San Lazarus Series #6: Onerou...

By LadyLonelySadness

2.4K 375 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... More

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER III: NIGHT CHANGES
CHAPTER IV: FOR YOU
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VII: TIRED
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER IX: SCARED
CHAPTER X: SPECIAL
CHAPTER XI: JEALOUSY
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XV: NAMES
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVII: GOALS
CHAPTER XVIII: FEELINGS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XX: REGRETS
CHAPTER XXI: PHYSICAL
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIII: FAMILY
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXIX: OFF
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS
EPILOGUE

CHAPTER VI: REASON

53 16 0
By LadyLonelySadness

🍛🍛🍛

Hindi lahat ng araw ay payapa at masaya, iyon ang palaging nakaukit sa isipan ni Faye ng sumunod na linggo. Paano naman kasi magiging payapa at masaya ang buhay nya kung halos araw-araw na naman nyang kailangang pumunta sa eskwelahan, kulang na lang ay doon na sya tumira dahil sa pag-conduct nila ng surveys na sadyang nakakapagod at nakaka-drain ng lakas nya.

"Faye?" Rinig nyang tawag ni Vladimir, napahinto sya sa ginagawa at tiningnan ang binata.

Pansin nya ang pagod sa mukha nito dahil maging si Vladimir ay abala rin sa trabaho katulad nya, ni hindi na nga sila nakakapagsabay kumain dahil halos buong araw ay nasa kanya-kanya silang pinagkakaabalahan, sya sa eskwelahan samantalang sa trabaho naman ang binata.

"Ayos ka lang?" Tanong nya ng makalapit ito, tumango si Vladimir bilang sagot at lumapit sa kanya. Hindi sya nakagalaw ng ipatong nito ang noo sa balikat nya. Ipinunas nya ang kamay na may sabon sa suot na apron para mahawakan ang binatang mukhang may dinaramdam.

"Anong nangyari?" Tanong nya ulit, umayos ito ng tayo saka umiling pero napakunot ang noo nya ng mapansin ang mga mata ni Vladimir, agad nyang idinampi ang palad sa noo ng binata at ganoon din sa leeg nito. "Inaapoy ka ng lagnat, ano bang ginawa mo?"

"Pagod lang sa trabaho." Sagot nito sa kanya.

"Kumain ka ba kanina?" Umiling lang ito bilang sagot kaya napabuntonghininga sya saka iginiya ito paupo malapit sa mesa. "Saglit lang, dyan ka lang."

Bumalik sya sa kusina at ginawan ito ng makakain, pagbalik nya ay nakaungko ang binata sa mesa. Inilapag nya ang bitbit saka naupo sa tabi nito.

"Vlad," tawag nya sa pansin nito.

Iniangat nito ang ulo at tiningnan sya. "Faye?"

"Kumain ka muna para makainom ka ng gamot." Tumango si Vladimir saka tinanggap ang niluto nyang pagkain, kitang-kita nya ang panginginig nito habang kumakain dahilan para mapabuntonghininga sya saka kumuha ng maligamgam na tubig at inilapag sa tabi nito kasama ang gamot. "Inumin mo 'yan, pagkatapos mo." Bilin nya saka umakyat sa tree house at kumuha ng pamalit na damit ni Vladimir sa aparador.

Pagbaba nya ay nakita nyang nakaungko na ulit ito sa mesa, lumapit sya at naupo sa tabi nito. "Magpalit ka muna ng damit, buong araw mo ng pinagpawisan 'yan." Utos nya saka ibinigay ang kinuha nyang damit. Nag-iwas sya ng tingin ng magpalit ito sa harapan nya na ikinatawa ni Vladimir, tinaasan nya ito ng kilay. "Anong tinatawa-tawa mo?"

Umiling ang binata. "Parang gusto ko na lang na laging may sakit para nag-aalala ka rin sakin." Sambit nito.

"Tumigil ka nga, halos manginig ka na nga dyan." Idinampi nya ulit ang palad sa noo nito, mainit pa rin 'yon. "Umakyat ka na sa taas, doon ka sa kama matulog."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Iiwan kita dito?"

"Wag ka ng umangal, bilis na." Pinal na sabi nya kaya napasimangot na lang ito at nanghihinang tumayo. Inalalayan nya 'yon hanggang sa loob ng tree house saka inayos ang kumot ng mahiga ito.

Akmang aalis na sya ng hawakan nito ang kamay nya. "Dito ka na lang...please?" Rinig nyang sabi nito kaya napabuntonghininga sya saka naupo sa gilid ng kama saka lang ito pumikit at natulog habang hawak pa rin ang kamay nya, nakatulog na sya sa pagkakasandal ng maalimpungatan, maingat nyang inalis ang pagkakahawak sa kanya ni Vladimir saka sya bumaba para magluto ng hapunan.

"Faye...?" Rinig nyang tawag ni Vladimir pagkaraan ng tatlong oras, ihininto nya ang ginagawa at tiningnan ito. Pababa na ng hagdan ang binata habang nakasimangot at nakatingin sa kanya, lumapit sya para alalayan ito.

