CHAPTER 10
After 1 year
Pagkababang-pagkababa pa lang namin sa eroplano ay feeling ko gusto ko ng lumabas ng airport. Hindi ko akalaing tapos na ang 1 year na palugit samin ni granpa.
Excited na kong makita si Jace, dahil kahit sobrang nahirapan ako sa Korea, tiniis ko para sa kanya. Para pwede na kaming magkasama uli.
"Excited to see him?" natatawang tanong ni granma.
"So much granma. Granpa will now allow us to love each other," nakangiti kong sabi.
"That will happen if he still loves you." seryosong sabi ni granpa.
"Of course he will. I believe that he loves me so much,"
"Well.. that's good," nakangiting sabi ni granma.
Nung nasa Korea kami, si granpa at granma mismo ang nag-aasikaso sakin. Bumibisita lang doon sila mommy.
"Chloe/Bunso!" tawag nila mommy sakin. Kumpleto silang tatlo nila daddy.
"Mommy! Daddy! Kuya!" agad akong tumakbo para mayakap sila. Namiss ko sila. New year ko pa sila huling nakita eh. Bumitaw sila sa yakap ko at nilapitan sila granpa.
"Dad, Mom," nagbigay galang sila mommy at daddy kila granpa at granma. Si kuya din ay yumukod sa kanila bilang paggalang.
Pagkauwi namin ay sumalubong samin ang ilang kamag-anak at kaibigan namin.
"Waaaah! Bztfriend! Namiss kita! huhuhu.. Hindi tayo sabay nagmartsa nung graduation dahil sa Korea ka na daw nag-aral.. Bakit di mo ko kinontak huhuhu?" umiiyak na sabi ni France habang yakap-yakap ako.
"Mahabang kwento bztfriend eh.. Next time ko na sasabihin hehe," sabi ko at luminga-linga para hanapin ang taong gusto kong makita ngayon.
"Tara kain na muna tayo," yaya ni mommy.
"Mommy, nasan po si Jace?" excited kong tanong na syang tila nakapagpa-putla sa kanila.
Bigla akong kinabahan sa naging reaksyon nila.
"Anong problema?"
------------------------------
Para kong na-istatwa sa nakikita ko ngayon.
Kitang-kita ko mula dito sa labas nila kung paano sya hirap na hirap lumakad.
Agad akong pumasok at nakita kong nagulat sya.
"Jace.." agad akong tumakbo at niyakap sya.
Sinabi nila Lyndon na isang buwan na ang nakaraan mula ng maaksidente sya.
Tinignan ko sya at hinawakan sa magkabilang braso. "Kamusta ka na? Masakit pa rin ba ang binti mo? Halika tutulu-"
"Ahh.. miss.. nagkamali ka ata ng pinasok," sabi nya at tinanggal ang kamay ko. Hirap na hirap nyang pinuntahan ang wheel chair nya at umupo.
Napangiti ako. "Nagkaron lang ng highlights ang buhok ko, di mo na ko nakilala?"
Nangunot ang noo nya.
"Do I know you, miss?" tanong nya.
"Jace wag kang magbiro ng ganyan.. hindi nakakatuwa,"
Nangunot lalo ang noo nya at napahawak sa ulo nya.
"Kilala ba kita dapat?" tanong nya at napasabunot sa buhok nya. "Bakit hindi ko maalala? Shit! Bakit hindi ko maalala?"
Nagulat ako sa ginawa nya. "Jace.." agad kong inalis ang kamay nya sa buhok nya.
"Bakit hindi ko maalala? Bakit hindi kita makilala?" gulung-gulong tanong nya.
Kitang-kitang gulung-gulo sya. Anong nangyari? Bakit parang...
"Jace? Jace!" banggit ng boses ng babae sa likod ko at tumakbo kay Jace. Tila hindi nya ko napansin at agad na pinuntahan si Jace.
"Angela, sumasakit ang ulo ko," sabi nya habang sabu-sabunot uli ang ulo nya.
"Ano bang nangyari? Teka titignan ko sa loob ang gamot mo," alala nyang sabi at tatayo sana pero agad syang hinawakan ni Jace.
"Huwag mo kong iiwan dito," pakiusap nya.
~ "Huwag mo kong iiwan dito,"
"Huwag mo kong iiwan dito,"
"Huwag mo kong iiwan dito," ~
Doon lang ako napansin nung babae. Tinignan nya ko at tumayo.
"Kaibigan ka ba ni Jace? Pasensya na huh, may amnesia kasi sya. Iilan pa lang ang naaalala nya.." paliwanag nung babae.
Amnesia?
Lumabas si tita habang dala-dala ang isang tray ng pagkain.
"Chloe?" gulat nyang sambit.
"Her name's sounds familiar pero bakit hindi ko maalala?? Bakit wala akong maalala?!" patuloy na naman sa pagsabunot si Jace sa buhok nya.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Agad ko iyong pinunasan at umupo sa tapat nya.
