PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf...

By YroEno

8.4K 145 13

"Gising ako sa buong magdamag, Aurora. Kinatatakutan ko ang magiging reaksiyon mo sa pagkatuklas mo sa pagkat... More

Martha Cecilia - The Wolf & The Beauty
PROLOGUE
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen - Last Part

Chapter Nine

318 5 1
By YroEno


"HELLO, Doreen."

"Anong oras ang dating mo mamaya?" tanong kaagad nito.

"Doreen, listen. Kahapon pa ako nakabalik sa Pilipinas. Narito ako sa... sa Pagudpud—"

"Pagudpud?" bulalas nito na pumutol sa sinasabi niya. "Ano ang ginagawa mo riyan? Magkasama ba kayo ni Gregor?"

"Hindi kami magkasama ni Gregor," aniya na tumigas ang tinig. "Kung sakaling tumawag siya sa iyo ay huwag mong sasabihing nagkausap tayo. Tulad ng sinabi mo'y mamaya pa ako darating. Saka ko na ipaliliwanag sa iyo, nanghiram lang ako ng cell phone. Sunduin mo ako rito. Kayo ni Ate Oliva. And please, Doreen, wala kayong pagsasabihan kung saan kayo pupunta. Huwag kayong mag-eroplano. Rent a car..."

"H-hindi ko naiintindihan. Bakit namin kailangang magrenta ng sasakyan?"

"Para hindi ka mapagod sa mahabang pagmamaneho." Upang hindi makilala ni Gregor ang sasakyan kung may mga tao siyang nag-aabang sa iyo, she wanted to tell her but held herself.

Hindi niya gustong takutin si Doreen at si Olivia. "Idikta mo sa akin ang cell phone number mo at tatawagan kita uli bandang alas-otso kapag paalis na kayo riyan. At kapag nasa Pagudpud ka na ay tatawagan din kita para ituro ang kinaroroonan ko. Kung aalis ka diyan sa atin ng alas-otso ng gabi ay malamang na narito ka na bukas ng umaga..." dere-deretsong sabi niya.

"Hindi kita naiintindihan. Mamaya pang gabi ang uwi mo dapat mula sa Korea. Ano ang nangyari?"

"Huwag ka na munang magtanong. Mahabang paliwanag. Umalis kayo kaagad ni Ate Olivia. Please, wala kayong pagsasabihan kung saan kayo patungo..."

Pinutol niya ang koneksiyon pagkatapos niyang hingin ang cell phone number nito. Natitiyak niyang naguguluhan si Doreen pero hindi pa niya masasabi rito ang totoong pangyayari. Pagkatapos ay binalak niyang tawagan si Olivia subalit naalalang hindi niya kabisado ang cell phone number nito. Bahala na si Doreen na magpaliwanag dito. Instead, she dialed one familiar number.

"Hello..."

"Nadja..." she said softly. At parang gusto niyang bumunghalit ng iyak pagkarinig sa tinig ng kapatid. She missed her so. Lalo na ngayong sila na lang dalawa.

"Aurora? You have a new phone?" Hindi nito hinintay ang sagot niya at agad dinugtungan ang sinabi, "I'll be home next week and—"

"No, Nadja! Huwag kang umuwi! Manganganib ang buhay mo..." Her voice trembled. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang buong pangyayari.

"What are you talking about, Rory?"

"Si... si Tatay, Nadja... Pinatay si Tatay—"

Aurora heard a sigh. "Rory, please calm down," Nadja said gently. "You are having a post traumatic stress. Naitawag at nasabi mo na sa akin iyan, hindi ba?" There was a catch in Nadja's voice. "I can't believe it happened to Tatay. And I am so sorry that I wasn't there and that—"

"Si Gregor ang pumatay kay Tatay, Nadj."

"What?"

"Pinlano ang ginawang panloloob. Tama si Tatay. Hindi nga lang niya nakilala kung sino ang kasabwat ni Gregor sa mga empleyado natin. It was an inside job..."

"How... how...?"

"Mahabang paliwanag, Nadj. Narito ako sa Pagudpud—"

"Pagudpud! Akala ko ba'y mamaya pa ang biyahe ng eroplano mo pauwi sa Maynila?" Inulit lang nito halos ang sinabi ni Doreen. "What is going on? Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari."

"I'm running for my life, Nadj. Don't come home yet. Hinahabol ako ni Gregor at ng mga tauhan niya..."

"I'll kill that bastard, Aurora!"

"I want to kill him, too," sagot niya, may sinasabi si Nadja subalit hindi na niya gaanong naririnig. "Hello... hello..." Tiningnan niya ang signal. Wala na iyon. Sinubukan niyang i-dial uli ang numero ng kapatid nang tatlong beses subalit hindi na siya maka-contact. Nang tingnan niya ang screen ay wala na siyang signal.

Napaungol siya. Sana'y nabalaan pa niya nang husto ang kapatid. Baka magpadalus-dalos ito at umuwi sa araw at oras ng takda nitong pag-uwi. And that would be four days from now.

Itinuon niya ang paningin sa kagubatang nasa harap niya at pinuno ng hangin ang dibdib. Kapag dumating sina Doreen at Ate Olivia bukas ng umaga ay sa Cagayan sila magdadaan pabalik sa Bulacan. Hindi siya maglalakas-loob na bumalik sa Bangui o sa Laoag. Ano ang malay niya kung nakaabang doon ang mga tauhan ni Gregor.

She sobbed. Kung sana'y buhay pa ang tatay niya. Alam niyon ang gagawin. Ipinagsalikop niya sa katawan ang mga braso niya. She was scared. At wala siyang ideya kung ano ang marapat niyang gawin maliban sa magtungo sa mga pulis.

And then what? Natitiyak niyang magtatago si Gregor. At paano kung patuloy siya nitong tugisin, silang magkapatid?


"NATITIYAK kong narinig mo ang pakikipag-usap niya sa unang babae. Ang pangalawa ay kapatid niya..." ani Mikhail kay Lukas. Nasa isang bahagi sila ng malawak na sala.

Sinulyapan ni Lukas si Aurora sa balkon. The strapless summer dress fitted her to a T. She looked so young and lost. Ito ang uring buong buhay ay protektado ng magulang. At sa wari ay hindi nito kayang pakitunguhan ang nangyayari ngayon dito.

Nakatalikod ito at gumagalaw ang mga balikat. The woman was crying. Parang may malaking batong nakadagan sa dibdib ni Lukas sa nakikita. He wasn't familiar with the feeling. But he wanted to take her in his arms and offer comfort.

Hindi na mabilang ang mga babaeng napaugnay sa kanya, maging iyon man ay katulad nila—half-man, half-beast—o mga tao. Subalit walang babaeng nakaapekto sa kanya nang ganito sa napakasandaling panahon.

Kahit noong una niyang nakita ang babae sa coffee shop sa Bucharest. There was something about her that attracted him. At iyon ang pilit niyang itinatanggi sa sarili.

Nalalanghap niya ang takot na isinisingaw ng katawan nito. Yet Lukas tried to ignore it this morning. Pero ngayong narinig niya kung bakit tumatakas ito at ang nagbabantang panganib dito ay gusto niyang lurayin ang leeg ng taong may dulot niyon.

Kung sino man ang Gregor na binabanggit nito ay nais niyang kitlan ng buhay. The beast in him dictated that. Pinukaw ni Aurora ang protective instinct niya. Bagay na hindi niya maunawaan sa sarili. A low snarl came out of his throat.

"Your eyes are changing, Lukas!" babala ni Mikhail na kumunot ang noo, hinawakan siya sa braso. "And your paws are showing! Kailan pa nangyaring nagkaganyan ka nang walang kaabug-abog? And you are snarling!" Mikhail was stunned.

Lukas blinked. Kapagkuwa'y agad na kinalma ang sarili. Unti-unting nagbalik sa normal ang mga mata niya. Ikinuyom niya ang mga palad.

