ZBS 4: Green Bee's Longing To...

By iamyourlovelywriter

2.1M 49.3K 2.5K

Teaser Masaya na si Diana sa buhay niya, she's free at walang lalaki sa buhay niya. May phobia kasi siya sa... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight-A
Chapter Eight-B
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C (spg)
Chapter Ten-A (spg)
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
Chapter Ten-D
EPILOGUE (END)
Extra #1: MasterH's letter to Green Bee
Extra#2: A man who wants her as his woman

Chapter Eight-C

78.1K 2.2K 178
By iamyourlovelywriter

Chapter Eight-C

"BAKIT DITO?" Inis, galit at takang tanong niya kay Warren ng sa halip na dalhin siya nito sa dating bahay niya ay sa mall siya nito dinala.

"You don't like it here? Pwede naman tayong pumunta sa ibang mall."

"Warren hindi naman sa ayoko sa mall na ito pero bakit dito? Bakit kailangan pang bumili ng bago kung may mga gamit naman ako?" naiinis siya dahil sa inaakto nito.

"Ayokong isipin ng mga tiyahin mo na hindi kita kayang bilhan ng mga gamit mo, I am your husband now I will provide everything you need." Napahawak siya sa kanyang noo dahil sa tigas ng ulo nito.

"It's not about that Warren... naku ang hirap mo talagang kausap. Okay fine, ganito nalang ako ang bibili ng mga gamit ko. Ayokong maglalabas ka ng pera."

Nag-isang linya ang mga labi nito sa sinabi niya at umiling. "I can-."

"I know you can pero may pera din ako hindi nga lang kasing dami ng sa iyo pero may ipon din ako." Angil niya dito.

"Do whatever you want." Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito at least may mga bagay pala silang pinagkakasunduan. Nagsimula na silang magtour sa department store, noong una ay tumitingin-tingin pa siya sa mga mura at may sale na mga damit dahil ganoon talaga siya. Hindi siya bumibili ng branded kasi nanghihinayang siya sa perang magagasta niya kung pwede naman siyang bumili ng mura pero kasing ganda din ng branded na damit. Kaso sa lalaking kasama niya mukhang hindi uso dito ang magtipid dahil sa mga branded names talaga siya nito hinila.

Kumuha ito ng shirts, jeans at shorts, at ito pa talaga ang pumili. Maganda naman ito kung pumili kaso wala itong pakialam sa mga presyo. Next time hindi niya pwedeng isama si Warren kapag mamimili siya dahil mamumulubi na talaga siya as of now hahayaan na muna niya ito sa kung ano ang gusto nito.

Halos mapuno ang isang malaking cart ng mga damit niya at akala niya ay tapos na ito pero bigla itong pumihit at pumunta sa pinakasulok ng floor na iyon.

"Saan ka pupunta?"

"To buy your undies."

"Hindi na kailangan ano ka ba? Dito ka nalang ako nalang."

"Nope," at hindi na niya ito napigilan ng ito na mismo ang humila sa kanya doon. Sanay siya sa mga green jokes pero hindi siya sanay sa mga ganito. "Here." May itinaas itong isang lacey na panty na halos wala ng itago sa sobrang nipis. "Isuot mo ito pagtulog mo mamaya." Nanuyo ang lalamunan niya sa choice of underwears nito. Iniwan niya ito doon dahil pakiramdam niya ay sasabog na siya sa kahihiyan lalo pa at pinagtitinginan na ito ng mga tao doon. Kapag nakita ng daddy ni Warren na ang anak nito ang siyang namimili ng mga underwears niya for sure ipapatapon na talaga siya nito sa mars o kaya naman sa Oort Cloud.

"Pwede ba Cael tigilan mo na ako." Napakunot ang noo niya ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Sumilip siya sa isang estante na naroroon, nakita niya ang kaibigan niyang si Monique na nakasuot ng leather jacket at leather pants, at naka-cap. Mukhang galing ito sa trabaho, ganoon kasi ang ayos nito kapag may taping ito.

"Hindi kita titigilan." Mahigpit ang hawak nito sa braso ng kaibigan niya.

"Leave me in peace."

Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang lalaking kulang nalang ay baliin ang braso ng kaibigan niya.

"I will never leave you in peace Monique unless you die, hindi ka dapat nabubuhay ngayon. You killed your dad and you should be send to jail." Halata ang galit nito sa kaibigan niya.

"Kung ikaw kaya ang ipapulis ko at ng malaman mo kung anong buhay ng nasa jail." Hindi na siya nakatiis at pumasok na siya sa eksena.

"At sino ka naman?"

