Writer's Block

By Yanalovesyouu

7M 283K 48.9K

A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perha... More

WB1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 31

112K 5.4K 922
By Yanalovesyouu

"Kapag napatunayan namin na totoo ang mga paratang sa inyo mahal naming Reyna, ipagpatawad nyo ngunit kailangan namin kayong hatulan ng kamatayan" Makahulugan ang pagkakasabi ni Professor Scarlett. But hell! Ano sa tingin nila ang ginagawa nila? Reyna ng Queinsville ang kausap nila! Tapos ganyan sya magsalita?

"Naiintindihan ko. Ngunit katulad nga ng paulit-ulit kong sinasabi, wala akong kasalanan" Lumapit ako sa kinaroroonan ni mama. Nasa loob kami ng isang hukuman at ang ina kong reyna ang nililitis.

"Mahal na reyna, maaari mo bang isalaysay sa amin ang mga nangyari noong magkita kayo ni Reyna Freya?" Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid.

Unang tingin pa lang sa mga wizards na nandito ay alam ko ng malalakas sila. Maybe they are the Mystic Theurage and the High wizards. At hindi lang mga wizards ang nandito dahil pati mga bampira na kauri ni Lucian ay nandito rin sa loob ng hukuman.

Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang mga bampira. Nandito si Loki, Cronus, Kindred, Cornelia, Leandro, Hades, King Lazarus, pati na rin ang iba pang mga bampira na hindi ko naman kilala. At syempre nandito rin ang pinakamamahal kong si Lucian.

Nasa magkabilang bahagi nitong hukuman ang mga wizards at vampires.

"Tumungo ako roon kasama sila Mystic Theurage Seamus Brock, Mystic Theurage Mikael Grimswald, Mystic Theurage Gynweilla Mrinal, at High Wizard Samara Friggs. Kasama ni Reyna Freya ang ibang bampira. Gumawa ako ng isang uri ng ritwal upang magkausap kami ng pribado at walang sinuman sa mga kasama namin ang makakarinig ng pinag-usapan..."

"Maaari mo bang sabihin sa harap naming lahat kung ano ang inyong napag-usapan ng mahal na Reyna Freya?"

"Ipagpaumanhin nyo, ngunit nangako ako na anuman ang mangyari ay walang ibang makakaalam ng aming pinag-usapan"

Nag-umpisa ang mga bulung-bulungan as always. Kaya lumapit ako sa harap mismo ni mama. "Huwag mo silang pansinin mother. Kung ano ang tingin mong tama go lang ng go"

"Ngunit paano namin malalaman kung ano ang tunay na nangyari kung hindi nyo isasalaysay ang buong pangyayari"

"Asus! Para-paraan mong gago ka! Sinabi na nga ng mama ko na ayaw niyang sabihin diba? Saka hello?! Secret nga eh! Oh ano gusto pa ipangalandakan niya sa inyong lahat ang pinag-usapan nila ni Queen Freya? Tsk tsk. Hina-highblood nyo ko. Ugh!" Isang-isa na lang 'tong nagtatanong na 'to babanatan ko na talaga.

"Gaya nga ng sinabi ko kanina, wala akong balak na isiwalat kung anuman ang aming napag-usapan" Nahati sa gitna ang table na nasa harap ni King Lazarus dahil sa lakas ng pagkakahampas nito. Ano naman kaya ang inaarte-arte ng isang ito? "Anong itinatago mo sa amin Reyna Azaria. Bakit ayaw mong ihayag kung ano ang inyong napag-pulungan?"

Inilipat ko ang tingin ko kay mama na nasa harap ko lang. "Wala akong itinatago sa inyo. Ayoko lang sirain ang pangako ko sa yumaong Reyna Freya" Kalmadong sagot ni mama kay King Lazarus.

"Kung ganoon, maaari mo bang sabihin sa hukumang ito kung sino sa tingin mo ang maaaring pumaslang kay Reyna Freya?" Diretsong tanong nung lalaki.

"Wala akong ideya kung sino" Mabilis at walang bahid ng kasinungalingan ang sagot ni mama. "Sa iyong mga naging kasama mahal na Reyna Azaria? Wala ka bang pinaghihinalaan sa kanila?" Inilipat ko ang tingin ko sa mga salamangkero at salamangkera na binanggit ni mama para tingnan ang mga magiging reaksyon nila.

"Wala. Hindi nararapat na manghusga ako ng sinuman lalo't wala akong sapat na pruweba" Sus! Alam ko na kung kanino nagmana ng katangahan si Prisesa Alexis. Parehas lang naman pala sila nito ni mama. Psh! Nakakainis kasi wala akong magawa! Alam kong nasasaktan si mama sa mga nangyayari sa kanya ngayon. Kung meron lang sana akong magagawa...

"Sa mga kasama ng mahal na Reyna Freya, may pinaghihinalaan ka bang maaaring gumawa sa kanya noon?" Tanong na naman nung lalaki.

