Childhood Sweetheart | STALKE...

Av riyazyn

2.6K 75 4

[COMPLETED] STALKER #1 "Are you really a stalker of mine?" "Um, y-yeah..." **** Date Started: April 2022 Date... Mer

Author's Note
WORK OF FICTION
SYNOPSIS
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
32
33
Special Chapter
Special Chapter 2
Epilogue

31

50 2 0
Av riyazyn

Chapter 31

Daren

I secretly sighed in relief matapos basahin ni Kaede ang text ni Athena sa kanya habang nasa kotse kami ngayon. That means walang nangyaring masama.

"See, I told you!" Napailing kong turan kay Kaede na nakatitig parin sa messages.

"Why is that? Pakiramdam ko may iba eh! Parang may kakaiba talaga." She said as she paced back and forth.

"Wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano. Puntahan na natin si Kaezryll." I grabbed my sister's hand and held it. Bumalik kaming resthouse. She sighed at umupo sa sofa.

Someone's PoV

"Wag kang mag-alala, balak ko namang sabihin kay Daren eh, yun nga lang pagkatapos ng dalawang araw. Alam mo kung bakit? Dahil gusto ko maghirap ka muna at hindi kita pakakainin hanggang sa hindi ka na makagalaw pa saka kita papatayin. Ganda ng plano ko no?" Hulakhak ako nang makita si Athena na umiling-iling at humihikbi.

"N-Nagmamakaawa ako s-sayo. Please pakawalan mo ako. B-Balak ko naman talagang bumalik ng Australia eh lalayo sa kanya. Kaya m-makukuha mo na siya." Mahina niyang turan.

"Hah! At siya ba ay sasama sa'kin? Hindi! Kaya kailangang mawala ka na para sasama siya sa'kin!" I forcefully grabbed her hair saka nginisihan. "Magiging akin siya, tandaan mo yan!" I walked out of the room at lumabas para magpahangin. "Peste! Ang lansa ng amoy! Pwe!"

Daren

It's been two days since Athena left and andito na kami sa Maynila. Si Kaede naman maya't mayang tumitingin sa cellphone niya.

"Bakit hindi pa rin nagtetext si Athena?"

"Ayan ka na naman." Sabi ng asawa niyang si Zares.

"Tawagan ko kaya." Ni-loud speaker niya ang kanyang cellphone kaya rinig naming hindi makontak si Athena. "Hays!"

Bumangon ako nang may nagdoor bell at binuksan ang gate. "Mom? Why are you here? I thought nasa company ka?"

"Let me in and let me talk to you." Nagulat ako sa pagiging seryoso ni mommy at dretso siyang pumasok sa loob. Oo nga't nagseseryoso minsan si mommy pero ngayon ko lang naramdamang sobrang seryoso siya.

"Mom, magandang tanghali. Nagtanghalian na po ba kayo? Hahandaan ko kayo." Nagmano si Kaede at Zares kay mommy pero hindi parin nagbago ang expression niya.

"No need. Let's all sit." Nakaupo kaming apat sa sofa habang kandong ni Zares si Kaezryll.

"Baby, play ka muna ng mga toys mo." Zares whispered to his daughter and Kaezryll obediently nods her head. Bago bumaba sa pagkakakandong sa papa niya.

"What is it, mom?"

"It's about Athena." Ani mom habang nakatingin sa'kin.

"May nangyari sa kanya?" Kaede gasped.

"That's not what I mean. Nitong mga nakaraang araw o linggoㅡhindi ko alam kung kailan inabot pero pinaimbestigahan ko siya." Pagkasabi ni mom nun, biglang kumalabog ang dibdib ko.

"Mom, you know you shouldn't do that!" Asik ko.

"I know but I have to! And I discovered something that will you regret your decisions!" Mas lalo akong na-curious.

Napalunok ako. "W-What do you mean?"

Mom sadly sighed. "According to my private investigator, she... she suffered from a tumour called glioblastoma three years ago. It's a malignant brain tumor and as the tumor grows in size, that makes the person will start having cognitive and memory disorders. That make sense kung bakit wala siyang MAALALA." May diin na sabi ni mommy habang nakatingin na naman sa'kin. "Kaya walang kwenta lahat ng mga hinanakit mo sa kanya where in fact mas naghirap pala siya kesa sa'yo."

Lahat kami ay gulat sa nalaman. Nakita ko pa si Kaede na naluha at umiyak ng sobrang lakas. "Oh my god, we didn't know that. I'm so sorry, Athena.."

"Mom, are you sure what you have investigated is accurate?" I said, so mom stared at me with disbelief.

