My Firsts With Him (Self-Publ...

By drmemewrites

10.4K 174 113

My Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. ... More

Author's Note
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30 - Finale
Self-Publishing My Firsts With Him
MFWH Book giveaway!

20

239 2 0
By drmemewrites

Pagkatapos kumain ng hapunan, umakyat ako agad sa kuwarto ko at tinawagan ko si Dan na boyfriend ko.

Yay! It’s Friday!

“Dan, ano sa tingin mo ang bagay na gown sa akin? Ball gown o ‘yung straight lang?”

“Ano ba ‘yung mga ‘yun? Sorry ha hindi ko alam eh.”

Ginagawa ko na ang Geometry homework kohabang kausap siya. Naka-head set naman ako eh.

“Uhmmm. ‘Yung ball gown ‘yung pabilog. ‘Yung parang mga gown ng mga disney princess. Ball gown, as in ball. Tapos ‘yung straight, ayun straight.”

Ang galing ko namang mag-explain. May naintindihin kaya siya sa mga sinabi ko?

“Ahhh. Kahit ano naman d’un sure akong babagay sa 'yo.”

Binola pa ako nito, pero kinikilig ulit ako.

“Dante, punta ka bukas dito sa amin ha. Friday naman ngayon eh.”

Silence.

Hay, sana naman puwede siya bukas.

“Uhmm. Sige, Colleen. Try kong magpaalam. Nagagalit na kasi si mama sa akin eh. Lagi na lang daw akong wala sa bahay,” sabi niya.

Isipin mo, lagi nga siyang nasa Bacoor dahil sa akin. Malayo na rin ‘yun para sa akin. Gusto ko nang matulog pero may homework pa ako. Gusto ko na siyang matapos para wala na akong problema sa weekend. Para free ako!

“Colleen, matulog ka na kaya. Antok ka na oh.” Narinig pala niya ang hikab ko.

“Sige, Dan. Try kong makatulog. Kapag iniisip kita lalo akong hindi nakatutulog eh,”

“Ngeee. Bakit naman? Ikaw ha. Mesmerized ka na naman ba dahil sa akin?”

“Yabang mo talaga. Hindi, nasusuka na ako sa mukha mo,”

Silence.

Bad joke yata iyon, Colleen.

“Sa mukha kong ito, masuka ka? If I know, patay na patay ka sa mukhang ‘to!” sabi niyang pambalik ng biro.

“Hahahaha. Ikaw talaga. Oo na po. Hoy, sleep na ako. Seryoso.”

“Hehe. Sige, bye, my loves.”

My loves? Bagong tawagan?

“My loves?”

Kinikilig na naman ako.

“Oo. Ayaw mo, bhek?”

“Hindi! Okay nga eh. Ang corny lang,” sabi ko. Totoo naman eh, ang corny.

“Sige na nga. Tulog ka na, napupuyat ka na naman dahil sa akin eh,”

“Okay lang, Dan. Saturday naman bukas eh,”

Napahikab ulit ako. Hindi ko mapigilan eh.

“Sige na, sleep na baby ko. Baka dumating ako bukas tulog ka pa.”

Baby ko? Tulog pa ako?

“Maaga kang pupunta bukas?” tanong ko, well hindi ko natago ang excitement ko.

“Siyempre. Para makasama kita nang mas mahaba. Sleep na!”

He raised his voice and I take it as a sign. I need to end this call pero...ayaw ko pa.

“Ehhh. Gusto pa kitang makausap,”

Weh, landi mo, Colleen.

“Bukas na. You have me all day,”

“All day?”

“Yeah. Aagahan ko. Promise.”

Kinilig tuloy ako lalo.

We said goodbyes at kung ano-ano pang sweet messages bago ako tuluyang nakatulog.

#

Naramdaman kong may tumabi sa akin. Si kuya? Ang aga naman niya magising. Tsaka ano topak n’un at tumabi sa akin? Umikot ako para i-hug siya. Hehe, minsan lang naman ako maglambing kay kuya.

“Ikaw talaga, ang aga-aga ako ang gusto,”

Napamulat ako bigla, ang aga nga.

