San Lazarus Series #6: Onerou...

By LadyLonelySadness

2.5K 376 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... More

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER III: NIGHT CHANGES
CHAPTER IV: FOR YOU
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VI: REASON
CHAPTER VII: TIRED
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER IX: SCARED
CHAPTER XI: JEALOUSY
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XV: NAMES
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVII: GOALS
CHAPTER XVIII: FEELINGS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XX: REGRETS
CHAPTER XXI: PHYSICAL
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIII: FAMILY
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXIX: OFF
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS
EPILOGUE

CHAPTER X: SPECIAL

55 10 0
By LadyLonelySadness

🍛🍛🍛

"Goodmorning!" Nakangiting bungad ni Vladimir ng magmulat sya ng mga mata, inaantok pa man ay naupo na sya ng lumapit ang binata habang may dalang tray.

"Anong meron?" Inaantok na tanong ni Faye, late na nga silang natulog kagabi tapos ang aga pa rin nagising ni Vladimir, di ba inaantok ang lalakeng 'to?

Hindi napatid ang ngiti sa labi ng binata. "Breakfast in bed," sagot nya saka inilapag sa harap nya ang dala.

Iminulat nya ng maayos ang mga mata saka nya lang napansing nakabihis na ang binata at mukhang bagong ligo lang ito. "Aalis ka?"

"Yup, may pasok ako." Sagot ni Vladimir sa kanya. "Pero bago 'yan, ito muna." Dagdag nito saka may kinuha sa likuran, tatlong pirasong bulaklak iyon at ibinigay sa kanya.

"Kinuha mo do'n sa bouquet kagabi?" Takang tanong ni Faye dahil parehong-pareho iyon.

Bahagyang natawa si Vladimir saka umiling. "Binili ko 'yan kanina."

"Kumain ka na?" Muling umiling ang binata. "Kain na, baka ma-late ka pa." Sambit nya at tumango iyon, magkasalo silang kumain at pagkatapos ay di rin nagtagal at nagpaalam na itong aalis para pumasok.

Buong akala ni Faye, walong oras lamang mawawala ang binata at uuwi rin agad ngunit pagsapit ng gabi ay nakatanggap na lamang sya ng text na hindi ito makakauwi.

Vladimir:
Hi madam.
I'm sorry I can't go home tonight,
I have an important emergency that needs my attention.
Anyways, ingat ka dyan and please know that I love you always my woman ;)

Ipinagtataka nyang nagawa na sya nitong i-text marahil ay nahanap na ng binata ang cellphone na nawawala, iyon ang huling text na natanggap nya mula sa binata at makalipas ang ilang araw ay wala na. Hindi nya alam kung anong nangyari, sinubukan nyang tawagan ang numero ngunit hindi sinasagot ang tawag. Nakakaramdam na sya ng pag-aalala dahil sa biglang hindi pagpaparamdam ng binata ngunit wala naman syang magawa dahil ni hindi nya nga alam kung saan hahanapin ang binata saka lamang nya napagtanto na ilang buwan silang magkasama, ilang taon ng magkakilala pero wala syang masyadong nalalaman sa binata maliban sa tatlong bagay. Una'y mahal sya nito, pangalawa ang pangalan nitong Vladimir at ang huli ay ang trabaho nito. Iyon lamang at wala ng iba.

"Di kaya ghinost ka na?" Tanong ni Miriam habang nasa pila na sila.

"Binigay mo na ba lahat?" Tanong naman ni Yammie, wala sa loob na napatango sya kaya nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan nya.

"Omyghad Fatima Faye! Bakit ang tanga mo!?" Hiyaw nila.

"Ha? Ano bang tinutukoy nyo?" Naguguluhang tanong nya.

"Ang ibig namin sabihin, 'yong hiyas ba naisuko mo na?" Paglilinaw ni Miriam kaya agad na nanlaki ang mga mata nya.

"Hoy hindi!" Sigaw nya sa sobrang gulat, para namang nakahinga ang dalawang bruha.

"Jusko, akala namin ibinigay mo na."

"Bakit anong meron?" Tinuktok sya sa ulo ni Miriam. "Aray! Magugulo ang buhok ko!" Angal nya saka inayos ang buhok, ilang oras nyang pinagtiisan na intaying matapos na ayusin ang buhok nya tapos magugulo lang buti sana kung mura lamang ang bayad sa salon! Kahit pa hindi sya ang gumastos at ang kuya nya naman bilang regalo raw sa pagtatapos nya ay namamahalan pa rin sya.

"Di mo ba naisip na kung ghinost ka nga nya e magkakaroon ka pa ng souvenir kung isinuko mo na ang hiyas!"

"Ah 'yon lang pala," balewalang sabi nya kaya halos kurutin na sya ng dalawa, wala kasi sya sa mood na patulan ang mga pinagsasasabi ng mga ito kaya ganoon na lamang ang mga sagot nya sa mga sinasabi ng mga kaibigan nya.

Umusad ang pila at hindi nagtagal ay natanggap na nila ang diploma, nakaakyat sa stage at nakipagkamay sa school officials pagkatapos ay bumalik sa upuan. Nagpatuloy ang ceremony at ng matapos ay agad nyang hinanap ang kapatid maging si Alicia, napangiti sya ng makitang iniintay sya ng dalawa. Akmang lalapit na sya ng mapansin ang lalakeng katabi ng kuya nya, pormal na pormal ito sa itsura at tindig habang may hawak na bouquet ng bulaklak, humugot sya ng malalim na hininga saka inayos ang sarili at lumapit. Pinilit nyang ngumiti kahit umaapaw ang inis na nararamdaman nya makita pa lang ang mukha no'n.

"Kuya!" Nakangiting bungad nya saka ipinakita ang diploma nya.

"Graduate na ko," dagdag nya saka isinuot sa kapatid ang medal at cap nya.

"Proud kami sayo," nakangiting sabi ng kapatid nya.

"Ako din tiya!" Segunda ni Alicia na mas ikinangiti nya.

"Teka hindi naman pwedeng hindi kami proud!" Rinig nyang hiyaw sa likuran nya kaya napalingon sya doon at napa-beam sya sa tuwa ng makitang ang mga kaibigan nya iyon.

"Omyghaaad! Jack!" Tili nya saka sinugod ng yakap ang kaibigang matagal nyang hindi nakita.

"Ang unfair naman! Kanina pa tayo magkakasama pero sya lang ang binati ng gano'n!" Reklamo ni Yammie, kaya ng bumitaw sya ay hinagip nya ang dalawa para sa group hug nila.

Pagkabitaw ay bumalik sya sa panganay nyang kapatid saka ipinakilala ang mga kaibigan nya, nagkakatuwaan pa lang sila ng mapatili si Yammie. Napunta doon ang atensyon nila.

"Anong meron?" Gulat na tanong nya, salubong na ang kilay nya ng sunod-sunod na may lumapit sa kanya at binigyan sya ng bulaklak. "Hoy, ano 'to?" Kinakabahan ng tanong nya.

"Di ba sabi ko may surprise ako?" Sagot ni Jack.

"Mukhang nagoyo ka ni Sonson-" tiningnan ni Jack si Miriam na agad na tumahimik.

"Hoy, ano?" Taas na ang kilay na tanong nya.

"Actually, Fatima. Hindi si Miriam ang gusto ko, halata naman manhid ka lang." Tiningnan ni Jack ang kuya nya. "Sir, gusto ko po sanang hingin ang permiso mo, liligawan ko po si Fatima."

"Hala ka dyan," Napaatras sya at napatago sa likod ng kapatid, pakiramdam nya pulang-pula ang buong mukha nya sa hiya.

"Yiii may nahihiya!" Sigaw ni Miriam.

Tiningnan sya ng kuya nya. "Fatima, liligawan ka raw nitong si..." bumaling iyon kay Jack. "Sino ka nga?"

Napatawa ang mga kaibigan nya. "Jack po sir, Jackson Montesejo."

"Gusto ka daw ligawan nitong Jackstone na 'to-"

"-kuya!" Hiyaw nya.

Tumawa ang kuya nya at saglit na sinulyapan ang katabing kinaiinisan nya. "Pano ba 'yan, mukhang hindi na isa ang poproblemahin mo Fatima."

Nagsalubong ang mga kilay ni Faye. "Ano?!" Hiyaw nya.

"E, ako ang tinatanong, papayagan ko 'to."

"Ang pangit nyo..." ismid nya.

"Haba kasi ng buhok, fatima." Pang-aasar ni Yammie.

"Ewan ko sainyo, pwede bang saka na natin pag-usapan 'yan? Graduation oh, mag-celebrate muna tayo!" Reklamo nya.

"Oh, narinig mo Son. Saka na daw." Pang-aasar ni Miriam na ikinairap na lang nya.

Kumuha pa sila ng ilang litrato ng magkakasama at pagkatapos ay nagpaalam na sa isa't-isa. Nag-offer si Jack na ihahatid sana sila pauwi pero kusa na syang tumanggi, masyado ng malaki ang awkwardness na nararamdaman nya at hindi na nya kayang mas palakihin pa iyon.

"Fatima!" Nahihindik na saway ng kuya nya ng alisin na nya ang suot na stilleto at maglakad ng nakapaa pagdating nila sa kanila.

"Kuya, wag mo kong ganyanin, masakit na ang paa ko kanina pa." Katwiran nya.

"Bakit ba kasi bumili ka pa nyan?"

"Hindi ko 'to binili, ipinadala ito ni inay ilang araw na ang nakalipas. Regalo nya daw."

Napabuntonghininga ang kapatid nya na nginitian na lang nya, natutuwa sya sa totoo lang dahil kahit papaano ay bumabalik na sa dati ang kapatid nya, nakaka-recover na ang pangangatawan nito at bumabalik na ang ka-gwapuhan ng kapatid nya.

"Anyways, magpapalit lang ako kuya tapos luto tayo ha?" Paalam nya.

"Pag-ikaw natusok ang paa mo, 'wag kang iiyak-iyak ha?" Masungit na sabi ng kapatid nya saka bumaling sa lalakeng kanina pa tahimik. "Ikaw ng bahala sa pasaway na 'yan." Bilin pa nito bago umalis.

Napairap sya saka di na inintindi ang kapatid, nagsimula na syang maglakad pakiramdam nya nagsisimula na rin syang mainis parang gusto nyang awayin ang binata sa sobrang inis nya. Hindi naman kasi isang araw lang ito nawala, halos isang buwan na wala itong kahit anong pagpaparamdam man lang tapos bigla-biglang susulpot na akala mo e ayos ang lahat, nakakainis iyon para sa kanya.

Abala sya sa pagmomonologue sa utak habang naglalakad ng- "Vladimir!" Malakas na napatili sya ng bigla na lamang syang umangat sa lupa dahil binuhat sya ng binata.

"Hindi ko na matiis na kanina mo pa ako hindi pinapansin." Seryosong sabi nito. Napataas ang kilay nya.

"Hindi mo matiis na hindi kita pinapansin pero natiis mong hindi ako kausapin?!"

"Faye-"

"-ibaba mo ko." Galit ng utos nya. "Vladimir!" Hiyaw nya ng hindi pansinin ng binata ang sinabi nya, ibinaba lang sya nito ng nasa tree house na sila sa mismong kama. Umalis ito at ng bumalik ay nagulat sya kasi naupo ito sa harapan nya habang may hawak na bimpo, hinawakan nito ang paa nya at pinunasan ang talampakan nya.

"Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong nya.

"Obviously," masungit na sagot ni Vladimir na ikinasalubong ng mga kilay nya.

"Bakit parang mas galit ka pa kesa sa akin? Vladimir-"

"-I'm sorry, alam kong mali ako and I also know na may pagkukulang ako this past month but faye, please hayaan mo kong bumawi."

Hindi nakaimik si Faye sa mga narinig, alam naman nya sa sarili nyang kahit pa nagagalit sya ay lalambot din naman sya kung ganito ang binata sa kanya. Hindi naman talaga bato ang puso nya para hindi pagbigyan ito pero unti-unti syang kinakain ng takot na umusbong noong mawala ito. Paano pala kung tama sila Miriam? Pano kung sa susunod e i-ghost na talaga sya? Paano kung pampalipas iras lang pala sya ng binata? Ngunit kahit ganoon, lahat naman tayo natatakot ngunit susugal pa rin tayo kahit pa may takot.

"Ano ba kasing nangyari sayo?" Tanong nya na ikinahinto ng binata, saglit itong hindi umimik saka naupo na sa lapag.

"Naalala mo sabi ko papasok ako?"

"Oh?"

"Ayon, pumasok ako sa trabaho dapat uuwi na ko kaso tumawag si Kuya kailangan ko raw umuwi sa amin may importante daw kaming kailangan pag-usapan ni Papa."

