TRANS SERIES ll: Ikaw at Ikaw...

Door yuriiiverse

3.3K 391 25

HR: #1pag-ibig HR: #5pinoystories Paano kung ang ang lalaking mamahalin mo eh siya pala ang sumira ng buhay m... Meer

●Authors Note●
Uno
Dos
Tres
Kwatro
Singko
Sais
Syete
Otso
Dyes
Onse
Dose
Trese
Katorse
Kinse
Disisais
Disisyete
Disiotso
Disinuwebe

Nwebe

122 21 3
Door yuriiiverse

Ivan's POV

"Hmm.." impit na ungol ko

Bumangon na ako sa kinahihigaan ko para ako'y maka ligo na maaga pa naman pasadong Ala Sais palang ng umaga at Alas Otso ang klase ko. Naging mabuti na rin ang makiparamdam ko salamat sa maalaga kong nurse na si Klay nung nakaraang Miyerkules kasi meron akong trangkaso tapos siya ang nag alaga sa akin non wala si Nay Imelda nun nung nag kasakit ako sumunod siya kay Mama kasi kailangan siya nun . Bumaba na ako para mag almusal at nakita ko si Nay  Imelda na nag luluto ng umagahan naming dalawa.

Ako'y naupo na sa hapag kainan matapos kong mag timpla ng kape ko. Nang biglang may mag tao po kaya sabi ko kay Nay Imelda na ako na ang titingin kung sino kaya naman lumabas na ako at pag bukas ko ng gate si Tita Susana lang pala ang Mama ni Klay. Kaya naman pinapasok ko na siya at inaya na mag kape kaso tumanggi ito katatapos niya lang daw.

"Napa rito po kayo Tita?" ang tanong ko sa kanya. Sabay pina upo sa sofa.

"Ku-kumustahin sana kita iho dahil sa nung nakaraan nag ka trangkaso ka" wika ni Tita.

Si Nay Imelda naman ay may inilagay na Tinapay at juice sa lemisita sa gitna nating dalawa ni Tita.

"Ayos na po ako Tita 'wag na kayong mag alala, tsaka maalaga naman 'yung nag alaga sa akin nun e" biro ko.

"Sus, ay nga pala favor lang sana iho" saad ni Tita.

"Sure ano po 'yon?" tanong ko

"Kaarawan ni Klay ngayon at kung maaari sana eh 'wag muna kayong umuwi ng maaga ang balita ko kasi half day lang kayo eh kaya sana kung maaari libangin mo muna si Klay habang ako eh nag hahanda sa bahay surpresa ba kung baga" saad ni Tita.

Kaya naman napatingin ako sa cellphone ko at tinignan ko ang date January 22 pala ngayon so January ang birthday ni Klay.

"Sure Tita, just leave it to me nalang ako ng bahala kay Klay" pag payag ko.

Napa haba-haba na rin ang kwentuhan namin ni Tita at na una na siyang nag pa alam. Kaya naman ako pag ka alis ni Tita ay naligo na ako dahil sa papasok pa ako. Napag kwentuhan lang namin ni Tita ang mga gagawin niya sumama na rin si Nay Imelda sa pag tulong sa pag luluto sa handa ni Klay. Ngayon ay aalis na ako at nag pa alam na kay Nay Imelda at sa Motor nalang ang gagamitin ko pag pasok ng school. Kaya binuksan na ni Nay ang gate para maka labas na ako at maka alis na rin.

Habang pinapa init ko ang motor nakita ko si Klay na kaliliko lang sa kanto at mukhang nag aabang ng masasakyan kaya naman pinuntahan ko na siya.

"Hop on" wika ko

" 'Wag na nakaka hiya" wika niya

Kita ko sa mukha niya na parang nag tatampo ito. Hindi ko naman na masisisi kasi nasa plano ni Tita na hindi niya batiin at mamaya nalang.

"Sige na" ikli kong bansag

Kaya naman naka sakay na siya at sinabi ko na kumapit siya kaya naman kumapit nga pero sa likod naman.

"Sa akin ka kumapit para mas safe at hindi ka mahulog" saad ko habang nag mamaneho

"Hindi na mas safe kapag dito ako kumapit" saad niya

Kaya naman binigla ko ang pag barurot uoang siya'y mapa yakap sa akin.

