When Words Collide

By sollunaart

2.3K 499 302

Posible nga bang magtagpo ang dalawang damdamin sa pamamagitan ng mga salitang may tugma? Paano nga bang ang... More

When Words Collide
Prologue (Graduation)
Chapter 1 (Celebration)
Chapter 3 (Commission)
Chapter 4 (Birthday)
Chapter 5 (kanta)
Chapter 6 (Chalk Art)
Chapter 7 (Lipat)
Chapter 8 (libro)
Chapter 9 (Competition)
Chapter 10 (Champion)
Chapter 11 ( Game of Secrets)
Chapter 12 (Headache)

Chapter 2 ( Journal)

213 41 59
By sollunaart

Journal

Arthea's POV

"Good evening din po, ano pong kailangan nila?" Inaantok na sagot ko.

"I saw your page, and you do art commissions, gusto ko po sanang magpagawa." Masayang saad ng lalaki, at ngumiti naman ako. Pero ilang beses na akong nagawa ng commission pero hindi kini-claim kaya pag may client ako, nag-iischedule ako ng meeting para mas maayos ang usapan. Pag minsan naman pag nakatira sa malayo ay down payment ang hinihingi ko

" Is it okay po if mag set ako ng meeting para mas malinaw po ang lahat?" Tanong ko naman.

"Sure po, tomorrow po ako free. Is that okay?"

"Sige po, bukas po sa Flyn Cafe, 9:30 po ng umaga. Maraming salamat po sa pag tawag at tiwala pag natuloy po itong proyektong ito ay tiyakin nyong hindi ko kayo bibiguin" saad ko habang hindi parin naaalis ang ngiti. Nagpasalamat naman ang lalaki saakin.

"Salamat din po I'll text you nalang po tomorrow." Muli akong nagpasalamat, at hinintay nalang na ibaba nya ang tawag.

Hindi mawala ang ngiti ko habang nakahiga. Mahigit isang linggo na kasi akong walang kliyente, kasi medyo nagfocus ako sa pagba-busking namin ni Aizeth. Speaking of Aizeth, he's my best friend, 6 years na kaming magbest friend.

S'ya ang nagturo sakin sa arts, although marunong naman ako mas nag improved lang dahil sa kaniya. Nag a-art commission din sya, di sya nawawalan ng client kasi talaga namang magaling sya. Pero pag nagkakasabay sabay ang kliyente nya at di nya na kaya, ay ang ginagawa nya ay nirereconmend nya ako kaya kahit papaano ay nagkakakliyente ako.

Madami rin naman nagpapagawa sakin, hindi nga lang gaya nya na never nawawalan. Ako depende sa panahon, base sa observation ko madaming nagpapagawa ng art commissions pag paparating na ang valentines. Kahit nao-awkwardan ako pag nagdadrawing ng couple, kasi medyo nakakainggit tinitiis ko nalang, kimmy.

Tutulog na sana pero biglang nagtext sakin si Aizeth.

From: Erna

May lakad ka ba bukas? Ayain sana kita magchalk art sa seaside. Kasama natin sila Keifer

Kung nagtataka kayo bat erna ang name nya, kasi yun ang pangloko ko sa kaniya, gay language yata yan narinig ko sa concert sabi "Erna!" Then sabi ko "ano po yung erna?" Sabi nya "tae yun be"

To: Erna
Pass muna sa chalkart may meeting ako bukas with client. Pwede rin namang after ng meeting diretso chalk art na us. Reply ko naman kay Aizeth.

Maya-maya pa ay nagreply na ule sya

From: Erna

Lalaki? Pwede pasama? Para diretso na tayo plaza after.

To: Erna

Yez lalaki, pede ka naman sumama. Basta 9:30 bukas inaantok na ako eh, daan ka nalang dito sa bahay, babye tih.

Matapos iyon ay nagset na ako ng alarm at natulog na.

