PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf...

By YroEno

5.6K 106 13

"Gising ako sa buong magdamag, Aurora. Kinatatakutan ko ang magiging reaksiyon mo sa pagkatuklas mo sa pagkat... More

Martha Cecilia - The Wolf & The Beauty
PROLOGUE
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen - Last Part

Chapter Eight

254 6 2
By YroEno


"HINDI tama ang ginawa mo!" singhal ni Lukas sa nakababatang pinsan. "Alam mo ang panganib ng magdala rito ng estranghero, Mikhail. Sinuway mo ako!"

"Kailangan niya ng tulong," sagot ni Mikhail. "Kung hindi ko siya tinulungan, malamang na patay o naghihingalo na siya ngayon dahil sa hypothermia. Sobrang baba ng temperatura kagabi. Alam mo iyon."

"Iyong hindi natin alam ay hindi makakaapekto sa atin."

"Kaso alam ko nga, Lukas. Nakita ko siya! I could sense her fear from a mile away! May tinatakasan siya."

"Hindi mo malalaman iyan kung hindi ka nagpalit-anyo bago mo siya sinilip sa teleskopyo." May akusasyon sa tinig niya. "You were out of the house before that!"

"I was trying to follow your instruction. Iyong kaya kong kontrolin ang sarili ko. I saw from afar the explosion of a vehicle. So if you're thinking of me joining a pack—"

"I know there is no pack, Mikhail," putol niya sa sinasabi nito. "Just one or two stray dogs. And you're not like them!"

"Oh, yeah," he said sarcastically. Pahablot na binuksan ang closet at kumuha roon ng T-shirt at nagbihis.

"Simula na ng pagbilog ng buwan mamayang gabi, paano kung magbago ka ng anyo?"

"Lukas, we're not werewolves, for crying out loud! Pero kung mapapanatag ka, there's the dungeon. Ikulong mo ako roon. O lumabas ako ng villa."

"I cannot allow that! Mapanganib para sa iyo kung laging ganoon ang gagawin mo."

Mikhail raised his hands. "Then help her. Ang hinihiling lang naman niya ay telepono. May mga humahabol sa kanya kagabi. Hindi mo ba nakikita ang hitsura niya?"

"Na-attract ka sa magandang mukha?"

"Oh, shit!" Mikhail muttered. "I was only trying to help. Ganoon lang." He zipped and buttoned his jeans.

"I still don't like this."

"You don't have to like it. Ibigay mo ang kung ano man ang hinihingi niyang tulong. Then send her away." Lumakad patungo sa pinto si Mikhail. "I need my breakfast. And so does our guest."


THE BREAKFAST room was designed like a gazebo. Ang salamin na mula ibaba hanggang itaas ay bukas sa bawat kanto. It had a glass roof, too. Gayunman, natitiyak niyang hindi makakapasok doon ang init ng araw dahil naka-canopy ang malalaking sanga at makakapal na dahon ng isang puno. How wonderful to wake up in a place like this!

Nag-angat siya ng paningin nang matanawan ang dalawang lalaking papasok sa breakfast room. Iyon ang pangatlo niyang tasa mula kanina sa labas. Wala pang limang minuto ang nakalipas nang tawagin siya ng isang housemaid at iginiya siya patungo roon. Nakahain na roon ang almusal. Subalit sadya niyang hinintay ang pagbaba ng dalawa.

Walang kibong hinila ni Luke ang upuan. Ganoon din si Mikhail na binati si Aurora. Nagsimulang magsalin ng kape sa tasa para sa dalawang lalaki ang kasambahay.

"Nakaligo at nakabihis ka na pala," nakangiting komento ni Mikhail. "You look refreshed."

"Thank you," aniya at sinulyapan si Luke mula sa ibabaw ng rim ng tasa niya. "Salamat din dito sa damit."

"Husto sa iyo na parang isinukat ang summer dress," komento ni Mikhail at hinagod siya ng humahangang tingin. Bahagya na siyang sinulyapan ni Luke na umabot ng pagkain sa serving plate.

"It's brand-new. Ako pa ang nag-alis ng tag. Thank you." Hindi na niya dinagdag na may mga disposable underwears din sa closet. Pawang mga selyado pa ang plastics at na ginamit niya ang isa sa mga iyon.

Gusto niyang itanong kung laging may inaasahang panauhin ang mga ito pero inawat niya ang sarili. That would be too assuming and familiar. Hindi siya invited guest sa bahay na iyon. Isa siyang estranghero. Trespasser kung tutuusin. Kahit ang lalaking nagngangalang Luke ay kanina pa ipinararamdam sa kanyang hindi siya welcome sa bahay na iyon.

Muli ay pumasok sa isip niya na namumukhaan niya ito. Malakas ang hinala niyang nagkita na sila nito. May alaalang sumisiksik sa isip niya subalit hindi siya nakatitiyak. It was too much of a coincidence to even contemplate that she'd met him again here.

Ilang segundo ang namagitan at ang bawat isa ay nagtuon ng pansin sa pagkaing nakahain sa mesa. Sliced na manggang hinog, pritong vigan longganisa na may sawsawang suka at sili, fish fillet, omelette, at sinangag. May nakahain ding marmalade, pancake, toasted bread, and butter, para sa hindi gustong mag-heavy breakfast.

Ang dalawang lalaki ay pinili ang kanin at ulam. Si Aurora ay pancake ang pinili.

Nakailang subo na si Luke nang tumikhim ito. "So, ano ang plano mo, Miss—"

"Aurora," ani Mikhail kay Lukas. "That's her name. And this is my cousin Lukas... Lukas Tliachev. He owns this place and everything that—"

"Sa paanong paraan ka namin matutulungan?" maagap uling tanong ni Lukas bago pa madugtungan ni Mikhail ang impormasyon sa kanya.

"Tliachev?"

"Our fathers were Romanian," pagliliwanag ni Mikhail. "Ang ina ni Lukas ay Pilipina."

Tumangu-tango siya. "W-where's the dog... or the wolf?" sa halip ay sagot ni Aurora, nakatingin kay Lukas.

Muntik nang masamid sa kape niya si Mikhail. Ibinaba nito ang tasa sa platito at nagpahid ng cloth napkin sa bibig. "Wolf? Did you say wolf?"

"Your cousin here said it's a wolf. I could believe him. It's too huge. Tinulungan ako ng lobo na makarating dito. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita.Hindi rin ako masagot ng... ng... kasambahay ninyo at ng matandang babae."

"Ang matandang babae ay si Manang Jacinta," sagot ni Mikhail, pilit itinatago ang amusement na nakaukol kay Lukas. "Isang malayong kamag-anak at para na ring pamilya. At the same time, isang retired nurse at herbalist. Si Sabel ay pamangkin ni Manang J."

Ang ekspresyon sa mukha ni Lukas ay walang pagbabago. Ipinakikita nitong hindi nito gusto ang paglitaw niya sa beach at ang pagtanggap sa kanya sa pamamahay nito.

"Gala ang lobong iyon. Nandiyan lang iyan. Uuwi rin iyon mamaya," Lukas said, hiniwa ng tinidor at kutsara ang longganisa at isinubo. He chewed his food and swallowed it. Kapagkuwa'y,

"Kung talagang lobo iyon, hindi ba nakakatakot na baka may makakita roon at saktan?" There was a worried tone in her voice. Nagkatinginan doon ang dalawang lalaki.

"The wolf can take care of himself," Lukas said flatly. "Chances are, sila ang matakot at tumakbo. Anyway, hindi mo sinasagot ang tanong ko. O mas mabuting simulan natin kung bakit kayo..." He paused, then, "magkasama ng alaga ko? Saan mo siya natagpuan?"

May ilang beses na lumunok si Aurora. The man was very intimidating. Kulang na lang ay kaladkarin siya palabas patungo sa main road. Gayunman, hindi niya gustong idamay ang mga taong ito sa suliranin niya. Thinking about the massacre at their store, Gregor and his goons were dangerous. Ang tanging nais lang niya ay makatawag sa kanila at makauwi bago pa malaman ni Gregor na narito pa rin siya sa Pagudpud.

"Ayokong madamay kayo sa gusot na kinasusuungan ko. Sapat nang malaman ninyong ang malaking lobo ang nakatagpo sa akin. Nagpapasalamat ako sa pag-akay ng alaga ninyo sa akin patungo rito. Ang kailangan ko lang ay ang makatawag sa amin sa Bulacan."

"Ano ang masasabi mo, cuz?" Siniko ni Mikhail ang pinsan nang manatili itong hindi kumikibo at inabala ang sarili sa pagkain.

Nagpunas ng bibig si Lukas mula sa cloth napkin, sinulyapan siya. "Very well. Gamitin mo ang telepono pagkatapos nating mag-almusal."

"Thank you," she murmured and sighed with relief.

Natapos ang pagkain na ang nagpapalitan lang ng usapan ay sina Mikhail at Aurora. Karaniwan na ay ang paghanga ni Aurora sa lugar nila.

"Ang gaganda ng mga tanim ninyong rosas! Nakapalibot yata ang mga bulaklak na iyan sa buong bahay..." komento niya, umaasang magsasalita si Lukas.

Si Mikhail pa rin ang sumagot. "Iyan ang paboritong bulaklak ng mama ni Lukas. From her name, Luna Rosa."

"Luna means moon. Rosa... rose..."

Inabot ni Lukas ang baso ng tubig at uminom at pagkatapos ay tumayo na. Sinulyapan nito si Mikhail. "Magmadali ka at baka nasa farm na ang mga tao." Itinuon nito ang paningin kay Aurora. "If you'll excuse us." Nagtuluy-tuloy na itong lumabas.

Mikhail smiled at Aurora at tumayo na rin. "Ang telepono ay nasa malapit sa puno ng hagdan."

She smiled back. "Thank you."


SHE LINGERED at the breakfast room while sipping her third cup of coffee. Tumayo siya at pinagkasya ang sarili sa pagtanaw sa magandang tanawing nakikita niya.

Sa labas ng breakfast room ay mga bulaklak pa rin ng rosas sa iba't ibang kulay. Ang purong breed na hindi gaanong malalaki ang bulaklak ay gumagapang patungo sa mga bintana ng kusina.

Sa dako pa roon ay ang asul na karagatan. Nanghihinayang siyang hanggang tanaw na lang ang magagawa niya.

May ilang sandali pa siya roon nang maalalang kailangan niyang tumawag sa kanila sa Bulacan. Sinundan niya ang dinaanan ng dalawang lalaki papasok sa sala.

Hinanap ng mga mata niya ang telepono. Tulad ng sinabi ni Mikhail ay naroon iyon sa isang telephone stand na yari sa bronze metal na malapit sa puno ng malaki at paikot na hagdan.

Nagmadali siyang tinungo iyon. Disenyong antigo ang telepono. She wondered if it was really antique or a repro.

Inangat niya ang receiver subalit inalis din agad sa tainga. Walang dial tone. Sa halip ay crackling sound ang naririnig niya. Ilang beses niyang diniinan ang plunger. She groaned in frustration. Sira ang landline. Sana ay cell phone na lang ang hiniram niya. Still, dadalawang number lang ang memoryado niya sa cell phone—hers and her sister's. Pero wala na ang cell phone niya. Kasamang nasunog ng van.

She looked around her. Umaasang makakita ng tao. Malaki ang buong bahay. Ang mga kasangkapan ay yaon lamang kinakailangan. Kung may bisekleta siya ay magagawa niyang magpaikut-ikot sa buong kabahayan.

Bumalik siya sa breakfast room. Nakita niya si Sabel na nagliligpit ng mga pinagkainan. Napansin marahil nito ang presensiya niya ay nag-angat ng paningin at nahihiyang ngumiti.

"Hi," bati niya. Subalit muling ibinalik ng kasambahay ang pansin sa pagliligpit. Bitbit ang ilang pinggan ay tumalikod ito upang dalhin sa kusina ang mga iyon.

Hinabol niya ito. "Hey!"

Subalit hindi siya nito pinansin at nawala na pagkapasok sa kusina. Her shoulders sagged in frustration. Muli siyang tumalikod upang bumalik sa kabahayan nang muntik na siyang mapasigaw. Nakatayo sa may entrada ng breakfast room at living room si Manang Jacinta.

"Pipi at bingi si Sabel. Hindi ka niya naririnig," wika nito sa pormal na tinig. The woman didn't even have a friendly bone in her body. Tulad ng amo nito, napaka-intimidating ng matandang babae.

"S-sira ang landline sa sala. Maaari ba akong makigamit ng cell phone ninyo?" nakikiusap ang tono niya.

"Wala akong cell phone. Hindi ko alam gamitin iyon."

She groaned inwardly. May hindi pa ba nakakaalam gumamit ng cell phone ngayon?

"Kapag umuulan ay karaniwan nang nasisira ang linya rito. Malakas ang ulan kagabi."

Of course. "Nasaan po sina Lukas at Mikhail?"

"Nasa farm. May meeting ang mga tauhan doon. Mamaya pang hapon ang balik nila."

Farm? Where the hell is farm? Muli siyang napaungol. Ano ang gagawin niya sa maghapon habang naghihintay sa dalawang lalaki? And by that time, gabi na siyang makakatawag sa bahay nila. At paano na siya kung talagang itataboy siya ni Lukas?

"May mga babasahin sa study. Maghanap ka ng mababasa roon. Doon ka magpalipas ng oras. Posibleng makapananghali ay narito na ang dalawa," anito sa mas mababang tono. Napansin marahil ang panggigipuspos niya. Tumalikod ito. Mabilis siyang sumunod. Isang pinto ang pinasok nito at sumunod siya. Iniwan siya nito roon.

Nahinto siya sa entrada ng silid. It was another huge room. May malaking office table na marahil ay siyang ginagamit ni Lukas bilang pinakaopisina. May desktop. She could send e-mail but Doreen wasn't into computers. Besides, kung sira ang linya ng telepono, malamang wala ring Internet. Pagpasok niya ay may nasagi siya sa gilid na kung hindi niya naagapan ay tutumba.

Napahugot siya ng hininga nang makita ang muntik na niyang matumba. Inukit na rebulto ng malaking aso sa maitim na kahoy. Malaki iyon, nakatayo sa dalawang paa at halos umabot na sa baywang niya. Kumislap ang mga mata niyon na tila buhay na buhay.

Pinagawan ba ni Lukas ng rebulto ang alaga nito? Isa iyong mahusay na gawa ng sining. Pero natakot siya sandali. She looked around her. Sa isang bahagi ng library ay isang mahabang sofa at coffee table. Doon siya nakakita ng mga magazines. Kumuha siya ng ilang piraso at pagkatapos ay lumabas. Wala siyang balak magpirmi sa loob ng library.

Lumabas siya at tinungo ang balkonahe na natanaw niya mula sa sala. Naka-partition doon ang isang malaking salaming pinto. Nakabukas na ang double panel glass door at lumabas siya. Isang duyang yari sa kahoy ang naroroon sa dulong bahagi ng malapad na balkonahe. Ang duyan ay yari sa hard wood. May mga throws doon na bulaklakin ang mga punda. They softened the rough look of the hard wood.

Naupo siya sa kabilang bahagi ng duyan at inilapag sa gitnang mesa ang ilang magazines. Gayunman, wala sa magazine ang atensiyon niya kundi sa buong paligid. Pagkalalaking mga puno ang nakikita niya. Mga punong sadyang itinanim doon ng kalikasan. Marahil ay matanda pa sa kanya. At isiping hindi pa man lang niya nakikita ang main entrance niyon.

Malamig ang hanging dumadapo sa balat niya. Pinuno niya ng hangin ang dibdib at kinuha ang isang magazine. Isa iyong magasing panlalaki tungkol sa mga sasakyan. She almost smiled. Natural na panlalaking babasahin ang naroroon dahil dalawang lalaki ang nakatira sa villa.

Mamaya pa'y sinalansan niya sa kabilang dulo ng duyan ang dalawang throw pillows at nahiga habang ipinagpatuloy ang pagbubuklat ng magazine. Nagsimula na siyang maghikab. Ang pagod niyang katawan at isip ay hinihila siyang pumikit. Nang bumagsak sa sahig ng duyan ang magazine ay hindi na niya iyon namalayan pa.


HINDI niya matiyak kung ano ang nagpagising sa kanya. It must be the soft howling of the wind; o ang ingay ng pagaspas ng mga dahon na hinihipan ng hangin. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Napahugot siya ng hininga nang mamulatan niya si Lukas na nakaupo sa kabilang bahagi ng duyan.

Napabangon siyang bigla. Her eyes wide as she stared at him. "G-gaano ka na katagal nariyan?"

He shrugged. "Fifteen... twenty minutes."

Nilinga niya ang paligid. Hindi na niya matanaw ang araw kahit sa may bandang dagat. "W-what time is it?"

"Alas-kuwatro."

"I've slept that long!" Hindi siya makapaniwalang halos anim na oras siyang nakatulog. At ni hindi niya namalayang nakatulog siyang talaga.

Isang anino ng ngiti ang nasa sulok ng mga labi nito at napahugot ng hininga si Aurora. Mula kaninang matagpuan siya nito sa dagat ay masungit na ito.

"You were tired. At masarap matulog dito sa duyan. Malamig dahil malakas ang hangin. And you missed lunch. Gusto sana kitang gisingin pero hinayaan na kitang makapagpahinga." At nang manatili siyang nakatitig dito ay dinugtungan nito ang sinabi. "Nilagyan mo ba ng ointment ang mga gasgas mo sa mukha?" he said softly.

Napakurap siya. Kauna-unahang mababang tono na pinakawalan nito sa kanya. For whatever reason, nag-init ang sulok ng mga mata niya. But she blinked her tears back. Silly of her. "S-salamat."

Tumayo mula sa duyang kahoy si Lukas at bahagyang umuga ang duyan. "Ipahahanda ko ang late lunch mo kay Sabel..."

"No... no. There's no need. Marami akong kinain kaninang umaga. What I need is... a cell phone. Yes! Maaari ba akong humiram ng cell phone?"

Natigil sa paghakbang si Lukas. "Ah, yes. Nabanggit ni Manang Jacinta na hindi ka nakatawag dahil sira ang linya. Sanhi iyon ng malakas na ulan at hangin kagabi." Dinukot nito sa pantalong maong ang cell phone at iniabot sa kanya. "Are you sure about lunch?"

Hindi agad nakasagot si Aurora. The man was tall. Kung hindi ito yuyuko nang bahagya ay mauumpog ito sa ceiling ng duyan. Maraming guwapong artistang lalaki siyang hinahangaan. At noong high school siya at sa mga unang taon sa kolehiyo ay sumasama siya sa mga classmate niya sa mga TV station upang mapanood ang mga hinahangaang artista. But she was never mesmerized. At walang makalapit man lang sa lalaking ito. Narrow hips, nice butt, and muscled thighs and legs. The man was a walking danger.

Umangat ang mga kilay ni Lukas sa pagkakatulala niya. "Hey."

She blinked. "Y-yes, thank you." Inabot niya ang cell phone mula rito. Si Lukas ay tuluyan nang pumasok sa kabahayan. Aurora groaned silently. She was nuts.

Then she dialed their landline. Nakadalawang subok siya ng pag-dial at saka pa lang nag-ring sa kabilang linya. Naka-anim na ring bago may sumagot. Si Doreen.

Continue Reading

You'll Also Like

99.9K 2.5K 27
Dahil sa isang major event na gaganapin sa Pilipinas, napilitang bumalik ng bansa si Clarenza. She was reluctant to do so, dahil busy siya sa pag-te...
9.7K 167 28
"I love you so much Gem. Peksman, magsnow man sa Pilipinas." It all started with the popular arranged marriage scheme. Ang nakapagtataka lang ay wala...
90.7K 1.6K 10
Mahalaga kay Anise ang Liberty Hotel account na malaki ang maitutulong sa career niya bilang architect. What she did not expect was that once she got...
11.2K 221 11
Tatanggapin mo pa ba ang isang ex na minsan nang nanakit sa iyo? CINDA BROKE MARYMAE'S HEART LAST CHRISTMAS. AT KAHIT NAMAN AMINADO SI MARYMAE NA HOP...