Stell's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw, nakaramdam ako ng sakit sa bandang ibaba ng katawan ko.
Biglang nag sink in sakin lahat ng nangyari kagabi.
"Fuck! Stell anong ginawa mo?!" Bulong ko sa sarili.
Ininaas ko ang kumot ko at napansing nakasuot na ako ng pantulog, at hindi kona din maramdaman ang pag lagkit sa katawan.
Napatingin ako sa kaliwa ko, nakita kong natutulog pa si Pablo.
Mukang binihisan at nilinis niya ako kagabi bago dalhin sa loob ng kwarto.
"Sweet mo naman" Bulong ko ulit bago halikan sana ang pisngi nito.
"Goodmorning Teal ko." Nagulat ako ng biglang dumilat at magsalita si Pablo. Sa sobrang hiya ko nag tago ako sa loob ng kumot.
"Bakit ka nag tatago? Akala ko ikikiss mo ako?" Pang aasar na sabi nito, mas naramdaman ko tuloy ang pag init ng muka ko.
"Teal ko, huwag kana mag tago diyan." Malambing na sabi nito, pero bakas padin ang pang aasar.
Nakakainis, lakas mang asar alam niya na ngang may nang yari saming dalawa kagabi.
"Iss! Isa Pablo!" Medyo inis kong sabi.
"Teal ko, Goodmorning. I love you." Humakap pa ito sakin habang naka balot ako sa kumot. Hindi ko man kita ang muka nito, pero ramdam ko na hanggang tenga ang mga ngiti nito.
"Pablo naman eh." Sabi ko kay pablo, bago ito tabigin para hindi na yumakap sakin.
Naramdaman ko naman ang pag galaw ng kama, mukang tumayo na ito.
Buti naman.
"Huwag ka na kasi mag tago jan sa kumot." Sabi ni Pablo, bago hilain ang kumot, kaya nilabanan ko naman ang pagkakahila niya dito. Kaso bigla ko atang nahila ng malakas kaya sumubsob ito sakin.
Magkadikit na tuloy ang mga muka namin.
"Goodmorning Stell, my super poging boyfriend." Ngumiti pa ito bago ako tuluyang halikan sa bibig at dali daling tumayo para makatakas sakin.
Tatayo na sana ako para habulin siya kaso nakaramdam ako ng sakit, kaya napa upo ako. Dali dali namang lumapit sakin si Pablo.
"Sobrang sakit ba? Sorry, hindi ko napigilan sarili ko kagabi." Nakakainis talaga si Pablo, ayoko na muna sanang pag usapan yung kagabi.
"Hindi okay lang, saka kaya ko tumayo." Sinubukan ko pang tumayo kaso medyo masakit talaga, siguro need ko lang ng force para makatayo ng maayos. Kaso hindi ko naman pwedeng biglain, baka mamaya dumugo or what. Nastress tuloy ako.
"Gusto mo ba dito nalang mag breakfast? Kukuha nalang ako sa kusina ng pagkain tapos dadalhin ko dito." Concern na sabi nito.
Buti nalang cute ka, kundi kanina pa ako nag wala dito, kasi una sa lahat kasalanan mo.
"Hindi na kaya ko naman, saka nakakahiya kila nay imelda at tay berto. Narinig ko sila na nasa kusina." Sempre kailangan ko padin magpakita ng respect since aalis na kami mamaya.
"Okay lang yan dito nalang tayo kumain." Pangugulit na sabi nito.
"Hindi na kaya ko talaga, saka need na natin kumain kasi babalik na tayo sa manila mamaya."
"Hmm, sige alalayan nalang kita."
Inalalayan ako ni Pablo para makatayo, Okay lang naman talaga ako hindi lang komportable na maglakad kasi medyo masakit sa bandang alam niyo na.
Nang maka upo na ako sa dinning table, isa isa namang nilapag ni nay imelda ang umagahan namin.
"Goodmorning Anak, masakit ba katawan mo sa pag snorkeling niyo kahapon?" Concern na tanong ni nay imelda, kanina pa kasi siya nakatingin sakin habang inaalalayan ako ni Pablo para maglakad papunta sa kusina.
"ah eh opo nay, nag enjoy po kasi kami sa pag langoy kahapon."
"Lalo na ako Nay imelda, galing ko po lumangoy kagabi. Diba Stell?" Natawa pang sabi ni Pablo, bago humarap sakin bago ngimisi.
