AIRLEYA

By solace_loey

224K 6.4K 148

When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the wo... More

PROLOGUE
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXX
XXIX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV
XLV
EPILOGUE
Special Chapter I
Special Chapter II

XI

5.9K 184 3
By solace_loey

⚠️ Before you read this chapter, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.

Chapter XI

“EXCITED NA AKO PARA BUKAS!” hindi mapigilang sambit ni Charlestina, na sayang-saya. Nasa hapag-kainan silang lahat.

Pansin naman ni Airleya ang kakaibang titig sa kanya ng Papa niya, na nginitian niya lang at nginitian din siya nito pabalik.

“Airleya, ano pala ang susuotin mo? Nabanggit sa akin ni Lady Fela, na hindi ka nagpagawa sa kanya ng susuotin mo.” anang madrasta niya, na kunwari ay nag-aalala sa kanya.

“May susuotin na ako para bukas. Ayoko sa gawa niya, mukhang patay ang susuot.” aniya, dahilan para maibuga ni Rune ang iniinom nitong wine.

“Oh Papa, malapit na rin pala ang kaarawan ko. Pwede ko bang makuha ng maaga ang gift mo sa akin?” tanong ni Airleya sa ama na uminom muna ito ng tubig saka nagsalita.

“Ano ba gusto mong regalo?”

“Hmmm. . .Gusto ko ng espada, yung hindi mawawasak ng kahit ano. At cute na puppy yung mabalahibo.” wika ni Airleya na may ngiti sa labi.

Napakurap ng ilang beses si Count Ralphus dahil sa gusto ni Airleya na iregalo niya dito.

“Espada?” hindi napigilang usisa ni Mavietta.

“Aanhin mo ang espada?” tanong naman ni Charlestina.

“Pamputol ko sa ulo niyo.” pabalang na sagot ni Airleya, pero mababakas sa boses ni Airleya na warning na iyon para sa kanila. Mabilis na ngumiti si Airleya, ng makitang namutla ang dalawa niyang stepsisters “Joke lang, ito naman oh.”

Napilitang tumawa ang dalawa, samantala maingat naman nilunok ni Lady Aghamora ang karne ng baka dahil sa sinabi ni Airleya.

“You're a woman Airleya, pangit tingnan na humahawak ang isang tulad mo ng espada.” sabad naman ni Rune.

Lumingon si Airleya kay Rune. “Anong pangit don, Kuya? Ang astig kaya. Kapag may nangahas na bastusin ako, seseguraduhin kong mapuputol ang ari niya.” ani Airleya, na pinariringgan si Rune na kumunot ang noo sa sinabi.

“May nang bastos ba sa iyo?” tanong ni Rune, na kunwari ay inosente at naiinis sa kung sino man ang nangahas na bumastos kay Airleya.

“Meron.” walang takot na sagot ni Airleya.

“Sino?”

“Ikaw...hahaha jooooke! Joke lang. Baka ma-offend ka.” ani Airleya na tumawa ng malakas, halata sa mukha ni Airleya na siyang-saya siya sa ginagawa nito.

“Hindi yan nakakatuwa Airleya.” panunuway ng Madrasta niya.

Tumikhim naman ang ama niya para kunin ang atensiyon ni Airleya.

“Sege, pumapayag akong regaluhan ka ng espada at puppy na gusto mo. Pero kailangan mo munang matutong humawak ng espada.” anang ama niya sa kanya.

Ngumiti si Airleya. “Paano kung marunong na ako?”

Kumunot ang noo ng Count “Tinuruan ka ba nina sir Exter at Ceasar?”

Tumango ng ulo si Airleya.

“Kung ganon ay, magkakaroon ng labanan.”

Kumunot ang noo ni Airleya, sa sinabi ng ama.“Labanan?”

“One on one match. Between the two of us.”

Napa-'oh' ang bibig ni Airleya at hindi niya napigilang tumayo at pumalakpak.

