Letters of Past Summer Nights...

By 4reuminct

2.1M 61.6K 75.2K

OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
11
12
13

10

138K 3.3K 4.2K
By 4reuminct


"Akala ko ba hindi ka ready mag-commit?" 

Tumaas ang isang kilay ko kay Seven. Umiwas siya ng tingin sa akin at bahagyang napatakip sa labi niya gamit ang likod ng kamay... Iyong labing humalik sa akin. Kahit saglit lang 'yon, para na akong mababaliw. Sinusubukan ko lang maging kaswal sa kanya pero sa loob-loob ko, parang lalabas na sa dibdib ko 'yong puso ko. 

"That was not what I meant," pagpapaliwanag niya. "Lyonelle said... If we like each other, we should be together but..."

"But ano?" Kumunot ang noo ko. 

"Personally, I would like to court you first," nahihiyang sabi niya. 

"Court? Ligaw? Bakit... Sinabi ko na sa 'yong gusto kita..." Binulong ko pa iyong huli kong sinabi dahil nahiya. Liligawan lang naman 'yong tao para magustuhan ka... eh, gusto ko na siya! Bakit pa niya ako kailangang ligawan?! Sasagutin ko lang din siya kaagad. Hala, nakakahiya naman 'tong iniisip ko. Mabuti na lang at hindi niya nababasa mga iniisip ko. 

"But are you okay with that? We didn't go through it the traditional way..." Napakamot siya sa ilong niya. Kanina pa siya hindi makatingin sa akin pagkatapos niya akong halikan. Ngayon pa siya mahihiya, huh? 

"Hindi na uso 'yon, Seven. Talking stage na ang uso ngayon," pagbibiro ko sa kanya. "Hindi ba kasali 'yon sa seminar n'yo ni Lai?" 

"Are you sure you don't want me to court you anymore? I can-" 

"Ligawan mo na lang ako araw-araw habang tayo." Ngumiti ako sa kanya, hinihintay ang reaksyon niya sa kakornihang sinabi ko. Lumingon siya sa akin, sinusubukang intindihin ang sinabi ko. "Wala, huwag mo nang isipin."

"So... What's your answer?" Binalik niya na sa topic ang usapan namin. 

"Siyempre, gusto ko!" agad na sabi ko. Masyado 'atang mabilis ang pagsagot ko na pati ako ay nahiya. Umiwas ako ng tingin at nilaro ang mga daliri ko. "I mean... Sino b'ang may ayaw na maging boyfriend ka..." 

"Do you really like me? Are you serious?" Hindi ako makapaniwalang siya pa ang may ganang magkaroon ng doubts! Ako nga dapat ang napapaisip kung bakit niya ako nagustuhan! 

"Seryoso ka rin ba? Nakikita mo ba ang sarili mo? Lahat mafo-fall sa 'yo." Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa akin para pagmasdan. "Sino'ng hindi magkakagusto sa 'yo?" 

"I thought I had no chance." He bit his lower lip, getting embarrassed. "I'm so happy right now..."

Seryoso? Siya talaga 'yong may pakiramdam na ang taas-taas ko para hindi niya maabot, huh? Lugi nga siya sa akin, eh... He could do better... pero malulungkot lang ako kung iisipin ko 'yon. Ang mahalaga, ang sabi niya ay ako ang gusto niya. 

"Wait, you should rest. You're still sick." Dahan-dahan niya akong hiniga sa kama at kinumutan. Pagkatapos ay kumuha ulit siya ng towel at nilagay sa noo ko. 

"Wait... so... ano na?" tanong ko sa kanya. Ayaw ko ng malabong relasyon! Kailangan kong malinawan. Ayaw ko nang umasa sa wala. 

"What do you mean?" He tilted his head a bit to the side. 

"Tayo..." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

"You're my girlfriend." Umupo siya sa gilid ko at pinisil ang pisngi ko. "You're my girlfriend..." Parang sa sarili niya na 'yon sinasabi. Pati siya ay mukhang hindi makapaniwala. "Sorry, I just... This doesn't feel real to me." 

Bakit ba ang taas ng tingin niya sa akin, huh? Paano niya ba ako nakikita? May sira ba ang mga mata niya? 

"You really like me?" tanong niya ulit. "You're not... forced or... pressured or anything like that, right? This is real, right?" 

"Gusto kita," ulit ko, assuring him. "No joke. Seryoso... at matagal na rin kitang gusto. Basahin mo kasi..." Tinuro ko ang jar na binigay ko sa kanya. "Nandiyan lahat ng assurance na kailangan mo." 

"Since when?" curious na tanong niya. "Because... all this time, I thought it was just one-sided."

"Ikaw muna. Since when? Hindi mo kasi sinasagot." 

"Since the first time I saw you on campus." 

