Chapter 11
Kasama ko ngayon si Denim sa isang store, may gagawin kasi kaming importante dalawa. Napag-usapan na rin naman namin na mag-papakain sa mga homeless na nasa labas.
Noong una inaaya kong sumama si Keiser, kaso may practice pa raw sila ng laro at pinagalitan siya ni Coach nila kasi lagi siyang wala. Valid naman.
Tinanong ko rin kung susunod na raw libre ba oras niya, sinabi niya na may part time modeling daw ulit siya. Kaya baka 'di kami makapag-sama ng dalawang araw.
Inaantay ako ni Denim sa labas ng room namin, nang nakita ko siya umalis na rin kami kaagad dalawa. Wala na rin akong klase kaya ngayon matutuloy lakad namin.
"Bakit 'di pumayag si Keiser na kasama mo?" Tanong ni Denim, habang palabas na kami ng gate ng school.
"May practice raw 'yon."
Habang nag-lalakad kami bumalik 'yong utak ko sa nangyari kahapon, ang bait-bait ni Keiser malambing siya, magaling siya sa lahat ng bagay. Pero 'di ko maiwasan husgahan magulang niya sa ginagawa sa kanya. Pero wala akong karapatan na mag sabi ng masama tungkol sa parents niya. Pero maling-mali sila.
Hindi naman investment 'yung anak nila, pero bakit kailangan nila gamitin para lang kumita ng pera. Pati kalayaan ni Keiser 'di nila binibigay.
"I missed him..."
"Gusto mo puntahan natin manliligaw mo?" Natatawa pang nang-aasar si Denim.
Nag lalakad kami sa may sidewalk, at wala talaga sa plano ko at niya 'yong gagawin namin. Bigla na lang kasi pumasok sa isip ko 'yong ganon bagay. Noong tinanong ko naman si Denim pumayag naman siya agad sa sinabi ko.
May natitira pa naman akong allowance at malaki-laki pa rin naman pera kong natira. Natatakot ako baka mapunta na naman sa luho pera ko. Mas mabuti pang mapunta na lang sa taong may kailangan pera ko— sa taong mga nagugutom.
"Kamusta pala 'yong pag papakilala sa 'yo sa magulang niya?"
"Paano nalaman?" Sagot ko kay Denim, wala naman ako na kwento sa kanya na ganito.
"Instinct lang, parang ngayon lang ata nag-pakilala si Keiser ng ganyan sa magulang niya, kilala naman kami non. Pero 'yong nililigawan niya ikaw pa lang."
"Edi swerte pala ako?"
"Sobra... Tsaka bilang tropa niya masaya na rin kami sa kanya kasi ngayon lang namin siya nakita na ganyan kasaya at excited makipag-kita sa 'yo." He uttered, inayos niya 'yong kwelyo niya. "Nagalit 'yan si Keiser sa 'kin noon, kasi diba parang medyo crush-crush kita. Muntik na ako sapakin n'yan kasi baka raw i-play time kita, crush nga lang e ang damot niya. Pero ngayon naiintindihan ko na siya. Seloso kasi 'yon."
Natawa na lang ako sa sinabi niya, excited pala siya makita ako. Halatang baliw na baliw sa 'kin ah.
"Tapos biglang nalaman mag-kasama tayo." Biro kong panakot sa kanya.
"Mabubura ako sa mundo, tangkad na tao n'yan manliligaw mo!" Balagbag na tumawa si Denim. "Tsaka sabi nga namin, kapag sinaktan ka niya sasaktan din namin siya."
Iniisip nila na sasaktan ako ni Keiser, pero ako nga 'tong natatakot na baka masaktan ko siya dahil mashado akong mabilis magalit— sumisigaw ako minsa kapag galit. Sensitive na tao si Keiser, pero paano kung ako pala makaka-sakit sa kanya diba.
"Gusto mo ba buhatin ko bag mo?" He offered, pero tumanggi ako sa gusto niya.
We went to the grocery store and also visited the market where Denim's grandma has a stall. We bought vegetables and meats. Si Denim ang may gusto mag-bitbit ng mga karne at ako naman sa gulay.
Umikot pa kami sa bilihin para mag hanap ng ibang pwedeng iluto, sinabi na rin ni Denim na iwan muna namin 'to sa bahay tapos balik kami sa supermarket kasi may nakalimutan kaming bilihin.
Kaya pag dating namin sa bahay, inilagay ko muna 'yong gulay at karne sa may ref, inayos ko rin sa mesa 'yong binili naming iba. Pag-tapos non at umalis din kami ka-agad.
Nag motor na lang kaming dalawa, isa pa walang dalang motor o sasakyan si Denim. Siya ang nag motor at ako nasa likod— sa likod ako naka hawak.
Marunong din siya mag motor, parehas sila ni Keiser, sa akin ng kaibigan ng suitor ko si Denim lang ang medyo naging close ko. Magaang siyang kasama at mabilis pakisamahan.
"Nasabi pa ni Keiser sa 'yo?" Tanong ni Denim, medyo mahina pagka-dinig ko dahil humahampas 'yong lakas ng hangin.
"Alin?"
"Tungkol sa past niya..." Pagka-rinig ko sa sinabi ni Keiser, napa-tanong ako ka-agad sa sarili ko.
Anong meron sa past niya? Hindi naman mahalaga sa akin kung anong meron doon sa past niya. Aantayin ko na lang siya mismo mag open ng topic tungkol doon sa bagay na tinutukoy ni Denim. Malaki tiwala ko kay Keiser.
May mga taong nag sisikreto tungkol sa past nila kasi takot sila mahusgahan o baka may trauma sila, maraming rason kaya hindi nila masabi o kwento sa taong mahal nila 'yong tungkol sa past nila— may iilan din nag sisinungaling. Ang mahal na mahal namin ang isa't-isa.
"Sasabihin niya rin 'yan, kapag handa na siya." Sabi ko.
Pag dating namin sa supermarket, kumuha ako agad ng cart. Inikot namin ni Denim 'yong buong supermarket at kumuha kami ng mga tupperware at spoon and fork. Nag lagay naman isa ng apat na box ng mga mineral water.
"Kaya mo ba tulungan kita?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya, baka bigla sumakit katawan niya dahil sa pag buhat nang pabigat.
Ako ang nag tutulak ng cart siya naman ang taga lagay nang mga binili namin dalawa. Maaayos din naman kasama si Denim, ewan ko lang kay Keiser kung bakit sinasabihan niya hindi nag papalit ng boxer tropa niya.
Seloso lang siguro 'yon. No choice na rin kasi ako wala akong ibang pwedeng kasama si Denim lang ako free time. Hindi naman pwede si Kadeus may sakit 'yon— baka lumalala pa sakit nun. Sila Serein at Fred naman nasa bahay nila Fred may ginagawa raw importante— baka bata. Tapos si Faith kung saan-saan nagpupunta.
Napadaan ka kami sa may mga strawberry, naalala ko noong una kaming mag-kasama bumili kami ng strawberry noon at nag-bake sa bahay nila.
Bumili rin ako ng ibang snacks at soju— para sa amin ni Keiser, may naisip kasi akong gagawin mamaya kasama siya. Halos trending 'yon sa tiktok kaya gagawin namin dalawa. Wala naman masama hindi sumabay sa trend— pero hindi niya pa alam kung ano plano ko. Sana pumayag siya sa akin.
"Iinom tayo?"
"Hindi ah... Kaming dalawa lang ni Keiser, may gagawin kaming trend dalawa."
"Anong trend 'yan? Hindi pa naman umiinom si Keiser." Nag aalalang sabi pa nito sa kaibigan niya, andito ako ako bahala sa suitor ko.
"One shot make up challenge, pero ang twist ako magma-make up sa kanya." Sabi ko rito, huminto kami sa may bilihan ng chuckie kaya kumuha ako ng dalawa at kumuha rin ako ng mogu-mogu na pink. "Ano sa tingin mo?"
"Under naman 'yan si Keiser, for sure papayag 'yan sa gusto mo."
Tinatawanan ko na lang siya habang nag kwento tungkol kay Keiser, pag dating namin sa Keiser. Ako na nag bayad nung mga binili namin dalawa, hindi naman mabigat pero kaya siguro 'to habang naka motor kami.
Pag labas namin ni Denim, niyaya ko muna siya pumunta sa katabi ng store, ililibre ko siya sa coffee shop na mukhang bagong bukas.
Noong una at tumatanggi pa siya, pero sa huli napa-payag ko rin naman siya kumain. Bibili kami ng drinks tapos lilipat din kami sa katabi ng coffeeshop sa may Jollibee.
We were still laughing as we walked into the coffee shop, natatawa ako kasi puro kalokohan ni Keiser naririnig ko sa kwento ni Denim. And then, I saw a whole tiramisu cake that caught my eye. Mas malaki 'tong cake na nakita ko ngayon, kumpara sa binibili namin lagi ni Keiser.
Hindi na ako nag dalawang isip pa— binili ko kaaagad 'yong cake, dahil isang piraso na rin naman 'to. Binili ko na baka maunahan pa ako ng iba. Naiisip ko na tuloy kung ano magiging reaksyon ni Keiser kapag nakita niya pasalubong ko.
Lalo na pagod siya sa practice nila, panigurado akong matutuwa siya sa regalo sa kanya.
Lumipat din kami sa Jollibee, inaantay ko siya sa may upuan at siya na raw ang oorder. Mabilis lang naman ako nag antay kay Denim. Pagtapos non ay dala niya na rin 'yong pagkain na order namin.
Nag kwentuhan kami about sa Lola niya at napunta 'yong kwento sa school namin hanggang sa laro nila Keiser. Nabalitaan ko rin na matagal na niya raw pinag-hahandaan 'yong laro kaso lagi nauusog schedule.
Nag hahandaan niya kasi alam niya raw na manonood ako, kaya mag-papakitang gilas siya sa akin. Yabang talaga porket matangkad lang.
Keiser:
Imissyou damn much po.
Keiser:
Iloveyou always po.
Naka ngiti akong naka-titig sa chat niya. Curious naman 'tong si Denim kung bakit ako naka ngiti. Meron sinend si Keiser na 6seconds na voice message kaya pinindot ko kaagad 'yon.
"Mwuaapss Mwuaapss Mwuaapss Mwuaapss Mwuaapss." Mas lalo akong natawa sa sinend niyang kiss sa akin, parang gusto ko gumulong bigla kasi nasa fastfood pa kami ng kaibigan niya.
Kasunod nung voice message, may sineng siyang picture na naka jersey siyang kulay yellow— ang daming jersey ahh. Naka ngiti siya sa may picture at naka peace ang kamay niya naka dikit pa ito sa kana mata niya. Ang pogi shet.
Alam kong abot langit ang ngiti ko ngayon, tahimik lang naman kumakain si Denim sa harap ko. Nag-tataka na siya siguro bakit ako naka ngiti o alam niya si Keiser dahilan?
Paano ba naman kasi, sinong 'di kikiligin kung sinendan ka ng picture niya naka jersey tapos may voice message pa siyang kiss para sa akin?
Azriel:
hi p, lods... may suprice aqou sau mmya xd.
Natatawa akong binabasa ang sinend kong chat sa kanya, hindi ko alam anong sumapi sa akin. Biglang trip ko lang mag ganon typings sa kanya.
Pag tapos namin kumain ni Denim, nag pahinga lang kami ulit saglit sa loob ng Jollibee, inubos niya pa kasi 'yong natirang drinks niya. Habang ako sinilip ko 'yong cake kung nasira ba.
Mag momotor kami mamaya, kaya nag iisip ako na baka masira 'yong na para kay Keiser. Mashado malubak pa naman ang daan dito sa amin. Baka masayang lang plano kong suprise kay Keiser.
Noong naubos na ni Denim 'yong inumin niya niyaya na niya ako umuwi, siya may dala nung ibang binili namin, habang ako hawak-hawak 'yong tiramisu cake.
"Babagalan ko na lang andar, tapos daan tayo sa iba para hindi malubak." Tumango naman ako sa sinabi ni Denim, may alam din kasi akong short cut dito pero bihira lang dinadaanan.
Mas mabilis din kaming makaka-uwi at makakaluto ng pagkain na ibibigay mamaya, para hindi na rin hassle sa oras. Kaya pumayag na akong sa short cut dumaan.
Halos 10 minutes lang ata kami sa daan ni Denim, nakarating din kami agad sa bahay. Inayos ko agad 'yong mga gagamitin ko sa pagluluto habang si Denim pinag pahinga ko muna sa sofa namin.
Naka-ikot lang ang tingin ni Denim sa bahay namin, alam ko naman na simple lang bahay namin pero maayos ito at malinis. Allergic ako sa dumi.
