San Lazarus Series #6: Onerou...

Oleh LadyLonelySadness

2.5K 376 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... Lebih Banyak

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER III: NIGHT CHANGES
CHAPTER IV: FOR YOU
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VI: REASON
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER IX: SCARED
CHAPTER X: SPECIAL
CHAPTER XI: JEALOUSY
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XV: NAMES
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVII: GOALS
CHAPTER XVIII: FEELINGS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XX: REGRETS
CHAPTER XXI: PHYSICAL
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIII: FAMILY
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXIX: OFF
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS
EPILOGUE

CHAPTER VII: TIRED

63 16 0
Oleh LadyLonelySadness

🍛🍛🍛

Nakahanap ng trabaho ang kuya nya matapos ang ilang araw na paghahanap kaya naman naiwan sa kanya si Alicia na nagsilbing kasa-kasama naman nya sa tuwing papasok ng trabaho si Vladimir. Mabuti na nga lang at hindi pa nya kailangang pumunta sa eskwelahan dahil wala pa namang inaanunsyo ang adviser nila sa susunod na dapat gawin kaya naman hindi nya problema kung saan iiwanan ang pamangkin.

"Tiya!" Rinig nyang sigaw ni Alicia mula sa baba, lumabas sya sa veranda at tiningnan iyon, nakita nya itong nakangiti habang itinuturo si Vladimir. "Nandito na si Tiyo!"

"Akala ko naman kung ano," naiiling na sambit nya dahil akala nya kung napano ang pamangkin. Bumaba sya sa hagdan at bago pa sya makalapit ay nilapitan na sya ni Vladimir.

"Hi," bati nito sa kanya kahit pa halata na naman ang pagod sa mukha nito.

"Nag-dinner ka na?"

Umiling ito saka naglalambing na humawak sa bewang nya. "Anong ulam natin?"

"Sinigang, okay lang?"

Pagod man ang ngiti ay lumapad pa rin iyon. "Of course basta ikaw nagluto, faye."

"Okay, magbihis ka na, maghahain ako." Sambit nya kaya bumitaw na ito at umakyat sa taas.

Naghain sya sa mesa, pagbaba ng binata ay kumain na sila ng magkakasabay, napapikit pa ito ng humigop ng sabaw. "Ngayon naniniwala na ko na nakakawala ng pagod ang pagkain." Sambit ni Vladimir matapos nilang kumain, bumaling ito sa kanya saka niyakap sya sa bewang. "Thank you faye, ang galing mo."

Napairap sya. "Araw-araw mo na lang sinasabi 'yan."

Ngumiti ang binata. "Kasi totoo naman?"

Pinisil nya ang pisngi ni Vladimir. "Masyado kang bolero, bitaw na maghuhugas pa ako."

"Tulungan na kita," prisinta nito pero pinigilan nya.

"Kaya ko na 'to, magpahinga ka na lang at pagod ka."

"Ayos lang ako, isa pa pagod ka din naman."

"Wala naman akong ginawa," sabi nya saka nagsimula ng maghugas.

Saglit na isinandal ni Vladimir ang ulo sa balikat nya. "Marami kang ginawa faye," tumayo ito ng maayos saka naghugas din. "Alagaan pa lang 'yong napakakulit at napakadaldal mong pamangkin nakaka-drain na ng lakas tapos gumagawa ka pa ng gawaing bahay."

"Normal naman 'yon."

Tumango ito. "Normal pero hindi ibig sabihin na hindi na nakakapagod."

Tiningnan nya si Vladimir. "Kamusta ang araw mo?" Napahinto sya ng yakapin nito ang bewang nya, nasanay na lang sya dahil para bang isa iyon sa gestures nito na hindi na nawala sa araw-araw na magkasama silang dalawa. "Anong drama 'yan?"

Ilang sandaling nakatingin lang sa kanya ang binata bago umiling at binitawan sya. "Hindi ayos, nakakapagod sobra...pakiramdam ko na-drain ang lakas ko buti na lang may baon ako kung hindi baka pati pagkain nakaligtaan ko na sa sobrang demanding ng trabaho, nakakainis na nga actually." Muli itong humarap sa kanya. "Alam mo ba faye," panimula nito at nagsimula ng magkwento ng may kasamang reklamo.

Hindi nya alam kung matatawa sya o maaawa sa binata dahil sa kinukwento nito, hindi man nya nararanasan kung anong ginagawa nito sa trabaho ay pakiramdam nya sa kwento pa lamang nito ay ramdam na nya kung gaano nakakapagod iyon, sa isang banda ay natutuwa naman sya dahil kinukwentuhan sya nito ng tungkol sa mga iyon kahit pa hindi naman nya maintindihan ang iba sa mga iyon ay ipinapaliwanag naman nito para maintindihan nya ang kinukwento nito.

