DIALOGUE
[Franz and Shams' apartment]
6:41 AM
Shams:
Aga mo naman gumising
Madaling araw mo na naman tinapos shift mo 'di ba?
I nodded, then I looked at Shams who's now preparing her coffee
Shams:
Gusto mo ba talagang sukuan ka ng katawan mong babaita ka?
Palagi mong inooverwork sarili mo
Nakita ko pa syang inirapan ako, sanhi na naiirita sya sa ginagawa ko
Franz:
Kaya pa naman
Hanggat kaya, go lang
Sa pangalawang beses, nakita ko na naman syang umirap. I laughed
Shams:
Kaya kaya ka dyan
Bakit pala ang tamlay mo kahapon? Wala ka pa sa mood
I shrugged. Wala talagang balak na sagutin sya
Shams:
Tingnan nyo 'tong tao na 'to. Talks a lot ako rito oh
Heto na lang
Kumusta naman yung may crush sayo?
Kukuritin ko na talaga tinggil mo kapag hindi ka na naman sumagot
I laughed loudly at her remarks. I cleared my throat before responding. Mahirap na, baka kurutin nga
Franz:
Sinabi ko na tigilan na ako
Halos matapon ang kape nya sa lakas nang hampas nya sa mesa
Shams:
Girl?!
Bakit?
Anong nangyari?
Franz:
Sinabi ko na wala akong oras sa kalokohan nya
Ipinadulas ko ang phone ko mula saakin hanggang sa side nya. Agad naman nyang kinuha
Shams:
Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
Napatakip ako ng tainga sa nakakabinging tili nya na sinamahan nya pa ng tadyak sa sahig
Shams:
Shuta kang babaita ka!
Deds na deds sayo 'tong baby boy mo
Mukha lang palang masungit pero kapag sayo, ang softie
Teka ka
Nakita ko syang ngumiti na para bang may gagawing hindi maganda. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko syang nagtipa sa telepono ko
Franz:
Ho-hoy
Anong gagawin mo?
Pilit kong inaagaw ang telepono ngunit mabilis din syang nakaiwas. Bumungisngis sya bago nya tuluyang ibinigay 'yon
—
MESSENGER
Eros Robin Nuevo
Active now
6:56 AM
Franz:
Cute mo
Seen 6:56 AM