MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHE...

By KayeEinstein

3.2M 66.5K 4.9K

(Completed) MOVING ON was never an easy task. It is easy to say but hard to do. In that moment that the pers... More

Author's Note
Prologo
Pahina 1
Pahina 2
Pahina 3
Pahina 4
Pahina 5
Pahina 6
Pahina 7
Pahina 8
Pahina 9
Pahina 10
Pahina 11
Pahina 12
Pahina 13
Pahina 14
Pahina 15
Pahina 16
Pahina 17
Pahina 18
Pahina 20
Pahina 21
Pahina 22
Pahina 23
Pahina 24
Pahina 25
Pahina 26
Pahina 27
Pahina 28
Pahina 29
Pahina 30
Pahina 31
Pahina 32
Pahina 33
Pahina 34
Pahina 35
Pahina 36
Pahina 37
Pahina 38
Pahina 39
Pahina 40
Pahina 41
Pahina 42
Pahina 43
Pahina 44
Pahina 45
Pahina 46
Pahina 47
EPILOGO

Pahina 19

51.4K 1.3K 33
By KayeEinstein

Klaire's POV.

"Tikman mo to" sabi ni Dwayne sakin sabay tutok ng tinidor sa bibig ko na naglalaman ng cake. Sinubo ko naman iyon.

"Hmmm masarap! Anong flavor yan?" tanong ko sa kanya.

"Dark Hazelnut"

"Ito tikman mo" sabi ko sabay tutok sa kanya ng tinidor ko.

"Mas masarap to, Ito na lang kaya? Anong flavor yan?" tanong nya sakin.

Actually ito din yung gusto ko, kaso masarap din yung ipinatikim ni Dwayne.

"Vanilla coffee with caramel coating" sabi ko. "Ito na lang ba ang flavor ng wedding cake natin?" tanong ko.

Tumango naman sya.

Nagulat ako nung lumapit sya sakin at hinarap ako sa kanya. Nakita kong pinahid nya yung tissue sa lower lip ko.

"May icing ka pa kulot" sabi nya.

Alam mo yung na stuck ka bigla and you felt your face heating up. Utang na loob, wag kang kiligin self!

Napalingon ako kay Love. Binigyan ako nito ng mapanuksong tingin kaya nagsalita na ko bago pa nya maisip na asarin kami.

"Bes, Ito na yung flavor. Ikaw ng bahala sa design. I trust you" sabi ko trying to hide the freakin kilig.

"Oo na. Ako pa ba? Kayang kaya to" sabi ni Love. tas lumapit ito sa akin at bumulong "Yung puso mo, umiwas sa landian ng di ka masaktan" sabi nito bago bumeso sakin.

"Sige na umalis na kayo. Alam kong madami pa kayong aasikasuhin" tulak nito sa amin palabas ng bakeshop niya "Ingat kayo!" sigaw nito habang pasakay na ko sa sasakyan ni Dwayne.

Kumaway ito sakin pati kay Dwayne.

Sumunod naming pinuntahan ang dalawang wedding planner na kaibigan ko si Merry-Ca Ramirez at si Jane Siquian.

Hinihintay namin sila dito sa isang italian restaurant.

Nang dumating sila ay agad nila akong sinalubong ng yakap.

"Wow Klaire! Ang ganda ganda mo na nga!" bati ni Merry-ca or Meca as we call her.

"Mas maganda ka. Happy newly wed ka. Congratulations sa inyo ng husband mo, sorry di ako naka attend sa kasal nyo" sabi ko.

Umupo kami sa isang table.

"Naku! Okay lang ang ganda naman ng regalo mo" sabi nito.

Natawa ako dito. Pano kasi ang niregalo ko dito ay 10 pirasong lingerie at 10 boxer para sa asawa nito.

"Baliw ka! O ikaw naman Jane? Anong chika sayo?" tanong ko dito.

"Hay naku te! Alam na pa fling fling lang" sagot nito sakin.

"Ever since naman ay ganyan ka na Jane, Makakahanap ka din ng katapat mo" sabi ni Dwayne.

