San Lazarus Series #6: Onerou...

By LadyLonelySadness

2.4K 375 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... More

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER III: NIGHT CHANGES
CHAPTER IV: FOR YOU
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VI: REASON
CHAPTER VII: TIRED
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER IX: SCARED
CHAPTER X: SPECIAL
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XV: NAMES
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVII: GOALS
CHAPTER XVIII: FEELINGS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XX: REGRETS
CHAPTER XXI: PHYSICAL
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIII: FAMILY
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXIX: OFF
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS
EPILOGUE

CHAPTER XI: JEALOUSY

52 7 0
By LadyLonelySadness

🍛🍛🍛

Pakiramdam nya para syang nasa alapaap, walang pagsidlan ang saya nya dahil sa nangyari, para syang lumulutang sa sobrang saya. Sino ba namang hindi kung nasa ganoong level na sila? Lalo pa't sinabi ng binata na sya ang gusto nitong makasama hanggang sa pagtanda, napaka-sarap pakinggan no'n na halos umulit-ulit sa isipan nya pero tapos na ang pagsasaya dahil kailangan na nyang imulat muli ang mga mata sa katotohanang umuusad nga ang buhay pag-ibig nya pero kailangan nya ring pausadin din ang sarili niya, kailangan niyang makahanap ng trabaho upang makatulong sa kapatid at hindi na maging pabigat kay Vladimir.

"Kaya pa ba faye?" Nag-aalalang biro ni Vladimir sa kanya ng mapasandal sya sa kinauupuan habang pauwi na sila, galing sila sa isang company para mag-apply ngunit sa huli, ang nakuha niya lamang ay ang pangakong tatawagan siya ng mga ito.

Pang-ilang company na iyon na pinag-applyan nya pero lahat wala pang-resulta at habang tumatagal mas lalo syang nakakaramdam ng pangamba, ayaw naman nyang tanggapin ang offer ng inay nyang sa ibang bansa na lang magtrabaho. Ayaw nyang tanggapin dahil inaalala nya ang kuya at pamangkin nya, isa pa di naman nya itatanggi na ayaw nya rin namang malayo kay Vladimir.

Napamulat sya ng mga mata ng huminto ang sasakyan, bumaba si Vladimir at ilang sandali ang lumipas bago ito bumalik na may bitbit ng puto. Napangiti sya ng makita iyon lalo na ng iabot sa kanya ng binata.

"Para mabawasan ang pagod na nararamdaman mo," nakangiting sabi ni Vladimir.

"Thank you."

Inilabas nya iyon sa supot samantalang bumalik naman sa pagmamaneho si Vladimir, inalis nya ang papel saka kumain. Pumupunit din sya ng di kalakihang piraso saka isusubo sa binatang nagmamaneho sa tabi nya, pagdating sa tree house ito na ang nagluto ng hapunan nila dahil pagod sya. Ganoon lumipas ang mga araw nilang dalawa, sinasamahan sya nitong mag-apply kapag wala itong pasok at kapag mayroon naman ay naroon lang sya sa tree house minsan naman sa kubo sya tumatambay para tulungan ang kapatid sa gawaing bahay at uuwi lang sa tree house kapag sinundo na sya ni Vladimir.

"Fatima? Tao po!" Rinig nyang sigaw mula sa labas ng kubo, agad na sinilip iyon ng kapatid nya sa bintana saka sya binalingan.

"Manliligaw mo." Masungit na sabi nito sa kanya kaya agad syang napatayo.

Sinilip nya din sa bintana at nakita nya si Jackson, ngumiti sya bilang pagbati hindi dahil manliligaw nya ito kundi dahil magkaibigan pa rin naman sila.

"Hi," bati nya.

"Tuloy ka." Umakyat ito sa hagdan at agad nyang pinaupo sa silya ng makapasok sa kubo nila.

"Magandang araw ho sir." Magalang na bati nito sa kapatid nya na tumango lang.

"So, anong sadya mo jackstone?" Pang-aasar nya ng makaupo sila.

Sumimangot ang binata. "Inaasar mo na rin ako," puna nito.

"Medyo, di ko naisip 'yon noon." Itinaas nya ang mga paa sa upuan saka hinarap ang binata. "So, ano ngang sadya mo?"

"Binibisita ka?" Naningkit ang mga mata nya.

"Wala akong sakit." Pinisil ng binata ang pisngi nya.

"Wala akong sinabing may sakit ka, dinalhan kita ng paborito mong siopao." Sambit nito saka ipinakita ang hawak na paper bag.

