The Muse in Distress

By sacchariferousdreams

291K 6.2K 934

Baby, sometimes love and.. sex are not enough. ~~ Muse Series 2 ** May group na rin po pala ako sa facebook... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 33

3.9K 106 37
By sacchariferousdreams

Chapter 33

Hindi ko pa rin magawang idilat ang mga mata ko dahil sa sobrang sakit ng ulo. Binigyan na nga ako ni Kleir ng ice bag para itapat sa sintido ko pero wala pa ring epekto. Binibiyak pa rin sa sorbang sakit ang ulo. Bwisit na hang over.

"Ano? Pulang kabayo pa?" tinaasan ako ng kilay ni Kleir matapos nyang maglapag ng isang tasang kape sa harapan ko.

"Kleir, pwede ba?" inismiran ko sya saka patuloy pa rin sa paghilot ng ice bag sa ulo ko.

"Kasi naman girl, matapos mong uminom ng hard kagabi hindi ka pa nakuntento. Ilang mucho nga ba ng red horse ang ininom mo? Pati ako hindi ko na maalala," umupo si Kleir sa katapat kong upuan.

"I don't know, and I don't care. Pwede bang matulog na lang ulit ako?" umamba na akong patayo nang bigla akong hawakan ni Kleir sa aking braso. Hinigit nya ako ulit paupo.

"Rovainn ano ka ba? Wala ka bang balak gawin sa buhay mo ngayon araw kundi ang matulog? Hindi matatapos ang problema mo n'yan, hindi rin mawawala n'yan ang sakit na nararamdaman mo at mas lalong hindi magbabago ang lahat pagkagising mo," sermon nya sa akin.

Isang beses kong tiningnan ang mukha ni Kleir pero inirapan ko sya at muli akong sumubok na tumayo. Ngunit hinigit nya lang ulit ako pabalik sa upuan.

"Rovainn! Hindi maaayos ang lahat kung matutulog ka lang dito sa apartment ko, harapin mo ang problema. Tanggapin mo na ang nangyari, harapin mo sila at ayusin nyo kung maayos nya pa. Kung hindi man, magpakatatag ka para sa mga anak mo. Ewan ko nga ba sa'yo kung bakit nandito ka e, may mga anak ka na dapat mong inaalagaan ngayon," umiling-iling si Kleir at bumaling sa kanyang kape. Ramdam ko ang pagkadismaya nya sa akin dahil sa inaasal ko ngayon.

She's right. Kleir's right. Bakit nga ba hindi ko naisip ang mga anak ko kagabi habang diretso kong iniinom ang mga alak na dala ko dito sa bahay ni Kleir. Bakit nga ba imbes na sa mansyon ako umuwi ay mas pinili kong dito sa kanya magpalipas ng gabi at ng sama ng loob.

I was so wasted. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko rin alam kung anong gagawin ko. Nakakabaliw, nakakasalit ng ulo, nakakawasak ng pagkatao.

I bought some liquors at dito ako nagtungo sa apartment ni Kleir. Mainit nya akong tinanggap kahit na mukha akong ginahasa noong tumambad ako sa harapan nya. Nagpabili pa nga ako sa kanya noon ng beer kahit na lango na lango na ako at halos gumapang na sa sahig. Dahil kung hindi sya papayag, aalis talaga ako ng apartment nya para uminom sa ibang lugar. At iyon ang ayaw ni Kleir, pinabayaan nya ako sa paglalasing ko kahit na ayaw nya. At least daw alam nyang safe ako dahil kasama ko sya.

My babies. Namiss ko sila bigla. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na umiyak.

"Girl.." mabilis na tumayo si Kleir at dinaluhan ako. Hinimas-himas nya ang likuran ko habang umiiyak ako sa braso nya.

Naiinis ako sa sarili ko dahil ganito ako ngayon. I hate it dahil nagiging selfish ako, hindi ko naiisip ang mga anak ko na naghihintay sa akin. But what will I do? Ang hirap-hirap ng sitwasyon ko ngayon. Ni hindi ko na nga alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Ni hindi ko na rin magawang magisip pa ng tama dahil lutang pa rin ako. Pinaghalong problema na at epekto ng alak ang namumutawi sa isipan ko.

