San Lazarus Series #6: Onerou...

Von LadyLonelySadness

2.4K 375 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... Mehr

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER III: NIGHT CHANGES
CHAPTER IV: FOR YOU
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VI: REASON
CHAPTER VII: TIRED
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER X: SPECIAL
CHAPTER XI: JEALOUSY
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XV: NAMES
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVII: GOALS
CHAPTER XVIII: FEELINGS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XX: REGRETS
CHAPTER XXI: PHYSICAL
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIII: FAMILY
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXIX: OFF
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS
EPILOGUE

CHAPTER IX: SCARED

53 12 0
Von LadyLonelySadness

🍛🍛🍛

Katulad ng inaasahan, paggising nya kinabukasan ay walang naaalala si Vladimir sa kung ano man ang naganap ng gabing iyon nagtaka pa nga ito ng makita ang pwesto nila sa pagtulog. Inaasahan na iyon ni Faye ngunit pakiramdam nya pa rin ay na-disappoint sya at nanghinayang dahil aminin man nya o hindi, importante sa kanya ang naganap.

"Tahimik ka," panimulang puna ni Vladimir sa kanya. "May nagawa ba ako kagabi?"

Umiling lang sya bilang sagot, hindi nya alam pero tinatamad talaga sya para bang nawalan sya ng gana. "Galit ka?" Di pa rin mapanatag na tanong ni Vladimir sa kanya.

"Vlad," napabuntonghininga sya. "Wag mo kong intindihin pwede? Wala lang ako sa mood." Sambit nya saka binitbit ang hinahalo at pumasok sa kusina para dumiretso na sa pagluluto.

Lumilipad ang isip nya, alam nya iyon sapagkat makailang-ulit syang napaso sa ginagawa. Tuloy ay nagalit na si Vladimir at kinuha na sa kanya iyon, gumawa na lang sya ng ibang bagay. Inisip nyang tahiin na lang 'yong damit nyang sumabit sa sampayan at nagkaroon ng maliit na butas pero maging iyon ay palpak, natapos nya man ay nagdugo na ang dalawang daliri nya dahil makailang-ulit nyang natusok ng karayom.

Napabuntonghininga sya at akmang aakyat na sa taas ng sabihin ni Vladimir na kakain na sila, sumunod na lang sya at tinulungan itong maghain, kumain sila ng tahimik, sa sobrang tahimik ay huni ng ibon na lang ang naririnig. Matapos kumain ay gumayak na sila para umalis, sya pupunta ng eskwelahan samantalang papasok naman sa trabaho si Vladimir, gabi na ng muli silang nagkita ng sunduin sya nito.

"Hi," nakangiting bati nito kaya naman ngumiti din sya saka pumasok sa kotse ng pagbuksan sya ng pinto.

Bago pa makapagsalita ang binata ay isinandal nya ang ulo sa bintana at ipinikit ang mga mata, hindi nya alam pero pagod na pagod sya na para bang inubos ng mga ginawa nya ang lakas nya. Tumunog ang cellphone nya, tinatamad na kinuha nya iyon sa bag at napatuwid ng upo ng makita kung sino iyon, agad na nagbago ang mood nya dahil doon.

"Hi, hello!" Masayang bati nya pagkasagot ng tawag, ramdam nyang napatingin pa sa kanya si Vladimir ng marinig iyon.

["Hey, kamusta ka?"]

Napasimangot sya saka bumalik sa pagkakasandal sa bintana. "Hindi okay, nakakapagod. Ikaw?"

["Ayos naman, sila Miriam?"]

"Ayos lang din, kailan ka ba babalik?"

["Secret."]

"Hindi mo ba kami na-mi-miss? Di mo ko miss?"

Napatawa ang kausap nya. ["Syempre miss, oh sige para matahimik ka na tulungan mo na lang ako."]

"Sure! Anong gagawin?"

["Malapit na graduation di ba? Alam mo namang gusto ko pa rin si Miriam, tulungan mo kong i-surprise sya."]