"Ang sossy mo masyado di kita ma-reach." Nakangiwing biro nya saka tiningnan ang laman no'n.

"Sira, nagkaro'n lang ng raket kaya medyo umaangat ang kabuhayan." Birong sagot nito sa kanya.

"Ano naman 'yan? Baka ilegal 'yan ah, di ako tumatanggap ng galing sa ilegal."

"Syempre hindi, nagbabagong buhay na ko para naman maipagmalaki mo ko."

"Bakit maliit ka ba?"

"Faye, naalog ba utak mo?"

"Matagal na kong ganito,"

Natatawang tumango ang binata. "Medyo mabuting di ka nagbago pero medyo di rin oks."

"Ewan ko sayo," tumayo sya. "Gusto mo ba ng kape?"

"Sure, na-miss ko na timpla mo, ang pait magtimpla ng katulong sa bahay parang bitter sa buhay." Reklamo nito kaya pumasok na sya sa kusina para ipagtimpla ang binata, pagbalik nya ay naupo ulit sya sa tabi nito saka itinaas ang paa at nag-indian seat animo'y lalakeng siga.

Inilabas nya ang dala nito at binigyan ang pamangkin na nasa mesa maging ang kapatid nya saka sila kumain ni Jackson habang nagkukwentuhan, itinuloy na rin nya ang pagko-crochet.

"Sila tita pala, kamusta?"

"Ayon, busy as usual."

"Si Kristel?"

"Kababalik lang galing kanila Grandma."

"Okay na ba sya..?" Nag-iingat na tanong nya, naalala nya kasi ang nangyari sa kapatid nito noon na isa sa dahilan kung bakit umalis ang kapatid nito.

"Tingin ko naman medyo okay na sya," bumagsak ang balikat ng binata. "Hindi ko rin talaga alam at hanggang ngayon nagsisisi pa rin ako."

"Wala ka namang kasalanan."

"Pero kung sana naroon ako, baka may nagawa sana ako para sa kanya."

"Jack," hinawakan nya sa balikat ang kaibigan. "Wala namang may gusto ng nangyari, walang nakakaalam na magkakaganoon at hindi na natin mababalik ang lahat."

Napabuntonghininga sya. "Nagsisisi din ako sa totoo lang, sana nakipagkita na lang ako sa kanya ng araw na 'yon baka naiba pa sana ang nangyari."

Napakunot ang noo ni Jackson. "Magkikita kayo?"

Tumango sya. "Sabi nya huwag kong sabihin sayo, may sasabihin daw sya saking sikreto mo kaso hindi kami natuloy dahil late na ako nakalabas sa eskwelahan."

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. "Sikreto ko?"

"Oo, siguro 'tong nararamdaman mo. Alam mo naman ang kapatid mong 'yon, ipinipilit ako ng ipinipilit sayo."

Bahagyang natawa si Jackson saka napailing. "Gustong-gusto ka ng batang 'yon."

"Maka-bata ha, 2 years lang naman ang tanda mo samin pero nauna pa rin ako sayo matapos HAHAHA!"

"Bata pa rin sya sa paningin ko," sumandal sa sandalan ang binata. "After all, sya pa rin ang bunso kong kapatid."

"Ako rin!"

"Bunso mo rin sya?"

Umiling sya. "Bunso mo rin akong kapatid!" Tumatawang sabi nya.

Pinisil ni Jackson ang ilong nya. "Hindi kita kapatid."

"Oo kasi ayaw mo kong maging kapatid, kadiri ka."

Tinawanan lang sya ng binata. "Faye,"

"Hmm?"

"Hindi ka ba naiilang sa akin?"

Napakunot ang noo nya. "Bakit naman ako maiilang?"

"Kasi may gusto ako sayo?"

"Ano naman? Magkaibigan pa rin naman tayo."

Naningkit ang mga mata ni Jackson. "Pini-friendzone mo ba ako, Fatima Faye?"

"Para namang pag-ginawa ko 'yon titigil ka na." Ismid nya.

"Syempre hindi,"

"Kita mo na, sana pala nilagyan ko ng itlog ng ipis ang kape mo."

"Fatima, wala na bang iba?" Bored na tanong ni Jackson.

"Nagawa ko na ba 'yon?" Natutop nya ang bibig ng maalala. "Omyghad! Oo nga!"

"See? Ganyan ka ka-siraulo, ipanalangin mo na lang na hindi mamana ng magiging anak mo 'yan kundi tatanda ka ng maaga." Naiiling na sabi ng binata sa kanya pero ngumiti sya.

