Missing Princess of Xenoa

By thRyllovahhh

4.6K 214 55

Iaxah Sylvah Jaix, a well-known actress and a supermodel in France who has no childhood 'til one day, she dec... More

THE ALPHAS:Missing Princess of Xenoa
Une
Deux
Trois
Quatre
Cinq
Six
Sept
Huit
Neuf
Dix
Onze
Douze
Treize
Quatorze
Quinze
Seize
Dix-sept
Dix-huit
Dix-neuf
Vingt Et Un
AUTHOR'S NOTE
Vingt-deux
Vingt-trois
Vingt-quatre
Vingt-cinq

Vingt

170 5 0
By thRyllovahhh

Happy Saturday! This is the longest update ig? And that is because I'll be celebrating my birthday on Wednesday! Enjoy reading!

Lhyre's PoV


I was shocked the moment I saw her, sleeping peacefully on her bed. I can't believe this! After 3 months of searching for her, kusa siyang bumalik na para ba'ng hindi siya nawala nang matagal.

I sat on the edge of her bed habang tinititigan siya ng matiim. I still can't believe what I am seeing right now. It's like a miracle just happened in an unexpected time.

I let out a long sigh as a smile drew across my lips, but it automatically disappeared when a thought popped up on my head.

He said she changed... is it true? Hope it's not.

Ilang minuto ko pa siyang pinakatitigan bago ko naisipang maglinis nalang muna ng katawan when I remembered that I looked like a shit. Kumuha ako ng damit na pamalit sa aking closet saka malalaki ang hakbang na tumungo sa banyo. I locked the door saka hinubad ang lahat ng kasuotan bago pumailalim sa shower. I let the cold water cascade down to my body as I closed my eyes to savor the peacefulness, hearing nothing but the sound of the water that is splashing in the tiled floor.


After 30 minutes or so, lumabas na ako ng banyo na nakabihis na, suot ang PE uniform ng aming paaralan, tyempo naman na paglabas ko ay siya ring pagmulat ng mga magagandang mata ni Iaxah na siya namang ikinagulat kong talaga!


"I— Iaxah..." mahinang tawag ko sa kaniyang pangalan. Napatalon pa ako sa gulat nang ngitian niya ako nang pagkabonggang bongga.

Biglang tumalon paalis ng kama si Iaxah at agad akong niyakap ng mahigpit, "I missed you, Lhyre!"



Napangiti ako sa kaniyang iniakto at tuluyan na rin siyang niyakap. Makalipas ang ilang segundo, siya na ang kusang bumitaw, may ngiti pa'rin sa mga labi at nangingilid pa ang luha sa kaniyang magagandang mata.


"Gaga ka! Alam mo bang ilang buwan ka naming hinanap, ha?!" mangiyak ngiyak kong anas habang masama ang tingin sa kaniya, bahagya naman siyang natawa.


"I don't know what happened, basta, takot na takot ako nung paggising ko, nasa gubat na ako, pinapalibutan ng mga scary creatures!" may natural na arte sa kaniyang pananalita nang sabihin iyon, bakas ang takot sa kislap ng kaniyang mga mata. Naaawa ako sa kanya.


Muli ko siyang niyakap kasabay ng pagpatak ng isang butil ng luha sa aking mata. "We're very sorry... we did everything para mahanap ka, pero wala talaga, eh. Wala kaming nakitang kahit na anong bakas na magtuturo sa'min sa iyo."



"Ano ka ba, ayos lang. Nandito naman na ako, eh, and duh? A hottie just saved me!" ang kaninang may bahid ng takot na kislap sa kaniyang mga mata ay napalitan ng kakaibang kislap. Kinabahan ako sa sinabi niyang iyon. Baka taga kabilang panig iyon!



"M— Mabait ba siya? B— Baka nagpapanggap lang i— iyon... Baka t— taga kabilang panig iyon..." uutal utal kong sabi at tinignan siya ng may pag aalala. Natawa naman siya sa akin na ipinagtaka ko.


"Do you know Clifford? Clifford Fabian? The youngest, strongest and hottest knight in Xenoa! Yieee!" tumili si Iaxah at bahagya pa akong sinundot. Kunot noo ko siyang tinignan na animo'y kinikilig.


"W— Why?" nagtataka niyang tanong nang mapansing nakatitig lang ako sa kaniya.


Ang laki nga ng ipinagbago niya... Hindi naman siya ganito noon, ah?


Umiling iling lang ako. "W- Wala,"


"So ayun na nga, he saved me and brought me into their palace. They took care of me and treated me like I'm not different from them," nangingiti niyang wika.


"You stayed there for three months?" tanong ko.



"Yes... I stayed there for two months without recognizing who I am, where I came from... everything! I lost my memories..." tumatango tangong aniya, may lungkot ang labas ng mukha. "Nung nakaraang buwan lang paunti unting bumalik... pero may kulang pa'rin," dagdag niya na ikinagulat ko.


"You... you what?!" hindi makapaniwala ko'ng sabi.


"I got a temporary amnesia," malungkot na sabi niya pa. Umupo siya sa kama at nilaro laro ang kaniyang mga daliring mapuputi at tila inukit mula sa kandila. "Bumalik naman na... pero... hindi ko maalala kung paano akong nakarating sa gitna ng gubat..." tiningala niya ako at binigyan ng isang ngiting tila ba nagsasabing ayos na siya at wala na dapat akong ipag alala pa. Hindi ako nakapagsalita. Nanatili akong nakatingin sa kaniya, pilit binabasa ang laman ng kaniyang isip.


For fuck's sake! I'm a fucking mind reader!


Sumasakit na ang sentido ko sa kakapilit na pasukin ang isip niya, pero wala talaga. Walang nangyayari. Nanghihina lang ako.


"Hey, are you okay?" nag aalalang tanong ni Iaxah nang makita ang ekspresyon sa aking mukha. I forced a smile.


"A— Ayos lang ako," napapalunok ko'ng sagot sa kaniya. Tinitigan niya pa ako na tila ba tinitimbang kung nagsasabi nga ba ako ng totoo, pero hindi na siya nagsalita. Nakahinga ako ng maluwag.


"P— Pupunta ka ba sa headmaster's office?" pagbasag ko sa sandaling katahimikang bumalot sa aming pagitan. Tiningala niya ako.


Ngumiti siya kapagkuwan. "Ah, yeah, pupunta ako. Samahan mo'ko, ah? Maliligo lang ako sandali tapos daan tayo sa cafeteria. I'm hungry."


Tinanguan ko siya. "Sige, maligo ka na. Bilisan mo, ah?!" pinandilatan ko siya, dahilan para matawa siya at ngingisi ngising kumuha ng damit sa closet niya at tuluyan nang pumasok sa banyo. Napabuntong hininga ako nang tuluyan niya nang mai-lock ang pinto ng banyo.


"Maganda naman yung ipinagbago niya, diba? Medyo hindi na siya maarte tapos mas naging madaldal siya," kunot noo ko'ng tanong sa sarili. I brushed my hair out of frustration. "Aisshhh! Bakit ko pa iniisip yun?! Dapat maging masaya nalang ako dahil nakabalik na siya!" pasigaw ko'ng bulong sa sarili saka tumalon pahiga sa kama. Damn, I miss this comfortable and soft bed of mine. Ngayon ko lang naramdaman ang pananakit ng mga kasukasuhan ko. Bwisit na misyon yun! Magkakanda pasa pasa pa ata ako, peste!











Iaxah's PoV


Nawala ang ngisi ko sa mga labi nang tuluyan na akong makapasok sa banyo. Napalitan ng pagtataka ang bukas ng aking mukha. What happened to her? Napailing iling nalang ako.

Pumailalim ako sa malamig na agos ng tubig na nagmumula sa shower habang inaalala ang mga araw na iginugol ko sa labas ng akademya. Takot na takot ako... pero hindi ko magawang humingi ng tulong. Samu't saring emosyon ang naramdaman ko noon... at lahat ng iyon ay negatibo.


Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga saka sinimulang sabunin ang aking katawan. I scrubbed my body and washed my silvery hair gently. Matapos ko'ng maligo ay humarap ako sa salamin sa banyo habang suot ang bathrobe ko. I studied my face. Hmm... my eyes is indeed tantalizing. Pinakatitigan ko naman ang buhok ko at wala sa sariling napangiti. It's beautiful.


Nagsimula na akong magbihis. I wore a plain white and simple deep V-neck jumpsuits, partnered with my white sandals. Lumabas na ako ng banyo at tumungo sa vanity mirror. Sinulyapan ko lang si Lhyre na nakahiga habang nakatitig sa kisame. I blow dry my silver white hair at hinayaan lang iyong nakalugay saka naglagay ng powder sa mukha. I brushed my brows and bit my lips to make it look more reddish as a smile drew across my lips. I'm satisfied with my looks. Tumayo na ako at nilapitan si Lhyre na nakatulala sa kisame. Kumunot ang noo ko. Kanina pa 'to, ah?


"Hey, Diana Lhyre Dizon. Tara na," pukaw ko sa kanyang naglalakbay na diwa. Napakurap kurap naman siya.


"T— Tapos ka na?" she asked. Tumango tango naman ako at nauna nang lumapit sa pinto pero hindi agad siya sumunod. Nilingon ko siya at nakitang nakatitig lang siya sa'kin.


"What?" mataray ko'ng tanong sa kaniya.


"N— Nothing... let's go,"


Bumuntong hininga ako at nauna nang lumabas, maya maya ay naramdaman ko na siyang naglalakad kasabay ko. "Sa cafeteria tayo una?" tanong niya at tumango naman ako bilang sagot.


Habang naglalakad kami patungo sa cafeteria, dinig na dinig ko ang mga bulungan ng mga estudyanteng aming nadaraanan.

"Nakabalik na pala talaga siya?" dinig kong tanong ng isang estudyante sa mga kasama niya.

"Yes, I heard may kasama siyang hot guy?" sagot naman nung isa na para ba'ng worm na nilagyan ng asin sa sobrang likot habang mahinang tumitili. Tsk.


Mabilis akong naglakad na agad namang sinundan ni Lhyre.


"Bilis mong maglakad. Gutom na gutom?" mahinang biro niya, dahilan para samaan ko siya ng tingin. Natigilan naman siya at agad na nag peace sign.


Papasok na kami sa cafeteria nang bigla akong matigilan sa babaeng bumungad sa'min.

"IAXAAAHHHH!!!!" nakaririnding tili ni Alissy Nice Villareal ang bumungad sa'kin kasabay ng kaniyang napakahigpit na yakap. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit!


"I— I can't b— breathe..." angil ko na pilit siyang inaalis mula sa pagkakayakap sa'kin. I forced a smile when she looked at me face to face. "Hi?" naiilang ko'ng bati sa kaniya— no, I mean, sa kanila pala, dahil lahat ng alphas ay nasa harapan ko kabilang na si Kalix Troy Dreyar, the PRO ALPHA!


"We missed you!" tili muli ni Alissy, tinignan ko silang lahat. The Montero siblings gave me a small smile, while Naomi, Razer, and Azrael nodded at me. Nilingon ko naman si Kalix na kanina pa nakatitig sa akin na hindi man lang natinag.


Maliit akong ngumiti saka tinanguan sila at uutal utal na sumagot. "I m— missed you g—guys, t— too."


"Let's eat together, shall we?" biglang aya ni Trisha na sinang ayunan nila. Napatango nalang ako at akma nang papasok kasabay nila nang bigla akong makarinig ng isa pang pamilyar na boses.


"Girrrllll! Iaxah, you're here!" maarteng ani Eric at bumeso beso pa sa akin. Napilitan naman akong ngumiti... muli. "So, what happened sa'yo sa labas ng school? Are you okay? Di ka ba nakuha ng mga—" hindi ko na siya pinatapos at bahagyang humarap sa kanya.


"I came here to eat. P- Pupunta naman ako sa Headmaster's Office pagkatapos. I'm sure you'll be there, you'll know every single details later." Natigilan si Eric, ngunit kalaunan ay napangiti rin.


"Ah yeah, let's go. Order na tayo,"






We ate silently. Paminsan minsan ay tinatanong nila kung okay na ba ako at sinasagot ko naman iyon ng isang tango at tipid na ngiti. Tanging si Alissy lang ang bumabasag sa katahimikang namamagitan sa pagitan naming lahat, pero kalaunan ay tumahimik na rin siya nang mapansing ilang na ilang  ang ambiance ng paligid.


Pagkatapos kong kumain ay agad na akong tumayo at binigyan sila ng isang pilit na ngiti. "I'm done. Mauuna na ako sa Headmaster's Office, baka hinihintay na ako ni Clifford doon."


"Clifford?!" gulat akong napatingin kay Kalix nang pasinghal niya iyong itinanong.


"Y— Yes, why?" taka kong tanong sa kaniya. Natigilan naman siya at agad na nag iwas ng tingin.


"N— Nothing," napatango tango nalang ako sa isinagot niya at tuluyan na silang tinalikuran matapos silang iwan ng isang ngiti— isang ngiting peke pero siguradong magmumukhang totoo at kapani paniwala.



I left the cafeteria and went into the Headmaster's Office, but this time, gone was the smile plastered on my face. Nanatili akong walang emosyon saka tuluyan nang pumasok sa loob ng HO. Naabutan ko doon si Clifford na nakaupo sa isa sa mga upuang nasa harap ng mesa mismo ng Headmaster at Headmistress ng paaralan na hindi ko nahagilap nang makapasok.


"Where are they?" I asked Clifford using my cold and emotionless voice.



"They're inside that room," sagot niya at inituro ang isang pinto malapit sa service area ng HO.



"Kanina pa?" tanong kong muli. Tumango naman siya bilang sagot at inialok sa akin ang isang upuan na katabi niya, na katabi mismo ng table ng headmaster. Umupo ako at isinandal ang likod sa malambot na sandalan.



"Kumain ka na ba?" pormal kong tanong sa kaniya habang nakatuon sa kisame ng opisina.


"Hindi pa po, k—" kusa siyang tumigil nang mapansin ang sarili at saka tumikhim. "Hindi pa, ikaw?" baling niya pa sa'kin. Bumuntong hininga ako at saka siya nilingon.


Pormal ko siyang sinagot. "Kakatapos lang, pero sasamahan kita mamaya sa cafeteria."


Ngumiti naman siya at tumango tango nang bumukas ang pinto kaya't sabay kaming napalingon doon ni Clifford. The Alphas together with Nathalia Tan, Eric Casquejo and Diana Lhyre Dizon. Natigilan pa sila nang makita kung sino ang kasama ko.



"H— Hello," bati ni Azrael kay Clifford na walang emosyong nakatingin sa kanila. Tumango naman si Clifford saka itinuon ang pansin sa isa pang pinto kung saan lumabas si Headmaster Cever. Wala ang kaniyang asawa.


"Oh, nandito na pala kayo," ngumiti sa Amin ang butihing headmaster.


"Hello po, headmaster Cev!" magiliw na bati ni Alissy sa headmaster, dahilan para mapangiti ito lalo.


"Hello to you, too, Princess Ali."


"Who is he?" napalingon kami kay Kalix na nakaupo sa upuang kaharap ng akin. nakatingin siya sa'kin ngunit ang hintuturo ay nakaturo kay Clifford na walang emosyong nakatingin sa headmaster.


"Uhm, Mr. Fabian, mind to introduce yourself?" nakangiting ani headmaster. Napatingin naman ako kay Clifford na kanina pa pala lumipat ang tingin sa akin. Bumuntong hininga ako dahilan para kunwari siyang maubo.


"I— ahm, I am Clifford Fabian from the Southwest part of Xenoa. One of the youngest and strongest fighter. I am no one's friend and no one's enemy, but this time, I will fight for Light University." pormal na pagpapakilala ni Clifford na sumulyap pa sa akin. Napangiti ako sa isip.


"C— Clifford Fabian?! A— Are you for real?" manghang tanong ni Sienne. Tumango naman si Clifford. "W— Wow... this is... this is one hell of a luck for me to meet you," nangingiting wika ni Sienne. Sinuklian naman siya ni Clifford ng isang pilit na ngiti.


"So, shall we start?" natuon namin ang aming atensyon sa headmaster nang magsalita ito. Bahagya pa akong nagulat nang makitang sa akin siya mismo nakatingin.


Now, I'm on the hot seat.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 100K 37
Presenting the story of ISHIKA MEHRA Whose innocence made the king bow down to her AND ABHIRAJ SINGH RATHORE Whose presence is enough to make the per...
131K 3.6K 25
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။
71.7K 3.6K 37
• Ranbir a cold hearted person , have a anger issue • Prachi a kind hearted person , the most stubborn girl both are different in their ways what w...
246K 7.3K 59
I could say this is one cliché story. A college girl died and transmigrated into an otome game she once played. Unfortunately she becomes the villain...