Shinamin Empire: My last vege...

Von IamYourMissMax

1.1K 74 0

"Ang katanang ito na aking hawak ngayon ang syang tatapos at kikitil sa mga taong naging dahilan kung bakit a... Mehr

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
AUTHORS NOTE
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
AUTHORS NOTE

Chapter 40

12 0 0
Von IamYourMissMax

NANG makabalik ako sa emperyo nagmadali akong pumunta sa aking silid ngunit hindi pa ako nakakarating doon ng makita ko ang aking damma. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya ng makita ako at saka tumakbo papunta sa akin.

"Lady Izumi! Saan po kayo galing? Kagabi pa namin kayo hinahanap!" Humahangos na tanong ng makalapit sa akin.

Napabuntong hininga ako "May kinailangan lang ako asikasuhin sa aming bayan kaya nag punta ako doon..."pag sisinungaling ko.

"Pero dapat sinabihan o nag sabi sana kayo sa amin o kay Heneral na pupunta kayo doon!"

"Pasensya na hindi na mauulit sa susunod"saad ko. Napabuntong hininga sya

"Wag nyo na po sana ulitin sa susunod, Lady Izumi, kasi magagalit sa amin si Heneral..."

"Hmmm"tango ko na lang. Ngunit nag palinga linga ako, hinahanap kung saan si Heneral pag katapos tumingin sa aking damma.

"Sandali, nasaan si Heneral?"tanong ko.

"Hinanap kayo, nung nag punta sya kagabi sa inyong silid wala kayo doon. Kaya naman hinanap nya kayo, at sigurado akong galit na galit sya ngayon"sagot niya.

Bigla akong napalunok at pinag pawisan ng malamig. Tila nakaramdam na din ako ng kaba. Ngunit hindi ko iyun pinakita sa kaharap ko ngayon.

"H-hindi pa rin ba sya dumadating hanggang ngayon?"

"Nandito na..."

Huh? Sinong-

Napalingon ako sa likod ko, ng lumingon ako ay nanlaki ang mga mata ko nang nasa harapan ko na ang Heneral. Nakatayo habang mag ka-krus ang mga braso at sobrang sama ng tingin sa akin.

"H-heneral..."kinakabahang tawag ko. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mag kabilang braso ko at hawakan iyun ng napakahigpit. Hindi ko mapigilan ang mapapikit at mapangiwi dahil sa sakit.

"H-heneral nasasak-"

"Talagang masasaktan ka kung hindi mo sasabihin sa akin kung saan ka galing!"nang gigil na sabi niya sa akin. Napapikit ako sa sigaw niya.

"N-nanggaling ako sa aming bayan, inalam ko ang lagay ng lupa ng lupang aking ibineben-"

"Sinungaling ka!"

"H-hindi ako nag sisinungaling, Heneral, maniwala ka!"depensa ko. Napa pikit ako ng mas hawakan niya pa ng madiin ang mga braso ko at parang gusto niya itong durugin pa dahil sa sobrang gigil.

"Hah! Huwag mo akong gawing tanga! Hindi mo ako maloloko babae!"

"Ngunit totoo yun! Hindi ako nag sisinungaling!"sabi ko. Ngunit ngumisi lang siya

"Habang nasa daan ako pabalik rito nakita kita papunta dito. At ang nakapag taka sa akin dun ka nanggaling sa daanang iyun"sabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin?"kinakabahang tanong ko.

Huwag mong sabihing...

"Ang daanan na yun ay papunta sa emperyo ng aming kalaban..."sagot niya.

"H-hindi ko alam, heneral. Hindi ko alam na papunta yun sa emperyo"pagpapalusot ko.

"Isa pang pag sisinungaling mo, mas lalo lang kita sasaktan!"saad niya.

"Hind-"

"Hindi mo naman siguro magagawang traydurin ako kagaya ng iniisip ko diba?"

"H-hindi ko yun magagawa, Heneral, maniwala ka!"tugon ko.