Nag-beam sya dahil sa excitement at napangiti. "Omyghad! Jack until now?!" Hiyaw nya, nauwi ang tawag sa medyo mahaba-habang kwentuhan hanggang sa mapansin na malapit na sila sa kubo. "Oh, sya kahit ang corny ng naisip mo, susubukan ko makakaya ko ha. Pano need ko na umalis, malapit na ko sa bahay. Ingat ka dyan, and please 'yong chocolates ko wag mong kalimutan." Tumawa lang ang kausap nya at nagpaalam na rin sakto namang huminto na ang sasakyan, bumaba si Vladimir kaya ganoon na din ang ginawa nya. Muntik pa syang mapasigaw ng mapamali sya ng apak buti na lang at agad syang nasalo ng binata dahil kung hindi plakda sya sa lupa.

"Ayos ka lang?" Tanong nito ng maibaba sya.

Tumango sya at agad na humiwalay. "Oo," tipid na sabi nya.

Tahimik syang sumunod kay Vladimir ng maglakad sila pauwi sa tree house, hawak ng binata ang kamay nya habang nauuna ito. Kumain sila ng tahimik at umakyat sa tree house ng ganoon din, hindi mawala-wala ang kunot ng noo ng binata pero hindi na nya inusisa kung bakit. Nakahiga na sya sa kama samantalang nasa lapag naman si Vladimir ng tumunog ang cellphone nya, iyon na namang kausap nya kanina habang nasa kotse sya. Nauwi ang tawag sa telebabad na kwentuhan dahil nakiki-update ang lalake sa nangyayari sa kanila nila Miriam, abala sya sa pagkukwento ng bigla na lamang syang hawakan ni Vladimir at ilaglag sa tabi nito. Napatili sya dahil doon pero hindi nito pinansin iyon at kinuha ang cellphone nya saka pinatay ang tawag.

"Teka lang naman!" Angal nya sa ginawa nito pero walang pakealam ang binata, inihagis nito ang cellphone sa kama at niyakap sya.

Nagulat sya ng halikan sya ni Vladimir sa labi. "Faye..." sambit nito ng bitawan ang labi nya. "Can you stop making me jealous? I might lose my control and kill that bastard if you continue doing that."

"Nagseselos ka?" Ulit nya sa narinig at gumuhit ang irita sa mukha ni Vladimir na ikinatawa nya. "Bakit? Para saan?"

Hindi nakasagot ang binata kaya kinalas nya ang pagkakahawak nito. "See? Wala naman pala," sambit nya saka bumangon at inabot ang cellphone para tingnan iyon.

"Faye-"

"-matulog ka na, antok lang 'yan." Putol nya sa sasabihin ng binata saka bumalik sa kama.

"Faye naman!" Rinig nyang inis na sabi ni Vladimir pero hindi nya inintindi.

Hindi na tumawag ulit ang kausap nya kaya naman binalot na nya ang sarili ng kumot at inayos ang higaan para matulog na, papikit na sya ng maramdamang lumipat sa tabi nya si Vladimir. Nahiga ito at niyakap sya, hindi sya umimik at natulog na ng tuluyan.

Kinabukasan ay maaga syang bumangon pero maaga man iyon ay hindi pa rin nya inabot si Vladimir, nagtaka sya dahil ni hindi man lang sya ginising bago umalis ito. Ipinagkibit-balikat na lang nya iyon saka dumiretso sa kusina, inabala nya ang sarili sa pagluluto ng agahan nya pagkatapos ay pumasok na sya sa eskwelahan at gabi na ng umuwi, hindi nya na binigyang pansin kung bakit ni hindi sya sinundo ni Vladimir pakiramdam nya ay ayos na iyon kaysa naman ma-stress sya kapag nakikita nya ito.

Napaismid sya habang naglalakad, nagseselos pero hindi masabi na mahal sya ngayong hindi na lasing. Ano 'yon? Joke? Napahinto sya ng pagdating nya sa bungad ng tree house ay mayroong magandang set up sa lamesa.

"Hi," rinig nyang bati sa may gilid nya kaya tiningnan nya iyon at isang bouquet ng bulaklak ang bumungad sa kanya bago nakita ang nakangiting si Vladimir.

Napataas ang kilay nya. "Ano 'yan?"

"Bulaklak?" Alanganing sagot nito kaya napairap sya saka nilagpasan ito. "Teka faye!" Pigil sa kanya.

"Magpapalit ako," sambit nya saka umakyat sa tree house, ini-lock nya ang pinto at nagbihis. Paglabas nya ng veranda ay nakita nyang nakaupo sa silya si Vladimir habang nakasimangot, yumuko pa ito at napabuntonghininga.