"Sabi sa'yo sa akin ka kumapit" wika ko

Kaya ko naman mag maneho ng isang kamay kaya sa left hand ko hawak ko ang mga kamay ni Klay para hindi siya bumitaw at sa right hand ko hawak ko ang manebela.  Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa GHU at pinag titinginan kami ng mga kapwa namin estudyante hindi ko mawari kung bakit. Ipinark ko na sa motor park ang motor ko at bumaba na si Klay pag ka stan ko sa motor.

"Bakit naman ganiyan mukha mo?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

"Wala naman" malamig niyang sagot sa akin.

Nang ilang sandali may tumawag sa pangalan niya na boses lalaki na kina tigil namin sa pag lalakad kaya naman lumapit ito sa amin.

"Happy Birthday Klay!" masayang tono ng lalaki sabay abot ng isang rosas at isang tobleron.

"Salamat!" masayang tono ni Klay sabay ng isang ngiti na alam kong peke.

Ilang sandali pa ay sunod-sunod na ang mga lalaki na nag bibigay sa kanya at bumabati sa kanya. Kaya naman hinila ko na si Klay maka alis lang.

"Ano ba bakit mo naman ako hinila, sayang 'yung mga chocolate na 'yon" batid nito

"Iyon lang? bibilhan nalang kita kung gusto mo factory pa ng chocolate ang ibigay ko sa'yo" wika ko.

Ipang sandali pa ay nakarating na kami ng building nila Klay dahil sa nag iba na kami ng building sapagkat sa kabilang building na kaming mga Med student. Dumami kasi ang mga BSBA student kaya pinag hiwalay na ang mga Med student.

Nakarating na rin ako ng room namin na naupo na sa tabi ni Jester na nag se-selpon.

"Musta naman?" bati nito sabay baba ng telepono niya

"Ayos lang" wika ko

"Ang ibig kong sabihin kamusta naman dahil viral kayo ni Klay sa GHU facebook page" wika nito.

Viral? Nah i don't care.

Pinakita ni Jester ang mga stolen pictures na naka post. Isa na rito ang pag sakay niya sa motor ko tapos ang pag hila ko sa kanya kanina sa mga lalaki na dudumugin na siya.

"So?" ikli kong batid

"Anong "So" hindi mo ba alam na Campus Crush siya rito at tipo siya nung 4th year student na Criminology tapos leader ng gang. Malaki ang gulong pinasok mo bro." saad ni Jester sa akin

"Alam kong Campus Crush siya but 4th year Crim student? who's that?" tanong ko

"Si Kaizer Monte, Criminology student BLOCK C-5. Matagal ng may gusto si Kaizer kay Klay kaso si Klay hindi niya tipo si Kaizer kaya ayun nung last birthday niya nag karoon ng rambol noon sa field dahil gumawa ng surprise si Kaizer noon kaso nireject ni Klay kasi gustong manligaw ni Kaizer non tapos ang malala pa noon kinabukasan bigla nalang nawala si Klay tapos si Kaizer buti nalang nakita sila nung 1st year student na dinala ni Kaizer si Klay sa isang lote malapit dito at muntik nang magahasa si Klay non. Ewan ko nga bakit pa pinag bigyan ni Klay non si Kaizer na bigyan ng second chance sa ginawa niyang 'yon tapos ayun nag ka rambol rambol na lahat ng nag ka-ka gusto kay sinugod si Kaizer pati ang mga grupo niya tapos ayun nag ka rambol na" pag kwento ni Jester sa akin.

"So dapat ko na talagang bakuran ng matindi si Klay" busal ko.

"Bakuran ng mabuti si Klay?" ulit na sabi ni Jester. "What do you mean? teka gusto mo ba si Klay?!" saad ni Jester

"Just shut your mouth!" malamig kong tono

"Oh.. ok ok" saad nito

"So gusto mo nga si Klay?" ulit pa nito

"Bro." ikli kong batid

"Sabi ko nga" saad nito

Kaya naman nung dunating na si Prof Aida nag simula na rin kaming mag klase. Natapos rin ito mga 40 minutes dahil may meeting na kailangan na puntahan ang lahat ng mga Prof and mga faculty staff. Kaya naman nag aya si Jester na mag canteen na muna sumama na rin ako. Habang nasa hallway kami tanaw namin ang room ni Klay na punong puno ng mga lalaki. Ganun ba ka ganda si Klay? maganda si Klay pero ang OA nila.