“Gusto ko iyan! Malugod kong tinatanggap ang labanan sa pagitan nating dalawa Papa. I will prove to you that I am a Briarlaine who can wield a sword.” matapang na sambit ni Airleya sa ama na hindi napigilan ng Count na mamangha sa pinapakitang katapangan ng anak.

“Okay. When do you want to start?”

“On my birthday.”

Dumating na ang hinihintay ng lahat, ang kaarawan ng First Prince. Sa loob ng mansion ng Briarlaine, hindi magkandaugaga ang mga kasambahay sa tatlong babae na nagre-reynahan sa mansion.

“Higpitan mo pa!” singhal ni Mavietta, sa kasambahay na tinatali sa likuran ng kapatid niyang si Charlestina ang puntas ng underbust corset nito na halos lumuwa na ang dibdib nito.

“Argh! Kailangan ba mahigpit? Nahihirapan na akong makahinga!” reklamo ni Charlestina.

“H'wag kang magreklamo Charlestina. Tama na iyan. Ito ang pagkakataon niyo para makuha ang atensyon ng prinsipe.” saad ng ina nila sa kanila.

Samantala sa silid naman ni Airleya, nagpadala ang ama niya ng mapagkakatiwalaan na tutulong sa kanya.

Natapos na siyang maligo, lahat-lahat at nasuot niya na ang damit niyang ginawa.

Hindi matanggal ng tatlong maid na hindi mapatitig sa damit ni Airleya, kulay sky blue na tulle sequins long ball gown. Ang manggas naman ng damit niya ay puffed sleeve. V-neck ang hurma ng nasa harap ni Airleya, na nilagyan niya ng tela na kasing kulay ng kanyang balat. May malaking ribbon sa tagiliran niya. At kumikinang ang damit nito dahil sa overlaid tulle.

Samantala nakalugay naman ang buhok niya at may kumikinang na handmade butterfly floral tiara na kakulay na suot niya. May mga diamond na nakadikit sa tiara niya at blue sapphire.

Pumalakpak ang tatlong katulong na manghang-mangha sa kagandahang taglay ni Airleya.

“Maganda na ba ako? May kulang pa yata.” sambit ni Airleya.

“Tama na po! Maganda na po kayo! Promise!” sabay na sagot ng tatlo.

Napatitig ulit sa salamin si Airleya, bago ngumiti at nagpaalam sa tatlo para umalis.

“Ano na oras? Baka wala na tayo maubutan niyan dahil sa katagalan ni Airleya.” reklamo ni Mavietta na nakasakay na ng karwahe nasa gilid siya ng bintana ng sasakyan nila.

Nasa labas naman ang Madrasta kasama ang anak nitong babae na si Charlestina at ang anak nitong lalaki na si Rune, at ang asawa niyang si Ralphus na lumipas pa yata ng ilang taon ay mas lalong guma-gwapo ang Count.

“Dad, iwan na kaya—”

“Papa! I need help!” malakas na sambit ni Airleya, na nasa taas ng hagdan. Nanlaki ang mga mata at hindi naka-imik ang mag-iina ng makita si Airleya.

“Saan niya nakuha ang damit na yan?” hindi napigilan na tanong ni Charlestina dahil gandang ganda siya sa suot ng stepsister niya.

Hindi matanggal ni Rune ang titig niya kay Airleya, habang ito'y inaalalayan ng ama na makababa.

“Hooo! Survived!” ani Airleya, at napalingon sa isang karwahe na kakarating lang.

“Aghamora, sumakay na kayo ng mga anak mo. Doon kami ni Leya, sa kabila.” anang Count at tinulungan ang anak niyang si Airleya.

Hindi na nakapagsalita pa ang ginang na kaagad siyang tinalikuran ng asawa niya.

“Mom, sakay na.” sambit ni Rune sa kanya. Samantala ang mga mata ni Rune ay nakatitig parin sa likod ni Airleya.