Napakunot ang noo ko. Huh? "Seryoso? Kailan 'yon?" 

"I was a sophomore. You were a freshman. You talked to me..." Huh? Ako? Kinausap ko siya?! Hindi ko maalala! Ang dami ko kasing pinagtanungan ng mga direksyon! "It's okay if you don't remember. You were asking where the Fashion Institute was."

"Ano naman ang kagusto-gusto roon?" Mas lalo akong nagtaka. Kung iba ba ang nagtanong sa kanya ng direksyon... Iyon ba ang magugustuhan niya at hindi ako? 

"You smiled."

"Ha?" 

"You smiled at me... and I liked your smile. I thought you were cute..." Napangiti siya, mukhang naaalala pa 'yong scenario na 'yon. Ako naman ay hindi ko na maalala. Isa pala siya sa mga tinanungan ko. Naligaw-ligaw kasi ako noong first day. 

"Cute, huh..." Ano kaya ang cute doon? 

Pinagpahinga niya na ako buong gabi. Nagising ako noong madaling-araw dahil narinig ko siyang paalis. Nang magising ulit ako noong umaga, naroon na ulit siya at naghahanda na ng breakfast. Nagtataka ako kung paano siya nakakapasok sa apartment ko, pero nakita ko 'yong susi ko sa may dining table. 

Okay na ang pakiramdam ko kaya tumayo ako at nagmamadaling pumunta sa banyo bago pa niya ako maabutang bagong gising. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako napansin. Naghilamos kaagad ako ng mukha, nagmumog, tapos nagsuklay. Nang makitang medyo maayos na ang hitsura ko ay binuksan ko na ang pinto.

"Jusmiyo!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil paglabas ko ay nakasandal na si Seven sa may countertop at nakahalukipkip. Nakatingin siya sa akin na parang hinihintay niya akong lumabas ng banyo. 

Lumapit siya sa akin at nilagay ang kamay sa noo ko para tingnan kung may lagnat pa ako. Sunod ay nilagay niya ang kamay niya sa leeg ko. Napalunok tuloy ako. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Ganito na lang palagi tuwing malapit siya sa akin. 

"Do you feel better? I cooked you some breakfast." Tinuro niya ang lamesa kung saan nakahain na ang pagkain. Isang plato lang ang nandoon kaya nagtaka ako. "I already ate at home."

Umuwi pala siya kaninang madaling-araw tapos bumalik nang maaga. Sabagay... Saan naman siya matutulog dito? Alangang matulog siya sa tabi ko sa kama, hindi ba? Baka mahawa pa siya o kaya mahulog pa kaming dalawa dahil masikip. Hindi rin naman siya kasya sa couch dahil ang tangkad niya. 

"Thank you..." sabi ko nang hatakin niya ang upuan para makaupo ako. Umupo siya sa tapat ko habang kumukuha ako ng pagkain. Nilutuan niya ako ng pancakes. Ang ganda nga ng luto, eh. Hindi ko in-expect na marunong siyang magluto... pero nabanggit niya ring siya ang pinaka-responsible sa bahay kaya siguro ganoon. 

"Let's visit your dad, and then let's go out." 

Inaaya niya ba akong makipag-date? Nag-init ang pisngi ko, naaalalang kami na nga pala at unang araw namin ngayon! 

Mabilis akong naligo pagkatapos kumain. Balak ko sanang maghugas pa ng plato pero pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nagpupunas na si Seven ng lamesa at may hawak na disinfectant spray. Tapos na rin niyang hugasan ang mga plato at pinaglutuan niya. Nagtaka ako kung saan nanggaling 'yong mga bagong cleaning materials... Namili pala siya kagabi dahil may reusable bag ng grocery doon sa taas ng ref, nakatupi. 

Nakakahiya naman. Gaano ba kagulo 'yong apartment ko nang maabutan niya? Pati ngayon, naglilinis din siya ng mga surface. Inayos niya rin lahat ng pinggan at pinaglalalagay roon sa loob ng kitchen drawer. Iyong mga tela nga na ginagamit ko ay nakarolyo na lahat at naka-organize by color sa may lamesa ko. 

Nakasuot lang ako ng white na tube at denim maxi skirt. Naglagay rin ako ng belt dahil parang may kulang. Nag-blower ako ng buhok para naman makapag-ipit ako at makapag-ayos kahit papaano. Nakakahiyang kasama si Seven. Ang ganda ba naman ng suot tapos lahat ay designer brands... tapos naglilinis lang siya ng apartment ko habang ganoon ang suot niya. Nakakahiya talaga. 


Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buhok ko. Hinati ko na lang sa gitna at tinirintas hanggang sa baba. Braided pigtails ang nangyari, tapos naglagay ako ng kaunting make-up. Pasulyap-sulyap ako kay Seven para tingnan kung naiinip na siya pero mukhang abala naman siyang maglinis. 

Nakasuot si Seven ng brown na short-sleeved polo shirt na naka-tuck in sa dark denim pants niya. Ang ganda ng fit sa kanya noong polo, lalo na sa chest at arms. May maliit na logo ng designer brand sa gilid ng polo niya kaya alam kong mamahalin. He was also wearing a different watch from last time. Rolex 'yong ngayon.

Kinuha ko na ang hand bag ko at nilagay roon lahat ng kailangan ko bago ako nagsuot ng sandals. Naalala kong papunta nga pala kaming hospital bago mag-date kaya nagdala ako ng sweater para ipatong sa tube ko. 

"Nagpagupit ka?" tanong ko nang palabas na kami ng apartment. 

"Yes, three days ago." Naka-layered two-block haircut na siya. 

He brought a car with him. It was an Audi SUV na kulay white. Nako-conscious na naman tuloy ako... kasi walang designer sa suot ko. Wala rin akong gamit na mamahalin ang brand. Iyong pabango ko lang na bigay ni Chae. 

Alia, wala kang magagawa. Ganyan na talaga si Seven bago ka pa niya makilala. Ganyan na ang status niya simula pagkapanganak niya.

"You can connect your phone," sabi niya sa akin. 

"Huwag na. Ikaw na lang ang magpatugtog."

"Uh... I don't usually play music while driving." 

"Sige, ako na!" Hindi ko kakayanin ang awkwardness! Nag-connect ako sa bluetooth pero nilalagyan ng nickname iyong device kapag kino-connect. Nilagay ko na lang ang pangalan ko. Nang ma-enter ko na, lumabas iyong ibang mga device na naka-connect at 'yong mga pangalan. 

'nat pinakamaganda' 

'you're so hot lai' 

'mommy eli :)' 

'tatay mong pogi' 

'kiel mas pogi' 

'7' 

Natawa ako habang binabasa iyong mga device names. Ako lang 'ata ang may pinaka-simpleng nickname at tsaka si Seven. 

"I didn't put those names," defensive na sabi niya kaagad.

"Alam ko... Ano kaya ang ilalagay ko sa akin? Creative pala dapat," nakangiting sabi ko pero hindi ko naman na pinalitan. Nagpatugtog na lang ako galing sa Viral Hits na playlist dahil wala rin naman akong mga kantang sobrang favorite na pinapatugtog. 

Dahil sa history ng mga device, alam ko nang iyon pa lang ang mga nasasakay ni Seven sa sasakyang 'to. Iyong mga malalapit lang din sa kanya. What an honor na mapasama sa mga 'yon. 

Nag-park siya sa may basement, tapos nag-elevator kami paakyat sa may lobby. Iba pa kasi ang elevator papunta sa mga rooms. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makasakay kami sa susunod na elevator. May mga nakasabay kaming doktor na papasok. 

"Seven," bati pa sa kanya ng isang doktor nang pumasok sa elevator. 

"Tito." Nagmano si Seven sa kanya bago tumingin sa akin. "This is Alia. I told you about her dad." 

"Yes. Hello, I'm Doctor Ramirez," pakilala sa akin ng doktor at nag-alok pa ng kamay.

"Nice to meet you po." 

Ramirez... Wait... Ramirez Medical... Doctor Ramirez... Weh, imposible. Hindi nga? Totoo ba? Bakit ang dami namang koneksyon ni Seven?! Akala ko sponsor lang ang Mommy niya sa hospital. Tito niya rin ba 'yong may-ari?! 

"I'll see you guys around," sambit ni Doctor Ramirez nang bumukas na ang elevator at bumaba na siya. 

"Tito mo?" tanong ko kay Seven nang sumara na ulit ang elevator. "Siya ba may-ari ng hospital?"

"His family, and no, he's not my uncle, but close to that. He's a friend of my parents," pagpapaliwanag niya. "Your dad is in good hands. They have great doctors here." 

Pagkabukas ng elevator, naglakad na kami papunta sa private room kung saan trinansfer si Papa. Gising na siya nang pumasok kami at ngumiti pa nang makita kami. 

"Pa, kumusta?" tanong ko at umupo sa tabi niya. "Ah, si Seven po pala..." pagpapakilala ko at tumingin din kay Mama. 

"Kilala na namin siya, anak! Pumunta siya rito kaninang umaga, kaso tulog pa ang Papa mo. Kasama niya 'yong Mommy niya kanina! Si Ma'am Elyse," masayang sabi ni Mommy. 

Ah... Ayaw ko pa naman sanang ipakilala si Seven bilang anak ng Ledezma. Wala na akong magagawa dahil bumisita na pala sila rito kaninang umaga.

"Maraming salamat sa Mommy mo, Seven, ah," sabi ni Papa at hinawakan pa ang kamay ni Seven. "Hindi na sana ako magpapagamot dahil nga wala naman kaming pambayad, kaya maraming salamat sa tulong n'yo. Hulog kayo ng langit!" 

"Walang anuman po," magalang na sabi ni Seven. 

"Si Tito po?" tanong ko kay Mama. 

"Umuwi muna para ayusin ang bahay niya rito sa Manila dahil doon muna kami tutuloy ng Papa mo habang nagpapagaling pa siya. Maliit kasi ang apartment mo, anak. Hindi kami kakasya ng Papa mo roon," sabi ni Mama. 

Natahimik ako nang maamoy ko sa kanya ang yosi. Tumingin ako sa paligid at nakita iyong envelope sa may side table. Medyo nakabukas 'yon kaya nakita kong pera ang laman. 

"Ah, binigyan kami ng pambili ng gamot ni Ma'am Elyse!" pagpapaliwanag ni Mama.

"Hiningi mo 'yan, Ma?" seryosong tanong ko.

"Ano ka ba, hindi, ah! Kasama 'yan sa sponsorship niya, iyong pambili ng gamot! Huwag kang mag-alala... Hindi ko naman 'yan gagastusin sa ibang bagay!" Kinuha ni Mama ang envelope at tinago sa bag. 

"Akin na, Ma. Ako na ang bibili." Nilahad ko ang kamay ko.

"Kahit dito ba naman, Alia, wala kang tiwala? Sa gamot lang namin 'to gagastusin," pangungumbinsi ni Mama.

"Akin na nga, Ma. Ako na nga para hindi na kayo maabala. Diyan lang naman sa baba ang bilihan," giit ko, pinipigilan ang emosyon. 

Padabog na kinuha ni Mama ang envelope at bago ibigay sa akin ay kumuha pa siya ng iilang pera. Napakunot ang noo ko at inagaw mula sa kamay niya iyong kinuha niya. 

"Alia!" galit na sabi niya. "Kahit allowance lang hindi mo pa mabigay? Hindi ka na nga nagpapadala sa amin, pati ba naman ito-"

"Seven, lumabas ka muna," galit na sabi ko habang nakatingin kay Mama. Kinuyom ko ang kamao ko para mapakalma ang sarili. 

"Alia..." Ayaw pa sanang umalis ni Seven pero ayaw kong marinig niya kaming nag-aaway. Ayaw kong makita niya mismo kung gaano kaiba ang pamilya niya sa pamilya ko.

"Sige na, Seven." Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya. Narinig ko na lang siyang naglakad palabas at sinara ang pinto. "Ma, hindi ka ba nahihiya? Nandito si Seven tapos sasabihin mong ipapang-allowance mo 'yong bigay ng Mommy niya para sa gamot?" 

Hindi ko pa ring magawang itaas ang boses ko. Hindi ko kaya... kasi magulang ko pa rin sila. Mahal ko sila kahit ginaganito nila ako... kahit hirap na hirap na ako. 

"Ano ba ang masama? Ang sabi naman ni Ma'am Elyse ay huwag kami mahiyang tanggapin 'yon." 

"Alam mo bang itatrabaho ko lahat 'yan dahil ayaw kong tumanggap ng tulong nang ganoon-ganoon lang, Ma? Kasi hiyang-hiya ako... kaya nangako akong babayaran ko lahat 'to. Magtatrabaho ako para mabayaran ko lahat ng tulong na 'to tapos kayo... Kung saan-saan n'yo lang ipapanggastos?" hindi-makapaniwalang sabi ko.

"Alia, may sakit na nga ang Papa mo, ang sama-sama pa rin ng tingin mo sa amin. Saan ko pa ba gagamitin 'yan kung hindi para mabuhay? Anong pera ang gagamitin namin pambili ng pagkain? Pamasahe? Nagpapadala ka ba?"

"Ma, kakapadala ko lang bago nangyari lahat ng 'to!" naiiyak na sabi ko. "Halos lahat na ng sahod ko binibigay ko na sa inyo... Wala na ngang natitira sa akin kung hindi pambayad ng renta at kuryente. Pati sa pagkain, nagtitipid ako para lang may mapadala ako sa inyo... Bakit naman ganito, Ma... Huwag naman kayong umaktong masama akong anak sa inyo... Ginagawa ko naman lahat, eh." Tumulo na ang luha ko pero agad ko ring pinunasan 'yon gamit ang likod ng kamay ko. 

"Hay naku, pati ba naman ito kailangan pang pag-awayan at iyakan? Oh, sa 'yo na 'yan lahat. Bahala ka sa buhay mo at ayaw ko nang makipagtalo sa 'yo." Binigay sa akin ni Mama ang envelope. Padabog siyang umupo sa may sofa at humalukipkip. 

"Wala naman kaming gagawing masama sa pera, Alia, eh... Lahat naman ng pinapadala mo ginagamit namin sa tama," singit pa ni Papa.

"Pa!" Napasigaw na ako at galit na lumingon sa kanya, lumuluha pa. "Huwag n'yo akong gawing tanga. Nakita ko 'yong bahay natin sa Cavite. Naiwan n'yo pa lahat ng bisyo n'yo roon. Ano ang pinapambili n'yo roon? Wala naman kayong trabaho pareho." 

"Hindi naman sa amin 'yon. Sa mga kumpare ko lang 'yon at sa mga kaibigan ng Mama mo kapag nagsasaya kami."

Napabuntong-hininga ako. Gusto ko pang magsalita pero alam kong wala nang patutunguhan 'to dahil pinagmumukha nilang ako 'yong masama. Nilagay ko na lang sa bag ko at pinunasan ang luha ko.

"Aalis na ho ako. Si Tito na lang ang kakausapin ko." Pagkabukas ko ng pinto ay saktong papasok si Tito.

"Oh, Alia-" Hindi na niya natuloy ang bati niya dahil inabot ko na sa kanya iyong pera at biniling huwag niyang ibibigay kina Mama. Panggastos lang 'yon sa mga kailangan ni Papa sa pagpapagaling niya.

Lumabas na rin ako kaagad at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa elevator. Sumunod si Seven sa akin at hindi na nagtanong. Hindi ko alam kung narinig niya ang pinag-uusapan namin. Hindi malabo dahil naroon lang siya sa may labas ng pintuan. Tiningnan ko ang hitsura ko mula sa screen ng phone ko. Halata bang umiyak ako? Hindi naman siguro.

"So, saan tayo pupunta?" Ngumiti ako at tumingin kay Seven. 

Matagal siyang napatitig sa akin, mukhang may gustong sabihin pero hindi magawa. "Do you like pastries?" Iyon na lang ang tinanong niya kahit halata namang hindi iyon ang nasa isip niya. 

"Oo naman! Comfort food ko rin 'yong pastries," sagot ko. 

Sumakay na ulit kami ng sasakyan at nag-drive siya paalis. Hindi ko alam kung saan kami papunta dahil hindi niya rin sinasabi. In-expect ko na lang na may pastries sa pupuntahan namin. Nag-crave ako bigla ng oreo cheesecake. 

"Oh..." Nag-park kami sa tapat ng isang coffee shop. Yesterday's Coffee ang nakalagay sa sign sa labas. Nang huminto ay tinanggal ko na ang seatbelt ko.

Mabilis na umikot si Seven para pagbuksan ako ng pinto bago kami naglakad papasok. Pumila kami sa may counter habang nag-iisip kami ng o-orderin. Parang ang sarap ng mga pastries na naka-display. Mayroon din silang oreo cheesecake! 

Nang turn na namin ay binati si Seven ng nasa cashier, mukhang kilala siya. Huwag mong sabihing kilala niya rin may-ari nito, ha? Dapat talaga hindi na ako nagugulat dahil alam ko naman ang level ng pamilya niya. 

"Ano'ng gusto mo?" tanong ni Seven sa akin. 

"Oreo cheesecake." Iyon lang ang sinabi ko pero parang ang daming in-order ni Seven. Dalawang drinks, dalawang cupcakes, isang slice ng mango graham, tapos 'yong cheesecake ko. 

"You can sit down. I'll prepare the drinks for us," sabi niya naman.

"Ha? Ikaw?" nagtatakang tanong ko.

"Today's a special day." Ngumiti siya sa akin. 

Wala na akong nagawa kung hindi umupo na lang sa bakanteng table. Nakaharap ako sa may counter kaya napanood ko siyang mag-prepare ng inumin naming dalawa. Hindi ko alam na may hobby pala siyang ganito... Wala naman siyang nabanggit sa akin. Sabagay... Hindi naman siya palakwento. Marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya at ganoon din siya sa akin.

Hindi niya pa alam lahat ng pinagdaanan ko... at okay lang 'yon dahil ayaw kong mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayaw kong kaawaan niya ako. 

Pagkabalik niya, dala-dala niya na ang mga order namin sa iisang tray. Dahan-dahan niyang nilapag ang mga 'yon sa table bago binalik ang tray. Pagkatapos ay umupo siya sa tapat ko at inabot sa akin 'yong drink na ginawa niya. 

"I hope you like fruits," sabi niya. "It's a refresher." 

Tinikman ko iyon at agad napatango sa kanya. "Masarap!" sabi ko at uminom ulit. Para siyang fruit shake, tapos may lemon. Tinikman ko rin 'yong cheesecake at agad kong nagustuhan. 

