Malayah

By itskavii

2.1K 299 566

Isang tagna. Mula sa balon ni Tala ay bumaba ang isang pangitain sa lupa. Sa ika-anim na beses na tangkaing a... More

Malayah
PROLOGO
1. Ang Pagkawala ni Apulatu
2. Ang Kapre sa Balete
3. Ang Mapa
4. Si Mariang Sinukuan
5. Sa Lumang Bahay
6. Ang Tiyanak
7. Kay Mariang Karamot
8. Si Agua
9. Huwad
10. Ang Panlilinlang
11. Sa Tugot
12. Ilang Ilang
13. Engkanto
14. Hiling
15. Ang Ginintuang Kabibe
16. Si Angalo
17. Ang Ikalawang Hiyas
18. Si Aran
19. Sa Makitan
20. Ang Araw
21. Sa Daluti
22. Mga Tadhanang Magkakadikit
23. Anong Tadhana
24. 'Di Kasiguraduhan
25. Sa Dagat Kung Saan Nagsimula
26. Ang Mahiwagang Sandata
27. Si Linsana
28. Adhikaing Maging Babaylan
29. Pagkagayuma
30. Sa Pagkamatay ng Ibon
31. Si Dalikmata
32. Ang Pagpula ng Paruparo
33. Sa Talibon, Bohol
34. Ang Susi Upang Mapakawalan.
35. Ama
36. Ang Itim na Hiyas
37. Kay Daragang Magayon
38. Isang Sugal
39. Ang Kakaibang Pwersa
40. Si Panganoron
41. Mula Sa Akin At Para Sa'yo
42. Umiibig
43. Si Pagtuga
44. Ang Kasal
46. Himala
47. Isang Panaginip
48. Si Magayon
49. Mga Tikbalang
50. Portal
51. Ang Tagna
52. Batis Ng Katotohanan
53. Isang Dayo
54. Dalangin
55. Ina
56. Anino

45. Isang Sumpa

15 2 4
By itskavii

"... Alam mo kung sino ang may kasalanan ng lahat ng ito?" Ibinaling ni Malayah ang paningin sa bulag nitong kaliwang mata. "Ikaw, Pagtuga."

Mula sa liwanag ng bukana ng kweba ay mababakas ang pagkagulat sa mukha ng matandang lalaki. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa yungib. Hindi alam ang sasabihin ay yumuko lamang ang matandang lalaki.

Pinagmasdan lamang ito ni Malayah. Simula nang makita niya ang kaliwang mata ng lalaki ay nagkaroon na siya ng hinala. Hindi lamang niya mapagtagpi-tagpi nang buo ang mga nangyari ngunit malaking bagay na ang natuklasan niyang ito. At kapag nahabi nang tama ang mga natuklasang sinulid, tiyak na magsusunod-sunod ito.

Bumuntong hininga ang lalaki. Mula sa mata nito'y makikita ang kalamlaman ng kalungkutan. "Hindi ko kailanman ninais na mamatay si Magayon." Malumanay ang boses nito, kasing tahimik ng pagdaan ng hangin na nag-iiwan ng dalamhati. "Siya ang aking mundo. Naiintindihan mo ba? Nagawa ko lamang ang lahat dahil mahal ko siya."

Mula sa mata nito'y makikita ang pagbalik ng apoy ng nakaraan. Ninais niyang bawiin si Magayon kay Panganoron. Para kay Pagtuga, ang tanging naging kasalanan niya lamang ay ang magmahal.

"Sa tingin ko ay hindi mo kailanman minahal si Magayon. Tinuring mo lamang siyang isang pagmamay-ari."

"Hindi totoo 'yan!"

Sumilay ang galit mula sa mukha ng matanda. Isang matagal na galit na paulit-ulit niyang nararamdaman. Bakit hindi nila maintindihan? Nagawa lamang iyon ni Pagtuga dahil sa kanyang masidhing pagmamahal.

Ngunit naglaho ito nang makita niya ang naging reaksyon ni Malayah. Panandaliang takot ang sumilay sa matapang nitong mga mata. Kaagad na inapula ni Pagtuga ang apoy sa sarili. Sa maraming taon na paulit-ulit na nagdaa'y hindi pa rin niya matutunan kung paano kontrolin ang sarili. Isang bagay na kinamumuhian sa kanya ni Magayon.

"Kung tunay ngang hindi ko minahal si Magayon ay hindi ako magdurusa nang ganito." Tahimik niyang saad. "Na sa bawat pag-uulit ng mga pangyayari ay patuloy pa rin akong nasasaktan sa pagkamatay niya at sa pagkamuhi niya sa akin. Na sa bawat sandaling nilalamon ako ng pagsisisi at nais baguhin ang lahat ay hindi ko kailanman magagawa. Ni ang makahingi ng tawad sa kanya'y hindi ko man lang magawa."