"Hmm...tingnan natin kung makapag sinungaling ka pa"pabalya niya akong binitawan kaya naman napahawak ako sa braso ko dahil sa sobrang sakit. Nakita kong lumapit sya sa kawal.

"Hawakan nyo ang babaeng yan at dalhin sya sa kulungan!"utos niya rito. Kaagad na kumilos ang dalawang kawal at pumunta sa pwesto ko.

"S-sandali...a-anung gagawin nyo? Heneral!"

Napa-atras ako ng makalapit sila ngunit kaagad din nila akong nahawakan. Pilit kong tinatanggal ang pag hawak nila sa akin ngunit hindi ko magawa dahil mas malakas sila sa akin.

"Bitawan nyo ako!"sabi ko. Ngunit tila hindi nila ako narinig. Hanggang sa nag lalakad na kami.

"H-heneral! Sandali lang! Huwag nyo akong dadalhin doon!"sigaw ko sa kanila

"Manahimik ka!"sigaw niya sa akin. Tumalikod na sya sa amin at umalis na papunta sa kulungan.

Tumingin ako sa dalawang kawal "pakiusap, bitawan nyo ako...huwag nyo akong dadalhin doon"nakikiusap na sabi ko. Ngunit hindi pa rin nila ako pinakinggan.

Labis ang kabang nararamdaman ko at nararamdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Aaminin ko na natatakot ako, natatakot sa kung anu gagawin sa akin. Hindi dapat ganito.

Hindi dapat ako makaramdam ng takot sa kaniya dahil isa syang kalaban ngunit hindi ko mapigilan. Takot na lumulukob sa akin.

Hindi naman niya siguro ako papatayin?

Maya-maya lang ay narating na namin ang kulungan at pumasok sa loob. Pagpasok ay nakita ko si Heneral na nakatayo habang mag kakrus ang kamay na tila inaantay kami. Nang makita niya kami ay agad syang ngumisi.

"Alam mo na siguro mangyayari sayo?"tanong niya. Hindi ako sumagot, umiwas lang ako ng tingin sa kaniya.

"Hmm ayaw mong sumagot, kung ganun itali nyo sya!"nagulat ako sa sinabi niya kaya naman napatingin ako sa kaniya.

Kaagad na kumilos ang kawal at kaagad akong itinali sa magkabilang kong palapulsuhan paitaas.

"A-anong gagawin nyo? Bitawan nyo ako!"sabi ko. Ngunit ngumisi lang siya

Anong binabalak niya sa akin?

Napansin ko na may inabot sa kaniya ang kawal, nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong isa iyung latigo. Nahihintukutang tumingin ako sa kaniya.

"H-heneral...h-huwag mong sabihing..."

"Tama ka, tama ang iyung naiisip"sabi niya. Napalunok ako

"Ngunit heneral!"

"Tuturuan kita ng magandang leksyon at sa gagawin kong itong sigurado ako na magtatanda kana at hindi mo na iisipan pang umalis ng walang pahintulot ko"saad niya na mas nag patakot sa akin at nararamdaman ko na ang panginginig ng katawan ko. At muli na namang namamasa ang mga mata ko dahil sa takot.

"H-heneral, alam kong nag kamali ako ngunit wag mo sana itong gawin sa akin. Isa pa rin akong babae, hindi karapat-dapat na parusahan ako gamit ang isang latigo!"

"Manahimik ka! Wala akong pakialam kung babae ka pa! Umalis ka ng walang pahintulot ko! Kaya dapat lang na maparusahan ka!"galit na sabi niya sa akin.

"Ngunit hener- hukk!"para akong nabingi ng maramdaman ko ang pag hampas ng latigo sa mismong likod ko. At nararamdaman ko din ang unti-unting pag lukob ng sakit na nag mumula sa aking likod.

"Argh!"daing ko. Napapikit ako dahil sa sobrang sakit at halos hindi ko magawang makapag salita. Naramdaman ko ang pag agos ng luha sa sa aking pisngi, para akong pinapatay sa sakit.

"H-heneral tama n- ahhh!"

Napasigaw ako ng muling maramdaman ang pag hampas ng latigo sa aking likod sa pangalawang beses.

"Argh! Hah! Hah! Hah! H-heneral t-tama na p-pakiusap"hinihingal na sabi ko. Halos magdugo na ang labi ko dahil sa pagkagat ko dito. Kasabay nito ang panginginig ng mga binti na parang anumang oras bibigay ako.

"Manahimik kang babae ka!"sabi niya. Sa pangatlong beses muli na naman niya akong hinampas ng latigo at naramdaman ko na parang mas lumakas pa iyun kaysa kanina.

"T-tama...argh...h-hindi ko na k-kaya..."nanghihinang sabi ko. Para akong mawawalan ng ulirat.

"Hmmm...parang kulang pa..."nakangising saad niya.

Seryoso ba sya? Para na nga akong mamamatay dito tapos kulang pa?

Tumingin ako sa kaniya "H-heneral p-pakiusap, t-tama na h-hindi ko na kaya...p-pakawalan mo na ako. H-hindi ko na uulitin sa s-susunod...p-pakawalan mo lang ako..."nag mamakaawang sabi ko.

Ngunit ngumisi lang siya, pero agad iyun nawala at napalitan ng masamang tingin. Pag katapos muli na naman niya akong hinampas ng mag kasunod.

"Ahh!"pag sigaw ko kasabay nun ang pag suka ko ng dugo.

Sobrang sakit...mamamatay naba ako?

"T-tama na...a-ayoko na..."nanghihinang bulong ko. Ang natitira kong lakas ay nawala na at parang hindi ko na kakayanin pa. Dahil sa panghihina ay para akong naging lantang gulay, naibaba ko na ang aking ulo dahil sa magkahalong sakit, pagod at takot. Ngunit ang luha patuloy pa rin sa pag agos.

Inabot niya sa kawal ang ginamit na latigo pagkatapos lumapit sya sa akin. Hinawakan ng isang kamay niya ang aking panga paitaas. Nanghihina akong tumingin sa kaniya.

"P-pakawalan mo na a-ako...h-heneral...p-pakiusap..."ngumisi lang siya.

"Siguro mag tatanda kana ngayon? Binabalaan kita, wag mo ng uulitin ang ginawa mong pag alis ng walang pahintulot ko kung gusto mo pang mabuhay ng matagal. Dahil sa susunod na mang yari ito ulit...hindi mo na maaabutan pa ang araw"

"At wag mong susubukang traydurin ako dahil masama akong kaaway tandaan mo yan"pag babanta niya. Napalunok ako at tsaka dahan-dahang tumango.

"Pakawal-"napasinghap ako ng dilaan niya ang leeg ko.

"H-heneral...t-tama na..."nauutal na sabi ko. Tumigil sya sa kaniyang ginagawa at binitawan na ang panga ko. Muli na naman syang ngumisi.

"Hindi pa ako tapos sayo"sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin? H-hindi paba sapat sayo ang ginawa mo sa akin? Papatayin mo na ba ako?"magkasunod na tanong ko.

"Hindi muna sa ngayon ngunit..."

"N-ngunit ano?"tanong ko. Hindi sya sumagot.

"Kalagan nyo ang babaeng ito at ikulong sya sa kulungan sa loob ng dalawang araw!"

"Masusunod, Heneral..."tugon nila. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi.

"S-sandali, Heneral...wag mo akong ikukulong doon pakiusap!"sabi ko. Ngunit hindi sya nag salita at naglakad na palabas.

Habang ang mga kawal ay lumapit sa akin at kinalagan nila ako. Pag katapos ipinasok nila ako sa kulungan at saka iyun sinara.

Napaiyak na lang ako dahil sa sitwasyon ko. Wala akong magawa para makatakas dito. Wala akong magawa...

Bakit ba napakahina ko?

Itutuloy...

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

727K 29.3K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1.7M 89.9K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
437K 19.4K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...