Nag paalam ako saglit na maliligo ako at mag papalit din nang damit, binigay ko sa 'yo wifi password namin. Nag shower lang ako pero sinigurado ko malinis ang katawan ko lalo na galing akong labas at magluluto pa ako.
Nag suot na lang muna ako ng short at sando, dahil mainit sa bahay namin, binuksan ko rin 'yong electric fan namin.
Wala pa rin 'yong aircon na papakabit ni Papa, kasama rin ako nag-iipon ng pera para doon. Tinapat ko kay Denim 'yong electric fan kasi mukhang init na init siya, kinuha ko naman 'yong electric fan ni Papa na isa at tinapat ko sa akin.
Noong mga nakaraan nasabi ko na rin kay Papa na, ibaba na lang aircon ko na nasa kwarto. Para hindi rin sayang ang pera namin sa gastusin sa bagong aircon at pagbayad sa kuryente.
Kahit nga ngayon naghihiwa ako, mga pinag-babalatan nung bawat at sibuyas tinapon ko agad tapos pinupunasan ko ulit mesa. Tapos mag huhugas na naman ako kamay.
Paulit-ulit kong ginagawa ko 'yon, natutunan ko kasi kay Papa 'yon na dapat daw malinis lagi 'yong pagkain na iluluto ko.
"Tulong ako." Nag lakad si Denim papunta sa 'kin, kinuha niya 'yong chopping board at nag hiwa nang ilan mga gulay.
Tinulugan din ako ni Denim mag saing ng bigas, habang ako hinuhugasan ko muna 'yong pag lalagyan ng kanin at ulam mamaya. Binigyan ko siya ng malinis at bagong pamunasan— siya nag papatuyo nung mga tupperware.
"Salamat."
"Baliw ayos lang, kusang loob ko naman tumulong sa ito." Aniya patuloy pa rin siya sa pag pupunasan nang mga tupperware.
"Thankyou pa rin, kasi baka may importante kang gagawin ngayon tapos na abala ko pala."
"Ayos lang..." He whispered.
Tahimik akong nagluluto habang si Denim nasa upuan lang siya, tingin nang tingin sa ginagawa ko. Inutusan ko siyang icheck 'yong sinaing— dahil baka kulang sa tubig. Nag approve naman siya sa akin ka luto na raw kaya pinag-pahinga ko muna siya sa sofa.
Pag tapos ko maluto 'yong ulam, pinalamig lang namin saglit, at tinulugan na niya mag lagay ng ulam at kanin sa tupperware.
Inaantay ko pa rin 'yong chat ni Keiser, pero wala akong natanggap kahit isa. Mag papasama pa naman sana ako sa kanya sa labas. Para may kasama kami Denim sa pag bibigay ng pagkain sa labas at sa mga bata.
"Paano natin 'yan mabubuhat?" Tanong ni Denim sa akin.
Busy ako nag-aayos ng mga pagkain, napa-isip din ako. Paano ba naman mabubuhat 'to kung sobrang dami namin dala-dala.
Hiniram na muna ni Denim 'yong Tricycle ng kaibigan niya na malapit sa amin, nag-taka nga ako bakit parang ang dami niyang kakilala at kaibigan dito sa amin na kahit saan pa na lugar.
Tinulungan niya ako ilagay sa loob 'yong mga tubig at pagkain na pabibigay namin, nasa loob din ako ng tricycle mag aalala sa box para hindi mahulog.
Nag simula kaming ikot-ikot ni Denim, para mag bigay ng mga pag-kain, kahit mainit 'di na ako nagreklamo sa kanya. Kung si Keiser 'yan talagang mag rereklamo at pababy ako.
Biglang nag vibrate 'yong phone ko kaya chineck ko 'yong notification ko, I saw Keiser's Instagram story notification and immediately tapped on it without hesitation.
May caption siya roon na. ‘Mas malaki 'tong akin, mas maganda rin katawan ko kesa sa kanya.’ I raised my eyebrow, anong meron sa kanya?
Paborito niya ba si Nick Jonas at palaging 'Jealous.' ang background music ng stories niya, naka topless siya picture at may towel sa balikat niya. Lowkey pinapakita katawan sa socmed, kainis dapat ako lang nakakakita non!
"'Yong water, Riel." Bigla akong bumalik sa reyalidad noong tinawag na ako ni Denim.
Lumuha ako sa loob nang tricycle, at mabilis na inabot sa kamay ni Denim. "Sorry."
Nilagay ko na sa bulsa ng pantalon ko 'yong cellphone ko,Bmarami pa kasi kami gagawin ni Denim, bigla kong naramdam iyong sobrang lakas na ring sa hita ko.
Keiser 2 missed calls.
Inis na inis pa akong tiningnan 'yong tumawag sa phone ko. Pero pag open ko pa lang ng phone ko bungad agad sa lockscreen pangalan niya.
Keiser:
Gusto kong kausapin si Kadeus.
Napa-angat ako ng kilay sa chat niya sa akin, mukha bang si Kadeus ako? Pwede naman siya dumiretso ron at mag tanong diba.
Mabilis akong nag-tipa nang screen ng cellphone ko at pinindot ko agad ang send.
Azriel:
Edi kausapin mo, 'di naman kami mag-kasama.
Bigla na lumabas init ng ulo ko na kanina ko pa pinipigilan, gusto ko na lang matapos itong ginagawa na namin bukod sa masakit na katawan ko nahihilo na ako sa sobrang init— at tirik ng araw.
Keiser:
I want anesthesia:<
Biglang naningkit ang mga mata ko dahil sa chat niya, hindi ko maintindihan sinasabi niya sa chat— saan niya gagamitin 'yon. Binasa ko ulit chat niya pero 'di ko pa rin maintindihan.
Keiser:
Para 'di ako makaramdam ng selos, para maging manhid ako :<
Azriel:
May kiss ka sa akin mamaya gusto mo? HAHAHAHAH.
Azriel:
Ready mo na labi mo, mamaga 'yan mamaya!
Pati ako ngiti nang ngiti habang nasa cellphone ko, naka tingin lang si Denim sa akin, kanina pa ako inaantay matapos mag phone.
Keiser:
I want more kisses, please ಥ_ಥ
Bigla akong napatawa ng malakas sa cute na parang emoji na kasama ng chat niya, halatang miss na miss labi ko.
Ilan beses kami nag iikot ni Denim sa baranggay namin, halos napunta na kami kung saan-saan kakabigay ng pagkain sa mga tao.
Nawawala rin ang pagod namin dahil sa mga batang naka ngiti at nag papasalamat sa amin dalawa. May mga iilan na batang yumakap pa sa akin ng matagal.
"Thankyou po, ngayon pa lang kami kakain." Narinig ko sabi nung bata, tatakbo na sana siya paalis ng tinawag ko ulit.
"Bata..." Sigaw ko, lumingon naman siya agad sa akin at bumalik sa kinatatayuan ko. "Ano pangalan mo?"
"Fab po, Ate."
"Hindi ako babae, baka iniisip mong babae ako." Natawa ako sa kanya, pero naalala ko 'yong dahilan bakit ko siya tinawag pabalik. "Sabi mo kanina hindi pa kayo kumakain? Sino ba mga kasama mo at ilan kayo?" Sunod na sunod na tanong ko sa bata.
Nakita ko siya kumamot ng ulo at naka tingin lang sa akin. "Hindi po ako marunong mag bilang, Ate." Natatawa siyang naka tingin sa akin
"Kuya kasi ako." Pilit ko sa kanya.
"Sa ganda mo pong 'yan, mukhang kang totoong babae. Tsaka ayos na po sa akin na tawagin kitang Ate."
"Sino ba mga kasama mo, Fab?" Tanong ko sa kanya.
Napakamot pa siya sa ulo niya habang nag iisip. "Si Mama, Papa, Adell, Ako, tapos may kambal po akong kapatid. Bakit niyo po natanong?" Naguguluhan siyang nag tatanong sa akin.
"Ilan taon na 'yong kambal?"
"Ang alam ko po 8 sila.
"Wait lang, Fab."
Mabilis ako pumunta sa gilid at tinawag si Denim inutusan ko siyang mag lagay ng limang tubig at pagkain, nilagay sa iyon sa plastic na matibay.
"Makinig ka, Fab, tig iisa kayo rito ahh bigay mo sa kapatid at magulang mo."
Naka-titig pa siya sa kamay ko, parang nag dadalawang isip kung tanggagapin niya ba ang alok ko. "Maraming salamat po, hindi na po kami mag hahati sa hawak kong 'to. Salamat Ate ganda."
"Bagay po kayo ni Kuya." Tinuro niya si Denim na nag aayos ng gamit sa gilid, ako lang nakarinig non dahil mahina ang kanyang boses.