Katahimikan ang muling bumalot sa kweba. Pinagmasdan lamang ni Malayah ang matandang lalaki. Tila inaanalisa ang mga salitang sinambit nito at inuunawa ang bawat letra.

"Hindi ako namatay noong saksakin ako ni Panganoron." Pagpapatuloy ng matandang Pagtuga. "Ngunit matagal na panahon ang inabot bago ako gumaling at magkaroon ng malay. Nang magising ay doon ko lamang nalaman ang kamatayan ni Magayon. Labis ko iyong ipinagluksa. At nang magising ako ay matayog nang nakatayo sa kanilang pinaglibingan ang isang bulkan. Naniniwala ang mga tao na ang bulkang iyon ay si Magayon at ang mga ulap na nakapalibot at humahagkan sa tuktok nito ay si Panganoron. Labis ang galit ko noon sapagkat kahit sa kamatayan ay hindi pa rin sila magkahiwalay. Inakyat ko ang bulkan. At sa tuktok nito ay nadatnan kong naghihintay sa akin si Magayon."

Bahagyang kumunot ang noo ni Malayah. Hindi iyon ang alamat na alam niya. Ngunit humakbang siya papalapit–nais na malaman pa ang lahat.

"Dahil sa pulang hiyas na nasa kanyang pangangalaga, hindi siya sinundo ng kamatayan at ang diwa niya'y patuloy pa ring nasa mundo. Ngunit ipinagpalit niya ang pagkakataong mabuhay muli para lamang isumpa ako gamit ang pulang hiyas."

"Isang sumpa?"

Tumango ang matanda kay Malayah. "Oo, ang lahat ng nakikita mo rito ay dulot ng isang sumpa. Isinumpa niya akong makulong sa walang katapusang dimensyon ng panahon kung saan paulit-ulit kong masasaksihan ang trahedyang dulot ng sakim kong pagmamahal para sa kanya. Naglaho si Magayon sa hangin at nilamon ako ng puso ng bulkan."

Tinitigan ng matanda si Malayah. "Mali ang mga tao. Ang bulkan ay hindi simbolo ng pagmamahalan nina Magayon at Panganoron. Bagkus ay palatandaan ito ng walang-hanggan nilang galit sa akin."

Napatulala si Malayah at napaupo sa sahig dahil sa mga nalaman.

"Ito ang unang beses sa ilang mga siglo na nakakita ako ng bagong mga mukha sa dimensyong ito. Matagal ko na kayong pinagmamasdan mula sa malayo."

Napalingon ditong muli si Malayah. Tila isang ningning ng pag-asa ang sumilay sa kanyang mga mata. Kung ito ang unang beses, ibig sabihin ay sila pa lamang ang unang naghanap ng pulang hiyas. Napatango si Malayah sa sarili nang maalalang tanging ang mapa lamang ang may alam ng kinaroroonan nito at hawak nila ang mapa.

Nagliwanag ang mukha ni Malayah nang may mapagtanto. "Kung ito ang unang beses ay hindi mo sigurado ang sinabi mo sa amin noong gabing iyon. Na mamatay kami kasabay ng mga karakter na ginagampanan namin."

Napaiwas ng tingin ang matandang lalaki at bahagyang tumango. "Ngunit hindi rin ako tiyak na hindi nga iyon totoo."

Napatango si Malayah. Malaki ang posibilidad na ito nga ang mangyayari. Muli siyang lumingon dito. "Kung gayon ay kailangang mapigilan ang pagkamatay nina Magayon at Panganoron sa pagkakataong ito."

Napatitig sa kanya si Pagtuga.

"Ngunit sinubukan ko na iyon at hindi ko magawa dahil sa kakaibang pwersa na kumokontrol sa akin," saad ni Malayah sa sarili at muling tinitigan ang matanda. "Kung kaya't ikaw ang kailangang gumawa nito para sa amin."

Kumunot ang noo ng matanda at kaagad na tumayo. "At bakit ko naman iyon gagawin para sa inyo?"

Napapikit si Malayah upang pakalmahin ang sarili. Nawaglit sa kanyang isipan na ang kausap niya'y ang tuso at sakim pa ring Pagtuga.Matandang bersyon nga lamang.

Ngunit iminulat niyang muli ang mga mata at mariing tinitigan si Pagtuga. "Upang makabawi kay Magayon."

--

"Nagagalak akong sinunod mo ang aking hiling."

Binigyan ni Malayah ng ngiti ang matanda. Nagkakagulo ang buong tahanan ni Pagtuga at hinahanap sila ng mga tauhan nito. Naroon sila sa isang tagong silid sa loob ng bahay.

"Ngayo'y umalis ka na, Magayon. Gamitin mo ang hiyas upang makatakas dito."