(Kinabukasan)

Ayoko sa iba, sayo ako ay di magsasawa~~ tunog ng alarm ko, ang asawa kong si Justin Vasquez ang alarm ko. Pinatay ko ang alarm at nakita kong may notification. At mula iyon sa page ni Can't lie quotes, agad ko iyong binuksan at binasa ang post.

Kalimutan na lahat ng pighati, at simulan ang 'yong araw ng nakangiti

Mas nadoble yung ngiti ko, ewan ko ba pero sa tuwing nagpopost si Can't lie feel ko lahat para sakin. Kaya naman mahal na mahal ko na sya. Pakuramdam ko jowa ko sya at araw araw nya akong inu-update

As usual nagcocommet parin ako kahit hindi naman ako napapansin.

Eto na nakangiti na, sabi mo eh.

Bumangon na ako, maaga pa naman kaya okay lang kalmahan ang kilos, at huwag magmadali. Pagbaba ko ay nakita kong nagluluto si Zeyschell.

"Bango nyan ah, ano niluluto mo?" Pabirong tanong ko.

"Bango ka dyan eh mantika palang ang nakalagay" nakakunot noong saad nya at sabay naman kaming nagtawa.

"Aga mo yata gumising ngayon, may lakad ka ba?" Tanong nya habang nag-gigisa.

"May meeting ako, may magpapagawa ng art" tanging sagot ko at dumiretso na sa lamesa at nagtimpla muna ng kape, habang hindi pa Luto ang ulam.

"Zeyschell may good news ako" saad ko naman habang humihigop ng mainit na kape.

"Ano yun!" Sigaw nya, lakas ng boses jusko.

"Sasamahan ako ni Aizeth sa meeting, kaya pupunta sya dito" bigla naman syang nagmamadaling lumapit sakin at nanlalaki ang mata. Crush kasi ni Zeyschell si Aizeth 5 months na yata, kaya ganyan reaction nya pag may mga pagkakataong pupunta si Aizeth dito sa bahay. Pero kung may isang bagay na kinabibiliban ko sa kaniya, yun ay ang pagtatago ng emosyon at nararamdaman nya. Pag kasi andito si Aizeth ang galing nya magpigil ng kilig. Unlike me na kapag may gusto, marinig ko lang pangalan napapangiti na agad ako.

"Hala hawakan mo muna to, ituloy mo yung niluluto ko at magbibihis lang ako saglit" nagmamadaling saad nya at nananakbong dumiretso sa taas upang magpalit. Landi mo Zeyschell jusko, manang mana ka sakin.

Itinuloy ko ang niluluto nyang adobo, at ng matapos iyon ay ipinaghanda ko narin sya ng pagkain para sabay na kami.

Umakyat na ako kasi antagal nyang bumaba, magbibihis lang daw.

"Zeyschell, kain na tayo ang tagal mo aba!" Sigaw ko habang kumakatok sa pinto nya.

Bumukas naman ang pinto nya at nginitian ako ng malala. Anong ngiti yan? Eskeri, kimmy.

"Sus naligo pa talaga, katarayan talaga aba" tumawa naman sya at nanghampas pa.

Nang bumaba kami ay naupo na kami at nagsimula na syang magdasal. Matapos iyon ay may kumatok sa pinto.

"Si Aizeth na yan buksan mo" nang-aasar na saad ko sabay kindat, ngumiti naman sya at nagseryoso bigla ang mata bago tuluyang tumayo upang buksan ang pinto, ang galing talaga magpigil aba.

"Good morning Aizeth" bati ni Zeyschell sa walang ganang pamamaraan. Jusko kagaling talaga.

"Morning din Zeyschell, huy thea morning, pakain ako." Walang hiya talaga. Thea nga pala ang tawag nya sakin, nahahabaan daw sya pag Arthea eh 2 letters lang naman nadagdag.

"Bawal, agap mo lumayas sa inyo tapos makikikain kalang dito?" Pagbibiro ko at sumimangot naman sya. Nakita ko naman si Zeyschell na kumukuha ng pinggan at nilalagyan na ng pagkain si Aizeth, napangiti nalang ako, kakilig naman ang beshy kong iyan.

