Malayah

By itskavii

2.1K 300 566

Isang tagna. Mula sa balon ni Tala ay bumaba ang isang pangitain sa lupa. Sa ika-anim na beses na tangkaing a... More

Malayah
PROLOGO
1. Ang Pagkawala ni Apulatu
2. Ang Kapre sa Balete
3. Ang Mapa
4. Si Mariang Sinukuan
5. Sa Lumang Bahay
6. Ang Tiyanak
7. Kay Mariang Karamot
8. Si Agua
9. Huwad
10. Ang Panlilinlang
11. Sa Tugot
12. Ilang Ilang
13. Engkanto
14. Hiling
15. Ang Ginintuang Kabibe
16. Si Angalo
17. Ang Ikalawang Hiyas
18. Si Aran
19. Sa Makitan
20. Ang Araw
21. Sa Daluti
22. Mga Tadhanang Magkakadikit
23. Anong Tadhana
24. 'Di Kasiguraduhan
25. Sa Dagat Kung Saan Nagsimula
26. Ang Mahiwagang Sandata
27. Si Linsana
28. Adhikaing Maging Babaylan
29. Pagkagayuma
30. Sa Pagkamatay ng Ibon
31. Si Dalikmata
32. Ang Pagpula ng Paruparo
33. Sa Talibon, Bohol
34. Ang Susi Upang Mapakawalan.
35. Ama
36. Ang Itim na Hiyas
37. Kay Daragang Magayon
38. Isang Sugal
39. Ang Kakaibang Pwersa
41. Mula Sa Akin At Para Sa'yo
42. Umiibig
43. Si Pagtuga
44. Ang Kasal
45. Isang Sumpa
46. Himala
47. Isang Panaginip
48. Si Magayon
49. Mga Tikbalang
50. Portal
51. Ang Tagna
52. Batis Ng Katotohanan
53. Isang Dayo
54. Dalangin
55. Ina
56. Anino

40. Si Panganoron

27 2 31
By itskavii

Iminulat ni Malayah ang mga mata kinabukasan at napagtantong hindi na niya nararamdaman ang kakaibang pwersang palaging kumokontrol sa kanya. Dahil dito ay malaya siyang nakakagalaw ayon sa kanyang nais.

"Mukhang maganda ang inyong gising, daragang Magayon." Bati ng isa sa mga tagapagsilbi nang makasalubong niya ito sa isang pasilyo.

Bahagyang napangiti si Malayah at tumango. Sino ba naman ang hindi gaganda ang gising kung malaya ka nang nakakagalaw sa sarili mo? Ngunit kaagad ding naglaho ang ngiting iyon nang lumapit ang isa pang tagapagsilbi upang sabihin sa kanya na naroong muli si Pagtuga sa bulwagan.

Napairap lamang si Malayah nang maramdaman ang pagbalik ng kontrol ng kakaibang pwersa sa kanya. Kusa siya nitong inihatid patungo sa bulwagan.

Naalala ni Malayah ang huling naaalala bago siya ihatid ng kakaibang liwanag sa ilog Yawa. Sinubukan siyang suntukin pabalik ni Pagtuga. Ngayon ay iniisip niya kung paano niya dedepensahan ang sarili sa sandaling gumanti ito ngayon. Paniguradong namamaga pa rin at nangingitim ang gilid ng mata nito.

Ngunit sa pagpasok ni Malayah sa bulwagan ay magiliw lamang siyang binati ni Pagtuga. Ang mukha nito ay walang bahid ng kahit anong pasa at tila ba hindi na dinaramdam ng binata ang pagsuntok niya rito.

Nais mang itanong ni Malayah kung ano ang nangyari ay hindi niya magawa sapagkat nasa ilalim siya ng kontrol ng kakaibang pwersa.

"Ano naman ngayon ang iyong pakay rito?" Malumanay ngunit may bahid ng pagkamuhing tanong ni Magayon.

Binigyan siya ni Pagtuga ng isang ngisi. "Nais ko lamang magpaalam, mahal ko."

Napaiwas ng tingin dito si Magayon sapagkat tila nagpintig ang kanyang mga tainga sa tawag nito sa kanya. "Aalis ka?" Tanong niya na may bahid ng kaunting kagalakan.