Bumaba sya kaya agad na tumayo ito at ngumiti ng makita sya, lumapit ito at iniaabot sa kanya ang bulaklak. Napataas ang kilay nya. "Anong gagawin ko dyan?"

"Faye naman, sorry na..." naglalambing na sabi ng binata, halos magpa-cute na ito para lang bigyang pansin nya.

"Pumasok ka kaninang umaga?" Alanganing ngumiti ito saka umiling bilang sagot kaya napahalukipkip sya at napataas na naman ang kilay nya. "Saan ka nagpunta?"

Napa-pout si Vladimir saka naglalambing na hinawakan sya sa bewang. "Pumunta ako sa bayan, balak ko sanang ipagluto ka ng paborito mong ulam kaya namalengke ako ng maaga ng makitang wala tayo ng kailangan do'n tapos natagalan ako kasi di naman ako masyadong familiar sa palengke sa bayan," napasimangot ang binata habang nagpapaliwanag. "Tapos pagbalik ko sabi ni Alicia nakaalis ka na daw para pumasok sa eskwelahan."

Napabuntonghininga sya. "Hindi ka nag-text o tumawag."

"About that, hindi ko mahanap ang phone ko."

"Walang ibang paraan?"

"Faye, sorry nalimutan ko ang number mo."

Pakiramdam nya napuno sya sa narinig, lahat na lang ba kalilimutan nito? Kinalas nya ang pagkakahawak ng binata. "Maganda 'yan, lahat kalimutan mo. 'Wag kang mag-alala, malapit na rin akong makalimot." Inis na sabi nya saka naglakad paalis doon, sa kubo na lang sya matutulog kaysa madagdagan ang inis nya baka mamaya awayin na lang nya bigla si Vladimir, ayaw naman nya ng ganoon.

"Teka, Faye!" Habol ni Vladimir sa kanya saka hinarangan ang dinaraanan nya.

"Umalis ka dyan." Seryosong utos nya pero umiling si Vladimir.

"Dito lang ako," pinal na sabi ng binata.

"Edi dyan ka," sabi nya saka lumihis at akmang lalagpasan na nya iyon ng hawakan sya nito sa bewang at pwersahang ilapit.

Napabuntonghininga si Vladimir. "I don't wanna force you faye pero kahapon pa tayo hindi ayos at kung kaya mong tiisin pa 'to, ako faye hindi na. Hindi na ko makakatulog pa mamaya, knowing na hindi pa rin tayo ayos. Sinubukan kong suyuin ka. I even set up something for you to atleast have an interest to give your attention on me pero nagkamali ako, hindi pala ganoon kadaling suyuin ang madam faye ko." Bahagyang natawa si Vladimir pero nakatingin lang sya. "Parang kahit anong gawin ko o sabihin ko mas lalo ka lang nagagalit at naiinis sakin pero madam, please ayusin at pag-usapan na natin 'to."

"Ano ba tayo? Rather ano tayo?" Matapang na tanong nya na ikinatahimik ni Vladimir. "See? Gusto mong mag-usap tayo pero simpleng tanong lang hindi mo masagot."

Napabuntonghininga ulit si Vladimir, ang katapangan at pagiging straight to the point ni Faye ay nagpapatahimik sa kanya hindi dahil hindi nya alam kung paano sasagutin iyon pero dahil ikinabibigla nya ang mga sinasabi nito ngunit kahit ganoon ay ayaw naman nyang ganito na lamang sila, ayaw nya na nagagalit ito sa kanya.

"Faye," panimulang sambit nya saka tiningnan sa mata ang dalaga, nakatingin lang ito habang taas ang kilay. Siguro nga dapat nyang lakasan na ang loob at sabihin na sa dalaga ang nararamdaman nya lalo pa ngayong may iba ng nakakakuha sa atensyon nito, mas lalong nadaragdagan ang takot na nararamdaman nya. "I-I have a feelings for you, hell I fall for you."

Hindi nagbago ang ekspresyon ng dalaga bagay na ipinagtataka nya, ni hindi man lang ito nagulat. "Faye, I love you." Sambit nya pero parang wala lang sa dalaga, doon na sya nagtaka. "Fatima Faye, wala ka man lang reaksyon? I'm confessing my love, my feelings for you."