Naupo iyon sa may mesa, bumalik naman sya sa kusina para kumuha ng niluto nya at naghain para magkasabay na silang kumain.

"Inumin mo ulit 'to," utos nya ng matapos kumain saka humarap kay Vladimir, idinampi nya ulit ang palad sa noo ng binata at nakatingin lang ito sa kanya. "Okay na ba ang pakiramdam mo?"

"Medyo ayos na." Mahinang sagot ni Vladimir.

"Bumaba na rin ang lagnat mo."

Hinawakan sya ng binata at inilapit. "Faye," sambit nito.

Inilapag nya ang pitsel matapos magsalin ng tubig sa baso saka tiningnan si Vladimir. "Problem?"

Ngumiti ito. "Thank you,"

Pinisil nya ang pisngi nito. "Inumin mo na ang gamot para makapagpahinga ka na," utos nya na sinunod naman ng binata. "Sa susunod kumain ka kasi sa tamang oras, nagutuman ka ata e."

"I'll try-"

"-Vladimir, gusto mo bang maospital?"

Napatawa ang binata sa sinabi nya. "Ospital naman agad."

"Kung patuloy kang magpapabaya sa sarili mo talagang maoospital ka." Ngumiti ito kaya napatikwas pataas ang kilay nya. "Bakit ka na naman nakangiti?"

Umiling si Vladimir. "You sounds like my mama."

Ngayong nabanggit nito iyon ay saka lamang nya naisip ang isang bagay. "Ayos lang ba sa mama mo na nandito ka lagi?"

"Yup,"

"May kasama ba sya sainyo?"

"Faye, you don't have to worry. Ayos lang si mama, palipat-lipat ng bahay 'yon. Kahapon nasa manila ngayon nasa probinsya, nasa panganay kong kapatid."

"Ang papa mo, hindi nya kasama?"

"Matagal ng wala si papa, 5years old pa lang ako." Sagot nito kaya hindi sya nakaimik, swerte pa pala sya kung tutuusin dahil nakasama pa nya hanggang sa magdalaga sya ang ama nya.

Inayos nya ang pinagkainan nila at inilagay sa lababo saka naghugas, patapos na sya ng marinig na may kausap ito sa cellphone napailing na lang sya, may sakit na lahat trabaho pa rin ang inaatupag nito, napaka-workaholic masyado. Nagpunas sya ng kamay matapos magligpit, pagharap nya sa gawi nito ay nakita nyang nakatingin ito sa kanya.

"Bakit?" Tanong nya.

"Hindi ka pa ba napapagod faye?"

Umiling sya. "Matulog ka na sa taas ng makapagpahinga ka."

Tumayo ito at nilapitan sya. "Faye," sambit nito.

"Bakit?"

"Pwede mo ba akong ipagluto bukas?"

Napakunot ang noo nya. "Hindi ba't ipinagluluto naman kita?"

"I mean, ipagluto mo ako ng baon?" Naglalambing na humawak ito sa bewang nya. "Please?"

"Papasok ka bukas?"

Nakasimangot na tumango si Vladimir. "I have to, kailangan daw ako sa site bukas e."

Napabuntonghininga sya. "Okay," tinaasan nya ng kilay ang binata. "Bakit kasi hindi ka na lang umorder o kumain sa resto? For sure naman mas masarap ang-"

Umiling ito. "-ayoko no'n."

Mahinang kinurot nya ito. "Huwag mo ngang tipirin ang sarili mo sa pagkain."

"Hindi ako nagtitipid, promise sinubukan kong umorder pero hindi ko gusto."

"Ang arte ah,"

Nahihiyang ngumiti ito. "Hinahanap talaga ng panlasa ko ang luto mo e."

Inirapan nya ang binata. "Tigilan mo nga 'yan, nambobola ka lang e."

Napatawa si Vladimir saka umiling. "Swear, tamaan na ko ng kidlat pero totoo nga, hindi ako makakain ng maayos."

Napabuntonghininga sya. "Oh, sya, may magagawa pa ba ako? Sige na ipagluluto na." Pagbibigay nya na agad na ikinangiti ng binata.

"Thank you!" May himig ng saya sa boses na sabi nito.

"Akyat na tayo?"

"Mauna ka na, may mga tatapusin pa ako."

Sinimangutan sya ni Vladimir. "Masyado kang workaholic faye, magpahinga ka din."

"Nagsalita ang hindi workaholic," humiwalay na sya. "Sige na, tumatakbo ang oras nasasayang." Pagtataboy nya kaya walang nagawa ang binata kundi ang sumunod sa sinabi nya.

Bumalik sya sa mga paperworks at itinuloy iyon, nakatulog na sya sa pwesto at nagising lang ng tumunog ang alarm nya. Tumayo sya saka nagligpit at nag-asikaso sa kusina para magluto na naman, isang oras makalipas ay nagising na rin si Vladimir at bumaba.

"May lakad ka ba ngayon?" Tanong nito ng kumakain na sila.

Umiling sya. "Wala naman, bakit?"

