If we fall in-luv

Da SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis Altro

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 30

262 1 0
Da SirIncredible

Happy Holidays...









Sa kabila ng sunud-sunod na problema, trahedya at kalamidad na nangyari sa buong bansa, hindi pa rin matitinag ang maayos at masayang selebrasyon ng Kapanganakan ni Hesukristo at pagpapalit ng Bagong Taon.

Bakas sa mga kabahayan ang maiingay at nagkikintabang dekorasyon, mga belen sa kalye, mga nagsisiksikang mamimili sa Divisoria at Baclaran, mga laruang pambata, mga pakulong umiilaw na gumuguhit sa hangin, mga nangangaroling, sandamakmak na taong nagsisipag-Simbang Gabi, nagluluto ng puto bumbong at bibingka, namamasyal sa mga parke at beaches, nagsisipagparada ng mga pelikula sa Metro Manila Film Festivals, samu't saring sale sa mga hotel at mall, malalakas na tugtog, mga paputok and so on... Pawang nagkaroon din ng breaktime sa balita ukol sa nakalalasong gatas na pambata dahil sa puro pambakasyon na headlines at matatag na mga checkpoints sa mga delikadong lugar. Ilang oras bago mag-Noche Buena, itinuloy ng buong staff sa Broadsheet Area ang kanilang short party at exchange gifts habang nagpapatugtog ng pang-sayaw.

MALIGAYANG PASKO!!!

"Ano Sis? Buksan mo na yang gift mo!", wika ni Rhyna kay Rubie na excited ang pagsira sa balot ng nakuhang regalo. Bitbit ni Rhyna ang dalawang pabangong duo: isang panlalaki at isang pambabae galing sa ibinigay sa kanya ng staff na nakabunot sa kanya

Dahan-dahang ipapakita ni Rubie ang nabuksang regalo, "Tsaran!"

PICTURE FRAME

"Wow! Sis... at least may bago ka nang ipapalit sa ninakaw sa'yo ni Cesar! Good for you Sister...", masayang banggit ni Rhyna kay Rubie. Titingin siya sa katabing si Janice, "Eh, ikaw Sis?"

"Buksan mo na rin yan!", sambit ni Rubie na nakatitig sa regalong hawak ni Janice

"Eh... Eto?", tanong ni Janice na itataas ang hawak na kahon

"Hinde... hinde... yung butones ng dress mo, Sis! Ang init dito eh!", dagdag ni Rubie

"Ah... eto naman, nagpapatawa lagi!", nakangiting sabi ni Janice kay Rubie, "Headset daw ito na 'Beats' sabi ni Wendell... binili niya para raw isuksok ko sa cellphone ko kapag maiiwan ko ulit sa desk ko at nang hindi siya maistorbo kapag nag-ring!"

"Ah... ano ba yan! Hindi na surprise! Nilagyan niya pa ng wrapper edi sana isinuot na niya agad sa tainga mo nuh nang magamit na!", sumasayaw na sambit ni Rubie

"Huy... hayaan mo na!", mula kay Janice at tila may hinahanap sa buong opisina, "Eh, nasaan si Mya?"

"Ay! ang bruha?", tanong ni Rhyna

"Huy... ano ka ba!", banggit ni Janice

"Si Mya Ganda-gandahan... ayun! Pinabunot ko kaso hindi naman kumuha! Wala raw kasi silang Pasko kasi Taoist daw siya! So, yung nakabunot sa kanya eh pinabunot ko na lang ulit ng isa pa! Ayun! Ako tuloy nakuha ng lolo mo!", sambit ni Rubie

"Oh! Kaya pala ang ligalig mo ngayon teh!", wika ni Rhyna na pupuntahan ng Manager

"Janice!", bungad ni Manager na may hawak na pillow, "Salamat dito sa gift mo ah! Tamang tama... magagamit ko ito sa honeymoon namin! Merry Christmas! Kumain tayo!", yaya sa kanila at pupunta sa mahabang handaan

Pagkaalis ng Manager ay tititig si Rubie sa boss at bubulong ng palaway, "Ang Sarap..."