"Ngunit sandali lamang. Ako'y babalik din matapos ang isang buwan. At sa oras na bumalik ako ay magpapakasal na tayo, aking Magayon."

Akmang hahawakan ni Pagtuga ang kanyang pisngi nang kaagad siyang umatras at hinawi ang kamay nito. "Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako magpapakasal sa iyo?"

"Hintayin mo. Sa oras na umalis na ako ay tiyak na mangungulila ka sa akin. Ngunit huwag kang mag-alala sapagkat tutugunan ko ang iyong pagkasabik sa sandaling ako'y magbalik," nakangising saad ni Pagtuga bago maglakad palabas ng bulwagan.

Nawala ang kakaibang pwersa. Balak sanang habulin ito ni Malayah at bigyan ng isa pang suntok. Ngunit pinigilan niya ang sarili at pinagmasdan na lamang itong umalis. "Hambog."

Balak na sanang lisanin ni Malayah ang bulwagan nang dumating dito si Datu Makusog, ang ama ni Magayon. Kasabay nito ay ang pagbalik din ng kakaibang pwersa sa kanya.

"Narito ka pala, Magayon." Bati ng Datu.

Tumango si Magayon at magiliw na ngumiti. "Nagtungo po rito si Pagtuga upang ipabatid ang kanyang paglisan sa ating bayan."

Napatango ang Datu. "Nasabi rin sa akin ng kanyang ama. Teka, nagpaalam siya sa'yo? Sabihin mo, si Pagtuga na ba ang napili ng mahal kong anak?" May bahid na ngiti at pang-aasar na wika ng kanyang ama.

Mariing napailing si Magayon at napanguso. Kumapit siya sa braso ng ama at sumandal sa balikat nito na tila isang bata. "Wala pa po akong napipili, ama. Lahat sila'y hindi naman ako mahal. Tila isang tropeyo lamang ang tingin nila sa akin."

"Talaga? At paano mo naman iyan nasabi?"

Napabitiw si Magayon sa ama at napaisip. Nagkibit-balikat siya. "Nakikita ko po sa kanilang mga mata."

Napatawa si Datu Makusog at ginulo ang buhok ng anak. "Kung anu-ano pa ang iyong iniimbento! Maaari mo naman sabihin na wala ka lamang magustuhan sa kanila."

Napakamot ng ulo si Magayon at bahagya ring napatawa. "Wala talaga, ama. Ngunit alam kong makikita ko rin ang lalaking hinahanap ko. O kaya naman ay baka nakita ko na siya..." Naalala niya ang binatang nagligtas sa kanya mula sa pagkalunod. "...at kailangan lamang na makita kong muli."

Ano nga ulit ang kanyang ngalan? Sinabi na nito ang pangalan kay Magayon ngunit hindi niya masyadong matandaan. Batid niya ngunit tila nasa dulo ito ng kanyang dila.

"Ano nga ba ulit ang kanyang pangalan?"

"Sino?"

Napalingon siya sa ama at napatakip ng bibig. Ang mga salitang iyon ay dapat na isang bulong lamang ngunit sa malalim na pag-iisip ay hindi niya napansin na naibubulas niya.

Umiling si Magayon at mahinang bumungisngis. "Wala po, ama."

Binigyan lamang siya ng isang makahulugang ngiti ng ama bago iwaksi ang paksa. "Oo nga pala, Magayon. Mayroon tayong mga panauhin mula sa Laguna na ipinadala bilang kinatawan ni Datu Karilaya para sa darating na piging sa susunod na linggo."

Naningkit ang mga mata ni Magayon. "Mga bisita?"

Tumango si datu Makusog. "Alam ko namang ayaw mong humaharap sa mga bisita. Ngayon ay pinapayagan na kitang manatili sa iyong silid kahit kailan mo naisin."

Nagliwanag ang mukha ni Magayon. Kumpara sa kanyang mga kapatid ay si Magayon ang pinakamahiyain. Ni hindi nga siya masyadong nakakahalubilo sa mga mamamayan ng kanilang bayan kung kaya't ano pa ang mga bisita.