Umiling din ito. "Wala din," Nag-asikaso ito at bago mag-alas otso ay nakabihis na. "Faye," rinig nyang tawag nito. Lumabas sya sa veranda at nakita nyang nakatayo ito habang nakatingin sa kanya.

"Problem?"

"Aalis na ko," sagot ni Vladimir.

Tumango sya. "Ingat," sabi nya kaya isinuot na ng binata sa balikat ang bag at akmang aalis na ng may maalala sya. "Wait," pigil nya saka bumaba.

Kinuha nya ang bag na inayos nya kanina saka iniabot sa binata. "Yong hinihingi mo,"

Agad na napangiti si Vladimir. "Ipinagluto mo ko ng baon?"

"Sabi mo di ba?"

Lumapad ang ngiti ng binata, ang kunot sa noo nya ay napalitan ng gulat ng iisang hakbang nito ang pagitan nila at hinalikan sya sa pisngi. "Salamat!" Tuwang-tuwang sabi nito saka kinuha sa kamay nya ang bag.

Napairap sya. "Oo na, umalis ka na baka ma-late ka pa." Sabi nya saka ipinagtulakan na ito paalis.

"Uuwi din ako agad pagkatapos, text mo ko pag-may problema ha?" Bilin nito.

"Oo na nga, alis na." Pilit na pagtataboy nya na ikinatawa nito.

"Madam, nauumay ka na ba sa mukha ko? Grabi mo kong ipagtulakan ah," biro nito.

"Oo, umay na umay na ko." Pagsusungit nya.

"Okay, aalis na." Humarap ito sa kanya saka pinisil ang ilong nya. "Bye, madam."

"Aysh! Alis!" Pagtataboy nya pero tinatawanan lang sya.

Ng makaalis na ito ay napangalumbaba na lang sya saka inisip kung ano ang gagawin, natapos na kasi nya ang ipapasa para bukas saka pa lang nya malalaman kung anong sunod na gagawin. Tiningnan nya ang buong lugar saka lang sya nakaisip ng ideya, maglagay kaya sya ng duyan? Para maiba naman, hindi 'yong puro sa lapag lang.

Pagkatapos nyang magligpit ay lumuwas sya sa bayan para bumili ng ilang gamit na sa tingin nya ay kailangan, patawid na sya sa kabilang parte ng kalsada ng mahagip ng tingin nya ang isang store naglakad sya papunta doon at pumasok, nagtingin-tingin sya ng ilan pang mga gamit hanggang sa maalala nya ang isang bagay. Hinanap nya ang kitchenware department at nagtingin ng magandang tupperware, hindi nya alam pero bigla na lamang nyang naisip na bumili no'n maging ang warm bag na paglalagyan.

Hapon na ng makabalik sya sa tree house, inuna nya munang maligo bago ituloy ang binabalak gawin. Tinutuyo na nya ang buhok nya ng mapakunot ang noo nya ng makitang tumatawag ang kuya nya, hindi nya alam kung matutuwa sya o magtataka dahil ngayon na lang ulit sya nito tinawagan mula ng mag-asawa ito ngunit dahil lamang ang pangungulilang nararamdaman nya ay sinagot nya ang tawag nito.

"Hello..?" Hindi siguradong bungad sa kanya ng sagutin nya ang tawag.

"Hi, sino 'to?" Kunwaring tanong nya.

"Fatima? Ikaw ba 'yan?" Napahawak sya sa hamba ng hagdan ng marinig ang boses ng kapatid na binanggit ang pangalan nya.

"O-Opo, sino 'to?"

"Fatima!" Rinig nyang hiyaw nito mula sa kabilang linya, bakas ang saya sa tono ng boses. "Ang kuya mo ito, kamusta ka na?"

"K-Kuya? Bakit ka napatawag?"

"Pwede ba tayong magkita?"

"Ha?"

"May mga bagay lang akong kailangang sabihin, pwede ka ba ngayon?"

Tiningnan nya ang oras sa cellphone. "O-Oo pero saglit lang." Alanganing sagot nya.

"Sige! Magkita tayo sa may bayan," sabi nito at namatay na ang tawag.

Saglit syang napapikit bago kumilos, pakiramdam nya hindi sya matutuwa sa maririnig nya mamaya. Matapos mag-asikaso ng sarili ay umalis na sya at tama sya, hindi sya natuwa sa mga narinig mula sa kapatid ngunit kahit ganoon ay alam naman nya sa sarili nya na kahit papaano ay natuwa rin naman syang makita ito. Napakalaki na ng ipinagbago ng kapatid nya, noong huli nyang makita ito ay matikas at maganda ang pangangatawan ngunit ngayon ay malalim ang mga mata at nangingitim ang ilalim no'n marahil sa puyat. Tumanda ito ng higit pa sa edad nito at nangayayat na rin, halata ang pagod sa mukha nito ngunit kung mayroong hindi nagbago, iyon ay ang maganda nitong mga nginiti.

"Pasensya ka na ah? Alam kong ngayon na lang kita nakamusta ulit tapos humihingi pa ako ng pabor saiyo," nahihiyang sambit nito kaya napabuntonghininga sya.

