San Lazarus Series #6: Onerou...

By LadyLonelySadness

2.4K 375 4

Paano kung ang inaakala mong tamang pag-ibig ay isa pa lang huwad, saan ka tatakbo kung lahat pala ay isa lam... More

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER I: PUTO
CHAPTER II: BAYABAS
CHAPTER III: NIGHT CHANGES
CHAPTER V: NEW LIFE
CHAPTER VI: REASON
CHAPTER VII: TIRED
CHAPTER VIII: CONFESS
CHAPTER IX: SCARED
CHAPTER X: SPECIAL
CHAPTER XI: JEALOUSY
CHAPTER XII: JACKSON
CHAPTER XIII: THE TRUTH
CHAPTER XIV: DECISION
CHAPTER XV: NAMES
CHAPTER XVI: GENDER
CHAPTER XVII: GOALS
CHAPTER XVIII: FEELINGS
CHAPTER XIX: EYES
CHAPTER XX: REGRETS
CHAPTER XXI: PHYSICAL
CHAPTER XXII: SWEETS
CHAPTER XXIII: FAMILY
CHAPTER XXIV: IT'S BEEN A WHILE
CHAPTER XXV: SHE KNOWS
CHAPTER XXVI: LIE AND TRENDS
CHAPTER XXVII: SHOOTING STARS
CHAPTER XXVIII: CONDITIONS
CHAPTER XXIX: OFF
CHAPTER XXX: AMANDA
CHAPTER XXXI: SAD SONGS
CHAPTER XXXII: WISH
CHAPTER XXXIII: WHERE SHE BELONGS
EPILOGUE

CHAPTER IV: FOR YOU

71 18 0
By LadyLonelySadness

🍛🍛🍛

"Hi!" Nakangiting bati ni Vladimir sa kanya ng pagbuksan nya ito ng pinto, dahilan para magsalubong ang mga kilay nya.

Umagang-umaga pero hindi na agad maganda ang araw nya, ni wala pa nga syang almusal pero heto at naiirita na sya agad tapos bubungad pa sa kanya si Vladimir na kung makangiti ay akala mo walang problema talagang mas lalong naiinis sya.

"Ano na namang ginagawa mo rito?" Inis na tanong nya.

"Ang aga, ang taray mo agad." Sagot nito saka bahagyang tumawa. "Nag-almusal ka na ba?"

"Ano ngang ginagawa mo rito?" Ngumiti ito kaya mas lalo syang nainis. "Tumigil ka nga sa kangingiti, walang nakakatuwa!" Irita ng sabi nya saka tinalikuran ito.

"Faye," tawag nito pero hindi na nya pinansin, pinulot nya ang mga nagkalat nyang mga papel saka sinalansan ng maayos sa mesa. "May bagyo ba?" Tanong nito ng makita ang itsura ng bahay.

"Oo, gusto mo bang tumilapon sa labas?"

"Faye naman," sambit nito. "Ang aga ng topak mo, ano bang nangyari?" Tanong nito saka inilapag ang bitbit at nagligpit.

Napabuntonghininga sya, pilit nyang kinakalma ang sarili. Kanina pa sya naiiyak dala ng frustrations dahil pakiramdam nya hindi nya matatapos lahat ng kailangan nyang tapusin idagdag pa na nas-stress sya sa mga ka-grupo nyang wala man lang ni ha ni ho kung buhay pa ba sya o kung may nagawa na sya. Emotional sya, alam nya iyon. Sino ba namang hindi kung pagtingin mo sa kalendaryo, makikita mo ang mismong petsa kung kailan nagsimulang mawala ang saya sa buhay mo, iyon ang isa pang paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Faye, paulit-ulit na bumabalik sa isip nya lahat ng alaala at pakiramdam nya mababaliw na sya sa sakit na nararamdaman, muli na namang umaangat ang mga tanong sa isipan nya maging ang sakit na dulot no'n.

Lumapit sya sa bintana saka ipinikit ang mga mata at huminga ng malalim para pilit na kalmahin ang sarili ng tingin nya ay sapat na ang lakas para muling sumabak sa mga kailangan nyang tapusin ay tumalikod na sya sa bintana saka nya lang nakitang nakatingin sa kanya si Vladimir.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong nito na tinanguan nya lang.

Pumuwesto sya at naupo sa harap ng mga papel, pinilit nyang mag-focus hanggang sa nalimutan na nya ang oras.

