Once In Every Moment

By scenearia

9 0 0

Yves, a soccer player from UDN never had any intentions to join his university's soccer team or even have his... More

Prologue

9 0 0
By scenearia

"Kaya mo na ba dito?" tanong sa akin ng pinsan ko nang naibaba na namin lahat ng bagahe ko dito sa dorm.

Hindi ko pa siya kaagad sinagot dahil hinihingal pa ako galing sa pagbubuhat ng dalawang suitcase mula ground floor hanggang 5th floor gamit ang hagdanan.

Kaya siguro ito kinuha ni tiyo para sa akin. Mura nga pero luma naman tapos di pa nagana yung elevator.

Nakakuba pa ako dahil sa pagod subalit kaagad din ako umayos ng tayo.

"Andito na ako eh." ani ko at tinignan siya. "Dapat kayanin ko." sabi ko at binigyan siya ng maliit na ngiti.

Tinitigan niya pa ako ng sandali bago mag buntong hininga.

"Hindi ka ba natatakot, insan? Maynila 'to, hindi mo 'to lugar..." ani niya na parang may gustong sabihin pero hindi kaya klaruhin.

Umiwas ako ng tingin at napameywang habang pinagmamasdan ang magiging tirahan ko sa ngayon.

"Alam ko, kaya nga ako g na g dito eh." makahulugan sabi ko.

Narinig ko pa ang munting pagtawa ni Trixia sa akin sinabi. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag-ayos niya rin ng pagtayo bago hawakan ang dalawang beywang at sinabayan akong pagmasdan ang buong kwarto.

"Oo nga pala, sa kalsada nga hindi ka takot—Maynila pa kaya."

Patago akong ngumisi sa sinabi niya. Tama siya.

Ang dami ko nang naranasan kung saan nagdusa at naghirap ako nung andoon pa ako. Kaya bakit pa ako susuko o matatakot ngayon kung nasa mas magandang lugar na ako?

"Nakapagpaalam ka ba kay Tiyo?"

Umiling naman ako. "Bakit pa ako magpapaalam kung alam naman na niyang dito rin ako mapupunta." sabi ko bago siya harapin.

"Basta hintayin niyo ko ha—tiyak na pagkagraduate ko, hahanap kaagad ako ng trabaho at isasalba ko rin kaagad yung talyer. Hintayin niyo lang ako."

Napangiti naman si Trix.

"Alam naman namin 'yon pero syempre isipin mo rin sarili mo noh!"

Natawa ako. "Kayo lang meron ako, tyaka wala naman akong kailangan. Ano pa ang dapat kong isipin?"

"Syempre future mo!"

"Future ko ang talyer. Pamilya ko kayo. Kayo ang uuwian ko pagkagraduate ko." seryosong sabi ko.

Natahimik naman siya sa aking sinabi at tinignan ako ng makahulugan.

Ilang minuto pa ng katahimikan ang lumipas bago siya magsalita ulit.

"Eh pangangarera? Diba pangarap mo yo—"

"—hobby." pagcocorrect ko. "Hobby ko lang 'yon. At sa tagal ko dito sa Maynila, sigurado naman mawawala rin ang pagkakagusto ko doon."

Napakibit balikat naman siya na para bang may sense rin ang pagkakasabi ko. Tsaka paano rin naman ako makakapaggawa non dito?

Yung kotse nasanla na, tapos Maynila pa 'to—wala masyadong space para gawin 'yon.

Tsaka okay na rin yon na magpapahinga muna ako mula sa pangangarera. Baka masapok pa ako ni tiyo kapag nalaman niyang gagawin ko pa 'yon dito. Mas strikto pa naman sa Maynila kompara sa probinsya pagdating sa mga ganoong bagay.

Pagkatapos namin ayusin ang mga gamit ko ay kaagad nang umalis si Trix para habulin ang huling byahe ng eroplano patungo sa probinsya namin. Uwian din kasi siya dahil may pasok pa iyon kinabukasan.

Nang naayos ko na ang mga gamit ko ay nagpasya akong umupo muna sa kama ko kung saan may bintana sa tabi nito. Tinaas ko ang mga paa ko at yinakap ang mga binti ko at tahimik na pinagmasdan ang unibersidad na papasukan ko na sa ikalawang susunod na buwan.

Nakasikat na ang buwan at madilim sa kwarto ko ngayon. Hindi ko pa nabubuksan ang kuryente dahil sayang lang naman.

Nakasando naman ako at sanay naman na sa init. Tapos maliwanag naman sa labas kaya sapat na iyon para maging ilaw ko.

"Kaya ko ba 'to..." bulong ko sa sarili ko.

Malaki ang unibersidad na papasukan. Mas malaki pa ata siya sa mga state universities sa Palawan.

Hindi ko alam kung paano ako napapasok ni tiyo sa scholarship program nila rito lalo na't nakita ko sa internet na isa 'to sa pinakamahal at pinakamahirap na unibersidad sa bansa subalit isa lang ang alam ko at iyon ay ang katotohanang ayaw niya nagpapatalo sa mga kaaway niya kahit man nakasalalay na ang pera sa pagiging ganon niya.

Ilang oras pa ako nakatingin doon hanggang sa nainip at nagutom na ako.

Napatayo ako sa kinauupuan ko para kunin ang wallet na nasa isang drawer. Mabilis kong kinuha ang isang jacket sa tabi at isinuot iyon pantakip sa aking sando.

Nagpasya akong bumaba at maghanap ng mabibilhan ng pagkain sa labas.

Gabi na at katulad nang inaasahan ko, halos mga college students ang bumungad sa akin sa labas. It made sense dahil ang daming colleges at universities ang nakapaligid sa dormitory ko.

Yung iba naka-id pa, yung iba naman nakauniform pa kahit mag-a-alas otso na ng gabi habang yung iba naman ay katulad kong nakapambahay lang.

Nagulat pa ako nang bahagya dahil may pasok na pala yung ibang universities sa tabi.

Ilang minuto pa ako lumakad hanggang sa nakarating ako sa isang street kung saan halos mga kainan ay andoon. May mga inihaw, inuman tapos may mga restaurants pa sa tabi.

Natagalan pa ako bago makahanap ng isang tindahan na walang mahabang pila. Nang nakarating ako doon ay napansin kong paubos na paninda nila kaya ang ginawa ko ay inorder nalang yung natitirang ulam sa kanila.

Gusto ko nga sana yung tabing karenderya na puro inihaw pero ang haba kasi ng pila tapos halos siksikan na yung mga taong kumakain sa loob.

"Huy sure ka bang andiyan sila?"

"Oo kita ko sa freedom wall na andito sila eh!"

Sinundan ko ang boses ng dalawang babaeng hindi mapakali habang sinisilip ang malaking salamin ng karinderyang iyon na para bang may hinahanap.

Doon ko rin napansin na halos lahat ng nakapila sa karinderyang iyon ay para bang nakatingin sa isang dereksyon sa loob ng kainan.

Nang sundan ko naman ang tingin nila, nakita kong nakatingin ata sila sa grupo ng mga lalaki.

Hubo palang ng katawan alam ko na kaagad na mga atleta.

"Grabe ayan nanaman sila Minerva," rinig kong sabi nung tindera sa harapan ko.

Nang tignan ko siya ay inabot ko na kaagad bayad ko sa kanya at kinuha ang supot ng pagkain ko.

Parehas sila nung katabi niyang matandang lalaki ang nakatingin sa tabing kainan. Sinundan ko sila ng tingin at nakitang nakatingin din sila doon sa grupo ng mga atleta.

"Swak pagod nanaman yan sila Minerva sa dami ng orders nila ngayong gabi." rinig kong sabi niya.

"Eh ano magagawa niyan? Andiyan ang soccer team nung UDN."

Napakunot naman ang noo ko.

"Anong team ng UDN?" singit ko.

Napatingin naman siya sa akin.

"Soccer team ng Unibersidad de Navarra." uy school ko 'yon. "Sikat kasi ang mga iyan lalo na sa mga kababaihan—pagkakain yan sa isang kainan dito, tiyak na pupuntahan 'yan ng mga tao."

