Cigarettes After Lipstick

By arannlc

434 97 129

Date Started: 01/10/24 Date Ended: 01/14/24 [PART 1] More

Epigraph
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 2

43 14 30
By arannlc

HINDI NAMAN GANOON ka-intense ang buhay nya. Sa katunayan, ayaw nyang mag-umaga dahil pinapatunayan lang sa kanya ng mundo na wala syang ambag maliban sa huminga.

At syempre, pumasok sya kahit wala naman syang kailangang patunayan. Hindi sya mangpa-plastic; ayaw nya sa eskwelahan dahil puro naman kasinungalingan ang lumalabas sa mga bibig nila.

Lagi silang nagsasalita para sa mga kabataan tungkol sa magiging estado ng kinabukasan nila. Natatawa tuloy sya pag naririnig n’ya yon, hindi naman kasi nya mahanap yung lugar na para sa kanilang walang magulang.

“Class dismissed.”

Tumayo si Daniella upuan nya’t nag-inat inat. May klase pa sya pagtapos nitong lunch. At ramdam na nya ang antok.

Agad lumapit sa kanya si Kaloy. “Saan ka kakain?”

Kinuha ni Daniella ang bag nya sabay naglakad para lampasan sana si Kaloy pero tinapik niya ito sa balikat sabay sabing, “Sa lugar na wala ka.” Ngumiti sya’t tuluyang lumampas.

Maraming pwedeng tambayan si Daniella sa eskwelahang ’yon. Pabor na rin sa kanyang ganto ang schedule ng pasok nya dahil naiirita sya sa mga estudyanteng feeling may-ari ng eskwelahan.

Dumukot sya ng lollipop sa bulsa ng palda nya saka nya binuksan at sinubo ito.

Nang mapatigil sya sa gitna ng hallway nang marinig nyang may tumutugtog ng Rivers Flow In You sa piano. Napaatras sya nang dalawang hakbang at sinilip ang isang classroom. Dahil glass window naman iyon, nakita nya ang salarin sa pagpapatigil sa kanyang maglakad.

Sinilip nya kung bukas ba ang pinto at nakita nyang may maliit na siwang ito kaya siguro nya narinig.

Dahan-dahan nyang binuksan ang pintuan, sinisigurong hindi maiistorbo ang pianista. Walang ibang tao sa classroom na 'yon kaya bakit nandito ang lalaking 'to?

At bakit ako nangingialam? Pakialam ko ba sa kanya? Tumugtog lang naman sya at naengganyo ako.

Sumandal si Daniella sa pader habang pinagmamasdan ang lalaking damang-dama ang bawat tono ng kanta. Napapapikit pa si Daniella dahil ramdam nyang para syang nilalamon ng bawat pagtipa ng lalaki sa piano keys.

Hanggang sa natapos ang kanta, nandoon pa rin sya. Pumalakpak pa nga habang napapailing.

“Ang galing mo!”

Para namang nagulat ang lalaki dahil nanlalaki ang mga mata nitong lumingon sa kanya. Ngunit natawa lang si Daniella at inayos na ang bag nyang nakasabit sa balikat nya.

“Salamat sa tugtog.” Sinaluduhan nya ang lalaki sabay naglakad na palabas.

Nag-iisip na sana si Daniella kung saan sya tatambay dahil wala naman syang pera para pang kain. Hindi sya nakautang kay Aling Beth. Nang may humila sa kanya.

“Sandali...”

Paglingon nya, iyon yung lalaking tumutugtog kanina lang. Halata sa mukha nito ang pagkalito. Nagtataka na siguro sa ginawa nyang pagsunod.

“Bakit?” walang abog na tanong ni Daniella.

Sabay baba ang tingin sa kamay ng lalaking hawak-hawak pa rin sya. Bumaba rin ang tingin nito sabay bitiw sa pagkakahawak sa kanya.

“Ano...”

Tumaas ang kilay ni Daniella. “Anong ano?”

Napakamot sa ulo ang lalaki. “Hindi ko rin alam ba’t kita sinundan...”

Nagkaroon nang katahimikan sa pagitan nilang dalawa nang biglang humagalpak ng tawa si Daniella. Walang humpay ang tawa nyang 'yon na kung may tao lang sa hallway na 'yon, baka akalain nilang nakatakas sya sa mental.

“Anong nakakatawa...?” wala sa sariling tanong ng lalaki.

“Sinasayang mo ang oras ko,” sagot ni Daniella sabay yumuko upang pulutin ang tumalsik na lollipop nya dahil sa pang-istorbo ng lalaking ’to. “Sinayang mo pa ang pagkain ko.”

“Kain tayo, my treat!” dire-diretso nyang sinabi.

“Hindi mo pa nga ako kilala, nanlilibre ka na?”

Nagkibit-balikat ang lalaki. Mukhang nahimasmasan na sa ginawa nyang katangahan. “Quits lang. Hindi mo rin ako kilala. Ano? Tara?”

Inaya sya ni Daniella sa carinderia na lagi nyang kinakainan tuwing pagtapos ng duty nya sa bar. Wala rin namang nagawa ang lalaki kundi sumunod kay Daniella nang pumasok ito sa carinderia.

“O, Daniella. Sino ’yang kasama mo? Boyfriend mo?” bungad sa kanya ng may-ari ng carinderia na si Tita Mary. Kahit hindi naman sila magkamag-anak, iyon ang gusto nyang itawag sa kanya ng mga customers nya.

