The Divorce

By MrsPeriwinkle0024

28.2K 1.6K 227

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... More

Chapter 1: Rebirth
Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 4: Asking For Pocket Money
Chapter 5: Unexpected Turn Of Events
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 13: Loyalty
Chapter 14: Going To Hate Him
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 29: A White Dress
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 37: Wish
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 41: Torture And Imaginations
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 44: Good Bye
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 53: Bothered
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 56: Someone Who Knows Her Best
Chapter 57: Stick To The Original Plan
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 60: Different Types
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 8: The Truth

376 18 0
By MrsPeriwinkle0024

Nakahalukipkip na hinarap ni Samantha ang ilang taga dswd at ang Barangay Chairman sa loob ng barangay hall. Hindi niya matanggap ang sinasabi ng isa sa mga taga-dswd dahil parang mas kinakampihan pa nito ang ginagawang pananakit ni Pepita sa mga bata.

"So sinasabi mo na dinisiplina niya lang ang tatlo? Na dapat hindi kami nagpunta dito? Na kami lang dapat ang umayos sa sarili naming problema? Sa palagay niyo ba wala kaming balak magreklamo sa pulisya?" Sunod-sunod na tanong ni Samantha sa mga ito.

"Kaya nga kami nandito, kase 'dinidisiplina' niya ang mga bata sa parang siya ang nagpapakain sa tatlo. Tingnan niyo nga ang mga pasa na 'to oh! Ito ba, itong mga pasa na 'to ba makukuha ng anak niyo pagkatapos niyo silang disiplinahin?" Isa-isang ipinakita ni Samantha ang mga pasa sa katawan ng tatlong bagets.

"Fifteen years old pa lang ang mga 'to. Underage pa. Wala ang kuya nila at ang nanay nila nakaratay sa higaan, tapos sasabihin niyo sa akin pagdidisiplina lang 'to ng nakatatanda? Oo nakakatanda siya, pero ano bang karapatan niya? Sinuswelduhan siya para samahan ang mga ito sa bahay. Anong karapatan niyang disiplinahin ng ganito ang mga kapatid ng fiancé ko?" sunod-sunod na tanong ni Samantha.

Dahil sa mga pasa, hindi kaagad nakaimik ang mga tao sa barangay. Ang babaeng kamping-kampi kay Pepita kani-kanina lang ay nawalan na ng kulay ang mukha. Sinisiraan pa nito si Samantha kanina, at dahil tagadoon ito, ito ang mas kinampihan ng mga taong naroon. Pero pagkatapos masilayan ng mga tao ang katawan ng kambal, maging sila ay hindi matanggap ang ginawang pananakit ng katulong na si Pepita.

"Pwede kong dalhin sa pulisya ang babaeng 'to at dun siya kasuhan, pero sigurado ba kayong hindi kayo mahihiya na ibang department of social welfare and development ang tutulong sa amin?" Isa-isang tinitigan ni Samantha ang mga taga dswd sa barangay.

Halos lahat ng mga ito ay nakakunot-noo habang nakatitig sa babaeng panay ang pagtatanggol kay Pepita kanina pa. "May kaibigan akong lawyer. Kahit papuntahin ko siya ngayon mula sa Siudad, sigurado akong maglalaan siya ng oras para lang makapunta. Itatanong ko sa kanya kung makatarungan ba ang ginagawa niyong 'to sa mga bata," mahinahong dagdag ni Samantha.

Kung sa palagay ng mga ito ay nagbabanta siya. So be it. Iyon naman talaga ang ginagawa niya dahil gusto niyang mabilis na maaksyunan ang sitwasyon ng triplets.

Aware si Samantha na walang mangyayari kung magwawala siya sa lugar na iyon. Kaya ang tanging magagawa niya lang ay ang magbanta in a calm way. Hindi siya pakikinggan ng mga tao doon kung hindi niya iyon gagawin, lalo na at hindi naman nagko-complain ang mga bata, bukod pa doon, bagong salta lang siya kaya sino ba siya para pakinggan ng mga taga-doon?

Matapos marinig ng mga ito ang huling pangungusap ni Samantha, tuluyang nagising ang lahat.

Isa-isa nilang nilapitan ang triplets at saka tinanong ng mahinahon ang tatlo. Tuluyan ng tinakasan ng kulay ang mukha ni Pepita. Hindi nito inaasahan na magiging ganoon ang kalalabasan ng pagpunta nila sa Barangay.

*****

Nagniningning ang mga mata ng triplets habang nakatitig sa papalayong police car. Sa loob ay nakasakay ang nagwawala at umiiyak na si Pepita.

"Thank you, ate Sam," emosyonal na bulalas ng tatlong bagets sa dalaga.

Samantha looked at them. Even though they're all skinny, they're all good-looking children.

Madali na lang patabain ang mga ito lalo na kung napapakain ng masasarap at masusustansiyang pagkain.

"No problem. Maliliit na bagay," nakangiting sagot ni Samantha sa tatlo. "Uwi na tayo, baka naghihintay na si mama," dagdag pa niya.

"Oo nga!"

"Opps! Umaambon! Takbo bilis!"

Napailing na lang si Samantha habang pinagmamasdan ang tatlo na nagmamadaling tumakbo pabalik sa kanilang bahay. Malayo-layo rin ang bahay ng mga ito mula sa barangay hall. Bagaman hindi tumakbo si Samantha, bumilis naman ang bawat paghakbang na ginagawa niya para hindi siya tuluyang mabasa ng ulan kung sakali man na lumakas iyon.

Pagpasok ni Samantha sa loob ng bahay ay napatitig siya sa mga balde at kaldero na nakalatag sa sahig.

"Ahm? Magriritwal ba tayo?" Tanong ni Samantha na hindi mapigilan ang pagtaas ng kilay.

Ganito ba ang welcome party na ginagawa sa lugar na ito? Bakit parang hindi niya masyadong bet?

"Ritwal?" Maang na tanong ni Ariston, may dala-dala itong apat na lumang kaserola.

"Hindi po ito para sa ritwal ate Sam. Tumutulo po ang bubong kapag umuulan," natatawang sagot ni Arthur.

What the fudge?!

Hindi mapigilan ni Samantha ang panlakhan ng mga mata. Pamilya ang mga ito nang CEO ng Syquia Corporation pero nakatira sa bahay na may tumutulong bubong? Anong klaseng kalokohan 'yun?

"H-hindi ba alam ng kuya niyo ang sitwasyon niyo dito?" Nakakunot-noong tanong ni Samantha.

Dahil kung alam ng lalaking 'yun ang sitwasyon ng mga ito pero pinababayaan lang sa ganitong sitwasyon ang pamilya niya, magiging anong uri ng asawa ito in the future?

Sabay-sabay na huminto ang tatlo sa kani-kanilang ginagawa.

"Ahm, ate, tapusin lang namin 'to tapos kwento ko po sa'yo?" Patanong na sabi ni Arya.

Humalukipkip ang dalaga. Curious siyang malaman kung ano ang iti-tsika ni Arya.


"Okay," tumatangong saad ni Samantha. "Maliligo muna ako, hindi pwedeng hindi ako maliligo pagkatapos kong maambunan. Nagkakasakit ako," dagdag na sabi pa ng dalaga.

"W-wala pang tubig ate. Iigib lang ako sandali,"

Bago pa man makapasok sa loob ng banyo si Samantha ay pumasok na doon si Arthur.

Nang makalabas ng banyo ay may dala-dala itong dalawang balde na malalaki. Mabilis itong lumabas ng bahay.

"Saan siya nag-iigib?" Nagtatakang tanong ni Samantha.

Kahit poso ay wala man lang ang pamilyang 'to? Anong klaseng anak ba ang CEO na 'yun?

Hindi pa man nagkikita ay negatibo na kaagad ang tingin ni Samantha sa soon-to-be husband niya.

"Sa kabilang bahay po. Pinagbabayad po nila kami ng piso kada isang balde," nakangiting saad ni Arya.

Hindi mapigilan ni Samantha ang pag-angat ng kilay niya. Nakapagbakasyon na siya dati sa probinsya ng mga foster parents niya pero never siyang nakakita ng may-ari nang poso na nagpapabayad kada balde na iniigib. Simpleng thank you lang ay masaya na ang mga ito.

Napailing na lang si Samantha. Mukhang marami siyang dapat malaman.

"Arya, mag-usap tayo. Pabayaan mo ang kuya Ariston mo sa ginagawa niyo,"

Hindi na makatiis si Samantha. Hindi niya alam kung bakit pero hindi talaga siya mapakali.

Nagkatinginan muna ang magkapatid bago sumunod si Arya kay Samantha sa loob ng kusina.

"Tell me, anong relasyon niyo sa pamilya ng mga Syquia na nakatira sa mansyon? Bakit nakatira sila sa malaking bahay tapos kayo ay parang inabandona dito sa liblib na lugar?"

Arya fiddle with her fingers. Ilang sandali itong hindi nagsasalita.

Samantha waited patiently.

"M-mas mabuti po siguro simulan ko muna sa umpisa?" Patanong na wika ni Arya na para bang bumubulong sa hangin.

"Sure. No problem," ani Samantha.

Tumayo si Samantha at kinuha niya ang thermos na may lamang mainit na tubig. Inilapag niya iyon sa kahoy na lamesa at pagkatapos ay kumuha naman siya ng dalawang tasa, naggayat siya ng luya at saka iyon inilagay sa tasa na may mainit na tubig. Marahang itinulak ni Samantha ang isang tasa palapit sa tapat ni Arya.

"Si papa po ay bunso ng mga Syquia. Artista po siya. Noong gumawa siya ng action movie, doon niya po nakilala si mama. Nanligaw po siya kay mama at nagpakasal after a year, noong mag-18 na po si mama. Huminto sa pag-aartista si mama noong taon din na 'yun dahil ipinagbubuntis na niya si kuya Arem. Hindi po gusto ng pamilya Syquia si mama dahil sabi nila, wala naman daw mapapala si papa sa pagiging artista at mas lalong wala rin daw patutunguhan ang relasyon nila ni mama. Kaya umalis po si papa sa poder nina lolo at lola. Nag-hire po sila ng yaya at patuloy po na nagtrabaho si papa at si mama sa entertainment. Maayos naman po ang pagsasama nila pero after 15 years, noong buntis na po si mama sa aming tatlo, bigla pong nagkaroon ng aksidente sa shooting. Nahulog si papa sa building. Dead on arrival po siya, sabi po sa ospital,"

Hindi kumibo si Samantha. Sinenyasan niya lang si Arya na ipagpatuloy nito ang pagkukwento.

"Sobrang na-depress po si mama. Pero pinilit niya pong magpakatatag dahil dinadala niya kami. Sabi ni yaya Loleng, ang daming beses na pong gustong mag-suicide ni mama pero palagi niyang pinapaalalahanan na kailangan niya pong magpakatatag dahil dinadala niya pa kami. Si kuya Arem ay kinuha po at lola. Dinala siya sa America at doon pinag-aral. Si yaya Loleng po ang nag-alaga sa amin hanggang mag-sampung taon kami. Noong tumira na po sa mansion sina uncle at auntie Helda, pinalayas po nila si yaya Loleng. Pinalipat po nila kami sa bahay na ito. Bedridden na po si mama noon. Mula noong ipinagbuntis niya kami hanggang makapanganak siya, hindi na po bumuti ang katawan ni mama. Noong nasa mansyon po kami palagi namin nakakausap sa telepono si kuya Arem, pero simula po noong lumipat kami dito, hindi na namin siya nakakausap. Hindi niya po alam na dito na po kami nakatira,"

Napakunot-noo si Samantha.

"Kung hindi niya alam na dito kayo nakatira, hindi man lang ba niya kayo binisita sa loob ng limang taon? Hindi man lang siya umuuwi ng Pinas?"

"Sinusundo po kami ng driver sa mansyon bago po dumating si kuya sa airport. Pero dalawang beses lang po 'yun nangyari. Dalawang nagkasunod n taon po. Iyong dating kwarto namin, pinapagamit nila sa amin. Sabi ni Auntie Helda, siya na ang gumagastos sa mga gamot na kailangan ni mama kaya kapag nagreklamo daw kami kay kuya, hinding-hindi na niya susuportahan ang medications ni mama. Ayaw po naming mangyari 'yun kaya nagpanggap kami sa harapan ni kuya na okay lang po kami," malungkot na anas ni Arya.

"Hindi man lang nagtatanong ang kuya niyo kung bakit ganyan ang mga katawan niyo? Kung bakit hindi gumagaling ang mama niyo?"

Sandaling napahinto si Arya. Nakatitig lang ito sa tasa na may lamang mainit na tubig at luya. Pinabayaan naman ito ni Samantha. Isang malaking kaalaman na para sa dalaga ang mga kwento ng dalagita. Hindi niya inaasahan na ganito pala kakomplikado ang buhay ng mga ito.

"S-sinasabi po ni tita Helda na masyado kaming maselan sa pagkain. Pagdating naman kay mama, palagi niyang sinasabi na mas gusto ni mama magkulong sa kwarto at matulog nang matulog,"

Samantha pursed her lips. Sinasabi niya na nga ba. Hindi niya talaga gusto ang hilatsa ng pagmumukha nang Helda na 'yun. Pangalan pa lang nito nakakairita ng pakinggan eh.

"Hindi ba kayo binibigyan ng uncle niyo ng budget para sa pagkain niyo?"

"Nagbibigay po pero..."

"Kulang na kulang?" Pagtatapos ni Samantha. Dahil nakikita naman niya sa mukha ng dalagita na nahihirapan itong magsalita.

"Palagi po nilang sinasabi na ipinagbabawal daw ni lolo at lola na tulungan po kami pero naawa sila uncle sa amin kaya naman po nagbibigay sila ni auntie ng budget para sa gamot ni mama at pangkain namin," muling paglalahad ni Arya. "Pero mas gusto po namin na mabili ang gamot ni mama kaya okay lang po kahit araw-araw kaming kumakain ng lugaw. Mas okay na iyon kesa wala kaming mailaman sa mga sikmura naming nagugutom. Para po sa amin, mas importante po na may iniinom pong gamot si mama,"

Napatitig si Samantha sa dalagita. Walang kakurap-kurap.

Arya looked so thin and lonely. But she did not cry.

"Alam ba ng kuya niyo na may fiancee' siya?"

Maang na nag-angat ng paningin si Arya. Kitang-kita ni Samantha ang takot sa mga mata nito.

"N-nagpunta na po siya dito last year. I-iyong fiancée po ni kuya. P-pero nandiri po siya sa amin. Pina-cancel po ng pamilya niya ang engagement nilang dalawa ng kuya ko. S-sabi po ni Auntie Helda, hahanapan niya po ng ibang fiancée si kuya. A-at i-ikaw nga po ang dinala nila d-dito," nauutal na sagot ni Arya. Hindi nito malaman kung saan ilalagay ang mga kamay.

Ramdam ni Samantha ang pagkabahala sa tinig ng dalagita. Pero hindi niya alam kung para saan ang pagkabahalang nararamdaman nito.

"A-ate S-sam...hindi mo kami iiwanan hindi ba?"

Continue Reading

You'll Also Like

664K 14.5K 40
Hindi pa man siya umabot ng isang linggo sa trabaho niya bilang sekretarya ng C.E.O ay fired na agad siya dahil hindi niya natimpla ang kape nito bag...
2.4K 83 26
You will never know who is the one for you.. You will never know what will the future is.. You will never know you were meant to be.. You will never...
132K 3.6K 63
"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love m...
76.3K 3.4K 20
A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her.