"Kumain ka muna," rinig nyang sabi ni Vladimir, kaya napaangat sya ng tingin. Naglapag ito ng plato na may lamang kanin at ulam na ikinakunot ng noo nya.

"Nagluto ka?" Di makapaniwalang tanong nya.

Tumango ito sa kanya. "Nasasanay na ko sa kusina."

Napabuntonghininga sya. "Salamat pero hindi mo naman kailangang gawin ito, ayos lang naman ako."

Sumimangot ito saka naupo sa kaharap nyang silya. "Ako, hindi ayos."

"Bakit?"

Ang simangot ay nauwi sa busangot dahil sa tanong nya. "Wala na bang ihahaba 'yan? Grabi ka na sakin, parang napipilitan ka na lang kausapin ako."

Napairap sya. "Ang drama mo talaga, ano ngang nangyari?"

Bahagyang tumawa ang binata. "Wala naman, hindi lang ako ayos kasi parang hangin lang ako dito, ni hindi mo ko kinakausap man lang."

Muling napabuntonghininga si Faye. "Wala talaga akong ganang kumausap ng kahit na sino, kung maaari nga sana ay gusto kong mapag-isa-"

Agad na umiling si Vladimir. "Hindi ako aalis, kahit ipagtabuyan mo ko. Dito lang ako." Matigas ang ulo na sabi ng binata na ikinasaltak nya.

"Kaya nga hindi na lang ako umiimik kasi hindi ka rin naman papayag o makikinig."

"Oh, baka dedmahin mo rin pati niluto ko ah? Ayos lang na madedma ako pero hindi ang pagkain."

"Oo na, salamat." Nginitian sya ni Vladimir. "But please, wag mo ng ayusin 'yong mga kalat, ako ng bahala dyan tatapusin ko lang 'to."

Nawala ang ngiti ng binata. "Iyon na nga lang ang ginagawa ko, ipagbabawal mo pa." Nguyngoy nito.

"Alam mo nagtataka ako sayo, wala ka bang trabaho? Ilang araw ka ng pabalik-balik dito, sure ka bang hindi ka masisisante?"

"Meron at malabong masisante ako, 'wag mo ng isipin 'yon kayang-kaya ko 'yon." Nakangiti na namang sagot nito na hindi na nya inimikan.

Buong araw nyang tinapos ang ginagawa habang wala namang tigil si Vladimir sa kaliligpit at kaiikot, napasaltak sya ng mahilo na sya sa kababalik-balik nito. "Teka nga!" Awat nya. "Hindi ka ba nahihilo? Ako kasi oo, pabalik-balik ka."

"Actually may hinahanap ako." Napakunot ang noo nya. "Wala kang washing kaya hinahanap ko yung brush-"

Nanlaki ang mga mata nya. "-Vladimir! 'Wag mong pakialaman ang labahin ko!" Nahihindik na hiyaw nya na ikinatawa ng kausap.

"Kung di ako maglalaba, ano ng gagawin ko?"

Napabuntonghininga sya. "Nakukulangan ka pa sa paghuhugas ng plato, pagluluto, pagliligpit at paglilinis? Jusko, hindi ka ba napapagod?"

"Nabo-bored ako, ayoko namang ngumanga sayo baka sapukin mo ko." Katwiran nito na ikinasimangot nya.

"Magtabas ka ng damo sa labas, 'wag ang labahin ko."

"Okay...." napipilitang pagpayag ni Vladimir.

Bumalik sya sa ginagawa, pagsapit ng gabi ay sya na ang nagluto dahil kahit hindi nagrereklamo ay alam naman nyang pagod na ang binata sa dami ng ginawang gawaing bahay. Kumain sila ng tahimik sya dahil dumadaldal na naman si Vladimir, ilang araw na itong ganoon simula ng unang beses na nagkita sila. Nagtataka sya sa totoo lang pero hinahayaan na lang nya, iniisip nyang baka bumabawi lang ito sa mga taon na hindi ito nagpakita sa kanya.

Matapos ang hapunan ay muli syang bumalik sa ginagawa, hindi na nya namalayang nakatulog sya kung hindi niya naramdamang parang may bumuhat sa kanya, nagmulat sya ng mga mata kahit inaantok pa ng maramdaman nyang lumapat ang likod nya sa kama.

"Hindi ka pa ba napapagod?" Mahinang tanong nya ng makitang si Vladimir iyon.

Inayos nito ang unan nya. "Hindi ako mapapagod, dito lang ako." Sagot nito sa kanya saka kinumutan sya.

