A Work of Art (Completed)

由 Priceless_smiles

17.7K 1.5K 230

更多

A Work of Art
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 28

285 28 4
由 Priceless_smiles

Chapter 28

Tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha ko habang hinihila niya palayo. Halos wala na akong makita dahil hindi ko mapunasan ang mga luha ko. Hawak niya ang isang kamay ko at hawak ko naman ang painting sa kabila.

"Rivers, bitiwan mo ako.."

Hindi niya ako pinakinggan at patuloy lang na hinila paalis doon.

Naaninag ko ang mga sasakyan sa paligid at na-realize na nasa basement na kami ng hotel.

"Saan mo ako dadalhin? Hindi ka pwedeng umalis dito.."

But then he just won't listen.

"Rivers!" sigaw ko.

He stopped abruptly because of that. Pilit ko namang binawi ang kamay ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko para lamang makita siyang galit na galit—hindi ko alam kung dahil sa akin, o sa nangyari, o dahil nasira ang party niya.

"Why did you come here?"

I looked at him in so much pain. "Bakit mo iyon sinabi sa kaniya?"

His jaw clenched as he looked away. "She should know.."

Muling pumatak ang mga luha ko. "You promised me! Nangako ka sa akin kaya ko sinabi sa'yo ang lahat! Nangako ka, nakalimutan mo naba?!"

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa malayo, nag-iigting ang panga at nagkakasalubong ang mga kilay.

"Oo nasaktan nila ako pero mahal ko si Casidy at hindi ko gustong masaktan din siya at mapahiya nang ganoon.." Iyak ko.

Parang nagpantig ang tenga niya at kinailangan niya akong lingunin para sumabog sa galit. "That's why they take advantage of you! You let them have their way to you! You let them manipulate you and use you! At hinayaan mong pagsalitaan ka niya ng masasakit na salita kanina?! Ni hindi mo man lang ipinagtanggol ang sarili mo?! Tumayo ka lang doon at hinayaan mo siyang pagsalitaan ka nang ganoon?!"

"Rivers, wala akong pakialam sa lahat ng 'yon. Hindi naman ako nagrereklamo! Hindi ako nagreklamo kahit kailan! At nangako ka! Nangako ka!" Hinampas ko ang balikat niya kasabay nang patuloy na pag-iyak ko. "Nangako ka sa akin na hindi mo sasabihin, na wala kang gagawin kung malaman mo!"

His jaw clenched repeatedly. Sinalo niya ang mga kamay ko at pinigilan ako. "Well, I'm sorry but I can't stand it. I can't stand it when people hurt you or take advantage of you. I promised you that I'll protect you and that won't stop even after you pushed me away."

Sinubukan kong bawiin ang braso ko pero hinila niya lang ako palapit. "Now tell me, why are you here?"

Humikbi ako at inalala ang dahilan ng pagpunta ko rito.

"I wanted to invite you but I decided to give you time. And I don't want you to be in a place where the Palmas are. But you're here now, huh? Aren't you really unfair? Kapag gusto mo akong puntahan, pwede, pero kapag ako ang pupunta sayo ay itataboy mo ako?"

I tried so hard to pull myself together. Ayokong mapunta ito sa ibang usapan. Nandito ako para makita siya pero nagsisisi ako dahil gulo lang naman ang dinala ko rito.

Ibinagsak ko sa dibdib niya ang painting na hawak ko. Nabitiwan niya ako dahil sa gulat nang sinalo iyon.

He looked at me in confusion. Pinanood ko siya nang unti-unti niyang pinunit ang papel na nakabalot sa painting. At nang tuluyang nakita kung ano iyon ay nag-angat siya muli ng tingin sa akin.

"I wanted to greet you personally. I wanted to give you this as a birthday gift. Kasi ito lang ang mabibigay kong kapalit ng lahat ng ginawa mo para sa akin. Iyon lang ang gusto ko, at kung alam ko lang na magkakaganito, sana hindi na ako nagpakita pa."

He looked at me unbelievably.

"I'm sorry if I ruined your party. I'm sorry if I hurt you. But this will be the last, Rivers. I'm sorry and.. happy birthday." I tried so hard to say it loud and clear until the very last word before I turned around to run away from him.

Pinigilan ko ang sariling lingunin siya sa takot na kung makita ko ang itsura niya ay baka bumalik ako at hindi na umalis pa.

I'm so bad for doing this to him on his birthday. At na-realize ko na sinira ko na nga ang Pasko niya at hindi pa ako nakunteto't sinira ko rin ang araw ng kaarawan niya.

I hope he forgives me someday. And if not..I hope he won't resent me for giving him this kind of heartbreak. I hope he meets someone else who can love him properly. I hope he meets a woman who is right for him.

Hindi ko na alam kung anong nangyari sa party niya pagkatapos. Sising-sisi ako na pumunta pa ako. At inasahan ko na rin ang mga panghuhusga na matatanggap ko sa school pagkatapos ng araw na iyon.

Pagpasok ko palang sa gate ay pinagtitinginan na ako ng mga estudyante sa hallway. Kitang-kita ko kung paano sila magbulungan at kahit hindi ko naririnig ay alam kong ako ang pinag-uusapan.

Yumuko ako at tahimik na naglakad patungo sa unang klase ko. Halos sabay-sabay akong nilingon ng mga kaklase pagpasok pero pinilit kong huwag na iyong pansinin. Umupo ako at tiniis ang lahat, sa pag-aakalang huhupa rin naman iyon pagdating ng professor. Pero kahit yata nasa kalagitnaan ng discussion ay nararamdaman ko ang paninitig ng mga kaklase ko at naririnig ang ilang bulungan.

"She ruined Rivers's birthday party. I heard that he didn't come back after he left with her."

"I can't believe that Rivers likes this girl."

"Yeah, right? She probably charmed him."

Kinagat ko nang mariin ang labi ko nang narinig iyon sa ikalawang klase ko sa umaga.

Lalong nadagdagan ang guilt na nararamdaman ko dahil sa narinig. Hindi na siya bumalik sa party pagkatapos kong umalis. And where did he go? Where did he spend the rest of his birthday? Ang sakit sakit ng puso ko. Halos wala akong maintindihan sa mga discussion dahil namamanhid na ako sa sakit.

"A, are you okay?"

Napakurap ako nang biglang nakita si Shaun sa harapan ko, hapon ng araw iyon.

Napatingin ako sa paligid at nakitang tapos na ang klase namin. Agad akong napaupo nang tuwid. Halos nawala sa isip ko na kaklase ko siya rito. Wala ako sa sarili buong araw.

He sighed before he sat beside me. Pinigilan niya ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa bag kaya napilitan akong tignan siya.

"I'm sorry that this is happening.."

Ang tagal ko siyang tinitigan. Akala ko galit din siya sa akin. Akala ko hindi na rin niya ako kakausapin.

"I'm sorry that I didn't reach out. Casidy is so broke, I didn't know what to do."

Malungkot akong ngumiti. "How is she? I'm so sorry, hindi ko sinasadya, Shaun. Hindi ko rin gusto ang mga nangyari.."

Umiling siya at pinunasan ang luha ko. Ni hindi ko alam na umiiyak na pala ako.

"It's not your fault. Please, don't blame yourself. Casidy will realize it soon. She treats you as her sister and I know she will eventually realize that what you have is bigger than what happened. Just give her time, she's hurting. Give yourself time too, please stop blaming yourself."

"How is she? I'm so sorry, hindi dapat iyon sinabi ni Rivers. He promised me he won't tell anyone. I'm so sorry.."

He sighed. "It's only right that she found out. Who knows what else can her parents do? They need to learn how to love her right. And..she's in our house. Hindi siya pumasok ngayon."

Kumunot ang noo ko. "She's in your house?"

Tumango siya. "She got mad at her parents after hearing what they did to you. She left their house that night."

Nagulat ako. "L-Lumayas siya?"

Huminga siya nang malalim at tumango. "Her parents know that she's in our house. I promise that I will take care of her so you should take care of yourself too, alright?"

Hindi ko napigilang lalong maiyak. Hindi ako makapaniwalang lumayas si Casidy dahil sa nalaman niya. Bakit ba nagkakagulo ang lahat dahil sa akin?

"I'm so sorry.. Kasalanan ko lahat.."

Umiling siya at tuluyan na akong niyakap. "Sshhh.. Everything will be alright, Amethyst."

I hope so.. I hope everything will be alright. But..what if not?