"Magpahinga ka na muna,. wag ka ng masyadong mag-isip.. makakasama yan sayo," sabi ko at hinawakan ang kamay nya.
Parang dinurog ang puso ko nung ubti-unti nyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa kamay nya at tinignan yung babae kanina. Parang gusto uling pumatak ng luha ko ng makita kung pano nya tignan yung babae..
Tumayo na ko at lumapit kay tita. "Uuwi na po ako, paki-hi na lang po ako kila tito," sabi ko kay tita.
Niyakap nya ko at sinabi ang katagang nakapagpa-iyak sakin. "Sorry iha, madalas sa may selective amnesia ay nakakalimutan ang taong pinaka-mahalaga sa kanila. Yung taong huling naisip nila bago ang aksidente," bulong nya.
"Maaalala pa po ba nya ko?" bulong ko din.
"We'll never know. I'm sorry iha,"
Tumango ako at pinunasan ang luha ko.
"Uuna na po ako. Hinihintay na po ko siguro nila daddy," paalam ko.
"Ingat ka.." sabi ni tita.
Tinignan ko si Jace. Nakakunot ang noo nyang nakatingin sakin habang hawak ang kamay nung babae.
Biglang sumagi sa alala ko ang sinabi ni granpa. Na kapag nakalimot kami at nagmahal ng iba.. ituturing naming pinsan ang isa't-isa.
Ngumiti ako at yumukod para magkapantay ang ulo namin. "P-pinsan mo ko.. kaya wag ka ng mag-isip masyado.. Makakasama yun sayo," teary-eyed kong sabi bago hinalikan ang noo nya at umalis na.
--------------------------
"Chloe?" alalang tanong nila granma nung makita ako.
Agad kong pinunasan ang luha kobat ngumiti. Katabi nya si granpa na nakaupo sa sofa.
"He can't remember me. He's sufferring from a selective amnesia." tumutulo na naman ang luha sa mga mata ko. Pinunasan ko uli yon at tumingin kay granpa. "We will be cousins," pumiyok pa ko sa sinabi kong yon bago ako tumakbo paakyat dahil hindi ko na kaya. Dumapa ako sa kama at doon ibinuhos ang halo-halong emosyong nararamdaman ko.
Ang daya nya. Sya ang unang pumayag sa deal na to tapos sya pa pala ang makakalimot. Sobrang daya nya!!
Pinagsususuntok ko yung unan nung umupo ako habang walang humpay sa pag-iyak.
Naalala ko rin yung tingin at hawak nya dun sa babae kanina.. Hindi ako pwedeng magkamali.. ganon din ang mga tingin nya sakin noon.. nung mga panahong nagugustuhan pa lang nya ko.
"Nakakainis ka Jace!! Nakakainis ka!" iyak ako ng iyak hanggang sa makarinig ako ng katok sa pinto.
"Iha, please let me, come in," katok ni granma.
"I don't want to talk to anyone granma.. please leave me alone," umiiyak kong sabi at dumapa uli. Paulit-ulit rumehistro sakin ang mga eksenang nangyari kanina.
I feel so empty. Parang feeling ko wala na kong dahilan para mabuhay.. Feeling ko he betrayed me. Umasa lang pala ko sa wala.
Napansin ko ang gunting sa table ko.
Napangiti ako ng kunin iyon. Doraemon style na si Jace mismo ang bumili.
Parang sa isang iglap napansin ko na lang na may tumutulong dugo sa wrist ko. Pero pano nangyari? Bakit hindi ko maramdaman yung sakit? Pinagmasdan ko pa ang pagtulo ng pulang likido sa wrist ko. Hanggang sa feeling ko ay bumibigat ang talukap ng mata ko.. at biglang nag-blanko ang lahat sakin.
---------------------------------
Nagising ako ng maramdaman ang paghaplos ng kamay sa buhok ko. Pagmulat ko ay nakita ko syang nakangiti.
"Jace," nakangiti ngunit mahina kong sabi.
"I'm not Jace, bunso,"
Doon lang parang luminaw ang itsura nya.
"Kuya Lance,"
Hinalikan nya ko sa ulo. "Why did you do that?" naluluha na nyang tanong.
Nangunot tuloy ang noo ko.
"You almost killed yourself. Bakit ka naglaslas?" umiiyak na nyang tanong.
"Sorry," yun lang ang tangi kong nasagot.
"Isasama na kita sa Makati.. nakausap ko na sila daddy. Doon ka muna mag-aaral.. kailangan mo muna syang makalimutan bago kita hayaang bumalik satin," makahulugan nyang sabi.
Tumango na lang ako dahil parang inaantok pa ko.
--------------------------------
Woooh! Next chapter ay ang start na ng present time nila Chloe hahaha.. End of Flashback na po dito hihihi.. Haba ba? Keber lang,.
Start na ng rainy season. Dala lagi ng pananggalang sa ulan ^___^
issa_gokou