"Huy!", sampal ni Rhyna kay Rubie, "Masarap ka diyan! Lokang 'to!"

"Ang sarap nung mga foods sa mesa! Ano ka ba! Kahit kailan, basag trip ka rin nuh!", inis na sambit ni Rubie

"Oo nga...", pilit na ngiting banggit ni Janice

"Speaking of masarap... Masarap din palang kakuwentuhan yung nakilala ko sa bar mga Sis...", sambit ni Rubie

"Oh... Talaga? Paano?", tanong ni Rhyna

"Basta, lagi siyang nagjojoke! Tapos mabango ang kotse... kasing bango ng pawis na kumakalat sa katawan niya... tapos pumunta kaming Shangri-La, at sa Chinese fastfood! Ayun! puro kami tawanan at kuwentuhan ng mga bagay-bagay na walang kabuluhan...", sambit ni Rubie habang si Janice ay malayo ang tingin at inaalala ang kanilang paglabas-labas ni Julius, "... mabuti na lang at marami akong baong English sa wallet ko kung hindi, puro nose bleed ako sa French accent ng pag-i-English nun! Ayun! willing naman siyang mag-tagalog... ang dami ngang pinagtatanong sa akin pati yung ibig sabihin daw ng 'Kulangot'!"

Mananatiling O.P. sa usapan si Janice.

"Oh, Talaga? Ako rin mga Sis eh!", wika ni Rhyna, "Masarap na kasama si Vince lalo na kapag inaalalayan ako nun mag-shopping sa Hypermarket!"

Si Janice ay malayo pa rin ang tingin at inaalala ang kanilang lovely moments ni Julius

"Kung minsan nga kapag naubusan ako ng pera para sa mga napabili ko, siya mismo ang nagvo-volunteer magbayad tapos bubuhatin niya papunta sa sasakyan niya...", patuloy ni Rhyna, "Tapos kapag inabot kami ng gutom sa biyahe... minsan dadaan kami ng burger house! o sa bread store! sa 7-Eleven o minsan sa Starbucks! Magkakape saglit tapos maghahawak-kamay na magki-kiss kapag walang nakapansing tao!"

Mananatiling O.P. sa usapan si Janice.

"Uh... ang sasarap naman pala ng mga Pasko natin eh!", sambit ni Rubie na ibabaling ang tingin kay Janice na unti-unting nagiging malungkot, "Ikaw Sis... ano bang nagpapasarap ng pakiramdam mo?"

"Si... Ju... lius...", dahan-dahang sagot ni Janice at matatahimik ang dalawa pang kaibigan. Nakatulalang iiyak si Janice, "Si... Ju... lius..."

"Sis...", maamong wika ni Rhyna at hahawakan ang braso ni Janice

Luluha rin si Rubie at magsasalita, "Ano ba 'yan! Paskung-pasko eh nagpapakalungkot tayo rito... Tama na nga muna ang usapan sa mga lalaking 'yan!", papahirin ang luha at ang mukha ng kaibigang si Janice

"Ay... naku! Tara! May naisip ako...", yaya ni Rhyna at aalis ang tatlo sa naturang opisina.

Malapit sa kanilang BROADCASTING COMPANY ang open area na ginawan ng Christmas Special na show ng isang noontime variety sa telebisyon. Isang oras ang nakalipas mula nang nagsimula ang show, sumadyang makisiksik sila Janice at mga kaibigan sa harapan upang makita ng malapitan ang mga artista. Binigyan sila ng mga 'Number Cards' para mag-score. Pagkatapos mag-perform ng ikatlong contestant, lalabas mula sa Dressing Room ang tatlong male hosts na may hawak na wireless mic; Magtatanong sa mga audience.

"Oh... Score mo! Show... mo!", banggit ni Juggie at Ted

"Ayan... Masayang masaya naman siguro ang buong madlang people...", ani Vice

Mapapansin nina Juggie si Janice sa harapan at pupuntahan. "Eto, eto Vice! Magandang Chick!"