"Kamusta naman 'yong babaeng nagpapa-charming sayo?" Natatawang tanong nya ng maalala ang reklamo nito noong nakaraang araw.

Sinimangutan sya ni Vladimir. "Ipinaalala mo pa ang babaeng 'yon, napaka-arte talaga faye. Ang arte-arte nya e mas maganda ka pa nga do'n."

"Nag-iinarte lang 'yon kasi nagpapapansin nga sayo, pansinin mo kasi."

Agad itong umiling. "Ayoko," napakurap ito at napakunot ang noo. "Faye..."

"Hmmm?" Sagot nya saka nagpunas ng mga kamay.

"Ang ibig mo bang sabihin kapag may crush kayo nagpapapansin kayo at nag-iinarte?"

"Well yes, may iba sa amin na gano'n pero may iba namang hindi." Natahimik si Vladimir at hindi na umimik. "Ayos ka lang?"

"Yes, mabuti pa matulog na tayo." Seryosong sagot nito, napakunot ang noo nya dahil sa biglaang pagbabago ng mood nito pero hinayaan na lang nya dahil baka dala lang iyon ng pagod.

Paakyat na sila ng sakto namang dumating ang kuya nya para sunduin si Alicia kaya naman inihatid pa nila ang mag-ama sa kubo, pabalik na sila ng matisod sya buti na lamang ay hawak ni Vladimir ang kamay nya. Narinig nya ang pagsaltak nito saka sya binuhat, napahawak na lang sya sa balikat nito.

"Vladimir," sambit nya ng nasa may tree house na sila.

"Po?" Kunot ang noong sagot nito.

"Ibaba mo na ko," hindi ito umimik at sinunod lang sya. "May lakad ka ba ng sabado?"

"Para saan?"

Ngumiti sya. "Naisip ko kasi na mag-picnic sa may sapa, since gustong-gusto naman ni Alicia doon."

Napabuntonghininga si Vladimir. "Faye, will you stop being this cute?"

"Wala akong ginagawa ah," inosenteng tanggi nya.

Pinisil ni Vladimir ang pisngi nya at napangiti na rin ito habang nakatingin sa kanya. "I'll free my saturday."

"How about sunday?"

"May plano ka pang iba?"

"I am actually thinking about attending a mass on sunday."

"All, with me?"

Inosenteng tumango si Faye. "If free ka,"

"Okay my weekends is yours."

"Walang bawian?"

Umiling si Vladimir. "Wala." Sagot ng binata na napabuntonghininga na lang dahil hindi sya matanggihan, ayaw rin naman nitong tumanggi iyon ang totoo.

"Okay good," gumilid si Faye saka iminuwestra ang tree house. "Welcome sa tree house Mr. Vladimir-" napatili sya ng buhatin sya ng binata at di pinatulan ang biro nya, binitbit sya nito paakyat sa tree house saka inilapag sya sa kama at katulad ng palagi ay sa lapag ito nahihiga.

"Faye," tawag nito sa kanya makalipas ang ilang sandaling katahimikan.

Lumapit sya sa gilid ng kama at sinilip si Vladimir. "Bakit?"

"Pwede mo ba akong samahan sa bayan sa biyernes?"

"Anong gagawin natin?"

"Lalabas?"

Napakunot ang noo nya. "Bakit kailangang sa bayan pa?"

"Saan mo ba gusto?"

"Vladimir, bumaba ka lang ng tree house nasa labas ka na," natatawang sabi nya pero nasundan iyon ng pagtili nya ng hawakan sya ni Vladimir at ihulog sya sa tabi nito.

Tumatawang niyakap nito ang bewang nya, hinampas nya ang binata. "Ano ba!" Hiyaw nya pero nag-lean lang ito at idinikit ang noo sa noo nya saka ipinikit ang mga mata.

"Vladimir?" Tawag nya.

"Let me recharge for a while." Mahinang sambit nito, hindi na sya nagkumento at pinagmasdan na lang ang binata. Sa tuwing ganito ito ay madalas nyang maisip kung may pinoproblema ba itong malalim, para kasing bukod sa pagod ito sa trabaho ay may ibang bagay pang mas ikinapapagod nito bukod doon.

Di nagtagal ay inilapit sya nito at niyakap na lang, inayos nya ang kumot at hinayaan na lang saka ipinikit ang mga mata. Nakatulog sya na yakap nito at ganoon pa rin paggising nya.

