The Divorce

By MrsPeriwinkle0024

28K 1.6K 227

In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her di... More

Chapter 2: Exchange
Chapter 3: Get Married Then Divorce
Chapter 4: Asking For Pocket Money
Chapter 5: Unexpected Turn Of Events
Chapter 6: Bargaining Chip
Chapter 7: The Audacity
Chapter 8: The Truth
Chapter 9: Wrong Script
Chapter 10: First Time
Chapter 11: Obstacles
Chapter 12: Cannot Threaten Him Anymore
Chapter 13: Loyalty
Chapter 14: Going To Hate Him
Chapter 15: Willing
Chapter 16: The Perfect Sister-in-law
Chapter 17: One Of Her Dreams
Chapter 18: What To Fix Next?
Chapter 19: A Sudden Lecture
Chapter 20: Finally
Chapter 21: Judas Kiss
Chapter 22: Cannot Blame Her
Chapter 23: Proposal
Chapter 24: Insult
Chapter 25: Unwanted Visitors
Chapter 26: No Strings Attached
Chapter 27: Poor
Chapter 28: Last Option
Chapter 29: A White Dress
Chapter 30: Her Creations
Chapter 31: Lunch Date
Chapter 32: Painful Memory
Chapter 33: No Thanks
Chapter 34: Dearest Sister-in-law
Chapter 35: Someone Is Coveting His Woman
Chapter 36: Washing My Eyes
Chapter 37: Wish
Chapter 38: Wedding Day
Chapter 39: Arya Being Hysterical
Chapter 40: Asking For A Gift
Chapter 41: Torture And Imaginations
Chapter 42: Concerned About Her
Chapter 43: A Nightmare
Chapter 44: Good Bye
Chapter 45: Original Plan
Chapter 46: A Normal Day
Chapter 47: Upset
Chapter 48: Gentle
Chapter 49: Negative And Positive Emotions
Chapter 50: Doubt
Chapter 51: The Police Officer And The Lawyer
Chapter 52: Helper From The Past
Chapter 53: Bothered
Chapter 54: Arya's Concern
Chapter 55: Felt Like A Roller Coaster Ride
Chapter 56: Someone Who Knows Her Best
Chapter 57: Stick To The Original Plan
Chapter 58: Someone Who Looks Like Her
Chapter 59: Delighted
Chapter 60: Different Types
Chapter 61: What If...?
Chapter 62: Protecting You In My Own Little Way
Chapter 63: The Allejo Family
Chapter 64: The Hungry and Irritated Sam
Chapter 65: Bite Back
Chapter 66: Bullying The Bully
Chapter 67: Prevention Is Better Than Cure
Chapter 68: Samuella's Nightmare
Chapter 69: Samuella's Nightmare Part II
Chapter 70: The Brother-in-law
Chapter 71: The Birthmarks
Chapter 72: A Success
Chapter 73: Stealing Task
Chapter 74: Terrifying
Chapter 75: Missing Home
Chapter 76: Indulge

Chapter 1: Rebirth

1.1K 26 4
By MrsPeriwinkle0024

Nagtatakang nagising si Samantha isang umaga.

Hindi niya maunawaan kung ano ang nangyari at paano ito nangyari.

Bakit...

Bakit nagising pa siya? At teka lang, bakit hindi na sumasakit ang sikmura niya? Hindi ba at nasagasaan siya ng truck? Dead on the spot pa nga siya.

Is this me in my spirit form?

Pero bakit nandito siya sa kwarto ng lumang mansyon? Napalunok ang dalaga. Naramdaman niya na parang nanunuyo ang kanyang lalamunan.

Wait.

There's something wrong.

Wala na dapat siyang nararamdaman na discomfort lalo na kung kaluluwa na lang siya.

Muling inilibot ni Samantha ang paningin niya sa paligid. Hindi niya mapigilan ang pangangasim ng ilong niya at ang biglaang paghapdi ng kanyang mga mata. Dahil ba sa sobrang pagka-miss niya sa mala-senyoritang pamumuhay niya sa poder ng kanyang foster parents kaya ganito ang iniilusyon niya ngayon?