"Nagagalit ka! And you lost control!" patuloy ni Mikhail na totoong namangha. Kapagkuwa'y muling itinuon ang mga mata sa balkonahe, kay Aurora. "I'll be damned!"

"Shut up, Mikhail!" Humugot siya ng malalim na hininga nang ilang beses.

"What happened just now, Lukas?"

Tumaas-baba ang dibdib niya. "Hindi ko alam. But I've met her before..."

Nagdikit ang mga kilay ni Mikhail. "Really? Where?"

"The day before we left Bucharest. Naligaw siya sa pagbabalik sa hotel niya at napasok sa iskinitang tambayan ng mga muggers."

"I can guess what happened. Nakilala ka niya?"

"Wala siyang natatandaan sa nangyari dahil nawalan siya ng malay. Pero alam kong namumukhaan niya ako mula sa coffee shop. Hindi lang niya ipinilit."

"Wow! Ano na nga ang tawag mo sa ganoon? You were fated to meet again. Magpasalamat ka sa akin, cuz."

Lukas glared at his younger cousin and turned his back.

Sinundan ng tingin ni Mikhail ang pinsan. Then a smiled curved his lips.


KALMADO na ang damdamin ni Aurora nang pumasok sa loob ng kabahayan. Sinikap niyang ngitian si Mikhail na nakasandal sa dulo ng piano at nakangiti sa kanya. She liked him. Napaka-easy going. Hindi katulad ni Lukas na mahirap pakitunguhan.

"Are you okay?"

Payak ang ngiti niya rito. "I will be. Soon. Thank you." Humakbang siya patungo sa isa pa uling rebulto ng aso sa sulok ng bahay. Sa pagkakataong iyon ang rebulto ay nakaupo naman. Inukit iyon sa kahoy na kasingkulay ng maitim na tsokolate. Hinaplus-haplos niya iyon. "Ito ang pangalawang rebulto ng aso sa bahay na ito. Are there more?"

Mikhail chuckled. "Dalawa lang iyan."

"This is different from the one in the library. You have two dogs? Rather wolf? Are they really wolves?"

Mikhail was non-committal and shrugged.

Ang balak niyang itanong kung nasaan ang isa pang lobo ay iglap na naglaho sa isip niya nang mapuna ang isang miniature farm na nakalatag sa isang mesa malapit sa piano. Sa gilid nito ay isang gawang-karton na isang palapag na building.

"Ang ganda naman!" bulalas niya.

"The Luna Rosa Farm and the hotel."

Hindi niya iyon napuna noong una pati na ang rebulto ng aso dahil pagkakain ay ipinahiram na sa kanya ang cell phone ni Lukas. "Parang totoong-totoo. What are these plants?" She gently touched one of the paper plants on the box.

"Dragon fruits..." kaswal na sabi ni Mikhail. "One of Lukas' businesses here in Ilocos. Mostly for exports..."

Nag-angat siya ng paningin kay Mikhail. "One? What are the others?"

"An oil refinery. Beach resorts and hotels. He owns two famous world-class beach resorts and hotels here in the North. He also owned two hotels in Romania—"

"Romania!" bulalas niya, kumislap ang mga mata. "I knew it! I've met Lukas in Bucharest more than a week ago! Sa coffee shop. Hindi ko lang gustong ipilit sa kanya dahil baka lalo akong pagsungitan. Alam kong natatandaan niya ako," she said excitedly. Then she was thoughtful. "Hindi ko alam kung bakit itinatanggi niyang nagkita na kami..."

"Blame it on poor memory..." Mikhail laughed. "Hindi matandain sa mukha si Lukas. But really, I'm surprise that you've met a week before we left Romania." And you would have died had we delayed a day in coming here, gustong idagdag ni Mikhail.

Ibinalik niya ang pansin sa miniature farm.

"Lukas is a very young entrepreneur."

"Yep. Lukas is only twenty-six years old," Mikhail supplied.

"What about his parents?"

"Mikhail, kailangan ka ni Manong Onofre sa pool," ani Lukas mula sa likuran bago pa masagot ni Mikhail ang tanong ni Aurora.

Mikhail shrugged his shoulders, smiled at Aurora, and walked towards the backdoor. "See you later." Sumaludo ito at saka tumalikod na.

She cleared her throat. Ang dibdib niya ay biglang parang may tambol dahil lang dumating ito. Tumingala siya kay Lukas. "Nais ko sanang ipakiusap sa iyo na kung maaari ay dito ako magpalipas ng gabi," aniya. "Kung aalis sila mamayang gabi ay malamang na bukas na ng alas-otso o alas-nueve ang dating nila rito sa Pagudpud."

"No problem. You can stay at the guest room."

Nakahinga siya nang maluwag. "Maraming salamat, Lukas. Ipagpaumanhin mo ang kaabalahan ko."

"Ako ang pagpaumanhinan mo kung ninais kitang ipagtabuyan kaninang umaga. Hindi ako sanay na makatagpo ng trespassers sa private beach ko. Inisip kong nagdadahilan ka lang at may kasama ka at talagang plano ninyong gamitin ang beach."

"I am really so glad the dog... wolf brought me here." Then she frowned. "Is it really a wolf or you were just trying to scare me?"

"Both," he said.

Gusto sana niyang itanong kung bakit gusto siya nitong takutin pero minabuti niyang hindi na lang. "Where is your wolf, by the way? Bakit mula kaninang iwan ako n'on ay hindi ko na ito nakita pa?"

"Matagal na nakakulong ang lobo kaya nang pakawalan ko'y lumabis naman ang paglalaboy sa kung saan-saan," anito na muling sumeryoso. "Huwag mong alalahanin ang alaga ko. Mamaya'y narito lang iyon..." He paused, then, "Kung gusto mong maligo sa dagat ay gawin mo. Maaari din naman sa pool."

Nilingon ni Aurora ang likod-bahay bagaman hindi niya nakikita ang dagat mula sa living room. Nabigla siya sa sinabi nito, pero hindi niya maialis ang excitement na maglunoy sa dagat. Kahit pansamantala ay sisikapin niyang maalis sa isip niya ang pagkatuklas sa ginawa ni Gregor.

Itinaas niya sa ere ang mga kamay. "Wala akong—"

"Sa guest room ay may mga pampaligo roon. Mamili ka ng kakasya sa iyo." Pagkasabi niyon ay muli itong tumalikod. Nalilitong sinundan ito ng tingin ni Aurora.

The man had a myterious aura. And a very commanding personality. Idagdag pa na hindi ito ngumingiti, maliban kanina na halos hindi pa niya tiyak kung ngiti nga iyon. Nang mawala ito sa paningin niya ay tinunton niya ang pabalik sa guest room at naghanap ng pampaligo.

Napaungol siya nang makitang karamihan ay two-piece bikini ang mga naroroong pampaligo. A dozen of them. Nakahinga siya nang maluwag nang makakita ng dalawang pirasong one-piece bathing suit. Ang isa ay sintas lang ang nag-uugnay mula sa bikini top at bottom. Ang isa ay aqua green, disente ang harapan subalit buong likod ay nakahantad. Iyon ang pinili niya.

Sinipat-sipat niya ang sarili sa full-length mirror. Wala naman siguro siyang dapat ikahiya bagaman noon lang siya nakapagsuot ng ganoon ka-daring na pampaligo. Bagay naman sa kanya at hindi naman siya pahuhuli sa mga nagseseksihang babaeng nakikita niya sa mga magazines.

And then Lukas' image came to mind. Tall, dark, ruggedly handsome, and mysterious with his dark whiskers. Kapagkuwa'y bigla niyang naisip na si Lukas ang nais niyang ma-impress sa suot niya.