Ipinikit na lang nya ang mga mata, hindi nya rin maintindihan sa sarili nya kung bakit ba hinayaan nya ring kasama nya ito ng ganoon sa loob ng bahay, hindi nya alam kung dahil ba pinagkakatiwalaan na nya ito ng ganoon kalaki o sadyang wala na syang pakealam kung ano pa mang mangyari sa kanya dahil wala namang mag-aalala sa kanya, isa pa kasi sa ikinasasakit ng puso nya simula ng umalis ang lahat ay ni minsan hindi na sya naalala pang kausapin ng mga ito na para bang hindi na mahalaga sa pamilya nya kung anong kalagayan nya, oo nga't nagpapadala sa kanya ang nanay nya ngunit hanggang doon na lamang iyon ni hindi na sya kinakausap nito upang kamustahin man lang sya o makipagkwentuhan sa kanya puro na lamang tungkol sa pagpapadala ang pinag-uusapan nila sa tuwing tatawag ito.

Kinabukasan, pikit pa ang mata ng lumabas sya ng kwarto. Naabutan nyang nagkakape si Vladimir sa sala habang nagbabasa ng dyaryo. "Goodmorning, faye." Bati nito ng daanan nya.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?"

"Bakit sinusungitan mo na naman ako?"

"Bakit kasi hindi ka pa umalis?"

"Faye-"

"-wala namang mababago, sanay na ako. Sinanay nyo ako kaya bakit kailangan mo pang b-bumalik?" Nabasag ang boses nya at nagsimula ng tumulo ang mga luha nya, kung bakit ba naman kasi kailangan nya pang mapanaginipan ang alaala ng pamilya nya, kung bakit kailangan pang paulit-ulit na bumalik ang sakit na nararamdaman nya. Hindi pa ba sapat na nasasaktan sya at nag-iisa? Kailangan ba talagang ulit-ulitin ang sakit? Para saan? Para mamanhid?

"Faye," rinig nyang bigkas ni Vladimir saka hinawakan sya.

"P-please, wag mo kong h-hawakan." Nanginginig na sabi nya pero iniharap sya nito at narinig nya ang pagsaltak ng binata ng makita ang itsura nya bago pinunasan ang mga mata nya.

"I'm sorry, hindi dapat kita iniwan." Sambit nito.

Umiling sya. "Kung i-ikaw lang, ayos l-lang p-pero 'yong lahat....lahat na lang iniwan ako tapos kung kelan malapit na.....malapit ko ng matanggap...saka bumabalik lahat...lahat ng alaala..." umiiyak na sabi nya.

"Faye..."

"Para saan? Okay na ko e....kaya ko na ulit....pero bakit kailangan nyong bumalik? Bakit kailangan kong masaktan ulit...?"

"I'm sorry, hindi ko alam...sorry, hindi dapat kita iniwan."

Ng mga oras na 'yon, wala syang nagawa kundi umiyak ng umiyak habang hawak hawak sya ni Vladimir, ilang beses nyang sinubukang kumawala sa hawak ng binata pero hindi nya magawa dala ng panghihina marahil ay kung hindi nga sya nito hawak ay baka sumubsob na sya sa lapag dahil sa panghihina ng mga tuhod nya at panginginig ng kalamnan nya dala ng kaiiyak.

Inalalayan sya nito paupo sa kahoy na upuan sa sala saka binigyan ng tubig ng bahagyang huminto na sya sa pag-iyak. Huminga sya ng malalim at pinilit ng ikalma ang sarili, namayani ang katahimikan sa pagitan nila ng ilang sandali bago nya narinig ang pagbuntonghininga ni Vladimir.

"Faye-"

"-stop, hindi ko kailangan ng sorry mo."

Napakamot ito sa ulo. "Hindi naman 'yon,"

Napakunot-noo sya. "Ano?"

"Itatanong ko lang kung anong gusto mong ulam para sa tanghalian?" Natatawang tanong ni Vladimir na alam nyang sinusubukan lang nitong pagaanin ang sitwasyon.

"Magluluto ka na?"

Tumango ito. "Anong gusto mo?"

"Kung anong gusto mo, iyon na lang wala naman akong gana kumain."

"Kailangan mong kumain, gusto mo bang sumama sa palengke?"

Umiling sya. "Dito na lang ako sa bahay,"

"Okay, sure ka bang okay ka na?" Nag-aalala pa ring tanong nito na tinanguan nya. "Okay, mabilis lang ako promise." Sabi ni Vladimir.