"Wag kang mag alala, Yung boyfriend ko ngayon parang sya na ang katapat ko" Jane said.

Natawa naman kami sa sinabi nya.

"So saan na tayo ngayon?" tanong ko.

Tiningnan nila Meca ang planner nila.

"Check na ang food dahil sila ang hotel na ni Ate Caren ang bahala doon" Jane

"Check na din ang wedding gown at suit nyo, dahil si Aira ang gagawa nun" Meca

"Check na din ang cake nyo dahil si Love naman ang bahala doon" Jane

"Check na din ang bridal car mo which is not a car, dahil sila Tito Luis na bahala doon" Meca

"Check na din ang pre-nup shoot nyo dahil tapos na, pina finalize na lang nung editor" Jane said while looking at the planner.

"Check na din ang mga ninongs at ninangs at mga abay. Check na din pala ang kakanta dahil ang choir group ng Tita Luisa mo ang kakanta once you walk down the aisle" Meca

"Check na ang mga papeles nyo" Jane

"So bale ang kailangan pa nating asikasuhin ay ang distribution of invitation, yung gowns and suits ng mga abay, yung pagkaka set ng video cam sa simbahan, souvenir, bulaklak, bouquet, reception place, at last but not the least ang honeymoon place nyo" sabi ni Meca.

"Honeymoon?!" sabay naming sabi ni Dwayne.

"Kailangan pa ba nun?" tanong ko.

"Baka pwede namang ipagpaliban muna yun" Dwayne.

"Na-uh! Bawal! Utos yun ng parents nyo. Kung may reklamo kayo, sa kanila nyo sabihin" Jane didn't even look at us.

Ngumiti na lang kaming dalawa, Hays! May magagawa ba kami?

"Bukas na ang start ng practice ng kasal ha" Meca.

"Oo, alam namin yun" I answered.

"Okay, Good! Ganoon naman pala. Tara ng kunin ang invitations nyo at idi distribute pa natin yun ay mali, pili muna pala tayo ng reception venue nyo" sabi ni Jane bago tumayo.

Sumunod na lang kami sa kanila.

Marami rami kaming napuntahang magagandang pwedeng pagdausan ng reception pero mas napili na namin ni Dwayne ang Fernwood Garden.

Sumunod na naming pinuntahan ang gumagawa ng invitations namin.

Maya maya lang ay hawak na namin ang sandamakmak na invitation na ang itsura ay akala mo maliit na slambook. Kung saan ang nagsasarado dito ay isang ribbon na ang laylayan ay pusong may susi. Dalawang kulay ang invitations, violet and as usual blue. Sa mismong cover ng invitation nakalagay ang initials namin.

Sa First page nito ay nakasulat ang

We are cordially inviting you to be a witness on a very special day for Klaire Louise Lim and Dwayne Elliniel Chua as they unite as one, with the blessing of Mr. Luis Lim & Mrs. Ericka Lim (parents of the bride) and Mr. Jack Cruz & Mrs. Fiona Cruz (parents of the groom) on 23rd of December in the year of our Lord 20** at Manila Cathedral .
and followed up by the Grand Reception at Fernwood Garden.

Sa next page naman ay mga kuha namin ni Dwayne na mukha talagang inlove. In fairness magaling ang photographer namin. Ito yung mga kuha namin sa pre-nup shoot namin.

Sa sumunod na page ay mga picture namin ni Dwayne simula nung bata kami. Pati na din nung mga couple days namin.

Sa last part ay may nakasulat na.

"May you bless our marriage"

Sa baba nito ay ang litrato ng magiging singsing namin. Which is both platinum.

Ang pinagkaiba lang ay may malaking dyamante yung akin sa gitna, Samantalang ang kay Dwayne ay maliliit na marami namang maliliit na bato. May naka engrave sa loob ng singsing namin ang mga pangalan namin.

Natuwa ako sa itsura ng invitation namin dahil kami mismo ni Dwayne ang nag isip nun at nag disenyo.

Isa isa na naming idineliver ang mga invitation sa mga close friends namin. Naghiwalay pa kaming apat para mapabilis ang paghahatid.

We personally wanna invite those people na close talaga samin.

Sa wakas ay natapos kaming apat at nakarating sa meeting place namin ng 4pm which is sa Manila Cathedral.

Ang daming inayos doon at pinagplanuhan na nila Merry Ca ang pagsasaayos ng simbahan para sa mismong kasal ko.

Mga bandang 6pm na ng matapos ang pagsasaayos at pagpa plano kung saan ilalagay ang mga videocam for perfect video coverage ng kasal.

Agad kaming dumiretso sa gumawa ng souvenir namin.

Our souvenir, is yung succulent and then we give voucher for a shopping spree sa isa sa mall namin.

Nung nakuha na namin ang souvenir ay nagtungo naman kami sa gumawa ng gowns at suit ng mga abay.

Ang motif ng kasal namin ay light blue and white kaya ang mga abay na babae ay naka light blue gowns na iba iba lamang ang design at cut na ayon sa gusto nila dahil sinukatan naman sila at ang sa mga lalaki naman ay white tuxedo.

Samantalang ang mga bata naman na katulad ng pamangkin namin na si Azce at Kirk ay color violet.

Nang makita ko ng okay na pala ang mga gowns at suits nila ay ninotify ko na ang mga abay ko na  pwede na nilang kunin iyon.

Almost 10pm na ng makarating kami sa florist na kaibigan ni Mommy Fiona buti na lang ay hinintay kami nito. Umuwi na sila Meca at Jane, marami pa silang kailangan asikasuhin..

Madaming bulaklak ang nandoon. Naggagandahan talaga sila. Pinili ko ang light blue na bulaklak para sa simbahan at sa reception.

Para naman sa mga abay ay pinili ko na lang na mag white roses sila.

Nasa utak ko na na white roses with baby's breath ang magiging bouquet ko, when this flower caught my eye

"Hala! Violet roses!" sabi ko sabay lapit sa roses na to.

"Yes, spray roees yan" sabi ng florist.

"Ay! Yan na po, yan na po yung gusto ko bilang bouquet ko" masaya kong sabi.
Nakita ko namang natawa si Dwayne at ang florist.

"She adores violet too much po" sabi ni Dwayne.

Mag aala-una na ng madaling araw ng maayos namin ang para sa flight namin. Although we own the airlines, we prefer na mag book ng flight na lang rather using our family's private jet.

Napagkasunduan namin ni Dwayne na sa Paris na lang mag honeymoon.

Pagkatapos naming makapagpabook ay agad agad na kaming umuwi. Sobra kaming napagod sa ginawa namin.

In 4 days ikakasal na ko sa kanya. Magiging mag asawa na kami.

Nang ihatid nya ko sa bahay ay pinag juice ko muna sya. Tulog na sila mama nung makauwi kami.

Naupo kami sa may sala at ang huli kong naalala ay nagkukwentuhan pa kami ni Dwayne bago ako hilahin ng antok.

Kinaumagahan ay nagising ako sa flash ng camera. Pagdilat ko at pag angat ko ng ulo ko ay bumungad sakin ang gwapong mukha ni Dwayne.

Nahulog ako sa sofa ng mapansin ko ang pwesto namin. Nagtawanan silang lahat kaya nagising na si Dwayne.

Pano ba naman kasi ang posisyon namin ay nakahiga ang ulo ko sa dibdib ni Dwayne at nakayakap kami sa isa't isa.

Natawa silang lahat sakin. Bakit parang tuwang tuwa pa sila?

Why do I feel uneasy?
Klaire Louise! Get a hold of yourself!

------
To be continued.

- KayeEinstein

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
103K 1K 13
[ON-GOING] Hessa Lyarie Sioson is a soft spoken and shy girl. She belongs to the last section of their batch - often called as the worst section by t...
367K 11.7K 11
Sabi nila masarap daw magmahal, pero naisip ni Zernia na hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro saya. May mga bagay tayong hindi natin inaasahan, may...
210K 4.7K 25
Sa love iba-iba tayo ng paniniwala, karamihan sa atin mabilis manghusga ng kapwa, Hindi natin alam minsan nakasakit na tayo ng iba Mali ba na magmaha...