"Tch!" reaksiyon ko

"So bro anong regalo mo kay Klay?, Birthday niya ngayon" saad nito

"Wala" ikli kong batid

"Anong wala? bro gusto mo siya tapos wala kang regalo? ang torpe mo naman." saad ni Jester

Nakarating na kami sa  Canteen at naka bili na rin ng makakain puno sa canteen kaya sa field bench nalang muna ako kumain bumalik si Jester sa room dahil na iwan niya ang phone niya. Kauupo ko palang  ng biglang may limang lalaki na nag tawag ng pangalan ko.

Jester's POV

"CHISMIS ALERT SI IVAN NAKIKIPAG AWAY SA FIELD AT SA GRUPO NILA KAIZER!!!" bungad na sabi ni Mika

"Putangina!" mura ko nalang

Agad na akong napatakbo ewan ko kung saan ako pupunta kay Ivan ba o kay Klay. Bahala na pero malapit ang building namin kila Klay kaya kay Klay na ako pumunta.

"Makikiraan po emergency!" saad ko

Nang makarating na ako sa room nila ay agad kong hinanap si Klay.

"Si KLAY?" hingal kong batid

"Bakit?" tanong ni Klay

"SI IVAN NAKIKIPAG AWAY SA FIELD SA GRUPO NI KAIZER!!" sigaw ko

Kita ko naman na agad ng tumabo si Klay palabas ng room at nabagsak pa niya ang hawak niyang tumbler. Kaya naman sinundan na rin namin ni Jp si Klay at nakarating na kami ng Field kung saan nadatnan namin si Ivan na may pasa sa mukha. Pero mas nagulat kami ni Jp na mas grabe pa ang pinsala na natamo ni Kaizer.

Klay's POV

Nagulat ako sa balita na sinabi ni Jester kaya naman napatakbo nalang ako agad at nadatnan ko na sinusuntok ni Kaizer si Ivan.

"TAMA NA!" sigaw ko

Kaso hindi pa rin tumitigil sa pav suntok si Kaizer kay Ivan kaya naman hinarangan ko kaso ako ang nasuntok sa likod.

"Ack!" daing ko

Kita ko na nanlaki ang mata ni Ivan kahit na singkit ito at agad na sinugod si Kaizer at pinaulan ito ng suntok.  Pinigilan ito nila Jp at Jester kaya naman nahinto na si Ivan.

"Ayos ka lang?" biglang tanong ni Ivan sa akin

" Ayos lang, pero ano bang ginagawa niyo?" tanong ko

"Iyang singkit na iyan ang nag umpisa!" sigaw ni Kaizer habang pinunasan niya ang dugo sa labi niya at tumayo.

"Totoo ba Ivan?" tanong ko sa kanya habang hawak niya ang likod ko

"Oo, pero may paliwanag ako" depensa niya

Biglang dumating si Dean kaya naman tatlo kaming napatawag. Hays naulit nanaman.

Kaya naman pumunta na kami ng Deans office at nag paliwang na ang dalawa. Kaso ako pina punta sa clinic sabi ni Dean. Pasa lang naman ang meron sa akin pero ang pino-problema ko paano na ako makakapag backless dress nito hays matagal 'to bago mawala. Hays.

Pumunta na ako sa Deans office at nakita ko na lumabas na si Ivan. Pero hindi niya kasabay si Kaizer.

"Bro ano ba kasing nangyari?" tanong ni Jester

"Oo nga, tsaka nagulat ako mas maraming pinasala na natamo si Kaizer kesa sa'yo" saad ni Jp

Napatingin nalang si Ivan sa akin at ngumiti na tila ba parang wala lang sa kanya ang nangyari. Weird.

"Naulit nanaman ang nangyari nung 2nd year tayo" busal ni Jp habang nasa hallway kami

"Kaya nga, ganda mo kasi Klay 'yan tuloy napa away si Ivan dahil sa'yo" wika ni Jester.

"Pwede ba iwan niyo muna kami ni Ivan mag uusap lang kami" malamig kong tono at alam ko na alam na nila Jester at Jp ang sinabi ko kaya naman umalis na sila.

Nag tungo kami sa rooftop ni Ivan kung saan ang gusto kong pwesto.

"Kwento" ikli kong batid

Kaso tila parang walang narinig si Ivan bagkos hinila niya ako sa  gilid at na upo.

"Sinabi ko sa'yo noon na pro-protektahan kita sa lahat ng mga bagay na ikaka-pahamak mo, bago ako umalis para mag punta ng China. Alam kong hindi mo na aalala pero ako oo." sabi nito na kina lito ko.

"Ang sabi kong ikwento mo ang naganap kanina hindi 'yung nakaraan." saad ko

Bigla naman itong sumandal sa balikat ko na kinagulat ko.