Nalito naman ako.

"Bakit naman teh? Mga artista ba yan?"

Natawa naman siya bago marahang hampasin ang baba gamit ang harapan ng kamay niya.

"Mga gwapo kamo!"

Napangiwi naman ako.

Syempre chismosa. Pagkatapos ko umalis doon ay nakiechoso na rin ako sa pinagguguluhan na soccer team ng school ko.

Gusto ko rin malaman kung totoong pride sila ng school ko noh!

Pasimple ako lumapit at humarap doon sa malaking salamin ng karenderya para titigan yung team katulad ng ginagawa nung ibang tao. Yung iba pa nga ay walang hiyang kinukuhanan sila ng litrato subalit—mukhang wala namang pake yung mga lalaki sa team kasi ngumingiti lamang yung ibang players habang yung iba naman ay patuloy lang na kumakain na para bang sanay na.

Napamulsa naman ako hanggang sa may isang lalaking nakakuha ng atensyon ko. Siya yung lalaking nasa tabi talaga ng salamin kaya kitang kita siya.

Nakaside view lang siya pero alam ko nang may itsura. Matangos ilong tapos ang ganda pa ng hubo ng katawan. Hindi masyado bulky, hindi rin sobrang payat. Tama lang. Tapos mestiso pa. Itsura palang alam mo nang yayamanin.

"Shet si Yves!"

Napatingin naman ako sa grupo ng mga babaeng tinuturo siya. Nang pagmasdan ko naman yung mga taong nakapaligid, mukhang halos sa kanya sila nakatingin.

Muli ko siyang tinignan. Isang beses pa siyang sumubo bago mapatingin sa direksyon namin. Pero roon nalang ang gulat ko nang magtama ang aming mga mata.

Tama nga ako, gwapo nga.

Ang cute ng pagkabilog ng mga mata niya, tapos yung kutis niya—akala mo si Snow White! Ang tangos din ng ilong tapos ang mga labi ay tama lang ang laki. Naka-tshirt at short lang siya pero mukha siyang model ng Bench.

Nang matagal ang naging titigan namin ay unti unti nalang akong napangiti at parehas na tinaasan siya ng kilay na kala mo nag-h-hi lang sa tropa.

Hindi siya ngumiti pabalik, hindi ko alam kung anong emosyon yung ibibigay niya sa akin dahil nasa bibig niya pa yung ngininguya niya.

In fairness ha, gwapo tas cute.

Ako na ang unang umiwas ng tingin nang biglang kumalog yung langit.

Kaagad kong sinuot ang hood ko at nagmamadaling umalis na sa kinaroroonan ko.

Putsa. Nakalimutan ko. España nga pala itong lugar na 'to.

In short, lugar kung saan maulan tapos di pa ako nagdala ng payong.

Nice.

Syempre, sa bagal kong tumakbo, na stranded pa si gaga.

Nakasilong ako ngayon sa isang saradong karenderya. Biglang bumuhos ba naman yung ulan jusko.

Habang pinupunasan ang sarili, bigla naman nag ring ang telepono ko. Kaagad ko naman pinindot ang speaker nito pagkasagot ng tawag dahil sobrang hina ng volume nung phone ko kapag hindi nakaspeaker.

"Musta buhay Maynila?"

Malakas akong napabuga ng hangin.

"Unang araw pa lang pero parang gusto ko na umuwi, Tiyo."

"Hala siya oh, 'di kita pinalaking talunan, Tulin!"

"Jusmeyo tiyo, maulan ba naman kasi. Stranded ako tapos wala pa akong payong."

"Aww."

Napairap naman ako.

"Ganyan ganyan ka tiyo, sige ka uuwi ako. Mawawalan ka ng future college graduate!"

Malakas naman natawa si tiyo sa kabilang linya.

"Asus, sige nga uwi ka nga?" hamon niya.

Umirap naman ako at nagpigil ng tawa. Napatingin pa ako sa tsinelas kong putik putik na.

"Hintayin niyo ko tiyo ha." sabi ko bigla pagkatapos ng ilang segundong pananahimik.

Narinig ko naman ang pagbuga ng hangin ni tiyo.

"Dito lang kami, basta laging mong alalahanin—di kita dinala diyan para sa amin kundi dinala kita diyan para sayo."

Basta ggraduate ako tiyo, may flying colors man o wala—ggraduate ako. Maghahanap ako ng part time jobs, mag iipon at maghahanap kaagad ng mapagtatrabahuan dito o sa Aborlan. Pagkatapos non ay isasalba ko ang talyer. Matatagalan lang pero isasalba ko iyon.

Tapos pag yumaman ako, gagawa ako ng circuit at magtuturo sa mga batang gusto mangarera. Kung may extra budget ako.

Napangiti naman ako.

"Senti mo naman tiyo, sige kain na kayo. Tawag tawag lang kayo pag miss niyo na ako."

"Nak ng apakafeelingera talaga—"

Bago niya pa matapos ang sinasabi, pinatayan ko na siya kaagad ng tawag at munting natawa pa habang nakatitig sa telepono.

Tumingin pa ako sa paligid at napansin paonti onti na yung mga tao dahil hindi pa rin tumitila yung ulan.

Napatitig ako sa kawalan at malakas na napabuga. Ilang minuto ang lumipas ay sinuot ko na ang hoodie ng jacket ko at zinip up ang iyon. Linigay ko naman sa loob ng damit ko ang pagkain para di mabasa.

Kaya mo to, girl!

Balak ko na sanang lumabas at tumakbo sa ulan nang may biglang nagsalita sa gilid ko.

"I wouldn't run if I were you."

Napakunot ang noo ko nang tignan ko ang lalaking nakasandal sa pader sa tabi ko.

Hala! Kailan dumating to?

"Bakit?" may alinlangan kong sabi.

Illegal ba pagtumakbo ako sa ulan? Jaywalking ba yon? Mali ba if tatakbo? Hindi ba nila gawain tumakbo sa ulan?

Tinaas niya ang kanyang ulo at tinignan ako nang patagilid habang nakapamulsa at nakasandal pa rin.

Napaawang naman ang bibig ko nang makilala ko ang lalaking kinakausap ko ngayon.

Ano ulit pangalan niya? Yves ba?

"Because there's a 99% chance that you'll slip and fall."

Napakunot naman ang noo ko.

"Nyare sa 1%?"

"There's a remaining 1% cause its still uncertain."

Napanguso naman ako at tumingin muli sa langit. So ano gagawin ko? Dito lang ako hanggang sa tumila? Gutom pa naman na ako!

Napatingin muli ako sa kanya nang narinig ko ang pagbukas niya ng isang payong. He looked at me again and signed me to come closer to him.

"Come here."

Napaawang naman ang mga mata ko.

"Hala! Okay lang po! Wag na! Malapit lang naman yung dorm ko eh."

Kumibit balikat naman siya.

"Suit yourself." sabi niya.

Inexpect ko nang aalis na siya pero ang hindi ko inexpect ay iiwan niya yung payong niya sa tabi ko at tumakbo sa ulan!

Mabilis ang pagkatakbo niya patungo sa isang kabilang gusali. Ewan ko pero feel ko naman di siya madudulas.

Siguro siya yung 1%. Wow! Kala mo naman talaga.

Napatitig ako sa payong na inilahad niya sa tabi at kaagad kong kinuha 'yon dahil nababasa na yung payong.

Binasa ko pa yung nakasulat doon sa payong at nakita ang isang malaking number 1 na may nakalagay na Corenelcampo Soccer Team.

Ano toh? Jersey number niya ba to?

Napailing nalang ako at hindi na nag isip pa dahil kaagad ko na siyang ginamit para makauwi ng dorm dahil gutom na ako.

Subalit nang nakarating na ako sa dorm, muli kong tinignan ang payong.

Ano kaya trip non?

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 301K 108
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.6M 139K 46
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
580K 20.2K 95
"Leave, you're free. Don't ever come back here again." She said, hoping he wouldn't return and she'll get to live Hael was shocked, "Are you abandon...
1.8M 127K 45
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...