"Kung anak mo naman ang mabibiktima ayos lang,"

"Gusto mong magkaaway ang anak natin?" Napasaltak si Jackson. "Paniguradong gyera ang bahay."

Hinampas nya ito. "Hoy! Ang kapal mo, kadiri ka!" Hiyaw nya na tinawanan ng binata.

"Akala ko di mo magi-gets."

"Kadiri ka."

Umirap ito saka humarap din sa kanya. "Turuan mo na nga lang ako nyan, para naman magawan kita ng panlamig, sipunin ka pa naman."

Muli nyang nahampas ang binata. "Hiyang-hiya ako sa pagiging uhugin mo! Makinig kang maigi kung ayaw mong tusukin kita!" Banta nya saka tinuruan ang binata.

"Nakakaaliw pala 'to?" Sambit ng binata ng abutin na sila ng ilang oras kagagawa.

"Ayan may silbi na ang buhay mo." Biro nya.

"Matagal ng may silbi ang buhay ko, nandyan ka e."

"Kadiri!" Hiyaw nya saka pinalsakan ng siopao ang bibig ni Jackson ng akmang magsasalita pa, tiningnan sya ng masama ng binata na tinawanan nya lang.

Nalibang silang dalwa sa pag-crochet habang nagkukwentuhan na nalimutan na nya ang oras, inabot na ito ng hapon.

"Sa susunod na lumuwas ako ng maynila, ipaalala mong bibilhan kita ng materyales para rito." Bilin ni Jackson habang nagc-crochet sila kaya huminto sya sa ginagawa at kinuha ang cellphone ng binata na nakalapag sa harap nila, binuksan nya ang calendar ng cellphone at nag-set ng event reminder. Nakisilip lang si Jackson sa ginawa nya at hindi naman umangal.

"Ayan, isang taon na reminder 'yan. Pag-nalimutan mo pa, who you ka na sakin." Banta nya.

"Hindi ako nakakalimot, Fatima."

Sinimangutan nya ang binata. "Kaya pala 'yong chocolate ko di mo naalala."

Napataas ang kilay ni Jackson. "Tiningnan mo ba ng maigi 'yong paper bag?"

Napakunot ang noo nya at tiningnan, nanlaki ang mga mata nya ng makitang mayroong chocolate sa dala nitong paper bag para sa kanya. "Omyghad! Di mo nalimutan?"

Umiling ang binata. "Paano ko malilimutan kung ginawan mo din ng reminder? Sa araw-araw na ginawa ng dyos palaging tumutunog ang cellphone ko ng three times a day, daig pa ang whole meal sa loob ng araw sa sobrang on time mambulabog."

Napatawa sya. "Atleast di mo nalimutan."

"Kaya nga, salamat ha?" Sarcastic na sabi ni Jackson, pinisil nya ng madiin ang pisngi ng binata.

"Ang attitude mo talaga, mas maattitude ka pa sakin!"

"Bakit ako ba 'yong nagtampo na nga nagalit pa kasi di ko agad nasabihang aalis ako?"

Napa-pout sya, guilty. "Edi ako!" Ismid nya.

"Anyways, balita ko mas maganda, matibay at makapal daw 'yong materyales kaya mas okay kung 'yon ang gagamitin mo baka sakaling maisipan mong gawan din ako ano?"

"Mas maganda pa rin ako do'n tsaka mas makapal pa din ang mukha mo kesa do'n, pano kita igagawa e kulang nga 'yong yarn?!"

"Kaya nga ibibili na kita, ako ng mag-aadjust kasi nakakahiya na sayo naiistorbo kita di ba?"

"Aba oo naman, malaking abala kaya sakin ang gusto mong gawin ko. Ang mahal ng talent fee ko tapos libre ko lang binibigay sayo parang ang kapal mo na talaga no'n."

"Siningil ba kita no'ng pinaglakad mo ko simula sa amin, pinapunta ako ng bayan para lang bilhan ko raw sya ng siopao dis oras ng gabi tapos pinaghatid pa ko sa bahay nya, nasuntok pa ko sa daan."

Napasimangot si Faye. "Akala ko ba sabi mo bukal sa loob 'yon? Sabi mo ayos lang? Tapos ngayon isinusumbat mo sakin 'yon?" Naiiyak na tanong nya kaya agad na napatingin sa kanya si Jackson, naiiyak sya dahil bigla nyang naalala ang itsura nito ng araw na iyon at nagi-guilty sya ng husto.

"Bakit umiiyak ka na dyan? Akala ko ba nag-aasaran tayo?"

Hinampas nya ng malakas ang binata. "Asaran ba 'yon! Sinusumbatan mo ko!"

