ANG BIRDIE NI JASTINE

By MissMarshmello12

52.4K 629 35

⚠️ INTERSEX STORY⚠️ THIS CONTENT CONTAINS SCENES THAT MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG, CLOSE-MINDED, OR SENSITI... More

ANG BIRDIE NI JASTINE
VISIONS
UNO - BIRTHDAY PLAN
DOS - IT'S JACKS TIME
TRES - THE CELEBRANT
CUATRO - THE EYE MASK GIRL
CINCO - ENDEARMENT
CEIS - NON MATERIAL GIFT
CIETE - MY FIRST
OCHO - MY FIRST FIREWORKS
NUEVE - THE CHEERLEADER
DIEZ - KWIKI
ONZE - THE THRILL
TRECE - THE VISITOR
NOT AN UPDATE‼️

DOCE - THE FAMOUS MODEL

2.8K 56 1
By MissMarshmello12






~•~•~





Lakad takbo ang ginagawa ko makarating lang sa room. Marami na nga ang naagaw kong atensyon dahil  sa takbo ko na kala mo may hinahabol na magnanakaw.



Pero oras ang hinahabol ko. May esquisse kami baka 'di ako makaabot! Ilang minuto na rin akong late sa first major subject ko. Mali pala, ilang minuto na lang tapos na ang time ng sub ko ngayon dahil sa nangyaring kababalaghan kanina sa restroom.



Agh! Kasi naman itong birdie ko nagpadala sa tukso. Yan tuloy!



Tapos hanggang ngayon 'di na maalis sa katawan ko yung amoy ni Megan. Pa'no ba naman pinaulanan niya ako ng perfume niya dahil amoy aftersex yung amor ko. Grr! Mas lalo tuloy ako natagalan.



Gusto pa nga akong ihatid ni Megan pero tinanggihan ko. Bukod sa issue na naging third party siya, iniiwasan ko makita ng ibang estudyante yung pagdikit sa'kin ni Megan. As in, LITERAL. Dikit na dikit na kala mo ay linta sa katawan ko. Ayaw humiwalay. Kulang na lang ay magpakarga sa akin.  Buti na lang talaga may tumawag sa kaniya kanina kaya agad ako nakatakbo palayo sa kaniya. 



"You're an hour late, Morales."



Kaagad bungad sa'kin ni Miss Novales nang salabungin ako sa pintuan ng room. Ang magandang dalaga na propesora namin.



Hindi agad ako nakasagot dahil natuon agad ng mga mata ko ang kaniyang dibdib--I mean yung suot niya dahil nakaunbutton top dress niya kaya kita ko agad ang nagmamalaki niyang hinaharap.



Matagal naman na siya nagsusuot ng ganyan at sanay na kami. Pero fawk? Ngayon lang ako natigilan at nakaramdam ng namumuong init sa mukha at sa...



"You're enjoying the view, huh?" Nilagay niya ang kamay sa itaas ng kaniyang suot na nagpabalik ng tingin ko sa kaniyang mukha.



Ang blanko ng ekpresyon ng itsura niya, but her eyes...the deadliest cold stare in her eyes is evident.



Sa pagkakataong 'yon ay nahigit ko ang hininga ko at bumalik sa ulirat. Nataranta pa ko ng mapagtanto ko na nakikita niya nga pala ako. Shete! Nakakahiya! ano ba naman kasing mata 'to, pinapahamak ako.



"S-sorry po, Miss." Kumurap kurap ako at humawak sa sentido habang nagpapatay malisya sa walang'yang inasal ko kanina. 



Tumaas lang isa niyang kilay at mukhang naghihintay pa sa susunod kong sasabihin. Nakababa na rin ang kamay niya na nakaharang sa kaniyang dibdib kaya umiwas na ako ng tingin sa kaniya. Nakakakaba baka kasi chinachallenge niya ako kung titingnan ko ulit dibdib niya tapos sapukin na ako.



Shuta ano nga ba sasabihin ko? Sorry sa pagtitig ng cocomelon mo kasi nakabukas yang butones ng dress mo e, kasalanan mo rin Miss! Inaakit mo mata ko!



"Becoming unprofessional, are we?" Pagkara'ay rinig ko. "What on earth are you to show up at this hour, hmm?"



Hindi ko man siya makitaan ng galit sa mukha, damang dama ko naman ang tigre sa likod ng kaniyang boses. Gosh! I'm really doomed.



"N-nagkaroon lang po ng... emergency. Sa bahay. K-kaya po ako ngayon lang ako nakapasok." Pagiimbento kong dahilan at kulang na lang ay maihi ako sa suot kong pants dahil sa kaba. Grabe na ang pagiging makasalanan ko.



Bumalik ang tingin ko sa mukha ni Miss Novales, pansin ko nagbago ang reaksyon niya na mula sa blanko ay napalitan ng bigla. 



Shocks! Naniwala kaya siya na may emergency talaga na naganap sa'kin? Well, oo, partially totoo din naman sinabi ko. Hindi sa bahay pero sa restroom, emergency labasan nga lang. Pfft!



"What kind of emergency?" Pagkara'ay pukaw niya sa nagooverthink kong isipan.



Hindi pa ako nakakasagot ay sinundan niya agad 'yon ng salita.



"Was it a life and death situation emergency or you're just making an excuse?" She's eyeing me with meaningful gaze now, yung tingin na nagbabanta. Something that she want to figure the hell out if I'm telling the truth. And seriously, ngayon ko na lang ulit nakita ang ganitong awra niya, last time ay yung may nagsinungaling sa kaniyang estudyante tungkol sa grades complain... 



Once na magkamali ako ng sagot ay parang katapusan na. 



Hindi ko alam kung dapat ba ako magoverthink sa mga titig niya o nasobrahan lang ako sa oa.



Yumuko ako at tumitig sa sahig habang nilalaro ang mga daliri. Hindi ko kaya makipagtitigan sa tingin niya. At the same time, nakakahiya na rin dahil naririnig ng iba kong kaklase sa loob.



"Morales, this is the first time you've come late in my class."



"I-I'm sorry, Ma'am. I won't do it again."



"You know we'll having esquisse today. Therefore, it's not my responsibility to give you a retake exam after this." Sambit niya at kinuha ang folder sa teacher's table bago lumapit ulit sa'kin.



Taka akong nakatingin sa hawak niyang attendance at minarkahan ng letter A ang name ko.



"Up to you if you want to enter inside, you still have few remaining minutes to catch up with my class. That's your right as a student but you're recorded as absent to be fair with your  classmates who came earlier than you."



"Po?" Gulat kong sambit.



"Later a minute we'll start the esquisse. Even you take the esquisse, it won't be recorded as well." 'yun lang at sinarado niya na ang pintuan ng room nang makabalik siya sa loob. Ni hindi man lang hinayaan na buksan ang pinto para pumasok din ako. Halatang ayaw na ako papasukin sa loob e.



Pero Fawk?! Yes, first time ko lang malate sa kaniyang subject at lagi talaga ako unang pumapasok tapos siya ang madalas late sa'min kung ikukumpara siya sa'kin sa pagpasok. At wala siyang narinig na kahit anong reklamo sa'kin o sa amin. Di ko nga alam kung pinagbibigyan na lang ng mga kaklase ko dahil nga maganda siya. Totoo naman, nakakapanlinlang ang ganda niya yung tipong siya na ang may kasalanan pero ikaw pa ang magsosorry.



"Sana bumagsak ka sa evaluation, bwisit!" Frustrated akong huminga ng malalim at humawak sa sentido kasunod naman ang paglipat ng kamay ko sa bibig dahil sa gulat. Huli na bago ko napagtanto na pasigaw ko 'yon nasabi kaya bumukas ulit ang pintuan at muli siyang niluwa nito suot ang masamang tingin sa akin. 




"I've heard you."



"M-miss--"



"Do I seem unfair for what you've actually done? You're an hour late, and you simply give me a word emergency without any rationale of what exactly it is. I'm your professor, and I strictly dislike sugarcoating your actions. Face the consequences, Morales. We both know you deserve it."



Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon makasagot nang saraduhin niya ulit ako ng pintuan. Pabagsak pa sa mukha ko. Iyon na ata ang pinakamahaba niyang nasabi sa pagrarason. Wala rin naman akong makokomento dahil kuha ko rin naman ang punto niya. Pero it's a bit unfair to me. Tanggap ko pa kung maminus lang ako at late. Nadouble kill pa ako, absent na nga zero pa sa exam.



"Next week na ang finals mukhang madudumihan ng dos ngayong term ang grades ko."



Bagsak balikat akong pumunta sa pocket garden para magpawala ng stress sa ulo at sa katawan. Makapagpahinga na lang muna do'n habang hinihintay ang susunod na class. Habang naglalalakad ay di ko maiwasan yung mga what if thoughts ko kung di lang ako naiihi kanina ay di ko maeencounter si Megan na nakasunod pala sa'kin kanina. Hindi ko ineexpect na sa isang panandaliang saya ng birdie ko ay mauuwi naman sa pagkadismaya dahil sa esquisse. Nakakapanghinayang dahil isang linggo din ako nagreview tapos mapupunta sa wala. 



"Psst!"



"Miss sexy!"



"Jastine!"



Huminto ako sa paglalakad at busangot ang mukha kong nilingunan ang taong tumawag sa'kin. Lalo pang bumusangot ang itsura ko nang makita ko ang mukha ng unggoy na 'to.



Si Charles. Ang makulit kong manliligaw.



Ay hindi pala manliligaw dahil hindi naman ako pumapayag at never 'yon mangyayari. Tama na ang isang talong ayoko na dumalawa pa.



Sinimulan niya ako kulitin nang malaman niyang nagbreak kami ni Tom. After the day ng break up namin saka siya nagparamdam. Ang abanger ng unggoy na'to akala niya papatulan ko siya parehas lang din naman kaming may lawit at mas mahaba pa nga akin  kumpara sa kanila.



"Ano na naman?" Inis kong salubong at inikutan ito ng mata.



"Ngayon na nga lang ulit kita nakita, naiinis ka agad. Naiinis ka ba sa kagwapuhan ko ngayon?— aray!" Inda niya habang hawak ang isa niyang paa.



"Wag ngayon, Charles. Badtrip ako h'wag mo ng dagdagin inis ko ngayon." Usal ko matapos kong tapakan paa niya.



"Kung hindi ngayon, edi pwede mamaya?" Ngiting aso ang unggoy na'to.



"Hindi pwede ngayon, mamaya, bukas." pinanliitan ko siya ng tingin. " At ang bukas walang katapusan pero ang buhay mo meron. Kaya kung ayaw mong tumigil ikaw tatapusin ko." Inis kong sabi at malakas na tinapakan ang isa niya pang paa.



Marami ng napapalingon na estudyante sa'min dahil sa nalilikhang ingay ng unggoy na 'to. hawak hawak niya ang paa niya habang binabalense ang sarili makatayo. "Ang sadista mo talaga!" 



 Bago pa maisip ng iba na may lq kami nito ay iniwan ko na ang isang 'to. Tinatawag tawag niya pa ako pero di ko na siya nilingunan at kaagad na nagtungo sa pocket garden. Buti na lang ay tinapakan ko ang paa niya para di niya ako masundan.



"Hayyyyy! Heaven!" Pumikit ako ng mariiin at suminghap ng sariwang hangin nang makarating agad dito. 



Ang ganda talaga ng mga halaman dito. Hindi lang basta ang mga halaman pati ang kabuuan ng garden na'to, maaliwalas at nakakarelax sa pakiramdam. Yung tipong stress na stress ka sa buhay ay mapapawi kahit sandali ang stress mo pag nakarating ka rito. Ang lakas maka heaven ang lugar na 'to kaya ito ang paborito ko lagi tambayan pag nasstress ako sa acads ko.



"Hey."



Napapitlag ako sa kinatatayuan ko nang may magsalita sa likuran ko.



"Sorry." Paumahin niya.



Awang ang bibig ko nang lingunin ko ito ng mabilis. Parang tumigil sandali ang paghinga ko nang makita ang kabuuan niya. Akala ko ang mga bonggang halaman ang pinaka maganda dito sa pocket garden, di ko naman inaasahan na may mas maganda pa pala akong makikita rito.



"Hi?" Winagayway niya ang kamay niya sa harapan ko. "are you alright?" tanong niya pa.



Sino naman ang nilalang na'to?



"Y-yes." tumango ako na magkasunod. "A-ano nga ulit sabi mo? Sorry. Ahm... M-masyado lang ako nastarstruck sa'yo."



Natawa siya matapos ko  sabihin iyon. Bigla tuloy naginit ang buong mukha nang sandaling iyon. 



Tangina, ang ganda.



Damn! The art of heaven, who made this girl so gorgeous like an angel? Ang dami yatang nagkakalat na dyosa dito sa campus.



"T-totoong tao ka ba talaga?" Huli na bago ko matakpan ang bibig sa kyuryosidad ko. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon at hinimas. Damang dama ko lalo ang paginit ng mukha ko sa paghawak niya sa akin. 



"Mukha bang hindi?" Ngiti niyang sabi at binitawan ang kamay ko. Parang sanay na sanay na siya sa ganitong interaksyon. Takte sino ba naman kasi hindi mapapakwestyon sa ganitong klaseng tao. 



"S-sorry. Hindi lang kasi talaga makatao ang mukha mo." Naiiling kong sambit at inayos ang sarili.



"So does it mean, mukha akong hayop?"



Inangatan ko ito ng tingin nang ma misinterpret niya ang sinabi ko.



"H-hindi sa gano'n." Protesta ko agad. Hindi siya nagsalita at tahimik na inaabangan ang susunod kong sabihin kaya sinapian ako ng kaba. "Ibig kong sabihin... H-hayop sa ganda ang itsura mo." at nalusot ko pa talaga ang hayop.



Tumango tango siya at tiningnan ako na tila pinagiisipan ang mga sinabi ko. "Hayop ba talaga ang dapat icompare sa mukha ko?"



Napalunok ako, "Not literally na hayop. I— I mean...yung ganda mo pang rawr rawr." magkasalubong kilay niya akong tiningnan kaya di naman mapakali ang katawan ko kung anong sunod kong sasabihin. Bwisit bat kasi rawr rawr!



Jusko mukha na akong abnormal sa pinaggagawa ko. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa!



"Relax, Miss. I'm just kiddin." Natatawa niyang sabi na animo'y nagtagumpay sa pagtrip sa akin.  "Nandito ako dahil gusto ko lang magtanong kung saan ang main gymnasium? Kararating ko lang kasi dito at wala akong ideya na ganito pala kalawak ang school niyo. Sumasakit na rin ulo ko kakaikot kaya naisipan kong magtanong na lang at nakita kita." Pahayag niya.



Bakas nga sa itsura niya ang pagod. Pero hindi naman halata na pinagpapawisan siya. Nahalata ko lang dahil sa itsura niya na medyo frustrated pero 'di pa rin makakaikala ang ganda niya. 



"Ahm... Diretsuhin mo lang yung daan papasok sa hallway ng building na yan, tapos kumaliwa ka after mo lagpasan 'yon then diretso—"



"Wait." Putol niya sinabi ko. "I'm sorry, hindi ako gano'n makatanda ng direksyon."



"G-gusto mo bang samahan na lang kita?" Alok ko.



"Yeah? Kung okay lang sa'yo? Baka nakaabala pa ako sa oras mo."



"Wala naman akong klase. I mean meron akong klase ngayon pero minarkahan din naman akong absent. So...my free time to accompany you is yours." Kinagat ko ang ilalim ng pisngi at pinipigilan ngumiti.



Ewan ko, maimagine ko pa lang na makasama siya maglakad ay nakakatuwa na sa pakiramdam pano pa kaya kung pumayag siya.



"Sure. I'll treat you later as my payment."



Iling akong tahimik na ngumiti. Well, hindi naman ako tatanggi sa offer niya basta ay makita ko lang ulit siya later.



Naglakad na kami papuntang gymnasium. Habang tinatahak namin ang daan papunta do'n ay maraming mga estudyante ang napapatingin samin at nagbubulungan. Pero halata naman na ang katabi ko ang pinaguusapan nila at pinipiktyuran pa. Hindi naman na ako magtataka kung bakit dahil ako rin naman mismo na  unang makita ko siya ay talagang nakaka sindak ang ganda.



"Ang famous mo na agad sa mga ka schoolmate ko ah." Pasimple kong bulong habang naglalakad kami.



Ngumiti lang siya at umiling. "Not me. Baka ikaw?"



Ngumiwi ako nang masabi niya 'yon. Sa tagal ko ng nagaaral dito never pa nila ako ginanto no.



Nakarating na kami sa main gymnasium at do'n ko lamang napansin na maraming estudyante ang nasa loob at biglang nagsihiyawan nang makita kami ng mga 'to.



"Seriously? Anong event ba ang meron?" Natanong ko na lamang sa kaniya kahit 'di ko naman siya ka schoolmate. Ano bang alam niya sa takbo ng mga events dito sa school?



"Recognition and awarding para sa Ms. Intramurals ng school niyo." Sagot niya malapit sa tainga ko dahil ang ingay ng mga tao ngayon dito.



"Intramural?" 



Yeah, intramural pero selective department 'To at hindi buong magaaral sa school ay belong dito kaya may klase pa rin kami. "Pa'no... B-bakit mo alam?" tanong ko pero nginitian niya lang ako ng makahulugan at nilipat ang tingin sa stage kung saan may mga nakaupang judges do'n.



Sasagot na sana siya nang biglang may lumapit na staff sa kaniya.



"Miss Yael, kanina pa po kayo hinahanap do'n ng iba niyong co-judges. Magsstart na po ang introduction."



"I'll be there in a minute." Saad niya sa staff at kaagad 'yon umalis.



Naguguluhan kong tiningnan ang babaeng kaharap ko ngayon. Yael? Yael ang tinawag sa kaniya ng staff yon? Ilang beses ko na narinig ang pangalan na 'yon magmula kanina ah.



"Give me your phone." Saad niya. Wala sa sarili kong inabot ang phone habang iniisip ang mga nangyayari ngayon.



"Here, I'll text you kung saan tayo mag meet." Inabot niya sa'kin ang phone at akala ko do'n na magtatapos ang pagsasama namin nang bigla ako halos malagutan ng hininga nang maramdaman ko ang paglapat ng kaniyang labi sa pisngi ko. "See you later."



Dumagundong lalo ang ingay dito sa loob ng gymnasium na paniguradong nasaksihan ang nangyaring paghalik sa'kin. Iniwan niya ako ditong nakatayo rito at halos manigas na nga dahil sa kaniyang paghalik. Shete! Bakit parang wala lang sa kaniya ang mga ganitong senaryo? ayoko magassume pero siguro ay ganito lang talaga siya pero fawk sa harap pa talaga ng crowd.



Labis na ngiti ang nakaguhit sa kaniyang labi habang naglalakad siya palapit sa cojudges niya sa stage na kala mo ay normal lang lahat sa kaniya. Maski ang mga cojudges niya ay iisa  lang ang reaskyon na nakastick ang tingin sa kaniya. Yung tingin na parang pers taym lang nila makakita ng isang ganyang kagandang dilag. Hindi ko naman sila masisisi dahil ako mismo ay napakwestyon pa kung tao ba talaga yan.



Pero jusme! Ngayon lang nagsink sa akin na babae pala ang Yael na tinutukoy nilang sikat na model na naririnig ko kanina sa cubicle. Akala ko nga lalaki dahil sa pinagsasabi nilang makalaglag ang panty. Gosh! Can't believe na nasamahan ko siyang ihatid dito. And yet, makaka sama ko pa ulit mamaya.



What a great night ahead, Jastine.







~•~•~

tbc...

Continue Reading

You'll Also Like

258K 5.1K 41
#668 in Teen Fiction 12/29/18 Warnings: This is not a GxG story. This is written in Tagalog. les·bi·an /ˈlezbēən/ noun 1. A homos...
84K 2.1K 70
Unfortunately, i don't have enough time to edit the grammar lapses on this story. Read at your own risk. Enjoy! :)
335K 491 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
21.9K 407 48
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...