At The End Of The String (Ins...

נכתב על ידי serendipitynoona

4.5K 235 1K

☕ Insomniacs Series #2 By taking away all her cards by her eldest brother, Keira Monteza, a bit of a rebel wa... עוד

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
34
35
36
37
38
39

33

45 2 0
נכתב על ידי serendipitynoona

Nagising ako sa kalagitnaan ng hatinggabi dahil maaga akong natulog kanina. I'm still wearing my uniform, and I've probably fallen asleep while crying so much lately. Nang tignan ko ang phone ko ay puro iyon missed calls at text ng dalawa — Agatha at Joaquin. Sabog din ang notifications ko dahil group chat naming walong magkakaibigan.






I smiled upon reading the messages on the notification bar. Ayoko munang buksan ang aking social media dahil panigurado nakabalandra pa rin ang mukha ko ro'n. Nagpakawala na lamang ako ng mabigat na paghinga saka nag-shower. The possibility of everything I'd been through before was so high and it frustrates me down to the core.






I thought a shower could help but even every drop of it is heavy. Getting heavier... and heavier... Pinatay ko na lang iyon saka nagpatuyo ng sarili. I sat in front of the vanity table after putting on some PJs when I suddenly heard voices coming from downstairs. Napatayo ako at nagtungo sa pinto nang makilala ko ang mga boses na iyon.




What the hell are these two doing here in the middle of the night at Kuya Kel's house?





Binuksan ko ng bahagya ang pintuan ng kwarto takang-taka nang maging malinaw na sa aking pandinig na nagtataasan sila ng boses. Bababain ko na sana upang awatin pero napatigil ako agad nang marinig ko ang pangalan naming dalawa ni Joaquin sa kanilang usapan.






"I just know Joaquin wouldn't do something like this!" Turo ni Kuya Ken sa phone sa coffee table.





"Oh? Then why did it end up like that? How sure are you he's not behind this?" hamon ni Kuya Kean sa kanya.






"I have known Joaquin for years and I know he wouldn't put Keira in this kind of situation. Nakita ko kung paano niya protektahan ang kapatid mo, Kean. I saw how happy Keira was when she was with him and no doubt he'll guarantee our sister's safety as he always does. Eh, ikaw? Anong lang ang nakikita mo? Pagkakamali naming lahat? Pagkakamali ni Keira? O pagkakamali ko lang?"






By that, Kuya Kean grabbed his collar. Napaabante ako ng kaunti dahilan ng tuluyang pagkabukas ng pintuan ng kwarto. Nagsisimula na ring bumigat ang aking dibdib. "Kung ako sa'yo, hindi ako bababa r'yan para maging referee ng dalawa." Napalingon ako sa aking gilid at natagpuan si Kuya Kel sa bandang dulo ng hallway ng aming mga kwarto.






"Anong nangyayari?" naiiyak kong tanong nang makalapit na siya sa'kin. "Ikaw na ang bahala makinig," iyon lamang ang kanyang sagot. Sabay na naming pinagmamasdan ang dalawa sa baba. Sa sobrang init ng ulo nila sa isa't-isa ay hindi nila kami mapansin-pansin ni Kuya Kel.






"You're the one who asked him a favor to watch over her, not me."





"And you agreed, you and Kelvin, too. You trust him. I know you do. You're a damn asshole — a hypocrite kung itatanggi mong hindi mo pinagkatiwalaan si Joaquin. Lahat tayo may mali rito. Maybe I was wrong for asking someone a favor to protect my sister, okay." He threw his hands in the air. "But you were also wrong for agreeing with me and letting Joaquin be there for her. And we are all fucking wrong for being careless for the second time. 'Wag ka ring umasta na parang hindi natin naranasan 'tong dalawa noon." 






Binitawan na ni Kuya Kean ang kwelyo ni Kuya Ken dahilan upang makapaglakad na siya palabas ng bahay. It's like Kuya Ken left him dumbfounded. Mayamaya'y inakay na ako ni Kuya Kel pabalik sa aking kwarto. Dahan-dahan akong umupo sa aking higaan, pilit na iniintindi kung ano nangyayari.






"Keira."




I didn't respond. Tuluyan na lamang akong humiga at yumakap ng unan, nakatalikod na sa kanya. Naalala ko rin ang sinabi ni Kuya Kean na si Kuya Ken ang nagpasimula no'n. All along I thought it was him — Kean — kaya sa kanya masama ang loob ko. Hindi man ganoon kalalim dahil kapag kaylangan ko ng kahit isang kamay man lang na hahagod sa aking likod, si Kuya Kean din ang nand'yan.







"Keira, I'm sorry you need to hear this." Upo ni Kuya Kel sa aking tabi. "Kaylangan niyo na itigil ang pagkikita niyong dalawa."





Mas lalong humigpit ang aking pagkakayakap sa unan. Ito na nga ba ang isa sa mga kinakatakot kong mangyari... Para akong bumalik na naman sa umpisa kung ganoon. "Trust me, it's for your own good. Both of you," dagdag niya.





"How can you say that?"




"Because I... I've seen situations like this a lot of times," iyon lamang ang naging sagot niya bago matahimik muli ang paligid naming dalawa. "Ayoko, Kuya." Pag-iling ko na lamang. I trust him... Simula noong gabi na nagkita kami ulit... Sa mga oras na umaalis ako ng walang pasabi... Sa kabila ng katigasan ng ulo ko... Hindi ako pinabayaan ni Joaquin. He assures me safety every time we're together or not.







"You have to, Keira."





"Madali lang sabihin sa'yo 'yan dahil hindi mo naranasan ang mga ganitong bagay. Have you ever been in love, Kuya?" Umiling ako ulit, unti-unti na ring nababasa ang unan na yakap ko.






"I did and I am right now." Nang sabihin niya 'yon ay saka ko lamang siya nalingon. "I have always been. I did let go once and it wasn't easy for me, too. But I did because that's the only way I know to protect her—" Agad siyang napatigil.







"Her?" Matagal akong napatitig sa kanya. Ganoon din siya at napalunok na lamang kaysa ituloy pa ang kanyang sasabihin. "Sometimes staying is worse than setting someone free. You think about it, Keira." Iyon ang huling salita ni Kuya bago siya lumabas ng kwarto. Muli akong nahiga at natulala sa kisame. Ang gulo. Ang gulo na naman...






As the days go by, my name's spreading like a damn virus. Oo, ako 'yong virus na kusang iiwas sa lahat. I've been here. I should've known what to do but still my heart's racing because of fear whenever I stepped out of my comfort zones. Flashes of lights always caught my eyes and behind those was a swarm of strangers emerging from the shadows.






The cameras and the news clicked incessantly, capturing my every move — guarding me like I'm behind bars. Kung noon pa man ay nagtatago na kami ni Joaquin sa mata ng mga tao, mas naging mahirap ngayon. May mga oras din na kinakansela na lang namin ang mga planong magkita. Hindi lang din naman ako ang ginugulo ng mga tao ngayon, kundi siya rin. Mas lalo siya...






Hindi ako makalabas ng bahay o makapasok sa eskwelahan o trabaho nang hindi ako nagtatago sa maraming tao. Si Aggy ang sumalo sa'kin sa counter habang nanatili ako sa paggawa ng mga pagkain at inumin sa kusina.






I'm no stranger to this but it's pulling me back again in a dark place I barely survived myself. 
"Miss, totoo bang dito nagtatrabaho 'yong jowa ni Joaquin?" Rinig ko sa babaeng nagtanong kay Aggy. Pagsilip ko ay may mga iba pa siyang kasama. Halatang mga highschool pa.







Palabas sana ako ng kusina dahil break time na at aayain ko si Aggy kumain sa labas, malayo sa mga tao. May mga alam naman akong lugar kahit papaano. Hindi na ako natuloy dahil mukhang magkakagulo kapag lumapit ako ro'n. Hinintay ko na lang siyang bumalik dito at nakinig na lang sa usapan nila.






"Ate, kapatid niya raw si Kenzo Monteza? Parang hindi naman. Mukhang pangit 'yong girl, side profile pa lang, eh," puna ng isa pang babae na mukhang walang inaatupag kundi makipag-away at mag-cutting lang.







"Malas naman ni Joaquin kung sa gano'n siya mapupunta," sabi ng pangatlo nilang kasama. Parang gusto ko silang labasin at hampasin ng frying pan sa mukha habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi nila... Ano bang alam nila sa'kin?






"Alam niyo sa kagaganyan ng mga bunganga niyo, kayo mamalasin." Parang nabuhay ang loob ko nang marinig ko nang nagsalita si Aggy.






"To answer your questions, walang jowa 'yang crush niyong si Joaquin at hindi rito nagta-trabaho ang pinagbibintangan niyo. Pangalawa, kung magkapatid man sila ni Kenzo Monteza, wala na kayong pakialam do'n dahil hindi naman kayo kapamilya. 'Wag niyong pakialaman ang hindi niyo buhay. Pangatlo, humarap kayo sa salamin at tignan niyo ng maigi kung sinong panget sa inyong dalawa ng tinutukoy niyo. Ngayon, kung tapos na kayong tumambay dito at maghati sa iisang inumin, pwede na kayong umalis."






Napanganga ako sa kanyang mga binitawang salita. Nagulat din ang tatlong babaeng kinukulit siya ng mga tanong. Sinagot-sagot pa nila si Aggy pero pinatulan niya ulit. Napasapo ako sa noo dahil baka mapagalitan siya nila Kuya. Aamba na sana akong lalabas na upang awatin nang tumayo na ang tatlo sa kinauupuan nila at lumayas.







Bumalik na si Aggy sa kusina pagkatapos no'n at nilapag na ang tray ng hugasin. "Handa na akong matanggal rito matapos ang dalawang linggo," sabi niya agad sa'kin nang mapansin niya na ako.





"Salamat, ah..."

"Huh? Saan?"

"Actually, pinagtanggol mo 'ko kaya salamat."


"Bilang kaibigan mo, dapat lang." Sumandal siya sa pintuan. "Tanda ko mukha no'ng tatlo na 'yon. 'Wag na sana sila umulit pa rito. At sana mataas grades nila sa school. Mukhang puro paganda lang ang alam, eh."






Natawa na lang ako at pinakalma siya. Hindi na kami lumabas pa at sa staff room na lang kumain. Nag-phone si Aggy saglit at napalingon lang ako sa kanya nang matawa siya. Pinakita niya sa'kin ang dahilan. It was a rant post about our coffee shop. It was posted five minutes ago and our Facebook page was tagged. Nang tignan ko ang comment section ay nabasa ko ang comment ng mga kaibigan ko. Naka-capslock pa ang iba.





"Ako na ang unang lalapit sa mga kuya mo para manghingi ng sorry," sabi ni Agatha bago inubos ang donut niya. Well, as she should. Bilang ka-trabaho na malapit rin sa kanya, mas okay na pagalitan na lang siya kaysa tanggalin. Kasi kung ganoon ang mangyayari, aalis na lang din ako. Tutal ako naman ang dahilan ng sagutan nila.




12 midnight, beautiful night sky and a cold breeze, nothing but a comforting silence after surviving strangers the whole day. Sabay lang naming pinagmamasdan ni Joaquin ang dagat. Ang aking ulo ay nakahiga sa kanyang balikat habang ang kanya naman ay nasa ulo ko rin.







I ran away from home for a while. Dasal ko na lang talaga na sana ay walang makakita sa amin. Ganitong oras lang din ang libre para makapagkita kaming dalawa ni Joaquin. We took a drive using his cousin's car for now and stopped when we saw an open beach.





"I'm already done  writing a statement about the rumors. I'm just waiting for you to approve something before I post it," putol niya sa aming katahimikan.




"What do you mean?"



"I want you to choose which one I will put on the very last. Should we deny things or tell everyone that we're together — or at least we have a thing," humina ang kanyang boses. Hindi pa nga pala kami...





I didn't even say yes to the courtship yet but all this time, I know what my heart wants. Sa sobrang abala namin at sa madalas naming pagsasama ay akala ko kami na talaga. But there are still important words that need to be said. Pero habang tumatagal na ganito ang sitwasyon namin parang umaatras ang dila ko sa mga salitang 'yon. Mas lalo ko ring naiisip ang mga sinabi sa'kin ni Kuya Kel noong mga nakaraan.






"Joaquin, I want you to..." Saka ko lamang siya natignan ng diretso. Ganoon din siya at may bakas ng pag-aalala. I gathered all the courage I could. As much as I wanted to... I don't think it'll be the best way to clear things especially to strangers who barely know our stories. "I want you to deny me." And I can feel the tiny cracks slowly destroying my chest.






"A-are you sure?" His brows furrowed, like giving me a chance to change my decision but no. Dahan-dahan akong tumango kahit gusto ko man bawiin.






"It's a way to save both of us from people na patuloy tayong ginugulo. You can live your career and I can walk the streets in peace again. That's all that matters."






"I can protect you, Keira."





Ngumiti ako. Alam ko namang kayang-kaya niya iyon gawin sa'kin. I've seen it a lot of times. Ganoon din naman ako sa kanya. It's just that I'm not sure if it'll be the best option. I'm so scared this could be the end of the line for the both of us. 





Nawawalan na ako ng sasabihin habang nilalamon ako ng aking mga naiisip. Hinawakan ko na lang ng mahigpit ang kanyang kamay habang pinipigilan ang aking luha. "Don't hold it as if it's the last time you will," he said, avoiding eye contact with me now.





"Joaquin..."


"Stop."

"What are your thoughts about sometimes staying is worse than setting someone free?"

המשך קריאה

You'll Also Like

157K 3.3K 50
Bargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy fa...
33.5K 525 44
Charity Evangeline live her life with such hardness yet simple and happy. Deprived of everything, she never complained nor whined. She never wished t...
3.3K 177 24
Having a complete and happy family is one of Axi's dream. Their dad left when he was 13 to build a new family with his mistress. It's his dream to ma...
906 65 24
Second chances are rare but everyone deserves one. Pero paano kung puro pasakit na ang naranasan mo mula sa kanya, kaya mo kayang magbigay ng second...