"Goodmorning, beautiful." Mahinang bati nito ng imulat nya ang mga mata, hinalikan pa sya nito sa noo.

"Morning." Sambit nya saka pinisil ang pisngi ng binata.

Inabot nya ang cellphone at tiningnan ang oras, alas sais pa lang pero dapat na syang bumangon para mag-asikaso dahil magluluto pa sya para sa agahan at baon ni Vladmir.

"Faye," tawag nito ng maupo sya kaya nilingon nya. "Hindi ka ba napapagod?"

Napakunot ang noo nya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Ang aga-aga mong bumabangon kahit pwede ka namang tanghali bumangon."

"Tanghali? Hindi ako pwedeng tanghaliin ng bangon, paano ang baon mo?"

Naupo na rin ito sa katabi nya saka isinandal ang ulo sa balikat ni Faye. "Hindi mo naman obligasyon na ipagluto ako di ba?"

"Vladimir, oo hindi ko obligasyon pero kusa kong ginagawa kasi di ba hindi ka makakain ng maayos kapag iba?"

"Ano namang pakealam mo do'n, di ba?" Parang batang tanong nito na ikinatawa nya.

"Baliw ka talaga, malamang may pakealam ako. Mamaya lagnatin ka na naman."

"Ano naman?"

"Anong ano naman? Natulog ka lang naewan ka na, baba na tayo ng makapaghanda ka na sa pagpasok."

"Naisip ko lang kasi, masyado kitang inaabala."

"Hindi ka naman abala sa akin."

Napatingin sa kanya si Vladimir. "Talaga?"

"Oo naman," pinisil nya ang pisngi nito. "Nasanay na nga akong bumangon ng alas sais para magluto e, hindi ko na kailangan pang mag-alarm."

"Hindi ka napapagod?"

"Inaantok oo pero bumabalik naman ako sa higaan pag-alis mo e, kaya ayos lang."

Napangiti na si Vladimir sa narinig, pakiramdam nya'y tinangay na ng hangin ang mga naiisip nya kanina. "Thank you,"

"Para saan?"

"For being this too caring."

"Wala 'yon, maliit na bagay." Sagot nya.

Umalis ng nakangiti si Vladimir pero ng umuwi ay pagod na naman ito at ng makita sya ay agad na yumakap sa kanya.

"Ayos ka lang?" Tanong nya.

Umiling ito. "Nakakapagod." Reklamo ng binata habang nakayakap sa kanya, napabuntonghininga si Faye saka niyakap pabalik si Vladimir na ikinapanatag naman ng binata.

"Ilang araw ba kong nawala?" Napabitaw sya ng marinig iyon, bahagya din syang binitawan ni Vladimir. "Pakiramdam ko isang linggo kitang hindi nakita."

"Vladimir, 8 hours ka lang nawala."

"Matagal-tagal din pala," ngumiti ito. "Na-miss kita, faye."

"Asows, na-miss ako, bakit di ba nagpapansin 'yong maarte mong admirer?"

"Faye naman," reklamo ni Vladimir. "Wala naman akong pakealam do'n."

"Okay," tumawa sya. "Binibiro lang naman kita, bihis ka na, nakaluto na ako."

Bumitaw ito at umakyat sa tree house, naghahain na sya ng sumulpot ito. "Faye," tawag nito sa pansin nya.

Humarap sya at bumungad sa harap nya ang isang paper bag. "Ano 'yan?"

"Tingnan mo." Sagot ni Vladimir saka binigay sa kanya.

Binuksan nya iyon at napangiti na lang sya ng makitang siopao iyon. "Thank you."

"Akala mo nalimutan ko?"

"Hindi naman, more like hindi na ko nag-expect since lagi kang pagod na umuuwi."

"Pagod lang ako sa trabaho pero hindi naman kita nakakalimutan,"

"Sabi ko nga, ako lang ang malilimutin." Natatawang sabi nya, itinuloy na nya ang paghahain at kumain na silang dalwa. Pagkatapos ng lahat ng gawain ay tumambay sya sa mesa habang nanonood ng pelikulang nirekomenda ni Miriam sa kanya.

"Faye, hindi ka pa ba aakyat?" Rinig nyang tanong ni Vladimir, pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik ulit ito kaya umakyat na sya para matahimik na ang binata at makapagpahinga na ng maayos.

