STASG (Rewritten)

Da faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... Altro

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata XLVII

6.2K 227 66
Da faithrufo

"And when the rain stops you will have to decide if I was your storm or if you were mine"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Bago pa kami makalabas ng school ay tumawag na 'yung mommy ni Jared. Ayaw siya nitong ipag-commute kaya naman susunduin kami ng driver nila.

Puting starex ang pumarada sa harapan ng campus at agad kaming nagsi sakay dito. Siksikan sa likod, malayo sa aircon dahil sobrang lamig. Mabuti nalang pala at friday ngayon, dala dala namin mga kanya kanyang P.E, pwede kami magpalit pag dating kila Jared.

Nakatitig lang ako sa labas buong byahe namin. Nagsisimula ng bumaha sa ibang parte ng Olongapo, ang lakas talaga ng ulan. Tinignan tignan ko din 'yung phone ko kung nagtetext ba 'yung kapatid ko pero ni isang message mula kahit kanino, wala.

Nag replay nanaman sa isip ko 'yung pag halik ni Asher kanina at may kung anong init akong naramdaman sa dibdib ko. Masaya ako. Sobrang saya. Si Asher lang talaga nakaka pag paramdam sakin ng ganito.

Isinandal ko 'yung ulo ko sa bintana at hindi pinansin ang nakakairitang pag vibrate nito sa ulo ko sabay binalot ng maigi 'yung jacket ni Asher sa sarili ko.

Mahal ko na ba?

Hindi ko parin talaga masagot 'yang tanong na 'yan. Hindi ko alam e. Parang? Pero parang hindi din. Parang.. malapit palang? Nasa edge na ako pero natatakot akong tumalon.

Kasi alam mong hindi ka niya sasambutin, sabi ng isip ko at medyo iniling ko 'yung ulo ko. Marami pang pwedeng mangyari, sagot ko sa naisip ko kanina. Marami pa. Sobrang dami pa. At handa akong hintayin ang lahat ng 'yun.

"Adi," kinalabit ako ng katabi kong si Henry.

"Hmm?"

"Pa-games ako.."

Hindi ko na siya nilingon, kinuha ko lang 'yung phone ko sa bulsa, in-unlock sabay inabot na sakanya.

Nalipat ang atensyon ko sa kamay ni Jared na naka patong sa arm rest. Naka upo siya sa passengers seat at may naka pasak na earphone sa magkabilang tenga niya. Tap tap tap. Sinabayan ng mga mata ko ang daliri niya. Naglalabasan ang mga ugat niya sa kamay tuwing gagalawin niya 'to. Somehow, na-relax ang buong katawan ko. Tap tap tap.

Kumpara kay Asher, payat lang si Jared. Pero hindi naman 'yung payat na buto't balat. Wala siyang taba. Muscle lang talaga. May nunal siya sa likod ng pulso-han at sa batok sabay sa pisngi. Bakit ko ba dine-describe si Jared?

Bored eh, sagot ng isip ko.

Hindi ko lubos maisip na 'yung mahahabang daliri ni Jared, ma-ugat at ma-muscle niyang braso ay napaka ingat kapag hahawak sa'yo. Tapos mainit siya. Hindi 'yung init na nakakairita pero 'yung init na ang sarap sarap dikitan. Kaya kapag giniginaw ako minsan sa classroom palagi akong nakasiksik sakanya e. Ngayon palang gusto ko na kumadong sakanya at magpa balot sa mga braso niya. Parang si Baymax 'yan e, personal heater.

Ang swerte ni Abigail sakanya.

Ilang beses na kaya siyang nayakap ni Jared? Nag-kiss na kaya sila? Ano bang pakiramdam ng maka holding hands ang isang Jared Gordon? Anong pakiramdam ng magka gusto sa'yo ang isang mala anghel na lalaki?

Nakakainis talaga.

Naiinis talaga ako kay Gail. Kasi nasakanya na lahat. Napaka unfair. Maganda siya, may kaya, matalino, dalagang pilipina. Lahat nagugustuhan siya. Maski si Asher ay naghabol sakanya.

Naiinis din ako kay Jared, kaunti. Kasi binibigyang pansin niya si Gail. Mababaliw na talaga ako. Napaka selfish ko ba dahil ayaw kong makuha ni Gail ang lahat? Kaya ko sinubukang i-push si Jared dahil gusto ko, for once, may isang bagay ako na hinding hindi mai-involve kay Abigail Salazar. Hindi dapat pumayag si Jared. Expected ko talaga hindi siya papayag. Kaso wala e. Tanginang tadhana, sinunod ng loko ang sinabi ko. Bobo mo, Adrianna.