Umiling si mama. "Hay nako mama! Kung ganyan ka ng ganyan lalo ka nilang pagbibintangan!" Inis na sabi ko kay mama habang nakapangalumbaba sa harap niya.

Tumingin ako doon sa mga hindi ko kilala kung sino pero nagbulung-bulungan sila bago magsalita ang isa sa kanila. "Mahal na reyna Azaria, batid nyo po ba na kung hindi kayo magsasabi ng katotohanan ay mas lalong bibigat ang matatanggap nyong kaparusahan?"

Tumango si mama pero hindi sya nagsalita.

"Maaaring humantong sa kamatayan ang kaparusahan kapag nagkataon"

Tumango ulit si mama at mukhang wala pa ring balak magsalita.

"What the fudge mama! Ano ba 'yang iniisip mo at ayaw mong magsalita?" Matigas talaga ulo nito ni mama. Manang-mana sa akin!

Nakatayo ako at nakatanaw sa iba't-ibang uri ng mga salamangkero at salamangkera na paparating dito sa palasyo. Ipinatawag ko ang lahat ng wizards sa iba't-ibang panig nitong kabilang mundo upang pumarito at magtipon-tipon.

Mapanghusga ang mga mata nila tuwing mapapatingin sila sa'kin. Paano ba namang hindi eh nandito ako sa pinakamataas na balkunahe at tinatanaw lamang sila. I rolled my eyes and just let them think what they want to think. It's none of my business though. Nakita ko sa mga alaala ko ang pagtrato nila ng ganito sa akin noon.

"Hindi ba't matagal na panahon na'ng ipinagbawal ang pagtungtong dito sa palasyo, bakit dito nagpatawag ng pagpupulong si Mystic Theurage?"

"Hindi ko rin alam ang kasagutan sa iyong katanungan, ngunit lubha akong napapaisip kung sino iyon," Tumingin silang dalawa sa'kin so I glared at them.

"Iyan nga rin ang kanina ko pang iniisip. Sino iyong tampalasan na iyon at doon pa talaga nakatayo sa ita? Mukhang hindi maganda ang kutob ko sa kanya," Sagot nung isa pang babae. Good thing I learned the teleportation in my dream kaya mabilis akong nakapag-teleport sa harap nilang dalawa.

"Hindi nyo ako kailangang pag-tsismisan dahil kung may mga katanungan kayo ay maaari nyong idiretso sa'kin" Psh! Mga lecheng tsismosa. Subukan nilang pag-tsismisan ako katulad nung dalawang babae sa alaala ko at lintik lang ang walang ganti.

"Nais naming malaman kung sino ka at kung ano ang iyong pakay. Tila yata masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo at doon ka pa nakatayo sa pinakamataas na balkunahe?" She said, hindi ko gusto ang tabas ng dila ng isang 'to at mas lalo namang hindi ko gusto ang mga tingin niya sa'kin.

"In lapidem conversa" I stated. She immediately turned into stone na ikinagulat ng lahat ng mga salamangkero at salamangkera na naririto sa loob. Inilipat ko ang tingin sa kasama niyang babae. Bakas na ang mga takot sa mga mata niya kaya tumalikod na ako para maglakad at bumalik sa kinatatayuan ko kanina.

Habang nakatalikod ako ay naririnig ko ang mga bulung-bulungan nila. Sige! Dahil mabait naman ako noon, pagbibigyan ko muna sila ngayon. Hindi nyo rin ako masisisi, dahil nakita ko kung paano nila ako tratuhin noon. Kung gaano nila kagusto na patayin ako. Ang pagpigil nila sa'kin para mag-aral ng salamangka. Ang mga paratang nila. Kung paano nila isinisi sa'kin ang mga kasalanan na hindi ko naman ginawa.

Ako isinumpa? Sa ganda kong 'to? Psh!

Nung humarap ako sa kanila ay tumigil silang lahat sa pagbubulungan. "Lady Alexis, nandirito na po lahat ng salamangkero at salamangkera" Bulong ni Samara. I waved my hand to shoo her away. I don't need traitors.

"Ipinatawag ko kayong lahat, upang magkaroon ng paligsahan..." I started. Inilibot ko ang tingin ko sa kanila before I continued "...lahat ng salamangkero at salamangkera dito sa kabilang mundo ay magiging kalahok. At kung sino ang magwawagi ay hihiranging bagong reyna o hari ng kaharian ng Queinsville" The whole castle filled with silence na halos nakakabasag sa eardrums sa sobrang katahimikan. Until one of them spoke.

"At sino kang lapastangan ka para utusan kami sa isang madugong labanan?" Matapang na tanong ng isang salamangkero. "In lapidem conversa" I said while looking straight into his eyes. And again, another wizard turned into stone. "Because I said so. At kung may plano man kayong kontrahin ang desisyon ko sabihin nyo na kaagad. Madali naman akong kausap" From all I've been through, I learned a lot. Maybe isa sa mga natutunan ko ang maging walanghiya.

Inilipat ko ang tingin sa mga Mystic Theurage na tahimik lang na nakatayo sa kanan bahagi nitong balkunahe. Alam kong most of them are wondering kung sino ako at anong ginagawa ko dito, at bakit ganito ako magsalita. I don't need to explain myself to them dahil kasama sila sa mga kinaiinisan ko.

Wala man lang silang ginawa nung nililitis si mama. Ni hindi man lang nila pinagtanggol ang reyna nila. Anong klaseng mga tagasunod ba sila? Naturingan pa silang isa sa mga pinakamatataas pero mga wala silang silbi.

"Paano ang magiging patakaran ng labanan?" Tanong ni Professor Seamus.

I smiled at him. "Good question" Sagot ko. "Una, bawat kalahok ay maaaring gumamit ng kahit na anong salamangka na alam nila. Pangalawa, malalaman lamang na panalo na ang katunggali kung ito ay sumuko na, hindi dumalo, o pumanaw. Pangatlo, hindi maaaring humingi ng tulong ninuman ang mga magsisilahok. Pang-apat, ang sinumang lumabag sa tatlong nauna ay papatawan ng kamatayan," Tumahimik ako saglit to wait for their answers, resentments, violent reactions and suggestions. And dahil walang nagsalita, itinuloy ko na ang pagsasalita.

"Wala kayong dapat na ipagalala dahil magkakaroon pa kayo ng sapat na panahon upang magsanay at mas lalong hasain ang mga kakayanan nyo sa paggamit ng salamangka dahil sa kabilugan pa ng buwan magsisimula ang paligsahan" Gusto kong tumawa ng malakas dahil kanina pa ako salita ng salita ng malalim. Muntik na nga akong malunod.

"May gusto ba kayong sabihin?" Ako na mismo ang nagtanong dahil mukha rin namang gusto nilang magsalita, natatakot lang silang maging bato. "Hindi magiging patas ang magiging paligsahan dahil masyadong malakas ang mga Mystic Theurage. Paano naman kaming mabababang uri ng salamangkero at salamangkera?" Matapang na tanong nung isang babae sa kaliwa.

"Hindi nila kasalanan na mas malakas at mas marami silang alam na salamangka sa iyo. Kung hindi patas para sa 'yo ang magiging paligsahan bakit hindi ka magsanay?" Ako nga walang masyadong alam na spells eh. For sure mas marami pa syang alam sa'kin.

Hindi na sya sumagot kaya ibinaling ko ang tingin sa mga Mystic Theurage. Alam kong pabor na pabor sa kanila ang paligsahang 'to kaya hindi sila sasali.

"Lalahok din po ba kayo sa paligsahan?" Tanong ni Samara.

"Of course!" at sisiguraduhin kong ako ang mananalo.

**

Magkasama kaming naglalakad at namamsyal ni Lucian sa Oldewood. "Masyadong maganda ang mga ngiti ng mahal kong prinsesa" He said. "Ahh. Hahaha. Wala, excited kasi ako" Sana talaga ako ang manalo.

"Saan?" Tanong niya.

"Sa paligsahan. Magkakaroon kasi ng paligsahan ang mga wizards. Kung sino ang mananalo, sya ang magiging reyna o hari ng Queinsville. Oh diba ang galing ko mag-isip ng way para maging reyna?" Sabi ko sabay tulak kay Lucian. He glared at me kaya nag-peace sign ako. "Joke lang eh. Ito hindi mabiro, akala mo naman sumubsob sya,"

"Tss"

"Sa kabilugan ng bwan mag-uumpisa ang paligsahan" Tinignan ko si Lucian sa peripheral vision ko kasi ang totoo niyan may gusto akong i-request. "May nais ka bang sabihin?" Boom huli! "Ahhh—hahaha. Ano kasi, diba marami-rami ka namang alam sa mga spells at kung anu-ano pang eklavoo,"

"Oh?"

"Pwede mo ba akong turuan?"

Ngumiti si Lucian kaya kumunot ang noo ko. "No, hindi pala 'yun request. Reyna ako, kaya turuan mo akong mag-magic" Taas-noong sabi ko.

"Pfft"

"Ano?" Tanong ko ng nakapamewang.

And the next thing I knew, nasa isang malawak na lugar na kami. "Umpisahan na natin mahal kong reyna"

**

A/N :

Sorry guys ngayon lang ako naka-UD. 6:30AM na ako nakauwi kanina eh. Galing ako kabilang mundo. Hahahaha. Goodnight :* Thank you sa feedbacks! Lalo na sa mga comments na nakaka-overwhelm. Yiii Lovesyou!

Continue Reading

You'll Also Like

EMPIRE HIGH By sai

Mystery / Thriller

5.8M 176K 63
Empire High was built for the Empire Society: Reapers, Gangsters, Assassins and Mafias. And as the classes starts, a nerd girl named Fuschia will enr...
172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
11.2M 205K 64
The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang...