...