Ang aga-aga ng boyfriend ko dito.

Tinulak ko siya nang malakas. Hala ka! Baka kanina pa siya nandito at nakita niya hitsura ko habang tulog. Aasarin lang niya ako!

“Hoy, Colleen! Pinuntahan na kita nang maaga tapos itutulak mo lang ako!” sabi niya matapos tumayo. Napalakas pala tulak ko at nalaglag siya sa sahig! Gusto ko siyang pinipikon at humalakhak lang ako.

“Ehhhhh. Bastos mo eh! Kita mong tulog ‘yung tao tapos susulpot ka!” sigaw ko sa kanya at nagtakip ng kumot sa mukha. I want to sleep pa!

“Hoy, my loves. Babangon ka ba riyan o pipilitin kita?” sabi niya habang hinahawi ang kumot mula sa mukha ko.

“My loves ano ba? Antok pa nga ako. Tigilan mo nga ako!” sabi kong nakapikit parin. Ang kulit naman nito eh.

“Sige, matulog ka...kung hindi...”

Napamulat ako sa mga sinabi niya at inalis ko ang takip kong kumot. Tinitigan ko siya, evil eyes, weird Dante.

“Kung hindi ano?!” sigaw ko sa kanya.

Dinaganan niya ako. Waah! Ang bigat niya. I want him off me. Baka makita kami ni kuya at kung ano isipin sa amin. Mabilis siya at hawak niya ang pupulsuhan ko. He locked my wrists on the sides of my face. I don’t like his gesture. I don’t like our position.

“Dante , ano ba!!!” sigaw ko.

“Manahimik ka. Kung hindi, hahalikan kita. Sige!”

Hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa ako. Hindi bagay sa kanya ang mukhang seryoso. Sino ang tinakot niya?

I transformed my eyes to puppy eyes.

 “Colleen... ‘Wag mo ko idaan sa puppy eyes mo. Bangon ka na kasi,” then he moved his face closer. Errr, ayaw ko talaga ng puwesto namin.

“Sige na, babangon na! Bitawan mo ako!” sigaw ko.

“Ayaw!” sabi niya sabay ngiti na nakaloloko.

“Bilis na, Dan! My loves. Bitaw na!”

He smiled at me. Iyong mean smile niya.

Bumitaw nga siya at habang sinusubukan kong maka-recover, bigla niya akong binuhat! Sa unang attempt ay nalaglag ulit ako sa kama ko, pero nagawa niya noong second time.

He’s carrying me bridal style. OMG, ano na naman trip niya?

“Hoy, Dante! Ano ba'ng gusto mo ha! Kanina ka pa ha! Ibaba mo ako!” sabi ko habang pilit na naglilikot para ibaba na niya ako.

“Ayaw ko nga. Tinatamad ka bumangon eh. May breakfast sa baba,” naglalakad siya palabas ng kuwarto ko.

“Dan, ibaba mo ako! Ibaba mo ako!!!” sigaw ko.

“Hindi ka titigil? Ilalaglag talaga kita? Sige?!”

Kunwari nga ilalaglag niya ako at natakot ako. Napayakap tuloy ako sa leeg niya. Natuwa naman siya sa ginawa ko.

“Dante, ibaba mo na ako. Para saan ba ito?” tanong kong naiina na.

“Practice,” sagot niyang tipid.

Nakalabas na kami ng kuwarto ko.

“Practice? Saan?”

He smiled. Iyong maloko niyang ngiti.

Practice!

Practice ng pagbuhat ng isang groom sa kanyang bride! I’m so slow.

“Eh hindi pa naman tayo kasal ah?” sabi ko habang nakayakap pa rin sa leeg niya.

“Hindi pa ba?”

Marriage booth!

How come I forgot those things? Naaalala pa niya siguro iyong fifty pesos niya na binayad para sa kiss sa kamay ko. At iyong memorable na kurot ko sa braso at tagiliran niya.

“Dante? Hindi mo ba ako ibababa o kukurutin kita?”

Binaba niya ako bigla. Takot naman pala eh.

“Tingnan mo, suot mo pa nga wedding ring natin,” sabi niya sabay tingin sa kamay ko.