"Pero sabi mo emergency,"

Tumango ang binata. "It was actually an emergency, sa hospital ako dumiretso."

"Vladimir..." mahinang sambit nya pero ngumiti ito.

"There's nothing to worry about faye, isinugod si papa sa hospital that night at bago ako umalis ay ayos naman na sya kaya wala ng dapat ipag-alala."

"Sorry.."

"Para saan?"

"Kasi nagalit ako, valid naman pala ang reasons mo."

Umiling ang binata. "Ayos lang," hinawakan nito ang kamay nya. "Mali rin namang hindi ko sinabi sayo lalo na't nag-aalala ka sa akin."

"Nahanap mo na ang phone mo?"

"Ah yes, nasa kaibigan ko lang pala." Naging alanganin ang ngiti nito sa labi saka napakamot sa batok. "Sa sobrang kalasingan naiwanan ko raw ng magpaalam akong uuwi na."

Pinisil nya ang pisngi ng binata. "Ayan, magpakalasing ka pa."

Ang alanganing ngiti ay nauwi sa pagsimangot. "Hindi ko alam na tatamaan ako ng husto," nagkibit-balikat ito. "Sabagay, sayo nga di ko din alam na tatamaan ako ng sobra e."

Napairap sya. "Ang corny mo," itinali nya ng maayos ang buhok, bago pa nya matapos iyon ay hinalikan sya sa labi ni Vladimir. Nagulat man sya sa biglaang ginawa nito ay tinugon nya iyon, hinawakan ng binata ang likod nya at sunod nyang naramdaman ay ang paglapat nya sa kama.

"Vlad..." mahinang sambit nya.

"I missed you faye,"

Napangiti sya ng marinig iyon ngunit tinaasan nya pa rin ng kilay ang binata.

"Kasalanan mo 'yan, pwede naman kasing magparamdam di ba?"

Mahinang napatawa si Vladimir. "Yes, I know."

Muli syang napairap. "Alam mo, mabuti pa lumabas ka muna."

"Bakit?" Napaupo ito kaya bumangon sya. "Galit ka pa rin?"

"Sira, magbibihis ako."

"Magbibihis lang bakit lalabas-"

"-Vladimir, kailangan ko ng privacy." Sumimangot ang binata na ikinatawa nya, lumapit sya at hinalikan ang labi nito. "Labas na bilis, ng makapag-alis na rin ako ng make up."

Ngumisi ang binata. "Pwedeng ako na lang mag-alis ng lipstick?"

"Abusado ka na, ayan na nga oh." Itinuro nya ang labi nito. "May lipstick ka na."

"Bawal?"

Hinawakan nya sa braso ang binata saka pinababa na ng kama. "Labas na kasiii!" Pagtataboy nya, binuksan nya ang pinto at pinalabas na ito.

"Faye!" Sigaw ni Vladimir mula sa labas ng i-lock nya ang pinto.

"Dyan ka lang!" Sigaw nya din saka lumapit sa aparador at namili ng susuotin, hindi nya alam kung gaano ba sya katagal na namili ng damit, nagbihis at nag-alis ng make-up dahil pagbukas nya ng pinto ay wala na doon si Vladimir. Lumabas sya sa veranda, napaawang ang labi nya ng makita itong nakaupo sa mesa at ng makita sya at agad na tumayo.

Tumikhim ang binata saka inayos ang gitarang hawak. "Faye, this is for you baby." Sambit nito habang nakangiti at nakatingin sa kanya saka bumaling sa gitara at nagsimulang mag-strum, nanlaki na lang ang mga mata nya ng marinig ang pagkanta ng binata.

"In all honesty, I stopped believing in fantasies." Panimula ni Vladimir.

Humalukipkip sya habang pinagmamasdan itong kumanta, kinikilig sya, oo sino bang hindi? Pakiramdam nya'y para syang hinaharana ng binata bukod sa nakakabiglang magandang boses nito ay hindi rin mawala-wala ang magandang ngiti nito sa labi na isa pa sa dahilan kung bakit mas kinikilig sya.

"But no, I didn't need someone to rescue me. I was fine on my own, fighting alone..." Imbis na manatili sa veranda habang pinakikinggan ang binata ay nagpasya na syang bumaba habang patuloy pa rin ito sa pagkanta. "But it did get easier..."

