The Divorce

By MrsPeriwinkle0024

27.8K 1.5K 227

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... More

Chapter 1: Rebirth
Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 4: Asking For Pocket Money
Chapter 5: Unexpected Turn Of Events
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 8: The Truth
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 14: Going To Hate Him
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 29: A White Dress
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 37: Wish
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 41: Torture And Imaginations
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 44: Good Bye
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 53: Bothered
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 56: Someone Who Knows Her Best
Chapter 57: Stick To The Original Plan
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 60: Different Types
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 13: Loyalty

363 16 0
By MrsPeriwinkle0024

Mabilis na lumipas ang mga araw. Para kay Samantha, bawat araw na nagdadaan ay tahimik at kalmado. Hindi na siya dinadalaw ng bangungot at mas payapa na ang kanyang isipan. Nakakatulog na rin siya ng maayos at hindi na nagigising tuwing madaling araw.

Salamat sa mapayapang lugar ng Santa Elena. The place help her ease her body and mind.

May isang problema na lang ang dalaga ngayon.

Si Arem Syquia.

Dalawang buwan na ang matuling lumipas pero ni anino nito ay hindi man lang nasisilayan ng dalaga. Naipa-check up na niya at lahat-lahat ang nanay nito, napataba na niya ang mga kapatid nito at naipaayos na niya ang bahay ng mga ito pero wala pa rin ang appearance ng magaling na lalaki!

Aware naman ang dalaga na napaka-insignificant niya para pagtuunan ng pansin ng isang CEO, pero hello, anong balak nitong gawin sa kanya? Lalo na ngayon, ipinamalita na ng buong pamilya nito sa Siudad na siya ang asawa nito.

Napailing na lang si Samantha. Pinagmasdan niya ang kanyang biyenan na unti-unti nang bumubuti ang kalagayan. Kasalukuyan itong nasa harapan ng bahay. Nakaupo sa isang monobloc habang nagbibilad sa pang-umagang araw at nakikipagkwentuhan sa kapitbahay na si Aling Saneng.

Paano niya paplanuhin ang future niya kung hindi nagpapakita ang lalaking 'yun? Gustong-gusto nang umalis ni Samantha at mag-travel na lang around the world. Pagkatapos niyang ipaayos ang bahay, at bilhin ang mga gamot ng kanyang mother-in-law, may natitira pa rin na lagpas isang milyon si Samantha.

Hindi niya inaasahan na malaking pera din pala ang ipinadala ng kanyang foster parents sa kanya. Lahat din ng mga alahas na nasa vault ng mag-asawang dela Vega ay ipinadala din ng mga ito. Dahil dito na binuksan ni Samantha ang luxury bag na ipinadala ng kanyang mommy, saka niya lang nalaman na kasama pala nitong ibinigay ang lahat ng mga alahas na ninakaw niya rin noon in her past life.

So those jewelry was bound to be with her. In her past life and in this lifetime.

Huminga ng malalim si Samantha. Naputol lang ang pagmumuni-muni niya noong biglang mag-ring ang telepono na nakapatong sa pasamano ng terrace.

Kunot-noong tinitigan iyon ni Samantha. Parang nahuhulaan na niya kung sino ang tumatawag.

Muling huminga ng malalim si Samantha bago pinindot ang answer button.

"Hello?"

["Ate Sam!"] paimpit na tawag ng boses babae sa kabilang linya.

"..."

Hindi malaman ni Samantha kung anong reaksyon ba ang ibibigay. Dalawang buwan pa lang ang lumilipas pero kung maka-ate ito ay para bang magkapatid talaga silang dalawa.

"D-daureen?" hindi kaya sinasapian ang babaeng nasa kabilang linya? Bakit pakiramdam ni Samantha ay naging friendly masyado ang boses nito?

["Kamusta ka diyan ate? Ikaw ang tumawag sa bahay noong isang araw diba? Kanina lang naikwento ni Yaya Ipeng. Sabi niya may tumawag daw pero hindi nagsasalita. Isinave niya daw ang number dahil baka importante. Kaninang almusal niya lang naalalang sabihin kaya tinawagan kita kaagad after ko kumain. Kumusta ka na diyan, ate? Hindi ka ba minamaltrato ng asawa mo?"]

Samantha bit her lower lip.

The woman on the other line sounded so worried. And it seems so genuine. Samantha suddenly felt like there was a lump in her throat.

Tsk.

Wrong move talaga ang pagtawag na ginagawa niya!

Nalulungkot lang naman siya nang mga sandaling iyon, at gusto niyang marinig ang boses ng mommy o daddy niya. Pakikinggan niya lang. Kahit na ilang segundo lang iyon, magiging okay na siya ulit. Siguro dahil naho-homesick lang siya?

Hindi inaasahan ni Samantha na si Daureen pa talaga ang tatawag sa kanya at mangungumusta.

"Hmm, I'm good. Mabait ang mother-in-law ko pati na rin ang mga kapatid ng asawa ko," tanging nasagot ni Samantha

["Eh ang asawa mo?"] Nag-aalalang tanong ulit ng nasa kabilang linya.

Natahimik si Samantha. Napatitig siya sa biyenan niyang tumatawa ng mahinhin. Unti-unti nang bumabalik ang laman nito sa buong katawan. Hindi na rin ito gaanong maputla. Sa tuwing nakikipag-usap ito kay Samantha ay palagi itong nakikipag-usap sa mahinahon at malambing na tinig.

Palagi itong nakangiti sa kanilang lahat.

Hindi mapigilan ni Samantha ang sarili na mapalapit dito. Lalo na at palagi na lang itong concern sa kalagayan niya.

"H-hindi pa kami nagkikita," Tsk. Bakit ba siya nauutal? At bakit ba parang nakokonsensiya siya?

Well, supposedly, si Daureen naman talaga dapat ang nasa lugar na ito.

["Ate, kapag hindi ka niya itrinato ng tama, umuwi ka na lang dito. Our parents' house is so big! It can accommodate all of us,"] sinserong wika ni Daureen mula sa kabilang linya.

"Hmm. let's see. Hay... ang tagal-tagal naman paano niyang umuwi. Gustong-gusto ko nang makipag-divorce," mahinang bulong ni Samantha.

Dahil siguro sa wala siyang ibang masabihan kaya naibulalas niya sa kanyang kausap ang bagay na maraming araw na rin niyang iniisip.

["Oh, so you plan to divorce him? Then, go back here after your divorce, okay?"] Excited na bulalas ni Daureen mula sa kabilang linya.

"Let's go see, let's see, pero hindi ko maipapangako," ani Samantha. Sa totoo lang ay hindi niya malaman kung paano kakausapin ng maayos ang babaeng may malambing na boses na nasa kabilang linya. "Ah, oo nga pala Daureen, may gagawin pa nga pala ako, please take care of Mom and Dad. I'll try to call naman next time.  Bye!"

Hindi na hinintay ni Samantha na sumagot pa mula sa kabilang linya si Daureen. Pinatay na niya ang tawag. She felt so conflicted. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa babaeng  nasa kabilang linya.

Truthfully, she's a little a happy, and a bit more guilty.


*****

Mula sa likuran ng pintuan ay nanlaki ang mga mata ni Arya nang marinig ang sinabi ng kanyang ate Samantha sa kausap nito. Hindi niya inaasahan ang bagay na narinig niya. Noon niya lang nakita na may kausap sa telepono ang kanyang eldest sister-in-law kaya naman hindi siya lumabas ng pinto para hindi ito maabala sa pakikipag-usap.


Pero...

Divorce?

Ibig bang sabihin ay aalis na ito sa bahay nila kapag nag-divorce ito at ang kuya niya? Wala pa man ay nakakaramdam na ng takot ang dalagita.

Ayaw niyang mangyari ang bagay na 'yun! Ayaw niyang umalis ang kanilang ate Samantha sa bahay nila. Dahil sa lahat ng mga taong nakasalamuha nilang magkakapatid, tanging ito lang ang trumato sa kanila na para silang tunay nitong pamilya. Hindi sila itrinato na iba. Never silang nilait at minaliit.

Para kay Arya, si Samantha ang pinaka-the best na nilalang sa buong mundo!

Malungkot na pinagmasdan ni Arya si Samantha na nakaupo pa rin sa pasamano ng terrace at matamang nakatitig sa Mommy nilang masayang-masaya habang nakikipag-usap sa kapitbahay.

Biglang-bigla ay nakaramdam ng kalungkutan ang dalagita. Ibig bang sabihin ay hindi talaga sila nito tunay na mahal? Dahil kung napamahal na ito sa kanila, bakit kailangan nitong umalis?

Hindi pa rin ba pamilya ang turing nito sa kanila?

O hindi naman kaya may ibang problema?

Naningkit ang mga ni Arya.

Yeah!

That's right!

Bakit nga ba muntik na niyang makalimutan. Na ang puno't dulo ng lahat ay ang lalaking 'yun! Kung may tao mang dapat sisihin. Ang lalaking 'yun ang may kasalanan ng lahat!
Ang magaling niyang kuya Arem ang may kasalanan eh.

Kung umuwi lang sana ito kaagad, eh di sana, hindi nakakaisip ng divorce ang sister-in-law niya.

Hmph!

Sisiguruhin ng dalagita na malilintikan ito pag-uwi, o kaya naman ay mas mabuti pang huwag na lang itong umuwi para hindi na umalis ang ate Samantha nila!

Huminga ng malalim si Arya. Napagdesisyunan niyang kausapin ang mga kapatid at sariling ina. Kailangang makagawa sila ng paraan para hindi umalis ang ate Samantha niya. Sa kanilang pamilya lang dapat ito. Ito ang gusto niyang sister-in-law at walang balak si Arya na kumilala ng ibang babae.

Kung sakaling umuwi ang kuya niya at may bitbit itong ibang babae, sisiguruhin niyang hindi niya ito kikilalaning kapatid sa buong buhay niya! Si Ate Samantha niya ang nandito ngayon, ito ang nagtanggol sa kanila, tumulong sa kanila at sumagip sa kanila. Hinding-hindi niya ito pagtataksilan.

Ito lang at wala ng iba pang kikilalaning eldest sister-in-law si Arya!

Tinitigan ni Arya si Samantha ng may malaking determinasyon. Hindi siya papayag na sirain ng ibang tao ang kaligayan ng kanilang pamilya. Gagawin niya ang lahat para mahalin at ituring din silang pamilya ng kanyang ate Sam!

Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 251 53
Four dead students, one dead politician, one dead secret agent. What do they have in common--four punctured wounds in the neck and a strange burnt ma...
432K 11.6K 47
She entered the world of brutality to take revenge to those who killed her mother. But everything changed when she met this cute little guy. Will she...
3K 189 9
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members
93.8K 2.1K 37
"Paano mo ito nagawa aa akin?? ako ang asawa mo!!!" sigaw ko sakanya kasama ang babaeng nakakapit ngayon sa balikat niya. "Oo nga at Reyna ka pero Hi...