“Ikaw din naman ah,” turo ko sa daliri niya.

“Eto?... Ang saya ko noong natapos ‘yung fake marriage natin sa school. Gusto kong ulit-ulitin ‘yung araw na una kitang nakilala.”

Tinitingnan niya ang sing-sing niya. I also looked at his knuckles. Isang piraso ng silver ring na mumurahin ang wedding ring namin for that fake wedding. Kahit nainis ako sa nangyari noon, maganda naman ang kinalabasan.

“Ako rin. Gusto ko rin.” sabi ko while admiring his beauty.

“Saan mo gusto pumunta ngayon?” tanong niya bigla sa akin. Hmmm. Date?

“Wala akong gustong puntahan. Kung okay lang sayo dito nalang tayo. Let’s spend time together.” sabi ko at ngumiti sa kanya. I love looking at him, it feels like heaven.

His eyes sparked at alam kong ngustuhan niya ang suggestion ko.

#

Nagsusuklay ako ng buhok. Kaliligo ko lang at si Dan, ayun nanunuod ng tv.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari sa akin. Nationals reserve, isang mabait at guwapong boyfriend...good friends. What else do I need?

I stared at my reflection. Eto ba si Colleen na “inspired”? Eto ba si Colleen na “blooming”?

And for this day, oo gusto kong maniwala sa mga sinasabi nila...maganda ako.

I admired myself. Minsan lang naman eh, I am wearing a green blouse at maong shorts. Pang-match ang blouse sa green t-shirt ni Dante.

Pumasok siya at nakita ko ang reflection niya sa likod ko. Tinuloy ko ang pagsusuklay ko.

May isang bagay na kinagulat ako. Habang dumadaan ang brush sa buhok ko, kinuha niya ang ang brush na hawak ko mula sa kamay ko.

Sinusuklayan niya ako.

Tinitingnan ko reflection niya sa mirror. He looks so handsome...and very angelic at the same time. I am so lucky to have him.

“Ang haba na ng buhok mo Colleen. Ang laki ng hinaba niya since na unang nagkita tayo.” Hinagod niya ang mga daliri niya sa mahaba kong buhok.

“Bakit? Ano namang meron sa buhok ko?” pagtatanong ko sa kanya. Tumingin siya sa salamin, at nagkatitigan kami.

“Wala lang. I like it. I like you.”

Gusto kong hampasin ‘yung mirror. Kinikilig nanaman ako eh.

“Ikaw talaga. Ang landi mo!” biro ko pero hindi ko maitago ang kilig grin ko.

He hugged me from my back and he inhaled my perfume.

“Colleen. ‘Wag mo ako iiwan ha?” bulong niya sa akin.

‘Wag mo ako iiwan. Ako rin. ‘Wag mong iiwan.

“Ikaw din ha. Walang iwanan.” sagot ko.

“Ang cute natin oh. We look good together,” sabi niya while admiring our reflection.

Tiningnan ko siya sa mukha. Yakap pa rin niya ako, nakapatong ang baba niya sa right shoulder ko.

He smiled at me nung magkatamaan mga mata namin. I am madly, deeply in love with this boy.

“Dan, I love you, Dan.”

Nasabi ko rin. Those are words that I am dying to tell him in person.

“I love you too, Coleen.”

Nilalapit niya mukha niya. Oh no, not this time.

“Dante please. I’m not ready for this.” sabi ko habang nakapigil ang mga daliri ko sa mga labi niya.

“Sorry.” Bumitaw na siya sa yakap niya.

He respects me. How sweet.

“Bakit mo dine-deny sa akin ang first kiss ko?” sabi niya na parang batang nagtatampo.

Natawa na lang ako.

“Not now, Dante, sorry.”

Continue Reading

You'll Also Like

1M 22K 43
He's living the perfect life. She's not. He's the Daniel John Padilla. She's just Kathryn Chandria Bernardo Will he fall for her? Did she already fel...
350K 23.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.2K 173 77
Epistolary It's started from the buddy-buddy system in their ROTC class and training. Dosari doesn't know about love, she is focused on her studies...
603K 15.4K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...