The Divorce

נכתב על ידי MrsPeriwinkle0024

28.1K 1.6K 227

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... עוד

Chapter 1: Rebirth
Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 5: Unexpected Turn Of Events
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 8: The Truth
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 13: Loyalty
Chapter 14: Going To Hate Him
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 29: A White Dress
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 37: Wish
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 41: Torture And Imaginations
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 44: Good Bye
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 53: Bothered
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 56: Someone Who Knows Her Best
Chapter 57: Stick To The Original Plan
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 60: Different Types
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 4: Asking For Pocket Money

411 21 0
נכתב על ידי MrsPeriwinkle0024

Tahimik na kumakain si Samantha. Hindi siya nakikisali sa pag-uusap ng mga taong kasama niya sa harapan ng mesa. Mas gusto niyang intindihin ang pagnguya dahil ang lahat ng mga pagkain na inilalagay niya sa kanyang bibig ay talaga namang masasarap. Halatang pinagplanuhan at pinaghandaang mabuti ng mga Salvador ang pagkain na ipapakain sa kanilang panauhing pandangal.

Bigyan ba naman sila ng fifteen million pesos. Kahit sino naman siguro kapag nakatanggap ng ganoon kalaking halaga ay ipi-please at ipi-please talaga ang taong nagbigay.

"Samantha Daureen, from now on they're going to be your new family. Love them and respect them just like how you loved and respect us," nakangiting paalala ni Ginang Salvador kay Samantha habang nilalagyan ng garlic butter shrimp ang pinggan ng dalaga.

Lihim na napangisi si Samantha. Hindi niya inaasahan na napakabilis pa lang mag-isip ng former parents ni Daureen. Nakaisip na kaagad ng bagong pangalan niya.

Para nga naman hindi malito ang mga tao kung ang itatawag sa kanya ay Daureen o Samantha.

"Yes mom," mahinang anas ni Samantha na para bang hiyang-hiya na makipag-interact sa ibang tao. She smiled with reservation in front of everyone.

The Syquia family felt relieved.

At least they've got themselves a meek daughter-in-law. Gustong-gusto talaga nila 'yung taong madaling pasunurin sa gusto nila. Sa ganoong paraan mas madali nilang maisasagawa ang kanilang mga future plans.

Hindi nakaligtas sa pag-oobserba ni Samantha ang pailalim na tinginan ng mga ito.

Huminto sa pagsubo si Samantha. Tumingin siya sa may babaeng nagplano ng kanyang kasal. Sa palagay niya ay hindi nalalayo ang edad nito sa mommy niya at kay Ginang Salvador.

Ilang beses niyang sinulyapan ito kaya naman hindi na marahil ito nakatiis.

"Yes Daureen? If you have something to tell me, just say it," nakangiting wika ni Ginang Syquia kay Samantha.

Lihim na napaismid si Samantha. Alam niyang umaarte lang ito dahil hindi nakaligtas sa mapag-obserbang dalaga ang palihim na irap na ginawa ng ginang.

"Ahm...ahem..." Tumikhim ng ilang beses si Samantha.

Naghintay naman sa sasabihin niya ang mga taong nakapalibot sa hapag-kainan.

"Ahm, Auntie, Uncle na-nasaan po ang fiancé ko? B-bakit hindi niyo po siya kasama? D-does he not like me?" Samantha make it sure that her voice is shaking and that she would look nervous in front of everyone.

Nagkatinginan ang mag-asawang Syquia.

Bahagyang kumunot ang mga noo nila, indikasyon na hindi nila nagustuhan ang tanong ni Samantha.

"Well, my cousin is a bit busy right now," ang mabilis na sumagot ay ang anak ng mag-asawang Syquia na mula ulo hanggang paa ay mukhang mamahalin dahil lahat ng suot nito sa katawan ay punong-puno ng mga diamonds.

"Dahil siya na ang bagong CEO ng Syquia Corporation, kailangan niyang i-manage hindi lang ang kompanya dito sa bansa kung hindi pati na rin 'yung nasa ibang bansa. Isang buwan na siyang nasa Spain dahil may malaking problemang kinakaharap ang kompanya doon. Sa susunod na buwan ay baka sa US naman siya bumisita," dagdag na sabi pa nito.

Napatitig si Samantha sa babaeng nagsalita. Sa palagay ng dalaga ay hindi nagkakalayo ang edad nila.

"Anyway, I'm Cynthia. Pasensiya ka na sa pinsan kong 'yun, cousin-in-law, medyo workaholic lang talaga siya. At isa pa, malaki ang expectations sa kanya ni lolo," nakangiting saad pa ng babaeng nagpakilalang Cynthia.

"Haaay!" Huminga ng maluwag si Samantha na para bang nawala ang nakabarang kung ano sa kanyang lalamunan. Pagkatapos ay sinabayan iyon ng pagtawa ng dalaga. "Akala ko ayaw niya sa akin, na napipilitan lang siya kaya hindi niyo siya kasama dito ngayon," sabi pa ni Samantha saka nahihiyang ngumiti sa pamilya Syquia.

Hindi mapigilan ni Cynthia ang pag-igkas ng kilay niya pataas dahil sa narinig. Hindi niya inaasahan na sa kabila ng inosenteng mukha ni Samantha ay may katalasang taglay pala ang dila nito. Pero kaagad na inayos ng dalaga ang kanyang facial expression. She smiled kindly and pat Samantha's shoulder. "Don't worry, my cousin is not a snob person,"

Gustong-gusto na ni Samantha na pagtaasan ito ng kilay. Kung talagang hindi snob at mabuting tao ang pinsan nito, bakit naman dito pa sila maghahanap sa San Leonardo ng mapapangasawa nito?

"Ahm...I j-just thought t-that he still loved his original fiancee," mahinang anas ni Samantha. Ayon kay Daureen, narinig niyang nag-uusap si Ginang Salvador at ang pinakamamahal nitong dalaga na may fiancee daw talaga ang lalaking mapapangasawa niya. Pero dahil nga daw sa notorious na ugali ng lalaki, pina-cancel ng babae at ng pamilya nito ang engagement.

"No, no, that's impossible. Arem will surely like you! Sa totoo nga niyan ay excited na rin sina tita Aria na makilala ka. Siya ang mother-in-law mo. Gustong-gusto niya sanang sumama kaya lang ay may sakit siya at kasalukuyang nakaratay lang sa higaan," mabilis na pagtanggi ni Cynthia.

Ikinaway niya pa sa ere ang dalawa niyang kamay para pabulaanan ang munting hinala ni Samantha.

Tahimik na isinubo ni Samantha ang lumpiang shanghai na nadampot niya. This woman is lying in a broad daylight! Pero sa halip na ibulalas iyon ay inayos ni Samantha ang emosyon niya.

"Okay, excited na ako na ma-meet sila," nakangiting anas ni Samantha. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis saka tiningnan naman ang parents niya. "Ahm, mama, pwede niyo po ba akong bigyan ng pocket money mamaya? Sa inyo na po 'yung dowry ko na fifteen million, pero wala kase akong pera kaya hihingi sana po ako ng kaunting budget. Nakakahiya naman po kung pupunta ako sa mga in-laws ko ng wala man lang po akong pasalubong sa kanila," malambing na anas ni Samantha sa kanyang ina.

Napatda si Ginang Salvador sa narinig. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ni Samantha.

"Fifteen million?" Nakakunot-noong tanong ni Ginoong Salvador.

Seryosong tiningnan nito ang asawa na biglang nagkulay suka ang mukha.

Ayon kay Daureen, palaging nagpa-plano si Ginang Salvador na hindi isinasangguni sa asawa. Kaya naman kapag nalalaman iyon ng ginoo, nagagalit at pinagbubuhatan nito ng kamay ang sariling asawa. Pinakaayaw daw sa lahat ng ginoo ay iyong bina-bypass ito ng sarili nitong asawa.

"Yes, daddy. Noong namanhikan po ang mga Syquia ay ibinigay na po nila ang dowry ko na fifteen million pesos. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo ni mama at kahit na kailan ay hindi ko po iyon mababayaran. Kaya naman po naisip ko na ibigay na lang po iyon sa inyong dalawa. Siguro naman hindi ako gugutumin ng asawa ko doon, diba?" Nakangiting wika ni Samantha habang namumula ang magkabilang mukha. "My in-laws are all kind people, naturally, I know that my husband is also kind even though we haven't meet each other yet," dagdag pa ng dalaga na ikinangiti ng mag-anak na Syquia na naroon.

Hindi nagsalita si Ginoong Salvador. Sa halip ay nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Ginang Salvador at sa anak nitong si Heiley.

"Baka nakalimutan sabihin ni mama sa'yo, dad. Sabi niya kase ilalagay niya muna sa bangko kaya huwag ko daw sabihin sa inyo, siya na raw ang bahalang magsabi. Since malapit na po ang Pasko, just treat it as a Christmas present," ani Samantha gamit ang inosenteng tinig.

She secretly looked at them wickedly.

Tingnan niya lang kung hindi mag-rambulan ang mag-asawang 'to dahil sa labinglimang milyong piso. Sabi ni Daureen, parehong mukhang pera ang dalawa. Ang babae ay lulong sa casino habang ang lalaki naman ay mahilig mag-inom at mambabae.

Hmp!

They make Daureen's life miserable na para bang may karapatan silang gawin iyon. Darating ang araw, makakarma din ang mga taong 'to.

Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian ay muling pinaalala ni Samantha ang tungkol sa pera. Muli siyang humingi ulit ng pocket money sa mag-asawang Salvador kaharap mismo ang mga Syquia.

At dahil ayaw mapahiya ni Ginoong Salvador na masyadong iniingatan ang reputasyon kahit na sirang-sira naman na 'yun, tiningnan nito ng may pagbabanta ang asawa. Walang naging choice si Ginang Salvador kung hindi ang mag-abot ng isang milyon sa pocket money ng dalaga. Nakahanda na ang card na ibinigay niya kay Samantha para sana sa anak na si Heiley.

Anyway, isang milyon lang naman iyon. Iisipin na lang ng ginang na komisyon iyon ng dalaga sa pagpapakasal na gagawin nito sa lalaking may hindi magandang reputasyon.

Dala ang isang maleta na punong-puno ng mga damit ni Daureen, sumakay si Samantha sa mamahaling sasakyan ng mga Syquia.

Kahit na kinakabahan ang dalaga dahil sa bagong mundo na kakaharapin niya, pilit na pinapakalma ni Samantha ang sarili.

It's okay.

It's going to be okay.

At least I know what to expect. Unlike in my past life, that jerk caught me off guard. In this life, I will surely use my brain to save my life. To be happy and be safe all the time. To live simply and with a purpose. At kung sakali mang bigyan ako ng pagkakataon ng kalangitan, sisiguraduhin kong pagsisisihan ng demonyong 'yun ang ginawa niya sa akin noon.



המשך קריאה

You'll Also Like

83.1K 2.1K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...
25.9K 780 54
MHEL CHAZEINTH DIZON an 27 years old and turning 28 on Wednesday in april 25 Mhel is just visited in Philippines to see how was going their company...
5.4K 146 52
To love to lose. To love to reign.
432K 11.6K 47
She entered the world of brutality to take revenge to those who killed her mother. But everything changed when she met this cute little guy. Will she...