Nang malagyan na iyon ng kanin at ulam ay lumapit si Zeyschell kay Aizeth at binigay ang pagkain. Natulala naman si Aizeth bago nakapagsalita.

"Nagjojoke lang ako...hihihi" natatawa nalang talaga ako kay Aizeth, tiklop aba.

Binaba naman ni Zeyschell sa lamesa ang pagkain, at nilagay na sa lababo ang pinagkainan nya.

"Kainin mo na, kunyari ka pa, hala ka pag si Zeyschell nagbigay ng pagkain at di mo kinain, di na iyan magbibigay sa iyo" pantatakot ko naman, naupo naman sya at nagsimula ng kumain. Nahihiya lang yan pero ang totoo gustong gusto naman talaga kumain.

Tumingin naman ako kay Zeyschell na nagliligpit ngumiti ako sa kaniya at ngumiti naman sya ng wagas, jusko si ante kilig na kilig na naman.

Matapos kaming kumain ay naligo ako ng mabilis at nagbihis at after noon nagpaalam na ako kay Zeyschell, at umalis na kami ng bahay at dumiretso na sa Flyn Cafe.

Nang makarating kami doon ay bumaba na agad ako, nakisabay nalang ako kay Aizeth kasi di ko parin kaya magdrive medyo masakit parin ang kamay ko.

"Pasok ka na sa loob, mag-iisaw lang ako don sa may paliko, tawag ka nalang pag tapos na meeting mo, chat moko pag may problema, babye" saad nya at dumiretso na sa isawan.

Bago pumasok sa Cafe ay tinawagan ko muna yung ka meet- up ko.

"Good morning sir nandito na po, ako nandito narin po ba kayo?" Tanong ko

"Opo, nasa loob na po ako, I'm wearing black pants po and white polo" sagot nya at hinahanap ko naman sya sa loob. Nakita ko sya sa dulo naka black at naka white na polo, hawak ang phone at nakatitig din sakin. Pinatay ko na ang tawag at lumapit na sa kaniya.

"Kayo po ba ang kausap ko?" Nakangiting tanong ko, ang pogi nya grabe.

"Opo ako nga" saad nya at tumayo at inilahad ang kamay.

"Gaddiel" pagpapakilala nya habang nakangiti.

"Arthea po" sagot ko at hinawakan ang kamay nya. Matapos iyon ay naupo na kami, pinipilit kong wag madistract sa itsura nya, pero dzai, para syang korean actor.

Arthea ano ka ba be professional, tanging saad ko nalang sa sarili ko.

"Wag na po nating patagalin gusto ko lang po makuha ang details about sa gusto nyo pong mangyari" pagsisimula ko.

"I want to have a black and white drawing of a picture of the girl I'm courting, but it's urgent. Kaya po ba in 3 days dagdag nalang ako ng payment?" Tanong nya. Ay may nililigawan pala.

"Kaya naman pero depende sa size, ano po bang size?"

"Kahit short lang, with frame sana" sagot nya.

"Short po? Vellum board pong short, okay lang?" Tanong ko, ngumiti naman sya at tumango.

""How much is that po?"

"Okay ka po ba sa 2,500?" Tanong ko.

"No problem I'll make it 5 thousand po" saad nya at napalaki nalang ang mata ko. Galante si koyah.

"Thank you so much po, gagawin ko agad pag-uwi ko, ipapadeliver ko po ba or another meet nalang po?" Nakangiting tanong ko at napaisip naman sya.

"Meet up nalang ulit siguro" saad nya at kinuha ang wallet sa bag at binigyan na ako ng 5k, wow full payment agad.

"Kailangan ko na kasing umalis, kita nalang tayo, once you're done, thank you so much" saad nya at tumayo na at inilad muli ang kamay.

"Thank you so much din po sir" tanging naging saad ko nalang. Pinagmasdan ko syang lumabas, at ng makalabas ay ibinaling ko ang aking atensyon sa lamesa. Sayang naman ang mga pagkain hindi manlang nagalaw yung iba. Tinikman ko ang ibang pagkain, ang sarap talaga.