Pero syempre, isa din sa mga rason ko sa pag push kay Jared ay para mawala na ang atensyon ni Asher kay Gail. Isipin niya, may manliligaw na, sa iba na ako mag f-focus. Nag work naman.. ata.

Ang sama ko ano? Ginamit ko si Jared para makamit ang maliit kong kaligayahan. Selfish. Galawang tanga. Sobrang effort, kahit alam ng mali, go parin.

Nahulog bigla ang puso ko.

Lord, alam kong puro kalokohan ang inaatupag ko pero 'wag niyo sanang hayaang mawala si Jared sa buhay ko. Please Lord. Tunay siyang kaibigan. Kung 'di karapat dapat sakin si Asher, okay langー pero sana talaga siya na ー'wag niyo lang pong hayaang mawala si Jared sakin, Amen.

"Aray ko shit," na umpog ako sa bintana nang dumaan kami sa may lubak. Sorry po Lord, nagmura.

"Wag ka kasing sumandal jan," sabi ni Kris na naka upo sa may likod ko.

"Inaantok ako e," rason ko sakanya.

"Eto oh sandal ka sakin," sabi ni Henry. "Okay lang naman."

"Hindi hindi," umiling iling ako. "Malapit na din naman na tayo. Lagpas mabayuhan na e."

Bumalik na sa katahimikan sa loob ng sasakyan sabay pinanood ko ang mga patak ng ulan na nagkakarera pababa ng bintana. Ano nga pala iniisip ko kanina? Something related to Asher diba?

Hay Asher.

Asher James Martinez, mula sa mapungay niyang mga mata hanggang sa napaka pink at lambot niyang mga labi. He is the epitome of perfection.. napapa english na ako pucha.

Caring si Asher. Sobrang caring, ayun ang pagkakakilala ko sakanya. Sa ibang way niya nga lang 'to pinapakita. Minsan sobrang late na bago mo pa ma-realize na may pakealam pala siya sa'yo. Kakaiba 'yan si Asher, kaya siguro gusto ko ng tumalon at hayaan ang sarili ko na tuluyang mahulog papunta sakanya.

Nakadating na din kami sa wakas sa bahay nina Jared at sa pinto palang, kitang kita ko na ang isang foreigner na babae na naghihintay sa may pinto ng mansyon.

Pangalawang punta ko na dito pero sobrang namamagha pa din talaga ako sa paligid.

Bumukas ang mga pinto ng van at naunang lumabas si Jared, "Hi Mum," bati niya doon sa babae.

"Hello love, how are you? Not feeling sick are you?" natulala ako sa nanay ni Jared at medyo napa awang ang bibig. Tapos nagkatinginan kami ni Henry at sabay kaming napatakip sa ilong.

"I'm alright mum," sagot naman ni Jared bago kami tignan. "I'm with my friends," sabi niya sa nanay niya at talaga in-emphasize niya 'yung salitang friends.

Isa isa kaming tinignan ng mommy ni Jared at halos mapa sigaw ako nang tumigil ito sakin. "Are you Adrianna?" tanong niya at namilog ang mata ko.

"Uh.. y-yes I doーeste shit." Tumawa si Henry sa tabi ko kaya naman siniko ko siya sa tigiliran. "Yes I am po."

Mabilis na lumipat ang tingin niya kay Jared na namumula bago bumalik saakin sabay ngumiti siya ng sobra.

"Can we come in now mum?" pag putol ni Jared sa kung ano mang sasabihin ng mama niya. Nakahinga ako bigla ng maluwag, hindi ko man lang napansin na nahigit ko pala hininga ko.

"Oh yes yes, get inside quickly."

Nagkatinginan kaming magkakaibigan bago kami pumasok sa loob ng bahay. Kanya kanyang tanggal kami ng mga sapatos at medyas na basa. Awa ng Diyos, walang amoy paa ni Henry ngayon kaya okay lang.

"Hindi pala marunong mag tagalog mama ni Jared?" mahinang tanong ko kay Ethel.

"Nakaka intindi konti pero 'di niya kaya magsalita. Pa isa isang words lang," sagot ni Ethel.