Nahiga ito sa lapag samantalang pumuwesto naman sya sa kama at itinuloy ang panonood, di nagtagal ay tumabi ito sa kanya. Ikinalang nito ang unan sa likod habang bahagyang nakasandal, inilapit sya nito at niyakap sa bewang. Sumandal na lang sya at hinayaan ang binata, di nagtagal ay nakatulog na ito habang yakap sya. Hininaan nya ang volume ng pinapanood hanggang sa nakatulog na rin sya at nagising na lang kinabukasan na maayos na silang nakahiga sa kama.

"Goodmorning," bati nito sa kanya.

"Morning." Sagot nya saka humiwalay at nagbalot ng kumot, inaantok pa sya.

"Mukhang antok na antok pa ang madam ah?" Rinig nyang sabi ni Vladimir ng silipin sya.

Hinawakan nya ang pisngi nito ng ipatong ang baba sa braso nya. "Nasa drawer 'yong ulam na babaunin mo." Napangiti si Vladimir.

"Ipinagluto mo na ako kagabi?"

Tumango si Faye. "Magsaing ka na lang."

Inabot ni Vladimir ang cellphone at tinawagan ang assistant nya sa site para sabihing hindi sya papasok ngayong araw pagkatapos ay bumalik sya sa pagkakayakap kay Faye na antok na antok.

"Bakit hindi ka papasok?" Tanong ng dalaga ng marinig ang ginawa nya.

"Wala namang masyadong gagawin sa site, isa pa inaantok ang madam ko."

"Vladimir-"

"-matulog na lang muna tayo ng makabawi ka man lang ng tulog." Pinal na sabi ni Vladimir kaya hindi na kumontra pa si Faye at natulog na lang dahil antok pa talaga sya. Hindi naman na natulog si Vladimir at hinayaan na lang na matulog si Faye habang yakap nya, ang himbing ng tulog nito na ikinangiti na lang nya habang pinagmamasdan ang dalaga. Sa kaalamang kumportable ito sa kanya at mahimbing ang tulog ng dalaga habang yakap nya ay masaya na sya kahit pa may takot na nadarama.

Pagsapit ng alas otso ay bumangon na sila at ng ihatid ng kuya ni Faye si Alicia sa kanila dahil papasok na ito sa trabaho ay gumayak na rin sila patungo sa sapa upang isagawa ang picnic na nais ni Faye, tinulungan nyang maglatag ng sapin ang dalaga at ayusin ang mga dala nila. Nakasuot ito ng simpleng bestida ngunit ang ganda nito sa paningin nya.

"Huwag kang masyadong lalayo, alicia." Rinig nyang bilin ng dalaga sa pamangkin na nagsimula ng maglaro.

Magkatabi sila ni Faye sa sapin habang nakaharap sa gawi kung nasaan si Alicia, nagkukwentuhan sila habang pinagmamasdan ang bata hanggang sa mapadako ang usapan sa groupchat nya sa trabaho noong una ay ayos naman, ipinabasa nya talaga sa dalaga ang laman no'n at hinayaang hawakan nito ang cellphone nya ngunit agad syang nangamba ng may maalala.

"Faye, akin na." Sambit nya pero umiling ang dalaga at nagpatuloy sa binabasa, pilit nyang binabawi ang cellphone pero nakikipagmatigasan ang dalaga sa kanya ngunit imbis na mainis ay natatawa na lang sya sa kakulitan nito. Itinatago pa ng dalaga ang kamay na may hawak sa likod nito saka ilalayo sa kanya ang kamay, kapipilit nya ng kapipilit ay parehas silang bumagsak sa nakalatag na sapin ng mahila sya ni Faye, nasa ibabaw sya ng dalaga, nagtatawanan sila ng mapahinto sya.

Pinagmasdan nya lang ito na tumawa at pakiramdam nya masaya na rin sya, napaka-ganda ng dalaga sa paningin nya.

"Vladimir?" Takang tawag ni Faye ng mapansing hindi na tumatawa ang binata at nakatingin na lang sa kanya, bago pa sya makaimik ay nag-lean ito at inilapit ang mukha sa kanya habang nakatingin, napapikit na lang sya ng bago nya magawang makaangal ay inilapat na nito ang labi sa labi nya, napakapit sya ng maramdamang hinalikan sya nito.

Unti-unti nyang iminulat ang mga mata ng bitawan nito ang labi nya, sobrang bilis ng tibok ng puso nya ng maimulat ang mga mata at bumungad sa kanya ang binata.

"I'm sorry," agap na hingi nito ng tawad saka humiwalay at tinulungan syang makaupo ng maayos. Natahimik sila matapos iyon, hindi rin sya makaimik dahil nag-sorry ito, ibig bang sabihin no'n ay pinagsisihan nito ang ginawa? Pinagsisihan nitong hinalikan sya?

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
1.5M 131K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...