The Divorce

By MrsPeriwinkle0024

27.8K 1.5K 227

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... More

Chapter 1: Rebirth
Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 4: Asking For Pocket Money
Chapter 5: Unexpected Turn Of Events
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 8: The Truth
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 13: Loyalty
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 29: A White Dress
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 37: Wish
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 41: Torture And Imaginations
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 44: Good Bye
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 53: Bothered
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 56: Someone Who Knows Her Best
Chapter 57: Stick To The Original Plan
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 60: Different Types
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 14: Going To Hate Him

360 20 0
By MrsPeriwinkle0024

Nagtatakang sinundan ng tingin ni Ginang Aria Rivera-Syquia ang bunsong anak na babae. Hindi niya maintindihan kung ano ang problema nito sa buhay. Fifteen minutes na simula noong pumasok ito sa loob ng kwarto niya, bukod sa nagpaikot-ikot doon, wala pa itong ibang ginawa kung hindi ang ngumuyngoy nang ngumuyngoy.

Nagsasalita ito sa lengguwahe na hindi niya maintindihan! At walang magawa ang ginang. Sa tagal niyang nakaratay sa kama, naisip niya na baka marami lang siyang na-miss kaya hindi niya maintindihan kung ano ang ibinubulong ng anak niya.

Sinubukan niya itong tanungin pero hindi naman siya nito pinapansin.

Naiiling na isinandal ng ginang ang likod niya sa head board ng kama. Matutulog sana siya dahil mahalumigmig ang panahon. Pero mukhang hindi niya yata iyon magagawa dahil dito sa anak niyang parang pusa na hindi mapaanak.

"A? Anong problema anak?" Matapos ang isa pang ikot ni Arya sa buong kwarto ng ginang ay hindi na ito nakatiis na tanungin ulit ang anak niya.

She called her A, dahil halos magkatunog ang pangalan nilang dalawa. Arya, Aria.

Noon lang huminto sa paglalakad ang dalagita at pagkatapos ay tumitig ito sa ina.

Matagal itong nakatingin na para bang nag-iisip. Pagkatapos ay muli itong nagpabalik-balik sa loob ng kwarto.

Napansin ng ginang na maghapon itong halos hindi mapakali. Kaninang umaga pa nga noong mapansin ng ginang na walang kibo ang anak niyang ito. At noong magpaalam si Samantha na may aasikasuhin lang ito sa Bayan, kaagad itong pumasok sa loob ng kwarto ni Aria Rivera.

Towards this daughter of her, Mrs. Aria felt that she owes her a lot. Sa loob ng labinlimang taon, ni hindi man lang naalagaan ng maayos ng ginang ang kaisa-isang anak na babae. Nakokonsensya siya at sa totoo lang ay hindi niya malaman kung paano siya babawi dito.

"Mom,"

Sa wakas ay huminto sa paglalakad si Arya. Naupo ito sa gilid ng ina at saka ito tiningnan ng seryoso sa mga mata.

Dahil sa titig ng anak, nakaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib ang ginang.

"Hmmm?" ngumiti nang may pang-unawa ang ginang at hinintay na magsalita ang anak. Pilit na itinatago ang kabang nararamdaman.

Sa halip na magsalita ay napakagat-labi lang si Arya. Hindi pa ito nakontento, sinimulan nitong isubo ang daliri. Marahang kinagat-kagat ni Arya ang hintuturo nito. Mula noong bumuti ang kalagayan ni Ginang Aria, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang kumain ng maayos, uminom ng gamot sa tamang oras, makipag-interact at kilalanin ng maayos ang mga anak niya, ganoon din ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. Si Samantha Salvador.

Sa unang pagmamasid ng ginang, kaagad na nakaagaw sa pansin niya ang habit na ito ni Arya. Isinusubo nito ang daliri sa tuwing nininerbiyos ito.

"May problema ba, A?" May pag-aalalang tanong ng ginang sa kanyang bunsong anak.

Huminga ng malalim si Arya, na para bang napalaki ng dinadala nito.

"Ahm..." Napakagat-labi si Arya, pagkatapos ay sumulyap sa ina. "S-si ate Sam po kase, mommy," halos pabulong na anas ng dalagita.

Napakunot-noo ang ginang. Sa loob ng dalawang buwan na kasama nila si Samantha, bukod sa pagiging seryoso minsan ng dalaga, wala namang maipipintas ang ginang dito.

May ginawa ba itong hindi maganda sa kanyang anak? Kapag nangyari 'yun, hindi pu—

"Ma, narinig ko kanina, gustong makipag-divorce ni ate Sam kay kuya Arem!"