"Oo nga Vice! I'm sure love na love din ito nila Kuys Jhong!', sabi ni Ted

"Ah... kapag maganda, siya! Kapag pangit, ako! Eh dapat hindi niyo na lang ako pinag-host dito! Direk Bobet oh!", nagsumbong na sambit ni Vice na susunod kina Juggie at Ted. Babawi naman siya ng ngiti sa dalaga, "Hindi... joke lang!"

Ibababa ni Janice ang score na '10' at lalapitan ni Vice. Nasa gilid naman ni Rhyna si Juggie na nagpapa-groufie groufie at si Rubie ay kayakap ni Ted na kamakaway sa nakatapat na kamera. "Ano pong name nila?", tanong ni Vice sa dalaga

"Janice po... Janice!", sagot niyang mayumi

"Ah... Well Janice, Nasaan ang mga anak mo? Ang mga tiyanak?!", ani Vice

"Hindi... iba yun!", sambit ni Juggie

"Ay! Hindi ba ikaw yun?", turo sa mukha ni Janice, "Pero sigurado ka bang wala kang pinapapunta sa Condo mo???"

Babatukan ng slight ni Ted si Vice sa nakaayos na buhok at magsasalita, "Hindi siya yun! Deniece yun! Deniece"

Gaganti ng hampas si Vice,"Eh bakit ba? Pinapatawa ko lang yung kinakabahang babae oh! Tapos manggugulo pa ito ng buhok... Pasalamat ka Pasko ngayon kailangan good aura lang... masaya lang... 'di ba Alice???"

"Hindi... Janice! Janice nga eh!", sambit ni Juggie na katabi ang mga natatawang sina Rhyna at Rubie. Sumasabay din sa ibang nanonood ng kaunti sa pagngiti si Janice.

"Vice... Sumesenyas si Kuya Mel sa dulo, overtime na raw!", sabi ni Ted

"Oh, eto na nga eh! Eto na... Kayo kasing dalawa (Juggie at Ted) ang gugulo niyo!", dagdag ni Vice, "Eto na!!! Juggie Go!"

"Well Janice, bakit ten ang binigay mong score sa pagsirko ni Kuya...", sambit ni Juggie

"Julius! Kuya Julius na ang taray... alyas 'Volkswagen'! Yung totoo, Car napper kayo 'tay sa umaga nuh?!", tanong ni Vice sa nakatayong contestant sa stage.

"Ju... lius...", pabulong na banggit ni Janice at unti-unting iiyak. Magpapatugtog ng malungkot ang DJ at yayakapin ito ng husto ng artista.

"Janice... I'm sorry, may pinagdaraanan ka ba ngayon?", malungkot na banggit ni Vice

"Masyado lang po kasing masakit... Hu! Hu! Hu!", umiiyak na sabi ni Janice. Bubulong si Rhyna kay Juggie na ipapasa ni Juggie sa maruming tainga ni Vice at magpapaliwanag

"Uh... Masakit po talaga yung pag-split na ginawa ni tatay sa upuan kanina pero, parang alam ko ang gustong sabihin ng babaeng ito...", malungkot na banggit ni Vice na hahayaang lumuha si Janice sa kanyang dibdib

"Alam mo... ang buhay natin, hindi pwedeng puro saya, hindi pwedeng puro lungkot. Darating at darating sa punto na mapagdaraanan natin ang iba't ibang pagsubok. At sa pagsubok na ito dito tayo lalo pang nagiging matatag... matapang! at wagi!", banggit ni Vice na titingin sa kamera, "Dapat isipin natin na bawal sumuko sa mga pagsubok na ito dahil ang sumusuko... ay laging natatalo... at ang nagwawagi... ay yung taong hindi sumusuko!"

"Ano daw?!?", tanong nina Juggie, Ted, Rhyna at Rubie

"Binaligtad ko lang para lalo pa tayong mag-overtime!", banggit ni Vice na titingin kay Kuya Mel, "Hindi... Pasko eh! Dapat let's give love to everyone... anybody na nanakit man sa atin o nagpasaya... love lang dapat 'di ba?!", may palakpakan

"Dahil diyan...", sambit ni Juggie , GROUP HUG! GROUP HUG! GROUP HUG!