Tumawa si Daniella. “May utang sakin, Tita. Magbabayad na raw.”

“Tita mo?” bulong sa kanya ng lalaki.

Mas lalong natawa si Daniella at umupo na sa napili nilang lamesa. “Hulaan mo.”

“Nako, huwag mo sabihing may mini-mekus mekus ka, Daniella, ha. Anong order nyo?”

Sinabi naman ni Daniella ang mga order nila kahit wala pang sinasabi ang lalaki.

Bahala sya. Sya ang nag-aya.

Nang makaalis si Tita Mary, nagsimula nang magtanong ang lalaki.

“Daniella pala pangalan mo?”

Nagkibit-balikat sya.

“Ikaw, anong pangalan mo?”

“Drake,” tipid na sagot ng lalaki.

“Drake—” ulit ni Daniella. “—parang dragon? O, ginawa mo lang ’yan kasi gusto mong parehas tayo ng first letter?”

Kumunot ang noo ng lalaki sabay tawa. Natawa na lang din si Daniella dahil sa biro nyang ’yon.

Tunog pang mayaman ang pangalan. Ayos na rin pang marami akong inorder.

“Lawak naman pala ng imagination mo,” ani Drake. “Anong ginagawa mo doon sa classroom kanina? Hindi kita naramdamang pumasok.”

Pumahalumbaba si Daniella at tinitigan ang buong mukha ni Drake. Medyo ilap ang hooded nitong mata. Mahahaba rin ang pilikmata. Makapal ang kilay. Matangos ang ilong at medyo pouty ang pinkish nitong labi. Depina rin ang panga nito na kung hahaplusin, pwedeng makasugat.

“Dalang-dala ka sa tinutugtog mo, hindi mo talaga mararamdaman. Na-curious lang ako kasi ang sarap sa tainga ng tinugtog mo,” pag-amin naman ni Daniella.

“Tumutugtog ka rin ba ng any instruments?”

Umiling si Daniella. “Hindi...pero tingin mo ba, magandang tunog ang umungol?” Pinakitaan nya pa si Drake ng lewd expression.

Napalingon agad ang lalaki sa paligid dahil baka may nanonood kaya hindi na naman nya mapigilan ang tumawa.

“Mr. Conscious ka pala,” asar ni Daniella.

“‘Wag gano’n. Mababawasan ako ng ligtas points sa langit,” sagot ni Drake.

Marami pa silang napag-usapan hanggang sa dumating ang mga pagkain nila. Nagkwento lang si Drake tungkol sa kaunting detalye ng rason kung bakit sya nasa classroom na ’yon. Habang nakikinig lang si Daniella.

Nang matapos silang kumain, lumabas agad sila ng carinderia ni Tita Mary. Naglakad-lakad sila sa kahabaan ng palengke.

“Bumalik ka na sa school. Baka hinahanap ka na ng magulang mo,” sabi ni Daniella.

Si Drake kasi pala, ililipat na raw ng magulang nya sa ibang school dahil binubully sya ng mga kaklase nya. Tipikal na high school shits: piniperahan sya. At kapag ayaw nya, hindi sya titigilan ng mga ito.

Ta's pumunta sya sa classroom na 'yon para maglabas nang hinanaing sa paraang pagpa-piano.

“Parang ayaw ko na ngang lumipat,” wika pa ni Drake habang tinititigan sya. “Para akong talunan kung pakikinggan.”

Tumigil sila sa isang waiting shed para makapagpahinga. Tapos naglabas si Daniella ng sigarilyo at sinindihan iyon sa harapan ni Drake.

“You smoke?” tanong pa ni Drake.

Nag-hits muna si Daniella bago sinagot ang tanong. “Oo.”

Hindi na nagpaliwanag pa si Daniella dahil alam nyang magsalita man sya o hindi, pwede pa ring may masabi sa kanyang hindi maganda si Drake.

“Cool!” wika nito. “Minsan, gusto kong magrebelde sa mga magulang ko. Madalas nilang hindi makita yung pinupunto ko eh.”

“At pagrerebelde yung paraan mo?” dahan-dahang lumabas ang usok sa bibig at ilong ni Daniella.

“Para sakin.”

Hindi alam ni Daniella kung anong pumasok sa isipan nya pero inabot nya kay Drake ang sigarilyong hinihithit nya ngayon lang.

“Subukan mo,” sabi pa nya.

May pag-aalangan ang mukha ng lalaki pero dahil na rin siguro sa kagustuhan nitong maramdaman ang pagrerebelde; sinubukan nga nya. Kaso pag-hits palang, umubo na sya.

Nilayo na agad ni Daniella ang sigarilyo kay Drake at hinulog ito sa semento sabay tinapakan para maupos.

“Hindi ka pwedeng magrebelde. Hindi bagay sa image mong good boy ang ginagawa namin.” Inabot ni Daniella ang ulo nito kahit na medyo may kataasan sa kanya sabay tapik dito. “Manatiling ka na lang na mabait para balanse pa rin ang mundo.”

Hindi na ulit nagsalita pa si Drake kaya naman tumalikod na si Daniella para umalis sa lugar na ’yon at nagtaas ng kamay sa ere bilang pagpapaalam sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

11.6M 472K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

98.1K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
437K 32.3K 7
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...