Paano ko maayos ang bagay-bagay kung maging ako ay wasak na wasak na?

Patuloy pa rin sa pagcomfort sa akin si Kleir nang biglang may kumatok sa pintuan ng apartment nya.

Tinapik ako ni Kleir sa braso ko saka sya nagtungo sa may pintuan, pinagbuksan nya ang taong nasa labas.

"Rovy," lumingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Kuya Gid.

"Sorry. Hinahanap ka kasi nila kagabi pa, tumanggi ako. Pero kanina tumawag ulit sila, sinabi ko na ang totoo," napayuko si Kleir matapos nyang sabihin iyon.

Napahagulgol ako at napatayo sa aking kinauupuan, tumakbo ako papunta kay Kuya Gideon.

Niyakap ako ni Kuya at hinimas-himas sa aking buhok.

"It's okay, maayos din ang lahat. Alam na nila sa mansyon ang nangyari," natigilan ako at tiningnan ko si Kuya Gideon.

"How did they knew?" napakunot ang noo ko pagkasabi noon sa kanya.

"He went to our house last night, hinahanap ka. Dad showed up, Paraiso said sorry and all. But you know our Dad, hindi sya nadadaan sa ganun. Early this morning bago ako umalis, kaaalis lang ni Paraiso sa mansyon. Tingin ko sa labas sya ng gate nagpalipas ng magdamag," muli akong naiyak sa aking narinig.

Now I'm confused. Ano kayang nangyari?

Sumama na rin ako kay Kuya Gideon pauwi sa mansyon noong umagang iyon. I said thank you to Kleir para sa pagtanggap sa akin, she said sorry and she's always on my side kahit anong mangyari. Magpakatatag daw ako at 'wag basta-basta susuko dahil may dalawa akong anak na dapat alagaan at mahalin.

Pagdating sa mansyon. Nakahalera sa sofa ang buong pamilya ko. Dad with Mom on his side, Roviann on Mom's left. Malungkot ang rehistro ng mukha ni Mommy at Roviann, pero si Daddy nakakatakot na ang expression ng mukha.

"Where have you been? Bakit hindi ka na lang dito sa mansyon umuwi? Nasaktan ka na but you still chose to mess up," singhal sa akin ni Daddy pagkapasok na pagkapasok ko sa pintuan ng aming bahay.

"Dad, she's tired," prinotektahan ako ni Kuya Gideon at agad na tinago sa kanyang likuran.

"Gideon, 'wag kang sumawsaw sa usapan. Umalis ka d'yan at tumabi ka kay Roviann," boses ni Daddy ang umalingawngaw sa living room ng aming mansyon.

Here we go again. Akala ko tapos na ako sa ganitong stage kay Dad, hindi pa rin pala. Wala na akong nagawa kundi ang yumuko. Pinipilit na lakasan ang loob sa pamamagitan ng pagbuntong hininga. Pero walang epekto, ang bigat-bigat pa rin sa pakiramdaman.

Umalis si Kuya Gideon sa aking tabi at lumipat kay Roviann. Wala naman kasi syang magagawa, kilala namin pare-pareho si Daddy. This is not the first time na mayroong ganitong scenario sa bahay, it happened before. Dahil din sa pagmamahal ko kay Paraiso. And now, we are going back.

"Pinagbigyan kita sa gusto mo noon Rovainn. For the sake of your children, for the sake of your family. But you know what? Hindi na ako nabigla na mangyayari ito. Simula pa lang, wala na akong tiwala sa lalaking 'yan. That's the reason kung bakit sinama kita noon sa Germany. Maswerte lang sya at nagkaanak kayo kaya nagbago ang isip ko. Pero ngayon? Wala na akong natitirang tiwala sa lalaking 'yan," nagsimula na si Daddy sa kanyang sermon sa akin. Wala ni isa ang gumagalaw, wala ni isa ang gustong kumontra sa kanya kahit ako.

"Be thankful Darling, hindi kita hinayaang magpakasal sa walang kwentang lalaki na iyon. You kept on asking me before about your wedding, pero ni minsan hindi ako pumayag hindi ba? You have my surname, you're a Starr. Kahit saan ka magpunta, malaki ang impact ng apelyido mo pero hindi ko 'yon inintindi. Wala akong pakialam kahit na masira ang apelyido ko dahil lang sa nabuntis ang anak ko nang hindi pa kasal. Noon ko lang naisip na wala na akong pakialam sa apelyido ko, 'wag mo lang palitan 'yan ng apelyido nang lalaking iyon. Mas mahalaga ang future mo Darling, ayokong itali mo ang sarili mo sa lalaking sasaktan ka lang, sa lalaking hindi makakapagbigay ng magandang buhay sa'yo. See? Tama ako hindi ba?" I started crying again.

Dapat nga akong magpasalamat kay Daddy, tama sya na pinigilan nya akong magpakasal kay Paraiso. Mabuti na lang nakinig ako sa payo nya at sa kagustuhan nyang 'wag muna ako magpakasal. Now I fully understand his side. Dati gustong-gusto ko na talagang suwayin si Daddy, noong mga panahong in love na in love ako kay Paraiso dahil kababalik ko lang galing Germany. It's not that I'm not in love with him anymore, ngayon kasi puro hinanakit na lang ang nadudulot ng pagmamahal ko sa kanya.

"Thank you Dad.. And I'm sorry.." I cried, out loud. Hindi ko na kayang magsalita pa, hindi ko na kayang dugtungan pa ang paghingi ng tawad. I know my fault, it was all because of love.

"Oh Darling," sinapo ako ni Mommy dahil muntikan na akong matumba sa pagkakatayo.

She hugged me, at naramdaman ko rin ang pagbaba-taas ng kanyang dibdib, umiiyak na rin sya.

Sumunod na rin si Roviann at Kuya Gideon. Dinaluhan na rin nila ako hanggang si Daddy na ang humimas sa ulo ko.

"Everything will be fine, trust me Darling. Hindi ka pababayaan ni Daddy," kumalas si Mommy sa pagkakayakap sa akin. Dad opened his arms widely, niyakap ko sya ng mahigpit.

I missed my family. Sa kabila nang mga problema ko, nandito pa rin sila sa tabi ko. Sa kabila nang mga sakit sa ulo na binigay ko sa kanila, hindi pa rin nila ako pinapabayaan. And I thank them for that. Talagang at the end of the day, pamilya mo pa rin ang dadamay sa'yo no matter what.

Hinatid nila ako sa kwarto ko sa mansyon. I felt so weak. Kama agad ang pinuntahan ko noong makapasok ako sa loob ng aking kwarto.

Ang dami na namang kung anu-anong bagay ang pumapasok sa isipan ko the moment na magisa na lang ulit ako. Kasabay ng aking paghiga ay ang mga luha na muli na namang lumalabas sa aking mga mata. Hindi na ba ako titigil sa pagiyak? Hindi na ba ako titigil na masaktan?

Naalala ko bigla si Paraiso. Ang sakit-sakit nang dinulot nya sa puso ko. Ang sakit-sakit to the point na suko na akong makaramdam pa ulit ng sakit. Parang mas mabuti pang hindi na mabuhay kung ganito lang naman ang mararamdaman.

Kinagabihan, muli na namang naalarma ang buong mansyon. Si Paraiso daw nasa labas na naman, nagpupumilit na makausap ako o kaya naman ay makita ang mga anak namin. Hello? Ako nga hindi ko ulit masulyapan man lang ang mga anak namin, sya pa kaya?

Wala siguro ang parents ko dahil walang kahit anong senyales ang nanggagaling sa kanila.

Hindi ako bumangon, tulala lang akong nakatingin sa ceiling ng aking kwarto kahit pa ilang beses na akong pinasok ni Roviann para sabihin ang tungkol kay Paraiso. Imbes na tingnan o kausapin ang kapatid ko, mas minabuti kong talikuran sya at humarap sa kabilang side ng kwarto kung saan hindi ko makikita ang pintuan. Nagtalukbong ako sa ilalim ng kumot at duon muling umiyak. Walang nagawa si Roviann kundi ang isara ang pintuan ng aking kwarto at umalis.

