Cuts and Bruises

By kweenlheng

2.9K 205 73

This is a work of fiction. Please don't take the story seriously. If you aren't a fan of vicerylle, feel free... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4

Chapter 5

625 39 29
By kweenlheng

















"Dockside. 1 am."

It's been five hours since I received that message from Vice, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sigurado kung para sa akin 'to. Dockside? If that message was really for me, ano namang gagawin namin dun?

It's now 15 minutes before one and I already lost count kung ilang beses na nga ba akong nagpa-gulong gulong at nagpa-ikot ikot dito sa kama ko. Mabuti na lang din at mukhang mahimbing ang pagkakatulog nila Lassy at MC. Hindi ko na kakailanganing mag-isip nang maipapaliwanag sa kanila kung bakit hanggang ngayon e hindi pa ako nakakatulog.

Isang huling ikot, pagkatapos ay nagdesisyon na akong tumayo. I wore my favorite black beanie and before leaving the room ay nilingon ko muna ang mga kasama ko. They'd surely ask me in the morning kung ano'ng oras ako natulog. They actually waited for me. Hindi raw sila matutulog hangga't hindi nila nasisiguradong himbing ako, pero after thirty minutes— sila itong unang bumagsak. Hindi ko rin naman din sila masisisi. I know they're tired.

"Babalik ako agad," paalam ko sa kanila kahit alam ko naman na hindi nila ako maririnig.






































I found myself standing at the dockside. It's just 3 minutes away from the place na pinuntahan namin kanina na open lang from 9 am to 7 pm.

Hindi ito ang unang beses na nakarating ako sa Hong Kong, but it's the first time I've seen it this pretty, maybe because we used to visit the place during mornings and never tried it at nights.

Those lights coming from the buildings seem to be bouncing off the water. Nakakagaan ng pakiramdam. Para bang kahit paano'y nabawasan ang bigat na dinala ko buong araw.

"Coffee,"

I looked back and saw him walking towards me. He's holding two cups of coffee at nang makalapit ng tuluyan ay iniabot niya sa akin ang isa.

"Don't worry, non-dairy 'yung creamer niyan like what you used to order." walang kaemo-emosyon niyang dagdag.

Walang pagdadalawang isip kong tinanggap ang kapeng iniaalok niya sa akin. After getting it ay tinalikuran niya ako, pagkatapos ay dire-diretso siyang naglakad palayo.

"Sumunod ka sa akin. We can't stay and talk here. Gising pa sila Anne. Baka maisipan nilang bumaba, hindi nila tayo pwedeng makita nang magkasama."

That means— the message was really for me? It wasn't a wrong sent message.

Ako talaga ang pinapupunta niya rito sa dockside.

"Karylle," he called me out. "Bilisan mong maglakad."


















Author's POV

"Direk told me about your plan of leaving the show," Vice started.

Hindi naman na magtataka si Karylle kung bakit sinabi pa rin ng Direktor sa binata ang plano kahit hiniling niya ritong itago na lang sa lahat na aalis siya.

She smiled at the thought na ginusto siyang kausapin ni Vice about it, kahit hindi naman siya sigurado if he really cares about the plan o kung gusto lang niyang makitsismis.

They're both facing the water habang nakadantay ang mga braso sa railings.

"Si Direk talaga. I told him not to tell anyone," umiiling na sagot ng dalaga.

A few minutes of silence.

She actually prepared herself for this. Marami siyang gustong sabihin e. Marami siyang gustong itanong, pero ano ba'ng bago?

Heto't nauunahan nanaman siya ng takot at hiya.

"Do you think it would be fair for the hosts and the staffs kung aalis ka na lang nang walang paalam?" Vice added. Hindi niya tinapunan ng kahit anong tingin ang kaibigan(?) Nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa kawalan.

"Wala namang mababago kung aalis ako e," she answered. "And I don't think mapapansin pa nila kung bigla na lang akong mawawala."

"Tingin mo ba talaga, wala silang pakialam sa 'yo?"

She wanted to answer him yes.

Sa ilang taon niyang pamamalagi sa naturang show, ramdam niya ang unti-unting pagbabago ng pakikitungo sa kaniya ng lahat. She only felt the love and acceptance when she was introduced as the new added host— ngunit nang maglaon ang panahon at nagsimulang magsi-alisan ang mga naunang hosts na kasama nila, nagsimula na ring magbago ang lahat.

"I'm not gonna stop you from leaving, Karylle— but at least be fair sa mga taong maiiwan mo. Hindi nila deserve ang maiwan basta,"

"What a big word para sa taong matagal na ring naiwan," bulong ni Karylle sa isip.

Humigpit ang pagkakahawak ni Karylle sa kapeng tangan. Ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso maging ang pamamasa ng mga mata. She badly wants to cry, pero alam niyang hindi ito ang tamang oras para doon.

"Yeah, walang kahit na sino ang deserve maiwan." she murmured. "Pero bakit pagdating sa akin, parang okay lang?"

From the corner of her eyes, pansin ni Karylle ang paglingon sa kaniya ng kaibigan— and that stare just added weight to her chest.

Pakiramdam niya'y hindi siya naiintindihan ng mga tao sa paligid niya.

When will they see her? When will they understand her?

Lagi na lang bang siya ang mag-aadjust at iintindi?

Hanggang kailan?

"Excuse me?" Vice whispered.

"It's not always about physical detachment, Vice." she met his gaze. Saglit na nagkatitigan ang dalawa. She wanted to show him what she feels. "Leaving sometimes means taking a step back from what we used to have. It's a sense of loss."

Hindi nakalagpas sa paningin ni Karylle ang pag-igting ng mga panga ni Vice. 14 years, and she knows him really well. He's mad. Pero bakit siya pa ang galit? Shouldn't it be her?

"A lot has changed. From the show to our personal lives, ang dami nang nawala—

"I never heard that from anyone in the show. Ikaw lang ang nakakaramdam niyan," this time ay nagbawi ng tingin si Vice. "Walang nagbago, Karylle."

There.

He really doesn't see it at hinding hindi naman talaga niya makikita ang pagbabago dahil magkaiba sila.

Magkaibang magkaiba.

"Wala nga ba? E ano'ng nangyari sa 'tin?"

















Italicized words are flashbacks


















"Hoy, Vice? Ano na? Nganga? Kanina pa nasa sasakyan sila Vhong. Ano ba'ng ginagawa mo pa rito?"

"Waiting for Karylle,"

"Nasaan na ba 'yun?"

"Nasa CR."

"Susunod naman sa parking si Karylle. Mauna na tayo,"

"Mauna ka na, ngangabu. Walang kasabay si Kurba palabas. Hintayin ko na lang siya rito,"

"Bakla, iba na 'yan."

"Ang laki laki ng bunganga mo, ang dumi dumi ng utak mo."

"Nagtatalo nanaman ba kayo?" it was Karylle who just came out of the rest room. "Hindi talaga matatapos 'yung isang araw na hindi kayo nagbabangayan 'no?"

"Ito kasing si Anne, kung anu-ano iniisip."

"I'm sorry if it took me long, Eonnie. Biglang sumakit kasi 'yung tiyan ko."

"See? Tapos gusto mo pa akong paunahin sa sasakyan. Kung hindi ko hinintay si Karylle tapos may nangyari rito, paano na?"

"Ang OA, Vice. Masakit lang tiyan ko. Hindi ako mamamatay." Karylle said which made Anne laugh out loud.

"Walang kasing OA,"

"You should've just left. Pwede ka namang mauna sa parking, makakasunod naman ako."

"Hindi. Walang aalis. Walang maiiwan."














"You used to wait for me. Hindi ka aalis hangga't hindi ako kasama. Ngayon, you even planned an out of the country trip without me." Karylle added. "The funniest thing was, sinubukan mo pang itago sa akin."






















"Vice, baka mabash ako."

"Ilang taon ka nang artista, Karylle. Hindi ka pa sanay?"

"I've been bashed, pero hindi naman big time hates."

"Alam mo namang mabait 'yan si Karylle. Paano mababash 'yan?"

"Dali na, Kurba. Aarte lang kayo ng kalokalike ni Dingdong."