Bago ako lumabas ay tinawag ko muna ang waiter at itinanong ko kung bayad na ba ang lahat ng pagkain, at oo ddaw, bayad na daw ang lahat.

Lumabas na ako ng cafe, tatawagan ko sana si Aizeth pero nandon na pala sya sa labas, naghihintay habang nagkakain ng ice cream. Lumapit ako sa kaniya at ipinakita ang 5k.

"Yabang ah, tara libre mo ako" hay nako buraot talaga 'tong tao na ito kahit kailan.

"Nag-iipon ako sira ka"

"Ano tuloy pa ba tayo sa plaza? Pagcha-chalk art?" Tanong nya. Hindi na siguro ako makakasama kasi rush ang pinapagawa sakin, bibili pa ako ng materials.

"Pass na muna siguro ako, rush kasi ang pinapagawa sakin, samahan mo muna ako sa mall at bibili ako ng materials." Matapos iyon ay sumakay na ako sa motor nya at nagsimula na kaming pumunta sa mall.

Nang makatating doon ay may tumawag sa kaniya. Pagkatapos ay lumapit sya sakin

"Okay lang iwanan na kita? Andon na sila kiefer eh, sama na ako pagcha-chalk art okay lang?" Tanong nya.

"Oo naman jusko ka, sige na punta ka na don" tanging sagot ko nalang at nagsimula ng pumasok sa mall.

Kumuha na ako ng basket at nagsimula ng kumuha ng mga materials, kumuha nadin ako ng mga chalk, kase bukas sasama na ako pagcha-chalk art dagdag kita din. Kumuha narin ako ng mga vellum board wala na kasi akong stocks, kumuha nadin ako ng charcoal powder, at ng mga extra brush. Papunta na sana ako sa counter ng makita ko ang isang journal na kulay Gray na may buwan pa sa gitna, ang ganda ng design ang simple.

Kukunin ko na sana iyon ng biglang may nauna na sakin. At agad ko itong tiningnan ng masama.

"Baka naman po pwedeng akin nalang yan" nag-iisa na kase yung kulay gray yung iba don ay iba na ang kulay tapos iba nadin ang design.

"There are other colors available; you can just buy those." Kalmadong saad nya at tumalikod nalang ako at kinuha ang isang journal na kulay blue. Ang ganda nung gray eh. Kainis.

"Okay fine, ito na miss sayo na'to" nakokonsesya yata sya, iniabot nya sakin ang journal pero hindi ko na iyon kinuha, mukha kasing gustong gusto nya.

"Hindi okay lang sayo na 'yan" pilit ngiting saad ko.

"You sure?" Tanong nya at tumango naman ako.

"Thank you" huling imik nya at umalis na. Another pogi na naman ang nakita ko. Nubayan mamaya may jowa o nililigawan na naman. Pumila na ako sa counter at binayaran na ang mga binili ko. At ng lumabas ako ay naghintay narin ako ng masasakyan, pero wala gaanong nadaan na sasakyan, mga puno din ang tricycle.

Mula sa gilid ko ay nagulat ako ng biglang may bumusina. Isang blue na kotse at ng bumukas ang bintana ay 'yon yung lalaking kumuha nung journal.

"Pauwi ka na sa inyo? Let me take you there, I owe you for the journal thing." Saad nya sabay ngiti. Nastock ako sa kinatatayuan ko, di ko alam ang nararamdaman ko.

-sollunaart-

Continue Reading

You'll Also Like

Riptide By V

Teen Fiction

322K 8.2K 116
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
16.9M 652K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
22.4M 170K 45
"Everyone knew she was his." ~ Ava and Lucas have been best friends since Lucas saw Ava at the playground when she was 4 years old. She is inn...
18.1K 938 50
This book contains 50 empowering quotes from fictional female characters. Every chapter will come with quotes from powerful and kind women from all o...