"Ilang taon ka na ba Vladimir?"

Napakunot ang noo nya. "26, why?"

"Exactly, 26years old, nagkaroon ka na ng ilang exes pero magko-confess lang ganyan ka? Seriously?"

Hindi nya alam kung maiinsulto sya sa sinabi ng dalaga pero napapangiti sya sa inaasal nito, ang bitchy kasi ng awra ng dalaga at talagang tinatarayan o sinusungitan sya ng husto.

"Okay," binitawan nya ang dalaga saka umayos ng tindig saka tumikhim sya. "Fatima Faye. I want you to know that I'm inlove with you, despite the age gap and all the differences that we have I fall for you damn hard. I'm not sure if this pass your standard on receiving a confession pero I just want you to know na kinakabahan ako, damn nanginginig na ang mga kamay ko at namamawis ang mga palad ko. Tingin mo pa lang nanginginig na ang tuhod ko, I know that isn't something that a 26 year old should feel but fuck it, I feel it all-" narinig nya ang pagtawa ng dalaga kaya napahinto sya. "Faye?"

Napailing-iling ito. "Hindi ko alam na ganyan pala ka-torpe ang Vladimir na kilala ko." Natatawang sabi ng dalaga.

"Faye, hindi ka ba aware na nakakatakot ka? 26 years of my damn existence pero ngayon lang ako nakaramdam ng takot sa isang babae." Napabuntonghininga si Vladimir. "Yes, natutuwa o naaaliw ako sa kasungitan mo pero natatameme ako lalo na kapag napaka-straightforward mo, kung sungit-sungitan mo ko para bang hindi ako mas matanda sayo, kung magsalita ka parang ikaw pa ang mas matanda sa ating dalawa. Sinong di matatakot kung pakiramdam ko kapag sinabi kong mahal kita e susuplahin mo lang ako? Baka nga sampalin mo pa ko ng katotohanang napakalaki ng differences at gap natin."

Sinimangutan nya ang dalaga. "Faye, hindi halata pero natatakot kaya ako sayo. Isang tingin mo lang ng masama kinakabahan na ko tapos hindi ka pa magsasalita minsan, parang isang kalabit o hawak ko lang sayo mapapatay mo ko."

"Ang exaggerated mo masyado." Ismid ni Faye.

"Nagsasabi ako ng totoo faye, kaya nga hirap na hirap akong aminin sayo kasi natatakot ako sayo...." pahina ng pahinang sabi ni Vladimir saka ngumiti. "Pero totoo, mahal kita. Yes I got several exes way back then pero sayo ko lang naramdaman ito." Sambit nya saka hinawakan ang kamay ng dalaga dahilan para manlaki ang mga mata ni Faye.

"Nanginginig ka!" Gulat na hiyaw nito na ikinatawa nya.

"I told you, hindi ganoon kadali buti pa nga noong lasing ako andali kong nasabi sayo pero ngayong wala na ang tama ng alak, naalala ko man pero hindi ko naman magawang ungkatin kasi natatakot ako sayo."

Napairap ang dalaga. "Ang oa mo, hindi ko naman kukuhanin ang kaluluwa mo, hindi din kita kukulamin."

Napatawa ng bahagya si Vladimir. "I know, ang hirap mag-ipon ng lakas ng loob kapag ikaw ang usapan. Natatakot kasi akong bukod sa mga nabanggit kong dahilan, natatakot din ako na baka magalit ka sa akin, natatakot ako sa sasabihin mo, natatakot akong baka layuan mo ako o baka tawanan mo lang ako."

Napabuntonghininga si Faye saka lumapit at hinila si Vladimir dahilan para mapayuko ang binata, hinalikan nya ito sa labi para matigil na. Nagulat man si Vladimir ay hinawakan nya sa likod ang dalaga at tinugon ang halik nito, nagbubunyi sya sa saya lalo na ng ngumiti ito matapos syang halikan.

"Puro ka takot, hindi mo pa nga sinusubukan pano mo malalaman?"

Napangiti na rin sya at yumakap sa bewang ng dalagang tinatangi nya ng husto. "I love you faye, seryoso ako."

"Wala naman akong sinabing joke lahat 'to," pinisil ng dalaga ang pisngi nya. "And yes, I love you vlad."

Lumapad ang ngiti nya. "What do you want baby? Do you want me to court you or tayo na?"

"Bahala ka sa buhay mo."

Napatango sya. "Okay. I'll court you first para naman di ako masuntok ni bayaw tsaka first boyfriend mo ko kaya dapat lang na maranasan mo lahat ng first."

"Para mo namang sinabing wala akong manliligaw," ismid ng dalaga. "Para lang malaman mo, pang-sampu ka na sa nanliligaw sa akin."

Nagsalubong ang mga kilay ni Vladimir, pakiramdam nya umangat ang galit at selos sa dibdib nya. "Pang-sampu? Who the fuck the other nine bastard is? Does the one whose calling you, included?"

"Si Jack, 'yong tumawag sa akin. Kaibigan namin nila Miriam 'yon at hindi ako ang gusto no'n kundi si Miriam. And to answer your another question, mga schoolmates ko pero limot ko ang pangalan."

"Sure?"

"Tanungin mo si Yammie, alam nya 'yon."

"Don't have to, may tiwala naman ako sayo." Sabi ni Vladimir saka iginiya na sya balik sa tree house. "Nga pala faye,"

"Hmm?"

"Can you please stop doing a telebabad with a guy on the phone? It irritates the hell out of me, malapit na kong makasakal sa selos pakiramdam ko magdidilim na ang paningin ko."

Napatawa si Faye. "Okay boss, di na."

"Thank you," sambit ni Vladimir at inaya na syang kumain sa inihanda nitong surpresa, tinanggap na rin ni Faye ang bulaklak. "So, bati na tayo?" Tanong ng binata ng matapos nilang makapagligpit, nasa mesa nakaupo si Vladimir habang nakatayo sya sa harapan nito.

"Ano pa nga ba?" Kunwari'y walang choice na sagot nya matapos mailagay sa base ang bulaklak.

Bahagyang natawa si Vladimir saka hinawakan sya sa bewang at iginiya paupo sa hita nito, yumakap ang binata sa bewang nya at naglalambing na hinalikan sya sa pisngi. "Bati na tayo, hahanapin ko 'yong phone ko promise."

"May choice ako? Wala di ba?"

Napasimangot si Vladimir. "Faye naman talaga," reklamo nito na ikinatawa ng dalaga.

Pinisil nya ang pisngi ng binata. "Oo na, bati na tayo." Tiningnan nya ito. "Thank you sa effort kahit parang pusong bato ako."

"Anything for my beautiful woman, susuyuin at susuyuin naman kita kahit pa ilang beses mo kong dedmahin kahit ang hirap mong suyuin."

Tinaasan nya ng kilay ang binata. "Nagrereklamo ka?"

"Hindi kaya," tumawa si Vladimir. "Akyat na tayo? Ay wait, mauna ka na pala."

"Bakit?"

"Basta," sagot nito kaya hinayaan na lang nya at umakyat na sya.

Ilang minuto ang inabot bago umakyat ang binata, nakahiga na nga sya lahat-lahat bago nya muling nakita si Vladimir na may bitbit na tatlong bowl at pitsel na may baso. Inilapag nito ang mga bitbit sa lapag saka gumapang sa kama at ng makalapit sa kanya ay agad syang siniil ng halik sa labi, niyakap sya ng binata.

"Para saan naman 'to?" Mataray na tanong nya ng bitawan ni Vladimir ang labi nya.

"Naisip kong mag-movie marathon tayo, since wala tayong bond kahapon."

"Movie marathon lang pala may pa-gano'n ka pang nalalaman," ismid nya, umalis ang binata sa ibabaw nya at tumabi sa kanya.

"May ibang iniisip ka pa ba faye? Baka mas maganda 'yan?" Pang-aasar nito sa kanya.

"Manahimik ka, hindi pa oras para do'n." Masungit na sagot nya saka kinuha ang laptop.

Tumawa lang si Vladimir saka nanggigigil na niyakap sya, pumuwesto na sila at nagsimula na sa panonood habang kumakain ng snacks. Hinawi ng binata ang buhok nya para ayusin ng sumandal sya saka hinalikan ang leeg nya bago yumakap sa kanya, hindi sya umimik.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
16.3M 545K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...
407K 25.4K 21
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
1.7M 94.6K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...