Ramdam naman ni Airleya ang titig ni Rune sa kanya, dahilan magsitaasan ang balahibo niya sa braso. Napansin naman iyon ng ama niya.

“Ayos ka lang? Nilalamig ka ba?” tanong nito sa kanya.

“Hindi naman po.”umiling ng ulo si Airleya, at napatitig sa suot ng papa niya.

“You look gorgeous Papa.” nakangiting sambit ni Airleya sa papa niya.

“You too, Leya.”

“Aging Iike fine wine" Airleya whispered to herself, but her father still heard what she said.

“ Am I?”

“Hindi na ako magtataka kung maraming lilingon sa iyo, Papa.”

“Baka sa iyo sila lilingon.”

Ngumisi si Airleya “Oh well, Aware naman ako kung gaano ako kaganda.” mahanging sambit ni Airleya, dahilan para humalakhak sa tawa ang ama niya.

“What? Totoo naman ah!”

“Ang hangin mo.” pigil na tawang sambit ni Count Ralphus sa anak na nanlisik ang mga mata sa kanya.

Makalipas ang ilang oras na byahe ay narating ang dalawang karwahe na ligtas. Unang bumaba sa karwahe sina Lady Aghamora at ang tatlo nitong anak, na kaagad ay pumasok sa loob ng banquet hall.

Samantala si Airleya naman kasama ang papa niya. Abala ang dalaga sa pag-retouch sa sarili niya. Ayaw niyang magmukhang dugyot sa loob.

“Pa, retouch kita.” nakangising sambit ni Airleya, na hindi hinyaang makapagsalita ang papa niya. Na basta-basta niya na lang ni-retouch kahit naman sobrang ayos ng itsura nang Papa niya.

“Mga babae talaga.” ungot ng papa niya

Mahina namang natawa si Airleya, na patuloy sa pag-retouch sa papa niya.

Makalipas ang limang minuto, lumabas ang Count at inilahad niya ang kamay sa anak para tulungan itong makababa sa karwahe. Nang makatapak ang mga paa ni Airleya, sa napaka-laking banquet sa Imperial Palace. Napaawang na lamang ang kanyang bibig dahil sa ganda at maliwanag nitong paligid.

“Wow! Swerte ng Prinsipe, pati ang buwan sumasabay sa ganda ng paligid.” komento ni Airleya, habang nakatingala at nakatitig sa bilog na buwan.

“Count Ralphus Earlleo Briarlaine and his daughter Lady Airleya Iredissaina Briarlaine have arrived!” malakas na pagkakasambit ng palace worker na nakatuka sa pagbibigay hudyat ng mga bisitang dumalo.

Lahat ng mga tao, pati ang Emperor at ang Emperatris kasama ang dalawa nitong anak na lalaki ay napatitig sa U-shape na hallway patungo sa maraming tao. At nang makalabas ang mag-ama sa hallway, hindi napigilan ng mga tao na naroon, na hindi mapatitig ng matagal sa mag-ama. At sa maraming tao, naroon  si Lady Aghamora at ang tatlong anak nito na itsapwera ng lahat.

“Kumukulo na talaga ang dugo ko sa Airleya na yan! Attention seeker!” nanggagalaiting sambit ni Charlestina.

Patuloy sa paglakad ang mag-ama hanggang sa marating nila ang pwesto ng Emperor at Emperatris na nakaupo sa magarang upuan na nasa itaas ng hagdan, nasa tabi ng mga ito ang kanilang anak. Ang first prince at ang second prince.

“Blessings upon the name of our God Aetheama of the empire. Your Majesty, the Emperor. Her Majesty, the Empress. And to the First Prince and Second Prince.” sabay na pagbati ng mag-ama sa pamilyang Agracia.

Yumuko ang ulo ng Count at ang kanang kamay nito na nakakuyom ay nasa dibdib, at ang kaliwang kamay naman nito ay nasa likod. Airleya, put her right foot behind the left and slightly bow her head. Nakahawak ang mga kamay niya sa magkabilaan skirt ng damit niya. Bago tumayo ng tuwid.

“Siya na ba ang nag-iisang anak mo sa una mong asawa?” tanong ng Emperor kay Count Ralphus.

“Yes, Your Majesty.”

Napatitig ng matapat ang Emperor sa anak ng Count, kahit ito ay hindi mapigilang mapatitig sa angking ganda ng anak ng Count. At pansin iyon ng Emperatris at ng dalawa nitong anak.

“May I know your name?”

“Airleya Iredissaina Briarlaine, that's my name, Your Majesty.”

Tumaas ang kilay ng Emperor, kasabay ang pagpaalam ng Count na pupuntahan pa nito ang second wife niya at ang tatlo pa niyang anak.

Inalalayan ni Count Ralphus ang anak, hindi dahil hindi kaya ni Airleya maglakad. Kundi ayaw ni Count Ralphus na iwan kung saan-saan ang anak niya rito.

“H'wag kang lalayo sa akin.” mahinang sambit ni Count Ralphus sa anak, ng makalayo na sila sa Emperor.

“Okay.”

Maraming mga kilalang tao ang lumapit kina Count Ralphus at Airleya, dahilan para lumapit ang asawa nito at mga anak, para kunin rin ang mga atensiyon nito.

Napalingon si Airleya sa kanyang likuran, ng may sumundot sa kanyang balikat ng dalawang beses, at laking gulat niya ng makita si Kaan, suot ang isang mamahaling damit. Naka-half manbun ang hairstyle nito, at nakangiti ang mga labi sa kanya.

“Ate. . .” mahina pero sapat na para marinig niya.

Dahil sa saya, hindi niya napigilang yakapin si Kaan. Dahilan para mapatitig ang Count at ang stepbrother niyang si Rune sa kanila.

“Nandito rin ba sina lolo't lola?”

Tumango ng ulo si Kaan, habang nakayakap parin sa kanya si Airleya.

“Opo.”

“Nice.” aniya, saka kumalas sa pagkakayakap at bumaling sa papa niya na kaagad nabasa ang mukha niya at hinayaang pumunta sa grandparents niya.

“Lolo, lola!” tawag ni Airleya sa Lolo't lola niya.

Yumakap siya sa lola niya na niyakap din siya pabalik.

“Akala ko ay hindi kayo, sisipot dito.” aniya, na alam niyang tulad ng kanyang ama hindi din ito dumadating sa kahit anong kasiyahan.

“Sinuntok ko lang naman ang lolo Bozi mo, kaya yan ang itsura niya. Para lang sumama sa amin ni Kaan dito.” wika ng lola niya. Napangiwi si Airleya, ng makitang may black-eye ang lolo niya.

“Hi lo!”

“Hi!” bati din nito, umupo naman si Kaan sa tabi ng lolo niya, at nag-usap ito. Halatang malapit sa isa't-isa ang mga ito.

“Kaan, time to protect your sister.” anang Baron kay Kaan. At tumayo si Kaan at lumapit kay Airleya, para protektahan si Airleya, sa mga lalaki na gusto itong makasayaw.

Napapangiwi ang ibang mga lalaki na gustong isayaw si Airleya may nagbabantay dito sa kanya. Lalo pa't ang nakakamatay na titig ng lolo nito.

Lihim na napangiti si Airleya at pasimpleng nag-thumbs-up sa lolo niya at kay Kaan.

Makalipas ang kalahating oras na kasama niya ang lolo't lola niya at si Kaan. Nagpaalam itong magpahangin sa labas.

Nang makalabas sa banquet hall, napahinga siya ng maluwag.

“Nakahinga rin sa wakas.” bulalas niya sa kanyang sarili.

Bago naisipang umupo sa isang bench chair malapit sa fountain. Habang papalapit siya doon, may napansin siyang silweta ng dalawang tao na nag-uusap sa ilalim ng puno.

Dahil malayo sa kanya, at medyo madilim sa kinaroroonan ng nakita niya. Hindi niya napigilang magsalubong ng kilay.

Hanggang sa ang isang silweta na sa alam niya ay isang lalaki, ay umalis. Samantala ang isa naman ay umalis sa kinatatayuan nito at lumabas, at doon niya nakita na ang second prince ang kasama ng lalaki na umalis.

Napakurap ng ilang beses si Airleya, dahil palapit sa kanya ang second prince na hindi niya alam kung ano ang pangalan nito.

“Bakit ka nandito sa labas, Lady Briarlaine?” parang naputol ang paghinga ni Airleya ng marinig niya ang boses ng second prince ng tanungin siya nito.

“His voice! Bakit. . . Wait. Bakit parang pang-wattpad ang looks niya?!” singhal niya a kanyang sarili.

Nakaangat ang mukha ni Airleya para titigan niya ang napaka-gwapong lalaki na nasa kanyang harapan.

Mas matangkad pa ito sa papa niya at  kina sir Exter, sir Ceasar at Kaan ng ilang inch.

Parang drawing ang mukha ng second prince sa kanya upang maging ganong ka-gwapo, his protruding eyes at ang kulay-hazel na mga matang nakatitig sa kanya, na nakuha nito sa Emperatris. Pointed nose. Wide lip. Makakapal din ang kilay nito at medyo kulot ang medyo mahaba nitong buhok. Naka-takip pa ang buhok nito sa kaliwang mata.

“Nagpapahangin lang ako. Ikaw, Your highness, the second prince?” tanong niya pabalik sa lalaki. Hindi nalihis ang tingin niya sa mukha ng lalaki. Kahit pa nangangalay na ang leeg niya kakatingala sa mukha ng kaharap. Minsan lang ito baka hindi niya na makita pa ang mukha ng second prince. Hindi rin niya napansin ito kanina noong nagbigay bati. Hindi siya tumingin sa apat.

“I know you saw me, with a guy.”

“oh tapos?” aniya na kaagad humingi ng patawad.

“Wala kang may narinig?”

“Anong tanong iyan?” kunot noo'ng tanong ni Airleya sa second prince na parang gusto lang siya makausap.

“He's not the real Emperor.” biglang bago ng usapan ng Second Prince.

Hindi naman nagulat si Airleya, dahil sinabi iyon sa kanya ng Papa niya noong papunta sila rito.

“Alam ko. At kaya ka nandito dahil may binabalak ka para talunin ang fake Emperor. Tama?” aniya, na hindi napigilan ng prinsepi na hindi mamangha sa pinapakita ng kaharap.

“What? Don't tell me, na love at first sight ka sa kagandahan, katalinuhan, at katapangan ko?” dagdag pa ni Airleya, dahilan para matawa ng marahan ang prinsepi.

Tumikhim ito at sumeryuso at pinakilala ang sarili. “I'm the second prince of Agracia empire, Tieran Sepehr Agracia.”

Ngumiti si Airleya at nagbigay galang sa second prince apat na taon ang agwat ng edad nila. “Airleya Iridessaina Whitlock Briarlaine. Nice to meet you, You highness the second prince.”

Napatitig si Airleya sa nakabukang palad bago napatitig sa napaka-gwapong lalaki.

“May I take you first dance, my lady?” anito, na may ngiti sa mga labi. Ngumiti din siya at tinanggap ang kamay ng prince.

“Sure.”

_____________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 470 67
Because her grandmother is in dire condition, Maria Delaila Magtanggol gave up her young pride and accepted her mother's request to be a blood donor...
120K 4.8K 29
Waking up realizing she is inside a novel! Ava had a good life until her parents die and everything turned into chaos. The only thing that make her...
947K 56.5K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***
9.9M 495K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...