The days went on like that, and it all started to make a toll on me.

Nakakapangliit pala talaga ang ganito. Kahit saang sulok ng school ako magpunta ay pinagtitinginan ako. Halos ayaw ko nang mag-angat ng tingin habang naglalakad, halos ayaw ko na ngang tumuloy sa mga klase ko.

Ngayong alam ko na ang pakiramdam ni Casidy noong napahiya siya sa debut niya ay mas lalo ko lang naintindihan na may pinanggagalingan ang galit niya. I will probably keep on hating myself too, if I were in her position, baka hindi ko rin talaga kayang magpatawad.

"Hey! Can you guys stop staring at her?!" Napaigtad ako nang sinigawan ni Vira ang mga schoolmates namin na nakatingin habang naglalakad kami papunta sa headquarters.

Dalawang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin humuhupa ang issue. Nakasanayan ko nalang din ang pagtinginan sa hallway at sa klase, at maging ang makarinig ng mga bulungan sa locker at cafeteria. Na-realize kong matagal pa bago ito tuluyang mawala, kasi si Rivers ang involved dito at hindi lang naman siya simpleng estudyante. Everyone looks up to him, regardless of his background of being a playboy before, everyone still admires him, at kasama ako roon.

I admire how he's not forcing his way to me. I admire how he's letting me be, like how I wanted. And I admire how he keeps his promise to protect me.

Hindi lingid sa kaalaman ko kung paano tumatahimik ang mga estudyante sa pag-uusap tungkol sa akin at kung paano sila tumitigil sa pagtingin kapag nariyan siya sa malapit. Our eyes would always meet and he would still look at me gently. Despite what happened, he still protects me.

If we only didn't meet at the wrong place and time, maybe I would feel right to be beside him.

"Vira, relax.." Inakbayan ni Guile si Vira dahil naiirita nanaman ito sa mga tumitingin.

Huminga ako nang malalim at medyo na-guilty, kasi sa tuwing magkakasama kami ay nadadamay sila sa bulungan at tinginan ng ibang estudyante sa akin.

"Vira, ayos lang ako. Hayaan mo na sila."

Umirap siya. "Nakakairita kasi. It's all Rivers's fault, pero ikaw lang ang nagmukhang masama. He came to your life and everything became chaotic. Tapos siya, ayon mukhang okay lang?"

Umiling ako kasi alam ko namang hindi iyon ganoon. Maybe it's how they see it, but I think that's because he respects what I want.

Ngumiti ako sa kaniya para ipakitang ayos lang ako. "Ayos lang, huhupa rin ito. Makakalimutan din ito ng mga tao."

She looked at me and sighed.

"Pasensya na rin kung nadadamay kayo kapag kasama niyo ako.."

She chuckled. "I don't care if they will hate me too. Ang gusto ko ay matauhan sila at ma-realize na may kasalanan din si Rivers dito at hindi lang ikaw ang dapat na hinuhusgahan nila."

Masaya ako na kahit paano ay may mga nakakaintindi sa akin, lalong-lalo na ang taekwondo team. Masaya ako na naniwala sila sa mga sinabi ni Rivers, at alam nilang hindi ko rin naman ginusto ang lahat. Kung wala sila ay baka nga hindi ko na kinaya ang lahat ng ito.

Mabuti nalang din at naging abala kami ulit sa training para sa susunod na tournament. Kahit paano ay hindi ako nagkakaroon ng oras na mapag-isa at malungkot. Siguro nga ay magiging ganito nalang muna pansamantala, at sana ay maging maayos din ang lahat.

"It's late, Amethyst. Sa Mandaluyong ka pa, diba? I can drop you off to Buendia, para hindi kana mag-jeep," offer ni Clyde nang medyo late natapos ang training namin sa sumunod na linggo.

Tatanggi na sana ako dahil alam kong out of the way iyon sa kaniya, pero naunahan ako ni Vira na bigla nalang sumulpot sa likuran ko.

"Sure, Clyde! Nag-aalala din ako dahil malayo ang inuuwian ni Amethyst."

Huminga ako nang malalim at tumingin sa kaniya. "Vira.."

She rolled her eyes heavenwards. "Sumabay kana. It's for your own safety, Amethyst."

Tumango si Clyde at ngumiti nang tignan ko, kaya sa huli ay nahiya na rin akong tumanggi. At sa totoo lang ay sobrang laking tulong noon lalo't pagod na pagod ako mula sa puspusang training. Mababawasan ang oras ng byahe ko at hindi ako lalong gagabihin.

"Why don't you try to look for other apartments here in Makati?" tanong ni Clyde nang nasa byahe na kami.

"Uhm..mahal kasi ang mga rent na nakita ko rito."

"I can help you find cheaper ones. Ganoon din kasi kung sa Mandaluyong ka, ang matitipid mo sa pamasahe ay pwede mong ipunin at idagdag sa rent."

Tinignan ko siya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagiging conscious kapag may nag-ooffer ng tulong. O baka dahil iyon sa mga nangyayari ngayon? Ayaw ko nang magkaroon ng utang na loob kahit kanino, pakiramdam ko kasi ay magagamit nanaman ulit iyon sa akin.

Alam kong hindi ko dapat masamain kung concerned sila sa akin pero siguro tama nga ang kasabihang ang lahat ay may hangganan—maging ang mga tulong na tinatanggap ay dapat may hangganan.

"Magtitingin ako kapag may oras."

"I can accompany you, just tell me when—"

"H-Hindi na. Ayaw kong makaistorbo, at kaya ko naman." I tried so hard not to make it sound offending.

Mabuti nalang at tumango siya at mukhang hindi naman nga nag-isip nang ganoon.

"Thank you so much, Clyde. Mag-iingat ka," paalam ko bago tuluyang isinara ang pintuan ng kotse niya nang makababa na ako sa Buendia.

Hinintay kong makaalis siya at pagkatapos ay saka palang ako naglakad patungo sa MRT.

Mahirap ang mag-commute dito sa Maynila. Doble ang pagod ko kapag nakakauwi dahil madalas ay traffic pa bago ako makarating sa MRT. At kapag rush hour ay sobrang hirap pang makasakay. Kaya siguro nga ay tama naman ang suggestion ni Clyde.

Huminga ako nang malalim nang makababa sa tricycle. Nagbayad ako at nagpasalamat sa driver bago naglakad na papasok sa kanto patungong apartment.

Pagod na pagod na talaga ako at gusto ko nalang humiga at magpahinga, kaya lang ay naging alerto ako nang nakarinig ng mga tawanan mula sa malayong dulo ng kalsada.

Niyakap ko ang bag ko at medyo binilisan ang paglalakad. Alas diyes na ng gabi at sa mga lumipas na linggo ay palaging walang tao sa kalsada kapag umuuwi ako nang late, kaya medyo kinabahan ako ngayon, lalo nang natanaw na ang grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman sa daraanan ko at nakatingin na sa akin.

Yumuko ako at sumubok na makiraan nang nakalapit. Narinig kong pumito ang ilan pero hindi ko na pinansin dahil mas gusto kong makalayo na at makaalis.

Kaya lang ay humarang ang isang lalaki sa harapan ko kaya napilitan akong tumigil at mag-angat ng tingin.

"Bago ka dito, Miss?"

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang tumango ako.

"Ganda mo naman, Miss! Tambay ka muna dito," sabi naman ng isa.

Umiling ako at pinilit na ngumiti. "Sorry, maaga kasi ang pasok ko bukas. Makikiraan lang ako."

Nagtawanan ang mga kasama noong lalaki. "Hina mo naman pala, pre!"

Napalunok ako at medyo nagkaroon ng pagkakataon na tignan sila. Marami sila, higit sa sampu, kaya alam ko na hindi ko sila kaya kung magkakapilitan at pisikalan man.

"Sige na, Miss. O mag-shot ka nalang?"

Naghiyawan sila dahil doon. Lalo naman akong kinabahan.

"Uhm..h-hindi ako umiinom. Pasensya na.."

"Sayang naman, Miss. Kahit isa lang?"

Umatras ako sa nang umamba itong lalapit. "P-Pasensya na talaga pero kailangan ko nang umuwi. S-Sa susunod nalang.." Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko. Gusto ko nalang talagang makaalis at makalayo dahil sa sobrang takot.

At mabuti nalang din ay hinayaan nila ako.

"Sige, Miss, sabi mo 'yan ah?"

Hindi na ako nakapagsalita ulit at basta nalang akong umalis nang sa wakas ay pinadaan nila ako. Sobrang sakit ng dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko.

Ilang beses akong lumingon para tignan kung sinundan ba nila ako, at nang masigurong wala namang nakasunod ay pumasok na ako agad sa apartment at nag-lock ng pintuan.

Ni hindi ko namalayang nanginginig na ako. Ito ang unang beses na nakaranas ako nang ganoon dahil kahit sa probinsya ay wala namang ganoong klaseng mga tao.

Umupo ako sa kama at pilit pinakalma ang sarili. Naisip ko ang huling sinabi ko at napahilamos nalang ako ng palad sa mukha ko. Paano kung naroon sila ulit kapag dadaan ako?

Kailangan ko na nga siguro talagang lumipat. Hindi ko nalang iisipin ang binayad ko rito, ang mahalaga ay makalipat ako sa mas ligtas na lugar.

Naligo ako at nagbihis matapos kumalma at makapagpahinga. Saktong paglabas ko sa CR ay tumutunog ang cellphone ko dahil sa tawag mula kay Shaun. Sinagot ko iyon agad. Pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag dahil kahit paano ay may makakausap, kahit wala naman akong balak sabihin pa ang nangyari.

"Hello, Shaun?"

"Hi, how are you? Nakauwi kana?"

Tumango ako. "Uhm..oo. Bakit ka napatawag?"

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na tinawagan niya ako pagkatapos ng mga nangyari. He's been checking on me lately, at na-appreciate ko iyon, lalo na ngayon.

"I just want to check on you. I know things are very stressful lately."

Huminga ako nang malalim. "Ayos lang ako. Si Casi, kamusta?"

Pumapasok na si Casidy, pero hindi na kami madalas nagkikita dahil hindi na kami magkaklase sa sem na ito. Maging si Shaun ay hindi ko na kaklase, kaya naman sa tawag nalang din talaga kami nakakapag-usap.

Malaki ang Genesis University, at kung iniiwasan nila ako ay talagang hindi kami magkikita. Alam ko at naiintindihan ko naman iyon. Naiipit siya sa amin ni Casidy, pero nagpapasalamat ako kasi kinakausap niya pa rin ako.

"Casi's doing fine. Her parents finally convinced her to go home."

"Talaga?"

"Yes, so don't worry about her, okay? Just focus on your trainings and take care of yourself, A."

Ngumiti ako at tumango. "Thank you, Shaun.."

Nangilid ang mga luha ko. Takot na takot ako kanina pero kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Kinagat ko nang mariin ang labi ko para hindi ako tuluyang maiyak dahil ayaw ko namang mag-alala siya.

"Alright, I should hang up now so you can rest. Call me if you need anything, okay? Good night, Amethyst."

Ngumiti naman ako at nagpaalam na. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nakauwi na sa bahay nila si Casidy at sana ay maging okay na din sila ng parents niya. Iyon lang naman ang gusto kong mangyari. Hindi naman ako naghahangad na mapatawad niya agad dahil alam kong nasaktan talaga siya.

Pumatak ang mga luha ko pagkatapos ng tawag pero pinunasan ko rin iyon agad.

Magiging maayos din ang lahat, Amethyst..

"Gusto mo bang i-check sa apartment namin, Amethyst?"

Nilingon ko si Ate Janeth habang gumagawa ng mga orders, Lunes nang sumunod na linggo. Noong weekend kasi ay sinubukan kong maghanap sa Makati pero wala pa rin akong nakitang mura at nabanggit ko iyon sa kaniya.

"May tenant kasing umalis, baka gusto mong tignan."

"Sige, Ate. Kailan pwedeng pumunta?"

"Ikaw ang bahala, kung kailan ka pwede?"

Tumango ako. "Susubukan ko this week."

Tumango din naman siya. "Kung hindi ka lang busy, pero kung ako ang tatanungin mo, medyo mura naman doon kumpara sa ibang apartment dito. At mas malapit kaysa sa Mandaluyong."

Ngumiti naman ako at nabuhayan ng loob. Bago pa nakapagsalita ay narinig ko nang tumunog ang wind chime hudyat na may dumating na customer.

Lumingon ako agad sa counter at nagulat nang nakita si Shaun kasama si Casidy. Napakurap ako at hindi makapaniwalang napatitig kay Shaun. Anong ginagawa nila dito?

"Hi, A.." Ngumiti siya sa akin.

Nagpabalik-balik sa kanila ni Casi ang mga mata ko, nalilito kung bakit nandito sila ngayon. Sinabi niya ba kay Casi na nagtatrabaho ako dito?

"I'm sorry. I had to tell her that you're working here because she keeps on asking me to take her to you," he said like he can read me.

Napakurap naman ako. "H-Huh?"

Hindi ko maintindihan kung paano ito nangyayari ngayon. Lito kong tinignan si Casi, handa na sana sa galit niya pero hindi ako nakapagsalita nang lumapit siya.

"Can we talk? I'm here to apologize for everything, Amethyst."

Napakurap ako at muling napatingin kay Shaun. Ngumiti siya at tumango sa akin.

"Sige na, ako muna ang bahala dito, Amethyst." Hinawakan ni Ate Janeth ang balikat ko at itinulak ako palabas ng counter at patungo kina Shaun.

"U-Uhm.." Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Let's sit down."

Pareho kaming tahimik nang hinila kami ni Shaun patungo sa bakanteng table sa dulo. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko, hindi ko inaasahan 'to. Did he convince her to apologize to me? Pero ako dapat ang mag-sorry.

Casidy sighed and shot me an apologetic look. "I'm sorry for being a bitch. We've been friends for so long, I should have tried to listen to you and understand you."

Umiling ako. "Casi, kasalanan ko naman talaga ang nangyari.."

She shook her head and smiled sadly. "Rivers is right when he said that we're very far from each other. Because you can turn your back on the man you like, just for me. While I..I turned my back on you because of him."

Nangilid ang mga luha sa kaniyang mga mata. "And I'm so sorry for what my Mom did. Believe me, I was a wreck when I found out. I couldn't imagine how much it broke you and you couldn't tell me or even Shaun. I can't imagine how much pain you had to go through to keep it to yourself. I am your friend but I don't know anything. I'm really sorry.."

Hinawakan ko ang mga kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa. "Hindi mo naman kasalanan na mahal na mahal ka ng parents mo. At mahal din kita kaya pumayag ako. Mahalaga sa akin ang pagkakaibigan natin kaya palagi ko iyong pipiliin, Casi."

"And all I did was hate you.." Tuluyan na siyang naiyak kaya nangilid na rin ang mga luha ko.

"I should have been beside you, but because of a man, I turned my back on you."

Umiling ako at ngumiti. Pinunasan ko ang mga luha ko. "It's alright, Casi. Tapos na iyon.."

She cried even more. "You don't deserve any of these. I'm so sorry.."

Huminga ako nang malalim at tumayo para lumipat sa tabi niya at mayakap siya. Sobrang sakit ng iyak niya kaya hindi ko rin napigilan ang pagbuhos ng emosyon ko.

"I'm sorry din.. Hindi ko sinasadya, Casi. Pinigilan ko pero hindi ko kaya.." iyak ko.

Umatras siya at tinignan ako. "You shouldn't be sorry. You didn't do anything wrong. Ako ang may kasalanan. You got hate from the other students because of me."

"Pero—"

Ngumiti siya at pinunasan ang mga luha ko. "Rivers was never mine. I don't have the rights to act like how I did because he's right, he was never mine. He's yours, Amethyst, he said that infront of everyone, so that means he's yours."

**
Vote.Comment.Follow :'>

繼續閱讀

You'll Also Like

58.4K 2.1K 33
Casa Novia Series #2 Darius Salford is a policeman whose only passion is bumping girls, he dislikes girlfriends and only do flings. One of the things...
778K 26.7K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
42.1K 1.4K 43
Drago Antonio Legaspi's manwhore reputation is not a secret to Wayven. He's quite proud of it actually, and she hates it. She hates him for it. For t...
89.4K 2.2K 45
𝙵𝚊𝚕𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚂𝚎𝚛𝚒𝚎𝚜 #𝟸 𝙏𝙝𝙚 𝙀𝙣𝙜𝙞𝙣𝙚𝙚𝙧 Amara Vallerie Albrecht is a very smart, fashion terrorist, shy girl. Being insecure with he...