Huminga ng malalim ang dalaga at wala sa sariling napatingin sa maliit na kalendaryong nakapatong sa bed side table.

Her jaw dropped and her heartbeat accelerated.

Anong klaseng mahika 'to?!

April 20, 2004?

No way!

2004 noong lumayas siya sa mansyon ng kanyang foster parents. Pero bakit...

Nanlalaki ang mga matang napatitig si Samantha sa makinis at malagatas na kulay ng balat niya. Hindi niya makita doon ang mantsa nang talamsik ng mantika o ang sugat na mula sa matapang na sabon na ginagamit niya sa paghuhugas ng sangkaterbang plato. Nag-angat ng paningin ang dalaga.

Sa malaking salamin ay kitang-kita niya ang kanyang magandang mukha na walang bahid ng kahit anong wrinkles. Maganda at makintab ang mahaba niyang buhok. Hindi siya mukhang kulang sa tulog at mas lalong hindi rin siya mukhang kinukulang sa pagkain.

Does it mean...

She's back to the past?

Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa realization na iyon.

But how? She's supposed to be dead!

In a foreign and faraway place!

How?

Why?

"..."

Kaagad na napahinto sa pagmumuni-muni si Samantha nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. Ang lahat ng mga katanungan sa kanyang isipan ay kaagad inilipad ng hangin.

Lumingon ang dalaga sa lumang pintuan. Makalipas lang ang ilang segundo ay bumukas iyon.

"Anak..."

Napatitig si Samantha sa ginang na sa kabila ng ilang wrinkles sa mukha ay nanatili pa rin na maganda.

Ilang beses niya bang pinangarap na makita at mayakap man lang ang taong 'to? Noong panahon na nagugutom siya, wala man lang mainom na malinis na tubig, walang matulugan ng maayos at wala man lang nangungumusta sa kanya...

Palagi niyang napapanaginipan noon ang malinis niyang kwarto, ang masasarap na pagkain na palaging nakahain sa malaking lamesa, ang malamig at malinis na tubig o juice, at ang pinakanami-miss niya? Ang nakangiti niyang ina.

Ito ang kumupkop at nag-alaga sa kanya noong inabandona siya ng sarili niyang mga magulang sa harapan ng lumang simbahan ng San Vicente.

"M-mommy," hindi mapigilan ni Samantha ang paggaralgal ng boses niya. Pakiramdam niya ay parang biglang ang hirap huminga.

Ibig bang sabihin, panaginip ko lang 'to? Ito ba ang sinasabi nilang replay ng buhay mo bago ka tuluyang hatulan kung saan ka mapupunta after death?

Dahan-dahang pumasok sa loob ng silid ang ginang, pagkatapos ay naupo ito sa gilid ng kama.

"Sam, anak..." Huminto ito sa pagsasalita na para bang nasasaktan din ito sa gustong sabihin.

Mabilis na yumakap si Samantha sa ginang.

Pinagsisisihan niya ang pagiging rebelde niya noon. Kung hindi siguro siya nagpabigla-bigla sa pagdedesisyon na makipagtanan sa walanghiya niyang nobyo, hindi siguro siya hahantong sa ganoong sitwasyon.

"Anak..."

Tanging mahigpit na yakap lamang ang iginanti ni Samantha sa ginang.

"Anak, alam mong mahal kita. Minahal ka namin. Mula noong unang beses na makita kita, itinuring na rin kitang parang tunay na anak. Although ginawa ko 'yun noong una para panandaliang makalimutan ang pagkawala ng sarili kong anak, habang tumatagal sa puso ko 'nak, tinanggap kita at itinuring na pangalawang anak. Kahit na ngayong nandito na si Daureen, walang magbabago," emosyonal na wika ng ginang.

Sunod-sunod na tumulo ang luha mula sa mga mata ni Samantha.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa kanyang kinikilalang ina.

Sa pagkakatanda ni Samantha ito ang pangalawang araw mula noong bumalik ang nawawalang anak ng mag-asawa. Maganda rin ito ngunit bakas sa kutis, mukha, mga kamay at paa nito na hindi naging maganda ang pamumuhay nito sa pinanggalingan.

"Huwag kang mag-alala. Gagawan ko ng paraan na hindi ka bumalik doon kapalit ni Daureen," mahinahon pa ring wika ng ginang.

In her past life, hindi pinakinggan ni Samantha ang sinabing iyon ng kanyang kinikilalang ina. Nagalit siya kaagad noong marinig sa anak ng kanyang mga magulang na hindi ito maaaring umuwi, dahil kung uuwi man ito, kailangang may kapalit na bumalik sa pinanggalingan nito.

Pakiramdam ni Samantha noon ay nagpapanggap lang itong inosente pero ang totoo ay gusto talaga siya nitong palayasin sa poder ng kanyang foster parents. Dahil ano nga bang karapatan niya para angkinin ang mga magulang nito? Wala hindi ba? Wala siyang karapatan.

Kaya naman mas minabuti ni Samantha na lumayas noon at nagpunta sa lalaking inaakala niyang mahal na mahal siya dahil ayaw niya syempreng pumayag na palitan si Daureen mula sa pinanggalingan nito. Hindi naman niya kilala ang pamilyang iyon, bukod pa doon, ampon lang siya ng mga dela Vega kaya bakit niya papalitan si Daureen sa pamilyang pinanggalingan nito?

Walang nakapigil sa ginawa noon ni Samantha. Lumayas lang naman siya at nakipagtanan sa long time boyfriend na nakatira sa malayong lugar. At noong gawin niya ang bagay na iyon, doon na nagsimulang maging impyerno ang buhay ng dalaga.

"No mommy, kailangan kong magpunta doon," seryosong wika ni Samantha saka kumalas mula sa pagkakayakap ng kanyang ina. "Kailangan kong palitan si Daureen sa pamilyang pinanggalingan niya," seryosong dagdag pa ni Samantha. To redeem myself from guilt. Hindi niya magawang sabihin ang bagay na iyon. Dahil sinong tao ba naman na nasa normal na pag-iisip ang maniniwala sa reincarnation, rebirth or transmigration?

"P-pero anak," naiiyak na napatitig ang ginang kay Samantha.

Limang taon na si Samantha noong matagpuan ng mag-asawang dela Vega sa palengke. Ilang beses nila itong nakikitang namumulot ng pagkain sa basurahan. Sa pangatlong beses na nakita nila ito sa palengke ay iniuwi na nila ito at dinala sa kanilang mansion.

Kahit na may mga katulong sila sa bahay, mas gusto ng mag-asawa na sila ang pamili dahil nagbabakasali pa rin sila na mahanap ang anak kung saan ito nawala.

Pero nagalugad na nila ang buong palengke ng San Vicente, ni anino ng anak nilang si Daureen ay hindi man lang nila makita. 20 years later, natagpuan nila ito sa ospital kung saan naka-confine si Ginoong dela Vega. Nag-donate ito ng dugo at unang kita pa lang ng ginang sa dalaga ay kaagad na itong nakaramdam ng lukso ng dugo.

Dalawang taon lang si Daureen noong mawala.

Lumaki naman itong maganda pero mababakas sa katawan nito ang hirap ng pamumuhay na pinagdaanan nito.

"Mommy, kinupkop nila si Daureen sa loob ng dalawampung taon. Hindi sila papayag na kuhanin niyo siya ng walang kapalit," paliwanag ni Samantha sa kinikilala niyang ina.

"Pero anak, kaya naming magbayad ng daddy mo," kontra ng ginang.

Hindi kaagad nagsalita si Samantha. Alam naman niyang kayang maglabas ng malaking pera ng mag-asawa, pero base sa reaksyon ng mukha ni Daureen noong sinabi ng mag-asawa na mananatili silang dalawa sa dela Vega mansion, kitang-kita ni Samantha ang takot sa mga mata nito.

"Hindi pera ang kailangan nila mommy. Kailangan din po nila ng anak. Nakita niyo naman, lahat ng mga papeles na ipinakita nila ay legal na katibayan na anak nila si Daureen. Wala tayong ibang magagawa kung hindi ang sabihin sa kanila na nagkapalit kayo ng anak,"

Para sa mga magulang na ito na walang ibang ginawa kung hindi ang bigyan si Samantha ng maayos na pamumuhay at masasandalang magulang, gustong gamitin ng dalaga ang pangalawang pagkakataon na ibinigay sa kanya para masuklian man lang ang utang na loob na kailanman ay hindi niya mababayaran sa mag-asawa.

"Mommy, hayaan niyo ng palitan ko si Daureen doon. Sobra-sobrang pag-aalaga at pag-aaruga na po ang ginawa niyo sa akin, ngayon, si Daureen naman po ang intindihin niyo," seryosong sabi ni Samantha sa ginang saka buong pagmamahal na hinaplos ang mukha nito.

Ang ginang naman ang napaiyak.

Gusto niya lang naman makasama ang dalawang anak. Pero bakit parang kinakalaban siya ng kalangitan sa simpleng kahilingan ng puso niya?

"Stop crying, Mom. We should celebrate," nakangiting tinapik ni Samantha sa balikat ang kinikilalang ina. "And besides Mom, I can never repay you and Dad. This is the only thing that I can do for now. Please, let me do it," malumanay na dagdag pa ni Samantha.

If this is a second chance granted by the heavens, she should use this lifetime to pay the gratitude she has for her poster parents.
In her past life, that becomes her biggest regret.

Not being able to help them and thank them.

Pagkatapos aluin ni Samantha ang kanyang ina ay magkasabay na silang bumaba. Naabutan nila si Ginoong dela Vega na malumanay na kinakausap ang anak na si Daureen.

"Daureen, Dad," mahinang tawag ko sa kanila.

Magkasabay silang lumingon. Pero mabilis na nag-iwas ng paningin si Daureen.

"Dad, pwede ko bang kausapin saglit si Daureen?"

Napakunot noo ang may edad na lalaki, pero tumango din naman ito.

Ngumiti si Samantha kay Daureen, ayaw niyang mailang ang tunay na anak ng dalawang taong kumupkop, nag-alaga at nagpalaki sa kanya.

"Let's go sa garden?" Tanong ni Samantha kay Daureen na kaagad din namang tumango.

Naunang maglakad palabas ng malawak na sala si Samantha. Binaybay niya ang daan patungo sa likod ng bahay kung saan naroon ang malawak at magandang hardin na mismong si Ginang dela Vega ang nagtanim sa mga namumulaklak na mga halaman.

"Welcome back," nakangiting bati ni Samantha. Taos iyon sa puso. Lahat ng inggit, insecurities at inis na nararamdaman niya in her past life ay parang bula na biglang naglaho after her rebirth. She should be thankful. Dahil sa totoo lang, wala siyang karapatan na mag-demand ng kahit na ano.

Si Daureen ang pinaka-dehado sa lahat. Ito ang nawalan ng tunay na magulang pero siya pa ang may ganang maglayas, makipagtanan at mag-tantrum. Ang kapal ng mukha niya sa parteng 'yun. Kaya siguro siya nakarma.

Sa dami ba naman ng magiging nobyo niya, natapat pa siya sa demonyo.



Continue Reading

You'll Also Like

17.7K 812 44
Napagdesisyunan ng magkapatid na Avrice at Amritta na manirahan sa Arturia Town sa bahay ng kanilang tiyahing si Trinity matapos mamatay ang kanilang...
Noli Me Tangere | √ By Nia

Historical Fiction

390K 1.5K 64
Buod ng bawat kabanata ng nobelang Noli Me Tangere From the book of completed and published Filipino Version translated by Leon Ma. Guerrero of Adarn...
3K 189 9
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members
1.3K 91 25
"Maybe this is a second chance for a second lead. A second chance for me."