UNO: Proyecto De Veinticinco...

By Kuyah_khie

1.5K 131 20

UNO: BOYS LOVER R18+ Dedicated to: John Alexis Cabanayan. Merry Christmas and Happy New Year, love. More

ACKNOWLEDGEMENT
AUTHOR'S NOTE
WORK OF FICTION
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
AARON LEQUIN MIRANDA
JOHN ALEXIS FORTALEZA
ALEXIS & AARON
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY- TWO

CHAPTER SIX

51 6 0
By Kuyah_khie

__________________________________________________________________________________________________________________

"Ano ba ang gagawin natin dito sa ABM building? God, hindi pa natin tinatanggal ang plate natin. Kitang-kita ang STEM-1 na nakalagay!" Nagwo-worry kong sambit. Nagtataka niyang tiningnan si Aices. Palinga-linga ito at halos mabali na ang leeg kakagalugad. Sino ba ang hinahanap nito? Tanginang babae ito, idadamay pa siya nito sa kalandian na taglay.

"Ayon siya bakla!" Overreacted na pukaw sakanya ni Aices. Ngumuso pa ito para makita niya talaga ang tinuturo nito.

He turned his heads towards the direction. Hindi familiar ang mukha. Pero natatandaan niya ito ang pinakitang katawan sakanya ni Aices kanina. It was Jevid Humphrey De Leon, the transferry.

He acted like hindi siya naapektuhan sa presensiya nito. "So?"

"Anong so? Gaga iyan yung transferry." May hawak itong libro at nagbabasa habang ang isang kamay nito ay pinaglalaruan ang ballpen nitong pilot. Ang sarap nito–masarap panoorin kasi habang ganoon ang ginagawa. Pasok siya maging hubby ko, love of my life, my universe, my earth, my pulse, my beat and, my everything. Char.

"I know." Talagang pinanindigan na niya ang pag-arte na wala siyang pakealam if nasa malapit lang nila si Jevid.

"Magpapapansin tayo." Casual na wika ni Aices.

"What the fuck?" Bakit pati ako dinamay nito?

Napa-ayos siya ng tayo nang bigla itong tumingin sa direksiyon nila. Mga ilang segundo din sila nitong in-examine. Tula ba para siyang bagong iti-test para ds isang eksperimento, tagos talaga sa kaluluwa ang tingin nito. Makalalaglag panty. Chos!

Hindi nakatakas sa mapanuring mata ni Aaron ang kumukinang na silver necklace na suot ni Jevid. It was silver necklace. Halos matulos ang mga paa niya sa kinatatayuan nito. Napako din ang kaniyang mga mata sa kwintas na suot ni Jevid. A familiar necklace. Parehas silang kwintas ni Zachary. Although hindi niya pa nakikita kung anong pendant nitong kay Jevid pero malakas ang paniniwala niya na pareho ito ng kay Zachary.

Bumilis ang kabog ng dibdib niya para itong nagkaka-rerahan sa sobrang tulin, parang nag-uunahan na marating ang finish line. Hindi kaya si Zachary at Jevid ay iisa?Pero parang imposible naman ata, pero what if? Pero bakit hindi na ito nagparamdam? Pinaglalaruan lang ba siya nito?

"Hello girl, balak mo bang maging guwardiya nito?"

"Tara na, nakakahiya." Hinila niya pa ito. Pero hindi nagpatinag si Aices. "Duh, 5th floor ang inakyat natin. Tapos mapupunta sa wala? No never."

"E, ano bang mapapala natin diyan?" Napakamot pa siya sa ulo nang bigla siya nitong tuktokan.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Ang O.A. talaga nito. Akala naman nito ay may sinabi siyang mga salita na puwede siyang makulong.

"Oh, akalain mo may pulutan na lumapit saatin." Wika ng isang lalaki na hindi naman nila kilala. May kasama itong apat pa. Parang mga adik sa kanto ang itsura, mga tambay ang datingan. Iyong hindi na guwapo tapos maasim pa ang ugali.

"Excuse me?" Mataray na sagot ni Aices.

"Ay, pa-hard to get pa mga pre." Ay kapal naman talaga.

Napapitlag pa si Aices nang bigla nitong paluin ang matambok na pwetan nito.

Agad nag-sumping ang kaniyang malalagong kilay. Para itong nag-isang linya. Napipikon siya sa ginawa ng mga gago na ito sa kaibigan niya.

"Aba, bastos ka a!"

"Hindi a." Sinundan pa nito ng sunod-sunod na balangit na tawa. May sapak ba ito sa utak? "Gusto niya naman 'yan, kung ayaw mong mabastos, magsuot ka ng maayos."

Hala bobo. "Wala sa damit iyan, manyak ka lang talaga!" Matigas na sabi niya habang dinuduro ito.

"Walang manyak na lalaki sa matinong babae." Walang punto na opinion nito. Ha? baliw, buang, hunghang, walang alam, inutil, bobo, mangmang at tanga.

"For your information, you ignorant imbecile. Bro no, hindi purke’t maiksi na ang damit ng babae ay willing na siya magpabastos, let me ask you something, kapag ba nagdamit na yan na hindi kita maging talampakan hindi na siya mababastos? See, diba pwede rin sila mabastos kaya wala sa pananamit yan kundi nasa utak. Stop saying na magdamit ka kase ng maayos tapos ayun sinisi pa sayo kung bakit ka nabastos. Bro, may freedom tayo to express ang ating sarili choice nilang pumili kung ano ang gusto nilang suotin o gawin as long as na wala kang nilalabag na batas ay okay lang.

Hindi purket maiksi ang damit ay pwede niyo ng bastosin, para mo na rin lang na dinifend ang harassers by justifying that the reason why there are sexual assault cases up to this day because of the way a person dresses. and the idea that it's human nature to use sexual attraction as an excuse for our bad behavior is sheer vileness.

kung ganito pa rin ang paniniwala niyo you are not protecting the victims you are encouraging the harassers to do the same, kasi iisipin nila na natural lang na bastosin nila ito kase maiksi manamit, they think that harassing women is normal.

hindi pweding itama ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali, ang mga taong katulad niyo ay walang karapatan na diktahan ang lahat ng mga tao sa pananamit nila dahil lang hindi pasok sa taste niyo or hindi niyo maatim na tingnan. Because in the first place people like you are the problem."

"Ang dami mong sinabi, totoo naman na hindi naman maiisipan na manyakin namin ang mga babae kung hindi sila nagpapakitang motibo."

"Ito oh, manyakin." Hindi na niya napigilan ang sarili. Kung hindi siya mapaki-usapan. Pwes, itong kamao ko ang kakausap sakanya. At tuluyan siyang kinain ng galit. Bumuwelo siya at sinuntok niya ito. Gulat ang mga kasama nito sa hindi inaasahan na pag-atake niya, sinalo ng mukha nito ang nagbabaga niyang kamao. Napahalik ito sa sahig.

"Hindi ko alam na may ginawa pala ang Diyos na isang nilalang na walang utak." Galit na sambit niya. Naikuyom pa niya ang kamao na ginamit niyang pagsuntok dito.

Nagpupuyos sa galit na tumayo ito. "Tarantado ka! Hindi mo kilala ang binabangga mo!" Banta nito saakin. Ha? Akala ko suntok lang ginawa ko, may nabangga pala ako? Akmang susunggaban siya nito nang biglang lumabas si Jevid sa classroom at inawat ito.

"Ang tapang-tapang mong bakla ka. E, gusto mo lang naman magpakarat. Gusto mo bang putahin kita?" Singhal nito sakanya. Nagtawanan ang mga ilang estudiyante na nakiki-usyoso.

Aba't gago 'to ah! "Excuse me, sa'yo magpapakarat? Huwag na lang, hindi ako mahilig kumain ng kikiam."

Pati si Jevid natawa sa sinabi ko. E, totoo naman ang liit nitong tao, obvious naman na maliit din ang kargada nito. Baka nga pinasok niya na ay tumawa lang ako dahil makikiliti.

"H-Hindi ka nakakasiguro." Pinamulahan ito. Bull's eye!

"Halata bakla, ke-liit mo'y mas malibog ka pa sa paliguan ng kalabaw."

"Stop it! Walang patutunguhan ang away niyo." Saway ni Jevid sakanila. Napatingin siya kay Jevid. Ang lapad ng katawan nito. Matangkad at maskulado. A hot hunk!

Nakatalikod ito sakanya dahil kinakausap ang mga damuho. Lord, salamat po sa ulam. Amen. God, naglalaway at natatakam na talaga siya sa pagkain na nakahain. Likod palang ulam na.

Naka-sideview ito, at seryoso pa rin na nakikipag-usap sa mga lalaki. Ang tangos ng ilong nito, ang buhok nito'y makapal at halatang malambot.

Lumapit ito sakanila. Napa-igik siya nang kurutin siya ni Aices sa tagiliran. Hayop ka talaga bakla!

"Okay lang ba kayo?" Bakas sa mata nito na nag-aalala ito saamin. Or saakin lang? Ahahaha.

"Y-Yes." Lord salamat po sa maagang pamasko.

"Ano ba ang ginawa niyo dito?"

"Pakealam mo ba?" Fuck, naiboses ko pala iyon. Dapat sa isip lang iyon e. "Joke."

Agad nag-sumping ang malalagong kilay ni Jevid. Kayumanggi ang kulay nito. Lalaking-lalaki ang dating. Fact check, patingin ng tite. Chos! Ang labi nito'y manipis sa itaas at may kakapalan sa ibaba, mapula ito na para bang palaging kinakagat. Kagatin ko kaya? As a friend.

"What's your name?"

"Ha?" Aniya at nanlaki ang mata sa biglaang tanong. "A-Aaron Lequin but you can call me Aaron."

"Lequin. Mas okay kung Lequin, what do you think?"

"Ikaw ang bahala. Lequin? I hate his second name, tunog banyaga kasi ito. Pero kung ito ang tatawag, okay lang pala. Hehe.

"I'm Jevid." Sabi nito at hinawakan ang pendant ng kaniyang kwintas.

Wala sa huwusyong tumango siya. Nakita na niya kasi ang pendant sa kwintas nito. Isang silver na krus. Kapareha kay Zachary. Hindi niya alam ang ire-react. Siya ba? O kapareha lang? Ang liit naman ng mundo kung ganon.


-----------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

155K 17.3K 48
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
795K 44.3K 58
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
364K 27.7K 15
MY Creditor Side Story ပါ။ Parallel Universe သဘောမျိုးပြန်ပြီး Creation လုပ်ထားတာမို့ main story နဲ့ မသက်ဆိုင်ပဲ အရင် character ကို ရသအသစ် တစ်မျိုးနဲ...
1.2M 30.7K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...