At The End Of The String (Ins...

Autorstwa serendipitynoona

4.5K 237 1K

☕ Insomniacs Series #2 By taking away all her cards by her eldest brother, Keira Monteza, a bit of a rebel wa... Więcej

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
33
34
35
36
37
38
39
40
41

32

51 2 0
Autorstwa serendipitynoona

Saka lamang ako nakaramdam ng kaunting gaan sa aking dibdib nang makitang tuluyan nang sumuko sa paghahanap sa'kin ang lalaki. Running endlessly deep in the woods won't do so I decided to climb any of the trees that's in front of me. Sumadal ako, pilit na hinahabol pa rin ang aking paghinga dahil sa nangyari.





I took my phone, still trembling. I couldn't even type properly. Ayoko pa sanang tumawag dahil baka nandito pa sa paligid ang lalaki at marinig ako pero hindi ko na kaya. "Aggy..." bungad ko agad nang sagutin niya na ang tawag ko.





I ran into the woods away from the circuit and stopped in the middle of nowhere — on top of a fucking tree. It was cold and all that I'm wearing was my white sleeveless tank top, shorts, and my house slippers. The only thing that made me feel a 5% relief was because I have my phone with me. Another five was because I escaped. And the other one was because I'm alive. I'm fucking alive!





"P-pwede mo ba akong sunduin?" Not just my hands, but even my lips are trembling — my whole body rather. Parang kada kurap ko rin ay nakikita ko ang nangyari sa'kin kanina. There was a gun being pointed at me... Kidnapped for a while... Almost a hostage...





[Agatha: Huh? Bakit? Anong oras na, wala ka sainyo?]





"I'll explain everything later. Please... Pick me up... I'm—" Napatakip ako ng aking bibig. Mayamaya'y unti-unti nang tumulo ang aking mga luha. Unti-unting lumalakas ang aking paghikbi at mas lalong nahihirapang huminga.





[Agatha: You're what? Keira, what's going on?] She started to sound worried.





"I-I'm scared..." Tinakpan ko ulit ang aking bibig, pinipigilan na 'wag humagulgol.





[Agatha: Fuck, shit, Keira... Where are you?]





"I don't know..." I answered, almost a whisper, still gasping some air. "B-basta malapit sa Dash Racing Circuit. I'm in the middle of the woods, Aggy..." Hindi lang ako natatakot, nawawala na rin.





[Agatha: Okay, okay. Just stay where you are and keep your phone on. I'll track you.] She ended the call. Mayamaya'y nakatanggap ako ng text mula sa kanya.




From: Agatha
I'm on my way

Wait for me




Napasandal ako muli. I'm starting to feel a little bit of relief knowing help will be here soon. Napapunas ako ng luha. "Thanks, Aggy..." I sobbed a little more. Please, be safe... My eyes are slowly closing due to exhaustion. Pilit ko iyong pinigilan pero hindi ko na kaya. Gusto na bumagsak ng aking katawan.



"Keira... Keira!" Napabangon ako sa boses ni Aggy at laking gulat ko na lamang na hindi mga puno ang bumungad sa'kin kundi ang paligid ng loob ng isang sasakyan. Nang malingon ko si Agatha ay agad akong yumakap ng mahigpit. "Thank goodness you're alive! What the hell happened to you?!" She cupped my face.






"I was—" I stopped the moment I noticed someone familiar sitting in the driver's seat. "Kuya Kel?" Napakunot ang noo ko nang makita siyang narito rin. Shivers started to fill my skin again. Bumalik ang tingin ko kay Aggy, takang-taka kung bakit kasama niya ang kuya ko.






"We may not be affectionate towards each other pero kapatid pa rin kita. Buti at gising ka na, Keira. Anong nangyari?" Saka ako nilingon ni Kuya Kel. Itinago ko ang aking ngiti nang marinig ang kanyang sinabi. I swallowed hard, controlling myself not to tremble as I started, "Promise not to tell?"






Tumango siya at inilahad sa'kin ang kanyang hinliliit. "I won't but I can't guarantee you they won't find out."





"S-sabi ko nga." Napayuko ako, nagsimula nang hangarin na sana 'wag nila malaman ang pinakadahilan kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. Huminga ako nang malalim, inangat ang ulo at nagsalita na muli. "I was... kidnapped."






I'm being careful with my words, hoping my tongue won't slip any information about my dangerous secret. Kuya also started tracing the phone number after I showed him the message I received earlier. "Must be a burner number," he said after giving my phone back.





"What do you mean by that?" tanong ko nang tignan ko ang aking phone screen. Blinock na ni Kuya ang numerong 'yon.





"It's a use and discard temporary number. It's often used by people who want to protect their personal information. Unfortunately, it can also be used by scammers or stupid living creatures like that." He pointed at the phone I'm holding. "Which is why sometimes it's hard to trace or find information about whoever that shit was. That, who texted you have a brain on using that kind of method of threat."





At pinuri niya pa nga... So, may isosoli pala talaga ako sa kanya dahil may brain naman pala siya ayon sa kapatid kong mukhang pwet. Natahimik na lamang ako sa backseat matapos no'n. Aggy comforted me by giving me some water and a hoodie. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat matapos ko suotin.





"Thank you..." I whispered.



"We're gonna be okay," she whispered back as she hold my hand tight. Unti-unti kong ipinikit ang aking mata. Kahit paano ay naging kalmado na ang aking buong sistema. Knowing someone close to me are here now...





"Kadiri, ang putangina..." sambit ni Kuya Kel nang may tanggalin siyang bubblegum sa CCTV camera malapit sa aming front door. Pagkauwi rin ay naroon na ang dalawa naming kapatid kaya naman tuwang-tuwa itong kaibigan ko dahil nasilayan na naman niya ang ultimate crush niya.






Si Mama ay gising na rin. Nang makita ako kanina ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. Ginamot niya na rin ang aking mga gasgas at sugat na natamo kanina nang mag-tungo ako sa kagubatan malapit sa circuit. I told them everything that had happened. Sorry rin nang sorry si Mama.





"Ma, hindi mo po kasalanan," awat sa kanya ni Kuya Kel, wiping her tears away.





"Brighter side, both of you are alive." Lumabas si Kuya Kean kasama si Kuya Ken mula sa kusina namin. "We reviewed the footages. All we saw was..." At may pinakita siya sa aming video mula sa phone niya — only a man with a black mask and bonnet covering the lenses with his gum.






"That was probably the culprit's vechile. Malas lang dahil naharangan ng mga halaman ang likod nito at hindi nakita ang plate number." Turo naman ni Kuya Ken. Tinitigan ko iyong maigi at parang nakita ko na siya noon. That déjà vu kind of feeling...





Nanatili ang lahat sa bahay buong gabi, even Aggy. Magkakatabi kami ngayon nila Mama sa dating kwarto ni Kuya Kean. As for them, I don't know if they have plans to sleep or to just stay up all night to guard the whole place. Dahil nang bumaba ako mula sa kwarto ni Kuya upang kumuha sana ng tubig ay naabutan ko pa silang tatlo ro'n na nag-uusap. Alas tres na ng umaga...







Imbis na magpatuloy ay bumalik na lang ako. Aggy's already in her deep sleep. Inayos ko ang kumot nila ni Mama saka ako naupo sa sofa na malapit sa bintana. Isinandal ko ang aking ulo ro'n at nagpakawala ng mabigat na paghinga. Hindi ko pa pinapaalam ang tungkol doon pero mukhang nagsisimula na madamay paunti-unti ang iba. Starting with my family. It gave me more reason not to dig that shit up.





Simula nang mangyari ang insidenteng 'yon ay hatid-sundo na ako ni Kuya Ken, even Aggy. Si Mama ay nanatili muna sa bahay nila Kuya Kean at ako naman ay kay Kuya Kel. They said it's for the best to leave our house for a while just to keep me and Mama safe.






"Susunduin ka raw ni Joaquin dito," ani Kuya Kel matapos akong lutuan ng almusal. It's been a long week since the last time we saw each other. I've been occupied lately and I almost forgot to text him — respond to his messages rather.





Tumango ako sa sinabi ni Kuya at sinimulan na kumain. Napatigil lang ako nang may nag-doorbell. Napatigil din si Kuya pero kitang-kita ko naman sa itsura niyang natataranta ang kaloob-looban niya. "Shit! Wala pa akong ligo! Paasikaso nga!" sambit niya sabay takbo sa kanyang kwarto.






Takang-taka lang akong pinanood siyang magmadali nang tumunog ulit ang doorbell. Wala na akong nagawa kundi pagbuksan ang kung sino man ang nasa labas. Sayang naman ang bagong sinaing at ulam kung mabibitin ang kain ko. Nawawalan pa naman ako ng gana kapag gano'n.






The doorbell rang for the third time. Nang buksan ko na ang pinto ay bumungad sa'kin ang isang babae, looks like the same age as Kuya Kel. Parehas kaming nagulat sa isa't-isa, halatang 'di inaasahan na babae ang magbubukas sa kanya at babae ang bubungad na bisita ni Kuya. Well, knowing Kuya Kel, hindi siya mahilig sa babae pero ma-barkada no'ng high school at college. Ewan ko kung hanggang ngayon.






"Hi, is Kelvin here?" malambing na tanong ng babaeng nasa harap ko. Other than her sweet voice, she looks intimidating. Maganda rin. Sa sobrang ganda niya hindi ko naisip na baka jowa siya ng Kuya ko.






"Girlfriend ka po ba niya?" wala sa sarili kong tanong habang pinagmamasdan ko siya.





"Uh, h-hindi niya 'ko girlfriend. Customer niya lang ako. Ipapaayos ko kasi 'tong laptop ko." Angat niya sa bag na kanyang hawak. "






Tumango ako kahit hindi ako sigurado. Hindi ko alam na may ganitong sideline pala si Kuya. "Pasok po muna kayo," yaya ko na. Lalakad na sana ako pabalik sa loob nang mapansin kong hindi siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan. "Ate, pasok po," yaya ko ulit.







"Uh, may aso ba?" Sinubukan niyang silipin ang loob. Gusto ko sanang sumagot ng balagbag kaso hindi kami magkakilala. Baka ihampas niya sa'kin ang laptop kapag nagkataon.





"Wala po, Ate. Wala rin pong nangangain dito, hehe," I tried. Tumalikod ako agad para hindi ko na makita kung natawa ba siya o hindi sa kaunting biro ko. Napalingon lang ako ulit nang marinig ang tunog ng paglipat ng kwaderno. She started writing on it.






Log book. Nabasa ko lang sa cover ang pangalan nang isira niya na muli. Hindi ko iyon napansin no'ng gabing pumunta ako rito. Dami talagang pakulo ni Kuya Kel. "Kulot!" Speaking of, naririnig ko na ang tawag ng kadiliman. Bwisit na tawag talaga niya sa'kin 'yan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakabawi sa pagbibigay ng palayaw!






"Dalian mo, Kuya! May bisita ka!" Ang ganda-ganda ng bisita mo tapos paghihintayin mo?! Nang marinig ko na ang kanyang pagbaba ng hagdan ay nagpaalam na ako na babalik ng hapag para tapusin ang kinakain.




"Alis na 'ko," paalam ko kay Kuya na abala na ngayon sa harap ng laptop. Joaquin's already here to pick me up. "Sige. Pasalubong," aniya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa screen. Tumango na lamang ako. Nagpaalam na rin ako sa babaeng katabi niya. Ngumiti at kumaway siya sa'kin kaya kinilig ako. Ano kayang pangalan niya? Gusto ko siyang i-add sa Facebook o 'di naman kaya follow sa Instagram.






Nang makalabas na ako ng bahay ni Kuya ay agad akong tumakbo patungo kay Joaquin at yumakap. "I missed you," bulong nito habang hinahaplos ang aking buhok. "How are you?" pahabol niya. As much as I wanted to tell him what happened, I kept it to myself. This is not the time for him to worry about me. Also, I don't want him to get involve to this issue.






"I'm okay now." Humigpit lalo ang aking yakap sa kanya habang pinapakinggan ang tibok ng kanyang dibdib. Nang tignan ko na siya muli ay napansin ko agad ang pagod sa kanyang mga mata. We're really going through a lot this time...






Niyaya ko na siyang umalis bago pa may makakita sa amin. Sa tuwing lalabas kami ay ang personal niyang sasakyan lagi ang kanyang gamit para hindi makilala't masundan. "Where are we going exactly?" tanong ko dahil hindi ko alam ang rutang dinadaanan niya ngayon. "Somewhere in Batangas," sagot niya habang nakangiti.







"Anong mayro'n?" Takang tanong ko dahil wala naman kaming napag-usapan kagabi na gagala kami. Ang sabi lang namin ay magkikita.




"Nothing. Can't I take you out on a date just because I wanted to anymore?"




"So we're going on a just because date now. I see..."






Tumango siya at kinuha ang aking kamay upang hawakan iyon ng mahigpit habang nagmamaneho. "So sit back and relax, my sweet and feisty passenger princess. I'll lead the way." Halik nito sa likod ng aking kamay. Napatawa na lang ako, paraan upang itago ang kilig. Parang noon lang ay ayaw na ayaw kong sumakay sa sasakyan niya. Ngayon magkasama na kami sa mga gala. Gosh, what did he do to me?






Museo ng Batangas (People's Mansion)...



"Hala!" Halos tumalon ako sa tuwa nang makababa na kami ng sasakyan at bumungad sa'min ang isang museum. Hindi na 'ko nagtagal pa sa aking kinatatayuan at hinila na siya papasok doon. "Wow... Ang ganda rito..." Sinimulan ko nang ilibot ang aking mga mata sa paligid. I started taking pictures of every painting, sculptures and other displays I see.






"Ikaw rin, picture!" Inangat ko muli ang aking phone nang lingunin ko siya sa aking likuran. Kahit naka-itim na mask siya ay kita naman ang kanyang pagngiti dahil sa mga mata niya. May mga tao rin sa paligid kaya hindi niya pa ito tinatanggal. Sinimulan na namin libutin ang museo, hangga't maari ay lumalayo rin kami sa mga matao na pwesto.






"Joaquin, dito walang tao." I started walking down the nothing but quiet and paintings hallway. "Picture tayo rito," yaya ko sa kanya. Tinanggal niya na ang kanyang mask. Pinuwesto ko na rin ng maayos ang aking phone sa sahig at kumuha ng litrato. Nang makatapos ang isa ay pinindot ko muli iyon saka lumabas ang sampung segundo sa screen.







"Bilis, bilis," takbo ko pabalik sa aming pwesto. Umakbay sa'kin si Joaquin habang ako naman ay naka-peace sign. "Three, two—" Natigil lang ako nang bigla niya akong hinarap sa kanya at hinalikan. Nagulat man sa kanyang ginawa pero pumikit ako at dinama iyon.





Nang maglayo na ang aming mga labi ay saka niya isinandal ang noo niya sa'kin. "I love you..." mahina niyang sambit habang hinahaplos ng kanyang hinlalaki ang aking pisngi. Those words are gentle to my ears to hear but it gets a little louder inside my head as it let my heart beats faster than ever. It's like there's a part of me that's been dying to hear it since and now I'm here... Letting it echo.







Sa sobrang naghahalo-halong emosyon ay hindi ko na namalayang nagbabadya na pala ang mga luha ko. Nang mapansin iyon ni Joaquin ay agad niyang isinandal ang aking ulo sa kanyang dibdib. "M-mahal din kita, Joaquin... Mahal na mahal."





Kagaya ng aking inaasahan, matapos ang gabing iyon ay hindi ulit kami nagkita. Pero ang dating gawi, tumatawag pa rin kami sa isa't-isa. I've been more productive. Parang kahit tambakan ako ng mga gawain ngayon ay matatapos ko agad ng isang araw lang. Ganoon ang pakiramdam.





Nang marinig ko rin ang tatlong salitang iyon ay parang kumalma ang lahat sa'kin. "Keira, malulusaw na ang screen ng laptop mo sa sobrang titig at lapad ng ngiti mo r'yan." Aggy snapped her fingers to get my attention. "Tapusin mo na ang ginagawa mo para makapag-kape na tayo," dagdag niya pa.






"Ito na nga, kikilos na." Umayos ako ng upo at nagpatuloy na sa aking ginagawa. I started searching about my individial major activity. Oo, masipag magbigay ng activities ang professor namin. Minsan kapag hindi ko natatapos sa isang oras na vacant ay pinagpapatuloy ko sa coffee shop kapag break time.






Matapos ang limang minuto ay nakapag-submit na rin ako. "Okay na 'to," mahina kong sabi sa aking sarili. I started closing all the tabs, leaving only the Facebook one and started scrolling at it again. Napatigil lang ako nang may makita akong nakapagbaliktad ng sikmura ko.







Pinindot ko ang article upang tignan ang kabuuan no'n. Halos parang binagsakan ako ng langit at lupa nang makita na ang mga litratong laman no'n. The more I scrolled down to the pictures, the more my heart races so fast in fear.





"The girl from the club has been revealed..."





Wala pang isang oras ang nakalilipas pero ang mga numero ng mga komento ro'n ay nasa isang libo mahigit na. Hindi ko na sinubukan pang tignan ang mga 'yon dahil alam ko namang pinagpi-piyestahan na ako.






Nang maramdaman ang ang nagbabadyang luha ay  tumakbo na ako papuntang  restroom ng library at kinulong ang sarili sa isang cubicle. Kasabay ng mabigat kong paghinga ay ang sunod-sunod na pagpatak na ng mga ito. Naririnig ko rin ang mga katok ni Aggy mula sa labas.





Again...



It's happening again.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

89.5K 1.2K 44
As the second son of the Salguero family, Cassian's reputation is quite different from that of his siblings. He's stubborn and rebellious in the eyes...
7.2K 423 4
[UNDER MAJOR REVISING] You should avoid making friends with Ellis Handez. Hindi mo alam kung anong klaseng sikreto ang mayroon sa likod ng kaniyang s...
3.3K 177 24
Having a complete and happy family is one of Axi's dream. Their dad left when he was 13 to build a new family with his mistress. It's his dream to ma...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...