Moments In Time

By Ember-1458

1.9K 40 26

A Fidel and Klay one-shot fanfic collection . . . Disclaimer: No copryright infringement. Original characters... More

Casa De Los Reyes Y Maglipol
Sinaunang Couple Shirt
Ikaw lang ang SAKALAM
Namamangka sa dalawang ilog
Hindi ba pwedeng... Ikaw na lang?
Sa Dako Paroon...
Karibal
Yo Te Quiero ka talaga!
Andito ka na

Aish! Dak Cheo!

319 7 0
By Ember-1458

Moments in Time 03 - Aish! Dak Cheo!

SUMMARY: Nang nagkaron ng aberya si Fidel sa mga produktong inangkat galing sa bansang Chosun, hindi nya makausap ng matino ang comerciante na nag-angkat nito. Paano ba nama'y hindi ito marunong ng ibang wika maliban sa wikang Koryeo. Hindi rin naman marunong si Fidel ng wika nito. Enter K-Drama/K-Pop addict Klay. Nag-English pa nga lang, na-windang na sila Sir Ibarra at Sir Fidel, paano kung dahil sa kaka-K-Drama ni Klay, eh marunong na rin pala syang mag read and write in Korean?

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Hinilot ni Fidel ang kanyang sintido. Kahit ilang beses nyang basahin ang mga papeles sa harap ay talagang hindi nya mawari kung ano ang gustong sabihin nito. Nakasalin naman ito sa Español, pero wala pa rin syang maintindihan. Kailangan na ba nyang kwestiyonin ang kanyang talino sa salitang kanyang sinasambit na simula pagkabata? Hindi naman siguro. Sino mang gumawa ng traducir nito'y marahil hindi matatas sa wikang Español sapagkat halatang mali-mali ang iilang gramatica at ortografia ng mga ito.

Sinubukan muling basahin ni Fidel ang mga nakasulat. Pilit na inintindi kung anong pahiwatig nito. Baka naman literal ang pagkakasalin o kaya ay may katulad itong salita at iba lamang ang nagamit. Kailangan na nya itong matapos, paparating na ang mga inangkat nyang ginseng, pinatuyong caqui, ramie na gawang-kamay, plata na pwedeng gawing kubiertos o alahas at mga mamahaling bato na amatista at jade.

'Hay, lo que sea!'

Bahala na si Bathala. Bukas ay darating na ang mga produktong inangkat nya mula sa kaharian ng Chosun. Hindi rin nya alam kung paano iyon maipapasok ng legal sa mercado kung hindi nya matatapos ito. Marahil ay kelangan nyang kausapin ng masinsinan muna ang comerciante at doon na lang din sa pantalan ayusin ang lahat.

Sa ngayon ay matutulog muna sya. Sadyang pinasakit nito ang kanyang ulo. Batid nyang may unos pa syang dapat harapin sa pantalan bukas. Mas mainam na lang sigurong matulog na lang muna sya ng makapag-ipon ng lakas para sa suliranin bukas.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Patapos na si Klay sa paghahanda ng hapag para sa agahan nilang tatlo nila Sir Ibarra at Mang Adong. Saktong sakto namang lumabas na ng kanyang silid si Sir Ibarra. Ngumiti si Klay dahil proud sya sa mga niluto nyang almusal. Sa unang pagkakataon ay nakapagluto sya ng arroz caldo na matagal na nyang ina-attempt ngunit nahihirapan dahil sa tipo ng kalan meron sa panahong ito. Buti na lang at tinulungan sya ni Mang Adong na kontrolin ang apoy sa pugon. Nagluto rin sya na ilang tapa, hamon, pan de sal na may mantikilya, kape at ilang mga prutas tulad ng saging at mangga. Mangha namang sinuklian ni Sir Ibarra ang ngiti ni Klay.

"Aba'y Ms. Klay, may itinatago ka rin pa lang galing sa pagluluto? Anong okasyon at parang magarbo ang agahan natin ngayong umaga?" Tanong ni Sir Ibarra pagtapos huminto ng paglalakad at tumayo sa may kabisera ng hapag kainan. Saktong sakto namang natapos si Klay sa pag-aayos ng mga hinaing pagkain.

"Nako, wala naman po. Pasasalamat ko lang po yang lahat dahil sa tindi ng sakit ng ulong binigay ko sa inyo sa nakalipas na ilang buwan. At gusto ko rin pong patunayan na habang dun po ako nakatira kina Señorita Maria eh kahit papano ay may natutunan po ako. Katunayan, si Señorita nga po nagturo sakin magluto ng arroz caldo at mag-arrange nitong mesa. Buti na lang nag-tyaga sakin si Señorita Maria, at salamat may natutunan din ako. Oh di ba! Bongga! Ilang beses ko tong inaral sa Home Eco namin dati pero di ko ma-gets pero nagawan ni Señorita na ma-absorb ko. Kalurkey ang haba ng patience nya ih!" Proud na sabi ni Klay. Kumunot man ang noo ni Sir Ibarra sa huling tinuran ni Klay ay nanumbalik rin lahat ang galak at ngiti ni Sir Ibarra ng marinig ang mga papuri para sa kanyang nobya. Ultimong si Klay na tila kakaiba at may hindi maitatangging talino ay nagpapatunay na si Maria nga ang pinaka-mayumi at talentadong dilag sa kanilang bayan.

"Maraming salamat sa iyong pag-abala, Ms. Klay. Mabuti pang pagsaluhan na natin ito bago pa lumamig ang mga pagkain." Sambit ni Sir Ibarra sabay paghila na sa upuan ng kabisera ng hapag at nagsimula ng umupo roon. Gumayak naman si Klay para tawagin na si Mang Adong ng sabay-sabay silang mag-agahan.

Tahimik ngunit may kaunting kwentuhan at kamustahan ang namagitan sa tatlo habang sila'y nag-aagahan. Naghihimagas na sila ng biglang may naalala si Sir Ibarra. Naging alerto naman si Mang Adong at si Klay sa balak sabihin ng kanilang Don. Uminom muna ito ng tubig upang marahil ay siguraduhin walang bara ang lalamunan bago magsalita. Pagkahuma ay tumitig si Sir Ibarra kay Klay.

"Ms. Klay, hihingi sana ako ng isang malaking pabor sayo ngayong araw na ito. Kung iyo sanang mamarapatin ay huwag ka sanang tumanggi sa aking pabor hangga't hindi mo naririnig ng buo ang aking gustong sabihin" Seryosong usal ni Sir Ibarra. Nakatitig ito sa kanya ng may nangungusap na mata. Kinabahan si Klay bilang ni minsan ay hindi naging ganito ka-seryoso si Sir Ibarra sa hinihiling na pabor sa kanya. Ano ba yon? Buwis-buhay mission ba yon?

"Ah... sige po, Sir Ibarra." May pag-aalinlangan may, nagpaunlak na lamang si Klay. Wari nyang wala syang karapatang tumanggi sa taong nagkupkop at nagtrato ng hindi iba sa kanya dito sa magulong mundo na to.