As much as I wanted to talk to him, hindi ko ginawa. Hindi ko pa sya kayang harapin, hindi ko pa sya kayang kausapin. Hindi ko pa kayang makita sya ulit. Maybe soon, but not now. Masyado pang klaro sa isipan ko lahat ng nakita ko sa aming bahay, masyado pang sariwa ang sugat na binigay nila sa puso ko.

All I did was to be good, to be nice to them. Pero anong binigay nila sa akin pabalik? Sakit at pait ng katotohanang niloko nila ako. What a surprise.

Ilang araw pa ang lumipas pero paulit-ulit lang ang scenario dito sa mansyon. Hindi ako lumalabas ng aking kwarto masyado, nakahiga lang ako sa kama at umiiyak. Muling nag-hire si Mommy ng nurse para sa kambal kahit na madalas ko naman silang alagaan at laruin. Mas mabuti na raw na may tutok na nagaalaga sa kanila, alam kasi ni Mommy na hindi ko pa kayang magfocus sa kanila. Baka mapabayaan ko lang sila kapag hindi na naman ako okay.

Hindi rin nawawalan ng pagasa si Paraiso. Gabi-gabi pa rin syang sumisigaw sa may gate ng mansyon para payagang makausap ako, may mga times na si Daddy ang humaharap sa kanya kapag nandito sya. Pero kapag wala ang pamilya ko, kusa rin namang umuuwi si Paraiso kinabukasan.

Kung tutuusin nakakaawa si Paraiso, lalo na noong isang beses na umulan. Hindi sya umalis sa may gate namin kahit halos sipunin na siguro sya. Hinayaan nya ang sarili nya na maligo sa malamig na buhos ng ulan. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang lumabas para harapin sya. Galit ako sa kanya dahil sinaktan nya ako, kaya hindi ko sya kakausapin hanggat hindi lumilipas ang sama ng loob na nararamdaman ko.

"We want to bring your kids to Germany, Darling," natigilan ako sa pagtusok sa ham isang umaga habang nagaalmusal kami sa hapag.

Mabilis akong napatingin kay Mommy.

"No Mom, hindi ako papayag. And wala pang papers ang kambal, they can't come," pagtutol ko.

"Actually everything's under control, we already fixed their papers. All you have to do is to agree and we'll have their tickets tomorrow," Dad said after taking his coffee.

"Mom? Dad? You decided without my consent? I'm their mother, you should have asked me first," inis kong binitawan ang hawak kong tinidor.

Nawalan ako ng gana kumain.

Mom searched for my hand, hinawakan nya ito at marahang pinisil bago magsalita.

"Darling, we are leaving within two days. We want to go with the twins, hindi naman kami magtatagal duon ng Daddy mo. And kapag sinabi mong gusto mo nang umuwi ang kambal, we will go home. Iniisip ka lang namin, mas makakabuti siguro ngayon sa pagmomove on mo kung focus ka muna sa sarili mo. We will take extra care of your children, apo namin sila at anak ka namin. Hindi kami papayag ng Daddy mo na isa man sa inyo ang masaktan ulit," hindi ko napigilan na tingnan si Mommy, nangungusap ang mga titig nya.

Maybe she's right. Mas makakapagfocus ako sa pagmomove on kung wala muna akong iintindihin. Sigurado din naman ako na hindi nila pababayaan ang mga anak ko. I know my Mom, she loves my children and she loves me too.

Tama nga sigurong pumayag muna ako sa gusto nila, ipapaubaya ko muna sa kanila ang pagaalaga sa mga anghel ko.

"Okay, you can bring them to Germany. But once na tumawag ako at gusto ko na silang umuwi, uuwi sila dito kasama kayo," ngumiti si Mommy nang napakalaki dahil sa sinabi ko.