"'Yong kaibigan niya ang gusto ko."
Nag paalam na siya sa akin kumakaway pa siya bago lumakad palayo, sobrang bait niyang bata kanina ang lambimg niya sa akin— magalang pang bata. Medyo nalungkot lang ako.
Dahil narinig ko kanina na sinabi niya mag hahati raw sila lahat sa isa, mabuti na lang may natira pa sakto para sa kanila. Kahit sobrang pagod ko sa ganito ayos na rin.
Worth it na rin naman kasi may mabusog na taong ngayon araw.
Pag-lingon ko kay Denim, naka upo siya sa loob ng tricycle— ayos na rin 'yong mga kalat. Tinanong ko siya kung uuwi na ba siya ba siya para papahatid na ako.
"Bakit gusto mo na ba umuwi?" Tanong niya sa akin, lumabas sa tricycle at pumunta sa gilid sabay na binuksan 'yong motor. "Hatid na kita, malalagot na naman ako sa Boyfriend."
"Baka isipin nila kabet kita, tarantado." Natatawa akong sumigaw sa kanya. Pag pasok ko sa loob malinis na 'yong upuan halatang pinunasan niya. May natira rin tubig na isa.
Bigla naman niya inabot sa kamay ko 'yon. "Water ka muna, pagod ka pagod ka na e."
Tinaggap ko naman agad 'yong alok niyang tubig, tama naman siya uhaw na uhaw at pagod na pagod na ako. Pero gusto ko alak.
Narinig kong pinaandar niya 'yong motor kaya lumingon ako sa kanya, nang mag-simula ang pag andar mg makina at pinaandar niya na rin.
Ako naman na nasa loob ng tricycle, nilabas ko 'yong cellphone ko para icheck chat ni Keiser. Pero kahit isa ay wala siyang chat o reply sa akin. Lastchat siya.
Habang pauwi na kami, naiisip ko na mali ba 'yomg ginagawa ko na nag-pasama ako kay Denim. Kaibigan niya kasi si Denim siya lang din naman close ko. Bahala na kung magalit siya sa akin.
Bigla ako napahiyaw ng malakas, dahil nakita ko typings si Keiser.
Keiser:
Mag-kasama pala kayo?
Azriel:
Hindi mo alam? Sabi mo kanina nag seselos ka, kaya akala ko alam mo na mag kasama kami.
Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nag antay ng sagot niya, medyo matagal siyang mag type kaya kinakabahan ako.
Keiser:
Sa post mo may nag comment na lalaki, hindi mo naman nireplyan at hindi ka nag react sa comment niya. Nakaramdam lang ako selos doon.
Keiser:
Ingat kayo pauwi, basta 'yong kiss ko;>
I feel guilty pa rin feeling ko hindi niya lang sinasabi na nagseselos talaga, kakausapin ko siya mamaya at papaliwanag ko ang lahat.
Pag dating namin sa bahay, nag paalam din agad si Denim sa akin at kay Keiser. Nagulat din ako na nasa loob siya ng bahay namin wala naman si Papa ron.
Binigyan siguro siya ng kopya ni Papa ng susi, tapos ako ayaw ni Papa kasi nawawala ko raw 'yong susi niya. Buti na lang nag pagawa ako
Pagkita ko sa kanya suot niya pa rin 'yong jersey pero kulay green naman 'to, ang dami niya naman jersey na dala.
"Saan tayo magkikiss? Gusto mo ba sofa or sa kwarto mo para komportable ka? Naka-ngiti siya na parang bata binigyan ng lollipop.
"May hahanapin lang ako."
Pumunta agad ako sa kwarto ko at hinahanap ko 'yong camera ko pati notebook ko na puno ng mga importante.
Isa-isa ko binuklat 'yong mga pahina ng notebook kong 'yon, hanggang sa nahanap ko 'yong kailangan ko.
"Paabot laptop ko pwede?" Naki-usap ako sa kanya na abot niya sa akin 'yong laptop ko, mabilis naman niya na inabot sa akin 'yon.
Para talaga siyang baby na nanonood lang sa ginagawa ko, bawat kilos ko ay naka tingin lang siya. Cute.
Triny kong iopen 'yong Youtube Channel ko noong JHS ako, at gumana siya agad. Kasi kung hindi 'yon gumana matutulog na lang ako
"Tangina, naopen din kita." Malutong namura ko habang tinitingnan ang mga naka post kong mini vlog na kasama quadro ko.