Nilapag ni Sir Ibarra ang dalawang kamay nya sa hapag na tila humuhugot ng lakas bago sabihin ang pabor. Kinabahan man si Klay ay pinili nyang manahimik at magmasid. Sabi nga ni Sir Ibarra, makinig daw muna bago ang violent reaction. So brace yourself na lang ang peg ni Klay. 'Aish, pa-suspense pa ih!' Isip na lamang ni Klay. Di laon ay tumikhim na rin si Sir Ibarra at nagsimulang magsalita.

"Batid kong hindi mo gustong makita o makisalamuha man lang ang aking amigo-" Umikot agad ang mata ni Klay ng marinig ang huling salita na ikana-buntong hininga ni Sir Ibarra. Ilang araw pa lamang nang mamanhikan si Sir Ibarra na dapat kasama sya, pero dahil binad-mood sya ni Fidel sa biglaang wedding proposal, eh nagwalk-out na lang sya. Hindi na lang nagkomento si Sir Ibarra sa kanyang ginawa bilang nanatili syang tahimik. Nagpatuloy na lamang ito sa pagsalita.

"Ngunit gusto ko sanang samahan mo ako sa kanyang tindahan ngayong araw na ito-" Gulat na biglang tumitig si Klay na may nanlalaking mata kay Sir Ibarra ngunit tinaas nito ang kamay upang senyasan sya na patapusin bago magsalita. "At bago ka pa mag-komento ay gusto ko sanang malaman mo na ikaw lamang ang aking matalik na kaibigang babae. Ikaw lamang ang bukod tanging makakapag-bigay sa akin ng ideya kung anong babagay o magugustuhan ni Maria. Ngayong araw bababa ang kalakal ni Fidel na may naglalaman ng mga mamahaling alahas. Gusto ko sanang ikaw ang pumuna noon para mapili ang karapat dapat na aking i-alay sa babaeng aking pakakasalan at sa kanyang familia. Sana'y pagbigyan mo ako, kung hindi man para sa akin ay kahit para kay Maria na lamang."

Nagsusumamong paliwanag ni Sir Ibarra sa kanya. Ano pa nga ba? Pag gantong usapan na ay mahina si Klay dito, hindi sya makakatanggi. Kahit gaano pa kalakas ang panggagalaiti nya kay Fidel, hindi nya pedeng tanggihan ang pabor ni Sir Ibarra lalo't para iyon kay Señorita Maria Clara na tinuring na nyang kapatid. Sa nanlalambot na mata'y, napatango na lamang si Klay. Hindi naman naitago ni Sir Ibarra ang galak sa kanyang mukha sa marahang pagpayag ni Klay.

"Salamat, Ms. Klay. Tatanawin kong malaking utang na loob ito. Pagtapos nating kumain ay sana'y makapaghanda na tayo dahil nagpa-abiso ako kay Fidel na maagang pupunta sa kanyang tindahan." Paliwanag muli ni Sir Ibarra. Napabuntong hininga na lamang si Klay at pinikit ang mata. Ramdam na nya agad ang migraine nya.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Nakaupo si Fidel sa mesa de conferencias ng kanyang oficina. Kaharap nya ang comercianteng taga-Chosun. Pinagpapasalamat na lamang ni Fidel na mabilis na naipasok ng legal ang mga kalakal nya dito sa bansa matapos itong ibaba kaninang madaling araw sa pantalan. Kinailangan nyang kausapin ng masinsinan at paliwanagan ang oficiales sa oficina de aduanas de importación upang payagang ipasok sa bansa ang kanyang kalakal bilang nakapangako na sya sa kanyang amigo na ngayon ibibigay o ibebenta rito ang ilan sa produktong inangkat. Ngunit ng buksan ang ilang kahong naglalaman ng kalakal ay napagtantong mayroon syang malaking problema.

At dahil nga sa mga problemang iyo'y nagkakatitigan sila ngayon ng commerciante. Pareho nilang pinanindigang tama ang kanilang inangkat ayon sa kung anong sinulat ni Fidel at kung paano naman ito isinalin sa wikang Koreo. Kahit naman titigan iyon ni Fidel, hindi nya iyon maunawaan bilang iba ang sulat nito sa sulat ng Español o Ingles.

Unang beses pa laman nyang makipag-negosyo sa commercianteng ito. Ikinagagalak sana ito ni Fidel bilang alam nyang magugustuhan ng kanyang mga mamimili at cliente ang mga kakaibang produktong iaangkat nya mula dito. Ngunit anlaki na agad ng aberya. Sana'y naman syang laging hindi maayos ang unang transaccion pero hindi sa gantong grabehang lagay. Mahalaga pa naman ang unang transaccion sa pagbuo ng isang mabuting relasyon sa negosyo. Paano na ito ngayon.

Napapikit na lamang si Fidel at nag-isip ng paraan kung paano su-solusyon-an ang mga problem ng hindi naa-agrabyado ang kahit sino sa panig nilang dalawa ng commerciante nang bigla pumasok ang empleyado nya sa kanyang oficina. Hinayag nito na andito na raw sa kanyang amigo.

'Si Crisostomo!' Naisip ni Fidel ang amigo. Baka may ma-suhestyon ito sa kanyang suliranin. Oo nga pala't nagkapangakuan sila ng amigo na pupunta ito ng maaga dahil ito ang gustong mag-buena mano ng pagbili sa mga naangkat nyang alahas. Dahil nga sa problema'y baka hindi matuloy ang pagbili nito sa kanya ng mga kagamitan. Gayunpaman ay inutusan na lamang nya ang kanyang empleyado na papasukin ang amigo sa oficina. Kung makikita ni Crisostomo ang pangyayari ay paniguradong maiintindihan sya nito.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Hinahanda na ni Klay ang kanyang pasensya. Hiling nya'y sana ay humaba pa ito. Andito na sila ni Sir Ibarra sa tindahan nung mokong na nagnanakaw ng halik sa kanya. Huwag lang balakin nitong dalawang mag-'amigo' tangkain syang pikutin ulit, kundi magwo-walkout talaga sya. Baka nga ma-sapak pa nya yung mala giraffe sa tangkad na lalaking may ari nitong sinaunang SM Department store na toh ih.

"Magandang umaga po sa inyo. Si Fidel po ba ay narito na?" Tanong ni Sir Ibarra ng may paggalang sa isa sa mga empleyado na nag-aayos ng eskaparate ng tindahan. Nag-alis ng sombrero ang empleyado at yumukod ng makitang si Crisostomo Ibarra ang kumausap sa kanya.

"Opo, Señor. Andito na po si Don Fidel. Ngunit may mga tao pa po syang kausap sa kanyang tanggapan. Maari po sanang mag-antay lamang kayo saglit dito sa loob at sasabihan ko lang po si Don Fidel ng kayo ay kanyang maharap." Paliwanag ng empleyadong lalaki ng may ngiti at paggalang bago ito pumasok sa tanggapan ni Fidel.

'Hay... heto na po kami.' Sambit ni Klay na may buntong hininga habang hinahanda ang sariling pagpapasensya. Ibang level na kasi ang pagkapikon nya kay Fidel. Narinig naman iyon ni Sir Ibarra. Hinarap sya nito.

"Ms. Klay. May problema ba?" Tanong nito sa kanya. Biglang napadako ang tingin ni Klay mula sa sahig papunta sa nangunguwestyong mukha ni Sir Ibarra.

"Wala naman po, Sir." Sagot ni Klay na pilit tinatago ang disgusto. Ngunit nakita pa rin iyon ni Sir Ibarra.

"Ms. Klay. Ayokong pangunahan o panghimasukan ang personal na buhay ninyo ng aking amigo. Batid kong ika'y medyo naiinis na sa ginagawang panliligaw sa iyo ni Fidel. Pero sana'y pag-isipan mo itong sasabihin ko. Hindi ko sinasabi ito dahil matalik kong kaibigan si Fidel. Ngunit dahil alam ko sa kaibuturan ng aking loob na mabait, tapat at maginoong lalaki ang aking amigo. Kaya kapag sana'y bigyan mo ang iyong sarili ng pagkakataong makilala sya ng tunay, ay baka maging matalik rin kayong magkaibigan man lang kung hindi mo talaga kayang ibigay ang iyong puso sa kanya. Hindi kita pipilitin. Pero sa oras na mangailangan ka at wala ako para tumulong. Mapapanatag ang loob ko kung may kaibigan kang katulad ni Fidel na tutulong sa iyo." Madamdaming paliwanag ni Sir Ibarra sa kanya. Nagsusumamo ang tinig nito. Pero kahit papano ay may pagpipilian sya. Hindi tulad nung isang araw na ultimong si Sir Ibarra ay halos ibenta na sya kay Fidel. Ipakasal daw ba sya agad dahil lang sa kiss sa cheeks.

"Kaya sana, kung hindi pa bukas ang puso mo. Kahit man lang isip o utak mo ay buksan mo para kay Fidel." Patuloy ni Sir Ibarra. Sasagot sana si Klay ng bumalik na ang empleyado at sinabihan silang maaring ng pumasok sa tanggapan. Kaya gumayak na sila at naglakad papunta roon. Ilang hakbang na lamang mula sa pinto ng tawagin ni Klay si Sir Ibarra. Lumingon naman ang ginoo sa kanya.

"Pasensya ka na po, Sir, kung parang lagi na lang kaming aso't pusa ni Sir Fidel kung mag-away. Alam kong lagi ka na lang naiipit sa aming dalawa. Pero tama po kayo. Hindi ko man po kayang suklian yung feelings ni Fidel, at least kaya ko pong i-offer ang friendship ko sa kanya. Kaya pangako po, Sir, magpapakabait ako sa kanya today." Pahayag ni Klay na ikinatuwa naman ng ginoo sa kanyang harapan. Ngumiti at tumango-tango ito ng pagsang-ayon. May ilang segundo itong natahimik na tila ay nag-iisip ngunit panandalian lamang iyon at sya'y niyaya naring pumasok sila sa loob ng tanggapan ni Fidel.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

"Amigo, mabuti at nandito ka-" naudlot ang panimula ni Fidel ng makita ang dalagang nakasunod kay Crisostomo. Tila isang anghel ang pumasok sa kanyang tanggapan at biglang nabalot ng liwanag ang kanyang oficina. Hindi mapigilan ni Fidel na titigan ito mula ulo hanggang paa. Hindi nya inaasahang isasama ito ngayong umaga ng kanyang amigo. Ngunit pinagpapasalamat nya ng husto na ito'y narito ngayon. Ilang araw na rin simula ng huli nya itong nakita at ang presensya nito'y tila nagpagaan sa pakiramdam nyang kahapon pa mabigat gawa ng problema sa kargamento.

Wala namang bago ang itsura nito, kagaya ng dati'y medyo magaslaw ang kilos nito, init na init at parang iritable sa damit at nakatali pa rin ang buhok sa ayos na hindi normal na ginagawa ng mga kakabaihan rito. Ngunit bakit parang kay Fidel ay isang diyosa ang dumalaw sa kanyang tanggapan? Diyosang handa nyang samabahin kailanman at sa kahit anong paraan.

"Wala ngang pinagbago. Lagi ka namang maganda. Aking diyosa."

"Amigo?" Tugon ni Crisostomo sa kanya na kinagulat ni Fidel. Dumako ang mata niya sa amigo na tila nagpipigil ng tawa. Nararamdaman ni Fidel ang unti-unting pag-init ng kanyang mukha na paniguradong nagpapapula sa repleksiyon nito. Nasambit pala nya ng malakas ang akala nyang sa isip nya lang sinabi. Muli nyang tinignan si Klay at kung anong reaksyon nito. Ngunit ni hindi man lang ito nakatingin sa kanya. Kung hindi ito nakatingin sa malayong parte ng kanyang oficina, ito ay nakayuko lamang. Tumikhim na lang si Fidel at muling hinarap ang amigo.

"A-amigo... ang-a... ang ibig kong s-sabihin ay... b-buti naman at nakarating ka na... k-kayo..." Nauutal na sabi ni Fidel habang ang tingin ay nagpapabalik-balik sa kanyang amigo at kay Klay na ngayo'y pinagma-masdan ang kabuuan ng commerciante na para bang may pinagtatakahan ito. Hindi iyon nagustuhan ni Fidel. Bakit parang napukaw ng commerciante ang atensyon ng babaeng kanyang tinatangi? Tiningnan rin tuloy ni Fidel ito. Mas gwapo naman sya rito ah, bakit tinititigan ito ni Klay?

Patuloy ang pagseselos ng isip ni Fidel ng bligang narinig nyang nagsalita ang commerciante sa sariling wika nito na banyaga para sa tainga nya.

"Igeon jeongmal beongeoloun il-ieyo." Turan ng dayuhan na nagpakunot sa noo ni Fidel at ni Crisostomo. Ngunit ikinalaki naman ito ng mata ni Klay. (Translation: What a hassle!)

Kitang kita ni Fidel ang pag-lakbay ng mata ni Klay sa kanya at sa kanyang amigo. Malamang ay nagtataka rin ito kung ano ang salitang winika ng dayuhan. Tinignan rin ni Klay ang ilang papeles na nasa kanyang mesa de conferencias at pagkatapos ay muling tumitig sa dayuhang commerciante.

"Naneun jeongmallo dangsin-ui myeonglyeong-eul olbaleuge ttalassseubnida. Wae naleul ileohge daehaneun geolkkayo?" Sambit muli ng dayuhan. Bagama't hindi nila ito naintindihan ay batid nilang may bahid ng iritasyon ito. Bumalik ang sakit ng ulo ni Fidel na pandaliang nawala ng makita si Klay. Tumingin syang muli sa kanyang amigo. (Translation: I really followed your orders correctly. Why are treating me like this?)

"Amigo, pasensya na at nagka-problem ang mga produktong inangkat ko mula sa Chosun. Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari. Ang alam ko ay maayos kong sinabi sa naunang kausap ko kung ilan at ano ang mga produktong iaangkat ko. Ngunit ngayo'y ito ang nangyari." Paliwanag ni Fidel kay Crisostomo. Pati si Klay ay taimtim na nakinig sa kanyang suliranin. Ikinagagalak man ng puso ni Fidel na ang atensyon ni Klay ay nasa kanya ngayon, pero hindi nya magawang magsaya ng dahil sa problemang kinakaharap.