Bumukas ang pinto ng bulwagan at mula rito ay pumasok si Hadyo, ang kanang kamay ni Datu Makusog. Lumapit ito sa datu at may inihayag. Hindi ito ganoon narinig ni Magayon.

"Papasukin mo sila, Hadyo."

Tumango ito at muling nagtungo sa pinto ng bulwagan at binuksan ito nang malawak.

"Narito na pala sila, Magayon."

Napalingon dito ang dalaga. Mula sa pinto ay pumasok ang tatlong lalaki at dalawang babae. Sa harap ay pinapangunahan ang mga ito ng isang pamilyar na mukha.

"Siya nga pala, ang binata na iyon ay isa sa mga anak ni Datu Karilaya. Ang ngalan niya ay—"

Hindi na pinatapos ni Magayon ang sinasabi ng kanyang ama. Sapagkat ang salitang kanina pa nasa dulo ng kanyang dila ay naalala na niya.

"Panganoron."

Nagtatakang napalingon sa kanya si Datu Makusog. "Kilala mo siya, Magayon?"

Tumango ang dalaga habang ang mga tingin ay nakapako pa rin sa binata. At sa paggawi ng tingin nito sa kanya ay tila siya'y kinikilala nito. At nang mamukhaan ay kumurba sa isang ngiti ang mga labi ni Panganoron.

"Ama, Naaalala mo ba ang lalaking ikinuwento ko sayo na nagligtas sa akin mula sa pagkalunod? Siya po iyon."

Nang makalapit ay nagbigay galang si Panganoron. "Isang karangalan na makita kayo nang personal, Datu Makusog. At... nagagalak akong makita kang muli, daraga."

"Ang ngalan ko'y Magayon," sambit ng dalaga nang maalalang hindi nga pala siya nakapagpakilala noong una nilang pagkikita.

"Magayon," pag-uulit ni Pangaronon dito at tumango-tango. "Hindi nakapagtataka sapagkat wastong-wasto sa iyong kagandahan ang iyong pangalan."

Napaiwas ng tingin si Magayon nang maramdaman ang pag-init ng kanyang mga pisngi. Bahagya siyang ngumiti sa papuri ng binata sa kanya.

"Nabatid ko ang nangyari sa ilog at nagpapasalamat ako sa pagligtas mo sa aking anak. Halikayo at sasabihan ko ang mga tagapagsilbi na ihanda kayo ng iyong mga kasama ng isang magarbong almusal bilang pasasalamat."

Nagsimula nang maglakad paalis ang datu at ang apat sa mga bisita. Sa gitna ng bulwagan ay naroon pa rin sina Magayon at Panganoron, nakatitig sa isa't-isa.

Kinalaunan ay naramdaman ni Malayah ang paghupa ng kakaibang pwersa sa kanyang sistema at batid niyang ganoon din ito kay Lakan.

Ngunit hindi nila binasag ang kanilang pagtitig. Sapagkat katulad nina Magayon at Pangaronon ay nagagalak din silang makitang muli ang isa't-isa.

--

"Sa tingin ko ay may kakaiba sa lugar na ito. Ang mga nangyayari na hindi nakaayon sa kwento ay nababagong muli upang makasunod sa balangkas."

Napagtanto iyon ni Malayah nang makitang kinabukasan ay wala na ang pasang idinulot niya kay Pagtuga at tila wala na itong maalala sa nangyari.

"Totoo ba talagang sinuntok mo si Pagtuga?" Tanong ni Lakan at bahagyang tumawa.

Sinamaan niya ng tingin si Lakan. Kanina pa siya nagpapaliwanag ngunit tila hindi ito nagseseryoso.

Napahawak sa kanyang noo si Malayah nang bigla itong pitikin ni Lakan. "Huwag ka namang masyadong seryoso. Subukan mong ikurba ang iyong labi. Napakaganda ng mga ngiti mo sa tuwing ikaw si Magayon."

Inirapan lamang ito ni Malayah at nagpatuloy sa paglalakad. Marahil ay nahawa na ang isang ito sa pagsama-sama kay Aran.

Ngunit sa ideyang iyon ay napahinto si Malayah. Nilingon niya si Lakan na ngayo'y kasunod niya. "Sa tingin mo ba ay narito rin sila? Sina Sagani at Aran?"