"You're so cute..." Tinuro niya 'yong isang mini vlog kong nasa horror house kami.
Tanda ko pa nangyari noon, halos masampal ko 'yong nananakot doon baka kapag bumalik ako roon banned na agad ako.
"Ano gagawin natin?" Tanong niya sa akin.
"Alam mo 'yong trend sa tiktok? 1 shot make up?"
"Yeah."
"1 shot make up with my suitor!"
"Isasama mo ako sa vlog mo?" Halos hindi makapaniwala ang boses niya.
"Why not? I mean gusto ko rin maging memorable mangyayari sa akin gusto ko icapture lahat."
Tumayo ako sa baba para kunin 'yong soju na binili ko kanina, kinuha ko rin 'yong yelo namin sa ref. First time niya ata uminom? Kaya ko naman siya sigurong asikasuhin kung susuka siya— katulad noong ginagawa niya noon sa akin.
Pag akyat ko sa taas nakita ko siyang nag aayos ng camera ko, inaayos niya sa magandang pwesto kasama na rin ang ring light ko. Nacurios ako may alam ba siya sa mga ganito kasi kung paano siya kumilos at gumalaw ay alam niya kung paano gawin ang bagay na ginagawa ko.
I saw that my makeup was neatly arranged beside me, and he was the one who put it there. Hindi ko tuloy maiwasan ma-bilib sa kanya.
"Let's start na ba?" He asked me, nahuli ko pa siya mag lalagay ng headband sa ulo wala naman buhok.
"'Wag na 'yan, wala ka naman buhok."
"Grabe ka sa akin." Ngumuso siya.
"Mamaya na 'yong promise ko." I wink.
Inayos ko 'yong buhok ko at siya naman ay nag on ng camera, medyo namumula na ako sa kilig siya rin naman.
"What's up... Oreos, i missed you all sobrang tagal na ng last vlog ko." I laughed. Natatawa rin ako kasi hindi ko alam kung may manonood nito. "We're doing a one-shot makeup challenge where i'll be applying makeup to my suitor. The twist is parehas kaming mag shot."
"Guys, after this we're gonna kissed."
We both laughed habang nag uusap, kahit ako rin dati para akong baliw na kausap ko 'yong camera ko. Kung makakausap ko old self ko matutuwa siya kasi pangarap niya makasama taong mahal na mahal niya sa vlog na ganito.
Nilagyan ko siya ng moisturiser sa mukha tapos siya nakukuha pang mag joke. "Galing ata 'yan sa ano."
"Umayos ka!"
Sabay ulit kaming nag shot sa harap ng camera, hindi ko siya narinig na nag-rereklamo o nag inaarte sa akin. Ininom niya talaga 'yomg soju sa harap ko.
Nilagay ko rin siya ng foundation sa mukha, hindi ako sigurado kung mag match sa kanya shade ko kasi sobrang puti nito.
"Guys, ginagawa niyang puder face ko."
"Anong puder?" Seryoso akong naka tingin sa mukha niya at mag blend ng foundation.
"Wall." He said while laughing again.
"Pader 'yon!"
"Ano nilalagay mo?"
"Powder para mag set..."
Nag shot ulit kami ng sabay, sunod-sunod ang ginagawa namin ni Keiser kada lagay ko ng make up at nag shot kaming dalawa. Medyo mabigat na ulo ko pero nakakaya ko pa naman si Keiser naman ay namumula na.
Sinunod ko naman concealer sa ilalim ng mata niya, kahit na nagpupuyat siya wala pa rin siyang eyebag— tapos kapag ako meron. Wala rin siyang mashadong pimples sobrang clear skin ng balat niya sa mukha.
Naririnig ko nag pipigil siya ng tawa, kaya binababa ko muna saglit 'yong brush ng make-up ko.
"Mad?" He asked, ang kulit niya kasi 'di ko maayos 'yong make-up. "Sorry... Nakikiliti lang kasi ako sa brush." Naka pout pa ang lips niya.
"Kulit mo kasi."
"Sorry na, look close na eyes ko mag be-behave na ako."
Nilagyan ko ng brown eyeshadow 'yong gilid ng mata niya para mag mukha siyang lalong singkit. Super pasok sa standards ko. Hindi ko na alam kung naka ilang shot na kaming dalawa ni Keiser mas lalong namumula ang tenga at pisnge niya ngayon— lasing na nga ata.