"Ano ba ang nangyari, Amigo?" Tanong ni Crisostomo sa kanya habang minamasdan ang ilang papeles sa mesa. Sasagot na sana sya ng muling magsalita ang dayuhan na ang boses ay hindi na maitatangging may bahid na ng galit.

"Yeogiyo! Mwohaseyo? Eonjekkaji naleul gidalige hal geongayo? Yeogieneun amuleon jalmos-i eobs-seubnida. Naneun dangsin-i jun munseoleul ttalassseubnida. Igeos-i dangsin-ui sa-eob-eul haneun bangbeob-ibnikka?" Sambit ng dayuhan. Nagkatinginan si Fidel at Crisostomo sa ginawi ng dayuhan. Sumenyas na lamang si Fidel na kumalma ito dahil hindi rin naman nya alam kung anong isasagot dito. Ibabalik sana ni Fidel ang atensyon kay Crisostomo ng makitang dinampot ni Klay ang ilang mga papeles sa mesa na tila binabasa. (Translation: Hey! What are you doing? Until when will you make me wait? I don't have any faults here. I have followed the documents you gave. Is this how you do your business?)

"Excuse me po, mga Sir. Ano po bang meron at nagagalit si kuya(korea-kain na!)?" Tanong ni Klay kay Crisostomo at Fidel. Nangiti ng palihim si Fidel. Kahit man lang sa negosyo ay kaya rin palang mag-alala ni Klay sa kanya. Mabilis namang winaksi ni Fidel ang galak na nararamdam dahil hindi ito ang oras para doon.

"Ah, Binibining Klay. Mayroon kasing iilang mali sa mga produktong naangkat. Alam kong especifico kong inutos kung anu-anong klase ang dapat na mga produktong dapat iangkat. Kaya't laking gulat ko na lang na pawang sobra o di kaya'y talagang iba ang mga kargamentong dumating sa akin kaninang umaga." Pag-eksplika ni Fidel kay Klay. Habang nakatitig ang binibini sa isang dokumentong nakasalin sa wikang Español. Tinignan naman ni Klay ang dayuhan bago tumango-tango habang sinisipat sipat ang dokumento.

"Sillyehabnida, Nari. Dangsin-eun myeonglyeong-eul olbaleuge ttalassdago malhaessseubnida. Ajigdo geu seolyuleul gajgo gyesinayo? Jamsi dong-an ilg-eodo doeneunji mul-eobwado doelkkayo?" Sambit ni Klay na kinagulat ng lahat ng ginoong nasa oficina ni Fidel, lalo na ang dayuhan. Hindi inakala nito na may makakaintindi sa sinabi nya, gayun din sila Fidel at Crisostomo. Nagkatinginan naman si Fidel at ang amigo nito bago parehong tumitig kay Klay. (Translation: Excuse me, sir. You said that you followed the orders correctly. Do you still have the documents with you? May I ask if I can read it for a bit?)

"N-Ne, A-Agassi. N-Naneun munseoleul gajigo issseubnida. Dangsin-i hyeonjae deulgo issneun geos-i balo geugeos-ibnida." Nauutal na sambit ng dayuhan sabay pag-abot ng papeles nito kay Klay. Kitang kita ni Fidel at Crisostomo na ang dokumentong inabot ng dayuhan kay Klay ay nakasulat sa baybaying Hanggul ng bansang Chosun Koreo. (Translation: Yes, miss. I have all the documents here.)

"Kamsahamnida, Nari. Jamsiman gidalyeojuseyo" Sambit ni Klay muli sa dayuhan bago sinimulan basahin ang dokumento. (Translation: Thank you, Sir. Wait a minute, please.)

"Sir Fidel, pede bo bang humiram ng papel at ballpen-ay-panulat. Papel at panulat po, please." Wika ni Klay patungo kay Fidel kahit ang mata nito'y patuloy sa pagbasa sa dokumentong binigay sa kanya ng dayuhan.

"Oo, binibini, mayroon. Sandali lamang at ikukuha kita." Namamanghang sambit ni Fidel na dali-daling kumuha ng hinihingi ni Klay na papel at panulat mula sa kanyang pangunahing mesa de oficina.

필리핀 무역에 관한 사업명령서입니다.

- 자수정 석영 일-상자

- 비취 석영 일-상자

- 빨간색 모시 일-상자

- 곶감 일-상자

- 인삼 사-상자

- 은색 일-금속 상자

Pillipin muyeog-e gwanhan sa-eobmyeonglyeongseoibnida.

- jasujeong seog-yeong il-sangja

- bichwi seog-yeong il-sangja

- ppalgansaeg mosi il-sangja

- gojgam il-sangja

- insam sa-sangja

- eunsaeg il-geumsog sangja

Nagsimulang magsulat si Klay sa papel na kanyang binigay. Nakita ni Fidel at ni Crisostomo na pawang isinasalin ni Klay ang dokumento ng dayuhan sa wikang Ingles. Muling nagkatinginan ang mag-amigo. Parehong gulat na gulat sa nangyayari. Tunay na kagulat-gulat ang bagong sorpresa na pinakikita sa kanila ng kakaibang binibining ito.

Nang matapos si Klay sa pagsalin ay ini-abot nya ang papel na kanyang pinagsulatan kay Fidel. Binasa iyon ni Fidel at napagtantong mali nga ang mga nakasaad sa kung ano ang orihinal nyang isinulat na dapat iangkat.

Order of business for Philippine trading.

- 1 crate Amethyst Quartz

- 1 crate Jade Quartz

- 1 crate Red ramie

- 1 crate dried persimmons

- 4 crates Ginseng

- 1 crates silver metal

"Yan po ang nakasaad sa document na binigay ni Kuya Korean(resto-char). Hindi po ba iyan ang in-order nyo sa kanya, Sir Fidel?" Hindi maitago ni Fidel at ni Crisostomo ang paghanga. Ang babaeng hindi lang pala sa Ingles matataas, ngayo'y pati pala sa wikang Chosun Koreo. Nakatitig lamang si Fidel kay Klay kaya naman pinukaw muli ng huli ang kanyang atensyo patungo sa suliranin.

"Sir Fidel, ang sabi ko po, yan po ba ung inorder nyo?" Pag-ulit ni Klay sa kanyang tanong. Tumikhim si Fidel upang linawin ang isip. Mamaya na nya uusisain(lalandiin) si Klay. Kailangan munang matapos ang problema nya sa mga kargamento.

"Hindi ito ang isinulat kong dapat i-angkat. Ang sabi ko'y isang kaing na Amatista Pulida, isang kaing na Jade Pulida, isang kaing ng asul na tela de ramio, 1 kaing na pinatuyong cacqui, tatlong kaing ng Ginseng at isang kaing ng plata. Ngunit ang inangkat sa akin ay Amatista at Jade nga, ngunit cuarzo pa lamang. Pula at hindi asul na tela de ramio at apat na kaing imbis na tatlo lamang na kaing ng Ginseng." Paliwanag ni Fidel para maintindihan ni Klay kung alin ang mga maling inangkat na kargamento.

"Sir Fidel. Sino po ba nag-translate nung orders nyo into Korean?" Tanong ni Klay na parang may hinala na sa kung anong nangyari.