"Kaibigan ng babaeng sinasaktan mo ngayon, alam mo ba ang tawag diyan? Physical abuse iyan at pwede ka rin naming kasuhan ng sexual harassment kahit na hindi totoo, sasabihin kong ako ang saksi at ng mabulok ka sa bilangguan." Galit na hinampas iya ang braso ng lalaki na nakahawak sa kaibigan niya.

"You stupid bitch-." Lalapitan n asana siya nito ng biglang may humarang sa harap niya. Bigla siyang kinabahan baka kasi mahawakan siya nito at mahimatay na naman siya. napatingin siya sa humarang sa kanya.

"Try and hurt my wife and I will make sure you'll rot in hell." Warren's voice was as deadly as hell. Humarap si Cael kay Monique.

"Maghaharap din tayo and by that time I will make sure you'll suffer from killing your own father. You murderer." At umalis na ito. Agad niyang inalalayan ang kaibigan niya na pakiramdam niya ay mahihimatay na.

"Okay ka lang?" kahit naman palagi silang nag-aasaran ni Monique she really cares for her friend, she's her sister after all. Pilit na ngumiti ito sa kanya.

"Yeah, I am okay now thanks to you and your-... husband? You are married with Warren?" nakalimutan niyang kilala pala nito ang asawa niya. "Kailan pa?"

"Uhmn, kanina lang." mahinang sagot niya dito.

"Does she know?" tukoy nito sa leader nila. Agad siyang umiling. "We need to talk."

"Ladies, babayaran ko lang muna ito at sabay na tayong bumabang tatlo." Tiningnan siya ni Warren. "Samahan mo muna ang kaibigan mo baka bumalik uli iyong lalaking iyon."

"Copy."

Itinulak ni Warren ang cart papunta sa cashier habang siya naman ay hinarap na si Monique.

"Kailan pa bumalik si Cael? Akala ko ba nagpunta na siya sa Athens?"

"M-matagal na siyang nakabalik and he's hunting me."

"At hindi mo sinabi sa amin? We both know he's dangerous kailangan mo ng bodyguard."

"Hindi na Diana hindi he's not that dangerous."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "What do you mean by he is not dangerous kung kulang nalang ay baliin niya ang leeg mo-."

"OA ha, braso lang naman."

"See he is dangerous!"

"Iyon lang ang kaya niyang gawin Diana hindi talaga niya ako kayang saktan. And besides I understand his frustrations dahil ako nga naman ang dahilan kung bakit namatay ang papa ko."

"Na naging rason kung bakit halos isumpa ka ng mama mo, na kapag nalalasing siya ay hindi ka makakalabas sa inyo ng walang pasa sa katawan! It's not fair! You were six when that happened and he saved you, you didn't killed him. You don't deserved that kind of treatment." She burst.

"Kaya ko silang harapin at si Cael alam kong mabait siya, because once upon a time naging mabait din siya sa akin."

"Yeah right, kailan? Iyong bago namatay ang daddy mo, now it's different Monique. He's dangerous to you kaya ka niyang saktan." Mapait na ngumiti lang sa kanya si Monique, she really hate seeing her friend na punong-puno ng saya kapag sila ang magkasama pero kapag mag-isa na ay sobrang lungkot naman. She hates it because she understand her friend's pain, because she's like that too.

"Trust me Diana kaya kong harapin si Cael at saka iiwas lang naman ako sa kanila hindi ba? Hindi ko siya pwedeng ipahamak dahil mahal siya ng mama ko at boyfriend siya ng ate ko kapag ginawa ko iyon mas lalong magagalit si mama sa akin at ayokong pati ang ate ko ay magalit sa akin."

"Naniniwala ka talagang mabait ang ate mo?"

"Please Diana huwag na si ate."

"Hindi makinig ka, kagaya din nila ang ate Marah mo." Umiling ito.

"Please don't say anything hayaan mo nalang akong isipin na ang ate ko ang nag-iisang kadugo ko na mabait sa akin." Malakas siyang napabuntong-hininga sa tigas ng ulo nito.

"Bahala ka sa buhay mo pero kapag narinig kong sinaktan ka nila I swear to God, magalit ka man sa akin ako ang gaganti sa kanila."

Yumakap lang ito sa kanya. "Thank you Diana, kaya nga malakas ang loob ko dahil alam kong kahit na anong mangyari sa akin ay may sasalo sa akin."

"What are friends are for? We are sisters Monique, hindi man tayo magkadugo pero mahal na mahal ko kayo. Sino ba ang magtutulungan sa oras ng kagipitan kung hindi tayo lang hindi ba?"

"Don't worry kapag sinaktan ka ng lalaking iyon gagawa ako ng commercial na puro mukha niya tapos sasabihin ko doon na iyon ang lalaking nanakit sa iyo and he doesn't deserve to live in this world."