Sa tanong na iyon ay unti-unting nawala ang mapagbirong ngiti sa labi ng binata. Kanyang nasisilayan ang lungkot sa mga mata ng dalaga. At pamilyar na pamilyar sa kanya ang ganoong ekspresyon nito.

"Sinisisi mo ba ang sarili mo sa nangyari?"

Napaiwas ng tingin si Malayah. Hindi niya alam kung papaano ngunit tila ba nababasa ni Lakan ang kanyang isipan. Huminga siya nang malalim upang pigilan ang nagbabadyang mga luha.

"Dapat ay nakinig na lamang ako sa'yo noon. Sana ay wala tayo rito at hindi nakulong sa kung ano mang kakaibang mahika na kumokontrol sa atin. Paano kung hindi lamang ikaw ang naidamay ko? Paano kung narito rin sina Aran at Sagani?"

Pinagmasdan siya ng binata. "Hindi kita sinisisi sa nangyari at kung narito man sila ay tiyak na hindi ka rin nila sisisihin." Ikinurba ni Lakan ang isang ngiti na nakapagpagaan sa kalooban ni Malayah. "Hindi kita sinisiii. Masaya akong narito at kasama ka."

--

Sa mga sumunod na araw, sa mga sandaling linilisan ng kakaibang pwersa ang kanilang mga katawan, ay tinutuon nina Malayah at Lakan ang panahon upang makahanap ng maaaring kasagutan sa kanilang mga katanungan at sinusubukang makaalis sa lugar na iyon.

At sa paglalakbay ay tuluyan nilang narating ang dulo ng bayan.

"Imposible..." Usal ni Malayah nang purong kadiliman lamang ang kanilang nadatnan.

Malayo sa makulay na bayan, pagdating sa hangganan nito ay wala nang ibang mga bayan pa. Bagkus ay tanging itim na enerhiya na lamang ang bumabalot sa mundo.

Sinubukan ni Malayah na pumasok dito sakaling isa lamang itong portal ngunit ito'y walang hanggang kadiliman lamang. Mabuti na lamang at nahila siya palabas ni Lakan mula roon.

Nilingon niya si Lakan. "Hindi ba't mula sa Laguna si Panganoron? Kung ganoon ay galing ka roon."

Umiling ang binata. "Ang naaalala ko lamang ay ang pagdating ko rito sa bayan. Dito na ako nagising matapos ang nangyari sa tuktok ng bulkan."

Napaisip si Malayah. Kung ganoon ay sa mundong ito ay tanging ang bayan lamang ng Ibalon ang narito. Isa itong parte ng nakaraan sapagkat ang mga kaganapan ay nangyari na noon—na dahilan kung bakit may kakaibang pwersa na kumokontrol sa kanila.

Tila isa itong palabas sa teatro.

At sila'y kabilang sa mga karakter.

At sa pagbukas ng kurtina ay isinasadula nila ang kwento sa tulong ng kakaibang pwersang kumokontrol sa kanila.

Sigurado si Malayah kung kaninong kwento ang isang ito. Ang alamat ng bulkang Mayon.

Nilingon niya si Lakan. "Sa tingin ko ay alam ko na ang mga nangyayari at kung sino ang may hawak ng hiyas."

Pinagmasdan siya ni Lakan nang may kuryosidad. "Sabihin mo."

"Marahil ay ang lahat ng ito ay isa lamang alaala."

"Alaala?"

Mariiing tumango si Malayah. "Ni Magayon. Hindi ba't may kanya-kanyang mga kakayahan ang mga hiyas bukod sa magbukas ng portal patungo sa Hiwaga? Marahil ay ito ang kapangyarihan ng pulang hiyas. Ang isadulang muli o paulit-ulit ang isang alaala."

"Ngunit bakit naman nanaisin ni Magayon na paulit-ulit na mailahad ang trahedyang naranasan niya?"

Napaisip si Malayah sa sinabi ni Lakan. May punto ito. Bakit nanaisin ninuman na ipaulit-ulit ang isang sakit? At nang may maisip na sagot ay muli niyang nilingon ang binata. "Marahil ay upang baguhin ito."