"My mom owns the place," sabi niya sa akin. "She studied how to make drinks and dragged me with her so I know a thing or two." I was glad he was starting to share more. 

"Thank you, Seven." I gave him a genuine smile. Alam kong dinala niya ako rito para ma-comfort ako kahit papaano. Narinig niya nga siguro ang usapan namin nina Mama. 

"Today should be a happy day... so I hope you won't cry anymore." He caressed my face and gave me a small smile. "It hurts to see you cry." 

Kinuha ko ang cupcake at kakainin ko na sana nang mapatingin ako sa gilid kung saan may mga pictures na dinidikit ang mga tao. Napaisip tuloy ako at kinuha ang phone ko.

"Picture tayo," aya ko sa kanya kahit alam kong ayaw niyang nagpi-picture. Ako rin naman pero gusto kong i-document 'tong araw na 'to. First date namin as a couple kahit medyo awkward pa kami sa isa't isa. 

Nagtawag siya ng waiter para magpa-picture. Lumipat pa siya sa tabi ko at pareho kaming may hawak na cupcake. Nagpasalamat ako roon sa Kuya pagkatapos niya kaming kuhanan ng litrato. Sinilip din ni Seven ang hitsura namin doon. 

"Ang cute," natatawang sabi ko. "Ang gwapo mo naman dito..." mahinang sabi ko at zinoom ko pa sa mukha niya. He was smiling without showing his teeth. 

Ang layo ng photo kaya sinandal ko ang phone ko sa may drink at binuksan ulit ang camera. Nag-take kami ng selfie habang hawak ang cupcake. Halos magkadikit na ang mukha namin dahil pinagkakasya namin ang sarili sa camera. Cute.

"Can I see?" Inabot ko sa kanya ang phone ko at mukhang pinasa niya ang pictures sa phone niya. He was staring at it na para bang tuwang-tuwa siya. 

"Baka ipa-frame mo pa 'yan, ha..." pagbibiro ko. 

"You gave me an idea."

Natawa ako at napailing na lang sa kanya. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa school habang kumakain kami. Pagkatapos ay nag-drive na siya papunta sa next naming destination. Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin kong papasok kami sa parking ng hotel. Ledezma Group din ang may-ari. 

Napalunok ako. Hala... Ano'ng gagawin namin dito? Hindi pa nga kami nakakapag-kiss nang maayos! Hanggang smack lang! Hala... Hindi ako naghanda para dito. Ang bilis naman! Kinabahan tuloy ako at tiningnan si Seven.

Hininto niya ang sasakyan at pinagbuksan ulit ako ng pinto. Hindi ako makapagsalita habang nasa elevator kami. Mas malala pa kasi hindi rin siya nagsasalita kung saan ba kami papunta. Ayaw kong ipahiya ang sarili ko kaya shut up na lang muna ako! 

Bumukas ang elevator sa may pinakamataas na floor at naglakad kami hanggang sa makarating kami sa parang balcony kung saan may infinity pool, mga sofa, garden, bar area, at magandang view. Kami lang ang tao roon. Sakto, pa-sunset na. Agad akong naglakad papunta sa may dulo at sinandal ang braso ko sa railings.

"Wow..." bulong ko. "Ang ganda..." Ang hangin pa. Tumabi si Seven sa akin at sinandal din ang braso niya sa railings. 

"Do you feel better?" tanong niya at bahagyang inayos ang buhok ko dahil hinahangin. 

"Ngayon lang ako nakarating sa ganito kataas na floor," namamanghang sabi ko sa kanya. "Ang galing..."

Ito pala ang gusto niyang ipakita sa akin... kung ano-ano pa ang iniisip ko. Pasensya ka na, Seven. Mabuti na lang talaga at wala akong sinabi at tinanggap ko na lang kanina ang kapalaran ko. 

Pinagmamasdan din ni Seven ang view habang hinahangin ang buhok niya. Humarap ako sa kanya at inabot ang mukha niya. Tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi. Nagulat siya at napalingon sa akin.

"Thank you," genuine na sabi ko. He really made me feel better after crying. "Nabasa mo na 'yong nasa jar?"

"Yes." Namumula na ang pisngi niya, hindi pa rin nakaka-get over sa paghalik ko sa kanya. "Thank you... for liking me," nahihiyang sabi niya. "And I didn't know you were jealous of Chae." 

Nanlaki ang mga mata ko. Huh?! Nasama ko ba 'yon doon?! Shit! Napaiwas kaagad ako ng tingin. Akala ko ay inalis ko na lahat ng nakahiya kong sinabi roon! Bakit naman nasama pa 'yon?! May sinulat kasi ako noong nag-cancel siya ng plano namin pagkatapos siyang kausapin ni Chae! 