Natawa siya sa sinabi nito. "Mag-eexplain ako kapag may oras na ngayon but he's really my husband right now."

Hinawakan siya nito. "I trust you decision Diana dahil alam kong hindi ikaw ang klase ng taong basta-basta nalang magdedesisyon ng walang sapat na dahilan. Kung anuman ang dahilan sa pagpapakasal mo maiintindihan namin basta ipaliwanag mo lang ng mabuti. We are always here to listen."

"Thanks Monique, I can really count on you. Alam na rin naman ni Georgette ang dahilan dahil sa kanya ako humingi ng payo ang hindi lang niya alam ay kung kailan ako ikakasal. Basta pag-usapan lang natin ito sa tamang panahon." Tumango lang si Monique.

"I'll wait pero ngayon gusto ko lang munang magpahinga."

"Hindi ka naman uuwi sa bahay ng mama mo hindi ba?"

Umiling ito, "Sa bahay ni Georgette ako tutuloy ngayon, gusto kong magpahinga at alam kong makakapagpahinga ako doon." Natawa siya sa sinabi nito minsan nasabi na nga niya kay G na dapat gawin na nitong bahay ampunan ang bahay nito dahil palagi silang nakikitulog doon.

"Gusto mong ihatid ka na namin?" nag-aalala pa rin siya dito.

"Hindi na magtataxi nalang ako." At kahit na anong pilit niya ay talagang hindi ito nakinig sa kanya at sa halip ay sinalisihan siya.

"Where's your friend?"

"Sinalisihan ako nagpunta siya sa bahay ni Georgette." Napakamot nalang siya ng ulo at biglang napatili ng makita kung gaano karaming paperbags na bitbit si Warren. "Bakit? Bakit ang dami!"

"Kulang pa nga ito don't worry magsashopping uli tayo sa susunod na buwan or sa susunod na linggo whenever you like."

Inis na hinampas niya ito. "Sa dami nito kahit ilang taon na akong hindi bumili ay okay na." hinalughog niya ang mga paper bags at kinuha ang pagkahaba-habang resibo na nakasabit doon. "Oh my God, damit lang ang binili ko pero bakit mas mahal pa ito sa isang flat screen TV? Twenty nine thousand? Nababaliw ka na ba?" hindi makapaniwalang napatitig siya sa resibo para kasing hindi totoo ang numerong nakatatak doon.

Kinabig siya nito upang mapayakap siya dito. "Huwag mo ng isipin ang presyo, pumunta na tayo sa grocery store. I need to buy some supplies."

Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto nito since ito naman ang may bitbit sa kanya. Iniisip lang niya kung paano niya babayaran si Warren sa mga damit na binili nila. Sumaligpit muna sila sa kotse nito upang ipasok ang mga pinamili nila at saka muling pumasok upang pumunta sa grocery store.

"We need to buy your supplies." Iyon ang narinig niyang sinabi nito. Hindi niya alam kung mahihiya ba o hindi sa pinagsasabi nito para kasing sinasabi nitong hindi niya kayang kumilos ng siya lang at kailangan pa niya ng tulong nito.

"Hindi mo naman kailangang sumama sa akin para mamili nito."

"I want to." Napakamot lang siya ng ulo habang nakasunod dito, mas excited pa nga yata ito sa kanya. Para silang naglalaro ng bahay-bahayan, well she never know what it looks like to have a household with a wife and husband kaya ang weird lang para sa kanya na maranasan ang tulad nito.

"Alin ba ang mas mabango dito?" napakurap siya ng marinig ang tanong ni Warren kaso hindi naman sa kanya kundi sa saleslady na nakatanga at nakatingin lang dito, nasa malaking estante ito ng mga feminine wash.

"Warren!" impit na tili niya kumunot naman ang noo nito na nakatingin sa kanya.

"What?"

Hinarap niya ang saleslady na nagpapacute lang sa asawa niya, buwisit bakit ba kasi ang gwapo nito at ang sarap nitong iharass? Ang sarap ding bunutin ang mga mata ng buwisit na babaeng saleslady.

"Here." Inabot niya ang feminine wash na ginagamit niya. Pasimple niyang sinamaan ng tingin ang saleslady na mabilis namang kumaripas ng lakad palayo sa kanila.

"Mabango nga." Komento nito na inamoy ang bagay na iyon at inilagay sa cart nila. "Kaya pala."

"Anong kaya pala?"

"Wala, ano pa ba ang kailangan mo?"