Maang na napanganga ang Ginang dahil sa narinig. Tuluyan ng nag-freeze ang isipan niya at hindi na niya naituloy ang mga bagay na bigla na lang sumulpot sa isip niya kanina.


D-divorce?

Tama ba ang naririnig niya?

Hindi pa nga ito opisyal na kasal sa panganay niya heto at naririnig na niya ang salitang divorce mula sa bibig ng kanyang bunsong anak?

"Narinig ko ma, sinabi 'yan ni ate kaninang umaga sa kausap niya," ulit ni Arya nang mapansin na hindi naniniwala ang kanyang ina sa sinabi niya.

"Maa, anong gagawin natin? Gustong makipag-divorce ni ate..." Naiiyak na halos na saad ni Arya.

Ang kaba at nerbiyos na nararamdaman nito ay tuluyan ng lumabas ng mga sandaling 'yun. At naiintindihan ng ginang kung bakit.

Dahil kay Samantha unang naramdaman ni Arya ang pagmamahal ng isang nakatatanda, masyadong mataas ang pagtingin ng dalagita sa kanyang sister-in-law.

She respected her, looked up to her and loved her like she's one of her people.

"It's all kuya Arem's fault! Bakit kase hindi pa siya umuuwi? Ano bang ginagawa niya sa ibang bansa, mommy? Hindi na nga niya tayo binibisita, pati ba naman asawa niya ii-snob-in niya?" Naiinis na tanong ng dalagita.

Ibinuka ni Ginang Aria ang kanyang bibig para kontrahin sana ang sinabi ng bunsong anak. Pero wala siyang mahanap na aangkop na salita.

Partly, yes, it's his fault kung bakit nga nakaisip ng ganoong bagay si Samantha. That daughter-in-law of her is very reliable. To the point na ito na ang naging haligi at ilaw ng kanilang tahanan. Kung hindi dumating si Samantha sa buhay nila, baka hanggang ngayon, binu-bully pa rin sila ng katulong na si Pepita.

Naalala ng ginang ang unang araw na dumating si Samantha sa bahay nila. Sa harapan ni Helda, binati niya ang dalaga para hindi magalit ang hipag niya. Dahil alam naman ng ginang na sa oras na magalit ang hipag niyang si Helda, ang mga anak niya ang pagbubuntunan nito ng nararamdaman. At ayaw niyang mangyari iyon.

Mula sa loob ng kwarto ay naririnig niya ang lahat ng mga sinasabi at ginagawa ni Samantha noong mga sandaling iyon. Iyon ang unang beses na may nagtanggol sa mga anak ng ginang kaya paanong hindi siya matatamaan sa ginawa nito?

Samantha touched her heart right on that moment. Her simple gesture makes her heart tremble and her eyes hot that she cried a lot. Walang nakakaalam kung gaano siya katagal umiyak ng mga sandaling iyon. Noong dalhan siya ng pagkain sa loob ng panganay niyang si Ariston ay nagpanggap na natutulog ang ginang.

Pero patuloy siyang umiiyak sa saya noon. She's very thankful that Samantha came into their lives. Hanggang sa mga sandaling iyon. Ipinagpapasalamat pa rin iyon ng ginang. Kaya naman hindi niya malaman kung paano ipagtatanggol ang anak na si Arem.

It's been 15 years. At mula noong umalis sila sa mansiyon ay wala na siyang naging balita pa sa kanyang panganay na anak. Don't tell her na tuluyan na itong na-brainwash ng mga lolo at lola nito?

Malungkot na napatitig ang ginang sa portrait na naka-display sa dingding ng kanyang kwarto. Nakangiti doon ang 10 years old na si Arem.

Posible naman iyon. Posibleng ma-brainwash talaga ito ng dalawang matanda dahil sa kakayanan at kayamanang taglay ng mga ito.

Masyadong makapangyarihan ang dalawang matandang 'yun. Kung pera at koneksyon rin lang ang pag-uusapan, aminado ang ginang na wala siyang kalaban-laban doon. Kahit na umuwi ito ng dalawang magkasunod na taon  noong mag-college ito, hindi naman nagtatagal sa Pilipinas si Arem, pinakamatagal na stay nito doon ay isang linggo lang. Pagkatapos ay babalik na rin ito kaagad sa America. Kahit na anong nakiusap ni Ginang Aria noon sa anak na manatili na lang ito sa tabi niya, hindi ito pumayag na mag-stay for good at sa Pilipinas na ulit ipagpatuloy ang pag-aaral. Noong magsimula na itong mag-take over sa Syquia Global Corporation, mas lalo na itong nawalan ng panahong bumisita o tumawag man lang.

Muling humugot ng malalim na paghinga ang ginang. Biglang-bigla ay bumigat ang kanyang dibdib.


It's suddenly felt so heavy and empty.

"Mommy?" Nag-aalalang lumapit si Arya sa kanyang ina na biglang nawala ang kinang sa mga mata. Hindi nakaligtas sa paningin ng dalagita ang kalungkutang biglang lumukob sa ginang.

Kaya naman mas lalo pang nakaramdam ng inis si Arya sa kanyang nakatatandang kapatid.

Ngumiti ng tipid ang ginang. Hinawakan nito ang kamay ng bunsong anak saka iyon hinaplos ng marahan.

"Bata pa lang ang kuya mo, engaged na siya kay Faye. Mabait naman ang batang 'yun, kaya lang sa palagay ko ay na-brainwash na siya ng mga auntie Helda mo. Hindi na rin ako magtataka kung isa sa mga araw na ito ay ikakasal si Faye at ang panganay na anak ng auntie Hilda mo. Matagal na nilang pangarap na makapasok sa mundo ng mga nakatataas. Pagkatapos nilang angkinin, maging ang mga ari-arian namin ni daddy niyo, hindi na ako magtataka na nakuha rin nila pati ang fiancée ng kuya niyo," malumanay na saad ng ginang.

Sumimangot lang si Arya dahil sa narinig.

"Mommy, wala po akong pakialam sa kanila. Si Ate Sam lang po ang gusto ko," kitang-kita sa mga mata ni Arya ang pagkadisgusto kay Faye.


Hindi nagsalita ang ginang.


Saksi ang ginang kung gaano ka-close si Faye Madrigal at Arem noong mga bata pa ang mga ito hanggang sa mag-high school. Childhood sweethearts ang dalawa kaya mauunawaan ng ginang kung hindi kaagad makaka-move on ang kanyang panganay na anak.

Pero kapag nangyari iyon, paano naman si Samantha?

Si Samantha na wala namang ibang ginawa kung hindi ang ituring sila na para bang sarili nitong pamilya.

"P-paano anak kung may ibang girlfriend ang kuya mo? Paano kung may iba siyang mahal at masaya silang nagkikita o magkasama ngayon sa ibang bansa?" Hindi mapigilang itanong ng ginang. Tinitigan nito ng matiim ang bunsong anak.

Kung anu't-ano man, gagawin niya ang lahat para mapalaya si Samantha mula sa engagement nito at ng kanyang anak kung may iba mang mahal ang panganay niya. It's the least thing that she could do for Samantha. Hindi pwedeng ikulong nila ito sa isang relasyon na maaagrabyado lang ito.

Napakagat-labi si Arya. Iniisip niya pa lang ang tungkol sa bagay na 'yun, kumukulo na ang dugo niya sa kuya niyang malandi! Kung may girlfriend naman pala ito, bakit hindi man lang ito gumawa ng paraan para mapigilan na magpunta si ate Samantha niya sa bahay at sa buhay nila?

Kung pinigilan lang sana nito ang sarili nitong engagement kay Ate Samantha niya, hindi sila nito matutulungan. Hindi sana niya ito hahangaan. Hindi niya ito mamahalin at ituturing na parang isang tunay na kapatid!

That Arem Syquia!

If he can't marry her ate Sam, she's going to hate him!

At siya, sasama na lang siya sa pag-alis ng ate niya. Makikita ng lalaking 'yun. Makakatikim talaga ito sa kanya kapag hindi nito trinato ng tama ang pangarap niyang sister-in-law!

Continue Reading

You'll Also Like

677K 3.8K 30
Completed Paano natagpuan ni Olivia ang sarili sa ibang kama,gayong may naghihintay siyang asawa sa kanilang bahay?
17.7K 812 44
Napagdesisyunan ng magkapatid na Avrice at Amritta na manirahan sa Arturia Town sa bahay ng kanilang tiyahing si Trinity matapos mamatay ang kanilang...
25.7K 764 54
MHEL CHAZEINTH DIZON an 27 years old and turning 28 on Wednesday in april 25 Mhel is just visited in Philippines to see how was going their company...
432K 11.6K 47
She entered the world of brutality to take revenge to those who killed her mother. But everything changed when she met this cute little guy. Will she...