Childhood Sweetheart | STALKE...

By riyazyn

2.7K 76 4

[COMPLETED] STALKER #1 "Are you really a stalker of mine?" "Um, y-yeah..." **** Date Started: April 2022 Date... More

Author's Note
WORK OF FICTION
SYNOPSIS
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
33
Special Chapter
Special Chapter 2
Epilogue

32

39 2 0
By riyazyn

Chapter 32

Athena

I trust him so I nodded. Alam kong, alam kong may ibig sabihin lahat ng sinasabi niya. A-Alam kong may plano siya. Hindi ko alam pero sa isang iglap, parang naging kilala ko siya ng sobra bigla. Na para bang we've been together since we were born.

"Yeah, come with me muna sa kwarto ko." Hinila siya ni Liane and I saw him swallowing hard before going with her. "Henry, pakainin mo ang kapatid ko." Naging mahinhin ulit ang boses niya. Kapatid... Hah!

Kinuha na ang busal sa bibig ko kaya nadura ko ang dugo na kanina pa sa bibig ko. Saka ako sapilitang itinayo kahit pa hindi kaya ng katawan ko. Pinaupo ako sa isang silya kainan at may si-nerve na pagkain dun.

Pinutol din ang tali sa kamay ko at dahil sa gutom agad kong sinunggaban ang pagkain kahit isang piraso ng itlog at tuyo lang ang ulam.

Grabe rin pag-inom ko ng tubig nang mabilaukan ako. "See? May awa pa din ako sa'yo." Napalingon ako sa gilid. There, I saw Liane smirking. "Sinabi ko pala kay Daren na papakawalan na kita pagkatapos mong kumain."

"W-Where is he?" Nagawa ko siyang tanungin.

"Him? Ayun, pinatulog ko muna. I'm sure, magpupuyat kami mamaya." Saka siya tumawa ng malakas. "Ngayon habang kumakain ka pa, may aaminin ako sa'yo tutal palalayain naman din kita." Umayos siya ng upo habang ako ay nagpatuloy sa pagkain. "Alam mo bang sobrang taka ko kung bakit hanggang ngayon ay buhay ka pa rin? Sa dami ng inutusan ko na gahasain ka, nakakatakas ka sa kanilang lahat."

Napatigil ako dahil sa narinig kong hindi inaasahan. "I-Ikaw ang may gawa nun? Ikaw ang nagpagahasa sakin ng ilang beses?"

"One and only." She proudly say.

"Walang hiya ka!" I tried grabbing her hair pero dahil mahina pa ako at maraming sugat ang kamay ko, hindi ko siya naabot bagkus hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "B-Bakit mo ginawa yun? A-Ano bang kasalanan ko sa'yo para umabot ka ng ganito?"

"I told you kayang-kaya kong gawin ang lahat kapag inaagaw mo sakin si Daren. Dahil sa'yo, ayaw na niya sakin. Pero... okay na ngayon. Sinabi na niya na sasama na siya sa'kin." Tinakwil niya ang kamay ko. "Kung ayaw mong magbago ang isip ko na pakawalan ka, bilisan mong kumilos." Pinasadahan niya ang buhok ko gamit ang mga kamay niya saka bumulong. "At subukan mo ring magsumbong sa mga pulis, papatayin ko si Daren. Naiintindihan mo?" Napaiyak nalang ako dahil wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. "Henry, ilabas mo na'to!"

Marahas akong hinila habang umiiyak. Paano kung may mangyaring masama kay Daren? Kasalanan ko to!

Nakasakay na kami sa isang van na umusad na habang ako ay humihikbi parin. Dahil sa dami ng luha sa mga mata ko, naging malabo ang paningin ko sa paligid hanggang sa huminto sa isang kakahuyan ang van at inilabas ako ng lalaki. "Dito lang kita iiwan."

"P-Po? Kuya, hindi ko po alam ang lugar na'to!" Pagmamakaawa ko.

"Hindi ko na problema yan." Aniya saka pinaharurot paalis ang van. What now? Akala ko pa naman diretso akong dadalhin sa bahay.

Biglang umulan kaya sumilong ako sa isang maliit na kubong andun na ipinagpasalamat ko naman. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa sobrang ginaw. Ganun na lamang ang pagkagulat ko nang may humawak sa balikat ko.

"AHHHHH!"

"AAHHHHHH!" Sabay naming sigaw dalawa. Biglang tinakpan ng lalaki ang bibig ko.

Nagpupumiglas ako sa hawak niya hanggang sa may nagsalita. "Athena!" Naramdaman ko nalang ang isang mahigpit na yakap. "Gosh! Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo." Humihikbing turan ng babaeng yumakap sakin.

