When Words Collide

By sollunaart

2.1K 485 233

Posible nga bang magtagpo ang dalawang damdamin sa pamamagitan ng mga salitang may tugma? Paano nga bang ang... More

When Words Collide
Prologue (Graduation)
Chapter 2 ( Journal)
Chapter 3 (Commission)
Chapter 4 (Birthday)
Chapter 5 (kanta)
Chapter 6 (Chalk Art)
Chapter 7 (Lipat)
Chapter 8 (libro)
Chapter 9 (Competition)
Chapter 10 (Champion)
Chapter 11 ( Game of Secrets)
Chapter 12 (Headache)

Chapter 1 (Celebration)

225 39 8
By sollunaart

Celebration


Arthea's POV

"Magandang araw po sa inyong lahat, isang mainit na kagalakan at pagpapasalamat po ang aking ipinapaabot sa ating kagalang-galang na mga panauhin, sa mga guro, sa ating butihing punong guro, sa mga magulang, at higit sa lahat ay sa mga kapwa ko mag-aaral. " Pagsisimula ni Xyjan at naging dahilan ng muling pagpalakpak ng malakas ng mga tao. Anlala ng fans club ng kapatid ko.

"Before anything else, I would like to congratulate all of you; another chapter awaits us. While reflecting on our journey, I can't help but wonder, 'Did I really endure all that? How did I manage it all?' I'm sure I'm not the only one asking such questions. We've faced numerous assignments, projects, simultaneous presentations in various subjects, and yet, we've overcome them all. So, I am incredibly proud of each one of you...To our teachers, I want you to know that we deeply appreciate your efforts. Thank you for your patience with us; we understand that teaching every day is not an easy task, and we salute you for it...To our principal, thank you very much. Everyone knows how kind you are, and you have played a significant role in our personal development. Every word you've shared with us has left an imprint on our hearts and minds...To the school staff, especially to Kuya Ricky, who contributes greatly in maintaining the cleanliness of this school, thank you...To our dependable security guard, thank you very much...To my family, to Mom and Dad, thank you for your unwavering support in my life decisions and pursuits. Even though you're not here, I hope you're proud of me. Everything I do is not just for myself but also for you. I am eternally grateful to God for blessing me with hardworking and loving parents." Matapos iyon ay nagpakawala sya ng isang mahabang buntong hininga bago muling magsalita.

"And lastly, Arthea" saad nya sabay turo saakin at pinagtinginan naman ako ng mga tayo, at ang lahat ay nagsigawan with matching palakpak pa.

"Ayieeeeee" sigaw ng mga tao, at natawa naman ako.

"She's my older sister, maraming salamat sayo , Alam mong di ako expressive when it comes to my feelings, pero this time gusto kong sabihin lahat. Salamat ng marami sayo, sa suporta mo sakin araw-araw, lagi mong pinararamdam sakin kung gaano ako kahalaga, yung tiwala mo sakin sa lahat ng desisyong ginagawa ko. Hindi naiiwasan ang tampuhan at di pagkakasunduan pero masasabi ko paring the best ka. Nandyan ka para i-cheer ako pag dumadating yung mga araw na lugmok na lugmok ako, no words can express how much I love you, hindi na ako natatakot masaktan kasi alam kong nandyan ka, na lagi kong pahingahan. Mahal na Mahal kita." Nanginginig na ako habang hawak ko ang cellphone ko. Tama si Xyjan hindi sya expressive pero lagi ko namang nararamdaman yung pagmamahal nya through his actions.

Pinagpatuloy ko ang pag vi-video habang pinupunas ang mga luhang dumadaloy sa pisingi ko.

"Bago ako magtapos ay iiwanan ko kayo ng ilang mga paalaala. Wag kayong matakot sumugal. If you do not take a risk, you cannot create a bright future for yourself. Either you claim it or regret it. Keep in mind that all of our sacrifices are part of our success. Therefore, you could not call it "success" without sacrificing something. meaning you will have to get through a lot of pain to achieve it and be at the peak of life. Remember! A diamond is made through pressure. So, for you to be successful, you always have to be diligent, kind, determined, and motivated. Don't let your status be a hindrance to your success. Be yourself, and follow the flow of life. Think of what you want to achieve; it's all or nothing...As we embark on this new journey, I want to leave you with one final thought. Remember that the only limitations we have are the ones we place on ourselves. May mga bagay na akala natin ay hindi natin kaya pero ang totoo ay hindi lang natin sinusubukan, kaya kung may gusto kayong gawin sa buhay, gawin nyo lang, wag kayong matakot magkamali, masumbatan, at mahusgahan dahil parte iyon ng proseso para tayo ay matuto, ang mahalaga ay sinusubukan natin, kahit i-doubt kayo ng maraming tao, kung naniniwala kayo ng lubos sa sarili nyo ay walang imposible...Muli, binabati ko kayo mga kapwa ko mag-aaral, congratulations sa ating lahat at maraming salamat." Pagtatapos ni Xyjan at isang malakas na palakpakan at sigawan na naman ang sumalubong sa kaniya ng bumaba na sya ng stage. Naiiyak parin ako hanggang ngayon, grabe.

Bago sya maupo sa katabi ko ay niyakap nya muna ako ng mahigpit, na naging dahilan na naman ng pagtulo ng luha ko.

"Iyakin ang bebe" pang-aasar nya at natawa nalang ako.

"Natouch kasi ako, love you pogi" saad ko sabay pisil sa pisngi nya.

Inintay ko nalang ang matapos ang closing remarks at ang kanta ng mga nagsipagtapos. Nagpicture muna lahat ng sections at naghintay nalang ako dito sa upuan.

"Papicture na po ate" saad ng lalaking nasa unahan namin kanina, pumayag naman ako. Pumunta kami sa gilid ng stage kung saan napakaganda ng gayak. Matapos iyon ay may anim pang lalaki ang nagpapicture sakin. Ang ku-cute naman ng mga batang ito.

Nakita ko din na andami pang nagpapapicture kay Xyjan na mga babae. Panay tilian ang mga bata.

"Naaalala mo ba ang sarili mo sa kanila? Ganyan ka dati, nagpapapicture ka pa kay Marcus the gangster" biglaang saad ni Zeyschell na nasa gilid ko ngayon. Tiningnan ko sya ng masama.

"Kadiri ka, don't say bad words" tanging saad ko nalang, dahil oo crush ko dati si Marcus nung bata pa ako pero ngayon natatawa nalang ako jusko.

Nagtawa naman ng malala si Zeyschell with matching hampas pa.

"Jusko ka Zeyschell, sakit ha, pwede ka namang magtawa ng hindi ako hinahampas" reklamo ko. Pero mas lalo lang syang tumawa, hay nako nababaliw na naman.

"Uwi na tayo, pagod na ako." Saad ni Xyjan habang nakababa ang dalawang balikat na animo'y pagod na pagod na.

"Low battery na naman ang bebe" pangungulit naman ni Zeyschell.

"Sige, Zeyschell una kana sa bahay. Uwi muna ako samin at para may kasama si Xyjan, wala pa don si nanay eh" pumayag naman si Zeyschell at nauna na.

"Ikaw na magdrive ate" pang-iinis ni Xyjan. Palibhasa hindi kaya ng kamay ko. Pero nagbibiro lang naman sya, pumunta na kami sa parking lot at sumakay na sa motor ni Xyjan.

"Kain muna tayo sa restaurant, nila kuya Von" gusto ko sya ayain, para konting celebration lang kasi proud na proud ako sa kapatid kong ito. Pero ang totoo aayain ko muna syang kumain kasi nagre-ready sila mommy ng surprise para sa kaniya. Andon na din si nanay, hindi ko na isinama si Zeyschell kasi pupunta pa iyon sa mama nya.

"Wag na ate hindi pa naman ako gutom" sagot nya, di pa kasi tapos magluto sila mommy don, pero okay na daw ang surprise. Ilang taon na kasing nagrerequest si Xyjan ng Electric guitar, pinilit ko lang sila mommy na ibili na nila kasi dobrang deserve naman ni Xyjan.

" Dali na kain muna tayo gutom na gutom na ako"

"Sige na" sagot nya at natawa nalang ako.

Ng makapunta kami sa restaurant nila kuya Von ay bumaba na agad ako. Hay nako kung ako kay Xyjan hindi ko aalisin sa leeg ko ang mga medal. Ewan ko ba bakit tinabi nya pa, saya kayang ipagyabang, kimmy.

"Good afternoon kuys Von" bati ko sabay yakap kay kuya. Nakaclose ko si kuya Von dahil anak sya ng dati naming katulong sa bahay na si manang Sylvia. Akalain mo ba naman bigatin na sila ngayon.

Bumati din sa kanila si Xyjan at tuwang tuwa naman sila kuya Von kay Xyjan dahil nga sa mga award na napakadami.

"Kuys Von black coffee sakin no sugar, tsaka lasagna at steak na welldone" request ko kay kuys Von, wala naman tao kundi kami lang kaya pwede ako magkulit.

"Sayo Xy?" Tanong ni kuya kay bebe.

"Yun nalang din po"

Kumain na kami at ng matapos ay agad na nagpaalam. Ililibre sana kami ni kuya Von pero hindi ako pumayag, nagbayad parin ako, nakakahiya aba.

Chineck ko ang phone ko at saktong okay na daw ang lahat ng surprise. Excited na ako sa reaction ni Xyjan lalo na pag nakita nya yung gitarang gusto nya.

Ng makarating na sa bahay ay agad na akong bumaba at pumunta na sa bahay hinintay ko si Xyjan na buksan ang pinto ng bahay.

"Congratulations Xyjan!" Sigaw ng mga tao sa bahay. Kitang kita ko ang pagkabigla ni Xyjan at hindi nya narin napigilang maiyak, lalo na ng makita si mommy agad nya iyong niyakap habang umiiyak. Umiyak na din si mommy. Pumasok na ako at nagmano kila nanay at tatay.

"Manang mana ka talaga sakin" sabi ni tatay habang kumakain na ang lahat. Nakaupo lang ako at hindi na kumain kasi busog pa naman ako.

Naging masaya ang gabi na iyon, napuno ng kwentuhan, tawanan. May paspeech pang naganap jusko. Pero ng mag 8pm na ay nagpaalam na ako sa kanilang lahat at nagcommute nalang papunta sa condo namin ni Zeyschell. Hindi pa yata sya nakakauwi, dahil sarado pa ang mga ilaw.

Pagpasok ko ng bahay ay agad akong umakyat sa taas para magpahinga na.

Naligo lang ako saglit at ng magbabalak na akong matulog ay biglang nagtunog ang phone ko. Nagnotif, may bagong post si crushiee.

3 taon na akong humahanga sa may ari ng page na "Can'tlie quotes" na mayroong 258k followers dito sa facebook. Lagi syang nagpopost ng mga kung ano anong tula na related sa nangyayari sa buhay nya gamit ang 12 salita.

"Ang mga hiling ko sana ay dinggin, gayon narin ang bawat dalangin." Ayan ang post nya 2 min. ago palang pero may 5k reacts na agad. Lalaki ang may hawak ng accounts pero never pa syang nagface reveal. Pero nakakatuwa dahil may mga araw na ang mga pinopost nya ay nakakarelate ako. Para bang tila parehas kami minsan ng pinagdadaanan.

Nagreact lang ako at nagcomment narin ng "diringgin yan, basta ako ang hilingin mo" natatawa nalang ako sa iniaasta ko pag dating sa kaniya.

Ipinatong ko sa lamesa ko ang cellphone ko at naisipan ng humiga upang matulog pero nagring iyon kaya bumangon ako at sinagot ang tawag.

"Hello, good evening po" bati nya.

-sollunaart-

Continue Reading

You'll Also Like

72.4K 2.8K 37
ᴅɪᴠᴇʀɢᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅɪɴɢ ᴛᴏ ʙᴇ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴏʀ ᴅᴇᴠᴇʟᴏᴘ ɪɴ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴅɪʀᴇᴄᴛɪᴏɴꜱ.
16.9M 650K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
166K 7.3K 200
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...
151K 11.6K 13
Her şey bana gelen mektupla başlamıştı. Ufacık bir not kağıdında yazan şeyler büyük olaylara ve hayatımın değişmesine yol açmıştı. Ben kendimden emin...