Natawa siya sa reaksyon ko at napailing. "Selosa ka pala..." sabi niya, halatang nang-iinis. 

"Hindi, ah. Magulo ka lang kasi noon!" Pinagtanggol ko pa ang sarili ko. "Malay ko ba kung may gusto ka sa akin o ano."

"Hindi pa ba halata?" Napangiti siya at sinandal ang pisngi niya sa may braso niyang nasa railings habang nakaharap sa akin. "Everyone knew. Ikaw lang hindi." 

"Siyempre... Napaisip din ako pero sabi ko, parang imposible kasi si Seven ka, eh! Naisip kong hindi mo naman ako magugustuhan at asummera lang ako. Ayaw ko namang mag-assume sa mga ganoon." Nagpaliwanag pa nga! 

Natawa siya saglit habang nakikinig sa paliwanag ko. "A lot of people like you... so I'm glad I was the first one to confess. I thought I'd be happy with just admiring you from afar, but I can't stand seeing you with someone else." 

"Huh? Sino naman ang may gusto sa akin?" Nasisiraan na talaga 'tong si Seven. Siya 'ata ang assumero dito, eh! 

"I know two people, but I won't tell you. I'm your boyfriend now... so eyes on me." Hinawakan niya ang baba ko at ngumisi. 

"Seloso ka rin, eh," pang-aasar ko.

"Siguro nga..." Tumalikod siya at umupo sa may couch na nakapaligid sa pool. 

May pinindot siya at unti-unting sumara iyong pool. Hindi ko pinahalatang namangha ako at naglakad na lang ako papunta sa tabi niya. Lumubog na ang araw kaya madilim na. Saka ko lang napansin ang projector sa harapan namin nang makaupo ako. 

"What do you want to watch?" tanong niya sa akin habang pumipili ng movie. 

"Surprise me," sagot ko. Kahit ano namang piliin niya ay papanoorin ko. 

Sa huli, pumili siya ng thriller and mystery movie. Iyong tipong matatakot ka nang lumabas ng bahay mo pagkatapos mong panoorin. Napapatakip ako sa mga mata ko kapag may scene na puro dugo. Sa kalagitnaan ng movie, may dumating na hotel staff at nag-deliver ng snacks. Popcorn na lang iyong kinuha ko. 

Itong date na 'to 'yong pinakama-effort na date na naranasan ko. Kahit kailan ay hindi ako dinala sa ganito ng ex ko. Hindi rin kasi siya mahilig magplano ng date. Palagi niyang sagot sa akin ay 'kahit saan' tapos magrereklamo dahil ayaw niya sa pinili ko. Ibang-iba si Seven. He always planned things ahead. 

Sinubuan ko si Seven ng popcorn dahil mauubos ko na. Nakakahiya naman dahil siya ang nag-order tapos hindi siya makakakain. Nadikit tuloy ang daliri ko sa labi niya. Umiwas kaagad ako ng tingin at umaktong walang nangyari. Ang lambot naman ng mga labi niya. 

"Are you sleepy?" tanong niya nang mapansing sa iba lumilipad ang utak ko. Patapos na rin naman 'yong movie. 

"Hindi naman." Bakit ako umaakto na parang first time kong mahalikan?! Hindi ko maalis sa utak ko ang nangyari kagabi! Pagkatapos noon ay hindi na niya ako hinawakan ulit... kahit kamay ko. 

Napatingin tuloy ako sa kamay niya habang nanonood siya ng movie. Nilapit ko ang kamay ko, iniisip kung hahawakan ko ba ang kamay niya. Nakakahiya naman mag-first move... pero hinalikan ko siya sa pisngi kanina. Hindi ba mas nakakahiya 'yon? Hmm, bakit? Boyfriend ko naman siya. Ano naman ang nakakahiya kung hahawakan ko ang kamay niya?

Naputol ang iniisip ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napaangat ang tingin ko sa kanya pero nanonood lang siya at tinatago ang pamumula ng pisngi gamit ang isang kamay. Napaayos ako ng upo at nanood na lang din. He slowly intertwined our hands and caressed my hand with his thumb.

Pagkatapos ng movie, inabot niya ang remote at papatayin na sana niya ang projector nang kuhanin ko ang remote. "Nood pa tayo," sabi ko at ako naman ang namili ng papanoorin. Iyong maikli lang. 

Ayaw ko pang bitawan niya ang kamay ko. 

Nagsimula na ang sumunod na movie. Napanguso ako nang bitawan niya ang kamay ko, pero nagulat din ako nang ilipat niya ang kamay niya sa baywang ko at hinatak ako palapit sa kanya. Parang hindi ako makahinga dahil doon na nagpahinga 'yong kamay niya.

"Are you watching the movie or are you watching me?" Tinago niya ang ngiti niya sa baso habang umiinom. 