Inihatid nya ito hanggang sa pintuan saka tinanaw na lang ng magtungo ito sa kotse, napabuntonghininga sya ng makaalis ito. Saglit syang nangalumbaba sa bintana bago naisipang maglinis na lamang sa likod bahay. Doon nya itinuon ang atensyon nya na hindi na nya namalayan ang oras, ni hindi nga nya napansin ang pagdating ng binata sa sobrang abala nya.

"Faye? Faye nasaan ka!" Rinig nyang hanap nito sa kanya, akmang magsasalita na sya ng makita nya ito. Hindi sya nakaimik ng makitang puno ng pag-aalala ang mukha nito, pagkalapit ay agad syang niyakap nito ng mahigpit na syang ikinagulat nya.

"Tinakot mo ko, akala ko kung ano ng nangyari sayo." Sambit nito ng bahagya syang bitawan.

"Ayos lang ako," sagot nya saka humiwalay. "Naisipan ko lang na linisan itong likod."

"Sure ka?" Tumango lang sya bilang sagot. "Sige, magluluto lang ako tapos balikan kita, lutuin ko lang ang tanghalian natin." Paalam nito sa kanya saka bumalik sa loob ng bahay.

Sinundan na lang nya iyon ng tingin at hindi na nagkumento, ilang araw pa ang lumipas at para bang naging routine na nito ang ganoon, ipagluluto sya at gagawin ang mga gawaing bahay.

"Wala ka bang balak umuwi sainyo?" Di na makatiis na tanong nya.

"Sa amin? Wala namang tao doon, nasa maynila si mama."

"Bakit ba kasi nandito-"

"-opps, magsusungit ka na naman." Tumayo ito mula sa pagkakaupo saka ipinasok sa bag ang mga papel nya.

"Saan mo dadalhin ang mga 'yan?" Salubong ang mga kilay na tanong nya.

"Halika, samahan mo ako at may pupuntahan tayo." Aya nito.

"Teka, wala pa nga akong ligo, kagigising ko lang." Pigil nya pero hinawakan na sya nito sa kamay at iginiya pababa ng bahay. "Vladimir!" Awat nya.

"Basta, magtiwala ka lang sakin." Sabi nito sa kanya.

"Teka, anong gagawin natin sa loob ng gubat?" Tanong nya dahil hindi na nya maintindihan ang trip nito.

Hindi sya sinagot ni Vladimir at patuloy lang itong naglakad habang inaalalayan sya upang hindi matisod o sumabit sa mga nakausling sanga, napabuntonghininga sya. Kahit papaano ay pakiramdam nya nakahinga sya ng muling makarating sa lugar na iyon.

"Teka! Vlad, baka maligaw na tayo! Anlayo na nito!" Pigil nya.

"Faye, magtiwala ka naman sakin tsaka kung maligaw tayo atleast dalwa tayo, di ka nag-iisa."

"Baliw, nalimutan mo na bang dito ka muntik matuklaw ng ahas?"

"Hindi ko pa nalilimutang iniligtas mo ko noon," madamdaming sagot ni Vladimir na ikinailing nya.

"Ang drama mo." Ismid nya.

Di nagtagal ay huminto na rin ito at humarap sa kanya. "Surprise!" Nakangiting prisinta nito, napatuon ang tingin nya sa harapan at napaawang ang labi nya ng makita kung ano iyon.

Isang malaking tree house iyon na mayroong silong, mas malaki pa kaysa sa tree house na nakikita nya sa mga pelikula. Mayroon 'yong hagdan sa gilid na may hawakan, kumpleto rin sa pinto at bintana.

"Anong masasabi mo?" Nakangiti pa ring tanong sa kanya ni Vladimir.

"Para saan ito?"

"Para sayo,"

"Bakit? Vladimir may bahay naman ako."

"Alam ko pero naisip ko kasing mas okay kung meron ka namang ibang lugar kahit papaano, 'yong lugar na wala kang kahit anong alaalang maaalala sa bawat sulok." Napatingin sya sa binata ng marinig iyon. "Lugar kung saan pwede kang gumawa ng panibagong masasayang alaala ng hindi mo kailangang umiyak dahil mapapalitan 'yong luma."

Nagsimulang manubig ang mga mata nya. "Vladimir...."

"I'm not doing this just because I feel sorry for leaving you, faye. I'm doing this because I wanna make you happy." Nagkibit-balikat ito. "Well, kaya ko namang tiisin ang pagiging masungit, bugnutin at topakin mo sa umaga pero iba pa rin siguro kung masaya ka."