"Fatima-"

"-umuwi ka na nga! N-nakakainis ka!"

"Umiiyak ka talaga?"

Tiningnan nya ng masama ang binata. "Ano sa tingin mo!? Sino bang matutuwa pag-sinumbatan! Nagi-guilty na nga ako kasi napaaway ka no'n! Abot-abot kaya ang kaba ko na baka sinalvage ka na sa daan tapos susumbatan mo ko!" Parang batang rant nya.

"Hey," nilapitan sya ni Jackson saka pinunasan ang mga mata nya. "Binibiro lang kita, ang iyakin mo talaga."

Sinuntok nya si Jackson, napadaing naman ito. "Nakakainis ka!"

"Sorry, nagbibiro lang ako hindi naman kita sinusumbatan. Ang iyakin mo talaga, tahan na." Alo nito sa kanya.

"Tigilan mo ko, sasapakin kita!" Banta nya pero natawa lang ang binata.

"Tatakutin mo pa ko, umiiyak ka na nga." Muling pinunasan ni Jackson ang mga mata nya. "Tahan na, gusto mo bang ulitin ko?"

"Baliw ka ba? Kinabahan na nga ako no'ng una uulitin mo pa!"

"Fatima, kahit ilang beses pa, kahit madaling araw basta sabihin mo pupuntahan kita. Ikaw pa," humawak sa dibdib si Jackson sa kung nasaan ang puso. "Malakas ka dito, Fatima."

"Kadiri ka na, ang corny mo."

Tumawa si Jackson. "Buti nga't hindi ka nagsasawa e,"

"Anong hindi? Sawang-sawa na ako kaso wala lang akong choice."

"Ayan ka na naman," hinawi nito ang buhok nya. "Magpa-bangs ka kaya? Para naman maitago na 'yang malapad mong noo."

"JACKSON MONTESEJO!" Malakas na sigaw nya na tinawanan lang ng binata. "Nakakasobra ka na ah!" Dagdag nya saka kinurot si Jackson na di naman ininda ang ginawa nya.

"Suggestion lang naman, 'wag kang sumigaw."

"Kanina sinusumbatan mo ko tapos ngayon iniinsulto mo ako!"

"Insulto naman agad, nagsa-suggest lang ako."

"Ayoko na sayo."

"You don't mean that, Fatima."

"I mean it!" Hiyaw nya.

"No you don't."

"Yes I did!"

"Fatima," seryosong sambit nito sa pangalan nya na ikinatahimik nya, umayos din sya ng upo.

"Ano?" Nakasimangot na sagot nya.

"May company ka ng papasukan?" Doon sya natahimik saka umiling, bumalik sya sa ginagawa. Tiningnan sya ni Jackson. "Sabihin mo lang sa akin kung kailangan mo ng recommendation pwede kitang tulungan." Sambit nito, ganoon ang pagkakasabi ng binata dahil alam nito na ayaw nyang humihingi ng tulong sa mga ganoong bagay.

"Jackstone," tawag nya pero di umimik ang binata. "Maganda ba sa school mo? 3rd year ka na di ba?"

Tumango ito saka nagkibit-balikat. "Sakto lang."

"Di ba puro mayayaman do'n? Siguro mahal ang pagkain sa canteen ano?"

Bahagyang natawa si Jackson sa narinig. "Puro ka talaga pagkain."

"Mahal nga?"

"Mahal kita,"

"Kadiri ka, ano nga?"

"Sakto lang,"

"E 'yong mga babae do'n? Magaganda ba? For sure ang kikinis nila tsaka ang puputi!" Natutuwang sabi nya.

"Mga retokada, mas maputi ka pa sa mga nando'n."

"Bulag ka lang e, masyado kang loyal sa beauty ko." Ismid nya.

"Seryoso nga, puro retokada tsaka maaarte."

"Ayaw mo no'n? Bakit ayaw mo ng ka-level mo?"

"Fatima, hindi ko kailangan ng ka-level pero wala namang good manners."

"Wala ka rin naman no'n ah?"

"Sige, magsimula ka na naman."

"Hehe, peace." Sambit nya saka nag-piece sign. "Anyways, di ka pa ba uuwi? Gumagabi na."

"Pinalalayas mo na ko?"

"Ngayon mo lang na-realize?"

"Ayoko ng broken fam-" kinurot nya ng madiin si Jackson. "-araaay!"

"Seryoso kasi, gagabihin ka sa daan baka mapagtripan ka na naman."

"Inggit lang ang mga 'yon, ang gandang lalake ko kasi."