"I love you, thank you kasi binigyan mo ako chance mahalin ka. 'Di ko sasayangin lahat ng pagkakataon na binigay mo."
Chinito, naka glasses, matangkad at academic achiever. Para akong nanalo sa lotto sa sobrang gwapo niya at maganda rin parents niya...
Kung babae ako papa-anak talaga ako sa kanya ng apat. "Lasing ka na, 'no?" Natatawa akong nag lalagay ng make up sa kanya.
"Hindi ko alam pakiramdam ng lasing, hindi naman ako umiinom."
When I glanced at him, his gaze on me was intense. He swallowed repeatedly and looked at my lips, then immediately looked back at my eyes. Halata na rin sa mata niya ang kalasingan pero parang normal lang naman ata 'yon dahil singkit ang mata niya.
"Do you know, someday I want us to live in the province in our farm. I want that kind of life with you. Tapos walang nakaka-alam na tayo pa rin then iisipin nila na kamusta na kaya tayo, no socmeds ganon malayo sa mga stress at magulong mga tao."
"I love it, gusto ko rin mag-alaga ng mga hayop." I suggest, ganon din kasi pangarap ko noon simula bata pa lang ako— peaceful kapag ganon. Sobrang inggit pa nga noon sa kaibigan ko na lumilipat na sa probinsya kasi sobrang ganda roon.
Fresh air, puro puno at bundok ganon ang gusto kong lugar at ayoko na rin sa puro mga buildings na lugar.
"Gusto ko rin maging private person buong buhay ko, tipong aalamin nila ano na kaya ginagawa ko. Tipong wala silang makukuhang sagot kasi masaya ako kasama ka."
"Siguro ka na ba, Keiser? Ako makakasama mo sa dulo?"
"If you walked in my shoes for a day‚ doon mo malalaman kung gaano ko kagusto makasama ka habang buhay."
Pag tapos namin mag film ng vlog pinag-hilamos ko siya agad at humiga siya saglit sa may kama habang ako ineedit ko 'yonv video para ipopost ko na lang.
"Can you send sa akin later 'yong link kapag nalagay mo na sa youtube?"
"'Wag na Keiser, ano naman gagawin mo?"
"Ilalagay ko link sa story ko sa ig, please."
Lumungon ako saglit sa kanya at tinitigan siya ng ilan minuto. "Tapusin ko lang 'to, pahinga ka na rin." Sabi ko saka ako bumalik ng tingin sa laptop ko.
Mabilis lang naman ako mag edit, cinucut ko lang ibang parts na kasama at inaayos ko 'yong audio para smooth kapag pinapanood nila— kung may manonood pa.
"Sabay tayo matulog."
"Masikip na kama ko!" Suway ko sa kanya, mas malaki ang kama niya roon sa kwarto niya kesa sa kama ko.
"Patong ka na lang sa akin." He laughed, tapos ako naman itong naka-simangot at naka tingin sa kanya ng seryoso. "Saan na ba kiss ko, kanina ko pa inaantay?"
Tahimik akong inoff 'yong laptop ko, dahil tapos na rin ako mag edit bukas ko na lang siguro ilalagay sa youtube vlog namin. Inayos ko rin 'yong mesa ko na medyo natapunan ng mga powder ng make up kanina.
Nag lakad ako napunta sa cr para mag hilamos at sipilyo saglit, pag balik ko sa kwarto naka-patong na 'yong pusa ko sa tyan niya— inunahan pa ako huh.
"Kelan ba ulit laro niyo?"
He lick his lower lip before talking. "Malapit na, sasabihin ko sa'yo kapag natuloy na pahiramin ko sa'yo jersey ko para suotin mo sa mismong araw ng laro namin." Mahabang paliwanag niya, sinuklay niya pa ang buhok niya pataas at dahan-dahan na umupo sa may kama, sabay na pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko. Dahan-dahan naman din akong kumandong sa lap niya.
Nanatili pa rin ang kamay niya sa bewang ko habang naka upo ako sa kanya, isang pulgada lang ang layo ng mukha namin.
I cleared my throat before talking to him, sigurado akong magiging ganado siya sa sasabihin ko. "Kapag nanalo team niyo sa basketball, magiging official na tayo. Magiging boyfriend na kita."