"O... Okay na Janice?", tanong ni Vice sa ngumingiting dalaga at sesenyas na okay na, "Tignan mo ang balahurang ito, binasa pa ang damit ko! Diyos ko!", magtatawanan ang lahat at bibigyan ni Vice si Janice ng Starmobile phone para lalo pa itong sumaya. Babalik sa main program ang iba pang mga hosts at hihintayin itong matapos ng mga journalist bago umuwi.









Ang mga Editors lamang ng Broadsheet Area ang pinapasok sa huling pitong araw ng taon. Ang ilang mga writers at news correspondents ay pwede nang magbakasyon basta't nakakapag-pasa sila ng articles sa e-mail ng company. Ang mga nasa News Room ay patuloy din sa pagbibigay impormasyon at balita partikular na ang malimit na paalalang 'Huwag Magpaputok'. Habang nagpapatuloy sa Summary Report si Janice sa kanilang bahay, makakatanggap ito ng tawag mula sa Manager para sa pinaka-huling assignment nilang magkakaibigan. Agad namang sumang-ayon si Janice at nagpahinga na upang ihanda ang sarili sa biyahe papuntang Luneta.










Disyembre 30.


Araw ng paggunita sa pagpatay at pagbaril sa ating Pambansang Bayani na si Gat. Jose Rizal. Kahit na hindi pa tapos ang isyu sa DMCI Homes na nagpapapangit daw ng tanawin sa istatwa, hindi naman ito naging hadlang upang ituloy ang inagurasyon ng lalo pang pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa parke. Dumating sa pagdiriwang ang mga napiling delegado ng Senado at Kongreso, kasama ang ilang Department Heads ng pamahalaan, mayor, ang Pangalawang Pangulo at ilang mga mamamahayag sa bansa... kabilang ang grupo nina Janice kasama sina Rubie at Rhyna na abala sa interview at picture taking. Marami ang nagpadala ng mga bulaklak at pati ang International Press ay sumama para na rin sa pagdalo ng pagpupulong sa Malacañang ukol sa nalalapit na eleksiyon. Ang mga guwardiya ay bantay-sarado rin sa mga posibleng pag-atake ng terorista o kahit mga maliliit na pagnanakaw sa paligid ng parke. Sandali ring nakisama ang langit sa seremonya na pagkatapos ang 'Exit of Colors' ay siya ring pagbuhos ng malakas na ulan. Natirang nakasilong sa hindi kalayuang tent ang grupo nina Janice at nagka-usap-usap.


"Sis... It's New year! ang bilis lang ng panahon nuh...", wika ni Rubie


"I know right! Kaya nga pupunta raw kami ni Vince sa Jeju Island as part of his gift sa akin...", salita ni Rhyna


"Uhhh... How sweet! Parang kami lang ni French bod na magpapaputok daw sa Paris!", wika ni Rubie


"As... in...?", tanong ni Rhyna


"Oo! Mga fireworks! so happy...", nakangiting dagdag ni Rubie. May sisingit sa usapan


"Maligaya ako para sa inyo... at least sisimulan niyo ang taon na masaya...", may pilit na ngiti sa mga mukha ni Janice


"Sis... siyempre, doble o triple pa ang kasiyahan namin kung kasama ka namin dito 'di ba? Why not join us?", banggit ni Rhyna


"O Sis... sa amin ng boylet ko, I'm sure, marami siyang maipapakilalang French cuties sa'yo dun!", yaya ni Rubie kay Janice na lalo pang magpapalakas sa pag-ulan

"Huwag na... makaka-istorbo pa ako sa inyo. Tsaka kuntento na kami nina lola at Leo sa bahay gaya nung Pasko!", sambit ni Janice na ililigpit ang kaninang mga dalang notebook


"Sigurado ka diyan Sis ah... anyways, mag-skype skype na lang tayong tatlo pag may time!", positibong banggit ni Rhyna


"Sige... at Mag-iingat na lang kayong dalawa!", sambit  ni Janice na yayakap sa mga kaibigan. Ituturo niya si Rubie, "At ikaw Rubie Rose ah, behave!"


"Hello... New Year's resolution ko kaya yan...", sagot ni Rubie at magsisipagtawanan ang lahat












BOOOOOOOOOOM!  



Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...