Dahil sa pagtataka at dahil para malaman kung sino sila, kumalas ako sa yakap ng babae at tinitigan. "K-Kaede?"

Tumango-tango siya at niyakap ulit ako. Saka ko lang din namukhaan ang lalaki. Ang asawa pala niya ito, si Zares na bahagya lang ngumiti sakin.

Nang kumalas si Kaede, agad akong binigyan ng jacket ni Zares. "W-Why?..."

"We know you're now confuse so let me explain to you." Umupo kami sa maliit na kamang andun gawa ng kawayan. "Pinuntahan kami ni Daren sa bahay para sabihing kinidnap ka ng hayop kong kapatidㅡstepsister pala. He told us na wag magsumbong sa pulis baka kung anong gawin sa'yo." Kaede holds my hand. "Trust him. He planned something before he came to Liane, hmm?" I nodded as my response.

Sana nga. Sana magtagumpay kung ano man ang plano niya. Lord, guide him please!

"Dito na tayo magpalipas ng gabi since wala pang signal si Daren satin. Saka malakas pa ang ulan. Let's eat." Ani Zares na naghanda pala ng pagkain namin.

Daren

Akala ni Liane na tuluyan akong nakatulog dahil sa pinainom niya without her knowing na hindi ko nilunok lahat. Siguro may nalunok akong konti kaya medyo natamaan ako ng hilo pero buti nalang lumabas siya agad kaya agad ko ring nadura ang ininom ko.

Nang lumabas nga siya'y, agad kong sinet-up ang mga maliliit na cameras sa bawat dingding at sulok ng kwarto niya. May mini speaker din akong earpiece na konektado kay Zares at Kaede. Hindi muna ako nagsalita sa kanila baka mabuko ako agad ni Liane.

Kinuhanan ko rin ng picture ang buong kwarto niya at lahat ng mga drogang nasa drawer niya ay kinuhanan ko rin. I only I knew sooner, hindi ko na sana pa hinayaan ang sarili kong mapalapit sa kanya.

Pagkatapos ng ginawa ko ay inilapit ko ang kanang tenga ko sa pinto para marinig ang pinag-uusapan  nila sa labas. "Ngayon habang kumakain ka pa, may aaminin ako sa'yo tutal palalayain naman din kita. Alam mo bang sobrang taka ko kung bakit hanggang ngayon ay buhay ka pa rin? Sa dami ng inutusan ko na gahasain ka, nakakatakas ka sa kanilang lahat." I clenched my fist after hearing those words from Liane. Although may hint na ako na may kinalaman siya sa lahat ng iyon, hindi ko parin maiwasang magalit ng sobra. Shit! Ang dami na niyang ginawang kademonyohan! Hindi ako papayag na magdiwang ka dahil sa pagkapanalo mo, Liane. Pagbabayarin kita sa lahat ng ginawa mo sa babaeng mahal ko!

Nang maramdamang papalapit na siya sa kwarto ay agad kong inipit ang cellphone ko sa bulsa malapit sa may hita ko saka bumalik sa kama at nagpanggap na natulog. Sana naman tutuparin niya ang sinabi niyang pakakawalan niya si Athena dahil sa oras na hindi, baka hindi ako makapagpigil at masira ang mga plano ko.

Naramdaman kong hinaplos-haplos niya ang buhok ko. "Parehas talaga kayong mga tanga! Hayy! Buong akala mo ay nakakatakas na si Athena pero hindi iyon ang nagyayari. Oh well, sweet dreams, love." Saka ko naramdaman ko ang labi niya sa pisngi ko.

Kahit diring-diri, tiniis kong hindi kumilos. Shit! Tumabi si Liane sakin saka sapilitang ipinulupot niya ang braso ko sa kanya. "Bukas na bukas, aalis na tayo. Pupunta tayong Switzerland, doon tayo magsisimula ng panibagong buhay natin."

Ilang oras pa ang hinintay ko bago kumalas sa pagkakayakap ni Liane sakin. Dahan-dahan akong kumilos upang hindi siya magising. Saka ko kinontak si Zares.

"Bro, hey, please tell me nasa inyo siya." Pagmamakaawa ko agad.

Zares sighed kaya kinabahan ako.["Of course, nasa amin si Athena. Safe and sound."] Nakahinga ako ng maluwag.


"Maraming salamat, bro, I owe you."


["Nah, don't mention it. Noong panahong ako nangangailangan sa'yo, you were also there, always pa nga eh! So, what friends are for, right?"]