"Isang commerciante rin na galing Maynila na naghikayat sa aking bilhin ang mga kargamentong ito. Isang Insulares na taga rito rin sa Las Isla Filipinas, pero ang alam ko ay matatas sya sa wikang Chosun Koreo." Paliwanag muli ni Fidel.

"Theory ko lang po toh ha. Hindi sa judgemental ako. Pero feeling ko po, na-lost in translation yung order nyo kaya nagkaganyan. Di ko po sure kung ano nangyari jan sa quartz. Pero ung Red na tela, feeling ko po, imbes na 'Palan-saeg' sinulat, naging 'Palkan-saeg'. 'Palan-saeg' po kasi is Blue at Red naman po yung 'Palkan-saeg'. Tapos po yung tatlong crates ng Ginseng nyo, naging apat kasi ang three is 'Sam' at four naman is 'Sa' sa wika nila. Malapit po ung tunog. Kaya baka nagkamali ng spelling yung translator nyo." Mahabang paliwanag ni Klay. Iyon lang ang kailangan ni Fidel at nagka-linaw na sa kanya ang lahat. Kung gayon ay hindi nya dapat sisihin itong dayuhang commercianteng kausap nya ngayon kung nagkamali nga ng pagsalin ang taong inutusan nya.

Ano pa nga ba? Hindi naman nya maaring hindi tanggapin ang naangkat na kargamento dahil masama iyon para sa negosyo. Siguro ay mag-aangkat na lamang syang muli ng azul na tela de ramio, dadalhin sa maynila ang cuarzo ng Amatista at Jade para mapahugis at mapakinis ito, at siguro nama'y maibebenta nyang lahat ng kaing ng Ginseng bilang ito'y nagiging tanyag para sa mainam ng kalusugan at pangangatawan. Hinarap nya ang commerciante ngunit naalalang hindi nga pala nito maiintindihan kahit kausapin nya ito. Tumingin na lamang sya kay Klay.

"Ah, Binibining Klay. Manghihingi pa sana ako ng isa pang pabor kung hindi naman masyadong nakakahiya. Gusto ko sanang kausapin ang dayuhang ginoo. Kung pwede ba sanang isalin mo ang aking mga sasabihin?" Pakiusap ni Fidel kay Klay. Tumango naman agad ang dalaga kaya't hinarap na ni Fidel ang dayuhan at nagsimula itong kausapin.

"Batid kong ika'y aming naabala. Ipagpasensya mo sana ang mga nangyari. Na-wari na namin kung ano ang nangyari. Lahat ng kargamentong ito'y tinatanggap ko at babayaran ko na. Muli, iyo sanang pagpasiyensyahan ang nangyari. Sana'y hindi ito ang huling pagkakataon na tayo'y magkaroon ng negosyo sa isa't isa." Paghingi na lamang ng tawad ni Fidel. Tinignan ni Fidel si Klay na nag-umpisang isalin ang kanyang sinabi sa dayuhan.

"Uriga dangsin-eul goelobhyeossdaneun geol al-ayo. Museun il-i iss-eossneunji yongseohaejuseyo. Ije ulineun eodiseo jalmosdoeeossneunji algo issseubnida. Naneun i modeun biyong-eul bad-adeul-igo geue daehan biyong-eul jibulhal geos-ibnida. il-eonan il-eul yongseohae jusigil balabnida. Ibeon-i uliga seolo geolaehaneun majimag sigan-i anigil balabnida." Pagsasalin ni Klay. Habang sinasambit iyon ni Klay ay nakatitig lamang si Fidel sa dalaga. May mahinahong ngiti sa labi at kakaibang kislap sa mata si Fidel habang nakatitig sa dalagang nagsasalita. Lingid sa kaalaman ng (pambansang)ginoo, ay kitang kita ng kanyang amigo kung paanong paulit-ulit na nahuhulog muli ang loob at puso ni Fidel kay Klay ng dahil sa pangyayari. Marahang napailing na lamang si Crisostomo at lihim na lang ding ngumiti. Hindi nya masisi ang amigo dahil sya mismo mo ay manghang-mangha sa nasaksihan mula sa kakaibang dalagang ngayon ay nakatira sa kanyang tahanan. 'Marahil ay sa hindi malayong hinaharap ay kay Fidel na rin ito maninirahan?' Tanong na lamang ni Crisostomo sa sarili.

"Aigo! Geogjeong maseyo, agassi. Modeun geos-i joh-eumyeon nado gado johda. naneun il-eonan il-e daehae eotteon nappeun gamjeongdo gajigo issji anhseubnida. silsuneun jeongmal gakkeum il-eonabnida. Ttohan gwihaui doum-e gamsadeulibnida." Sambit ng dayuhang ginoo na sa wakas ay makikitaan na ng masayang ekspression sa mukha. Madali namang isinalin sa Ingles ni Klay ang sinabi ng nito para maintindihan rin ni Fidel at Crisostomo. Tumayo ito at nakipagkamay sa dalawang ginoo, habang yumukod naman ng malalim sa harap ni Klay.

"Nado kamsahamnida, Nari. Annyeonghi Kaseyo." Huling turan ni Klay sa dayuhan at yumukod din ang dalaga. Inabot naman ni Fidel ang bayad sa dayuhan para sa lahat ng naangkat. Matapos tiyakin ng dayuhan na tama ang ibinayad sa kanya'y gumayak na rin ito papuntang pantalan.

(Translations: Oh! No worries, miss. If everything is good, then I am good to go as well. I don't have any ill feelings towards what happened. Mistakes really do happen sometimes. I also want to thank you for your help. / Thank you too, Sir. Have a safe trip.)

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Nilapitan ni Crisostomo si Klay na nagbabasa-basa ng ilang papeles ng mga negosyo ni Fidel na nakalat sa mesa de conferencia ng oficina. Tinignan ni Crisostomo ang papel at nakitang ang mga iyon ay naka-baybay sa wikang Español. Tinaas ni Crisostomo ang tingin sa dalaga at nakitang taimtim na binabasa nito ang nasa papel. Nangiti si Crisostomo.

"Ah... Ms. Klay. Baka naman kami ay niloloko mo at baka matatas ka rin pala sa wikang Español. Tila kasi nababasa't naiintindihan mo ang nakasulat dyan sa papeles ng mga negosyo ni Fidel kahit ba ito'y nasa wikang sabi mo ay hindi mo alam. Tama ba ako ng hinala?" Mapagbirong tanong ni Crisostomo kay Klay. Binaba ni Klay ang papel at hinarap si Crisostomo. Napakamot ng ulo ang dalaga.

"Naku Sir. Hindi po talaga ako fluent sa Spanish. Pero nagka-elective subject po kasi ako nyan sa PLM, kaya alam ko yung basic. Hanggang self introduction nga lang po ako. Yung - Buenos Diaz. Se llama Klay... churot... ganon lang po kaya ko. Nababasa ko nga po yan, hindi ko naman po maintindihan." Turan ni Klay na itinuro ulit ang mga papeles.

"Ganoon ba, Ms. Klay? Ngunit paano kang natuto ng wikang Koryeo? Eh di hamak na mas mahirap itong aralin kesa sa wikang Español lalo't may sarili itong letrang baybayin?" Dagdag na tanong ni Crisostomo.

"Ah... pinag-aralan ko po talaga yun para pag nanonood ako ng mga K-Dramas, hindi ko na kelangan magbasa ng subtitles. Naku, Sir! Ang gwapo kasi ni Lee Minho, Lee Jong Suk, Park Seo Joon, Cha Eun Woo, Nam Joo Hyuk... andami pa... sobrang crush ko sila kaya napa-aral ako ih. Tsaka K-Pop fan din po ako, lalo na ng BTS, EXO, Black Pink at Red Velvet. Kaya inaral ko rin para makanta ko ung mga songs nila. Ayieee! Nabuhay tuloy ung fangirling heart ko!" Sambit ni Klay na halos hindi maintindihan ni Crisostomo.

"Ah... Ms. Klay? Ha?" Naguguluhang sabi ni Crisostomo.

"Ha-Hakdog! Char! Hindi po, Sir. May mga tao lamang po sa paligid ko sa pinanggalingan ko na naging dahilan para pag-aralan kong mabuti yung wika nila. At dahil mas nagustuhan ko iyon kesa sa Spanish, mas natuto ako kahit parang mas mahirap ung language nila." Paliwanag na lamang ni Klay bilang hindi nya mapapaliwanag dito kung ano ang K-Drama at K-Pop.

"Kung gusto mo ay tuturuan kita ng wikang Español. Nang sa gayon ay hindi ka naman masyadong makaramdam ng pagkaiba sa amin. O di kaya'y, pede kang mag-aral sa aking pinapagawang escuela ng wikang 'Spanish'. At dahil may ka aking dunong ka sa pangunang lunas na medikal, ay baka pwede ka ring magturo doon kalaunan." Suhestyon ni Crisostomo kay Klay. Ikinatuwa naman ito ng dalaga at muntik pang mapa-yakap dito kung hindi lang biglang pumasok si Fidel sa oficina. Nawala ng kaunti ang ngiti ni Klay ngunit naalala nya ang pangako kaninang umaga na hindi susungitan ang huli. Napatingin ng pabalik-balik naman si Fidel sa kanyang amigo at kay Klay. Batid nyang may naistorbo sya. Kumirot ang puso ni Fidel sa huling naisip.

"Kayo ba'y aking naistorbo?" Sambit ni Fidel sa mahinahong tinig. Sobrang hinahon na alam ni Crisostomo ang kahulugan sa likod nito. Alam nyang nagseselos ang kanyang amigo. Napapailing na lamang si Crisostomo. Bago pa makahuma si Crisostomo ng sasabihin ay narinig nyang nagsalita si Klay.

"Tamo tong mokong na toh, kahit kelan malisyoso. Hoy, Sir Fidel! Nag-uusap lang kami noh! Bawal ba?" Wika ni Klay na hindi na maitago ang pagka-asar. Tumikhim lamang si Crisostomo at tinitigan si Klay. Namula naman ang pisngi ng dalaga ng mabatid na hindi nito natupad ang pangakong hindi susungitan ang amigo ni Sir Ibarra.

"Wala kang dapat ipangamba, Amigo. Inalok ko lamang si Ms. Klay na bilang may aking talino pala sya sa pag-aaral ng mga lenggwahe ay baka gusto nya rin mag-aral ng Español sa eskwelahang aking pinapagawa kapalit ng pagtuturo nya ng pangunang lunas sa mga sakit at sugat." Paliwanag ni Crisostomo sa kanyang pinakamatalik na kaibigan sa pagnanais na pawiin ang selos nito. Mabuti ng mapawi agad iyo at baka makarating pa kay Maria Clara. Baka pag si Maria ang nagselos muli ay hindi na umepekto ang kanyang panghaharana. Tumango-tango lang si Fidel sa kanya.

"Magandang mungkahi yan, amigo. Aba'y nakakagulat nga ang iyong pinamalas ngayon, Binibining Klay. Sinong mag-aakala na ika'y matataas rin sa isang wikang hindi naman masyadong laganap. Tuna'y na kahanga-hanga." Turan ni Fidel. Makahulugang nakatitig lamang ang (pambansang)ginoo habang nagsasalita. Gustong iparating nito ang taos-pusong paghanga nya sa dalaga. May bahid man ng iritasyon ay sinalubong pa rin ni Klay ang titig ni Fidel. Hindi man gusto ni Klay ay unti-unting namumula muli ang kanyang mukha sa klase ng pagtitig sa kanya ng ginoo.

Sa ilang ulit na pagkakataon sa araw lamang na iyon ay muling nagpigil si Crisostomo ng tawa at tuwa. Hindi nya alam kung dapat ba nyang putulin ang titigan ng dalawang matalik na kaibigan. Kung akala ni Fidel ay naka-istorbo sya kanina sa kanila ni Klay, ang totoo'y pakiramdam ni Crisostomo ay sya ang kanina pang nang iistorbo sa dalawang ito. Magsasalita ba sya o hahayaan lang nyang magligawan sa tingin ang dalawa? Mabuti na lamang at pumasok ang isang empleyado ni Fidel na nagligtas kay Crisostomo sa kanyang maliit na suliranin.

"Don Fidel, maari po ba naming malaman kung saan itatabi ang mga kargamentong kararating lamang? Mayroon po ba kayong gustong ipalagay sa eskaparate?" Tanong ng isang lalaking empleyado ni Fidel. Nakita ni Crisostomo ang matinding iritasyon sa mukha ni Fidel sa pagkakaputol sa titigan nila ni Klay. Naawa si Crisostomo sa maaring sapitin ng empleyado,

"Ah, ginoo, salamat sa pag-abiso. Kami ay susunod na riyan. Maari mo ba kaming antayin at may pinag-uusapan lamang kami saglit?" Pangunguna ni Crisostomo. Mas mabuti ng sya ang magsalita at baka kung ano pang masabi ni Fidel. Tumango naman ng paggalang ang empleyado at tuluyan ng lumabas. Hinarap namang muli ni Crisostomo ang dalawang magsing-irog-este-magkaibigan... magkaibigan pa lamang daw sila.

"Kayo namang dalawa, mamaya na kayo magligawan-ay este-mag away. May mga bagay pa kayong dapat asikasuhin, lalo ka na Fidel. Ikaw din, Ms. Klay. Mamaya ka na magsalita, halika na lamang kayo sa labas at kailangan na ng tulong ng mga empleyado dito." Batid ni Crisostomong gustong magreklamo ni Klay dahil sa pagbanggit nya ng salitang 'ligaw' ngunit pinutol na lang nya ito. Isa pa'y narito sya para bumili ng mga alahas na kanyang magiging dotacion para sa patuloy na pamamanhikan nya kay Maria Clara. May isa't kalahating oras na ata silang nandito ni Klay at hindi pa nila nasisimulang mamili.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Matapos ang mahigit kumulang dalawa pang oras ng pamimili sa tulong ni Klay ay nakapili at nabayaran na rin ni Crisostomo sa amigong si Fidel ang mga alahas na kanyang ibibigay sa pamilya ni Maria Clara bilang kanyang dotacion sa pagpapatuloy ng kanyang pamamanhikan makalawang araw magmula ngayon. Sayang nga at hindi sya nakabili ng Amatista. Alam nyang paboritong kulay ni Maria Clara ang kulay violeta. Kaya naman nang malaman nyang mag-aangkat si Fidel ng amatista ay sinabihan nya amigo ang balak nyang bumili ng ilang piraso nito. Nga lang ay cuarzo itong dumating at hindi pa pulido. Siguro ay kapag naipa-pulido na ito ni Fidel sa Maynila ay tsaka na lamang sya bibili. Ito na siguro ang magiging regalo ni Crisostomo kay Maria sa gabi ng kanilang kasal.