"Ipina pangako ko na hinding hindi na kita ulit iiwan Klay. Kahit anong mangyari, ayoko nang ulit na mapahiwalay o mapa layo sa'yo makalaban ko man ang mundo Ikaw at Ikaw pa rin ang pipiliin ko tandaan mo 'yan." wika nito na tila may tumusok sa puso ko na hindi ko mawari.

Nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit at may sinabi siyang salita pero hindi ko maintindihan Chinese word ata.

"Hays, dami mong alam. Pero alam mo ang ayoko 'yung hindi tinutupad ang pangako kaya 'wag kang mag bibitaw ng pangako na hindi mo tutuparin." saad ko sabay inalis ang suot kong salamin sabay tumayo na.

Tinignan ko so Ivan at binigyan niya lang ako ng isang ngiti na abot hanggang tenga na nito.

"Mas bagay sa'yo kapag walang salamin" wika nito sabay tumayo na rin at inakbayan ako. "Tara na baka hinahanap na tayo nila Jester" singit nito.

*****

Napag pasyahan namin na mag tungo sa Mall para kunno kalimutan ang naganap kanina at mai-celebrate ang kaarawan ko. Pero bago 'yon ipinunta na muna namin si Ivan kanina sa clinic bago umalis ng GHU dahil may mga tama rin siya sa mukha kanina.

Ngayon nasa McDonalds kami at kakukuha lang ng order namin nag Spicy Chicken lang ako tapos McFloat and fries. 'Yung tatlo ewan kung anong trip libre raw ako so ayun nag ambagan pa talaga sa order ko hays. At ayun kinantahan pa ako ng HAPPY BIRTHDAY ng tatlo kakahiya gagi lalo na sa boses bi Jp na ang lakas. Habang kumakain kami ay napansin namin na may Chinese people sa gilid na pinag pwestuhan namin at tila na si Ivan ang tinitignan ng biglang lumapit 'yung isang babae.

"你好,你是中国著名模特蔡依文吗?" (hi, ikaw ba 'yung sikat na model sa China na si Ivan Chua?) wika nung babae

Kaming tatlo nila Jp, Jester at ako ay natulala nalang dahil sa hindi namin na intindihan ang sinabi.

"您好,我叫 Ivan Chua,有什么可以帮您的吗?" (Hi, ang pangalan ko ay Ivan Chua, may maitutulong ba ako?) pag sagot naman ni Ivan

Kaming tatlo tulala nalang talaga. Ilang beses rin sila nag usap ng mag labas ng telepono ang babae tapos tinawag niya ang mga kaibigan niya sa table nila at nag simula silang mag picture tapos umalis na rin agad.

"Anong pinag usapan niyo bro?" korsyodad na tanong ni Jester.

"Kakalat 'yan mamaya sa balita" saad ni Ivan

Kakalat? .....

"Ahh oo nga pala!" bigla kong reaksyon.

"Model ka pala sa China kaya nag pa picture sila" saad ko

"Yeah!" ikli niyang batid

Si Jp ay Jester na pa tulala.

"Model ka sa China!?" sabay nilang busal

Tinanguan nalang ni Ivan ang dalawa at si Jp ay inialabas ang cellphone nito at ayun sinearch niya pa talaga para maniwala at ayun nakita nga nila na sikat si Ivan sa China.

Naubos na namin ang kinain namin at ngayon ay nag lilibot na kami sa loob ng Mall ng mapadpad kami sa isang ukayan kaya naman inaya ko muna sila pumasok sa loob at mag ukay. Si Ivan nag excuse na mag babanyo na muna kaya hinayaan na muna namin ay ako ay teh halos mapuno na ang isang basket ko na hawak mga limang minuto palang kaming nasa loob mapupuno na ang basket ko syems.

Naka bayad kaming tatlo at si Ivan wala pa kaya hinintay nalang namin siya sa labas ng shop ng Ukay Ukay.

"Ang dami mong pina mili Klay" saad ni Jester

"Eh sa ito kaligayahan ko eh, tsaka kaarawan ko naman kaya ayos lang" saad ko sa kanya

"Ayan na pala si Ivan oh" sabi ni Jp na naka upo sa sahig.

"Sorry natagalan mahaba pila" wika nito

"Akala ko naman na nilamon ka na ng inidoro" bola ko

Pag tapos namin na gumala sa mall na ito sa kabilang mall naman kami nag gala.