Dad agreed and patted my hand. All I did was to smile, a bit.

Check up ng kambal ngayon, kahit na masama ang pakiramdam ko at ayoko pang lumabas ay napilitan akong magayos. Kasama ang nurse na kinuha ni Mommy ay nagpunta kami sa ospital para sa check up.

Everything is fine with them, kayang-kaya na rin nila ang lagpas twelve hours na flight according to their pediatrician. Masaya ang mga anak ko lalo na't konting buwan na lang ay isang taon na sila. Walang tigil kung bumungisngis si Paradise kapag nilalaro sya ng kahit na sino, now I have a worry na pwede syang kunin ng kahit sino na hindi nya kilala. Si Paradiso naman ay masungit sa ibang tao, kahit si nurse nga nya ay hindi pa rin palagay ang kanyang loob kaya ako ang kumarga sa kanya noong nasa sasakyan kami.

After check up ay may nakita akong pamilyar na babae sa hall way ng ospital. Nagkasalubong kaming dalawa at natigilan sya nang magtama ang mga tingin naming dalawa.

Ngayon na nga lang ulit ako lumabas ng mansyon, sya pa ang nakita ko. Kapag minamalas ka nga naman.

"So what are you doing here in my building?" pagtataray ko kay Lyla.

"Please Rovainn, 'wag dito," nagmakaawa sya, she even held my hand para huminto ako sa maaari ko pang gawin.

"Okay," buong tapang kong sabi.

Pinaubaya ko muna sa nurse ang dalawa kong anak, mabuti na lang nakastrollers sila kaya pinaassist ko na lang sya sa ibang nurse na kilala kami. Pinauna ko na sila sa sasakyan.

Nagpunta kami ni Lyla sa isang private room ng ospital. Pinabuksan ko iyon sa isang operations head ng ospital.

Kahit galit ako, pinigilan ko ang sarili ko na ambahan agad ng sampal si Lyla. Wala ako sa bahay namin, ayokong masira ng tuluyan ang pangalan namin dahil sa isang low class na babae.

"Alam kong mali ang ginawa namin ni Paraiso, 'wag mo syang sisihin na nagustuhan nya ako. Kinailangan ko lang sya, ayokong iwan nya ako, ayokong mawala sya sa akin. Sorry kasi hindi ko sya kayang mawala sa akin, Rovainn hindi ko kaya," mabilis na bumuhos ang napakaraming mga luha mula sa mga mata ni Lyla.

She loves Paraiso, at ang sakit-sakit sa aking marinig na hindi nya kayang mawala ang lalaking pinakamamahal ko.

"So what do you want me to do?" mabigat sa damdamin, pero mas bumibigat pa lalo ito habang nasa harapan ko si Lyla.

"Akin na lang sya, Rovainn. Hindi naman kayo kasal e.. Mayaman ka, kaya mong buhayin ang mga anak mo kahit wala si Paraiso," napahawak na si Lyla sa kamay ko at mabilis ko iyong hinawi.

Natawa ako ng sarkastiko dahil sa sinabi nya. Gumapang ang mainit na dugo sa katawan ko at parang nangati bigla ang mga palad ko, gusto kong manampal ng wala sa oras.

"Alam mo bang pwera sa pangalan mo, 'yan ang isa pa sa walang kakwenta-kwentang salita na narinig ko sa buong buhay ko?" naguumapaw sa galit na sabi ko sa kanya.

"Please Rovainn.. makakahanap ka pa ng iba lalo na't mayaman kayo, maimpluwensya ang pamilya," nakayuko na si Lyla ngayon habang umiiyak.

Lalo akong nainis sa kanya at dahil duon, namuo ang mga bwisit na luha sa aking mga mata. May isang patak na syang kumawala, pero agad ko iyong pinunas.

"Pwede ba? 'Wag mong idamay kung ano ang mayroon ako. At bakit ba nagmamakaawa ka sa akin ha?" lumalakas na ang boses ko pero sinusubukan ko pa ring kumalma.

"Dahil buntis ako, si Paraiso ang ama!" sigaw ni Lyla.