Sinisipat-sipat ni Crisostomo ang ilan sa mga buslo ng kanyang pinamili ng makitang dahan-dahang lumapit si Fidel kay Klay. Nangiti si Crisostomo at nagpanggap na lang na abala sa pagtingin sa pinamili at ilan pang produkto sa eskaparate ng tindahan ng amigo. 'Hayaan ko na lang munang mag-usap ang dalawa.' Pang-unawa ni Crisostomo.

"Ah... Binibining Klay. Gusto lamang kitang pasalamatan sa ginawa mo kanina. Kung hindi dahil sayo'y hindi magkakaron ng linaw ang nangyari sa aking mga kargamento. Kaya't tanggapin mo sana itong alay ko sa iyo bilang aking pasasalamat." Pahayag ni Fidel na hinandugan si Klay ng isang singsing. Nagulat man si Crisostomo'y, hindi sya nagsalita. Alam nya kung ano ang kahuluguhan ng singsing na iyon kay Fidel. Pagmamay-ari iyon ng namayapang ina ng amigo. Para kay Crisostomo at lalo na sa kanyang amigo, ang singsing na iyon ay pisikal na patunay na talaga ngang seryoso sa alok na kasal ang amigong si Fidel kay Klay. Tinitigan na lamang ni Crisostomo si Klay na tulad nya'y nagulat rin.

"Naku, Sir Fidel. Grabe naman pong pasasalamat nyan. Mukha pong mamahalin yan. Hindi ko po kayang tanggapin." Magalang na pagtanggi ni Klay. Kitang kita ni Crisostomo ang pamumula ng mukha ng dalaga. Marahil ay hindi naman pala manhid si Klay sa nararamdaman ng amigong si Fidel para sa kanya. At marahil malapit na rin nitong mapagtantong may pag-ibig na rin pala ang dalaga para sa kanyang amigo. Kapag nangyari iyo'y ipinangangako nyang tutulungan nya rin si Fidel sa oras na ito naman ang magsimulang mamanhikan, katulad ng kung paano syang tinutulungan nito sa pamamanhikan nya kay Maria.

"Binibining Klay, I insist. Huwag mo sana akong tanggihan. Tanging ikaw lamang ang gusto kong pag-alayan nito. Kaya sana'y huwag mo ng hindian ang alay ko." Pagsusumamo ni Fidel na may mapungay na matang parang nagpahina sa loob ni Klay. Ang mata ni Fidel na nagpapahirap kay Klay na hindian ang alok nito. Tumingin kay Crisostomo si Klay at nanghihingi ng tulong. Ngunit sa pagkakataong iyo'y pinili ni Crisostomo na kampihan ang amigo.

"Sige na, Binibining Klay. Tanggapin mo na sana ang regalong binibigay ng aking amigo. Karapat-dapat lang iyon para sa lahat ng naitulong mo sa amin. Katulad ni Fidel ay naniniwala akong karapat-dapat kang alayan ng singsing na iyan." Turan ni Crisostomo at nagsumamo na rin. Para sa amigo, para sa nakikita nyang namumuong relasyon ng mga ito. Ikinagagalak nitong maging parte ng pag-iibigan nila kahit sa gantong maliit na bagay man lang. Bumuntong hininga na lang si Klay.

"Sige po, Sir Fidel. Tinatanggap ko na po ang regalo nyo. Ay-Hep! Ako na po magsusuot nyan sa kamay ko. Thank you." Pagtanggap ni Klay sa singsing na regalo ni Fidel. Tinuran ang huling winika ng makitang aabutin ni Fidel ang kamay nya sa akmang ito mismo ang magsuot ng singsing sa kanyang daliri. Kaya't mabilis nyang kinuha iyon sa kamay ni Fidel at sinuot sa kanang palasingsingan imbis sa kaliwa kung saan balak ni Fidel ilagay iyon.

Ngumiti na lamang si Fidel kahit na sa kanang kamay isinuot ni Klay ang singsing ng kanyang ina. Pangako ni Fidel sa sarili'y balang araw ay malilipat rin iyon sa kaliwa. Marahil, sa araw nang kanilang nalalapit na kasal?

Kinuha ni Fidel sa bulsa nya ang isang papel at tinitigan ito bago inabot kay Klay. Tinaasan lang sya ng kilay ni Klay. Ang mata'y nagtatanong kung para saan nanaman ang papel na kanyang inaabot.

"Binigay iyan sa'akin ng dayuhang commerciante na taga Chosun. Sa huli sanang pagkakataon ngayong araw na ito'y... maari mo bang isalin ito sa tagalog, Binibining Klay? Ikaw lamang ang makakaintidi ng nakasulat sa papel na iyan. At kung iyong mamarapatin ay isalin mo sana sa tagalog para maintindihan din ng aking empleyado sakaling tungkol sa negosyo ang nakasulat sa papel." Mahabang paliwanag ni Fidel at patuloy pa ring inaabot kay Klay ang maliit na piraso ng papel. Pagbukas ni Klay ay may mga kataga ngang nakabaybay sa Hanggul.

나는 당신을 너무 사랑한다는 것을 깨닫습니다. 그래서 나는 당신의 결혼 제안을 받아들이고 있습니다.

(Romanization Transcription: Naneun dangsin-eul neomu saranghandaneun geos-eul kkaedadseubnida. Geulaeseo naneun dangsin-ui gyeolhon jean-eul bad-adeul-igo issseubnida. English Translation: I realize that I love you so much. So I am accepting your marriage proposal.)

Inumpisahan na itong basahin at isalin ni Klay ng walang bahid ng paghinala. Nangiti naman si Fidel. Umaayon sa kanyang plano ang nangyayari.

"Okay po, Sir Fidel. Ansabi dito ay - Napagtanto kong mahal na mahal pala kita. Kaya tinatanggap ko na ang iyong alok na kasal." Mabilis na pagsalin ni Klay na walang kamuwang-muwang sa kanyang sinabi. Nakangiti pang inabot pabalik ni Klay ang papel kay Fidel. Nakangiti rin itong tinanggap ni Fidel. Si Crisostomo nama'y hindi alam kung paano tatakpan ang mukha bilang hindi nya mapigilang matawa. Nagkunot naman ng noo si Klay sa gawi ni Crisostomo.

"Luh, Sir Ibarra. Anyare? Bat tawa ka po ng tawa jan?" Inosenteng tanong pa rin ni Klay. Hindi pa rin naiintindihan ang nangyayari.

"Sigurado ka bang iyan ang nakasulat, Binibining Klay? O baka naman naghahayag ka lang ng damdamin mo para sa'akin?" Pilyong tanong ni Fidel na lalong ikinatawa ni Crisostomo.