"Really? Yan talaga ang sasabihin mo? Ano, ayaw mong maniwala dahil jan sa galit mong hindi mawala-wala? Kaya hindi nila sinasabi sayo ang totoo dahil yun ang payo ng mga magulang niya!" Hindi natinag ang titig sakin ni mommy. "Okay fine, puntahan mo siya kung gusto mong malaman ang katotohanan!" Dahil ayokong mag-conclude agad, I decided to go to Astheria.

Halos paliparin ko ang kotse ko sa bilis ng takbo at nang makarating sa condo ay agad akong sumakay ng elevator.

I knocked on Astheria's unit's door. "Ano ang atin, Engineer?"

"Can I talk to you? Hindi ka ba busy?" I almost sounded desperate.

"Come in. You want anything?"

"I'm here to confirm something. Is it true that Athena suffered from a brain t-tumour?" Pumiyok pa ako pagkasabi nun. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko kung sakali mang totoo yun.

"Alam mo na?" Mas lalo akong nagulat dahil sa sagot ni Astheria.

"What do you mean, alam ko na? So, totoo nga? Totoong nagkaroon siya ng glioblastoma at hindi niyo man lang sinabi sa akin?" Suddenly I burst out into tears. I don't know what to feel. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

"I know may karapatan kang malaman ang lahat pero masyadong confidential ang pangyayari. Hanggang ngayon hindi pa tuluyang naka-recover ang katawan niya mula sa operasyon kaya may iniinom siyang mga gamot at vitamins na inireseta ng doctor niya."

"To tell you the truth, mula pa ng mga bata kami may brain tumor na siya. Nagbakasyon sila kasama ni daddy rito sa Pilipinas noon at nang malaman naming may ganung sakit siya, agad siyang dinala sa labas ng bansa para ipagamot at nagtagumpay naman. Ngunit wala siyang maalala, kami lang ang pamilya niya ang naalala niya. Sinabi rin ng doctor na may chance na babalika ng tumor niya at iyon na three years ago."

"Kailan niyo nalaman na bumalik?"

"Noong kasal ng kapatid mong si Kaede, nung nahimatay siya. Sinabi ng doctor na may glioblastoma siya at kailangang maoperahan ASAP kaya hindi na kami nag-aksaya ng oras. Sinabihan namin ang doctor nun na hindi ipagsabi. Ayaw din ni Athena na masaktan ka kapag nalaman mo kaya nakipaghiwalay siya sa'yo. Grabe ngang iyak niya noon sa eroplano kasi hindi niya gustong iwan ka."

"But I thought, nagkabalikan sila nung ex niyang si Jamie? Liane told me na may nangyari sa kanila at niloloko na ako ni Athena." Sabi ko.

Naging madilim ang mukha ni Astheria pagkarinig. "Liane? She... what? Walang nangyaring ganoon! Tanginang babaeng yan napakasinungaling! Sasabunutan at sasapakin ko talaga yun! At ikaw naman nagpapaniwala! Hah! Umpisa pa lang ayoko na talaga sa babaeng yun eh! Napakasama ng ugali!" Nanggigigil si Astheriang tumayo. "So yun pala ang sinasabi niya sa'yo? Daren, alam mong hindi ganung klase na babae ang kakambal ko!"

Ibig sabihin, hindi ako niya ako nilolo. Ibig sabihin hindi sila nagkabalikan. Ibig sabihin tama lahat ng sinabi niya sa'kin. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko! Fvck!

"Pero sana sinabi niyo pa rin sa'kin! Yung mga nagawa ko... yung mga nagawa ko sa kanya..." Napahikbi ako habang bumabalik lahat sa akin ang mga ginawa ko sa kanya.

"Yun ang desisyon ng doctor. And actually, galit ako sa'yo, sa lahat ng pinanggagawa mo sa kapatid ko pero hindi rin kita masisisi dahil hindi mo naman alam ang katotohanan." Tumayo si Astheria at may kinuha sa drawer niya. "Here." Inabot niya sa akin ang isang flash drive. "Nandyan. Nandyan lahat ng mga video simula nung hindi pa siya naooperahan hanggang sa natapos. Panoorin mo, tutal nalaman mo na rin."

Nanginginig ang kamay kong inabot ang flash drive. "S-Salamat..."

***

I'm crying as fvck kahit umpisa pa lang ng video ni Athena na pinanood ko ngayon.

"Hi babe, it's been whatㅡit's been two weeks since I left you. Two weeks na pala kaya pala sobrang miss na kita. Sorry ha kasi hindi ko masabi sa'yo ang kondisyon ko. Kumusta ka jan? Panget na ako no? Kalbo na ako eh hehe. Hindi pa naman nalalagas ang buhok ko pero kailangan kong magpakalbo. Pasensya ka na kung panget na ako."

Sinisinok na ako ngayon habang pinagmamasdan ang maputla niyang mukha sa tv ko. Kalbo na rin siya at nakabonnet pero maganda parin.