Ikwinento nitong kinakawawa ito ng asawa, palibhasa ay napaka-bait nito at hindi kailan man nagbubuhat ng kamay sa babae kaya kinaya-kaya ng asawa. Ang masakit pa, matapos syang kawawain ay basta na lamang umalis ang babae. Iyon rin ang dahilan kung bakit hindi sya natatawang o nakakamusta man lang ng kapatid dahil ipinagbanawal ng babae, sobra daw itong magselos ayon sa kuya nya.

"A-Ayos lang, k-kuya doon na lang muna kayo sa bahay natin. Wala namang problema iyon." Naiiyak na sabi nya, awang-awa sya sa sinapit ng kapatid sa kamay ng asawa nito.

"Salamat, huwag kang mag-alala hahanap ako ng trabaho para maibigay ko rin ang pangangailangan ng bata."

"Wala iyon, ayos lang. Dapat dumiretso na nga lang kayo sa bahay kaysa nakipagkita ka pa kuya."

"Nahihiya kasi ako sayo e, matagal din akong nawala tapos bigla na lang akong susulpot sa bahay."

"Baliw ka talaga, bahay mo rin 'yon. Huwag kang mag-alala, tatawagan ko si nanay para matulungan ka nya."

Agad na umiling ang kapatid nya. "Wag, wag mo ng sabihin, hindi kami ayos ni inay."

Nagulat sya sa narinig. "B-bakit?"

"Nagkasagutan kami bago sya umalis, nagalit ako ng ipaampon nya si bunso kanila tiya at pinabayaan kang nag-iisa sa bahay pero wala naman akong magawa noong panahong iyon, pinapili ako ng asawa ko kung kayo o ang anak ko, tinakot nya ako na kapag pinili ko kayo hindi ko na makikita ang anak ko. Pasensya na talaga Fatima." Doon tuluyang tumulo ang mga luha nya na hanggang sa makauwi sila sa kubo ay paulit-ulit na bumabalik sa isipan nya iyon.

Pakiramdam nya ang mga sakit na naramdaman nya sa lumipas na taon ay nabawasan, para bang nabunutan ng ilang tinik ang dibdib nya matapos marinig na nagsisisi ang kapatid sa mga sinapit nya.

"Ang ganda mo naman dito," puna ng kuya nya ng makita ang pictorial photo nya noong high school.

"Masusundan pa 'yan, intayin mo lang kuya." Natatawang sabi nya kaya napatingin sa kanya ang kapatid.

"Nag-college ka?"

Ngumiti sya saka tumango. "Graduating na ako, next month ang graduation."

Napangiti rin ito. "Proud ako sayo, pasensya na kung wala ako noong moving up mo-"

"-kuya naman!" Reklamo nya. "Hindi ka ba naaawa? Mamamaga na ang mga mata ko!"

Tumawa ito. "Sige, tatahimik na ako."

Tinulungan nya ang kapatid nya na asikasuhin ang pamangkin nyang babae at maging sa pag-aasikaso ng tutulugan ng mga ito.

"Bakit sa silid mo kami matutulog?" Kunot ang noong tanong ng kuya nya. "Saan ka matutulog?"

"Ayos lang ako kuya, sa totoo lang ay mag-iisang buwan na akong hindi na dito nakatira."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "May sarili ka ng bahay? Saan?"

"Sa-"

"-Faye? Nandyan ka ba!?" Napakurap-kurap sya ng marinig iyon, dumungaw sya sa bintana at nakita nya si Vladimir. "Nandyan ka lang pala, galing ako sa tree house wala ka doon." Dagdag nito saka umakyat sa hagdan at papasok na ng bahay.

Hindi nya alam kung paano magr-react dahil salubong na ang kilay ng kuya nya samantalang walang kaalam-alam si Vladimir at hindi nya rin alam kung paano magpapaliwanag sa kapatid, gusto na lang nyang hilingin na sana huminto man lang ang oras para makapag-isip sya pero hindi, bago pa sya makapagsalita ay nakapasok na sa bahay si Vladimir at kumunot na rin ang noo nito ng makita ang kuya nya.

"Sino-"

"-teka!" Putol nya sa sasabihin ni Vladimir dahil tumayo na ang kuya nya mula sa pagkakaupo, agad syang pumagitna.

"Fatima, sino 'yang lalakeng 'yan?" Seryosong tanong ng kuya nya.

Para syang hihimatayin sa ganap. "Ah, kuya si Vladimir." Bumaling sya sa lalake at pinanlakihan nya ng mata. "Vlad, sya ang kuya ko. Si Ernesto."

Nawala ang kunot ng noo ni Vladimir at napanatag sya. "Magandang gabi ho," bati nya.

"Walang maganda sa gabi, anong kailangan mo sa kapatid ko sa oras na ito?" Pagsusungit ng kapatid nya.

"Ah, about that...ahmmm," napatingin sa kanya si Vladimir at naitikom na lang nya ang bibig, bumuntonghininga ang binata. "Sir, sinusundo ko lang ho si Faye."