"Tanga, ang tangos kasi ng ilong mo kaya sinasapak ka para maging pango."

"Palibhasa pango ka kaya napapansin mo na naman ang ilong ko," naiiling na sabi nito saka niligpit ang ginagawa.

"Oyy, hindi ako pango ah." Napahawak pa sya sa ilong nya. "Matangos din ang ilong ko." Kontra nya at nagligpit na rin.

Tumayo na si Jackson kaya ibinalik na nya ang cellphone nito. "Hatid pa kita?"

"Wag na, manakit na naman ang mga paa mo magagalit ka na naman sakin."

"Basta ipapasan mo ko pabalik e,"

"Wala ba kayong sako? Ipasok na lang kita sa sako tapos kaladkarin."

Napairap sya. "Napaka-sama ng ugali mo talaga, lumayas ka na nga." Pagtataboy nya, inihatid nya sa pintuan si Jackson. "Ingat ka, salamat!" Nakangiting paalam nya saka inintay na mawala ito sa paningin nya.

"Tapos na kayo?" Napapitlag sya ng marinig iyon at agad na napatingin sa may gilid ng pinto, napakurap-kurap sya ng makita si Vladimir na napahalukipkip at seryoso ang tingin.

"Anong ginagawa mo dyan?"

"Iniintay kang matapos? Baka sakaling maalala mong kailangan mo ng umuwi."

"Hehe, sorry. Kanina ka pa?"

Napatingin sa relo si Vladimir. "Hindi, 3 hours pa lang naman. Kitang-kita ko nga ang sweet nyo e. Fianceè mo?" Galit na sabi nito saka bumaba na ng kubo.

Bumaling sya kay Alicia at nagbilin na lang na sabihin sa kuya nya na sinundo na sya ni Vladimir saka sya sumunod sa binatang galit at mukhang nagseselos na naman.

"Teka vladimir!" Hiyaw nya saka hinabol, ng maabutan nya ay agad nyang hinawakan sa braso ang binata. "Galit ka ba? Wala naman akong ginawa ah?"

"Oo kitang-kita ko ngang wala kang ginawa, grabe." Sarcastic na sabi nito.

Hindi nya alam kung matatawa sya o mamamangha kasi umiigting ang panga ng binata pero galit ito kaya hindi sya pwedeng magbiro baka di na sya pansinin ni Vladimir kapag biniro-biro nya pa.

"Sorry," tanging sambit nya at hindi na umimik, sumunod na lang sya ng tahimik. Di pa sila nakakarating sa tree house ng humarap ito, hinawakan sya at inilapit saka hinalikan sa labi. Napakurap-kurap sya at napapikit saka tinugon iyon. "Vladimir..." mahinang bigkas nya ng bitawan nito ang labi nya.

"Why do you always have to make me jealous?" Salubong ang kilay na tanong sa kanya.

"Sorry, hindi ko naman sinasadya."

"Faye, fianceè na kita hindi ba pwedeng dumistansya na ang gagong 'yon? Mapipigtal na ang katinuan ko, konti pa at sasapitin nya ang dapat nyang kalagyan." Banta nito.

"Promise, di na mauulit. Sasabihan ko syang tigilan na ako."

"So he still pursue you? Damn it!"

"Sorry, pinakikisamahan ko lang naman sya kasi magkaibigan kami pero iiwasan ko na talaga sya promise."

"Faye.."

"Hmm?"

"Stop making me jealous please?" Saglit itong napapikit ng mariin. "Alam kong mahalaga sya dahil kaibigan mo sya at ayokong masaktan kita kung hindi ko na mapipigilan ang sarili ko sa susunod, so please have mercy on me while I am still sane."

Hinawakan nya ang pisngi ng binata at marahang pinisil iyon. "I'm sorry, hindi na mauulit." Sabi nya saka hinalikan ang labi ng binata. "I'm really sure vladimir, you don't have to worry, there's nothing to worry about. Wala naman 'yon, isa pa alam mo namang ikaw lang ang mahal ko di ba?"

"I can't help it," niyakap sya ni Vladimir sa bewang. "Mahirap pigilang magselos lalo na't mukhang mas malapit kayo."

"Malapit din naman tayo ah? Well literally and figuratively."

Napabuntonghininga si Vladimir. "I love you faye,"

"I love you too, uwi na tayo?" Aya nya na tinanguan ng binata at binuhat na sya, humawak sya sa balikat nito, ng halikan syang muli sa labi ay nagpaubaya sya at tinugon iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

596K 63K 25
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
3.2M 185K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
1.6M 96.7K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
16.3M 545K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...