She shook her head. She was an unwanted guest in this house. She was being given courtesy. Nothing more. Hindi na sila uli magkikita pagkatapos niyang umalis bukas ng umaga pagdating nina Doreen at Olivia.

Sa kaisipang iyon ay isang matinding panghihinayang ang gumuhit sa dibdib niya. Ibinalik niya sa huwisyo ang sarili, kumuha ng tuwalya sa linen cabinet sa loob ng napakalaking banyo at lumabas na uli. Wala siyang makitang tao sa kabahayan. Wala rin namang laging tao sa bahay nila sa Bulacan, but this was a big house with tall ceilings.

Deretso siyang lumabas sa likod-bahay. Inaasahan niyang naroroon si Mikhail at ang Mang Onofre na sinabi ni Lukas na may ginagawa sa may pool area. Subalit wala ring tao sa bahaging iyon. Nagkibit siya ng mga balikat at dere-deretso sa hagdanang bato. Going down the zillion steps was a breeze.


"YOU LIKE her," ani Mikhail mula sa likuran ni Lukas na tinatanaw mula sa bintana si Aurora.

"Hindi ko siya kilala para ako magkagusto."

"Hindi naman kailangang magkakilala nang matagal ang dalawang tao para magkagustuhan," anito. "Have you heard of love at first sight?"

Lukas almost rolled his eyes. "Get real, Mikhail."

Pero parang hindi siya naririnig nito. "Serendipity. I've watched that movie. Hindi ka ba naniniwalang nakatakda kayong magkakilala?"

"Don't be such a romantic fool, cousin."

"She's young, beautiful, and sexy. Ang nakakatuwa kay Aurora ay parang bale-wala sa kanyang maganda siya. Hindi katulad ng iba na talagang ginagamit ang kagandahan para magpa-cute sa atin."

Hindi niya sinagot iyon at patuloy na pinanood mula sa villa si Aurora.

"Nararamdaman kong naaakit ka sa kanya." There was a teasing tone in Mikhail's voice. "Alam ko kapag nagkakagusto ka sa isang babae, Lukas. You pursue her like a dog in a heat. No pun intended." He laughed.

Isang masamang tingin ang ibinigay ni Lukas sa pinsan. "Then I don't like her, if that is so."

"Kakaibang uri ng pagkaakit, Lukas," Mikhail said excitedly. "And don't deny that. Kanina ay totoo akong nagulat sa nakita ko sa iyo. Kung hindi kita napuna ay baka nagpalit ka ng anyo nang wala sa oras. At hindi ka ganoon, Lukas. For four years, you've perfected the act of shape-shifting at will. Kahit ka nagagalit, kahit ka nasasaktan, nagagawa mong kontrolin ang sarili at hindi nagpapalit ng anyo!"

"At iyan ang gusto kong hasain mo sa iyong sarili, Mikhail! Para sa kapakanan mo. You are so impulsive and without any control. Mapapahamak ka sa ginagawa mo."

"Huwag mong ibaling sa akin ang usapan," anito. "Ikaw ang pinag-uusapan natin. You kind of like Aurora. You know the meaning of her name? Bukang-liwayway. Pag-asa. Who knows, Luke?"

May ilang sandali ang pinalipas ni Lukas bago sumagot. Muling hinayon ng tingin si Aurora na naglulunoy sa dagat. "There's no hope, Mikhail. Kapag dumating na ang sundo niya bukas ng umaga ay hindi na muling magtatagpo ang landas namin."

"Ano namang kalokohan iyan? Kahit marahil nasaang dako siya ay madali para sa iyong magkita kayong muli. Kung nagkita na kayo sa Bucharest tapos dito sa Pagudpud, bakit hindi ang Bulacan, eh, ang lapit lang niyan. Hindi mo kailangang tumawid ng dagat..."

Lukas frowned at his cousin. "Bakit ganyan na lang ang pagnanais mong mapalapit siya sa akin?"

Nagkibit ng mga balikat si Mikhail. "Maybe I want you to enjoy life. Maybe I want you to fall in love and be loved."