Napangiti ako. "Salamat, ulit. Nga pala, plano ni Liane na bukas agad lilipad na kami pa-Switzerland. Stick to the plan pa rin."

"What plan?" Awtomatik na napindot ko ang end call button at nanigas ang aking katawan nang malingunang mulat na mulat ang mga mata ni Liane na walang emosyong nakatingin sakin. Bigla ay ngumisi siya ng malamig. "I know you planned all of this. I'm not stupid! Kung nakatakas man si Athena, sisiguraduhin ko namang hindi ka mabubuhay!" Bumilis ang paghinga ko dahil sa isang iglap may hawak na siyang baril at nakatutok yun sakin. "Ow-kayy! Kung hindi ka man lang maging sakin, mas mabuti nang patayin na kita, diba?" Dahan-dahan akong umatras habang nakataas ang kamay ko sa ere. Si Liane naman hakbang nang hakbang palapit sakin.


"L-Liane..."


"Oo nga't mahal kita kaya nga ayokong may kaagaw sa'yo eh! Pero kung kay Athena ka lang din mababagsak, why not pabagsakin nalang kita ngayon din? Ha?" Sigaw niya bigla. "Bakit kasi hindi ako ang mahalin mo? Wala sanang ganitong nangyayari eh! Kasalanan mong lahat to! Kasalanan mo'to!" Napapikit ako nang pinutok niya ang baril. Hindi ako nakasangga dahil biglaan niyang kinasa at pinaputok yun. Nakaramdam ako ng hapdi sa kaliwang binti ko kaya napaupo ako. "Warning palang yan! Gusto kasi kitang pahirapan eh kagaya ng pagpapahirap niyo sakin!"

"AHH!" Sa ikatlong pagkakataong pagkasa niya sa baril, pinilit kong tumayo at agad ko siyang sinugod at hinawakan ang baril. Ngayon, parehas na kaming nakahawak sa baril niya. "Stop this, Liane! Wala ka rin namang mapapala sa ginagawa mo! Makukulong ka lang!"


"I don't fvcking care! Basta ang importante makuha kita! Argh!" Dahil sa mas malakas ako, matagumpay kong nakuha ang baril ngunit agad ko rin yung nabitawan nang may pumalo sa likod ng ulo ko. Ramdam kong dumugo iyon.


"Sige! Subukan mong lumaban, ipuputok ko talaga to sa bungo mo!" Ngunit hindi ako nagpatinag, lumapit parin ako sa kanya.


"I'd rather die than to be with you." I coldly said as I pace my way towards her.


Liane smirked. At parang nag slow-mo sakin ang pagkalabit niya sa baril. "NOOOOOO!" Nagulat nalang ako nang may tumulak sakin kaya nadapa ako sa gilid. Pero agad ding napatayo nang napagtanto kung sino ang may gawa nun. Athena... "L-Liane... p-patawarin mo ako..." And I felt like my heart stops from beating nang makitang nawalan siya ng malay at umagos sa kanang dibdib niya ang dugo dahil sa tama ng baril.


"Hah! Bagay lang sa'yo yan!" Liane shouted at Athena. Tatayo sana ako nang may humawak sa dalawang balikat ko, tauhan ni Liane. Saka ako nawalan ng lakas habang nakatitig sa walang malay na katawan ni Athena.


"I swear to God, kapag hindi mo ako napatay, sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan! Wala akong pakialam kung babae ka! Fvck! Sinagad mo ang pasensya ko, Liane! Nawalan na ako ng awa sa'yo, kaya siguraduhin mong mapapatay mo ako ngayon dahil hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo pag nakalabas ako rito!"


"Nye! Nye! Nye! Daming satsat! Oh ayan, isusunod na kita! Bagay din naman kayo, bagay kayong dalawa sa kamay ni kamatayan! HAHAHAHAHA" I immediately feel the pain in my chest dahil sa tama ng baril. I bitterly smiled habang unti-unting namigat ang talukap ko. I'm sorry... Please don't let our story to end here, I'm begging you!

Third Person's POV

"Babe! Babe! Nasaan si Athena?" Nagpapanic na tanong ni Kaede kay Zares habang si Zares ay kakakausap lang kay Daren at sinabihan pa niya ito na nasa kanila si Athena.


"What do you mean?"


"She isn't here! Paggising ko wala na siya sa tabi ko. Teka, sinong kausap mo?"

"Daren, I even told him nasa atin si Athena. And then, biglang namatay yung tawag."


"Shit!" Kaede cursed kaya nakatanggap siya ng death glare mula sa asawa niya. "We need to find her!"