"Sinusundo? Saan kayo tutungo? Gabing-gabi na,"

"Pasensya na ho pero sinusundo ko sya para umuwi na sa amin."

"Sainyo? Fatima anong ibig sabihin nito?"

Napahawak sya sa noo, parang lalagnatin sya sa nangyayari. "Teka, magkakasakit ata ako sa ginagawa nyo. Pwede bang kalma? Maupo nga kayo," tanging sabi nya.

"Fatima-"

"-please kuya, marami ng nagbago at mahirap ipaliwanag."

Napabuntonghininga ang kuya nya saka sinunod ang sinabi nya, ganoon din si Vladimir. Naupo ang dalawa ng magkaharap kaya napakamot na lang sya sa pisngi at pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom, pagbalik nya ay nag-uusap na ang dalawa.

"Nagsasama na pala kayo ng lalakeng ito?" Salubong ang kilay na tanong ng kuya nya ng makalapit sya, naupo sya sa hiwalay na silya.

"Nagsasama naman agad," ismid nya. "Kuya, sinasamahan nya lang ako kasi mag-isa ako."

"Saan naman? Ang sabi mo'y hindi ka na rito nakatira."

"Doon sa gitna ng gubat," mahinang sagot nya.

"Kailan ka pa naging asawa ni tarzan at sa gubat ka nakatira?"

"Kuya naman!" Hiyaw nya.

Napailing-iling ito. "Malaki ka na talaga, nobyo mo ba ito?" Doon sya hindi nakaimik, hindi nga nya alam kung ano nga sila ni Vladimir dahil itinatanggi nyang kaibigan nya ito.

"Kuya-"

Napabuntonghininga ang kuya nya. "-bakit ba kinukwestyon pa kita, malaki ka na alam mo na kung anong ginagawa mo basta't huwag kang pauuto sa lalakeng ito. Mabuti pa, magpahinga na tayo at maaga pa ata kayo bukas." Bumaling ito kay Vladimir. "Hindi pa tayo tapos."

"Oho sir, kahit huwag na tayong matapos." Biro nito.

"Hindi ako nagbibiro," seryosong sabi nito kaya napasimangot na lang sya.

Hinayaan naman sya ng kuya nyang makaalis kaya ng makarating sila ni Vladimir sa tree house ay nanghihina syang naupo.

"Ayos ka lang?" Tanong ng binata sa kanya, umiling sya habang nakayuko. Nagsimula na syang umiyak, nataranta naman ito at tumabi sa kanya. "Bakit? Anong nangyari?"

"Ang...kuya ko..." panimula nya. "...nagkausap na kami, sinabi nya sa akin ang dahilan nya..."

"Faye.."

"Ilang taon ang lumipas...wala akong ibang naisip kundi ang sakit, ni hindi ko naisip na baka may rason, na baka mas nahihirapan sya...ang selfish ko!" Iyak nya.

"Faye, hindi ka selfish masyado ka lang nasaktan kaya ganoon. Walang masamang isipin ang sarili kapag sobra na ang sakit, hindi ka naman nagtanim ng galit sa kanila."

"Pero kasi..." ikwinento nya sa binata ang mga nalamang nya at wala itong ibang ginawa kundi ang aluin sya at pakinggan.

"Faye, ano ng nararamdaman mo ngayon?" Napaangat sya ng tingin ng marinig ang tanong ni Vladimir, pinunasan nito ang mga mata nya.

"N-nasasaktan pa rin..."

"Pero masaya di ba? Kasi ngayon bukod sa bumalik sya, makakasama mo na sya ulit tapos humingi na rin sya ng tawad."

Tumango sya at napakurap ng may maalala, humiwalay sya mula sa pagkakahawak ni Vladimir, tiningnan nya ang orasan at pasado alas dyes na ng gabi. "Kumain ka na ba? Iyak ako ng iyak dito, di pa pala ako nagluluto."

"Ayos lang 'yan," kinurot nya ito. "Aray!"

"Anong ayos? Mamaya nilalagnat ka na naman,"

"Hindi na ko lalagnatin, may baon ako e." Nagmamalaking sabi nito.

Tumayo sya saka nagpunas ng mga mata, inayos nya ang buhok nya at hinayaan sya ni Vladimir na magluto dahil iyon naman ang gusto nya, nakaagapay naman ito sa kanya sa kung anong gagawin o kailangan nya. Ito na rin ang naghain at naghugas ng matapos sila.

"Naubos ko, oha." Pagyayabang nito ng ilabas ang Tupperware sa bag, napailing-iling na lang sya saka umungko sa mesa.

"May pasok ka bukas?"

"Pwede akong 'wag pumasok, may pupuntahan ka?" Umiling lang sya bilang sagot at napaangat lang sya ng tingin ng tawagin sya nito, nakita nyang nakangiti ito. "Binili mo?" Tanong ni Vladimir ng makita ang stainless tupperware na binili nya.

Tumango lang sya at lumapad ang ngiti ng binata. "Para saan?"

"Bakit tinatanong mo pa?"

Lumapit ito sa kanya saka naglalambing na yumakap sa bewang nya. "Thank you!"

"Anong thank you? Hindi sayo 'yan, wala kang pasok di ba?"

"Papasok na lang pala ako bukas, tsaka pwede naman pa lang dito ako magplato e."

Pinisil nya ang pisngi nito. "Baliw ka, tapusin mo na 'yon para makapagpahinga na."

Bumitaw ito at sumunod sa sinabi nya pero hindi naman na naalis ang ngiti nito, di nagtagal ay umakyat na sila sa tree house. Nahiga na sya sa kama dahil pakiramdam nya sobrang pagod na pagod sya, pumasok sya sa kumot at binalot ang sarili.

"Okay ka lang?" Rinig nyang tanong ni Vladimir, ng magmulat sya ng mga mata nakita nyang nakaungko ang binata sa gilid ng kama nya.

"Pakiramdam ko pagod na pagod ako." Pinisil nya ang matangos na ilong nito. "Ikaw? Ginabi ka ata?"

"Pagod din, andami kong ginawa inabot ng hapon kaya ginabi ako ng uwi."

Napatango-tango sya sa narinig. "Tulog na," sabi nya saka pumikit.

"Faye,"

"Hmm?"

"Anong plano mo?"

"Gusto kong kalbuhin 'yong babaeng 'yon." Tumawa si Vladimir ng marinig ang sagot nya. "Nanggigigil ako sa ginawa nya sa kuya ko, taon lang ang lumipas pero halos pumangit ang kuya ko ng dahil sa kanya. Ang gwapo kaya no'n noon." Tumagilid sya paharap sa binata na nakatingin sa kanya.

"E ako?"

Napakunot ang noo nya. "Anong ikaw?"

"Anong tingin mo sakin?"

"Bampira," natawa sya sa naisip. "Ang pangit mo din,"

"Grabi ka sakin."

"Pero seryoso ang gwapo ng kuya ko noon tsaka ang ganda ng body build, marami ngang nagkakagusto sa kanya noon e tapos lagi syang inaaya ng babae na magpunta sa sayawan pero masyadong snabero ang kuya ko palibhasa gwapo," natawa sya. "Masyado kasi syang mahiyain, ewan ko ba kung bakit ba kinawawa ng asawa nya 'yon e kung tutuusin lahat ng magandang katangian na hinahanap ng babae nasa sa kanya na-"

"-para mo namang sinabing wala akong ganoon." Reklamo nya.

"Isipin mo ang bait no'n, responsable, masipag, family oriented, gentleman-"

Tinalikuran sya ni Vladimir. "Mabait din naman ako ah, responsable din tapos masipag, gentleman-"

"-anong binubulong bulong mo dyan?" Kunot ang noong tanong nya.

"Wala, sabi ko, edi nasa kanya na ang lahat."

Natawa sya saka bumangon at sinilip ang binata. "Bakit nakasimangot ka?"

"Wala," sagot ni Vldimir animo'y nagtatampo.

"Problema mo? Totoo naman kaya, full package ang-aray," mahinang daing nya ng humarap si Vladimir, tumama ang noo nya sa noo ng binata. Naramdaman nyang hinawakan sya nito sa bewang saka ibinaba mula sa kama, inilapag sya sa tabi nito at hinawakan ang noo na iniinda nya.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Vladimir sa kanya.

Bahagya nyang iminulat ang isang mata saka tiningnan ng masama ang binata. "Grabi naman 'yang noo mo, parang nagka-crack 'yong akin!" Reklamo nya saka pinitik ang noo ni Vladimir.

Napatawa ang binata, hindi nito ininda ang pagpitik nya at muling napapikit ang mata nya ng halikan nito ang noo nya. "Sorry, dalhin kita sa hospital?"

"Baliw ka ba?"

"Medyo, malapit na faye."

Napamulat sya ng mata ng marinig iyon, seryoso ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya ngunit may ngiti sa labi. Napasimangot sya. "Akala ko ba matutulog na tayo?"

Tinaasan sya ni Vladimir ng kilay. "Sino ba namang nagbibilang at ayaw matulog?"

"Sinasabi ko lang naman na gano'n ang kuya ko, sabi nga ni nanay maghanap daw ako ng katulad ni itay pero ayoko kasi sabi ko ang hahanapin ko 'yong katulad ni kuya."

Narinig nyang sumaltak ang binata. "Maghahanap ka pa huh?"

Ngumiti sya saka umiling. "Hindi hinahanap ang pag-ibig, kusang dumarating iyon."

"Bata ka pa faye," masungit ng sabi nito na ikinatawa nya.

"At matanda ka na vladimir, dapat nag-aasawa ka na pero wag kang pipili ng babaeng katulad ng pinili ni kuya." Pinisil nya ang pisngi ng binatang nakasimangot na. "Baka makasapak na talaga ako."

Inalis nito ang kamay nya sa pisngi nito. "Hindi ako mag-aasawa."

"At bakit?"

"Wag mo ng alamin," kinuha nito ang kumot at binalot sya. "Matulog ka na."

"Bakit nagsusungit ka?" Natatawang puna nya pero tinalikuran lang sya nito, napailing na lang sya saka inayos ang unan nya. Pipikit na sana sya ng biglang humarap si Vladimir, hinawakan sya nito sa bewang saka hinalikan sya sa noo dahilan para bahagya syang mapapikit.

"Goodnight faye." Rinig nyang sabi ng binata kaya tiningnan nya ito, nginitian sya ni Vladimir saka umayos na ng higa at pumikit.

Hindi na lang nya inintindi iyon at pumikit na lang, nagising sya kinabukasan na mag-isa na lang sya sa higaan. Naupo sya at saglit na natulala kagaya ng madalas nyang gawin pagmulat nya sa umaga, inalis nya ang mga muta nya saka tumayo at bumaba na.

"Ang aga mo," bungad nya kay Vladimir na abala sa kusina.

Bumaling sa kanya ang binata. "Goodmorning faye,"

"Morning," napahikab sya. "Bakit ang aga mo?"

"Wala naman akong pasok kaya ako naman ang nagluto, mag-asikaso ka na malapit na kong matapos."

Sinilip nya ang ginagawa nito. "Anong niluto mo?"

"Eggs, bacon tsaka sinangag, is that fine with you?"

"Yup," sagot nya saka pumasok sa banyo at nag-asikaso. Paglabas nya nagpi-prito na si Vladimir. "Ang bangoooo," sambit nya saka lumapit na ikinatawa ng binata.

"Baka matilamsikan ka faye," sabi sa kanya saka inilayo sya ng bahagya. "Mabuti pa, puntahan mo muna ang kuya mo para makasabay mo sila sa agahan."

Napamulat ng husto ang nga mata nyang inaantok pa. "Talaga? Okay lang?"

Pinisil ni Vladimir ang ilong nya. "Oo naman,"

Napa-beam sya sa tuwa na ikinatawa ng binata. "Salamat!" Masayang sabi nya, hinalikan nya ito sa pisngi bago humiwalay. "Puntahan ko na sila," paalam nya saka lumakad na, habang palapit sya ng palapit sa kubo saka nya lang napagtanto ang ginawa nya, naramdaman nyang uminit ang buong mukha nya. Umiling-iling sya saka kinalma ang sarili at umakyat sa hagdan, kinatok nya ang pinto ng kubo.

"Kuya!" Tawag nya, bumukas ang pinto at bumungad ang pamangkin nya.

"Magandang umaga tiya!" Nakangiting bati nito sa kanya kaya napangiti din sya.

"Magandang umaga, baby. Asan ang papa mo?"

"Si itay po?" Bumaling sya sa may kwarto. "Itay! Nandito po si tiya!"

Lumabas ang Kuya nya mula sa silid at napangiti sya lalo ng makitang nakabihis ito animo'y aalis. "Saan ang lakad?"

"Maghahanap ako ng trabaho."

"Nag-almusal na kayo?"

"Humigop na ng kape."

"Hindi sapat 'yon, halika sumama muna kayo sa akin mag-almusal muna tayo."

"Hindi-"

"-kuya wag mo kong hindian, ngayon na nga lang ulit ako mag-aalmusal ng kasama ka e." Agap nyang pangungunsensya dahil alam nya ang ugali ng kapatid, tatanggihan sya nito sapagkat nahihiya pa rin ito sa kanya.

Napabuntonghininga ang kuya nya. "Oh sya, kinukunsensya mo pa ako." Nginitian lang nya ang kapatid at isinama na patungo sa tree house. "Fatima, nakasisigurado ka bang ligtas ka sa lugar na ito?" Rinig nyang tanong ng kapatid ng makita ang dinaraanan nila.

"Ilang linggo na rin naman, wala namang nangyari sa akin kuya."

"Bakit kasi sa loob pa ng gubat ka nagtayo ng bahay?"

Nagkibit-balikat sya. "May sentimental value e."

"Wow!" Hiyaw ng pamangkin nya ng makarating sila sa tree house, naabutan nila si Vladimir na naghahain na sa mesa. "Ang ganda ng bahay mo tiya!"

Napangiti na lang sya, napahinto naman ang binata at napatingin sa kanila. "Magandang umaga, sir." Bati nito sa kuya nya na tumango lang.

"Dito ka nakatira?" Nanunuring tanong ng kapatid nya na tinanguan nya.

Hindi nya alam kung matatawa ba sya o maiilang dahil ng magharap-harap sila sa hapag ay tahimik lang ang kuya nya maging si Vladimir na madaldal sa hapag ay tahimik lang din sa tabi nya habang kumakain, natapos ang almusalan ng walang umiimik sa dalawa. Matapos iyon ay nagpaalam na ang kapatid nya na luluwas sa bayan para maghanap ng trabaho, napakurap-kurap pa sya ng bigla na lang tumayo si Vladimir sa pagkakaupo at sinamahan ang kapatid nya palabas. Gusto nyang isipin na ihahatid lang nito ang kapatid dahil hindi nito kabisado ang daan pero alam nyang hindi lang iyon ang mayroon.