"Ngunit ano pang silbi ng kakaibang pwersa kung iyon nga ang dahilan? Isa pa, hindi ba't sinabi mo na ang lahat ng pangyayari na hindi ayon sa balangkas ng kwento ay nabubura lamang?"

Napahilamos sa mukha si Malayah. Hindi niya naikonsidera ang bagay na iyon. "Hindi ko na alam," usal niya at kumuha ng isang bato at ihinagis ito sa itim na enerhiyang nakapalibot sa Ibalon. "Nakakainis!"

"Malayah," tawag ni Lakan dahilan upang bahagyang kumalma ang dalaga. "Binanggit mo rin na may ideya ka na kung sino ang may hawak sa hiyas, hindi ba?"

Tumango si Malayah. "Sigurado akong kay Magayon ang alaala na ito kung kaya't tiyak kong nasa kanya ang hiyas," taas-noo niyang sabi. Sa wakas ay tumama na rin ang kanyang mga kuro-kuro.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo nang titigan lamang siya ni Lakan. Hindi ito kumukurap at tila malalim ang iniisip.

"Bakit?"

"Malayah, hindi ba't ikaw si Magayon?"

--

Sinubukan ni Malayah na hanapin ang hiyas sa silid ni Magayon. Kung si Magayon nga ang may hawak nito ay tiyak na narito ito.

Nagsimula siya sa maliit na lamesa sa tabi ng kanyang kama. Natagpuan niya rito ang ilang mga alahas ngunit wala sa mga ito ang pulang hiyas. Tumungo naman siya sa aparador ng mga damit. Ngunit wala rin dito.

Inilibot niya ng tingin ang paligid at itinanong sa sarili, Kung ako si Magayon, saan ko maaaring itago ang isang mahalagang bagay?

Kaagad na sumagi sa isip ni Malayah ang ilalim ng kama. Ngunit nang maghanap siya rito ay wala naman siyang natagpuan.

Napapikit siya sa inis.

Dalawa lamang ang ibig sabihin nito. Wala talaga kay Magayon ang pulang hiyas o may ibang lugar itong pinagtaguan ng hiyas.

Nang imulat muli ang mga mata ay napaatras si Malayah nang makitang wala na siya sa silid at naroon na sa bulwagan.

Maraming mga tao sa bulwagan. Lahat ay abala sa paghahanda para sa darating na malaking piging sa isang linggo. Mayroong mga nag-aayos ng mga lamesa. Nagwawalis at nag-aagiw ng mga dingding. At nagpapalamuti ng mga bulaklak dito. Buhay sa kulay ang paligid. Sa pagkamangha ay tila nakalimutan ni Malayah na kani-kanina lang ay abala siya sa paghahanap ng hiyas sa silid.

Naramdaman ni Malayah ang kakaibang pwersa sa kanyang katawan. Mukhang nagbukas na naman ang kurtina ng teatro.

Naglakad si Magayon patungo sa kanyang amang datu. "Ama, maaari po ba akong tumulong?"

Napalingon si Datu Makusog sa dalaga at pinanliitan ito ng mga mata. Inaasahan nitong mananatili lamang ang anak sa silid sapagkat hindi ito mahilig makihalubilo sa maraming tao. Ngunit tumango pa rin ang datu. "Maaari, kung iyon ang iyong nais."

Ngumiti si Magayon at lumapit sa isa sa mga tagapagsilbi upang humingi ng mga bulaklak na maaari niyang ikabit sa mga dingding.

Paborito ni Magayon ang mga pulang rosas kung kaya't ito ang kanyang kinuha. Sinimulan niyang ikabit ito habang humihimig.

"Kay ganda ng iyong tinig."

Napatalon sa gulat ang dalaga nang may magsalita sa kanyang tabi.

"Paumanhin kung ika'y nagulat ko."

Pinagmasdan lamang ni Magayon si Panganoron. Kalauna'y ngumiti at tumango. "Ayos lang."

Nagpatuloy sila sa pagkakabit ng mga bulaklak. Dahil magkatabi ay may mga sandaling nagdidikit ang kanilang mga braso. Hindi malaman ni Magayon kung bakit may tila kuryente siyang nararamdaman sa tuwing nagdidikit ang kanilang mga balat. Ngunit tahimik lamang siyang nagpatuloy sa ginagawa at hinayaan lamang ito.