Nagtagis ang mga bagang ni Lukas. Kumislap ang mga mata. "At ano ang alam mo sa bagay na iyan?"

Muling nagkibit si Mikhail. "Inampon ako ng mga magulang mo nang mapatay ng mga hunters ang mga magulang ko noong ako'y bata pa, hindi ba? Nakita ko ang pagsisikap ng papa mo na maging normal dahil sa pag-ibig niya sa mama mo."

"Na naging sanhi ng kamatayan niya. Si Papa lang ang nagmahal, Mikhail!" Tumaas-baba ang dibdib niya sa pagbangon ng galit pagkaalala sa paraan ng pagkamatay ng mga magulang. Lalo na ng mama niya. Hindi marahil naging mabuting asawa ang kanyang ina subalit pagdating sa kanya ay sinikap ni Luna Rosa na sugpuin ang takot tuwing nagpapalit siya ng anyo. And she didn't derserve the way she died.

Nagngalit ang mga ugat niya sa leeg. His eyes turned darker. Nagsisimulang lumabas ang matutulis niyang kuko sa mga kamay. His face had started to contour.

"Cool down, Lukas," babala ni Mikhail.

"Hindi ako titigil hangga't hindi ko naipaghihiganti ang pumatay kay mama, Mikhail!" aniya subalit unti-unting kinalma ang sarili.

"It's been four years, cuz. Hindi natin alam kung sino o ano ang pumatay sa kanila. Hunters wouldn't kill the way your mother was killed. Gagamit sila ng silver bullets or anything that has silver. Not to mention that there are no hunters here. It couldn't have been our kind also because as you said, there is no pack."

Hindi kumibo si Lukas. Nagpasok ng hangin sa dibdib at kapagkuwa'y muling ibinaling ang pansin sa karagatan. Naroroon pa rin si Aurora at nagpapakasawa sa paglangoy. Sa pagkakataong iyon ay nasa ibabaw ito ng pier at mula roon ay tinalon ang tubig. Isang sapilitang ngiti ang hindi niya napigil na kumurba sa bibig niya. Para itong batang nagmanhik-manahog sa pier at ginawa iyong diving board.

"A certain Gregor killed her father... iyon ang narinig nating sinabi niya sa kausap niya kahapon. Bakit hindi mo alamin ang pangyayari, Luke."

"Ayaw mo talagang tumigil, ano?" Hindi niya malaman kung maiinis nang tuluyan o maa-amuse sa pinsan.

"I kind of like her," anito at mabilis ding dinugtungan ang sinabi nang makita ang pagkunot ng noo niya. "Not the way you... you seemed to like her. Kung nakita mo siya kagabi ay mahahati ang puso mo sa awa. She was so terrified. She was cold and hungry. Para siyang batang nakasiksik sa batuhan sa takot na baka sagpangin ko siya. And to think before that, may labis na siyang kinatatakutan. I felt like a heel approaching her like that. Pero mas magtataka at magugulat siya kung makikita niya ako roon mismo bilang tao..."

"Kung hindi ka nakialam—"

"You don't really mean that," putol nito sa sinasabi niya at saka siya tinalikuran.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 2K 13
"You're life itself, Hannah. Para kang isang napakaningning na bituin na nagbibigay-liwanag sa daigdig ko." Ikakasal na si Hannah sa kanyang fiancé n...
66.9K 1.5K 10
Bagaman tutol si Ria sa kagustuhan ng kanyang ama na ipakasal siya sa hindi pa niya nakikitang anak ng kaibigan nito, wala siyang magawa. Iyon lang k...
4.7K 73 11
It's a risk na ilagay ang story na ito sa Wattpad, ilang beses akong nag isip kung ilalagay ko o hindi. Kasi alam ko iyong majority ng readers dito s...
6.3K 654 35
Katherine hated arranged marriage. Bata pa lang siya pinaalam na sa kanya ng mga magulang ang kasundoan ng pamilya ng mapapangasawa niya. Dahil sa ka...