"Tiya, hayaan mo na po sila." Rinig nyang sabi ng pamangkin nya.

"May sinabi ba si kuya kanina? Anong meron do'n?" Nagtataka pa ring tanong nya.

"Gusto lang po ata ni itay makausap si tiyo."

"Alam mo nagtataka din ako sayo, ang daldal mo."

"Tiya, tatlong taon pa lang po ako marunong na ko magsalita tsaka pitong taon na po ako."

Doon napakunot ang noo nya. "Teka lang, ang alam ko last last year lang nag-asawa si kuya kaya malabong maging pitong taon-"

"-Tiya, paaalisin mo ba ako kung sasabihin kong anak ako ng asawa ni itay sa una nitong asawa?"

"Hindi ka anak ni kuya?"

Malungkot na umiling ang bata. "Kung sana nga lang po tunay na lang akong anak ni itay baka natuwa pa po ako e kaso hindi."

Napaupo sya sa tabi nito ng marinig iyon. "Ayos lang 'yan, tunay kitang pamangkin." Pinisil nya ang pisngi nito saka niyakap. "Paniguradong tunay ring anak ang turing sayo ni kuya pero baby, nasaan ang anak ni kuya?"

"Namatay po si baby angel, nakunan si inay." Hindi sya nakaimik ng marinig iyon, napabuntonghininga sya. "Ano ngang pangalan mo?"

"Alicia Clarissa po."

"Ang ganda naman pala ng pangalan mo, gusto mo bang mamasyal?"

Agad na ngumiti ito saka tumango. "Opo, sige!" Tumayo sila at iginiya nya ito paalis doon, naglakad-lakad sila papunta sa sapa at tuwang-tuwa sa mga ibong nakikita ang bata. "Tiya, ang ganda naman dito!"

Napangiti sya at naaliw na silang parehas, nariyang nagtampisaw silang dalawa sa sapa at tinuruan nya rin itong manghuli ng isda. Namitas sila ng prutas at naglaro sa damuhan, tanghali na ng maisip nilang makauwi. Pagliko nila sa pathway papunta sa tree house ay nakasalubong nila si Vladimir, bakas ang pagkabalisa maging ang pag-aalala sa mukha at ng makita sila ay agad silang nilapitan.

"Saan kayo galing?" Bungad nito.

"Sa sapa, nakabalik ka na pala?"

Napasaltak ito. "Kanina ko pa kayo hinahanap, anong ginawa nyo?"

"Madami tiyo! Tinuruan ako ni tiya manghuli ng isda tapos namitas kami ng prutas!"

Napabuntonghininga sya saka binuhat ang bata na tuloy-tuloy sa pagkukwento na pinakikinggan naman ni Vladimir, hinawakan sya sa bewang ng binata at inalalayan sa paglalakad kahit pa ang atensyon nito ay nasa batang madaldal.

Nginitian sya nito ng tingnan sya. "Ayos ka lang?" Tumango sya at ngumiti.

"Tapos tiyo," sabay silang natawa ng marinig iyon, hindi pa tapos sa pagkukwento ang batang madaldal.

Pagdating sa tree house, inasikaso nyang makaligo ang bata at makapagpalit ng damit. Sinuklayan nya iyon at tinuyo ang buhok pagkatapos ay nagtatakbo na ito sa paligid para maglaro, napailing-iling na lang sya saka pinulot ang mga damit, napatuwid sya ng tayo ng maramdamang hinawakan ni Vladimir ang likod nya.

"Hindi pa ba sumasakit ang likod mo?" Tanong nito.

"Ayos naman ako," naningkit ang mga mata nya. "Ano pa lang pinag-usapan nyo ni kuya at sinamahan mo palabas?"

Napangiti ang binata. "Sa amin na lang iyon."

"Hindi ka naman inaway?"

Umiling si Vladimir. "Though nasuntok ako pero ayos naman."

"Sinuntok ka?" Napakunot ang noo nya, bigla syang nakaramdam ng pag-aalala. "Bakit?"

Tumawa si Vladimir saka pinisil ang ilong nya. "Sa amin na lang iyon."

Umirap sya. "Ewan ko sayo,"

"Yi! Para kayong sila itay noon!" Napahiwalay sya kay Vladimir ng marinig ang sinabi ng bata, bumaling sya sa mga gagawin nya. Inabala na lang nya ang sarili sa paglilinis matapos maghugas ng pinggan at magligpit ay naglaba rin sya.

"Alicia!" Sigaw nya ng maglaro sa sabon ang bata at napakamot na lang sya sa pisngi ng imbis sawayin ni Vladimir ang pamangkin nya ay nakipaglaro pa ito. "Maaga akong tatanda sainyong dalawa," naiiling na sabi nya saka bumuntonghininga.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 143K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.7M 95K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
603K 63.5K 25
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
14.9M 458K 32
"We can't do this." I whisper as our lips re-connect, a tingling fire surging through my body as his hands ravage unexplored lands; my innocence di...