Nakatingin lang ito sa kanya habang ginagawa iyon at pakiramdam nya sobrang lakas na talaga ng tibok ng puso nya. "With you, I'm a little less worried 'bout life.....With you, I didn't think twice to come for a ride....On the emotional roller coaster.....As we sail away to forever.." naglakad ito palapit sa kanya ng makababa sya. "With you, I'm a little less lonely tonight...With you, I've got someone to hold me tight....To remind me that rain or shine....We're gonna be fine..."

Nag-lean si Vladimir at dinampian sya ng halik sa labi. "Everything will be alright..with you, with you, with you..." huminto ito at may kinuha sa bulsa, hindi sya nakaimik ng makitang maliit na pulang box iyon.

"Fatima Faye.." seryosong sambit nito sa pangalan nya, sinubukan nyang ikalma ang sarili kahit pa parang hindi na sya makahinga sa nangyayari, hindi ba't parang ang bilis naman? Ilang taon na nga ba silang magkakilala? 5years? 6? Parang ang bilis pero alam nyang hindi na rin naman nya maitanggi, mahal na nga talaga nya ang binata.

Binuksan nito ang box at napaatras sya ng makitang tama ang iniisip nya, singsing iyon.

"Alam kong hindi ka maniniwala kung sasabihin kong promise ring lang ito, alam ko ring medyo mabilis pero faye...sigurado na ako," tiningnan sya ni Vladimir at nagsimula ng manubig ang mga mata nya. "Sigurado na akong ikaw, Fatima Faye ang gusto kong makasama ka hanggang sa pagtanda."

"Vladimir..."

"Pero hindi naman ako nagmamadali, hihintayin kita hanggang sa maging handa ka na."

"Bakit andami mong s-sinasabi?" Umiiyak na tanong nya na ikinatawa ng binata.

"Kinakabahan ako," pag-amin ni Vladimir saka iniluhod ang isang binti. "Fatima Faye, will you let me be your husband? Please? Will you marry me?"

"Baliw ka talaga," natatawang sabi nya habang umiiyak, nakaabang lang si Vladimir sa isasagot nya kaya naman dahan-dahan syang tumango, tatanggi pa ba sya kung ito na 'yon. "Yes," official na sagot nya.

Hinawakan ni Vladimir ang kamay nya at isinuot ang singsing sa daliri nya. Ngiting-ngiti ang binata ng tumayo saka niyakap sya ng mahigpit, niyakap nya rin ang binata saka natatawang pinisil ang pisngi matapos nyang magpunas ng mga mata.

"Nanginginig na naman ang kamay mo." Puna nya na nagpatawa sa binata.

"Kasalanan mo 'yan Faye." Bahagyang humiwalay si Vladimir kaya tiningnan nya ang singsing na nasa daliri nya, butterfly iyon na mayroong maliit na bato. "Nagustuhan mo?"

Napaangat sya ng tingin at nakita nyang nakangiti si Vladimir habang nakatingin sa kanya kaya ngumiti din sya at tumango. "Ang ganda nya,"

Hinawakan ng binata ang kamay nyang sinuotan nito ng singsing. "Bagay na bagay sa magandang katulad mo faye," ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Pa'no ba 'yan? Konti na lang, wala ka ng kawala sa akin."

"Hindi mo man lang tinanong kung gusto ba talagang kumawala." Natatawang sabi nya.

"Gusto mo ba?"

Umiling sya saka hinawakan sa batok ang binata, nag-tip toe sya at hinalikan ito sa labi. Niyakap sya ni Vladimir at tinugon iyon, pwede na ba nyang sabihing sya na ang pinakamasayang babae? Iyon ang nararamdaman nya, para bang napaka-special nya.

Isang prinsesang sa wakas magkakaroon na ng happy ending.

Continue Reading

You'll Also Like

18.2M 483K 41
After being involved with a cold-hearted mafia boss, Robyn Lehman decides its time to run. Little did she know, she was carrying the future heir to h...
4.3M 273K 103
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
20.4K 291 11
It's just a ff so please don't let your mind imagine min ho everywhere with you just like me 😅 and sorry if the story is too long plus i have cut so...
3.8M 191K 47
Hockey player extraordinaire Cameron Beckett not only has to deal with the pressures of making it into the NHL and graduating high school, but also f...