Muli siyang kumuha ng mga bulaklak at nanghiram na rin ng isang hagdan upang maabot ang mataas na dingding.

Nais mapasapo sa noo ni Malayah kung 'di lang dahil sa kakaibang pwersa na kumokontrol sa kanya. Tila alam na niya ang mga susunod na mangyayari. Ano 'to, pelikula?

Umakyat si Magayon sa hagdan at nagsimulang ikabit ang mga rosas. Nang matapos ay dahan-dahan siyang bumaba. Ngunit sa ikalawang hakbang ay dumulas ang kanyang paa at nahulog.

Mabuti na lamang at nasalo siya ni Panganoron. Parehas silang napahiga sa sahig dahil sa pwersa ng pagkakahulog habang ang kamay ng binata ay nakapalupot sa kanyang baywang.

"Ayos ka lang ba, Magayon?"

Hindi nakapagsalita si Magayon at napatulala lamang sa magkalapit nilang mga mukha. Hindi niya pansin ang mga nagkakagulo at nakapalibot na mga tao sapagkat tila ang oras sa kanya'y huminto.

Hindi batid ni Magayon kung ano ba ang ibig sabihin ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Iyon ba ang tinutukoy nilang pag-ibig? Siya ba ay umiibig?

Matapos iyon ay nagsara nang muli ang kurtina ng teatro at lumisan na ang kakaibang pwersang kumokontrol sa kanila.

Kaagad na tumayo si Malayah upang makalayo kay Lakan. Pinagpagan niya ang kasuotang nabahiran ng alikabok. Inilibot niya ng tingin ang paligid upang iwasan ang mga mata ng binata.

Nagsimulang magsibalik ang mga tao sa kanilang ginagawa nang matapos ang eksena.

Kunot-noong napalingon ang dalaga kay Lakan nang marinig ang bahagya nitong pagtawa. "Anong tinatawa-tawa mo dya'n?"

Itinikom ng binata ang mga labi upang pigilan ang tawa. Umiling-iling ito at napairap lamang si Malayah.

Nahagip ng kanyang tingin ang mga rosas na nasa sahig—iyong mga bulaklak na nasama sa kanyang pagkahulog. Kinuha niya ito at muling umakyat sa hagdan upang ikabit muli.

"Baka mahulog ka ulit dyaan," babala ni Lakan ngunit nagpatuloy pa rin si Malayah.

"Hindi ako kasing lampa ni Magayon," usal niya at sinimulang ikabit ang mga bulaklak.

Hindi pa rin humuhupa ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Napairap siya sa hangin. Alam niyang ang pakiramdam na iyon ay hindi sa kanya bagkus ay kay Magayon.

Nang matapos ay liningon niya si Lakan bago bumababa sa hagdan upang ipakitang hindi siya madudulas.

Noong isang hakbang na lamang bago makababa ay muli niya itong nilingon at taas-kilay na sinabing, "Kita mo?"

Ngunit sa paghakbang muli ay nabuhol ang kanyang mga paa sa isa't-isa at siya'y natapilok. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mahulog siyang muli sa mga bisig ni Lakan.

'Di katulad ng kanina ay hindi sila natumba sa sahig. Ngunit ang kamay ni Lakan ay nakapalupot muli sa baywang ng dalaga na tila yakap-yakap siya nito at mapapansin ang pagkakalapit ng kanilang mga mukha sa isa't-isa.

"Mabuti na lamang at narito pa rin ako upang saluhin ka," sambit ng binata at bahagyang tumawa.

Hindi nakakibo si Malayah at tulala lamang na nakatitig dito. Sa sandaling iyon ay muling bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. At ngayon ay batid niyang hindi na mula kay Magayon ang kakaibang pakiramdam na kanyang nadarama.

Bagkus ay sa kanya.

***

Continue Reading

You'll Also Like

177K 7.5K 61
[CLANNERS 01] She is Nariah Riye Velniroñia, a woman who had no idea who she really is. She only lives in an orphanage avoiding the people around her...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
527 44 5
⚠ WARNING ⚠ This story is not what you think it is DO NOT ENTER if you're hiding something Unless you want to take the risk? His Dreams, where he can...
439K 32K 52
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...