"Luh, isa ka pa, Sir Fidel. Totoo nga! Ansabi talaga jan eh, Napagtanto kong mahal na mahal-" Natigilan si Klay ng sa wakas ay nabatid ng dalaga ang pangyayari. Naisahan sya dun ah! Nakakaloka! Pinagkaisahan sya ng mag-kaibigan! Issa-Prank! Issa-Trap!

"Hindi mo naman kailangang gamitin ang sulat ng dayuhan para ipahiwatig ang nilalaman iyong puso, aking Binibining Klay. Sinabi ko na ito sa iyo noong isang araw. Handa akong pakasalan ka sa kahit saan mang simbahan at sa anumang araw na ating mapagkasunduan." Nakangiting pahayag ni Fidel. Kahit tila isang biro lang ang lahat, makikita sa mata ni Fidel na seryoso sya sa huling sinabi.

"At sinabi ko na rin sayo to nung isang araw, Sir Fidel. Neck neck mo noh! Pakasalan mo sarili mo! Bwakanang ka!" At hindi na naitago ni Klay ang inis ng dahil naisahan sya.

"Ngunit, Binibini. Hindi naman iyan ang sinabi mo noong isang araw. Ang sabi mo'y gusto mo akong sakalin kaysa magpakasal sa akin. Ayaw mo na ba akong sakalin ngayon? Totoo atang nagbago na ang iyong damdamin, Binibini. Ibig sabihin ba'y tuluyan nang nahuhulog ang loob mo sa akin?" Birong totoo ni Fidel. Umaasang may katotohan kahit kaunti ang sinambit. Kaya naman sa pagkakataong iyon, walang bahid ng pang-iinis o ngiti man lang sa mukha ni Fidel. Pawang seryosong paghahayag lang ng sariling damdamin at pagsusumamo sa babaeng minamahal.

Kitang kita iyon ni Klay. Kung paanong lumalim ang ekspresyon ng mukha ni Fidel. Parang sa unang pagkakataon ay naramdaman ni Klay ang bigat at lalim ng inaalok na damdamin nito sa kanya. Ngunit hindi ito maari! Kaso, sa lagay ng nakikita ni Klay sa ubod na gwapong mukha ni Fidel, unti-unti na nga atang nauubos ang depensa nya para dito. Epek na epek ang peg ni Sir Fidel!

"Aish! DAK CHEO!!" Sambit na lang ni Klay na punong-puno ng pagka-asar at kalituhan. Nabatid naman ni Fidel na nahihirapan pa ang binibining harapin ang nararamdam nito para sa kanya. Pasensya pa, malapit lapit na rin naman na ata. Kaya tinawanan lamang ito ni Fidel sabay ng pagkindat. Wala na syang pakialam kung ano pa ibig sabihin ng huling sinabi ni Klay. Ramdam naman ni Klay ang pamumula ng kanyang mukha ng dahil sa lindat ni Fidel, kaya't tinalikuran na lang ni Klay ang mag-amigo.

~~~~~~~~~~2 Hours Earlier~~~~~~~~~~

Matapos bayaran ni Fidel ang commerciante ay nagpaalam na ito sa kanila. Ayun sa pagsalin ni Klay sa huling sinabi nito ay kailangan na daw mag madali dahil may iba pang kargamento itong iaangkat naman sa bansang Tsina bago tuluyang umuwi ng Chosun. Kaya naman nagpaubaya na sila at hinayaang makaalis na ang commerciante. Ngunit napansin ni Fidel na may naiwain itong mga dokumento. Baka mahalaga ang mga iyon sa commerciante.

Sinundan ni Fidel ang commerciante upang iabot ang naiwan nitong ilang dokumento ng makita nyang pinuntahan na pala ito ng isang tauhan nito. Lumapit si Fidel sa kanilang dalawa at nakitang yumukod ng panggalang sa kanya ang tauhang dayuhan ng commerciante. Laking gulat na lamang ni Fidel ng marinig magsalita ang nasabing tauhan.

"Buen día, señor." Sambit ng dayuhang tauhan ng commerciante. Napahinto sa paglakad palapit si Fidel. Marunong itong mag Español?

"Buenos días para usted también, señor. ¿Hablas español?" Tanong ni Fidel sa tauhan. (Translation: Good day to you too, Sir. Do you speak spanish?).

"Sí, señor. Puedo hablar español muy bien." Matataas na sagot nito sa kanya. 'Dio Mio! May kasama naman pala itong marunong mag Español, bakit hindi ito sumama sa kanyang oficina sa simula pa lamang nang mas maaga naming na-solusyonan ang mga problema. ' Isip ni Fidel. Ngunit imbis na patuloy na mainis ay may naisip na lang siyang gawin. Nangiti na lamang si Fidel at nagpakuha sa empleyado nyang kasama ng papel at panulat. Nang makabalik ang empleyado nya ay dali-dali syang nagsulat ng ilang kataga sa papel. (Translation: Yes, Sir. I can speak Spanish really well.)

"Señor, si no le importa. ¿Puedo preguntarte si puedes traducir esto a tu idioma y usar tu propio alfabeto?" Pakiusap ni Fidel sa dayuhan habang nakangiti ng pagkatamis-tamis. Sa isip nya'y pinanabikan na nya ang susunod na mangyayari. (Translation: Sir, if you don't mind. May I ask if you can translate this to your language and using your own alphabet?)

"Claro, senor. ningún problema." tugon ng dayuhan at nagsimula na itong isalin sa wika nila ang mga katagang isinulat ni Fidel sa papel. (Translation: Yes, Sir. No Problem.)

Pinanlakihan man ng mata ng dayuhan si Fidel ay nginitian na lang nya ito at nagpaliwanag na ang sulat na kanyang ipina-sasalin ay para sa kanyang babaeng pakakasalan. Paliwanag pa ni Fidel na ilang beses na syang niyaya ng babaeng iyon ng kasal, ngunit lagi lamang tumatanggi si Fidel. Pero ngayon ay handa na si Fidel na suklian ang pagmamahal ng babaeng iyon sa kanya kaya't gusto nya itong sorpresahin bilang marunong din itong magsalita, magsulat at magbasa ng kanilang wika. Ngumiti na lang ng may kasamang congratulatoria ang dayuhan.

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

Author's Notes: Short lang... kaka-K-Drama ko toh ih... ahahahaha... ayern lang... till next time po!

PS: Hindi po tlga ako marunong mag-Korean or Spanish kaya kung maraming grammar error, si Google po sisihin nyo... Tenchu!

Aish! Dak Cheo! = Translation: Hey! Shut Up!

Continue Reading

You'll Also Like

951K 21.8K 49
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
191K 6.8K 53
Lalisa is the captain of the female dance team of her school,BLACKPINK. They enter dance female dance competition and always winning mostly first pla...
467K 31.6K 47
♮Idol au ♮"I don't think I can do it." "Of course you can, I believe in you. Don't worry, okay? I'll be right here backstage fo...
214K 4.5K 47
"You brush past me in the hallway And you don't think I can see ya, do ya? I've been watchin' you for ages And I spend my time tryin' not to feel it"...