"Natatakot ako,"

"Ako'ng bahala sa 'yo. I got you, K. Mumurahin ko lahat ng bashers mo. Hindi makakapalag sa akin 'yan,"




















"You used to assure me na I wasn't alone and that you'd stand by me—— pero bakit hindi ko na 'yon maramdaman? Bakit pakiramdam ko, mag-isa na lang ako ngayon?"

She just never talked and complained about it, pero pagod na pagod na siya sa kaliwa't kanang batikos ng mga tao sa kaniya. She could remember netizens calling her out for not speaking regarding the alleged tumult between her and Vice.

People called her user, worthless, laos— some even dug up her past with her ex-boyfriend.

Hindi na niya alam kung paano siya kikilos.

Hindi niya alam kung paano pa siya haharap sa mga tao, knowing na wala rin namang makakaintindi at titindig para sa kaniya.























"Teka, sino'ng partner ko sa Sine Mo 'To?"

"Guest si Kaye para makapagpromote ng teleserye,"

"May teleserye si K?"

"No, I mean— Kaye Abad."

"So siya ang partner ko today?"

"Yes, Vice."

"Si Karylle?"

"Hindi siya lalabas today sa SMT. Tomorrow na lang siguro siya since goal natin today ang makapagpromote,"

"Isingit niyo si Karylle sa story,"

"Vice, 5 minutes na lang. Hindi na natin marerevise 'yung flow."

"Writers kayo, diba? Gawan niyo ng paraan. May mga naghihintay kay Karylle,"




















"You used to always include me in everything, pero bakit ngayon— pakiramdam ko, kahit makita ako, hindi mo na gusto?"




























"Vice, is it okay if kayo pa rin ni Karylle ang focus sa Sine Mo 'To? Ang dami kasing nag-aabang..."

"Ate Ruth, no need to ask for my pemission. Okay lang naman. Walang problema,"

"Baka kasi pagod na kayo. Next week, pwede naman nating ibigay muna kila Vhong at Anne 'yung story."

"Tinanong niyo ba si Karylle kung okay lang sa kaniya na kami pa rin ang magkapartner?"

"I asked her kanina bago ako pumunta rito,"

"And what did she say?"

"Okay lang naman daw as long as ikaw ang kasama niya,"

"Then, go. Sa amin pa rin 'tong story this week."

"Sigurado kayo ha?"

"Ate Ruth, it's work— and si Karylle naman 'yun. Aarte pa ba ako?"




















"Vice, change of plans..."

"Yes, Ate Ruth?"

"Direk agreed sa whole week guesting ni Bela and siya ang nilagay na co-host niyo sa Mini Miss Ü and TNT."

"Sino ang mawawalan ng expo?"

"Karylle gave way for her,"

"Karylle shouldn't be replaced. Main host 'yun ah,"

"Hindi naman siya totally pinalitan. Nag-give way lang siya for Bela since she has a new movie to promote,"

"Just because she has a movie to promote, kailangang mag-give way ni Karylle?"

"She agreed to it,"

"Hindi, Ate Ruth. Di bale nang magmukha kaming sardinas sa stage pero hindi kailangang mag-give way ni Karylle."

"Pero kasi, si Direk na ang nagsabi nito."

"I'll talk to Direk. Pwedeng magpromote si Bela, but that does not mean aalisin natin kay Karylle 'yung spot niya."

"It's just for this week,"

"Kahit pa ilang segundo lang 'yan— sasampa si Karylle sa stage. Kakausapin ko si Direk,"






















"Vice, Ruth told me about your refusal of removing Karylle sa segments for this week."

"Yes, Direk. I just find it really unfair for her. Hindi naman yata kailangang alisan siya ng segment para makapagpromote si Bela."

"Alam mo namang may blockings diba?"

"Then we can send the hosts on stage alternately. Gawin nating per contender."

"Vice, Karylle already agreed to it."

"Of course she would agree to it dahil wala naman siyang choice, but to say yes. You know how passionate she is when it comes to work and you know how kind of a person she is kaya kahit anong tanong ang gawin mo, she would always say yes."
























"You used to consider my feelings and my opinions," Karylle added. "Hindi ka papayag sa mga sudden changes, lalo na kung ako ang mawawalan."

She may have not said it in the past, but she do appreciates everything he does for her— even if it means, opposing their Director's plans.

