THIRD PERSON POINT OF VIEW.
Nova mundus laboratory
Abala ang limang lalaking scientists sa mga iba’t-ibang kulay na fomula habang nakasuot sila ng mga lab gown.
“Subject #06 is awake” imporma ng isa sa kanila habang may kinakalikot ito sa isang monitor.
Rinig na rinig ang malalakas na sigaw ng babaeng nasa pang-anim na k’warto. Agresibo ito at namumula ang mga mata, bakas na rin ang mga ugat nito sa katawan na naging kulay itim na. Kahit anong galaw nito para makawala sa pagkakaposas ang mga kamay at paa ay hindi ito makawala, bukod sa high tech ang gamit nilang pang posas dito ay naka belt din ang katawan nito sa hindi ordinaryong kama lang.
“Whoa! Agressive” na-a-amaze na turan ng isa sa mga scientist na naroon.
“Give her food” utos naman ng pinaka leader nila sa isa pang scientist na s’yang taga bigay lagi ng pagkain ng mga pinag e-eksperimentuhan nila.
Kung iniisip n’yong normal lang na pagkain ang pinapakain nila ay nagkakamali kayo.
Mga dagang buhay na buhay at naturukan ng formula ang mga binibigay nilang pagkain sa sampung pinag eeksperimentuhan nila.
“Malapit na tayong magtagumpay. We will change the world!” tila nababaliw na tumawa ang leader ng mga scientist na sinundan naman ng apat pa.
Hindi nagtagal ay bumalik din ang limang mga baliw na scientist sa kanilang mga ginagawa at muli silang matigil nang tumunog ang alarm sa k’warto ni subject #6. Nakawala ito sa kanyang posas at nakalabas na rin sa kanyang k’warto nang lingunin nila ito.
Inatake at kinagat nito ang scientist na nasa harap ng tatlong monitor pagkatapos ay tumakbo ito para atakehin pa ang ilang scientist ngunit bago pa n’ya makagat ang scientist na nasa mga formula ay naturukan na s’ya ng gamot na magpapahinna sa kanya.
Unti-unting nalupaypay si subject #6 at buong akala ng apat na lalaking hindi nakagat ay na kontro na nila ang sitwasyon, ngunit nagkakamali sila.
Nakawala na rin ang siyam pang mga subjects nila at nakalabas na silang mga k’warto at isa-isang inatake ang mga scientist na walang nagawa at nakapalag dahil sa liksi at lakas ng kanilang mga subject.
Hindi pa lumilipas ang limang minuto ay nagig kagaya na rin ng mga scientist ang kanilang mga pinag eksperimentuhan.
Nakalabas ang mga ito sa laboratory at nagsimula silang lumapa ng mga tao na naging dahilan ng tuluyang pagkalat ng virus na ginawa ng mga baliw na scientists na ngayon ay biktima na rin ng kanilang kabaliwan.
“The heck, bakit hindi maubos-ubos?” reklamo ng lalaking dark brown ang buhok habang may hawak na palaso.
“Paano mauubos ‘yang mga ‘yan kung patuloy na kumakalat ang pesteng virus na naging dahilan kung bakit sila naging gayan?” pambabara naman ng babaeng may samurai at eksperto nitong sunod-sunod na sinaksak at ginilitan ang mga zombies na sumusugod.
“We need to leave! Parami sila nang parami at mamamatay tayo kung lalabanan lang natin sila!” sigaw naman ng isa pang lalaki na may samurai din.
Sa sinabing iyon ng kanilang kasama ay agad silang tumakbo at naghanap ng p’wedeng pagtaguang lugar. Nasa loob sila ng Helena University na puro infected na ang mga studyante.
Kapos ang hingang pumasok sila sa loob ng taekwondo room. Mabuti na lamang at walang mga infected dito kaya naman napanatag sila.
“Mayroon pa kayang ibang kagaya natin na sinusubukan ding makalabas dito sa university?” tanong ng isa pang babae na palaso rin ang armas.
“I don’t think so, Shine” sagot ng lalaking archery.
“What are you doing, Lance?” tanong naman ng babaeng samurai naman ang armas at nakasuot ng atlethic jacket.
Sumilip sa maliit na bintana ang lalaking may hawak din na samurai na nagngangalang Lance na kapareho ng nagtanong ay nakasuot din ito ng atlethic jacket. “Masyado silang madami sa labas at mahihirapan tayong makaalis dito” ani Lance at bumaba sa kanyang tinungtungan at huminga ng malalim.
I hope you’re safe, Aira. Dasal ni Leigh sa kanyang isip na samurai ang dala.
“Guys, look” tinuro ni Craig, ang lalaking archery ang isa pang pinto sa hindi kalayuan.
Backdoor ito ng hall at agad naman iyong nilapitan ng dalawang lalaki at marahang binuksan para makita ang labas at sinarado rin ng masiguradong p’wede silang makadaan doon.
“Walang mga zombies doon at mas maganda kung doon tayo dadaan papuntang rooftop ng main building” turan ni Lance habang inaayos ang kanyang samurai. “Let’s go”
Sa backdoor nga sila dumaan at maingat silang tumakbo nang hindi napapansin ng mga zombies para makapunta sa main building ng kanilang unibersidad.
“Shit!” gulat ngunit mahinang sabi ni Craig nang makita ang kumpulan ng mga zombies sa entrance ng main building.
Agad silang yumuko para hindi sila mapansin ng mga infected.
“Hindi natin sila p’wedeng labanan dahil masyado silang marami at maaagaw pa natin ang atensyon ng ibang mga nasa malapit” Shine greeted her teeth.
“Hindi na rin tayo p’wedeng bumalik sa pinanggalingan natin dahil sangkatutak na ang mga infected na naroon” nahihitakutang sabi ni Lance.
Lahat sila ay napatingin sa entrance ng main building ng makita ang pagwawala ng mga zombies na naroon na tila may gustong atekehin.
Gulat nilang pinanood ang pitong mga gaya rin nilang studyanteng kinakalaban ang sangkaterbang mga infected.
“Ngayon ay p’wede na natin silang labanan” walang pagdadalawang isip na tumayo si Leigh mula sa kanilang pinagtataguan at sumugod sa mga infected na kasalukuyang kinakalaban ng grupo nila Darra.
Agad namang sumunod sina Lance, Craig, at Shine para tumulong din sa pakikipaglaban.
Nang mapatumba nila ang mga umatake sa kanila ay sabay-sabay silang tumakbo papunta sa isa pang k’warto na hindi kalayuan dahil may paparating nanaman panibagong alon ng mga zombies.
Ligtas silang nakapasok sa madilim at sagradong k’warto at hingal na napaupo dahil sa pagod sa pakikipaglaban.
Hinanap ni Lance ang switch ng ilaw nang mahanap n’ya ay agad n’ya itong sinindi at sumabog ang liwanag sa kanilang kinaroroonan.
“Ate…” lahat sila ay napalingon kay Aira nang magsalita ito.
“Aira” turan naman ni Leigh at agad na niyakap ang kanyang nakababatang kapatid. “I’m glad you’re safe” tila naglahong parang bula ang pag-aalala at kabang nararamdaman ni Leigh nang makumpirmang ligtas ang kanyang kapatid.
Napangiti naman at naantig ang mga kasama nilang tahimik lamang na nanonood.
Malalim na ang gabi kaya naman napagpasyahan nilang doon nalang muna manatili.
Natapos na rin silang magpakilala sa isa’t-isa kaya naman ngayon ay pare-pareho na silang mahimbing na natutulog.
"Nova mundos" in latin means "New World"
A