Para bang huminto ang oras, natulala ako sa aking narinig. Nabarahan ang lalamunan ko at mas lalong bumigat ang nararamdaman ko sa aking dibdib. Isa lang ang direksyon ng tingin ko pero mabilis nang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Naiyak na ako, pareho na kaming umiiyak ni Lyla.

Nanginginig akong tumayo sa aking kinauupuan at naglakad na ako papalabas ng private room na iyon. Nilalakasan ko ang loob ko na hindi magmukhang kawawa sa paningin ng ibang tao pero kusa na akong naiyak. Sino bang hindi?

"Palabasin nyo na sya, pero 'wag nyong pwersahin," bilin ko sa staff na nakausap ko kanina saka ako nagmadaling lumabas papunta sa parking lot ng aming hospital.

Pagdating sa sasakyan, tulala akong nakatingin sa bintana habang karga ko sa aking braso ang tulog na si Paradiso. May mga takas na luha ang lumalabas mula sa aking mga mata, pinupunas ko lang iyon kahit na sobrang dami nila.

Ang dami ko na namang naiisip. Ang dami ko na namang sama ng loob sa aking dibdib. Ang dami na namang kasalanan sa akin ni Paraiso.

Paano ko pa sya magagawang patawin kung hindi pa nga tapos ang isang problema ay nadagdagan na naman ng isa pa?

Nagtungo ako agad sa aking kwarto pagdating sa mansyon. Wala pa ang parents ko at si Roviann, si Kuya Gideon naman ay nasa bahay na nila ni Direk Tanya noon pang araw na naihatid nya ako dito sa amin.

Malungkot ang kwarto ko pagtapak ko pa lang ng aking mga paa sa loob. Pagsara ko ng pintuan ay napaupo ako agad sa sahig, umiyak na naman ako ng walang tigil. Humihikbi akong gumapang papunta sa aking kama noong matapos akong umiyak.

Kinabukasan ay tahimik na naman ang buong mansyon. Kaaalis lang ng parents ko kasama ang kambal papuntang Germany. Sumama ako sa paghatid sa kanila sa airport. Naiyak ako noong nagpaalam ako sa kanila, sinabi ko kay Mommy na sya na ang bahala sa kambal lalo na kay Paradiso. Hindi pa kasi sya sanay sa kanyang nurse.

Mga katulong lang ang nadatnan ko sa mansyon pagbalik ko sa mansyon. Wala si Roviann, hindi ko alam kung nasaan. Pero nagtaka ako dahil puro yellow tulips ang mga bulaklak na nakalagay sa bawat vase.

"Saaan galing?" tanong ko sa isang kasambahay na nakasalubong ko.

"Galing po kay Sir," tinuro nya ang daan papunta sa aming garden.

Sir? Si Alejo?

Naglakad ako papunta sa garden hanggang sa mapansin kong parami ng parami ang mga yellow tulips sa aking daraanan maging sa sahig.

Isang lunch set up ang nakitang kong nakaayos sa may garden nang makarating ako duon. Nakatalikod si Alejo noong una, nang humarap sya ay ang nakakaloko nyang ngiti ang ipinakita nya sa akin. And as usual, he has these beautifully arranged yellow tulips on his hand.

~~~

AN/ May group na po tayo sa FB! Para sa updates and other info, just search "Sacchariferiousdreams' Stories"

Salamat! Hintayin ko kaya dun ha? :)

Continue Reading

You'll Also Like

397K 6.6K 135
R18| Mature Content | "Our Sakari, cant you see we broke all the rules just to be with you?" "Anong Pakiramdam na mag obsess sayo? Hindi lang Isa, Hi...
518K 2.6K 74
A typical love story. About: Love, Romance, Dreams, Family,Sacrifice and Success -edge- This is my story.... Kung may kapareho man.. I mean.Plot, nam...
4.3K 149 29
Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" ...
320K 6.1K 47
SIN,FORBIDEN AND INCEST, that's how I i describe our story... TOP & KARIE (HEARTLESS SERIES #1) --Y_s
Wattpad App - Unlock exclusive features