If we fall in-luv

By SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis More

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 29

242 0 0
By SirIncredible


Bang Bang!




Hindi ito tungkol kay Ryan Bang na may taping ng bagong pelikula sa 'Star Cinema' o kay Bangs Garcia na may bagong sexy and sizzling cover sa 'For Him Magazine' o sa bagong pagsabog na naganap sa lungsod ng Cagayan de Oro kung saan ikinasugat ng tatlumpung katao kabilang na ang dumaraang tindera ng kutsinta. Ito ay mga tunog na maririnig mula sa baong stereo na may saksakan ng Flash Drives at pine-play ng paulit-ulit ng mga staff ng 'Cameramen and Technicals Department' sa katabing kuwarto ng opisina nina Janice. Nagpa-praktis ang nasabing department team para sa kanilang presentation sa magaganap na year-end party.

"...I know you want it! Bang... Bang! all over you... I'll let you have it!"

Binubuo ito ng limang mga pamilyadong lalaki at dalawang babae na ang edad ay nasa pagitan ng 35 hanggang 37. Magiliw na magiliw sila sa pag-indak na halos nagpapadagundong ng kabilang kuwarto na sinasabayan na rin ng pagsigaw sigaw at halakhak sa tuwing magkakamali sa steps o mapapagod. Mayroon ding naka-assign na kumanta sa kanila ngunit ito ay nagsasanay naman sa ibang kuwarto upang hindi ma-spoil ng ibang kasamahan. Dahil sa kaunting echo na tumatagos sa pader ng Broadsheet Area, nakikiindak na rin ang mga staff pampawi ng pagod sa kanilang walang humpay na pagbabalita. Mula sa kanyang cubicle, dadalhin ni Janice ang isang Re-writable CD at kakatok sa pintuan ng opisina ng Manager.

"Please... Come In!", banggit ng isang lalaki mula sa loob at bubuksan ni Janice ang pinto upang pumasok sa malamig na opisina

"Ahm... Sir! Yung Second draft po sa report ko!", wika ni Janice na ibibigay ang hawak sa Manager na nakaupo sa kanyang silya at makikitang nagsusulat sa harapang upuan naman si Mya

"Oh! Second draft?!", pagtatakang banggit ng Manager, "Well, wala pa naman akong sinasabing..."

"Ah! Sir!", taas-kamay na sagot ni Mya, "A... ako po ang nagsabi kay Janice to check and copyread first bago i-print sa publishing office"

"All... right! So, bigay mo na lang kay Miss Lopez...", banggit ng Manager kay Janice at magsisimulang mag-type sa kanyang laptop

"But Sir... this is urgent po 'di ba? So, any works will be forwarded to you ASAP", wika ni Janice

"Ye... Yes!", pagtatakang banggit ni Manager at titingin sa kausap, "But, I haven't yet scheduled new reports this week and now that there is Miss Lopez to replace the position of Pam... I guess it is her job to entertain those articles first!"

"Absolutely Sir!", banggit ni Mya na ngingiti sa nangangambang si Janice, "Maybe this is another paranoiac game of Miss Behosano... What a mess!", tatahimik ang lahat at magpapatuloy, "Can I get it, Janice?!"

Saglit na mag-iisip si Janice at galit na ibibigay kay Mya ang CD.

"Okay!", banggit ni Mya sabay tingin sa CD.

"One thing Miss Behosano!", singit ng Manager

"Ano po yun, Sir?", usisa ni Janice pagkatapos manumbalik sa pagsusulat si Mya

"Just finish the summary of your investigative report... kasi sunud-sunod na lead na ang nakukuha ng NBI ngayon, in case yung mga researches mo ay makatulong!"

Mababakas ang paghinto ng hininga ni Mya. Magtatanong naman si Janice sa boss, "Sige Sir... related din po ba ito sa nangyaring patayan sa office natin?"

"Uh... Am not sure pero yung tungkol sa 'Poison Milk', may nahuli silang distributor daw sa Sarangani Province at isa rin naman na nadakip ng InterPol sa Buenos Aires! Malaking development ito sa lumalalang kaso sa mga bata", sabi ng Manager

"Okay Sir, Ire-ready ko na lang po!",sagot ni Janice na agad namang iistorbohin ni Mya

"And... Janice give it to m...", putol na banggit ni Mya na iniikot-ikot ang hawak na signpen sa kanang kamay

"No!!!", biglang sabi ng Manager at saglit na hihinto, "A... I mean nonetheless, I have other works to be assigned for you Miss Lopez...", at kukunin niya ang isang kahong puro folder at couponbands sa ilalim ng desk

"Sir, napakarami naman po niyan...", nakasimangot na banggit ni Mya habang nakatingin sa kinukuha ng Manager

"Ah... mga old files na hindi natapos ni Miss Golingferia mula nang mamatay ito...", sabi ng Manager na nag-aalis ng kaunting mga alikabok sa kahon at makikitang nakatayong nakatigil si Janice sa kabila, "Janice, may questions ka pa ba?"

"No... No Sir!", sagot ni Janice

"So... you can leave... Thanks for your time!"

"Thank you din Sir and...", titingin si Janice kay Mya at ngingiti, "Good luck Ma'am!"

Iiwan ni Janice na mukhang problemado si Mya sa mga bagong gawain at patuloy na nagsasalita si Manager na inisa-isa ang mga papel na kinukuha sa kahon. Bubuksan ni Janice ang pinto at lalabas.

PICK-A BOO!

Malakas na tinig na gumulat kay Janice paglingon mula sa isinarang pinto sa kuwarto ng Manager. Bumungad sa kanyang mukha ang colorless na garapon na may mga papel na maliliit na naka-rolyo.

"Sis... bunot na!", sambit ni Rubie na nakahawak sa garapon

"Ha? Para saan 'to?", tanong ng nagtatakang dalaga

"Hello... Mag-papasko na at boring naman sa office natin kung walang mangyayaring party kaya napag-isipan ng buong staffs na magdiwang kahit saglit lang na kasiyahan dito at tayong lahat ay magkaroon ng 'Exchange Gifts' naman...", dagdag ni Rubie

"Wow ha! Bagung-bago itong pakulo na ito ah..."

"Huwag ka nang umepal diyan... Bumunot ka na lang Sis!", sambit ni Rubie at kukuha ng isang pangalan sa garapon si Rubie. Nang buklatin ang papel ay manlalaki ang mga mata.

WHAAAAAAA!

Aalis agad si Rubie at pupuntahan naman ang ibang nag-iingay na staff upang sila naman ang bumunot ng pangalan. Magsisigawan ang lahat at maghahagisan ng nilukot na bilog na papel.

"Hooooooh!", sigaw ni Trumpet na naka-fitted na sando habang naglilinis ng maalikabok na filter ng aircon sa LVC Branch. Sa gilid ng branch malapit sa gripuhan ito pumuwesto na dahil sa kainitan din ay tinanggal niya muna ang polong uniform at sinampay sa malapit na sanga ng puno. Katabi naman nito ang kasamahang nag-checheck naman ng mga electrical wires ng ibinabang aircon. Nakahanda rin ang puting bimpo na binili nito sa tapat ng simbahan ng Quiapo sa bulsa upang gamitin sa tuwing tatagaktak ang pawis para sa subsob na Maintenance.

"Sa tanang buhay ko... ngayon lang ako nakapaglinis ng ganitong filter na mas maitim pa sa singit ko! Ampota!", sambit ni Trumpet

"Haha! Ganyan talaga yan... Eh dalawang taon ba namang hindi pinalinisan ni Madam... Buti pa yung mga uban niya napapa-tina niya sa salon linggu-linggo!", ani Lawrence

"Oo nga Tol! Sinasayang lang ang pera niyan sa puro paganda... buti ba kung inililibre na lang sa ating dalawa eh 'di nakatulong pa siya!", sambit ni Trumpet na huling kinukuskos ang natirang mga dumi sa filter

"Sinabi mo pa... eh bakit kasi hindi mo na lang asawahin..."

"Pwe!", nandidiring sagot ni Trumpet, "Kahit na walang-wala akong pera eh marunong din naman akong pumili ng babae nuh! Tsaka...", magiging malungkot, "... ayaw ko na ring balikan yung dati kong hanapbuhay sa gay bar. Kung sinu-sinong hahawak at tatabi sa'yo tapos nariyan na hahawaan ka pa ng sakit..."

"Tol...", mahinang banggit ni Lawrence

Mapapaiyak si Trumpet. "Pasensiya na Lawrence... sa tuwing maaalala ko kasi, nagbabalik din yung mga sakripisyong ginawa ko para sa mapapangasawa ko na iniwan lang din ako sa huli! Salamat na lang ako sa itaas at nakaligtas pa ako sa nakamamatay na sakit... Binigyan niya pa ako ng pangalawang pagkakataong mabuhay..."

"Sus... yung Utol ko nagda-drama na naman oh!", banggit ni Lawrence na tinatapos ang pag-teteyp at pagtuturnilyo sa aircon, "Hayaan mo, kapag tumama ako sa lotto... Hahatian kita sa premyo!"

"Ows? Sabi mo 'yan ah!", sambit ni Trumpet na binubuksan ang gripo upang tumagas ang tubig

"Naman...", banggit ni Lawrence na titingin sa may kausap sa loob na si Madam NJ, "Pero 'Tol... Mukhang may asim pa naman si Madam eh!"

Iwiwisik ni Trumpet ang natirang tubig sa kamay sa mukha ng kausap. "Tang'na! Kung gusto mo, ikaw na lang ang pumatol diyan!"

Lilingon si Lawrence sa hawak ng kausap.

"Akin na nga yan!", pangiti at mabilis na banggit ni Lawrence na kukunin ang bagong linis na filter at pupunasan. Ikakabit niya rin ito at magbibihis ng polo si Trumpet. Bubuhating mag-isa ni Lawrence ang aircon na magpapakurba ng kanyang mga muscle sa kamay at dibdib. Kukunin naman ni Trumpet ang bimpo sa bulsa ng kaibigan at ipupunas sa sariling mukha. Isang matangkad na guwardiya ang magbubukas ng pinto na pagkapasok ni Lawrence ay siyang alis ng customer.

"Thank You Po! Come again...", bati ng pagud na pagod na si Trumpet sa loob

Habang inilalagay ni Lawrence ang aircon sa itaas ng dingding ay aalalayan naman ito ni Trumpet pagsampa sa upuang mono block. Nakatinging iistorbohin sila ng matandang nakasalamin.

"Mga iho! pagkatapos niyo diyan... Magdeliver na kayo ng mga package at sulat ha! Ito ang papel sa mesa at iidlip lang ako saglit", wika ni Madam NJ







Sasang-ayon ang lumingon na si Trumpet at iiwanan ng 'approve sign' ang nagsalita.

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...