"Thank you..." umiiyak ng sabi nya kaya agad syang tiningnan ng binata.

"Bakit umiiyak ka? Sabi ko gusto kong sumaya ka, bakit naman umiiyak ka?" Natataranta ngunit natatawang tanong nito sa kanya saka pinunasan ang mga mata nya.

"Tears of joy lang 'to, wag ka ngang oa." Saway nya saka hinampas ang braso nito ng hawakan sya.

"Tears of joy? E mukha ka na namang magb-breakdown faye."

"Wag kang epal, tingnan na lang natin 'yong loob."

Tumawa ito. "Okay, sige." Sang-ayon nito saka inalalayan sya.

Umakyat sila sa hagdan at umapak sa nagsisilbing veranda ng tree house, pinagbuksan sya nito ng pinto. Pumasok sya at tiningnan ang laman no'n pero bumungad sa kanya ang malinis na loob, mayroong bintana sa kabilang side na kaharap lang din ng pinto at bintana, hindi naman iyon kalakihan parang sapat lamang upang magkaroon ng hanging papasok.

"Hindi ko pa pinalagyan ng laman, gusto ko sanang ikaw na ang maglagay kung ano ang mga gusto mong ilagay." Rinig nyang paliwanag nito.

"Ikaw ang gumawa nito?"

Umiling si Vladimir. "Wag mo kong binibiro faye, lagi tayong magkasama kaya pano ko magagawa ito?"

"Pag-tulog ako?"

Natawa ang binata saka pinisil ang pisngi nya. "Hindi ko naisip, mas gusto mo bang ako ang gumawa nito? Ipapagiba ko."

"Baliw, ano 'to puzzle?"

"Kung gusto mo lang naman," tumatawang sagot nito. "Pero para sagutin ang tanong mo, ginawa ito ng mga tauhan ko."

Napakunot ang noo nya. "Tauhan mo?"

Tumango ang binata. "Nalimutan mo bang Engineer ang gwapo mong kaibigang ito?"

"Hindi tayo magkaibigan." Sambit nya saka tinalikuran na ito at bumaba na sya ng hagdan.

"Oh, come on!" Reklamo ni Vladimir habang sumusunod sa kanya. "Faye, grabi ka na sa akin. Ilang taon na tayong magkakilala hanggang ngayon ba naman?"

Mahina syang napatawa sa drama ng binata. "Ilang taon ka na nga?" Baling nya, gulat na gulat ang reaksyon nito. "Bakit?" Taas ang isang kilay na tanong nya.

"You laugh.." di makapaniwalang sambit nito.

"Ano naman?"

"Faye...ever since ng magkakilala tayo ni minsan hindi kita narinig na tumawa, ni hindi kita nakitang natuwa man lang o ngumiti tapos tumawa ka ngayon!"

"Oh tapos?"

Napasimangot ito. "Tapos..balik pagsusungit ka na naman." Bagsak ang balikat na sagot ni Vladimir sa kanya.

"Sure ka bang matibay 'to?" Pag-iiba nya ng makalapit sya sa may silong.

"Faye, engineer ako, hahayaan ko ba namang madisgrasya ka dyan?" Nakasimangot ng tanong ni Vladimir.

"Sinisigurado ko lang," sagot nya saka tiningnan ang naroon.

Sa silong na iyon nakapwesto ang kusina maging ang cr at katulad sa loob ng tree house ay wala pa ring laman ang mga iyon bukod sa bowl sa banyo.

"So kelan mo balak bumili ng mga gamit?" Tanong sa kanya ng binata na ikinakunot ng noo nya.

"Bibili? Ililipat ko lang ang ilan sa mga gamit sa bahay."

"Faye naman, iiwan mo nga doon lahat maliban sa mga damit mo."

Umiling sya. "Wag kang masyadong magastos." Kontra nya na ikinasimangot naman ng binata.

"Dapat pala nilagyan ko na ng laman bago ko ipinakita sayo."

"Gusto mo bang huwag kong tanggapin 'to?"

"Syempre gusto kong tanggapin mo, para sayo nga 'yan e." Bagsak ang balikat na sagot ni Vladimir.

"Good," napapatangong sabi nya.

Continue Reading

You'll Also Like

191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
3.1M 252K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
417K 25.3K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
3.8M 191K 47
Hockey player extraordinaire Cameron Beckett not only has to deal with the pressures of making it into the NHL and graduating high school, but also f...