"Pero bakit ngayon, halos ipagtabuyan mo na ako palayo? You even suggested na magresign na lang ako— for what? Para hindi ka na mahirapan? Para wala nang bigat sa dibdib mo?"





































"Vice, hanggang kailan ba kayo ganito ni Karylle?"

"Pwede ba, Anne? I don't have time for this. Marami pa akong kailangang gawin. If you don't have anything important to say, makakalabas ka na."

"It's been almost a decade. Hanggang ngayon ba naman, may tinik pa rin diyan sa dibdib mo?"

"At tingin mo ba, ginusto ko 'tong tinik na 'to? Sabihin mo nga sa akin, Anne— kung ikaw ang nasa posisyon ko, makakaya mo ba'ng magpatawad agad?"

"Vice, ilang taon na kayong magkaibigan ni Karylle. Do you really think those words would come out of her mouth?"

"'Yun na nga ang problema, Anne e. Matagal ko nang kilala si Karylle pero hindi ko ineexpect na masasabi niya 'yon. Really? Dahil bakla ako?"

"Oh, Lord."

"Alam mo, maiintindihan ko naman sana e— but the fact na mas pinili niyang umiwas kesa ipagtanggol ako? Sobrang duwag nun, Anne. Sobrang duwag ng babaeng 'yon."

"Vice..."

"Kasi I can do everything for her. I can defend her. I can stand by her— pero pagkatapos nang nangyari, I realized that it's not what she deserves. She doesn't deserve the same energy I was giving her."




























"Sorry kung hindi ako kasing tapang mo," she continued. "Sorry kung hindi sapat 'yung lakas ng loob ko to defend you. Baka nga tama ka, hindi ko deserve lahat ng ipinapakita mo. I don't deserve the same energy you're giving me."

Vice was obviously shocked nang marinig ang sinabing iyon ni Karylle. Did she hear the conversation he had with Anne that afternoon?

"Kaya nga I decided to just leave as it would benefit both of us. Hindi na kita masasaktan at maaalis na lahat ng tinik sa dibdib mo— kahit sa ganitong paraan man lang, makabawi ako sa pagiging duwag ko."

Hindi na mabilang ni Karylle kung ilang beses na bang nag-iwas ng tingin si Vice. He probably knew all these changes as he was part of it, ngunit mas pinili niyang huwag na lamang umimik.

"Don't worry, I'll make sure na masasabi ko sa mga hosts and staffs 'yung pag-alis ko." Karylle tried to hide the pain behind her smile. "You're right, hindi nila deserve ang maiwan kaya pagbalik na pagkabalik natin sa Pilipinas, I'll tell them."
















"And you, Vice— I know it would no longer matter, but like what I told you the first time we met, I'll always be——

"Kung sa tingin mo, makokonsensya ako sa mga sinasabi mo, nagkakamali ka. I came here to confirm your resignation and not to listen to your goodbye messages. Keep it to yourself, Karylle. Hindi ko kailangan."

That made her stop from speaking.

She knows how straight-forward he is, but she didn't expect na he'd be this vocal towards her.

Meron pa palang mas sasakit sa silent treatment.

"I know, you'll do good. Magaling kang artista, Karylle. Don't waste your chance to grow. Huwag kang mag-alala. Hindi rin naman kita pipigilang umalis," he added. "Good luck."

And with that, he left her— numbing in pain.

Continue Reading

You'll Also Like

138K 15.7K 22
"𝙏𝙤𝙪𝙘𝙝 𝙮𝙤𝙪𝙧𝙨𝙚𝙡𝙛, 𝙜𝙞𝙧𝙡. 𝙄 𝙬𝙖𝙣𝙣𝙖 𝙨𝙚𝙚 𝙞𝙩" Mr Jeon's word lingered on my skin and ignited me. The feeling that comes when yo...
1.1M 19.3K 132
requests (open) walker scobell imagines AND preferences :) -- #1 - riordan (04.30.24) #1 - leenascobell (05.29.24) #2 - adamreed (04.30.24) #2 - momo...
202K 7.1K 97
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
72.9K 2.9K 24
Noah always believed her and Lando were forever, but when he ended things with her to further his racing career it left her heartbroken and alone. I...