"Magiging selfish ba ako kung hihilingin kong wag kang maghanap ng iba at hintayin ako? Hahaha! Ayoko namang ikulong ka sa'kin. Kung makahanap ka man ng iba, hihilingin ko na sana masaya ka sa kanya. Susuportahan kita kung saan ka masaya. I love you!"

"Yiieee!" Rinig kong tukso ni Astheria sa background.

Kahit naluluha ako, natawa ako dahil nahiya siya bigla. Ang cute! Don't worry, kahit nagalit ako sa'yo, hindi ako naghanap ng iba.

"AAHHHHHH! I CAN'TㅡI CAN'T TAKE THIS ANYMORE! PLEASE! PLEASE TAKE THE PAIN AWAY! A-AHHHHH!"

Mas napahikbi ako sa sumunod na video. Athena's crying habang sapo ang ulo niya at nagwawala na. Fvck! Sa aming dalawa siya pala itong naghihirap sa ilang taon. I feel so useless. Sana, sana andyan ako para damayan siya.

"Mommy, hindi ko na kaya!" Mahina niyang usal habang yakap siya ng mama niya na nakatalikod sa camera.

Umiling-iling ang mama niya sa video. "Kaya mo'to anak, kakayanin natin to. Malapit ka ng maoperahan. We'll pray for you."

Pinahid ko ang luha ko at nag-aabang sa kasunod na video.

2 days later

"Mom! Dad! Sis!" Naging masayahin na ang mukha niya kumpara sa naunang video. I guess, naoperahan na siya nito.

"Hey, princess, how are you feeling?" Nilapitan siya ng Daddy niya na nakatagilid sa camera.

"Better. Wait, na-coma ba ako ng ilang taon?" Aniya kaya nagkatinginan ang pamilya niya. Why are they confuse?

"What do you mean, sis?"

"Dalagang-dalaga na kasi tayo. Sa pagkakatanda ko, bata pa lang tayo ng ma-diagnose ako diba? Tapos ngayon pagising ko, dalagang-dalaga na tayo."

They stopped as if they processing something.

"Doc, what is happening?" Pagtanong ng Daddy niya sa doctor.

"She has amnesia, yes. But she remembers only the past. I mean, people who have been diagnosed with brain tumors, 4% like your daughter's case. Kung na-operahan sila nung mga bata pa sila at naging successful ay maaaring makalimutan nila ang mga pangyayari before they got operated. At kung maoperahan ulit nang adult na sila, ang maalala nila ay ang past kung kailan siya naoperahan noong bata pa sila. Like your daughter now. Ang huli niyang naalala ay ang pagka-diagnose niya noong bata pa siya. Hindi niya naalala nung nagising siya noon galing operation hanggang ngayon na mga pangyayari." Mahabang paliwanag ng Doctor.

May amnesia nga siya...
At ibig sabihin ng sinabi ng doctor, childhood memories lang ang naalala niya.

"Amber! Come here! Ang ganda mo ah!"

"Kambal tayo eh." I noticed she started to look around her room. "What is it? Are you looking for something?"

"Not something, someone! Hays, hindi niya ba ako bibisitahin? Curious pa naman ako sa itsura niya ngayon! I'm sure, sobrang gwapo na niya." What? Sino ba ang hinahanap niya? My heart suddenly skipped a beat.

"Sis, sino bang hinahanap mo?"

"Hey, you forgot him already? Si Reno, yung friend ko sa Philippines! Tss! He even promised to marry me when we are adults. Ngayong adult na kami, asan siya? Nakakatampo ah!" Nabitawan ko ang remote control dahil sa narinig. W-What... I don't know what to feel right now. Grabeng kabog ng dibdib ko at pinagpawisan ako bigla. Natulala nalang ako at pilit na pina-process ang narinig ko.

"Um... I'm sorry, sis but he's not coming."

"What? Why?"

"Hindi na siya nagpapakita simula noong na-diagnose ka." Rinig kong boses ni Astheria.

Kita ko ang disappointment sa mukha niya. "Tsk! Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo! Bahala siya! Hindi kami bati!"

"Yeah, hindi lang siya ang lalaki sa mundo."

"But he's my first crush, though..." Humiga siya sa kama niya at agad ding bumangon. "I'm hungry."

Thena!

Agad akong tumayo at pinatay ang tv. God, I need to see her now!

I grabbed my car keys saka lumabas sa unit ko.

Until now, my hands are shaking while looking for her number in my contacts. I dialed her number pero hindi pa rin iyon makontak. Shit! Where are you, Athena? Thena... Athena... Bakit hindi ko man lang nakilala sa pangalan?

Now I'm excited to see her. I want to talk to her para humingi ng tawad at bumawi sa kanya. Alam kong marami akong kasalanan at nagawang mali sa kanya kaya gusto kong bumawi. Even if it takes time para bumawi, gagawin ko parin ang lahat.

