The Divorce

By MrsPeriwinkle0024

27.9K 1.6K 227

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... More

Chapter 1: Rebirth
Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 4: Asking For Pocket Money
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 8: The Truth
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 13: Loyalty
Chapter 14: Going To Hate Him
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 29: A White Dress
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 37: Wish
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 41: Torture And Imaginations
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 44: Good Bye
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 53: Bothered
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 56: Someone Who Knows Her Best
Chapter 57: Stick To The Original Plan
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 60: Different Types
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 5: Unexpected Turn Of Events

740 20 0
By MrsPeriwinkle0024

Hindi lubos akalain ni Samantha na aabutin ng maraming ang oras ang kanilang byahe. Kasasakay niya lang ng barko pero sumakay na naman siya ulit para lang makarating sila kaagad sa probinsiya ng mga Syquia. Dalawang araw at isang gabi sila sa dagat, pagkatapos ay 16 hours by land.

Pakiramdam ng dalaga ay naubos na ang pwetan niya sa tagal ng kanilang byahe.

Noong makarating sila sa probinsiya ng Santa Elena, madaling araw na.

"Darling, magpahinga ka na. Let us do the rest, okay?"

Pinagmasdan ni Samantha si Ginang Syquia at ang anak nitong si Cynthia na parehong nakatayo sa labas ng mamahaling sasakyan. Nakaparada ang sasakyan sa harapan ng isang malaking mansion.

"Okay mom. I'm so tired! Mauuna na akong matulog, mommy. Bye daddy," kumaway pa ang dalaga sa ama nito na tumango lang.

Nang tuluyang makapasok sa mansion si Cynthia ay sumakay na sa sasakyan si Ginang Syquia. "Drive," utos nito sa driver na kaagad namang sumunod.

Isang oras pa ang ibyinahe nila bago sila nakarating sa tahimik at liblib na lugar. Huminto ang sasakyan sa maliit na bahay. Bagaman mas maganda iyong tingnan kesa sa mga bahay na nakapaligid doon, di hamak na napakalaking pagkakaiba noon sa mansion na pinanggalingan nila.

Napakunot-noo si Samantha.

"Dito ang bahay ng mother-in-law mo. Ayaw niyang tumira sa mansion kaya naman pinabayaan na lang namin siya sa gusto niya. Halika na, simula ngayon ay dito ka na titira at sila na ang bago mong pamilya,"

Napuno ng katanungan ang isipan ni Samantha. Pakiramdam niya ang may itinatago ang mag-asawang Syquia. Hindi niya naman matanong ang mga ito dahil simula noong sumakay sila sa barko ay naging malamig na ang pakikitungo sa kanya nang tatlo. Ni hindi nga siya inaayang kumain.

"Yaya Pepita," malakas na tawag ni Ginang Syquia sa harapan ng kinakalawang na gate.

Humahangos na lumabas naman kaagad ang isang matabang babae.

"Ma'am Helda!" Masiglang bati nito sa ginang. Kulang na lang ay umabot na sa langit ang mga ngiti nitong halos kita na ang buong gilagid.

"Kamusta na? Gising na ba ang mag-iina?" Seryosong tanong ng ginang.

"Opo. Alas tres pa lang ay ginisang ko na silang lahat para hintayin kayo," proud na sabi ng matabang babae habang nakataas ang dibdib.

"Good," malamig na sabi ni Ginang Syquia saka tiningnan si Samantha. "Lahat ng rules sa pamamahay na ito ay ituturo sa'yo ni Pepito. Ang salita niya ay salita ko, ang batas niya ay batas ko, dahil nanggaling ang lahat ng iyon sa akin. Naiintindihan mo ba?" seryosong tanong ng Ginang kay Samantha gamit ang istriktong tinig.

"Sure," walang anumang sagot ni Samantha sabay-kibit ng balikat.

Well, wala naman siyang planong magtagal. At isa pa, alam naman niyang hindi siya kaagad matatanggap ng mga ito.

"Siya ang mayordoma sa mansyon at malaki ang tiwala ko sa kanya. Kung may mga tanong at kailangan ka, sa kanya ka magsabi,"

Muling tumango si Samantha bilang pagsang-ayon.

Noong pumasok sa loob ng bahay ang mag-asawang Syquia ay sumunod lang ang dalaga sa mga ito.

"Good morning po, Uncle, Auntie," magalang na bati ng tatlong kabataan sa dalawang panauhin. Triplets ang tatlo at sa palagay ni Samantha ay nasa 15 or 16 pa lang ang edad ng mga ito. "Masama pa rin po ang pakiramdam ni mama, pero gising na po siya at hinihintay po kayo sa loob ng kwarto niya,"

Umigkas pataas ang kilay ni Ginang Syquia. Lumalagutok ang takong ng stilletos nito sa magaspang na sahig habang naglalakad papunta sa isang nakabukas na kwarto.

"Miss Rivera,"

Sa halip na boses ay sunod-sunod na ubo ang narinig ni Samantha mula sa kwartong pinasok ng ginang.

"G-good..a-ahem...good morning, ate,"

"Nandito na ang daughter-in-law mo. Pagdating ni  Arem, kami na ang mag-aayos sa kasal nilang dalawa ni Daureen. Daureen,"

"I'm here," mabilis na tumayo si Samantha sa tabi ng ginang noong tawagin siya nito.

Hindi mapigilan ni Samantha ang sarili na pagmasdan ang babaeng nakaratay sa kama. Pakiramdam ng dalaga ay nakita na niya ito kung saan. Kaya nga lang ay ang payat-payat nito at halos walang kulay ang mga labi, halos buto't balat na lang ito kaya hindi makita ni Samantha kung ano ang normal na itsura ng ginang noong maayos pa ang pangangatawan nito.

"This is your mother-in-law, Aria Rivera. Ms. Rivera, this is your daughter-in-law, Samantha Daureen Salvador,"

"Good morning po," magalang na bati ng dalaga. She gave the woman a genuine smile.

Tipid naman na ngumiti ang ginang na nasa kama.

"Welcome home, hija," mahinang sabi nito at pagkatapos ay dinalahit na naman ng ubo.

"Aalis na ako. Masyado akong napagod sa byahe. Pepita, ikaw na ang bahala sa kanila. Huwag mo na kaming ihatid sa labas," bilin ni Ginang Syquia sa matabang babae.

Ni hindi man lang binati ng mag-asawa ang tatlong magkakapatid na kitang-kita sa mga mukha ang nerbiyos na nararamdaman.

"A-ahem, hija, k-kumain ka na ba?" Halos pabulong na tanong ng ginang na nakaratay sa kama kay Samantha. Parang bawat pagbigkas nito ay kinakailangan pang mag-exert ng maraming effort.

She looked so sick that in Samantha's mind, the woman on the bed is just one step away from death.

"P-pas-sen-nsiya k-ka na. I-i'm..." The woman stopped talking and took a deep breath.

Mabilis na lumapit si Samantha dito.

"Ma, naiintindihan ko po. Magpahinga na po kayo. Ako na ang bahala sa sarili ko," malumanay na sabi ni Samantha sa ginang.

Wala sa hinagap niya na ganito ang eksenang madaratnan. At malakas din ang kutob ni Samantha na wala ring kaalam-alam si Daureen na ganito ang sitwasyon ng pamilya ng magiging fiancé nito.

Inalalayan ni Samantha ang ginang na may sakit na makahiga ng maayos. Nang masigurong maayos na ang pagkakahiga nito ay lumabas na sa kwarto ang dalaga.

"Miss Pepita, matutulog na po kami,"

Napatingin si Samantha sa nagsalitang dalagita. Nakayuko ito at napakagalang habang nakikipag-usap sa katulong na si Pepita.

Napakunot-noo si Samantha.

Iba ang pakiramdam niya sa mga oras na 'yun. Parang may mali na hindi niya mawari.

"Matutulog?" Nakataas ang kilay na tanong ni Pepita habang nakapamewang. "Hindi niyo ba nakikitang alas kwatro na ng madaling araw? Magluto na kayo ng aalmusalin ninyo. Para kayong pabago-bago sa set-up niyo dito sa pamamahay na 'to? Sa bahay na 'to, ako lang ang susundin niyo!" pabulyaw na wika nito sa tatlo na tanging ang mga ito lang ang nakakarinig.

At kaya naman narinig ni Samantha ang sinasabi nito ay dahil nadala niya from her past life ang kakayanang natutunan niya noong nagtatago siya sa mga taong may masasamang plano sa kanya. Na-develop na lang ang malakas na pandinig ng dalaga dahil sa walang sawang pagtatago na ginagawa niya.

And she's not expecting to have this ability sooner.

"P-pero S-sabado po ngayon," mabilis na sumagot ang dalagita pero nagyuko ito ng ulo.

"Aba't sumasagot ka na?!" Gigil na hinablot ng katulong ang mahabang buhok ng payat na dalagita.

"A-aray! M-masakit po!"

"Talagang masakit! Mas sasaktan ko pa kapag nakarinig pa ako ng hindi maganda mula sa bibig mo!" Gigil na hinablot pa ulit ng matabang babae ang buhok ng dalagita.

Napatitig si Samantha sa dalawang binatilyo na parehong nakakuyom ang mga kamao. Kitang-kita niya ang galit at gigil sa mga mata at panga ng mga ito pero ni isa man ay walang kumontra sa matabang babae.

"S-sorry po, m-magluluto na po ako,"

"Hmp!" Akmang hahablutin sana ulit ng babae ang buhok ng dalagita pero may mahahabang daliri na humawak sa galang-galangan ng matabang babae.

Matalas ang ipinukol na tingin ni Pepita sa nilalang na ang lakas ng loob hawakan ang kamay niya.

Pinagtaasan naman ito ni Samantha ng kilay.

"Ngayon lang ako nakakita ng katulong na mas matapang pa kesa sa mga amo niya. You sure opened my eyes properly today," sarkastikong wika ni Samantha habang matalim na tinitingnan ang matabang babae.

Hindi inaasahan ni Samantha ang senaryong maabutan sa pamamahay ng mapapangasawa niya. Seryoso ba na tamang script ang ibinigay sa kanya? Bakit pakiramdam ng dalaga ay may hindi tama sa mga pangyayari? Feeling niya ay nagkapalit ng role ang mga taong nasa harapan niya!

Ipagsasawalang-bahala na lang sana niya ang mga pangyayari pero dahil parte na siya ng pamilyang ito simula ngayon at kapatid ang triplets ng lalaking mapapangasawa niya, hindi ba tama lang na ipagtanggol niya ang mga ito?

"Dahil wala ang kuya nila at may sakit ang mama nila, pakiramdam mo ikaw na ang may-ari ng pamamahay? Ni hindi ka man lang nagpanggap sa harapan ko?" Nakataas ang kilay na tanong ni Samantha.

Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ng matabang babae.

Dahil sa mga taong nanti-trip kay Samantha in her past life, natuto ng self defense ang dalaga. Bukod pa doon, tinuruan din siya noon ng kapitbahay niyang police officer na natanggal sa serbisyo dahil lang sa hinuli nito ang binatang anak ng isang mayamang pamilya. Hindi ito nagpabayad sa mayamang pamilya ngunit ang naging kapalit noon, ay ang pagtataksil ng sarili nitong superior. Ito ang tumanggap sa bayad. Pinalaya nito ang drug lord na anak ng mayamang pamilya at inalisan ng lisensiya ang tapat na naglilingkod na pulis.

"A-aray!!!"

Ngunit sa halip na binatawan ang kamay nito, lalo lang hinigpitan ni Samantha ang pagkakahawak doon.

'Crack'

"Ah—," kaagad na ipinasok ni Samantha sa bibig nito ang dala-dala niyang panyo. Ayaw niya ng eskandalo at mas lalong ayaw niyang masabihan ng kapitbahay na kararating-rating pa lang niya pero binu-bully na kaagad niya ang mga tao sa bahay na 'yun.

Noong marinig ni Samantha ang pag-crack ng buto nito sa kamay, doon lang niya binitiwan ang kamay ng matabang babae.

"Ngayon, may tanong ako,"

Napaatras si Pepita.

Hindi niya inaasahan na ganito pala ka-bayolente ang daughter-in-law ng pamilyang ito. Ang buong akala niya kaya-kayang niya rin itong rendahan dahil iyon ang kabilin-bilinan ng kanyang Ma'am Helda. Ang bantayan ito at pasunurin sa kanya katulad ng ginawa niya sa tatlong magkakapatid na sa isang salita pa lang niya ay nagkukumahog na kaagad na sumunod!

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 91 25
"Maybe this is a second chance for a second lead. A second chance for me."
139K 3.7K 59
"If I didn't care I would have left you to die but I care and that's why I'm protecting you." Kaya ba niyang protectahan ang taong mahal na mahal niy...
17.5K 869 47
Hindi kagustuhan ni Mari Casa na sumanib sa katawan ng asawa ng lalaking mahal niya. Gusto niya itong makasama ngunit hindi sa ganoong paraan dahil a...
93.8K 2.1K 37
"Paano mo ito nagawa aa akin?? ako ang asawa mo!!!" sigaw ko sakanya kasama ang babaeng nakakapit ngayon sa balikat niya. "Oo nga at Reyna ka pero Hi...