"Nako anak, bakit kagabi? Nag night swimming ba kayong dalawa?" Pagtatakang tanong nito.
"Ay opo nay, sinulit po namin tong bakasyon kasi luluwas napo kami pabalik. Diba Sir Pablo?!" Dinilatan ko pa ito, ngumiti lang ito sakin.
Medyo naiinis na ako Pablo, kanina kapa nang aasar.
"Opo nay, nag kamali lang po hapon po pala hindi gabi hehe." Sabi ni Pablo na may mapang asar na tawa.
Gusto ko nalang mangagat sa sobrang inis, kay aga aga talaga.
"Kayo talaga mga anak, kaya pala basang basa yung higaan sa labas." Nanlaki ang mga mata ko, at napaharap ng wala sa oras kay Pablo.
Huwag mong sabihing, medyo naiiyak na ako sa hihiyan.
"Ay opo nay pasensya na po nabasa namin nag night swimming po kasi kami tas nahiga agad ng hindi pa kami nakapag palit." Pag papaliwanag ko.
Pasensya na nay imelda nag sinungaling ako, ayaw ko naman malaman niyo ang tunay na dahilan.
"Okay lang yan mga anak ang mahalaga nakapag enjoy kayo." Nakangiti pa nitong sabi.
"Opo tama po, hehe."
Nang matapos na kaming kumain, may oras pa kami para magpahinga bago pumunta ng airport.
Buti nalang talaga naiayos ko na lahat ng maleta namin kahapon, bali kung ano nalang mga naisuot namin kahapon ng gabi at ngayon ang aayusin. At si Pablo na ang nag ayos since alam niya daw na di ako makakakilos.
Ayoko sana since hindi padin ako sanay, pakiramdam ko kasi mali paghaluin ang trabaho sa personal na bagay.
Pero since nasa bakasyon naman daw kami, hindi daw valid ang reason ko. Hindi daw kami nandito bilang boss at PA kundi mag kasintahan.
"Blue, maya mo na isara yang last na maleta. Ako na mamaya pagkatapos natin maligo."
"Okay Teal."
Nang maiayos na ni Pablo ang maleta, humiga ito sa tabi ko.
"Teal bukas nalang kaya tayo umuwi? I paresched ko yung flight natin?" Paglalambing na sabi nito sa tabi ko.
"Blue, may trabaho ka. Saka tumakas ka diba? Ano nalang sasabihin ni kuya yani? Saka isipin mo din yung istorbo na ginawa mo sa pagtakas mo para kay kuya yani." Totoo naman kasi, saka pano nalang kapag nalaman ni kuya yani na kami na ni Pablo. Baka mas lalo siyang magalit kapag nalaman niyang ako ang dahilan kung bakit siya lahat sumalo ng trabaho ni Pablo sa Canada.
"hmmm." Pagtatampong ungot ni Pablo.
"Pablo naman, huwag ka ngang sumimangot diyan."
Nagulat ako ng yakapin ako ni Pablo, actually sa totoo lang hindi pa ako masyadong sanay sa set up namin. Saka hello kahapon palang kami nag start tapos may nangyari na.
Feeling strong lang talaga ako pero deep inside mamatay na ako sa kahihiyan, to think na ako pa yung nag initiate ng seggs! Gosh! Ano bang klaseng wine pinainom sakin ni Pablo Nakakahiya!
"Parang gusto ko ng mag retire, tapos dito nalang tayo para mapayapa. Tapos maeenjoy natin yung simpleng buhay na ako at ikaw lang."
"Anong retire retire sinasabi mo! Kabata bata mo pa umayos ka nga jan." Pinitik ko pa ito sa noo.
"Sakit naman ng pitik mo." Napahawak si Pablo sa noo niya. At kitang kita sa muka nito na nasaktan talaga.
"Weh? Huwag O.a" Kaso hindi ako sigurado baka nantritrip nanaman.
"Oo kaya." Nakanguso pa nitong sabi.
"Pakita nga."
Nakonsensya tuloy ako ng makitang namula nga ito.
"Sorry."
"Okay lang."
Niyakap ko nalang ito, para maging okay. Nag response naman ito sa yakap ko. At kitang kita ang napaka tamis na ngiti.
Hays~ Sa totoo lang konting push pa mag aagree na ako na dito nalang kami. Since may trauma padin ako sa mundo niya. Pero ayoko namang maging selfish, ayokong kalimutan ni Pablo ang buhay niya dati para lang sakin.