"Fvck! Let's go!" They immediately hopped in to their car na nasa likod lang ng Kubo. "Babe, here's the plan. Ako lang ang papasok sa loob at dito ka lang, okay? No buts! Wag matigas ang ulo!"


"Peroㅡ"


"I said no buts, Kaede! And I'm dead serious. I can't afford to let something bad happen to you."


"Please find her, find them. And please be safe." Naiiyak na sambit ni Kaede sa asawa.


"I will, lock all the door. And call the police in five minutes, hmm?" Kaede nodded. Zares kissed his wife saka lumabas ng kotse bitbit ang isang silencer.


Habang tinahak ni Zares ang isang abandonadong building ay may nakikita siyang iilang mga tauhan kaya syempre binaril niya ang mga ito agad sa bawat binti dahil ayaw niyang patayin ang mga ito. Silencer naman ang baril niya kaya walang ingay ang mga putok.


Nang masiguro na niyang wala siyang nakaligtaang mga tauhan ay isa-isa niya itong itinali sa bawat sulok. Hindi na rin nakapalag ang mga tauhan ni Liane at tanging ungol nalang ang naisambit dahil sa tama ng baril sa mga binti nila.

Madali lang sa kanya ang lampasan lahat ng mga tauhan hanggang sa may napansin siyang isang lalaki na mabilis tumakbo patungo sa likod ng building at nagtago. Zares' smirked. Huli ka, budoy! Humanda ka sa kaibigan ko!


Hindi nalang niya iyon pinansin dahil base sa ikinikilos nung lalaki ay mukhang hindi iyon marunong gumamit ng baril.


Nagpatuloy siya at tinahak ang isang kwarto na siyang tanging may bobong ngunit maalikabok. Sinipa niya ang pinto kaya agad bumukas iyon. "Shit!" Ang naiusal niya matapos makita si Athena at Daren na nakahandusay sa lapag na parang mga duguan.


Nakita niya agad si Liane kaya pinaputukan niya ito agad. Nabaril din niya ang nag-iisang tauhan na nandun nang tangkain siya nitong barilin. "Argh! Wala kang kinalaman dito! Mind your fvcking business!" Ani Liane habang sapo ang brasong nabaril ni Zares.


"Of course it's my business. They're my friends after all." Zares smirked. "Kaya pala wala kang kaibigan maski isa. Ang dumi pala ng mga pinanggagawa mo!"


"Shut the fvck up!" Sinugod ni Liane si Zares ngunit dahil may tama na sa braso si Liane, naunahan na siyang pigilan ni Zares. He handcuffed Liane's wrist saka hinila.


"Ngayon wala ka ng kawala. It's time to pay what you did."


Umiling-iling na parang baliw si Liane saka umiyak ng umiyak. "N-No! H-Hindi pwedeng makulonh ako! Pakawalan mo ako, I'm begging you."

"No more mercy for you." Sakto namang dumating ang mga pulis pati na rin ang ambulansya.


"Are you okay?" Agad nilapitan ni Kaede si Zares at tiningnan kung may tama ba.


"I'm okay, don't worry." Zares sighed. "But Daren and Athena..."


"Where are they?"


"I'm sure everything's gonna be okay. Let's just pray, babe." He kissed her temple saka lumabas ng building. "Naisakay na sila sa ambulansya. Yung mga tauhan?"


"Nadakip na rin. I'm now glad na madadakip na yang Liane na yan! Gosh! Ang sama-sama ng ugali!" Natawa lang si Zares sa sinabi ng asawa.


"May isa pa palang sangkot dito." Nagulat si Kaede sa narinig.


"Yeah, I saw him. Hah! Athena treated him like family na pero ito lang ang ibabalik niya!" Nilingon ni Kaede ang asawa. "Sleepy?"


"Hmm... I want to sleep."


"Sleep, then." Pinahiga ni Kaede si Zares sa kandongan niya at siya na ang nagmaneho paputang presinto. Sana maging maayos lang ang kalagayan nila...


*
A/N: Merry Christmas, ZYNYSS! Hope you have a wonderful day! I'm sorry for the delayed update. Now, I'm back on updating more dahil malapit ng matapos ito. Sana subaybayan niyo! Enjoy & happy reading! :)

Continue Reading

You'll Also Like

102K 3.9K 8
2 tom dylogii ,,Agony"
279K 8K 136
"𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒏𝒐 𝒘𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝒘𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒇 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒃𝒆 𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒃 𝒃𝒍𝒐𝒏𝒅𝒆."
1.9K 77 10
Tommyinnit Works at his Local Small Cafe in Lmanburg He starts getting a customer that comes a little too often What has he gotten himself into..? in...
177K 4K 64
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad