Us Again (Losers Series #1)

By imstilltyping

49 8 12

Losers Series #1 More

PROLOGUE
2
3
4
5
6

1

5 1 0
By imstilltyping

Last week in June, Monday, 7 am.

Dali-dali ko kinuha ang bag ko at mabilis na lumabas sa gate at sumakay na sa sasakyan. I saw our driver sighing because maybe i’m already half hour late for school. Mabilis ko inopen ang cellphone ko at bumangad doon ang mga text ni Enitha.

From: Enitha
tagal mo ://

From: Enitha
TAGAL MO

From: Enitha
sana mamatay kana bwesit ka, nag aksaya pa ako ng ilang oras para maghintay sa’yo may pasabi-sabi ka pang hihintayin mo’ko tapos ako pa ang naka-una sa’yo!!!!!!

I sighed and immediately reply.

To: Enitha
Sorry na :( nakalimutan ko mag alarm

Minutes later, my phone vibrates.

From: Enitha
🖕

Napahawak ako sa aking sintido. Nung naka-dating na kami sa eskwelahan ay hindi na ako nakapag-paalam pa at deritso lang ang lakad ko para maka-abot pa ako sa flag ceremony. Laking dismaya ko na hindi ako naka-abot, kaya ’eto ako ngayon at nag-lilinis sa field kasama ang ibang late at nakakasigurado ako na late na ako sa first period. Nung natapos ako ay deritso agad ako sa cr para mag hugas ng kamay at doon ko nakita si Enitha na napasimangot.

“Ano ginawa mo dito?” tanong ko ng mahina.

Kita ko agad ang pagtaray niya at tinalikuran ako. Dali-dali ako sa ginawa ko para masabayan ko siya. “Wala naba si Ma’am Alvarez?” tanong ko habang naalala ang assignment namin ngayon sa math kay Ma’am Alvarez. Patuloy lang siya sa paglalakad at hindi ako pinapansin kaya napabuntong hininga nalang ako at hindi nalang nag-salita. Galit nanaman si bruha.

Umabot ’yon ng ilang oras at hindi niya ako pinansin hanggang sa recess time na. Niligpit ko ang mga gamit ko at pumunta na sa canteen, mabilis naman siya lumabas at sumama sa mga kaibigan niya at sigurado ay lalabas sila sa campus para roon bumili.

Nagtipa agad ako ng text para sakanya.

To: Enitha
Bwesit ka, hayaan mo akong mamatay dito, ’wag mo na akong pansinin.

Ilang minuto ay nakatanggap ako ng reply.

From: Enitha
tama, mamatay ka d’yan! ako pa mag libing sa’yo.

Napahawak ako sa sintido at binaba nalang ang cellphone ko. Mabuti at nandito ang mga ka-football team ko at naki-join nalang ako sakanila. Halatang friendless ako nito. Kinuha ko ang cellphone ko nung tumunog ito at napangisi ako sa reply niya.

From: Enitha
where u?

I pursed my lips. Hindi ko ’yon nireplyan at sumama ako sa mga ka-football team ko na pumunta sa rooftop para magpa-hangin. Maya-maya ay nag vibrate nanaman cellphone ko.

From: Enitha
sige na, sorry na, magpakita kana sa akin bwesit ka.

Napatawa agad ako. Kita ko ang mga kuryoso na mukha ng mga ka-team ko at alam ko agad na binigyan na nila ’yon ng meaning. Umiling ako at umusal ng mahina ‘si-Enitha’, na-gets naman nila bigla.

To: Enitha
Patay na po si Eros, paki-kuha nalang po bangkay niya para ilibing :)

Sakto pagkatapos nung message ko ay tumunog ang cellphone ko hudyat na tumawag siya. Sumenyas agad ako para sagutin ang tawag, nag thumbs-up naman sila lahat at sinabihan pa akong goodluck.

“Hello po, kukunin niyo na po ba ang bangkay niya? Mga magulang po ba ’to ni Eros Fernando?” napa-ngisi agad ako.

“What the fuck are you saying?” she hissed, “Idiot!”

“Ay hindi po ba ’to mga magulang niya? Ang nakalagay po kasi dito sa contacts ‘nanay ko’, sorry po talaga.” pinigilan ko ang tawa ko nung narinig ko ang mabigat na hininga niya sa kabilang linya, sign na galit na talaga siya sa pinagsasabi ko.

“Bwesit ka talaga! Ako papatay sa’yo bwesit ka!” hindi ko na napigilan ang tawa ko at binaba ang agad ang tawag. Nagpaalam agad ako sa ka-team ko na bababa na at hindi nga ako nagka-mali nung pagkababa ko ay sinalubong agad ako ni Enitha ng kirot. Naningkit ang mga mata ko habang iniinda ang sakit sa ginawa niya.

Hinawakan ko agad ang kamay niya para pigilan ang pagdiin sa ginawa niya. I looked at her with an apologetic smile. I saw how furious she is, kung tatanungin ko siguro kung ano ang kinagagalit niya ay isasama niya ang pagkakamali na ginawa ko dati na hinding-hindi niya nakalimutan.

Binilhan ko agad siya ng ice cream sa loob ng 7eleven, late na kami sa english subject namin ngayon, si bruha naman nag re-request at ’yon tuloy na-late kami.

Tinignan ko siya ng maiigi at pasekretong kinunan ng litrato para may pang blackmail ako kung sakaling mangyari man ang ganito. She immediately looked at me and smiled.

“Ano ba tayo?” I said jokingly. I saw how her smile vanished, maybe she didn’t expect that i’ll ask her about that question. “Joke lang.” I said.

“Bakit? Ano ba tayo?” she said raising her brow.

I bit my insides cheeks. “Diba tao tayo? Robot kaba?” I chuckled.

She rolled her eyes. “Lol! Bakit mo ba natanong ’yon? Mag bestfriend tayo! Hindi tayo talo!” she said raising her brow. Tumango naman ako at pinagwalang bahala ang sinabi niya. Umabot pa ng ilang minuto bago siya natapos sa ice cream niya kaya nung naka-dating kami sa room ay inannounced kami na nag cutting daw.

I sighed as i looked at my reflection paper, ito ang consequence sa pag cutting namin. Si Enitha naman ay mukhang na-enjoy pa siya sa pagsulat, sabagay natutuwa ang mga demonyo pag gumana ang plano nilang masasama! I glared at her but she just smiled at me getting satisfied.

Napabuntong hininga ako at medyo nagsisisi na naging kaibigan ko pa siya. Ang magulang ko at magulang niya ay mag kaibigan, hindi naman ibig sabihin n’yan na magkaibigan sila ay gawing magkaibigan din kami ni Enitha! Tignan mo na ngayon, nag mumukha na kaming mag-asawa o ano pa d’yan ang naiisip sa mga tao.

I also have friends too, kaso si Enitha lang talaga ang dikit na dikit sa akin at halos siya nalang lagi nakaka-usap ko. Kung tutuusin si Enitha itong nagmumukhang friendless sa amin dalawa.

Mabilis ko pinasa ang reflection paper ko at ka-sunod ko naman si Enitha na naka-ngiti sa tabi ko. Mabuti at hindi kami pinalinis sa library o hindi kaya sa field dahil nakakasigurado ako na mas hassle ’yon at baka puro nanaman reklamo itong si Enitha.

“Bakit ang malas ko sa araw na ’to? Siguro ay ikaw malas sa atin dalawa.” pagsisimangot ko habang nasa waiting shed kami dalawa, hinihintay ang sundo namin.

“Correction, sabi mo malas ang araw mo ngayon, sa’kin hindi, ang ibig sabihin n’yan ikaw lang ang malas.” pang aalaska niya.

Hindi ko na siya pinansin at inopen ko nalang ang cellphone ko para naman mawala ang atensyon kay Enitha na puro inis lang ang binigay sa akin. Kaya nung may huminto na sasakyan ay napaangat ang tingin ko dahil akala ko ay sundo na namin ’yon, pero nagkamali ako.

May bumaba na lalaki na naka blue polo, maayos ang buhok niya at mukhang linagyan ito nang gel, napababa ang tingin ko dahil sa sapatos niya na mukhang mamahalin at hindi ako nakapaniwala dahil medyo may itsura ito. Naka-ngiti ito papunta sa posisyon namin, kami lang naman ang nandito kaya sigurado ako na kilala ito ni Enitha pero nung tumingin ako sakanya ay naka-awang lang ang labi niya at parang hindi niya ito kilala.

“Hello, pwede magtanong?” tanong nung lalaki.

Hindi sumagot si Enitha kaya tumayo agad ako at ngumiti. “Okay lang, sir, ano po itatanong niyo?”

“May kilala po ba kayong teacher na Alvarez?” he said genuinely. Napa-tikhim agad ako at napa-tango, wala naman sigurong Alvarez na iba dito sa school ’no?

“Ay si Ma’am Alvarez ba? Kilala po namin siya.” sagot ko.

Ngumiti agad ng napakalaki ang lalaki at inabot niya ang kamay niya, “Roylan pala, napakalaki kasi ang school nito kaya hindi ko na nakaya at nakapag tanong na ako. Saan po ba ang office niya?”

“Ah,” kinuha ko ang kamay niya at nakipag shake hands ako, “Doon lang sa pinaka gilid na building, may nakalagay na faculty office sa mismong pintuan kaya malalaman mo agad ’yon. Ako pala si Eros. . .” siniko ko agad si Enitha sa gilid ko na hanggang ngayon ay hindi pa naka-galaw. “Si Enitha po ’to,” usal ko at tinuro ko siya. Tanging ngiti lang ang binigay ni Roylan sa akin at nagpasalamat ito bago umalis.

Umabot ng ilang minuto bago nag-salita si Enitha at tinampal pa kamay ko. “Pangit mo mag introduce sa akin!”

Tinaas ko agad ang kilay ko. “Bakit? Paano ba? Kung nagsalita ka nalang kaya kanina bruha ka?” pang-iinis ko.

“Ganito dapat ’yon, pagkatapos mong kunin ang kamay niya ay dapat kinompleto mo sana ang details! Sinama dapat mo ’yong number ko, ’yong facebook account ko, o ’di kaya ay complete name ko para siya na ang bahala mag search sa name ko sa facebook!” kilig na kilig na usal niya. I rolled my eyes as I ignored her. She’s always like that, kung may nakita siyang gwapo ay dali-dali niya naman ito magugustuhan, kalaunan ay makakalimutan niya naman ito.

Pero nagkamali ’ata ako, dahil ito ako ngayon hindi nakapaniwala nung nakita ang lalaki sa harap habang naka-ngiti.

“Roylan Alvarez. . .” he said in front of us.

I immediately looked at Enitha, bigla kong napatikom ang bibig ko kasi naka-nga-nga na siya ngayon at hindi naka-galaw dahil sa nakita na lalaki ngayon. I don’t know, parang nakaka-dissapoint, I just don’t like it that she’s acting this way.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 186K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
2.9M 191K 89
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
28.8M 915K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
4.7K 244 7
two girls. herrie and layla. the best of friends since nursery. falling madly in love in a world of chaos was never on the agenda. especially not wit...