"Wala na iyan na." inis na pakli niya dito, kailangan na niyang hilahin palayo doon si Warren or else may mga saleslady na namang magtatangka dito. Kaso hindi naman ito nakinig dahil namili pa ito ng sabon at shampoo at ilang essentials na kailangan nito. Habang nakatingin sa pinaggawa nito ay hindi niya lubos maisip na ang isang lalaki na tulad nito ay gagawin ang bagay na iyon and he seems to enjoy it too.

"...sanitary napkin."

"Huh?"

"ANong brand ang ginagamit mo?"

"Iyan." Turo niya sa isang brand na nasa malapit dito, tinatamad na siyang kontrahin ito mas mabuti ng patulan nalang niya ang trip nito sa buhay.

"When was your last menstruation?"

"Two weeks ago." It seems so different talking to him information like that. Tumango naman ito at kumuha ng isang pack at saka akmang lalayo na doon ng pigilan niya. "Damihan mo."

Ngumisi lang ito at umiling sa kanya. "These are enough."

"It's not like isang pad lang ang gagamitin namin sa isang araw."

He just chuckled at her making him look cuter. "These napkins were enough for one cycle wife, dahil hindi ako papayag na hindi ka mabubuntis sa susunod na buwan." And he just declared that infront of her and a few more people around her. Napaawang ang mga labi niya dito and he just looked at her, she saw him gulp for something at bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya. For goodness sake! HInahalikan siya nito sa harap ng mga tao sa grocery store na iyon.

"Wa-Warren!" hiyaw niya dito, he just shrugged his shoulder like kissing her is the most normal thing in the world.

Kung para dito normal lang na halikan siya pwes hindi sa kanya dahil kapag ginagawa nito iyon sa kanya ay lumalakas ang tibok ng puso niya at nahihirapan siyang huminga.

"Calm down wife, it's just a kiss." Sinamaan niya ito ng tingin.

"Hindi naman iyon eh, kapag ginagawa mo iyon lumalakas ang tibok ng puso ko at nahihirapan akong huminga." Napahawak siya sa dibdib niya, pati kasi ang tiyan niya ay hindi niya maintindihan ang tibok parang nagwawala na hindi niya maintindihan. "Sa tingin ko may virus ang mga labi mo, ang dami mo na sigurong nahalikan kaya kumapit na sa iyo at kapag hinahalikan mo ako ay para akong tumakbo ng ilang milya."

Napaisip siya ng husto sa nararamdaman niya, napansin din niya na napaisip ito. It seems that he's clueless about what she feels too.

"Talaga? Hindi ko alam na may ganoong klaseng virus pala kailangan ko na bang magpatingin sa doctor?"

"Sa tingin ko kailangan mo na talagang magpatingin sa doctor ayokong makaramdam ng ganito." Hindi nalang niya sinabi dito na nag-eenjoy na rin siya sa mga nararamdaman niya kapag malapit ito sa kanya.

"I can ask a friend to check me up but I don't think it's really dangerous." Bigla itong napatingin sa kanya. "At hindi lang ako ang magpapacheck up."

"Huh? Pati ba ako?"

"Yes, you have the same effect on me. And you haven't kissed someone before so it means there's something wrong with the both of us. Pareho tayong may virus."

"Baliw! Nahawaan mo lang ako." Ungot niya dito.

"Kung totoo man iyon mas mabuting magpacheck up na tayong dalawa. Ayokong pati sa magiging anak natin ay madala ang sakit natin."

Napabuntong-hininga siya, bakit sa palagay niya ang sakit nilang dalawa ay iba? Parang pareho silang may sakit sa utak nakakabuwisit lang.





<<3 <<3 <<3

a/n: Truthfully speaking natatawa ako sa couples na ito, they are just too cute na sa sobrang cute ay ang sarap tiriisin. Alam niyo iyong stupid na couples? Silang dalawa iyon nakakasar lang hindi ba? Hahahahaha. Well, sila talaga iyong loading na couples, alam nilang may nararamdaman na silang kakaiba pero hindi pa nila macomprehend kung ano ang nararamdaman na iyon. Malalaman din nila na mahal na pala nila ang isa't isa sa tamang panahon. 

Watch how their lovelife progresses without them knowing, and enjoy some fluffy and churva moments as well. 

Continue Reading

You'll Also Like

2M 46.6K 22
Teaser: May mga sekretong kahit na ano mong pilit na itago ay may makakaalam at makakaalam din. Isang sekretong ayaw niyang malaman ng ka...
445K 11.4K 17
Teaser: Paano kung ang nagtuturo ang tuturuan kung paano magmahal? NOTE: Nov. 2, 2018 Happy reading everyone!
70.2K 3.4K 25
Porcia Era Hart x Chrisen
... By ScarletteQueen

General Fiction

1M 6.9K 7