*****

"Sige ingat kayo!" wika ko kay Jester at Jp

"Happy Birthday ulit Klay!" sabay na wika nung dalawa

Nginitian ko nalang sila at alam naman na nila ang meaning nun. Kami ni Ivan ay ayun pauwi na at dahil 4:30pm na ng hapon. Pero ayoko munang umuwi nag tatampo ako kila Mama at Anne hindi nila ako binati kanina nakalimutan ata nila na birthday ko hays. Kaka tampo bahala sila hindi ko sila papansinin mamaya pag uwi ko.

Nakarating na kami sa harap ng bahay ay naka sara ang gate, usually naka bukas naman ito pag hapon. Pero mas nag taka ako na ang sabi ni Ivan sa akin ay pumikit ako.

"Huh?!, para saan?" tanong ko

"Ayaw mo? sige." saad nito sabay inalis ang salamin ko at sabay tinakpan ng palad niya ang mukha ko.

Dahan dahan niya akong inalalayan sa pag lalakad at sinasabi niya kung aakyat or hindi kaliwa't kanan. Rinig kong may nag bukas ng gate at dahan dahan inalis ni Ivan ang palad niya at sinabi niya na pikit pa raw ako sabay ramdam kong sinuot niya ang salamin ko sabay sabi na idilat ko na.

"HAPPY BIRTHDAY KLAY!" bati ng lahat sa akin

"Hala, Salamat po sa inyong lahat!" pag papasalamat ko sa kanila.

Luh... may pa surprisa pala ah sus dami niyong alam.

"Happy Birthday anak" wika ni mama sa akin sabay yakap

"Thank you mama" saad ko sabay yumakap

"Happy Birthday Aya!" bati ni Anne sa akin

Kaya naman binuhat ko siya, sabay sabi ng thank you.

Halos narito ang mga kaibigan ko na taga rito sa amin hala narito rin si Aling Nena. Si Boss Pochi rin, hala pati si Bradpit nandito tsaka mga kasamahan ni mama sa barangay.

Kaya naman ayun matapos kong mag bigay ng mensahe eh ayun nag iyakan tapos kumain na rin kami. Buti nalang at paper plate ang gagamitin ay kundi boogsh ako mag huhugas lahat ng mga plato hays.

Nasulyapan ko naman sila mama at Ivan na nag uusap ako ay kumukuha ng Shanghai. Tapos nakita ko na niyakap ni mama si Ivan. Hindi kaya may gusto si mama ay Ivan? ems.

"Anong sinabi ni mama at bakit napayakap siya sa'yo?" tanong ko sa kanya.

"Wala nag papasalamat lang" wika nito

"Teka kasabwat ka no?!" tanong ko sa kanya

"Ya." ikli niya lang na batid sa akin

"I guess Happy Birthday Klay Lopez!" bati nito sa akin sabay labas ng isang box na maliit.

Hala siya.

"Eh?" reaksyon ko sabay abot ng regalo niya

Nung binuksan ko ito isang Bracelet na kulay itim at may pendant ito na Infinity sa gitna. Cute. Kinuha ni Ivan ang kamay kong may bahagi na may peklat at isinuot sa akin ang bracelet na regalo niya. Teka meron din siya?

"Twinning pala tayo eh" wika ko sa kanya

"Thank you Ivan!, na appreciate ko haha" wika ko sabay niyakap siya

"And sorry rin pala gawa ng kanina napa away ka pa. Pero salamat na rin kasi pinag tanggol mo ako kung ano man ang pinag awayan niyo!" saad ko

"Basta ikaw malakas ka sa akin aking Binibini." wika nito

Sa salitang Binibini na sinabi niya napangiti nalang ako habang tinitignan siya at habang kayakap siya.

_____________________________________________

📍Press the '' below if you like this chapter and mag comment na rin kayo para malaman ko ang mga thoughts niyo about this story siyempre EXPECTS some ERRORS, i'm still learning palang kasi and don't forget to FOLLOW me to easily received an updates. ENJOY READING<3.

~yuriiiverse

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

2.7M 154K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
75.2K 2.1K 22
As a friendship between Hinata and him continues to grow, Kageyama realises he's madly in love with Hinata. He can't get him out of his head. He slow...
10.2K 195 34
wanna one easy lyrics
170K 9.3K 28
The Suns Asshole: no homo tho Saltstone: nO hOmO tHo or: Hoseok is a bisexual mess and Yoongi has had enough of his bullshit - Crackhead Texting FF ...