Magayon. Natigilan si Malayah nang tawagin siya nito sa pangalan ni Magayon. Sa ilang sandali'y tinitigan niya lamang ang matanda. Tila ba sa pagligtas nito sa kanya'y pakiramdam nito'y naililigtas din ang daragang pinakamamahal. Na kahit sa katauhan man lamang ni Malayah ay magawa ni Pagtuga na iligtas ito.

"Maraming salamat sa pagtulong." Ngumiti si Malayah rito. "Ngunit kailangan ko munang puntahan sina Lakan upang ipaalam na nakuha ko na ang hiyas nang sa ganoon ay tuluyan na kaming makaalis."

Bahagyang kumunot ang noo ng matanda. "Si Panganoron?" Mahigpit nitong hinawakan ang mga braso ng dalaga. "Huwag kang pupunta sa kanya, Magayon1 Umalis kang mag-isa."

"Ano?" Kaagad na inalis ni Malayah ang mga kamay nito sa kanyang mga braso. "Hindi ako aalis nang mag-isa."

Ngunit muling hinawakan ng matanda ang kanyang braso. "Hindi ka muling sasama sa kanya, Magayon. Hindi ko hahayaang makuha ka niyang muli!"

Hindi nakagalaw si Malayah sa ikinilos nito. Mula sa matandang wangis ay naaninag niyang muli ang sakim at tusong si Pagtuga.

Muli ay mariin niyang inalis ang kamay nito sa kanyang braso. "Hindi ako si Magayon. At hindi mo pa rin ba naiintindihan ang lahat, Pagtuga? Hindi sa'yo si Magayon at kailanma'y hindi magiging sa'yo."

Tinalikuran niya ito at tuluyang lumabas ng silid na pinagtataguan.

--

Ipinangako ni Panganoron kay Magayon na ililigtas niya ang ama nito kahit na anong mangyari. Kahit ang buhay niya pa ang maging kapalit.

Ngunit hindi iyon nais ng dalaga. At sa mga sandaling hindi batid ng binata ay linisan ni Magayon ang kanilang tahanan upang pumunta kay Pagtuga at isuko ang sarili kapalit ng kaligtasan ng ama.

Nang madiskubre ito ni Panganoron ay kaagad niyang tinipon ang mandirigma ng bayan ng Ibalon at tumungo sa kuta ni Pagtuga. Mula sa isang espiya ay nabatid niya rin na ikakasal na ang kasintahan sa mortal niyang karibal ngayong gabi.

Napayukom ang mga palad ni Pangaronon. Hindi niya hahayaang mangyari iyon.

Kung kaya't mabilis niyang sinuyod ang kapatagan hanggang sa makarating sa kinaroroonan ng dalaga.

Ngunit nang dumating siya sa seremonya ng kasal ay nagkakagulo na roon. May mga kawal na walang malay sa sahig at naglilisawan ang mga tagapagsilbi. At wala sa kasalan si Magayon.

Kumunot ang noo ni Lakan. Hindi ganito ang dapat niyang daratnan. Hindi ito ang nakasaad sa kwento. "Si Malayah..." usal niya at kaagad na lumabas upang hanapin ang dalaga.

Hindi napagtanto ni Lakan ang pagkawala ng kontrol ng kakaibang pwersa sa kanya sapagkat siya at ang karakter ni Panganoron ay may iisa na lamang na layunin sa sandaling iyon. Ang mahanap at mailigtas ang babaeng minamahal.

--

Bago pa man makalayo si Malayah ay muli siyang hinawakan ng matandang Pagtuga upang pigilan.

"Hindi ka maaaring magpunta kay Pangaronon. Parehas kayong mamamatay. Dapat ay alam mo iyon!"

Nanlaki ang mga mata ni Malayah nang may mapagtanto dahil sa babala ng matanda. "Kung ganoon ay nasa panganib si Lakan..."

At dahil sa babalang iyon ay mas lalo pang tumindi ang kanyang nais na mahanap na ang binata.

Kaagad siyang nagtungo muli sa silid ng kasal. Sa kanyang pagkakaalala ay dito unang magkikita sina Magayon at Pangaronon. Ngunit pagdating niya roon ay wala nang kahit sino ang naroon maliban sa mga nakahandusay na mga kawal at ilang tagapagsilbi.

Lumapit siya sa isa sa mga tagapagsilbi. "Dumating ba rito si Panganoron."

Takot na tumango ang tagapagsilbi. "K-Kanina ngunit kaagad ding umalis."

"Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?"

Nanginginig ay itinuro ng tagapagsilbi ang kapatagan mula sa bukas na bintana. Mula rito ay nasaksihan ni Malayah ang mga mandirigma ng magkabilang panig na naglalaban.

Nanlaki ang mga mata ni Malayah nang maalala kung ano ang susunod na mangyayari sa eksenang iyon.

Kaagad siyang tumakbo palabas at mula sa mga naglalaban ay hinanap niya ang mukha ni Lakan.

Kinuha niya ang hawak na kampilan ng isa sa mga nakahandusay na kawal at sumugod sa lupain ng labanan.

At sa gitna nang mga ito ay nakita niya ang hinahanap.

"Lakan!"

Sa sandaling iyon ay nasaksihan ni Malayah ang pagsaksak ni Panganoron kay Pagtuga. At sa paghugot ng patalim mula sa sikmura ng kalaban ay napalingon sa kanya ang binata.

Kaagad na nabitawan ni Lakan ang patalim na hawak at tumakbo patungo sa dalaga. Ganoon din ang ginawa ni Malayah.

At nang makalapit ay kaagad nilang niyakap ang isa't-isa.

Mahigpit niyang hinagkan si Lakan. Lubos ang kanyang pangamba kanina. Natatakot na mahuli ng pagdating at hindi na muling masilayan ang binata.

Napapikit si Malayah at isang luha ang dumausdos sa kanyang pisngi bunga ng kasiyahan. Ang mga pangambang iyon ay naglaho na sapagkat ngayo'y magkasama na sila.

Ngunit napamulat siyang muli nang bigla siyanghinila ni Lakan upang magpalit sila ng puwesto. Doon ay nasilayan ni Malayah ang isang pamilyar na mukha 'di kalayuan.

Si Sagani. Kung hindi lamang sa palasong bumubulusok sa kanyang direksyon at sa panang hawak nito ay tiyak na magagalak si Malayah na makita ang kaibigan.

Sa ilang saglit ay akala niyang sa kanya tatama ang palaso. Ngunit napagtanto niyang yakap-yakap siya ni Lakan at sa likod nito ito tatama.

Nanlaki ang mga mata ni Malayah at naintindhan kung bakit pinagpalit ng binata ang kanilang mga pwesto. At sa pagtarak ng palaso sa likod ng binata ay isang luha ang muling dumausdos sa kanyang pisngi.

"Hindi..."

Ang palasong may lason na iyon ay para kay Magayon—sa kanya at hindi sa binata. Ngunit inako ito ni Lakan upang siya'y iligtas.

Nanginginig man ay kaagad na hinugot ni Malayah ang palaso mula sa likod ng binata. Bumitiw siya sa pagkakayakap dito at hinawakan ang mga pisngi nito.

"Malayah..."

Umiling-iling si Malayah habang ang paningi'y nanlalabo dahil sa namumuong mga luha.

Tuluyang nawalan ng lakas ang katawan ni Lakan at napasandal kay Malayah. At dahil hindi kaya ng dalaga ang bigat nito ay parehas silang napahiga sa damuhan.

"Hindi... hindi..."

Pilit niyang bumangon at ihiniga ang walang malay na binata sa kanyang kandungan. Tumagos ang palaso mula sa likod nito hanggang sa harap kung kaya't hindi tumitigil ang pagdugo nito.

Humihikbi ay tinakpan ito ni Malayah gamit ang kanyang palad. "Lakan... pakiusap, imulat mo ang iyong mga mata."

Hindi na niya napigilan ang pag-iyak. Hindi tumutugon si Lakan sa kanyang pagtawag at ang pulso nito'y pahina nang pahina.

Inilibot ni Malayah ng tingin ang paligid at nakita ang isang kawal na papalapit sa kanila. Napagtanto ni Malayah kung ano ang gagampanan nito. Ang kawal na iyon ay ang dapat sasaksak kay Panganoron sa sandaling nagluluksa ito sa pagkamatay ni Magayon.

Nagpatuloy lamang sa pag-iyak si Malayah. Alam niyang sa kanya papunta ang kawal na iyon. Hindi niya ito pinansin at hinayaan lamang na gawin nito ang dapat na gawin.

Kung mamamatay lamang si Lakan ay marapat na pati siya'y paslangin na lamang.

Niyakap niya ang walang malay na binata at pumikit na lamang upang tanggapin ang kanyang tadhana.

***

Continue Reading

You'll Also Like

40.3K 3.8K 71
(𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐑𝐓𝐔𝐀𝐋 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 - 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘) |||𝐓𝐀𝐆𝐀𝐋𝐎𝐆 𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐎𝐍||| 𝐈𝐧𝐢𝐫𝐞𝐫𝐞𝐤𝐨𝐦𝐞𝐧𝐝𝐚...
28K 1.3K 55
Do you want to study in X.O.S Academy? An academy in an extraordinary world? A world that no one think exist. A world where you are obliged to play a...
11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
158K 3.9K 60
Amethyst thinks she's just an ordinary girl having an ordinary life. Little did she know, there is a fantasy world waiting for her to take the dive...