Umiwas kaagad ako ng tingin. Kanina pa ba ako nakatingin sa mukha niya? "'Yong movie, siyempre."

Binaba niya na ulit ang baso ng juice sa lamesa bago lumingon sa akin. Pareho kaming nagulat sa lapit ng mukha namin sa isa't isa. Umiwas din siya at nilipat ang kamay niya sa may balikat ko. Umusog naman ako lalo palapit sa kanya para hindi siya mahirapan. 

Hindi na ako maka-focus sa movie kahit ako naman ang pumili noon. Nakaakbay kasi siya sa akin tapos ang palapulsuhan niya ang nakasandal sa may balikat ko, leaving his hand hanging. Tinaas ko ang isa kong kamay at hinawakan iyong kamay niya na 'yon, pero binitawan ko rin kaagad dahil nahiya ako. 

"I can't focus..." mahinang sabi niya.

"Ako rin, eh," natatawang sabi ko. 

Habang nakaakbay siya sa akin ay inabot niya ang baba ko at nilingon ang mukha ko sa kanya. Napapikit ako nang halikan niya ako. Humiwalay rin siya kaagad at pareho kaming umiwas ng tingin. Nagkunwari kaming nanonood na ulit. 

Hindi ko mapigilang mapahawak sa labi ko. Nadadama ko pa ang labi niya roon. Inabot ko na lang iyong baso ng juice at napainom na lang doon. 

"Hmm, inaantok na ako. Uwi na tayo," aya ko dahil hindi rin naman ako makapag-focus. Tumango siya at pinatay na ang projector. Niligpit din niya iyong mga snacks namin at nilagay sa tray bago kami naglakad pabalik sa elevator. Sa gilid ay nakita kong may bedroom doon pero hindi kami pumasok. Naroon lang kami sa labas dumaan. Balcony lang talaga ang pakay niya rito pero mukhang suite 'to. 

Pagkasakay namin ng sasakyan niya ay nag-connect ulit ako sa bluetooth. Nagulat ako nang makitang iba na ang device name ko roon. Iniba niya pala kanina. 

'my girlfriend'  na ang nakalagay. 

"Mahilig ka ba sa endearment?" tanong ko para may mapag-usapan kami habang nagda-drive siya. 

"You're my first girlfriend so... I don't know how to answer that." Hindi ko alam bakit nagugulat pa rin ako na hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend. "How about you?"

"Hmm, sakto lang. Paminsan-minsan, ganoon." 

"Baby?" 

Napalingon kaagad ako sa kanya. Nagulat ako roon, ah! Simula kasi noon ay Alia lang ang tawag niya sa akin. 

"Nakakagulat ka naman," sabi ko, hindi nagpapahalatang kinilig ako. 

Hinatid niya ako sa may tapat ng pinto ng apartment ko. May kinuha akong susi at binigay sa kanya. Duplicate key 'yon para kapag may emergency ay makapasok siya sa apartment ko. 

"Good night, Alonia," sabi niya. Ayaw ko pa sanang mahiwalay sa kanya pero kailangan niya ring umuwi sa bahay nila at kailangan ko ring mapirmi! 

"Good night, Alistaire," pang-aasar ko rin dahil full name ang binanggit niya sa akin. Hindi niya pa pala alam ang second name ko. May advantage ako roon. 

Pagkaalis niya ay dumeretso na ako sa banyo para maligo. Ang tagal kong naligo dahil naaalala ko pa 'yong memories namin kanina na parang sira. Ginawa ko na lahat ng routine ko bago ko tiningnan ang phone ko. Nag-message na si Seven na nakauwi na siya. 

Binuksan ko ang Facebook ko para magpaantok, pero ang unang bumungad sa akin ay 'yong pagpalit ni Seven ng profile picture. 

Napakagat ako sa labi ko, pinipigilan ang ngiti. Picture namin iyon kanina... Iyong selfie habang hawak ang cupcake. Nakangiti siya habang ako ay natatakpan ng cupcake ang mukha ko kaya mata lang ang nakita sa akin. 

Wave lang na emoji ang caption. "Alon... Alonia, huh..." bulong ko. "Seven... Ganito ka palang boyfriend." Napangiti na lang ako at natawa. 

________________________________________________________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

6.8K 39 2
Long gowns. High heels. Runways and the spotlight. All glitz and glamour. That is how Rose Amethyst is living her brand new life. Malayo sa buhay na...
423K 19.1K 58
In almost a year of friendship, Jan Gabriel Mercado's perception of his closest friend, Marc Ediejer Walton, will change, especially as he discovers...
177K 9.6K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
26.5K 1.5K 21
"I guess, I have to make you fall in love with me again. Ako nang bahala dun. Just wait and see, okay? Basta magigising ka na lang, in love ka na sa...