I dialed again her number pero this time, nag ring na siya pero hindi niya sinagot. Fvck? Is she mad at me? Of course, she is mad, dammit!

Napabuntong-hininga ako sa isiping hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Naalala ko bigla ang text niya kay Kaede. Umalis nga pala siya para puntahan si Pomela.

Dali kong hinanap ang number ni Paolo at agad tinawagan.

["Oh, engineer, napatawag ka?"] Bungad ni Paolo.


"Um, alam mo ba kung nasaan si Athena? Andyan ba siya?"


["Ha? Wala siya rito. Bakit naman siya pupunta rito sa Singapore?"] Oo, nasa Singapore sila. Na-diagnose kasi si Pomela sa isang sakit. Pero sabi ni Paolo noong isang linggo lang maayos naman daw si Pomela.


"Ganun ba? Sige, salamat tol." I ended the call. Where the hell are you, Athena? Hindi kaya tama si Kaede?


Tatawagan ko sana si Kaede nang may nagtext sakin. It's Liane and she's sending me a picture.


Pero natulos ako sa kinauupuan ko nang makita ang si-nend niyang picture. It was Athena, nakagapos sa isang upuan at nakayuko ang ulo. Ang damit na suot niya ay yun pa yung andun pa siya sa Palawan at pinuntahan siya ni Liane dun.


From: Liane
Kung gusto mo pa siyang makitang buhay, pumunta ka sa lokasyong ito. Wag na wag mong isusumbong kahit kaninoㅡsa mga pulis kundi papatayin ko tong babaeng 'to! Naiintindihan mo?

Umigting ang panga ko sa nabasa. Tinawagan ko si Liane na sinagot naman niya agad. "What the hell, Liane?" Sigaw ko agad.


["Hello din, Love."]


"Pakawalan mo si Athena! Ano bang ginagawa mo?"


["Punta ka muna dito. Kapag hindi ka pa nakarating rito within 5 minutes, wag ka ng umasa pa na makikita siyang buhay. HURRY!"]

Napaigtad pa ako sa sigaw niya saka humalakhak na parang baliw. Pinatay niya rin ang tawag. "Fvck!" Pinaandar ko ang kotse at pinaharurot paalis. Wait for me, babe. Hindi ka pwedeng mawala. Babawi pa ako sa'yo eh!

Athena

Ramdam ko sa sarili kong wala na akong lakas. Sa loob ng dalawang araw, isang beses lang ako pinakain ni Liane kaya sobrang hina ng katawan ko. Kanina pa din tunog na tunog ang tyan ko dahil sa gutom.


"Liane..." I called her weakly. "P-Please..." Kahit dalawang araw nang nakalipas, naniniwala parin akong magbabago ang isip niya at pakawalan ako.


"Please, what? Kapag ako napuno, I swear, mapapasabog ko yang bungo mo! Henry! Takpan mo nga ng tela ang bibig niyang maingay na yan!"


Hindi na ako nakapalag pa nang busalan ang bibig ko kaya napasandal ako sa upuan. Sobrang hina ng katawan ko parang anytime, mahihimatay o di kaya'y mamamatay ako.


Mamamatay...


Natawa ako ng mapakla. Dito na siguro nagtatapos ang buhay ko.


Natigilan ako nang may marinig na ugong ng sasakyan. "He's here. Perfect!" Nilapitan ako ni Liane at sinampal sakin ang baril na hawak niya.


Napaubo ako at naramdaman ko ang likido sa bibig ko pero hindi ako makadura dahil nakabusal ang bibig ko.


Nakayuko lang ako. "Daren, love, you're here na!" Natutop ang sarili ko nang marinig ang pangalang yun. Kahit nanghihina ay pinilit kong itaas ang ulo ko upang masulyapan kung sino ang bagong dating. Siya nga...

We're staring at each other. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Pagsisisi. Galit. Lungkot. Longing. Why is he here? Pinapunta ba siya ni Liane dito?


Niyuko ko ang ulo ko. "Sasama na ako sa'yo, pakawalan mo na siya." Ngunit mas hindi ako naging handa sa sasabihin niya. Nabigla ako kaya napaangat ulit ako ng tingin and I saw him clenching his fist and still staring at me as if saying everything's gonna be okay.


Kaya ngumiti ako at bahagyang tumango.




To be continued...

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

2.2K 247 45
HIRING A MAID BUT ENDED UP LOVING EACH OTHER HOPE U LIKE MY STORY:<♡
110K 3.2K 24
Claude who was sent to the U.S. by her mom and step dad to study for 7 years suddenly sent a 'SISTER' to him and let him take care of her for long as...
16.2K 436 50
ok guys di ko alam kong paano magsisimula hytss kase first time ko pong gumawa ng story!! d ko alam kong tama ba yung ginagawa ko!!! ahh basta ita-tr...