Nakilala na kasi nila ang mommy ni Jared dati. Nung hindi ako pinayagang sumama sakanila tapos tumambay sila kina Jared.

"No wonder bulol pa din minsan si Jared..." mahina nalang na sabi ko.

May naririnig akong mga bata na naglalaro sa may kusina pero hindi ko na nasilip dahil masyado akong busy na sundan sina Angelo paakyat ng hagdan. Mga kapatid siguro ni Jared 'yung nandoon sa kusina. Gusto ko sila ma-meet.

Halos itulak ko na mga kaibigan ko nang marating namin ang destinasyon namin.

Ang kwarto ni Jared Lionel S. Gordon.

"Whoa," malawak 'to, ayun ang unang napansin ko. Malawak at malinis. Organized lahat at may napaka laking bookshelf siya sa left side ng kwarto niya malapit sa may kama.

"Lapag niyo nalang bags niyo jan," sabi saamin ni Jared kaya naman kung saan saan nalang namin ibinagsak mga bag namin.

"Jared saan ako pwede mag palit?" tanong ni Kei. "Basang basa na kasi uniform ko."

"Labas ka, next door to the right 'yung C.R," sagot ni Jared.

"Uy sama na ako," sabi ko naman kay Kei bago damputin ulit 'yung bag ko.

In the end, sumama lahat ng babae sa banyo para magpalit ng P.E at pagka balik namin sa kwarto, natulala nanaman ako kay Jared.

Sobrang tagal siguro namin sa C.R dahil naka pambahay na siya (sweats at muscle tee) tapos suot suot niya na din 'yung glasses niya. Four eyes is back.

Naka upo siya sa may kama, katapat si Kris at nagtuturuan sila ng mga chords sa isang hindi pamilyar na gitara.

"Kahit kailan.. hindi kita iiwan.." mahinang pagkanta niya bago siya nag angat ng tingin at napatigil ng makita niyang naka balik na kami.

Nilingon din kami ni Kris at agad na kinuha 'yung gitara mula kay Jared, "Mamaya nalang," sabi niya dito.

Nagtama ang tingin namin at napataas ang kilay ko dahil namumula nanaman ang tenga ni Jared at medyo pink ang pisngi niya.

"Anyare sa'yo?" tanong ko pagka upo ko sa tabi niya.

"Wala," naka ngiting sagot niya.

"Guys!"

Lahat kami ay napatingin kay Angelo na may inilabas na bote ng C2 mula sa bag niya.

"Spinー" kumulog ng napaka lakas at agad akong napakapit sa katabi ko. Maski siya ay napatalon sa gulat, muntik pa kaming madulas paalis ng kama niya. Sabay sabay namatay ang mga ilaw at na ngibabaw ang sigaw ni Beatrice na duwag sa dilim. "....the bottle tayo."

• • • • • • • • • •

"No, it's okay. Wait for it.." sabi samin ni Jared nang mamatay 'yung mga ilaw. Hindi naman talaga madilim dahil umaga parin, nabigla lang talaga kaming lahat lalo na sa lakas ng kulog.

Hindi nagtagal ay bumukas ulit ang mga ilaw. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa bintana. Bundok ang Gordon Heights at mataas na lugar na ang block 19, pababa ang kalsada kaya naman patuloy na umaagos ang baha, para itong isang ilog na kulay brown. Umapaw nanaman siguro ang mga kanal. Nagdasal ako na sana walang ma-disgrasya. Minsan kasi may natatangay na mga bata ang baha na 'yan, tulad last year.

"Grabe oh, baha na agad.." sabi ko sa mga kaibigan ko habang nakatitig doon sa baha sa pakonti konti pumapasok sa ilalim ng gate nina Jared. Napatingin ako sa mga bahay sa labas at nakitang kami lang ang may kuryente. Naks, may generator sina Jared.

"May generator pala kayo?" ani Tris na nakatayo na sa tabi ko.

"Yup," naka ngiting sagot ni Jared.

Bumukas ang pinto at sumilip si Manang, 'yung yaya nina Jared tapos may batang babae na nakakapit sa binti niya.

"Jawed," mahina at nahihiyang sabi nung bata.

"Okay lang kayo dito?" tanong ni Manang.

"Opo," sabay sabay naming sagot.

"Hi belle," masayang sabi ni Ethel bago umupo sa tapat nung napaka cute na bata.

Agad na nagtago 'to sa likod ni Manang na natawa sa reaction ng alaga. "Nahihiya," naka ngiti niyang sabi bago hawakan 'yung bata. "Come on belle, let's go."

Itinaas niya 'yung maliit niyang kamay at kinawayan kami bago tumakbo paalis, 'yung yaya hinabol siya.

"Ang cute cute talaga ni Belle!" parang dreamy pa na sabi ni Ethel.

"Mas cute kaya si Ian," pag kontra ni Kei. "Ang pogi pogi."

Umupo ulit ako sa kama sa may tabi ni Jared, "Ilan taon na 'yun?" tanong ko.

"Si Belle? Four. Ian is almost six."

"Gusto ko 'yung bunso e," sabi ko nang maalala ko 'yung baby na napaka cute. Ang puti puti tapos chubby.

Umangat 'yung gilid ng labi ni Jared, "Si Jack-jack? Yeah, he's cute." Sabay inilapit niya 'yung bibig niya sa tenga ko. "But i'm the cutest."

Napatawa ako sa sinabi niya, "Ang kapal!"

"Ano daw?" tanong nina Ethel.

"Sabi ko kasiーmmmph!"

"Aaaay ayaw mag-share," iling iling na sabi ni Kei.

"Ganyan 'yang dalawang 'yan e," ani Tris habang nakaturo saamin. "Palaging may sariling mundo."

Tinanggal ko 'yung kamay ni Jared sa bibig ko. Tumatawa parin, sinubukan kong mag salita. "Hindi! Kasi sabi ko ngaーHahaha! Jared ano ba!" Inalis ko 'yung mga daliri niya sa tyan ko.

"Don't tell them," halos nagmamakaawa niyang sabi. "Nakakahiya."

Medyo inilayo ko sarili ko sakanya, "Sakanila nahihiya ka pero sakin ang kapal kapal mo?"

Ibinagsak niya ang katawan niya patalikod para nakahiga na siya kaya naman 'yung suot niya muscle tee ay medyo umangat.

Napangiti ako at may idea na pumasok sa isip ko. Hinablot ko ang dulo ng damit niya sabay itinaas 'to.

"Hey! What are you doing?"

"Guys! Tignan niyo 'to dali!" dinutdot ko 'yung tattoo niya.

Nag groan si Jared at napatawa ako sa namumulang mukha niya. "Stooooop."

"Ano 'yan?" tanong nina Ethel habang lumalapit.

"To have.. faith is to...? Ano daw?"

"To have faith is to have wings," tinuktukan ni Ethel si Tris matapos niyang basahin. "Bulag."

"Hindi," natawa si Tris. "Na-distract kasi ako sa utong ni Jared."

"Stoooop," protesta nanaman niya pero ako lang ata nakarinig sakanya dahil sa lakas ng tawanan namin.

"Ako nalang pag pyestahan niyo," malakas na sabi ni Henry. Mukhang bumalik na siya sa dati. "Mas sexy ako!" Itinaas niya 'yung t-shirt niya.

Tawang tawa ako doon sa kaunting taba niya sa baba ng pusod. May kasikipan din kasi 'yung jogging pants niya kaya naman para 'tong nakalaylay.

"Mag whip ka nga, mag whip ka nga!" Pag encourage pa ni Kris sakanya.

Nag whip naman kaagad si Henry at tumalbog 'yung taba niya. Halos maihi na ako sa tawa.

"Ikaw nga Kris!"

Umiling iling si Kristoffer, "Pass." Aniya bago maki upo samin sa kama.

"Ay KJ!"

Habang inaasar nila si Kris, binaba ko na ulit 'yung damit ni Jared at nginitian siya. Ngumiti siya pabalik, labas dimple sabay kumindat.

"Si Angelo nalang!" sigaw ni Tris habang pumapalakpak. "Take it off! Take it off!"

Natatawang tinignan ko si Angelo na mukhang tatanggalin nga talaga 'yung t-shirt. Nakihiyaw at nakipalakpak na din ako.

"Subukan mo lang Angelo, kung ayaw mong malumpo." Banta ni Ethel. Agad namin siyang inalaska dahil doon.

"Wala! Gusto niya siya lang makakita e!" sigaw ko.

"Wooo! Happy time na 'yan!"

Happy time daw haha langya naalala ko nanaman tuloy si Asher.

Kinalabit ako ni Kei, "Si Asher ba bes may abs?"

Napangiti ako, "....Meron."

"Meron?" bigla nalamang nasa harapan ko na si Beatrice. "Marami? As in pandesal?"

"Hindi naman.. apat lang," hinawakan ko 'yung tyan ko para parang i-demonstrate sakanila. "Tapos may V-line.."

*Pak!*

"Shit! Wala kang picture?!" dinumog na ako ng dalawa kong kaibigan. Si Ethel lang ang kalmado. Pero base sa tingin niya, nagpipigil lang siya ng kilig dahil nandyan si Angelo.

"Aray ko naman Tris," natatawang sabi ko habang hawak hawak 'yung parte ng ulo ko na sinapok niya.

"Kapag wala nalang 'yung boys," sabi ko sakanila bago sumulyap kina Jared na mukhang hindi na interesado sa topic namin.

"I-text mo nalang sakin," sabi ni Tris. "Para detalyado!" Umirit siya.

"Sus"

Napatingin kaming lahat kay Henry. "May sinasabi ka jan?" masungit na sabi ni Beatrice sakanya.

Bago pa man maka sagot si Henry, malakas na bumangon na si Jared sabay naglakad papalapit kay Angelo. Kinuha niya 'yung bote na hawak nito bago kami tignan. Umangat 'yung gilid ng labi niya, "Let's play."

• • • • • • • • • •

"Angelo, truth or dare?"

"Truth."

Hinampas ni Tris 'yung plastic na bote sa sahig dahil sa inis at napatawa kami. Ayaw talaga mag dare ni Angelo kapag si Tris ang katapat niya dahil alam niyang ipapa taas ni Tris 'yung damit niya.

"De, joke lang. Ethel, 'wag mo ako patayin sa titig. Eto na, game na. Truth diba? Sino first crush mo sa classroom?"

"Ethel," simpleng sagot ni Angelo.

"Weh?"

"Oo nga."

"Eh bakit?"

Dahil malayo si Ethel, na ambahan niya lang si Tris. "Tangina ka Beatrice."

Tumawa si Tris, "Love you too!"

Naalala ko nanaman si Asher at lihim akong napangiti.

"Osige na Angelo, ikot mo na."

Kinuha na ni Angelo 'yung bote ng C2 sabay pinaikot 'to. Lahat kami nakatitig ng mabuti sa bote at pakonti konti.. tumigil 'to.

"Henry! Truth or dare?"

"Dare," confident niyang sagot.

Ngumiti ng nakakaloko si Angelo, "Tabihan mo si Tris."

"Tanginang 'yan," sabay na mura ni Henry at Beatrice.

"Wooo! Bilis! Bawal KJ!" sabi ko kaya naman sinamaan ako ng tingin ng dalawa.

"Oo nga, dali na" pagsali naman ni Kei.

"Tayo, bilis." Tinulak tulak ni Kris si Henry.

"Wag naman ganun," protesta ni Henry.

"Bilis na!" nilakasan ko pa ang boses ko.

Tumayo na si Henry at nagsi usugan kami para maka upo siya sa tabi ni Tris na nakatakip na sa mukha niya. "Humanda ka Adrianna," sabi sakin ni Henry bago umupo, 'yung bote nasa kamay niya na.

"Hala, bakit ako?"

Hindi ako sinagot ni Henry. Pinaikot niya lang 'yung bote at nabingi ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kung 'di ka ba naman minamalas, sakin talaga 'to tumigil.

"Truth or dare?" hamon saakin ni Henry. Hamon talaga. As in. Na para bang kahit ano sa dalawa ang piliin ko mayayari parin ako.

Kapag nag truth ako, may tatanungin 'to panigurado na personal. Baka tungkol pa saamin ni Asher. Kapag dare naman.. ano naman ipapagawa niya? Sayaw? Acting?

Tinapangan ko ang sarili ko at tinaasan siya ng kilay, "Dare."

"Ha!" sigaw niya kaya naman medyo napatalon pa ako sa gulat. "Kiss mo si Jared."

"WHAT?!"

Continua a leggere

Ti piacerà anche

628 14 3
tambakan ng mga salita, isusulat sa bawat pahina. naglalaman ng ligaya't pagluha, pagtakas man o paghinga. merakiyahh Language: Tagalog Genre: Poet...
2.2M 98.4K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
3.1M 131K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
23.9M 1M 54
THE LOSERS' CLUB SERIES #2 Someday you'll look back on your mistakes and laugh. To name a few instances, these are those awkward first kisses you sha...